Ang Tiririt ng Ibong Adarna Ni Elmer L. Gatchalian Mga tauhan Payaso Haring Fidelio Ministro Babae Prinsesa Mina Prinsipe Anton Reyna
Doktor Nars Matanda Halimaw Ibong Adarna Kapre SCENE 1 (Papasok ang payaso) PAYASO/MATANDA PROLOGO 1 To the tune of “halik by aegis” Meron akong kwento Napanood niyo na ito Medyo iniba pakinggan niyo ohh…. Si Elmer Gatchalian ang may kagagawan Halinat pakinggan inyong malalaman Noong unang panahon sa Yodapapwa May isang hari magugulat ka. May dal’wang anak sina Anton at Mina Haring Fidelio ang pangalan niya Meron siyang batas(3x) Meron siyang baaaataaaaaasssss.. Chorus: Ang babae,pambahay lang Ang lalake,lumalaban Bakit ganyan ang gusto mo.
FIDELIO Hoy, payaso! Tumigil ka na dyan sa pagpapalabas mo! Hindi ikaw ang bida dito! Kapag di mo sinimulan ang pagkukwento sa loob ng sampung Segundo, hindi ka na sisikatan ng araw! PAYASO Sorry, Haring Bosing! Akala ko kasi makakalusot ako para ako ang maging bida dito PAYASO Opo, Haring Bosing. Gaya ng narinig nyo, ako nga ang payaso. Ang dakilang payaso sa kaharian ng Yodapapwa! Nakahandang magbigay aliw depende sa mapagkakasunduan! FIDELIO Bilisan mo! PAYASO Opo, haring bosing! Buweno simulan na natin ang kuwento! (maglalabas ng malaking torotot) Ang hari ng Yodapapwa, si haring Fidelio. (hihipan ang torotot pero mintis ang tunog nito) Sori po, haring bosing. Ulitin po natin. (maglabas ng mas maliit na torotot) Ang hari ng Yodapapwa, si haring Fidelio. (hihipan ang torotot pero mintis na naman ang tunog nito) Naku haring bossing, pasensya na kayo! Ito na po talaga ang totoo. (maglabas ng pinaka maliit na torotot) Ang hari ng Yodapapwa, si haring Fidelio.
(hihipan ng payaso ang torotot at laking gulat niya na lumabas mula dito ang isang napakalakas na tunog parang funfare. Papasok si Haring Fidelio. Magmo-model siya. Magmamayabang. Maya maya lang ay mapapaupo ito sa pagod) FIDELIO Ministro! Ministro! (papasok ang ministro) MINISTRO Bakit po mahal na hari? FIDELIO Ipatawag ang mga nasasakdal! MINISTRO Masusunod, mahal na hari. Payaso, tawagin ang nasasakdal! PAYASO Ipinapatawag ng mahal na hari ang nasasakdal! (lalabas ang payaso. Papasok ang babae) Eto na po siya, mahal na hari. FIDELIO Ano ba ang kaso nito, ministro? MINISTRO Ang babae po ay inihabla ng kanyang asawa sa salang… BABAE Di pagluluto. MINISTRO Di pagluluto. BABAE Di paglalaba MINISTRO Di paglalaba BABAE Di pagsusulsi ng damit. MINISTRO Di pagsusulsi ng damit. BABAE At di paghuhugas ng pinggan. MINISTRO At di paghuhugas ng pinggan. FIDELIO Yon lang, ministro? MINISTRO Yon lang po, mahal na hari. FIDELIO Babae, totoo ba ang kasong inihabla sayo ng sarili mong asaw? BABAE Totoo po, mahal na hari. But I can explain. FIDELIO No, no, no, no! you have the right to remain silent. BABAE Pero mahal na hari, dapat malaman ng kamahalan na ako po’y di na natutuwa sa aking kalagayan. Nararamdaman ko po na ako’y hindi ipinanganak upang maging sunudsunurang asawa na lamang habang buhay. FIDELIO Hindi mo ba alam na ang mga babae sa Yodapapwa’y ipinanganak para maging maybahay ng mga sundalo nating kalalakihan? ‘Yan ang ay isang batas. Isang tradisyon na hindi basta- basta sinusuway! BABAE Gusto kong maging artista? FIDELIO Artista? But we already have Kris Aquino in the movies? BABAE Esmyuski, mahal na hari, di hamak na mas magaling akong kumanta, sumayaw, at umarte kay Kris Aquino, ‘no! And besides, hindi ako ngiwing umiyak, hindi baluktoto ang ilong ko at mas may expression ang mga mata ko ! Kaya ko ring umiyak sa TV kung kinakailangan. At higit sa lahat, mas magaling akong tumili!
(titili) Josh!!!! Josh!!!! Josh!!!!!!!! Ipe!!! Robin!!!!! Joey!!!!! Mark!!!!! Vic!!!!! Nasaan kayo????? Come to mama!!!!! FIDELIO Tumahimik! Sukat na, baliw! Kay lakas ng loob ng loob mong suwayin ang aking batas. Ang batas na sa bahay lamang nabubuhay ang mga babae at sa digmaan naman ang mga lalake. Walang sinumang maaaring makabuwag sa batas kong iyan. At dahil sapaglabag mo sa aking utos, ipapataponka sa kulungan! Payaso! (papasok ang payaso) PAYASO Bakit po, kamahalan? FIDELIO Ipatapon sa kulungan ang baliw na ito at ipapanood sa kanya ang lahat ng massacre movies na nagawa ni Kris Aquino hanggang sa lumuwa ang kanyang mga mata at isuka ang kanyang bituka’t balumbalunan! PAYASO Ngayon din po! Masusunod ang inyong kagustuhan kamahalan! BABAE Mahal na hari, pagsisilbihan ko na po ang aking asawa. At hindi na po ako mangangarap na maging artista. Wag nyo lang po akong ipakulong, parang awa na ninyo! FIDELIO Ipagpatuloy mo ang iyong kalokohan… sa kulungan… habambuhay! BABAE Napakalupit nyo , Haring Fidelio. Sadyang napakalupit nyo! Isinusumpa ko sa kaluluwa ng aming mga magulang, ng magulang ng aming magulang, at ng magulang ng magulang ng aming magulang… LAHAT He! BABAE Kakapitan kayo ng nakapandidiring sakit. Mahahati ang katawan ninyo sa dalawa. At ikahihiya kayo ng buong kaharian ng Yodapapwa! Bwahahahaha!!! FIDELIO Ministro! Dalhin na siya sa kulungan ngayon din! MINISTRO Opo kamahalan. Labas na! Labas! (kakaladkarin ng ministro ang babae palabas) BABAE Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko! Isinusumpa ko rin na gagawing pelikula ang aking buhay! Josh!!!! Josh!!!! Josh!!!!!!!! Ipe!!! Robin!!!!! Joey!!!!! Mark!!!!! Vic!!!!! Nasaan kayo????? Come to mama!!!!! (tuluyang mailalabas ang babae) SCENE 2 (papasok ang payaso, dala ang isang tambol) PAYASO Ipinagkakapuring ipakilala ng Kaharian ng Yodapapawa ang mga anak ni Haring Fidelio! Si Prinsipe Anton at si Prinsesa Mina! Palakpakan natin sila! (patutugtuin ng payaso ang kanyang tambol. Papasok sina Mina at Anton) FIDELIO A! Ang aking mga anak! Ang tanging ligaya ng aking nabiyudong buhay! ANTON Kay aga yatang nabulabog ang inyong kamahalan, papa? FIDELIO Ang sabihin mo’y maaga akong binulabog ng baliw! Ang babaeng ‘yon ay hangal. Gustong maging artista imbes na maging maybahay ng isang sundalo. Kabaliwan! Pero ba’t ba ‘yan ang pinag- uusapan natin. Ang dapat kong kamustahin ay kayong dalawa. Kamusta na, mga anak? How’s everything? (kay Anton) Kamusta na ang aking binata? Balita ko’y malapit ka nang hirangin upang maging isang heneral sa inyong batalyon? ANTON Sa darating na buwan, papa. Magkakaroon na ng Heneral sa inyong palasyo. FIDELIO Very good, son! Very good! (makakakita ng ipis ang payaso. Maglalabas siya ng pamalo at pipiliting patayin ito ng matahimik) Pero may gusto pa akong malaman, anak?
