Transcript Evidence.docx

  • Uploaded by: just lostinthewoods
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Transcript Evidence.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 4,631
  • Pages: 6
1. 3. 5. A. MECCA MAGSINO (PRO)

2. 4.

“So my perception on lowering the minimum age of criminal liability in the Philippines is that it is important to know of the child what is morally right and morally wrong. The lowering age in criminal liability has its advantages and disadvantages like if you are in favour, yes I am in favour because we all know that almost a high percentage of criminal are done by children, to build or create a program to separate adult so this will develop a program, for example, if the person or yung bata naka commit ng crime with the age of 9 years old then pano yon? You would let them free? Anong gagawin nyo sa kanya? Yes, pag ano, pag na…napatupad natin yung minimum age of liability na yan, meron, ano, pwede syang makapag bago dun sa loob na yon. Isipin nyo 9 years old, makakapatay… ano gagawin natin don? Yung disadvantages naman nya, ibig sabhihin non pag di sya pinatupad, mapupunta sa bahay pag-asa yung bata pero ang mangyayari sa kanya, yung advantages to ha nung being a con. Pag con ka kasi sa minimum age liability, pwede sya mangyari na 9 years old, nakapatay punta sa bahay pag-asa then after non wala syang criminal record kasi hindi naman pinatupad yung minimum age liability, pero kung pinatupad yon tapos 9 years old nandun sa bata, nandun sa bahay pag asa edi ang mangyayari may criminal record na sya, so yun yung advantages at disadvantages ng minimum age of criminal liability. Simple because uhm, yung people ay walang discipline lalo na dito sa Philippines. Importante na alam namin yung stand about dito criminal liability kasi as a Youth or as a student kailangan na marinig nung bawat tao kung ano yung opinion ng bawat isa kung against ka ba or pro or con or gusto mo to ipatupad or hindi para, hindi yung sa government lang natin mag iistand kung sila lang ba yung magpapatupad nito.”

B. PATRICIA UMALI (CON) “Perception ko sa lowering the minimum age of criminal liability sa pilipinas is against ako kasi para sakin prevention is better than cure. Kung iiimprove nila yung mga rehabilitation, mas maaano yung mga kabataan na gumawa ng masama. Dito kasi sa pilipinas napaka daming walang disiplina kaya nakaka commit ng crime. Importante na malaman ng bawat isa na magkakaroon ng gantong act, dapat malaman ng bawat isa para mas alam nila, mas aware sila na may gantong pinapatupad na batas. Siguro ang advantage nito is matututo yung mga bata na hindi na gumawa ng crime. Siguro yung dis adavantage nito is magkakatrauma yung mga bata.”

C.

JEROME CASTILLO (NEUTRAL)

“My perception about the lowering the minimum age of criminal liability in the Philippines is all about pagpapababa ng edad sa pagbibigay ng kaso, sa paghahatol sa isang minor de edad na sinasabi na under 12 years old ibababa ang juvenile crime sa 18 years old to 12 years old. Yun lang. Sa tingin ko kaya ang juvenile crime is rampant in the Philippines is kasi ginagawang advantage ng mga minor na bata na gumawa ng crime dahil alam nilang hindi sila makukulong kahit gumawa sila ng mga criminal acts na labag sa batas ng pilipinas, yun lang. Bilang isang criminology, nais naming tumulong sa mga researcher na kung ano yung perception namin about sa pagpapababa ng criminal liability in the Philippines. Para

magkaroon din ng magandang kalalabasan o magandang pag aaral about ditto. Mas matutulungan nito yung mga kapulisan natin na mas lalong mapaunti pa yung mga kriminal, juvenile crime na ginagawa ng mga kabataan at mapipigilan din ditto ang pag gamit sa mga kabataan sa mga masamang Gawain tulad ng mga sindikato, ginagamit nila yung mga kabataan para gumawa nito dahil alam nilang hindi makukulong ang mga bata skapag gumawa nito. Pag aano ng mga droga halimbawa, yon mapipigilan non pag ka na implement ito. Yun lang. Ang ano lang naman nito, ang weakness nitong pag iimplement ng lowering the minimum age of criminal liability in the Philippines, kapag nakulong yung mga bata mamumulat natin yung mga bata Sa katotohanan na yung mga masasamang Gawain dahil makakahalubilo nila yung mga mas nakakatanda sa kanila na gumagawa din ng masama. Kasi merong theory na, Differential Housation Theory na nakaaapekto yung society, yung environment sa isang bata o tao base sa kanyang development kung paano sya lalaki kaya sa tingin ko kapag nakulong sila kasama yung mga mas nakatatandang kriminal, mas lalo lang lalala yung criminal intent nila na gumawa ng masama.”

