The Philippine Presidents 1898 - Present
EMILIO F. AGUINALDO
Talambuhay ni Emilio Aguinaldo
• Ipinanganak noong Marso 26, 1869 sa Kawit, Cavite. Ang kanyang magulang ay sina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. Siya ay pangpito sa kanilang walong magkakapatid.
• Sa edad 17 nagsimula siyang maglingkod bilang Cabeza de Barangay bago naging Capitan Municipal ng Kawit, Cavite. • Hindi rin naman ganap ang buhay kung wala ang isang kulay nito, ang pag-ibig. Umibig siya at nagpakasal kay Hilaria del Rosario sa edad na 27 taon noong 1896.
• Itinatag ang K.K.K. (Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) upang makibaka at magkaroon na ng kasarinlan. • Sinimulan ni Emilio ang rebolusyon sa Kawit noong Agusto 31, 1896. Naging mainit ang labanan sa Cavite. Ngunit nagkaroon ng problema dahil hindi magkaisa ang mga rebolusyonaryo.
• Sa Biyak-na-Bato sa San Miguel de Mayumo, Bulacan, itinatag ni Aguinaldo ang pansamantalang pamahalaang rebolusyonaryo. • Noong Nobyembre 1897 siya ay nakipag- ayos sa kasunduang Biakna-bato. Nilagdaan ang kasunduan noong Nobyembre 18, Disyembre 14 at 15, 1897.
• Masasalamin sa buhay ni Aguinaldo ang pagnanais niyang kabutihan para sa bayan bagaman pinahina ito ng kakulangan ng matalas na pagpapasya. Bilang unang pangulo ng pamahalaang Pilipino, sa kabila ng kanyang mga pagkakamali, kahanga-hanga ang naging buhay ni Aguinaldo.
► "Tapos na ang Luma nating kasaysayan, magsimula tayo sa bagong kabanata". Aguinaldo (1899)
MANUEL L. QUEZON
Talambuhay ni Manuel L. Quezon
• Isinilang noong Agosto 19,1878 ang panganay ng mag asawang Lucio Quezon at Maria Dolores Molina. • Kapwa titser ang kanyang mga magulang. • Lumaki si Quezon sa kanyang pooksinilangan kahalubilo ang karaniwang tao.
• Masasabing malapit ang damdamin niya sa mga tulad nito dahil nakita niya ang kanilang mga gawain, nadama niya ang kanilang mga damdamin, at tiyak na pangarap din niya ang mga pangarap nito. • Natapos niya ang kanyang pag-aaral ng Batsilyer sa Sining sa edad na 16 at nangunguna sa klase. Talagang ipinakita niya ang kanyang hilig sa orador, at pagiging lider.
• Si Quezon ang lumakad para mapagtibay ang Batas TydingsMcDuffie na katulad din ng HareHawes-Cutting Act ngunit walang probisyon tungkol sa base nabal ng mga Amerikano dito. • Si Quezon ang hinalal na pangulo kaya lalo niyang pinagpunyagian ang paglilingkod.
• Nagsilbi siyang piskal ng Mindoro at naging Gobernador ng Tayabas bago nahalal sa Asembleya. Sa huli napili siyang majority floor lider. Naging Resident Commissioner si Quezon sa Kongreso ng Estados Unidos, makapagsasalita para sa Pilipinas ngunit hindi makaboboto.
• Kabilang sa kanyang pinangunahan ang pagkakaroon ng Katarungang Panlipunan, ng Wikang Pambansa, at Pambansang Depensa. • Ang huli ay kaugnay ng pagnanais niyang maging matatag ang Pilipinas, paghahanda para sa digmaang darating sa pagpapahayag din na kaya na nating ipagtanggol ang kalayaan.
►”mabuti pa ang Gobyernong malaimpyerno na pinalalakad ng mga Pilipino kaysa sa malangit na pinalalakad ng mga dayuhan”. Quezon (1935-1943)
SERGIO S. OSMEÑA
Talambuhay ni Sergio S. Osmeña
• Sa Cebu isinilang si Sergio Osmeña. Nang pumunta siya sa Maynila at mag-aral sa Letran, nakilala niya si Manuel Quezon.Natigil ang pagaaral niya ng sumiklab ang digmaang PilipinoAmerikano.Naglabas siya ng pahayagang nasa wikang kastila at naglalayong palaganapin ang nasyonalismo sa panahong tumitindi ang “pasipikasyon” ng mga Amerikano sa Cebu at maging sa ibang panig ng bansa.