ANTON Ano po iyon, papa? FIDELIO Kailan ko kaya makikilala ang babaeng magmamay- ari ng iyong puso? Alam mo, anak, sabik na akong magkaroon ng apo. ANTON ‘Yan po ang susunod kong haharapin, papa… ang makapag- asawa ngayong taong ito at mabigyan agad kayo ng apo sa lalong madaling panahon. FIDELIO Very well, son. Very well… (mahahampas ng payaso ang ipis. Mapapansin ito ni Fidelio) Hoy! Ano bang ginagawa mo d’yan? Di mo ba alam na nag- uusap kami ng aking binata? Naiistorbo mo kami! PAYASO Hinuli ko lang po itong ipis. FIDELIO/ ANTON Ipis! Ipis! Yuck! (mapapatalon ito kay Anton, takot na takot ang mag- ama) FIDELIO Ayoko ng ipis! Ilayo nyo sa ‘kin yan. Eeeeeeeeeiiiiiiiiuuuwww!!!!!!!!!!! MINA Para ipis lang natatakot na kayo! FIDELIO Itapon n’yo ‘yan sa dagat! Itapon! Sunugin! Tadtarin! Ipalunok sa Dinosaurs! Ayoko ng may ipis sa palasyo ko! I need someone to kill the ipis! Kill! Kill it now! Mamamatay ako! (hihimatayin ang hari. Kukunin ni Mina ang ipis at ihahagis sa labas) MINA Wala na, papa. (bigla itong mapapabangon na parang walang nangyari) FIDELIO At ikaw naman, Prinsesita iha Mina! Anong mga nagaganap sa iyong buhay na dapat kong malaman at ikasiya!? MINA (magbri-British accent) O thy King Father would be very pleased to hear that thy beautiful daughter had just prepared a sumptuous dish for thy honor’s lunch! FIDELIO Tagalugin mo na, iha. Hindi ko naintinihan. MINA Ang sabi ko po’y may bago akong nilutong ulam para sa inyong pananghalian, papa. FIDELIO At ano na naman ba ang inihanda mong bagong experimental dish para sa akin, anak? MINA Sinigang na bubuli na may sawsawang kalamansi’t sibuyas on the side. Kinilaw na dagang bukid. And the perfect conclusion to a very succulent meal, ginatang chesa with matching carrot juice for your daily beta- carotene input. (halos papasuka ang tatlo sa narinig) FIDELIO Very well, my daughter. Very well. MINA Isn’t that exciting, father? FIDELIO Very exciting. Noong isang araw ay hinainan mo kami ng kare- kareng suso. Noong isang linggo nama’y ipinagluto mo kami ng pinaupong aso. At kahapon, kahapon lang, ay pinakain mo kami ng tortang palaka na sinamahan mo pa ng sabaw na gawa sa dugo ng baboy. Napapansin ko lang, iha, na nagiging mapangahas ka sa iyong mga niluluto nitong mga huling araw… MINA Ay, papa, natutunan ko lang ‘yan sa araw- araw na panonood ng SIS nila Jelly at Janice. Asahan n’yong sa mga susunod na araw ay mas magiging kakaiba pa ang inyong agahan, tanghalian at hapunan. And not to mention, ang meryenda sa umaga at sa hapon. And the midnight snacks, of course… and not only that, papa. Mayroon pa akong isang sorpresa sa inyo! (ilalabas ang ginantsilyong panyo) Dyaran! FIDELIO Isa na naming ginantsilyong panyo! Tama na itong gamit ko ngayon, anak!
MINA Papa naman. Sige na, gamitin n’yo na ito. Ito na ang huling ginantsilyong panyo na matatanggap nyo mula sa akin. Matatapos na kasi ang cross- stitching lessons ko. So, next week, iba na ang motif ng mga panyo n’yo. Sige na, papa. Ayaw n’yo ba non, katerno nyo ang mga kurtina, bedsheets, pati na rin ang pillowcases at kostyum ng mga alila natin sa palasyo! Papa… (mapipilitang tanggapin n hari ang panyo) FIDELIO Sige, sige… Ikinatutuwa ko na pinagbubuti mo ang iyong gawain, Mina. Ilang taon na lamang ay handa ka na ring maging maybahay ng isang prinsipe. MINA (natutuwa pero halatang napipilitan) Oh, I’m so happy and fulfilled, father. FIDELIO Buweno, ako’y magpapahinga na muna. Medyo masalimuot ang pinagdaanan ko ngayong umaga. Maiwan ko muna kayo. ANTON Sige, papa. MINA Paalam, papa. PAYASO Magpapahinga na si Haring Fidelio! (Hihipan nito ang torotot. Lalabas ang Hari. Matutuwa si Mina sa pag-alis ng ama. Magsisimula siyang mag-ensayo ng kanyang karate kasama ng Payaso. Magugulat si Anton sa kanyang masasaksihan) ANTON At kailan mo pa natutunang gawin yan, kapatid kong Prinsesa? MINA Noong isang Linggo pa. Si Payaso ang nagturo sa akin. ANTON Alam na ito ni papa? MINA Alam mong hindi ito dapat malaman ni papa, kapatid kong Prinsipe. ANTON Kung gayon bakit mo ginagawa? MINA Brother, pwede ba. Huwag ka namang maging kagaya ni papa kapag tayong dalawa na lang. Mag-relaks ka naman! Alam mo naman non pa na hindi ako sang-ayon sa batas ng papa tungkol sa pagiging hanggang bahay lang ang mundo ng babae. May gusto rin ako para sa sarili ko at iyon ay ang Mabuhay…. Gawin ang isinisigaw ng aking puso…. Maging Malaya….I’m only human… May sariling pag-iisip at puso…. May pagtitiwala sa sarili…. May karapatang Mabuhay ng wagas at gawin ang gustong gawin... paano ko matuto kung hindi nyo ko hahayaang mag- explore sa ganda ng daigdig? Please brother… keep quiet… okey? ANTON Bahala ka na nga. (ipagpapatuloy ni Mina ang karate session, hababg si Anton naman ay magsasanay mag –espada. Mapapansin ito ni Mina) MINA Alam mo, gusto ko ring matutunan ‘yan. ANTON Ang alin? MINA ‘Yang paggamit ng espada. ANTON At bakit naman? MINA Wala… para sa aking sarili. Para sa iyo. Para kay papa. Sakaling hindi ninyo ako kayang ipagtanggol o kaya naman e hindi nyo kayanag ipagtanggol ang mga sarili nyo, ako ang magiging tagapagtanggol nyo. ANTON Huwag na. Hindi mo’ to kaya. MINA Nakakainis ka talaga kuya Anton. Kapag may isang bagay na gusto kong subukan, lagi mong sinasabi sa akin na hindi mo kaya ‘yan. Mahirap ‘yan. ANTON Eh sa talaga naming hindi mo kaya, e! hindi mo kayang tumangan ng espada dahil maliliit at maselan ang mga kamay mo! Ang kaya mo lang tanganan ay ang sandok, siyansi at ang panggagantsilyo!
(matatawa si Anton) MINA Hoy, huwag mo nga akong I- under estimate. Paano mong masasabi na hindi ko kaya kung hindi ko susubukan. Paano ko matututo kung hindi mo ako tuturuan kung paano gawin ang tama. A basta, kung kaya kong matutong mag- karate, kaya ko ring matutunan ang paghawak sa espada. Naalala mo ba ang sinabi sa atin ni mama nu’ng buhay pa siya… (magkakaroon ng flashback. Papasok ang Reyna hawak ang sandok) REYNA Mina, anak, walang bagay sa mundo na hindi mo makakayang gawin. (iaabot ng Reyna ang sandok kay Mina. Lalabas ang Reyna. Matatapos ang flashback) MINA Kaya, kaya ko ring humawak ng espada! E, ikaw kaya mo bang magluto, mag- gisa at magprito? Hinde! Dahil wala ka namang kaya kundi lumamon at tumunganga. Hintayin ang pagkain na ilalapag sa harap mo! ANTON Kaya mo bang mag- espada at lumaban sa giyera, makidigma‘t ipagtanggol ang Yodapapwa? Hinde dahil pambahay ka lang! MINA Hoy! Lalaking matapang! ANTON Baket babaeng mayabang? MINA Kaya mo bang magsulsi? ANTON Kaya mo bang magpatuli? MINA Umihi ng paupo? ANTON E umihi ng patayo? MINA Magluto ng sinigang? ANTON Pumatay ng kalaban? MINA Pumatay ng ipis, kaya ko! ANTON Sumakay ng kabayo, kaya ko! ANTON/ MINA Pews kung kaya mo, kaya ko! (lalapit ang Payaso para awatin sila) PAYASO Ano bang nangyayari sa inyo? ANTON/ MINA Heh! (lalabas ang dalawa. Maiiwan ang payaso) SCENE 3 PAYASO At ganyan nga ang buhay ko dito sa palasyo sa piling ng mga amo kong may mga tililing sa ulo. Ba! Ako na lang yata ang matino dito! Bweno, itutuloy ko ko na ang kwento. Isang gabing mabilog ang buwan, lahat kami’y napatigalgal! At ako’y napasigaw! (titili) Tulungan nyo kami! Ang aming hari! (papasok si Fidelio. Naging doble kara ang kanyang anyo. Kalahati ng kanyang bkatawan ay nakasuot babae at ang kalahati’y nakasuot lalake. May dala- dala siyang cross- stiching materials) Mahal na Hari, anong nangyayari sa inyo? FIDELIO Hello darling! Ang ganda ng cross- stitch ko, o! (papasok sina Anton at Mina) ANTON Bakit, anong nangyayari kay papa? PAYASO Hindi ko po alam kung anong nangyayari sa Mahal na Hari.