D. JAYSON CAPCIO (NEUTRAL) “My perception is yung criminal liability sa pilipinas po kasi 18 years old pababa bawal pa po makulong at tsaka pag 18 years old pataas ka na nakagawa ka ng crime pwede ka ng makulong, pero pag 18 years old pababa ka pupunta ka sa DSWD o sa bahay pag-asa. Because the criminals know that the child below 18 years old ay hindi sila makukulong. Kaya mas pinipili nilang utusan ang mga bata na gumawa ng krimen.

sa advantage naman ng pagbaba ng krimen sa pilipinas, dapat kasi yung mga batang mababa pa ang edad under pa sila ng magulang nila, yung magulang parin dapat nila ang nagtuturo sa kanila ng tama at mali, yung mga bata naman kasi alam nila ang tama at mali pero hindi nila alam kung paano ito ia-apply. yung disadvantage naman nung criminal liability nay un, masyado pa silang bata para makulong. Hindi pa masyadong nagmamature yung isip nila para sa ganitong bagay.”s

E.

SHELA PINEDA (CON)

“Para sakin mas mabuti kung magpatupad ang government natin ng mga seminars para sa mga kabataan at para sa mga magulang at dagdagan ang pondo para sa libreng edukasyon para sa mga kabataan. Kasi kalimitan sa mga batang nakakagawa ng krimen sa Pilipinas ay yung mga batang out of school youth mas mabuti nang mag isip ang pamahalaan kung pano ma-prevent ang mga ganitong klase krimen. Kasi nga marami sa mga kabtaan ngayon walang sapat na edukasyon saka marahil narin dala anrin ng kanilang kahirapan kaya nakakagwa sila ng ganitong krimen So as a criminology student kelangan ko din maging aware sa kung anong yung nangyaryari as paligid ko para narin ako ma inform.” So ayun makukuha nila (biktima) yung ano, yung hustisya at mababawasan ang mga kabataan nakakagawa ng krimen pero yung disadvantage neto, parang magpapatuloy parin yung krimen hindi mababawasan yung mga kabtaang nasasangkot sa krimen kasi hindi naman tayo nagiisip kung paano natin mape-prevent yung ganitong klaseng kas epara sakin ‘prevention is better than cure’”

F.

NICOLE SAYSON (PRO)

“Para sakin ano ako, pro ako. Feeling ko yung mga hindi nag-aagree dun sa lowering the minimum age of criminal liability is hindi nababasa ng buo yung mismong bill’ senate bill na gusting isign ni duterte. Sa tingin ko yun lang yon, nagbase sila sa emotion nila na kasi bata yan, ganito ganyan. Wala pa silang at of discernment. Pero para sakin nabasa ko ng buo yung bill na pinoprose nila kaya pro ako dun. Tapos may mga steps naman kasi, hindi sila agad agad dadalhin sa jail o prison, hindi sila isasama dun sa 18 pataas na gumawa ng crime. I rerehab sila, bago pa nga sila irehab tatanungin pa sila ng social worker kung may discern bang naganap o knowing what is right or wrong. Kapag nalaman ng psychologists na ano, na may discernment o alam nila yung ginagawa nila tsaka palang sila dadahin sa proper jurisdiction kumbaga dun palang aayuhsin yung kaso nila tapos hindi pa sila, little did others know hindi pa sila kakasuhan. Kumbaga kakasuhan lang sila kapag nakaano na sila sa age na 18. Halimbawa 12 years old nangrape ka nga, tapos napatunayan na nangrape ka nga dadalhin ka nila sa rehab tapos before 18-12, so 6 years kang nasa rehab o bahay pagasa. Sa 6 years nayon may kalayaan ka. Pwede ka makapagaral at libre ang pagkain don. Rehabilitation. Tapos 6 years yon, kapag nakarating ka nang 18 years old. Dun palang ikakaso sayo yung kinaso mong rape, dun mo palang pagbabayaran. Tapos sa bill na yon kapag nakarating ka ng 25 years old saka ka palang, kumbaga kahit ang sentence mo halimbawa ay 10 years, basta kapag nakareach ka ng 25 years old dapat laya kana. Kahit ang sentensya sayo ay halimbawa 30 years old ka dapat pag dating ng 25 nakalaya kana. Para sa akin, ang juvenile crime diba ay minor crime yan? Para sa akin hindi kagustuhan ng bata kumbaga environment nayon, environment na kung bakit sila nakagawa ng crime. May 2 tayong dapat tandaan, may legitimate means tayo at cultural goals, ang legitimate means natin ay ano opportunity na makapagaral at makapag trabaho ng ayos ayon kumbaga eh