ANTON Papa, anong nangyayari sa inyo? (titingin ang Hari kay Anton, parang nangingilala, tapos ay ngingiti ulit) FIDELIO Oh, hello handsome. PAYASO O my goodness!! Mukhang nagkatotoo na ang sumpa ng nanaeng ipinakulong ng Mahal na Hari. ANTON Anong sumpa? MINA Ano bang sinasabi mo, payaso? PAYASO Isinumpa ang Mahal na Hari na dadapuan ng nakapandidiring sakit na magiging dahilan upang ikahiya siya ng buong kaharian ng Yodapapwa. Mahahati ang kanyang katawan sa dalawa! O my holiness!! Ang Mahal na Hari nagging bading! ANTON/ MINA Sira ulo! (babatukan ang payaso) MINA Papa! Papa! Are you alright? PAYASO Mahal na Hari, kinakausap po kayo ng inyong anak. FIDELIO Huh! Are you talking to me. Sorry, but the queen is busy right now with her cross- stiching. MINA/ ANTON/ PAYASO Queen?!! PAYASO Sabi na nga ba’t bumigay na ang hari. ANTON Pag ‘di ka tumigil puputulan kita ng dila. PAYASO Ok, sorry tao lang. MINA Papa, kayo ang hari dito! Matagal ng walang reyna dahil matagal nang patay si mama! FIDELIO Excuse me, ako ang Reyna Emperatriz dito! (bigla siyang mangingisay. Magbabago ang kilos niya, lalake na siy ulit ngayon) Tama, ako ang hari dito. ANTON Papa, ano ba talaga ang nangyayari sa inyo? FIDELIO Walang anuman ito! (babalik na naman siya sa pagiging babae) Hey, don’t bother! Walang anuman ito! ANTON Buti pa’y tawagin na natin ang doctor. (maglalabas ng cellphone. Magdi- dial) Hello? Doctor? (kikiriring ang doorbell) MINA Si doctor na ‘yon? ANTON Ang doctor?! Ang bilis naman! (papasok ang isang doctor na tila isang albularyo. Nagsasagawa ng ritual habang pumapasok) DOKTOR What seems to be the problem? MINA Sinapian po yata ng masamang espiritu si papa! DOKTOR Sinapian?! Interesting! Let me check my source!
(mula sa kanyang bayong, maglalabas siya ng libro) C6 plus H12 plus O6. RH antibodies can diffuse a fatal circulation to produce an RH. Reaction and Death. Hmm, death!! Interesting?! ANTON Anong sakit ni papa, doctor? DOKTOR Let me check the patient first. Be patient ok? (iinspeksyonin ang hari) Sir, I will check your heartbeat. (papakinggan niya ang tibok ng puso, tatapat niya ang tenga sa dibdib ng hari) He’s normal. (muli siyang magsasagawa ng ritual. Papahiran niya ng kung ano- ano ang hari. Papausukan, papagpagin at kung ano- ano pa, habang umuusal ng mga katagang hindi maintindihan) FIDELIO Hey, what are you doing? (maglalabas ang doctor ng isang malaking ineksyon mula sa kanyang bayong) MINA Dok, kailangan ba talaga niyan? DOKTOR Yes ofcourse, mild effect lang para mapatahimik natin ang papa niyo. (akmang ituturok ng doctor ang ineksyon, subalit magpupumiglas ang hari) FIDELIO Anong gagawin niyo? Ano yan? Ilayo nyo yan sa akin!! DOKTOR Huwag po kayong mag- alala sapagkat para lamang itong kagat ng langgam sa sakit. FIDELIO (boses hari) Anong kagat ng langgam ang pinagsasasabi mo! Sa laki ba naman niyan! E kung I- try ko kayang isaksak yan sa inyo, saka nyo sabihin sa akin na parang kagat lang ng langgam. DOKTOR Mahal na hari kailangan n’yo ang gamot na ito.huwag ng matigas ang ulo. FIDELIO (boses reyna) Correction,mahal na reyna! DOKTOR O sige na,mahal na Reyna. FIDELIO Hinde! DOKTOR Huwag matigas ang ulo. FIDELIO No! no! nooooooh! DOKTOR Pakihawakan ang inyong ama. (hahawakan nila ang hari, magpupumiglas ito) FIDELIO Bitiwaan n’yo ako!Ano ba,Nasasaktan ako!Wala akong sakit!Wala akong kasalanan!Wala akong pinatay! (boses ni Nora) I did not kill anybody!!! Mga pu!!! (maitatarak nila ang ineksyon.hihimatayin ang hari.sandaling katahimikan.) MINA Papa! ANTON Ayos ka lang ba? PAYASO Mahal na Hari, buhay ka pa ba? DOKTOR Don’t worry about him, pinakalma lamang natin siya. (biglang mangingisay ang hari, hihimatayin)
LAHAT Wala na ang hari! Paano na ang Yodapapwa? PAYASO Nababaliw na yata ang mahal na hari! ANTON Ano ba talaga ang sakit ni Papa, Dok? DOKTOR Hindi ko nga mlaman! Let me consult my book again! (kukuhanin mula sa bayong ang X-man comics) Oh no! O hinde! MINA Bakit Dok, ano pong sakit ni Papa? DOKTOR Mahirap ipaliwanag, Prinsesa Mina. Pero and inyong ama’y tinamaan ng isang pambihirang sakit na hindi ko matukoy! MINA Oh my God! Is it SARS, Doc? Papa!!! (Mapapaatungal sa iyak, Oa ang dating. Lumalayo siya habang nakatakip ang ilong) DOKTOR Over ka. Hindi naman… Ang tangi lamamg makakagamot sa pambihirang sakit ng inyong ama ay ang… LAHAT Ano?! DOKTOR Ang awit ng Ibong Adarna! LAHAT Ibong Adarna?! ANTON Ibong Adarna? Panganlan ba yon ng bagong singer? MINA May kalaban na si Regine Velasquez. DOKTOR Hindi. Ang ibong Adarna ay mahiwagang ibon na matatagpuan sa Bundok ng Tabor. Marami na ang pinagaling ng kanyang mahiwagang tinig. (Papasok ang isang nars.) NARS Attention, Dr. Kwak kwak! Attention, Dr. Kwak kwak! Please proceed to the delivery room! Mrs pakaskas is about to deliver! Thnak you. Bow! (Lalabas ang nars) DOKTOR Ipagpaumanhiin ninyo, mga kamahalan. Ngunit kailangan ko nang umalis. ANTON/MINA Maraming salalmat doctor. (Lalabas ang doctor) ANTON Mamayang bukang liwayway ay aalis na ako, Mina. Hahanapin ko ang Ibong Adarna. Payaso ihanda ang aking mga gamit. PAYASO Areglado, Ser! (lalabas ang payaso) MINA Sasama ako sa paghahanap mo, Kuya Anton! ANTON Huwag na. Dito ka na lamang. Ikaw ang magbantay kay Papa. MINA Pero kuya Anton, may mga katulong na tayo para gawin ‘yon. At isa pa, gusto ko ring makatulong s apaghahanap sa Ibong Adarna. Gusto ko ring gumaling si Papa. Alam kong may maitutulong ako. At hindi ko ‘yon magagawa kung uupo lang ako sa tabi ni Papa at maghihintay sa ‘yo.! ANTON Mas gugustuhin pa ni Papa na maiwan ka ditto. Kilala ko si Papa. Hindi ka niya bsta basta papayagang umalis at isa pa, babae ka. Hindi matatag ang loob mo sa ganitong paglalakbay. Mabigat na tungkulin ‘to Mina. Kung nagsasalita lang si Papa, sigurado akong sa akin niya ipagkakatiwala anf gawaing ito. Ako ang lalake sa pmilya kaya ako dapat ang maghanap sa Ibong Adarna! (Papasok ang payas dala ang bag, ibibigay niya ito kay Anton. Lalapitan niya si Mina) Paalam kapatid ko! MINA Kuya Anton mag iingat ka. ANTON
(Lalapitan niya ang walang malay na ama.) Paalam Papa. FIDELIO (Bigla itong babangon mula sa pagkakahiga. Boses Reyn) Paalam anak. Don’t forget your vitamins. (Muling hihimatayin. Magpaptuloy sa pag-alis si Anton.) SCENE 4 (Papasok ang payaso dala ang karatulang “Three months later’” lalabas ito pagkatapos. Makikita sina Mina at Fidelio na magkatulong na nanggagantsilyo.) MINA Naku Papa. Tatlong buwan na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik si Kuya Anton. Ano na kaya ang nangyari sa kanya, Papa? FIDELIO Malay ko… Pagbutihin mo na lang ang panggagantsilyo mo, okey? Malapit na anting matapos ang table runner. Isusunod natin ditto ang bedspread. Oh I can’t wait! Walong balls of thread na lang siguro at mabubuo na natin ang ating masterpiece! (Papasok ang payaso, may dalang mga gamit sa pagmamanicure.) PAYASO It’s manicure – pedicure time. Mahal na haring reyna! (Bibitiwan ng ari ang ginagantsilyo at haharapin ang payaso para magpamanicure.) MINA Hay Papa. Bakit hindi mo pa ako payagang hanapin si Kuya Anton at ang Ibong Adarna? FIDELIO Naku, iha. Ilang beses ko na bang sasabihin sa yong hindi puwede. Hindi puwede. Hindi puwede. Babae ka, iha. At tayong mga babae ay hindi dapat sumusuong sa mga panganib. MINA Papa, lalake kayo, ‘no… FIDELIO (Boses hari.) Tama, lalake nga ako! MINA Papa, hindi ba kayo nahihirapan sa kalagayan nyong ‘yan? Minsan nagiging babaae kayo, minsan nagigign lalake! Aba’y hindi na naming kayo maiharap sa mga taong bayan dahil baka malamn nila ang kakaibang sakit na dumapo s ainpo! Matagal na nila kayong hinahanap, Pap! At nagtataka na ang buong Yodapapwa dahil talong buwan nang walang namumuno sa kanila!… Papa, kailangang gumaling na kayo! Kailnagan na ng kahatiang ito ang kanyang hari! FIDELIO E kayo lang naman ang hindi fo maintindihan e… (Boses Reyna) panay ang hanap n’yo sa hari e narito naman ang reyna! MINA Papa naman. E… sige na, payagan mo na akong maglakbay. Ipinapangako ko. Hahanapin ko si Kuya Anton at ang Ibong Adarna. Papa, pagagalingin naming kayo. PAYASO OO nga naman, mahal na Haring Reyna! Payagan nyo na si Prinsesa Mina! FIDELIO Kapag umalis ka… Sino na ang Magbe braid ng buhok ko tuwing umaga? MINA Papa naman… Nandyan naman si Payaso para gawin yon! PAYASO Aba nam’t ginawa pa akong hairdresser! FIDELIO (Boses hari) Hinde! Hindi ka maaaring umalis, Mina! Babae ka! May lubos akong tiwala sa kapatid mong si Anton! Makakaya niyang isagawa ang kanyang tungkulin! Magtatagumpay siya! MINA Sige na… mama… FIDELIO (Boses Reyna, mapipilitan na rin) E… o siya… sige na nga… pinapayagan na kita, iha. Payaso, kunin ang gamit niya. PAYASO
Ngayon din po Mahal na Haring Reyna. (Kukunin ng Payaso ang basket at iaabot kay Mina) FIDELIO O kapag nagutom ka, nandiyan ang snacks mo. Nandyan din ang panggantsilyo mo sakaling magustuhan mong gumawa ng gown habang hinihintay mo ang Ibong Adarna. At higit sa lahat, inilagay ko din d’yan ang latest issues ng seventeen magazine. You know, pamatay ng oras para di ka mabore. MINA Wow! Ang bait- bait mo talaga Papa! FIDELIO (Boses lalaki) Hindi maaari! Hindi kita pinapayagang umalis! (Boses babae) O mag- iingat ka! Ba- bye! (Papalabas na si Mina ng muling magbalik ang katauhan ng Hari) Teka, sandali. Saan ka pupunta? ‘Di ba’t sabi ko na hindi ka makakaalis? Mina! Mina! MINA Hay naku, papa! Pinayagan na ako ni mama! Babu! FIDELIO Mama!? PAYASO Babu din! Good luck! FIDELIO Mina! Mina! Pakinggan mo ang iyong amang hari! Mina! Mina! Bumalik ka dito! (Tuluyan ng naka- alis si Mina. Muling babalik ang katauhan ng Reyna, mapapaiyak) Mina! Mina! Mag-iingat ka… paalam anak! Paalam! (Lalabas ang Hari) SCENE 5 PAYASO At naglakbay nga si Prinsesa Mina nang pagkalayo- layo para hanapin si Prinsipe Anton at ang Ibong Adarna. Ang matapang na Prinsesang nakipagsapalaran sa isang paglalakbay. Siya na lamang ang pag- asa ng aming Hari sa Yodapapwa. (Papasok si Mina. Pagod na pagod) Mahaba ang landas patungo sa kinalalagyan ng mahiwagang ibon at masyadong mapanganib ang mga bundok at kagubatang kanyang sinuong. Siya’y pagod na pagod sa paglalakad kaya naman naisipan niyang mamahinga sandali upang maibsan ang kanyang pagod. Sa kanyang pamamahinga, siya ay nakarinig ng isang sigaw… (Sisigaw ang matanda mula sa labas) MINA Hoy, dayukdok na Halimaw! Layuan mo ang matandang ito! Lumipat ka na sa ibang gubat at wala kang makukuhang hapunan dito! HALIMAW At sino ka bang haharang- harang sa daan ko? Sino kang humahadlang sa paghahanap ko ng masaganang hapunan? MINA Ako lang naman si Prinsesa Mina! Anak ni Haring Fidelio ng Yodapapwa! HALIMAW Yodapapwa! Pwe! Ke bantot na panggalan! Ang mga tao siguro d’yan, walang ginawa kundi magtanim ng kamote sa umaga at umutot naman sa gabi! Pero… isa ka kamong Prinsesa! Ha! Magandang ideya! Isang prinsesa para sa aking midnight snack habang nanonood ng VCD! MATANDA (Pabulong) Apo, apo… hamunin mo siya sa isang dwelo! MINA E, bakit ako po? MATANDA E alangan namang ako! Hindi na kaya ng tuhod ko! Siguro’y natatakot ka dahil babae ka, ano? MINA Hindi ho! MATANDA Yun naman pala, e. sige! Laban! MINA
Hoy kurimaw! Hinahamon kita! Square na lang tayo! HALIMAW Hoy babaeng mayabang! Humanda ka sapagka’t hindi kita uurungan! MINA A ganon! (Magpapakitang gilas si Mina, nagkakarate s’ya. Habang namamaypay lang ang Halimaw sa pagyayabang. Susugod si Mina ngunit makakaiwas ang Halimaw. Matutumba siya) Aray ko po! HALIMAW Bwahahaha! Babae kang talaga! Napakahina ng katawan at puro salita lang ang alam. Humanda ka mamaya sapagkat gagawin kitang dinuguang bulilit! MINA Eto ka! (Muling susugod si Mina subalit makakaiwas na naman ang Halimaw. Masasaktan si Mina sa pagkakabagsak, mapapaiyak ito.) Aray! MATANDA Naku, patay na kuko! HALIMAW Iyak pusa, wala naming luha. H’wag kang umiyak. Gusto ko masaya ka bago kita gawing Lechon de leche! MINA Tingnan ko lang kung makahirit ka pa dito! (Kukunin ni Mina ang isang kwintas na bawang mula sa kanyang basket at isasabit niya sa leeg ng Halimaw.) HALIMAW Bawang! Yikes! Ayoko nito! Tanggalin n’yo sa akin ito! Tanggalin n’yo! MINA Bahala ka sa buhay mo! HALIMAW O momma!!!! Masusunog ako! Momma tulungan mo