nagkakaron ng block o nagiging hinder yon kasi nga mahirap sila hindi sila makapag aral kaya anong gagawin nila para ma-attain ang cultural goal nila, gagawa sila ng illegitimate means or yun nga gagawa sila ng crime. Para sa akin ang Juvenile Crime ay rampant because of poverty na hindi naman nila ginusto na gumawa ng crime nakakagawa sila ng crime is because of society, society na rin eh. Para sa akin siguro mababawasan yung ano, yung mga taong nanghuhuli ng mga bata o mga taong gumagamit ng bata para sa human trafficking. For example, nakulong ka kasi ginamit ka sa human trafficking I mean hindi ka nakulong inirehab ka halimbawa naipasa ang batas na yon irerehab ka pag maraming batang narehab gawa ng human trafficking ibig sabihin yung mga sinadikato mawawalan sila ng access na makakuha ng mga bata ulet kasi nga yung mga batang kukunin nila nasa rehab nila. Sa tingin ko iyon yung strength, mababawasan yung mga sindikato na makakuha o manggamit ng bata. Disadvantage kasi, ako hindi naman ako against sa law rather against ako sa implementation ng law kasi sana naisip muna nila yung budget ng law na to kasi for now ang mandated kasi ng law ay 140 na bahay pag asa, nung 2016 pa to, dapat 160 na yung bahay pagasa na ipapagawa na para nga sa mga minor na naka commit ng crime. Ngayon, 35 pa lang yung operational o kumbaga active, 35 pa lang. pano kung naipasa ang tong law na to biglang may mga bata na ano sobrang dami pala ng mga bata hindi nila na estimated yung dami ng bata na ire-rehab nila. So pano na yon, san sila? Kung ang bahay pag asa ay 35 lang, imagine nationwide na yon buong pilipinas na yon 35 lang. eh ang population ng mga children in conflict with the law ay sobrang taas, papano yon? Sa tingin koi yon budget tapos facilities. As a Bs Criminilogy student, knowing that im going to be a future law enforcement officer. People must know my perception kasi, future generation kami kami yung susunod na mageenforce

o mag eenact ng mga batas na I mean may advantage kami kasi alam na naming. Nakita na naming yung mali ng present administration, sa future administration alam na naming kung paano itatama yon. So sana ano, yun yung importansya ng knowing the perceptions of BS criminiology students kasi aware na kami sa batas, aware na kami sa nangyayari ngayon, aware na kami sa drawbacks saka dun sa mga negative sides ng present administration, so we must know na kung ano naman ang gagawin naming sa future para ma set yung standards kung ano ba talaga ang criminal justice system dito sa pilipinas at dapat yung Sistema na yon is for justice, is for attaining justice ng karamihan. For the common good.”

G. KENAN CARANDANG (PRO) “Ah para sa akin, PRO ako. Kasi maraming mga bata ang ano, dahil hindi sila naka pagaral maraming nagagawng crime rin. Kunwari yung mga nag da drugs na bata, kaya kung mapapatupad yung lowering the minimum age ano parang matatakot na yung ibang bata na gumawa ng crime kasi may mga bata ring nandurukot o nangiisnatch… sa 7 eleven. Ang Disadvantage siguro ay wala silang kalayaan na katulad ng ibang bata na kasama ang magulang. Saka yung parang malulungkot sila kasi Malayo nga sa magulang, hindi nila mararanasan yung katulad ng ibang bata na may magulang, habang tumatanda sila hindi nila nakakasama yung magulang, magpapasko sila ng hindi kasama yung magulang. Saka ano wala silang fiesta. Kasi yun nga dahil yung mga kinukulong lang ay above 18 kaya yung mga batang hindi nakukulong yun yung ano parang mga sindikato na kunukuha yung mga bata para hindi sila makulong ay dahil hindi sila nakukulong mga bata ang kinukuha nila para

kunwari para magebntna ng marijuana, shabu dahil hindi sila makukulong. Hindi sila makukulong.”