ako! Tulong! (Tatakbo palabas ang Halimaw) MATANDA Salamat, apo. Kundi dahil sa’yo, baka ginisa na ako ngayon. MINA Walang anuman po. Hay, grabe! Nagutomako sa ginawa kong iyon. Kain po tayo! (Ipapakita sa matanda ang kanyang basket na puno ng pagkain) Ano po bang gusto n’yong kainin? Pili na po kayo! MATANDA Yung monay at zesto na lang my dear. (Iaabot ni Mina ang tinapay. Akmang kakaininna ng matanda ang ibinibigay ng pigilan siya ni Mina) MINA Ep! Ep! Napkin po muna! (Ikakabit ni Mina ang napkin sa leeg ng matanda) O ‘di po ba ang ganda ng napkin n’yo? Gawa ko ho ‘yan. May cross- stitch pa po ‘yan ng initials ko. MATANDA Tingnan mo nga naman , ‘no. prinsesa na, burdadera pa! MINA Hindi naman po. Mahilig lang ho talaga akong magcross- stitch. ‘Yun lang po kasi ang libangan ng mga babaeng gaya ko sa aming kaharian. MATANDA E matanong ko, apo. Saan ba ang tungo mo? MINA Sa Bundok Tabor po. MATANDA Bundok Tabor?! MINA Opo. Nagkasakit po kasi ang papa ko. Hinahanap ko po ang Ibong Adarna pati na rin po ang kapatid kong prinsipe. Tatlong buwan na po kasi siyang nawawala, e. MATANDA E ba’t hindi ka humingi ng tulong sa Wish Ko Lang? MINA
Sumulat na po ako sa kanila pero hindi pa po yata nila nababasa ang sulat ko. MATANDA Palagay ko’y nagging bato na ang kapatid mo. MINA Bato po? Bakit naman po magiging bato ang kapatid ko? MATANDA Naku apo, hindi mo ba alam na makamandag na ibon ang Ibong Adarna? Parang Tranquilizer ang boses no’n kapag kumanta. Kapag nakatulog ka sa kanyang pagkanta saka ka niya iiputan. At pagkatapo no’n bato ka na. MINA Naku po… baka nga nagging bato na ang kapatid ko. MATANDA Pero dahil tinulungan mo ako, tutulungan din kita. (Maglalabas ng kalamansi) Upang hindi ka makatulog sa awit ng Ibong Adarna, kailangan mong sugatan ang iyong sarili at pagkatapos ay patakan mo nito. MINA Sige po, gagawin ko po. MATANDA At mula naman ditto sa ating kinalalagyan, humakbang ka na sampu. Sa iyong pangsampung hakbang ay makakakita ka ng isang balon. Kumuha ka ng tubig dito habang sumisikat ang araw. Ito ang ibubuhos mo sa katawan ng kapatid mo para manumbalik siya sa pagiging tao. At pagkatapos, sa likod ng balon ay may bato. Tandaan mo ang mahiwagang kataga na maririnig mo pagkakuha mo ng bato. MINA Para saan po ang kataga? MATANDA Ito ay upangmatalo niyo ang pag- awit ng Ibong Adarna. Ang katagang ito ang magtutulak sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong mithiin. MINA Ngayon din po ay pupuntahan ko na ang balon. Maraming salamat po. MATANDA Sige, iha. Paalam. (Lalabas ang matanda) MINA Sampung hakbang… (Hahakbang siya habang nagbibilang) 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10! (Makikita niya ang balon) O my god may balon nga! Ngayon kukuha ako ng tubig dito… tamang- tama ayan na ang haring araw! (Magsasalok siya ng tubig) Ngayon ang bato?! (Makikita niya ang bato) Eto ang bato! Kailangang tandaan ko ang mahiwagang kataga na maririnig ko dito. (Magugulat sa makikita) E teka wala naming nakasulat dito, a. Paano ko malalaman? Niloko lang ako ng matandang ‘yun! (Papasok ang Matanda) MATANDA At sinong may sabi sa’yong niloko kita? Ang sabi ko tandaan mo ang mahiwagang kataga na maririnig mo pagkuha mo ng bato. Sinabi ko bang magbasa ka? Hindi ka sumusunod sa instruction ko! MINA Oo nga ‘no, sori po MATANDA Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! (Uulit- ulitin nila ito hanggang mamemorya ng audience gayon din ni Mina) MINA Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! MATANDA O ano? Memoryado mo na ba? MINA
Opo! Kaya lang po sana hindi ko malinutan. MATANDA Huwag kang mag- alala sapagkat nariyan sila… (Ituturo ang mga manonood) Upang ipaalala sa’yo mamaya. Hindi ka nila iiwan. Sasamahan ka nila sa iyong paglalakbay patungo sa Ibong Adarna. MINA Talaga po? MATANDA Oo! Kaya’t sulong ka na bago mahuli ang lahat! MINA Sige po, marami pong salamat uli! MATANDA Walang anuman. (Lalabas si Mina) O mga kaibigan, tandaan n’yo ang mahiwagang salita ha. Magagamit natin iyan, maya- maya! Paalam! (Aalis) SCENE 6 (Papasok si Payaso, hawak ang isang karatula. Nakasulat dito ang, “Welcome to Bundok Tabor! Mag- ingat sa ebak ng ibon!”. Lalabas siya papasok si Mina) MINA Palagay ko’y narito na ako sa Bundok Tabor. (Makikita niya ang estatwa ni Anton) Kuya Anton! Ikaw ba ‘yan? Kuya Anton? Knock, knock! (Kakatukin ang estatwa) ANTON Who’s there? MINA Ngi! Kuya Anton1 Naging bato ka nga! Teka, ikaw ba talaga iyan? (Titingnan ang bibig ng estatwa) Ikaw nga. Kahit pala bato ka na, nakanganga ka pa rin kung matulog. ANTON Tama na nga ang chika mo! Bilisan mo d’yan! Tulungan mo akong maging tao ulit! Batong- bato na ako dito. MINA Oo, teka lang. Ikaw talaga. Kahit kalian ‘di ka marunong maghintay. (Ilalabas ang bote ng tubig) Ito ang mahiwagang tubig na tutunaw sa batong katawan ng kapatid kong prinsipe! Masubukan nga! (Ibubuhos ni Mina ang tubig kay Anton. Parang maaalimpungatan si Anton mula sa isang malalim na pagtulog. Babangon ito at maghihikab) ANTON Hay, sa wakas naging tao ako ulit. Ang sarap mag- unat at humikab. (Maghihikab. Mababahuan si Mina) MINA Magmumog ka nga muna. (Kukunin ni Anton ang bote at magmumumog) ANTON Thanks my sister… but wait! anong ginagawa mo dito? MINA Tingnan mo ‘to. Ano daw ang ginagawa ko ditto? Heller Prince Brother! For your information taylong taon kang nawala sa palasyo at tatlong taon ka ring naging totoy bato ‘no! At kung hindi pa ako nagpumilit kay papa na puntahan ka dito at tulungan ka sa paghahanap ng Ibong Adarna, e baka tinutulusan ka na ng kandila! ANTON Pero di ba’t sinabi ko sa’yo na ako na lang ang maghahanap sa Ibong Adarna? Ang kulit mo rin ano? MINA (Gagayahin si Anton) Pero di ba’t sinabi ko sa’yo na ako na lang ang maghahanap sa Ibong Adarna? Hoy, Prince Brother! Pwede ba, tumigil ka na d’yan sa pagpapamacho mo! Aminin mo na, na dahil diyan sa pagkamaantukin mo e di mo nakayanan ang awit ng Ibong Adarna kaya ka nakatulog at nagging stone man. At kailangan mo na ring tanggapin ang katotohanang nandito na ako at wala nang makakapigil sa akin sa paghahanap sa Ibong Adarna!