H. KIM LAT (PRO) “Sa tingin ko mas maganda yung batas na ipatutupad nila, yung lowering the minimum age of criminal liability, 12 nga to diba? Ibaba nila sa 12? Kasi kung mapapansin natin ngayon yung mga kabtaan ngayon nmas marami nang case ng krimen ang kabataan ngayon. Mas maganda kung pabababain nila dhail mas madedevlop yung mga kabataan ngayon habang mas maiisip nila na habang bata pa sila yung, mas madidisplina dahil sa pagpapababa ng criminal liability. Kumbaga mas maiisip nila na gumawa nalang ng tama kesa gawin nila yung mali na pwedeng makulong dahil don. Sa tingin ko magiging advantage lang ng pag papababa ng criminal liability ay yung ano mababwasan yung mga paggamit ng mga sindikato sa mga bata na kunware katulad na lang ng sa human trafficking saka sa yung sa drugs. Diba lagging kalimitan nakikita natin nung mga nag aabot o pusher ay yung mga bata syempre hindi sila pwedeng kasuhan kasi mga bata pa nga sila hindi pa pasok yung edad nila para mabigyan sial ng mga punishment na nararapat yun ganun. Yung ang magiging advantage. Siguro yung disadvantage ay yung possible na mas gumamit yung mga sindikato ng mas mabang edad kesa sa mga age na 12 yon. Importante yung opinion naming dahil ano makaktulong to sa mga kumbaga hindi nakakalaam ng batas tapos makakakuha sila ng idea dahil sa opinion namin.”

I.

KRISTIAN LINTAN (CON)

“Para sa akin yung sa sindikato inuudyukan lang sila para gawin yung mga kasalanan para mapakinabangan sila ng sindikato saka hindi nila alam yung ginagawa nila kung masama ba o mabuti.” Kasi kaya rampant ang crime rate ng mga bata kasi pag ginamit nila yung mga 18 years old pataas makukulong na eh yung 18 below hindi pa makukulong sa bagong implement ng batas na 12 years, pwede yun kasi mababawasan ang crime rate ng mga bata para hindi sila makagawa ng crime at para hindi sila magamit ng sindikato kung san mang bagay na masasama. WHO DO YOU HELD LIABLE FOR JUVENILE? ENVIRONMENT, PARENTS, or JUST OPPURTUNITY TO CAUSE CRIME?

Para sa akin eh sa environment, ginagawa ng mga bata gusto nila makatuklas ng bago kunyare sa pag magra-rugby mga ganyan gusto nila itry para malaman nila ang pakiramdam nila pag sila’y nasasarapan dun ginagawa parin nila patuloy hanggat hindi sila nakikita o naisusumbong sa pulis ganyan.” Kasi sabi ko nga sa una, hindi pa sila capable na magisip na kung ano ang tama at mali sa kanila hindi nila alam kung ginagawa ba nila ay tama o mali kailangan parin ng patnubay ng magulang para sa gagawin nilang desisyon. Para sakin kasi ang lowering age of criminal liability ay mali kasi kung papano kung gamitin ng sindikato ay mas mababang edad mag iimplement na naman sila ng bagon batas bababa nan g baba ang criminial age of liablity. Kami ang future na hahawak ng batas eh. Mababwasan ang crime rate sa mga bata pero hindi parin strength yun eh kasi papano nga kung mas bat aba ang ginamit nila edi magiiplement na naman sila ng bagon batas saka

pano yung mga batang mahihirap nauudyokan sila ng masama para lang sa kagustuhan nilang magkapera.

J.

ANGELO TOLENTINO (PRO)

“My perception is, for me mas PRO ako kasi ngayon depende na sa bata kung gagawa ka nung tama o mali kung napalaki ka ng magulang mo ng ayos o nasusuportahan ka. Kasi ngayon kahit 12 years old ka o 13 alam mo na yung dapat mong gawin kasi yun nga depende yun sa envorinment. Yung nga sa parents, mo sa family mo.