ANTON My gracious! Kung makapagsalita ka, parang ikaw na ang makakahuli sa ibong ‘yon! Tingnan na lang natin kung kayanin ng powers mo. Kapag umawit ang Ibong Adarna, tingnan ko lang kapag hindi bumigay ‘yang mga mata mo! Nagsalita ang hindi antukin! MINA Aba, handa yata ito, no! ANTON Handa?! Ano’ng klaseng paghahanda ang ginawa mo aber? Ano? Uminom ka ng tatlong termos ng kape? Tumungga ka ng sandosenang coke? Kahit ano pana gawin mo, makakatulog at makakatulog ka pa rin! Tingnan lang natin… (Makakarinig sila ng tunog ng helicopter. Papalapit nang papalapit ang tunog, lumalakas) MINA Ano ‘yon? ANTON Could it be? MINA Oh no! ANTON Sigurado kong ang Ibong Adarna na ‘yan! (Biglang magiging bar ang eksena, lalabas ang Ibong Adarna. Aawit siya ng “Basang-basa sa Ulan”, habang siyang umaawit maririnig ang pagbasag ng mga baso at babagsakan ng mga kaldero sa labas. Hihinto siya sa inis) ADARNA PAGDATING NG ADARNA WALANG MAIIPUTAN To the tune of “basang-basa sa ulan by aegis” Heto ako ngayon lumilipad Naglalakbay sa bundok ng tabor Lagi na lang akong tinatarget Hinuhuli’t gustong isangla Heto ako nasasabik na sayo Walang maiiputan Wala bang sleepy dyan. Sana may tao pa akong mapapatulog Nang may maiputan Nang may karagdagan ang aking collection. (Sa labas) Mga bwiset! Kayo na nga ang kinakantahan kayo pa ang galit! Hmp! MINA Are you the one? ADARNA Yes I am. Ako nga ang matagal na ninyong hinahanap, inaasam- asam at pinaghahandaang mahuli ng lahat! TINIG SA LABAS Sinungaling! ADARNA Kapag hindi kayo tumahimik sasamain ka sa’kin! (Kina Mina at Anton) Kayo, sino ba kayo? ANTON Ako si Anton. Eto, utol ko. Oy, pakilala ka daw. MINA Mina. Ako si Mina. At sumama ka sa amin. ADARNA Sumama? Ano ako easy to get? Conservative yata ‘to tsong! Ang mga manliligaw ko nga pumuti na ang mga buhok kakasuyo sa ‘kin. Hindi ko pa rin sinasagot! TINIG SA LABAS
Huwag kayong maniwala dyan! ADARNA Ako ba talaga’y hindi mo tatantanan? Etong sa’yo! (Kukunin ang sapatos at ibabato sa labas) TINIG SA LABAS Aray! ADARNA Buti nga! Hoy pakibalik ‘yung sapatos ko! (Ihahagis pabalik ‘yung sapatos) Thankyou! (Babaling kina Anton) Mbalik tayo sa pinag- uusapan natin. Sasama lang ako sa inyo kung mahuhuli n’yo ako at mananalo kayo sa aking powers. Pero kung kayo ay mapatulog ko, iiputan ko kayo at gagawin ko kayong pandagdag sa aking bato collection. Ano, sisimulan na ba natin? ANTON Ang alin? ADARNA Ang habulan! ANTON/ MINA Game! (Magja- jack en poy sila) LAHAT Bato- bato pick! (Matatalo ang magkapatid) ADARNA O talo kayo! Habulin n’yo ko! (Maghahabulan sila. Mang- iinis ang ibon dahil hindi siya mahabol. Ilalabas ni Anton ang kanyang espada. Mapapahinto sila) MINA Kuya Anton, ano’ng gagawin mo? ANTON Eespadahin ko na ang mayabang na ibong ‘to! MINA Nasisiraan ka na ba ng ulo? Siya na lang ang pag- asa natin para gumaling ang papa. ADARNA O ano pagod na kayo? MINA Hinde! (Kukunin ni Mina ang espada kay Anton at hahabulin niya ito. Pipigilan siya ni Anton at muling kukunin ang espada kay Mina. Magpapatuloy ang habulan. Muling mapapahinto ang magkapatid sa pagod kahahabol) ANTON Pagod na ako! MINA Ako man, napapagod na rin! (Muling magiging bar ang eksena. Aawitin ng ibon ang “Basang- basa sa Ulan”. Babagsak ang magkapatid sa sobrang antok pero babangon ulit sila. Unti- unti nang gumagana ang kapangyarihan ng ibon. Paglalabanan ng magkapatid ang antok) MINA Kuya Anton, huwag kang matutulog. Gusto mo bang maging bato ulit. (Parang maaalimpungatan, may maaalala) Ang panlaban sa antok! Kailngan akong magsugat! (Kukuhanin niya ang patalim kay Anton) Kuya Anton, hwag kang pipikit! Hwag kang magkakamaling pumikit! (Babaling sa patalim) Kailngan ko itong gawin para kay papa. (Akmang magsusugat ng biglang papasok ang Payaso. Hihinto ang eksena at kakausapinang mga batang manonood) PAYASO Hep-hep-hep! Cut! O mga bata hwag n’yong gagayahin angsusunod na mangyayari ha. Ituring lang ninyong isang parte ng palabas ang inyong mapapanood. At kailangan lang talagang gawin ito ni Prinsesa Mina upang ‘di siya makatulog. Ngayon, ituloy na natin ang palabas. Action! (Lalabas ang Payaso. Muling gagalaw ang eksena. Maghihiwa si Mina)
MINA Aray ang sakit! Ngayon kailngan ko itong patakan ng kalamansi. (Papatakan ng kalamansi, mapapatili sa sakit) Aray!!!! (Hindi maipinta sa mukha ni Mina ang sakit. Mawawala ang antok niya) Kailngan magawa ko rin ito kay Kuya Anton. (Kukuhanin niya ang patalim at susugatan si Anton) ANTON (Mahina) Aray! (Papatakan ito ng kalamansi. Mapapasigaw ito sa sakit. Mawawala ang antok niya) Aray ko! Ano ‘yon? Anong ginawa mo? MINA Ito ang sabi ng matanda1 kailangang gawin natin ito para mapaglabanan ang antok! Teka ang mahiwagang kataga. Kailangan malaman ko ang mahiwagang kataga. Naku, nakalimutan ko yata ang tinuro sa’kin nung matanda. ANTON Alalahanin mong mabuti! (Papasok ang matanda. Hihimukin niya ang mga manonood upang sambitin muli ang kataga upang maalala ni Mina) MATANDA Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! (Maaalala ni Mina ang kataga) MINA Ayun1 naalala ko na! Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! Kaya ko, kaya mo, kaya niya, kaya nating lahat! (Uulit- ulitin nila ito. Sasabay si Anton. Patuloy sa pag-awit ang Adarna. Palakas ang boses nila Mina, Anton at ng mga manonood. Matatalo ang Adarna, mapapasigaw ito) ADARNA Quiet!!! Quiet everyone!!!!! (Matatahimik ang lahat) Ayoko na! Suko na ako! Ang dami- dami n’yo pero hindi naman kayo nakikinig sa pagkanta ko! Ayoko na! (iiyak ng OA ang ibon. Lalapitan siya ni Anton) ANTON Sumama ka sa amin sa kaharian ng Yodapapwa. ADARNA Ayoko nga! MINA Hep-hep! Nangako ka sa amin. Kapag kami ang nanalo, sasama ka sa amin. ADARNA Sinabi ko ba iyon? (Akmang eespadahin na ni Anton ang ibon sa sobrang inis, pipigilan siya ni Mina) ANTON Eto, talaga namumuro na sa akin ito e! Lilitsunin na kita! MINA Kuya tama na ‘yan! ADARNA O joke lang! Hwag kang masyadong mainit! Cool ka lang! O s’ya sasama na ako! A promise is a promise! Ano ba kasi ang kailangan n’yo sa akin? ANTON Pagalingin mo ang aming ama. MINA Gagamitin mo ang iyong awit. ADARNA Awit? Kakanta lang ako? ANTON/ MINA Oo! ADARNA Ay sus ‘yun lang pala! Type ko yun. O tara na, ano pang hinihintay n’yo? Tara na! Nagpakapagod pa ako ‘yun lang pala kailangan n’yo. Tara na! Bilis! Kumapit kayo sa aking pakpak! Tayo ngayon ay lilipad! (Magmamadaling lumabas ang Adarna, susunod ang magkapatid)