K. MARVIN RENALES (PRO) “Para sakin, ayos lang naman na ibaba yon kasi para syempre para din sa kaligtasan ng lahat kumabaga kahit na bata sila dapat mabigyan sila ng karampatang parusa diba. Siguro kasi hindi sila nagagabayan ng maayos ng magulang nila tapos naaabuso rin sila ng mga sindikato ginagamit sa mga krimen gaya ng sa mga droga gingamit yung mga bata parang runner ganon sa kanila pinapaabot ang mga droga ganon. Ano kasi syempre diba BS Crim kami, field kasi naman to about sa mga kasong ganito

Sakin ano kaya siguro madalas yun nagagawa ng mga bata dahil sa hirap ng buhay tapos hindi sila na susuportahan ng maige, hindi sila nakakapag aral. Tapos malalaman nila yung tama at mali.

Siguro makukuha ng mga biktima ynug hustisyang gusto nila. Kahit naman bata yung nakagawa ng krimen sa kanila parang dapat lang naman yon na makuha nila yung hustisya at yung bata maparusahan din.

Syempre, napapagaralan naming to napapagdaans iguro makakapag bigay kami ng advice o ng tulong katulad nalang sa for example mga kapatid ganon mabibigyan sila naming ng advice at tulong para malaman nila yung maaring mangyari saknila pag gumawa sila ng mali, mga consequence.

Yung mga bata siguro matatakot yun tapos kunware makulong sila kakaawa sila naman ang mga yon kasi syempre yung mga nakukulong kasi matatanda, sadyang mahirap sa loob ng kulungan mabubuogbog pagsasamantalahan saka hindi maayos ang facilities hindi makakain ng maayos hindi makakapgaral kaya sobrang laking effect non.”

For me siguro ang advantages nun ay baba ang crime rito satin saka maiinform yung iba kung anong magiging maaring maging kaparusahan non mainform yung mga kabataan syempre makikita nila yon at sa ganon, na gayun yung mga nangyayari saka dapat meron din talagang punishment o kaparasuhan kapag nakagawa ka ng siang crime na bat aka pa. Siguro kakailanganan natin ng facilities, dapat kahit nahuli sila o nakulong dapat ituturing natama hindi aabushin hindi paparusahan ng sobra parang patas lang.”

L.

JOYCE MONTEROZO (CON)

“Para sa akin against ako sa pinopropose nilang law kasi first of all kailangan natin malaman muna yung budget at facilities bago nila ipatupad iyon. Dapat malaman muna nila yung previous data about dun sa facilities nga sa tingin ko kakaunti alang ang bahay pagasa yung paglalagakan ng mga children in conflict with the law what if sobrang dami, san sila ilalage? Hindi naman sila pwedeng isama sa prison cells ng mga edad 18 pataas kasi hindi pwede yon. Pangaalawa naka sign tayo sa UN, UN convention on

the rights fo the child kapag yung UN na yon may nakalagay dun na ano kaialangan protektahan againdt all odds ang rights ng mga bata kahit anong gawin nila. Kung isasawalang bawala natin yung ibig sabihin isiniwalang bahala na rin yung pag ta tie up natin sa ibang bansa kasi UN yun eh United Nations, so ibig sabihin hindin atin nirerespeto kung ano manyung pangkalahatang desisyo sa united nations. Kasi dun palang sa rights ng mga bata tumagilid na tayo pano pa sa ibang rights diba edi magigin iba ung tingin satin ng ibang bansa kasi hindi natin natupad kung ano man yung isinign natin sa UN Convention on the rights of the child. Para sakin hindi kasalan yun ng bata, para sakni kung gusto nila magpatupad ng batas na bababa yung crime rate dito sa pilipinas kahit hindi na dun sa bata why not give harsher penalties dun sa mga magulang sa liable roon sa bata. Bakit bata yung pini pinpoint mo , bakit abta yung point of ano mo. Bakit sila ang sisisihin mo in the first place. Kasi kahit naman may discernment sila o kahit alam nila ang ginagawa nila, my rights parin sila. Ang problema lang ay hindi nila maipaglalaban yun kasi ng mga bata sila. Why not harsher penalties nalang dun sa mga bata o sindikato imbis na sa bata mismo. Kaya siguro Tumataas yung crime rate why not bago nila ipasa yung law nay un bakit hindi muna isipin yung root cause kung bakit sila gumagawa non. Halimbawa education, why not magbigay sila ng malaking budget para sa education talaga tas dun nila titignan kung bata na bata talaga ang may kasalanan o dahi nawawalan sila ng opportunity na makapag aral. Para sa akin kung ako ang magulang maiintindhian ko kung ang paparasuhan ay magulang. Kasi sa tingin ko nag rereflect sa kung anon gang tinuturo ng magulang kung ano ang gagawin nung bata pero may disadvantage yun kung paano walang kinalakihan na magulang, dun papasok yung gma gangs or mga group dynamics kumbaga naapektuhan ang magiging desisiyon ng bata depende sa kung ano ang society o grupo ang kinalakihan

niya hindi lang siya desisyon ng siya mimso kumabaga bago niya gawin yung bagay nayun nakita na niya sa iba, kasi ginagwai din ng peer o nakikita niya sa magulang niya may ganun silang behaviour na hindi naman naaano ng magulang sa bata. Responsibility ng magulang na inurture ang bata kasi sila rin naman ang may kagustuhan na buhayin yung bata. Para sakin liable ang magulang don. Sa tingin ko mako control naman siya pero hindi agaran makocontrol kasi knowing yung batas natin or sistema ng criminal justice may butas parin kahit naman ipatupad tong batas nato meron paring mapapawalng sala o mabibigyan ng sala kahit hindi niya naman kasalan. Kumabaga may butas parin kahit mag pro ako kasi hindi na ako ang magdedesisyon niyan kundi yung mga nasa upper like president and senate. Kumbaga boses lang tayo.”

As a Criminology student, hindi lahat ng criminology student ay pro or hindi dahil alam nila ang batas ay magiging pro na sila regarding sa bil na ito, may mga criminology students parin na aayaw sa batas na to kasi may psychological impact sa bata at hindi naman porket alam mo yung buong anong batas mag da dive ka na o papayag ka na sa lahat ng batas na ipapatupad ng present administration hindi pupwede lagging ganon kasi kami parin ang susunod sa yaapak nila so ngayon pa lang ay dapat ayusin na nila.”

M. Whena Landicho (PRO) “Tungkol dyan is PRO ako sa pagpapababa ng age of criminal liability sa PIlipinas dahil may mga benefits nga at advantage yon sa country natin at bawat individual.” Sa aking pananaw is siguro dahil sa parenting ng parents, and ofcourse sa social media. Matunog ngayon ang social media

lalo na sa panahon ngayon at era ngayon lalo na sa mga milenials so siguro naaapektuhan narin sila kung paano sila magisip at naiimpluwensiya silang gumawa ng masama. Ang advantage nun is bababa yung crime rate sa Philippines. Nagsisimula yung krimen sa mga bataa lalong lalo na nnaiimpluwensiyahan sila ginagamit sila ng mas nakakatanda and minsan sila mismo yung, trip lang nila kumbaga sumasabay sa uso ang mga bata. So sa mental health nila, iisipin nila hanggang sa paglaki nila na isa na lang silang kriminal lalong lalo na diba uso yung bullying. So sasabihin ng iba tao sa kanila na ‘ay kriminal nayan bata palang’ so parang isisiksik nila o parang made-depress sila at magkakaroon pa sila ng other issues about metnal health nila. As a criminology nga, importanteng malaman yung perception naming regarding dito kasi kami yung future na mageenforce ng batas na to o ng law na to and kami yung magpaptupad nito sa tingin ko napakahalaga nitong perception naming para sa isang study katulad nito.”