MATANDA Salamat sa inyo ha. O mamaya ulit, magtulungan ulit tayo kapag nagkaroon ng problema. Bye- bye! (Lalabas ang Matanda) SCENE 7 (Papasok ang Payaso. Naka-costume na puno) ANTON PROLOGO 2 To the tune of “MAGDALENA by Freddie Aguilar” Tingin sayoy isang itik Ang awit mo’y nilalait Ibong adarna, ikaw ay di maintindihan Ngayon ikaw ay kailangan Doon sa kaharian Dahil ang hari ngayo’y naging alinlangan Kaya kami’y lumilipad Dito sa gubat napadpad Nadelay ang aming flight Biglang may kapreng mabaho’t malibag Ibong adarna please lang tumiririt. Gawin mong bato ang kapreng malibag Ibong adarna kapag di ka kumanta Lagot tayo sa kapreng malibag MINA Sino ka? Bakit mo ako ginapos? Kuya Anton gumising ka! (magigisin si Anton at ang ibon.magugulantang din sila. Parang manok na nabulabog anu ibon , magtatatalon ito hangang kumawala sa pagkatali. Magtatago siya sa likuran ni Anton.) ANTON Sino ka? Bakit mo iginapos ang kapatid ko? KAPRE Ako si Kapre. Tubong gwa-gwa. Ang kaisa-isang kapre na gigising tuwing umaga. Ako ang alimaw na kumakain nang pusong ilaw. At narito ako upang kainin ang bulinggit na ito. ANTON Hindi ka lalayo! Kung gayon, magtuos tayo! MINA Sige kuya Anton. Ipakita mo sa kanyang magaling kang mag-espada. ANTON Humanda ka! (susugurin ni Anton ang kapre gamit ang kanyang espada. Maglalaban sila. Matatalo si Anton.) KAPRE Paespa-espada ka pa diyan. Akala mo ako. Ha! Iba na ang malakas! Ngayon, wala nang a-adlang sa aking pang-aga-an! ANTON Ibong Adarna, tulungan mo kami. Awitan mo siya para makatulog. ADARNA Hindi ko ba nasabi sa inyo? Hindi ako kumakanta kapag umaga. Gabi lang ako pwedeng kumanta. ANTON Anong klaseng singer ka? Hindi kumakanta sa umaga?! ADARNA Bakit? May nagco-concert ba sa umaga? KAPRE Kakainin ko na ito. Wala nang mas masarap pa sa puso ng isang dalagang kuting! MINA Kuya Anton! Ayokong maging siopao! ANTON
(makakaisip ng paraan) Sandali lang! KAPRE Ano na naman? ANTON Kung akala mong wala nang mas sasarap pa sa puso ng isang dalaga, nagkakamali ka!Ang tawag sa sopas na ito ay… sopas ni Tita Maggie!! KAPRE/ MINA/ ADARNA Sopas ni Tita Maggie? Pagkain ba ‘yon? ANTON Oo. isang masarap na pagkain. Sandali lang at ipagluluto kita. KAPRE/ MINA/ ADARNA Ha?! Magluluto ka?! (muling gagalaw ang payaso. I lalabas ang gamit sa pagluluto.) PAYASO Baket? Babae lang ba ang marunong magluto? Alam n’yo kasi, itong prinsipe ko, kapag hindi nakatingin ang mga babae sa palasyo, nagluluto ‘yan nang patago. O sige, mga kaibigan, tulungan natin si Prinsipe Anton sa pagluluto niya ha? (kay Anton) Ano ba ang mga kailangan nating kasangkapan, prinsepe Anton? ANTON A, kailangan ko ng isang itlog…isang butiki…isang bulate…isang bote ng suka ay isang palakang bukid na bubukabukaka sa gabing bilog ang buwan… PAYASO (kapag naibigay na ang sangkap na kaillangan, pasalamatan ang mga manonood na nag-participate.) ANTON Ngayong nasa atin na ang mga sangkap, pakukuluan natin siya upang lumambot ang mga sangkap ng sopas ni Tita Maggie. (ilalagay sa kaldero) Maghihintay tayo nang five minutes….ting! after five minutes, hahaluin natin siya. But wait!!! May kulang pa pala. (bubulungan niya ang ibong adarna.) ADARNA Ha? Dito? Sa harap nila? Ayoko nga. Nakakahiya. ANTON Huwag mong sabihing hindi rin pwede sa umaga ADARNA Ha? A, e… pwede. ANTON ‘Yun naman pala e. bilisan mo na. Sige na, kailangan tulungan natin si Mina. ADARNA O sige na nga. Nasaan ba ang wash room dito? (maglalalbas si Payaso ng isang tela, nakasulat dito ang “Comfort Room” hahawakan nila ang Kapre ang tela upang ipang-tabing sa ibon. Magtatago dito ang ibon. Makakarinig na ire.) Prinsipe Anton, I’m finished. (Iaabot ang isang lata. Kukunin ni Anton ang lata haban nakatakip ng ilong. Ihuhulog niya ito sa kaldero) KAPRE Ang tagal naman. ANTON Sandali na lang. Eto na. (Hahango siya ng sopas at ilalagay sa isang mangkok) Eto na ang sopas ni Tita Maggie! KAPRE Hmmm! Ang sarap ng amoy! (Hihigupin niya ang sopas, agad-agad) Yummy! Isa pa nga! ANTON Sure! Eto na ang kaldero. Para sa’yo talaga ‘yang specialty ko. (Ibibigay ang kaldero) KAPRE Thankyou! Wow sarap! (hihigupin ang sopas sa kaldero. Madidighay siya sa busog.)
Busog na busog ako. Ang sarap matulog. Haaay… parang…parang…na-I-irapan akong gumalaw… parang nagiging bato ako! Hoy, bakit nagiging bato ko? ANTON Magiging bato ka talaga dahil isa sa mga ingredients ng sopas ni Tita Maggie ay ang etats ng Ibong Adarna! KAPRE O my god! Tulungan n’yo ako! Tulungan n’yo ako! Help! Help! (Tuluyan na siyang magiging bato) MINA/ ANTON/ ADARNA Bato na siya! Yehey! (ilalabas ni Payaso ang matigas na katawan ng Kapre. Kakalagan ni Anton si Mina) ADARNA Ang galling-galing talaga ng mga batang ito! MINA Kuya Anton ang galing mo palang magluto. ANTON Siyempre. Ang lalake, dapat marunong ding magluto. Ikaw, Mina. Ang tapang mo pala! MINA Siyempre pa. Ang kaya ng lalake, kaya rin ng babae. ANTON Basta magtitiwala sa sarili. MINA At tayo’y magtutulungan. ANTON/ MINA Dahil kung kaya mo, kaya ko, kaya nila, kaya nating lahat!!!! Ang galing natin! ADARNA Hey, it’s getting late. Ano pang hinihintay natin? Sumakay na ulit kayo sa aking pakpak at sisimulan muli natin ang paglalakbay. Tara na! ANTON/ MINA Taralets!! SCENE 8 (Pagliwanag, nasa palasyo na tayo ng Yodapapwa. Nagkakagulo sa palasyo. Papasok si Payaso, binabato siya ng gamit mula sa labas. Sumusigaw sa galit ang hari sa labas) PAYASO Mahal na hari, mahal na hari… huminahon ho kayo! Hindi na ho natin mahahanap ang karayom na ‘yon! Kung gusto n’yo ho’y ibibili ko na lang kayo ng bagong karayom! (Papasok ang Hari, kilos babae, gailt na galit) FIDELIO Payaso, hanapin mo ang karayom na ‘yon. Mababaliw na ako! PAYASO Matagal na kayong baliw, Mahal na Hari! FIDELIO (Babalik sa pagiging lalake, pipitsarahan na naman) Anong sinabi mo? PAYASO Wala po… wala po, Mahal na Hari! (Akmang aalis ang Hari) FIDELIO Ayoko na! Pagod na pagod na ako! PAYASO Pagod na pagod na rin ako, FIDELIO Magpapahinga na ako. PAYASO Ako rin. Magpapahinga na rin ako. FIDELIO Payaso!!! PAYASO Po!!!