Syempre bilang kabataan natatkot din silang gumawa ng krimen so pag nalaman nilang 12 anyos na ang edad na pagpapakulong pag ikaw ay nagcommit ng krimen, matatakot sila kasi mga bata sila sumusunod din sila sa batas at ayaw naman din nilang lalong mawalan ng pagasa sa buhay. Sabihin na natin 12 anyos ang nakulong, mawawala tala sila sa sarili at bababa ang kumpiyansa nila at lalong mapapaisip na ‘ bata palang ako kriminal na ako bat di ko na lang ituloy diba’. Mawawalan lalo sila ng aruga sa kanilang magulang at mawawalan lalo ng koneksyon sa kanilang pamilya sapagkat ang mga nas loob ng kulungan ay lahat yan kriminal kaya maiimpluwensiyan lalo sila. Tapos pagkalabas nila wala silang trabaho agad na makukuha kasi meron na silang record sa pulisya kaya lal osilang mahihirapan mapapaispi sila na magiging kriminal na lang ako rin habang buhay, kriminal naman din ako nag umpisa bat di ko na lang tapusin hanggang hukay. Bilang nagaaral ng pulisya, sa susunod na mga taon pulis narin ako, kami yung may karapatan na gumawa ng batas kaya dapat siguro dapat naming aralin yung patungkol ditto sa criminal liability sa pilipinas.”

N. Michelle Vicencio (NEUTRAL) “Ang persepsyon ko patungkol sa lowering the minimum age of criminal liability is yung pagbababa ng edad na 18 patungo sa 12 na pagpapakulong sa mga nagko commit ng krimen. Sa tingin ko marami nang nakakasalumha ang bata ng krimen sa pag-aaral naming ang mga bata is nawaawalan ng aruga ng magulang dahil na nga sa kanilang environment na puro kapwa kabataan din nila naimpluwensya silang gumawa ng krimen kaya siguro ano ganon natutukso silang gumawa ng krimen kaya napapababa ang criminal liable age.

15. Moises Juarez (CON) “Para sa akin, con ako sa lowering the minimum age of criminal liability in the Philippines kasi diba isa siyang isyu sa Pilipinas ngayon kung saan kinakailangan babaan yung age ng criminal laiblity ng isang bata doon ma detetermine kung dapat bang ikulong ang isang batang nakagawa ng krimen. Rampant siya kasi, diba nga yung mga bata… unang tanong kasi ditto sino ba yung liable dun sa mga bata? Eh base sa studies ang bata na may edad higit 16 sila yung wala pang discernment, yung tinatawag nating discernment ito yung

kakayahan ng bata na makapagisip ng tama o mali. Ngayon, rampant ang juvenile crime sa Pilipinas is dahil nga yun mga bata napapabayaan. So kung maiimplement man yung batas, though con ako, siguro hindi non masosolusyonan yung mataas na crime rate kasi wala namang statistics na nagsasabi na kung bababaan ang criminal liable age eh bababa rin yung crime rate. Its like, were just taking risking on something that is not truly accurate so kung gagawa ang government ng isang batas dapat isinasaalang alang muna lahat nung pwedeng maging consequence kung gagawin man yung batas. Disadvantages non… oo meroon. Yung nga eh, that’s the point kung ikukulong yung bata o sabihin man natin dadalhin sa rehab kung ganoon, there are case at disadvantage sa kanyang mental health development kasi iisipin nung bata kapag dinala siya sa rehab, intervention o kulungan maiisip niya na sia na siyang kriminal which is not enough o label a child eh bata nga yan eh. Bakit mo hahayaan na masira yung buhay niya though I believe na ang mga bata kasi ‘what you see, what you get yan’ hindi siya liable sa kung anong ginagawa niya kasi meorn at meroong nakakaapekto dun sa bata, may it be the environment, community, society or the parents itself. So kung ano man yung ginagawa ng bata posible dahil yung ang ang nakikita sa magulang o walang magulang, so who do we held liable? As Bs Criminilogy students kami yung future na mag eenforce ng law, kami yung hahawak nung batas, kami yung sa future gen kami na yung nandoon sa position. So mahalaga yung stand namin dito sa research na to kasi we understand the researchers. Napakakaraming maging respondents at kaming BS Crim ang nagging respondent nila just because we have enough knowledge or napagaaralan na naming ang isyu na to at the same time talagang dadaan at daan sa amin ito oo kami na nga yung uupo o kami na yung magiging enforcer nung mga batas.”

Related Documents

Transcript
December 2019 58
Transcript
June 2020 19
Transcript
July 2020 7
Transcript
December 2019 42
Transcript
May 2020 12
Transcript
May 2020 14

More Documents from ""

Intro To Findings.docx
November 2019 24
Transcript Evidence.docx
November 2019 8
Method.docx
November 2019 11
Research English.docx
November 2019 10
Document.docx
November 2019 13