(Palabas na sana ang Hari pero biglang bubuwelo, may pahabol. Magiging babae uli siya) FIDELIO Payaso, ang karayom hanapin mo, kailngan Makita mo ‘yon! Parang awa mo na! PAYASO Opo Mahal na Haring Reyna! Promise! FIDELIO Good night Payaso! PAYASO Good night po… (Tatakbo palabas ang Hari, umiiyak) Hay! Kailan pa kaya darating sina Prinsipe Anton at Prinsesa Mina kasama ang Ibong Adarna? Mula nang nagkaganyan ang aming Haring Reyna, hindi na natapos ang hanapan at kalokohan dito sa palasyo. Aba, e nakulot na ang utak ko sa dami ng problema. (Maririnig ang tunog ng trumpeta) TINIG NI ANTON Papa! Papa! Nandito na kami! We’re home! TINIG NI MINA Papa! Papa! Kasama naming ang Ibong Adarna! PAYASO Sina Prinsipe Anton at Prinsesa Mina, kasama ang Ibong Adarna!palakpakan natin ang kanilang pagdating! (Papasok sina Anton, Mina at Adarna na naka- shade, hawak ang salbabida at mga gamit na pangswimming. Parang galling sa isang trip sa Boracay) ANTON Payaso, how are you doing? PAYASO Im fine! Alpine! (Mag-a-appear sila ng kamay) MINA Si papa, nasaan na si papa, Payaso? PAYASO Naku, mahal na Prinsesa, hindi nyo lang alam ang gulong naganap sa palasyo ngayong mga oras na ito. Kasalukuyan hong sinusumpong ang inyong Mahal na Amang Hari. ANTON Mas lalo pa bang grumabe ang kalagayan ni papa, Payaso? PAYASO Grabeng- grabe na po, Mahal ba Prinsipe, as in grrraabe! (Makikita ang Ibong Adarna) Siya po ba ang Ibong Adarna? MINA Siya nga ang Ibong Adarna, Payaso. PAYASO Ba’t di mukhang ibon? ADARNA Mukhang kailangang awitan ko rin ang isang ito, Mahal na Prinsesa! (Mula sa labas maririnig ang tumitiling boses ng Hari) TINIG NI FIDELIO Payaso! Payaso! PAYASO Naku, ayan na po siya, mahal na Prinsepe’t Prinsesa! Binabalaan ko po kayo, hwag kayong magigmbal at matitigalgal sa inyong makikita. Tandaan nyo lang po, na ang kaharappa rin ninyo ay ang inyong Mahal na Amang Hari! (Papasok ang Hari na naka- bathrobe, may dalang pocket mirror at naka- facial mask. Magugulantang ang lahat, pati ang Hari) ANTON/ MINA Papa? FIDELIO Anton? Mina? Baket? ANTON Anong nangyari sa mukha ninyo, papa? FIDELIO Anong…
(Titingnan ang mukha sa salamin. Muli siyang babalik sa pagiging lalake. Magugulat siya sa makikita) Ano ito? Ano itong inilagay nyo sa mukha ko? (Buburahin ang facial mask) PAYASO nivea cream yan, Mahal na Hari. At limang buwan na kayong naglalagay nyan sa inyong mukha tuwing gabi. FIDELIO Diyos ko! Ano ba itong nangyayari sa akin? Kung ano man po ang nagawa kong kasalanan ay humihingi na po ako ng kapatawaran1 hirap na hirap na po ako! Mga anak! (Magbabago ang timpla) Bakit ngayon lang kayo? ANTON Papa, narito na po ang Ibong Adarna. FIDELIO Siya ba? (Lalapitan niya ang ibon, magiging babaena naman siya) Ang ganda ng buhok mo. Rejoice bang gamit mo? ADARNA Oho. Kayo rin. Ang ganda ng buhok nyo. FIDELIO Oh, don’t mention it. MINA Teka, teka. Aawitan po kayo ng Ibong Adarna, papa. FIDELIO Aawitan? Bakit? Siya ba si Sarah Geronimo? Ay, type! (Sa Ibong Adarna) You know what? Fans mo ko. Pa-autograph naman. Dito o, sa hips. ADARNA Excuse me, mas magaling ako sa kanya. ANTON/ PAYASO/ FIDELIO Ay ang taray! MINA Aawitan niya kayo para gumaling na kayo. FIDELIO Gano’n ba? O sige. Bilisan mo ang ang pag-awit ha. Pwedeng magrequest? ADARNA Anong kanta? FIDELIO “I’ll be Waiting For You”. ADARNA Ha?! Anong kanta ‘yun? FIDELIO Hindi mo alam ‘yun? Yung... (Ide-demo ang pagkanta ala- Celine Dion) I’ll be Waiting For You… ADARNA Malala na talaga ang papa nyo. Hala, kuhanin nyo na ang mahiwagang tela at itabing nyo sa kanya. (Kukuhanin ng Payaso at ni Anton ang tela at itatabing sa Hari. Nakasulat dito ang salitang, “Libreng Tuli”. Magkakamali sila sa pagharap kaya’t babaligtarin nila ito. Makikita ang salitang, “Transformation Going on… Keep Out!”) O handa na ba kayo? Music Mestro! (Magmumukhang bar ulit ang eksena. Muling await ang Ibong Adarna ng “Basang- basa sa Ulan Remix Version”. Pag-alis ng tela, biglang naging estatwa ang Hari. Magugulat ang lahat.) ANTON/ MINA Nyaks! Naging estatwa si papa! ADARNA Takpan nyo ulit! (Aawit ulit ang Ibon. Pag-alis ng tela , magiging Reyna ang Hari) REYNA (BOSES NI FIDELIO) Wow! Girl na talaga ako! (Muling aawit ang Ibon. Pag-alis ng tela , magiging Nars ang Hari)
NARS Paging Doktor Kwak- Kwak! Paging Doktor Kwak- Kwak! (Muling aawit ang Ibon. Pag-alis ng tela , magiging Halimaw ang Hari. Magdududa na ang magkapatid) MINA Akala ko ba, mahiwagang Ibon ka! PAYASO Sabi ko na nga ba. Nagkaroon ng Ibon- switching dito, e. you’re fake! ADARNA Hindi ako fake. Papatunayan ko. Bigyan nyo pa ako ng isang pagkakataon. Sige, itaas nyo ulit ang tela. (Muli nilang tatakpan ang Hari. Aawit muli ang Ibon. Pagbaba ng tela, manunumbalik na sa dating anyo ang Hari. Matutuwa ang magkapatid at ang Payaso maliban sa Adarna na magugulat sa pagkakakita sa Hari. Akala niya’y nagkamali siya.) ADARNA Ngi! Ayoko na! Hindi ki na talaga kaya! Isu- surrender ko na ang kappa ko! PAYASO Hindi, Ibong Adarna1 yan na ‘yon! Siya na ang Hari naming! ADARNA Ay, gano’n ba? FIDELIO Salamat, Ibong Adarna. At salamat din sa’yo, anak kong Anton. Kung hindi dahil sa iyo’y hindi siguro makakarating ang Ibong Adarna sa ating palasyo. Karapat-dapat ka ngang maging tagapagmana ng ating kaharian. Ngayon ding araw naito, pasisimulan ang pagdiriwang para sa iyong kabayanihan. Mabuhay ang aking anak na si Anton! TINIG NG MATANDA Sandale!!!!! (Papasok ang Matanda) FIDELIO Who are you? At abong karapatan mong putulin ang aking talimpati? MINA Papa, siys po ang matandang tinulungan ko sa gubat. FIDELIO And so! Bakit pa siya naparito? MATANDA Naparito ako upang linawin ang lahat. May anomalyang nangyayari dito at hindi patas ang pagpaparangal na iyong inihayag. FIDELIO Linawin ang lahat? Anomalya? Paano mong napatunayang hindi patas ang pagpaparangal na ibinigay ko sa sa aking anak na si Anton? May testigo ka ba? MATANDA Meron. FIDELIO At sino? MATANDA Sila! (Ituturo ang mga manonood) FIDELIO Sila? MATANDA (kausap ang mga manonood) O mga kaibigan, tulungan n’yo akong ipaliwanag kay haring Fidelio kung ano talaga ang nangyari. Noong bato si prinsipe Anton, sino ang tumulong sa kanya? (hihimukin niyang sumagot ang mga audience ng: “prinsesa Mina” (hihimukin nyang sumagot ang mga audience ng: “prinsesa Mina at prinsepe Anton”) ANTON Tama sila papa. Nagtulungan kiami ni mina para mahuli nag ibong adarna. MINA Papa, panahon na para baguhin natin ang pagtingin ninyo sa akin at sa mga babae sa Yodapapwa. ADARNA Sa panahon ng kagipitan , tibay lang ng loob ang kailangan. Samahan pa ito ng tiwala sa sarili at pagtutulungan sa bawat-isa. Tibay ng loob,tiwala sa sarili, pagtutulungan sa bawat isa at basbas ng nasa itaas. Lahat tayo’y meron no’n. hindi lang sa prinsepe Anton. Hindi lang si prinsesa Mina… kundi tayong lahat. Pati ang Payaso! PAYASO
Tenk yu, tenk u. FIDELIO (magsisisi) Ano itong pagkakamaling bunga ng baluktot kong isip? (kay Mina.) Patawad, Mina anak buong puso kong ipinagmamalaki ang iyong nagawa. Ministro! (Papasok ang Ministro.) MINISTRO Bakit po kamahalan FIDELIO Palayain ang bilango ng ating kaharian! Yung gusting maging artista… MINISTRO Masusunood kamahalan. (tatawag sa labas.) Hoy kulokoy! Laya ka na raw. BABAE Kamahalan marami pong salamat! Pagpalain nawa kayo ng panginoon. Thank you po! FIDELIO Oo na, oo na! Du’n na kayo sa tabi! Anyways, at simula bukas, lahat ng ipapanganak ay hindi na kailangan maging kusinera o sundalo. Malaya na silang makapipili ng mga taga-Yodapapwa’y Malaya na! Ituloy natin ang kasiyahan para sa buong Yodapapwa at para sa aking mga anak na sina Anton at Mina! Let’s celebrate! Hataw na! (magsasayawan ang lahat. Unti-unting magdidilim.) ***WAKAS***