• Sa edad na 25, hinirang siyang pansamantalang gobernador ng Cebu. Sinundan ito ng pagsisilbi bilang piskal (1903-1905) at nahalal na gobernador (1906-1907). • Nagbitiw siya sa huling posisyon upang maging bahagi ng Asembliya. Bilang Ispiker (1907-1922), siya ang unang lider na Pilipino na nagkaroon ng partisipasyon sa pamahalaang Amerikano.
• Kalayaan para sa Pilipinas ang nilalayon ng bawat hakbang niya sa pulitika, pati ang pakikiisa kay Quezon. Noong 1935 naglingkod si Osmeña bilang bise ni Pangulong Quezon. • Maraming ulit na hinayaan ni Osmeña ang pamumuno ni Quezon hangga’t nakikita niyang para iyon sa ikabubuti ng bayan, kahit noong sinakop na tayo ng mga Hapon.Humalili lamang siya pagyao ng Pangulo noong 1944.
►”Nananalig tayo sa indibidwal na kalayaang pinagtibay ng konstitusyon”. Osmeña (1944-1946)
JOSE P. LAUREL
Talambuhay ni Jose P. Laurel
• Sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 si Jose Laurel. Ang kanyang mga magulang ay sina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. • Kilalang-kilala na sa pulitika ang mga Laurel ng Batangas dahil sa pangulong Jose P. Laurel. • Sa Tanauan siya nagsimulang magaral at ipinagpatuloy na lamang niya ito sa Maynila hanggang makatapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas.
• Nagsikap siyang tustusan ang kanyang sariling pag-aaral at dahil sa kasipaga’t galing, ipinadala siya sa Estados Unidos at Ingglatera upang mahasa pang lalo. • Noong 1925 kumandidato siya’t naging pinakabatang kinatawan. Nang magkaroon ng pagkakataong gumawa ng sariling konstitusyon ang mga Pilipino, kumandidato muli si Laurel bilang delegado naman. Siya ang umakda at isponsor na Batas ng mga karapatan.
• Kalihim siya ng katarungan bago pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang manakop ang Hapon at magtatag ng pamahalaan, si Laurel ang nahirang na Komisyoner ng Katarungan. Sa posisyong ito pinilit niyang pangalagaan ang mga kababayan sa kabila ng panghihina ng kanilang loob.
• Bilang pagtanaw ng pasasalamat sa kanyang pangangalaga sa kanila,hinalal siyang Senador ng mga kababayan.Patunay nito na sa buong buhay-pulitikal niya,kahit sa panahon ng kagipitan, ang ikabubuti lagi ng kapwa ang nilalayon. Ganito ang totoong naglilingkod sa mamamayan.
► “ang kalayaan ay maaari lamang makamit ng mga taong handang ipagkaloob ang buhay o kayamanan” Laurel (1943-1945)
MANUEL A. ROXAS
Talambuhay ni Manuel A. Roxas
•Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya noong siya ay namatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo at Rosario Acuna ang kanyang magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1912 at naging topnotcher sa bar.
• Si Manuel Roxas ang huling pangulo ng komonwelt at unang pangulo rin na nahalal matapos “ipagkaloob” ng Amerika ang Kalayaan ng Pilipinas. Bago ito, unti-unti ang kanyang pagtuntong sa pulitika. • Nagpatuloy siya sa pag-unlad sa larangan ng pulitika at pinanghahawakan ang mga sumusunod: Kongressman ng Capiz(1992), Ispiker ng Mababang Kapulungan, at Ispiker ng Asembleya ng pilipinas.
• Ilang ulit niyang hiniling ang kalayaan ng bansa mula sa dayuhang sumiil. May ilang posisyon siyang hinahawakan na may kaugnayan sa ekonomiya. Dito niya nakita ang laki ng problema ng malayang bansa kaya nagpursigi pa siya.
• Gayunpaman, pinilit niyang tugunan ang pangangailangang ekonomik ayon na rin sa kanyang napagaralan. Dito mamamalas ang malinaw na tinutungo ni Roxaspagsasarili at di pag-aabang ng tulong o anumang maibibigay ng mga dayuhan.
►”kailangan natin ang mga taong katulad ni Rizal. Naghahanap ng mga bagong kasapi ang paghahangad sa kalayaan. Nagbibigay-lambong sa daigdig ang mabigat na kamay ng paniniil”. Roxas (1946-1948)
ELPIDIO R. QUIRINO
Talambuhay ni Elpidio R. Quirino
• Sa hilagang Luzon, sa Vigan, Ilocos Sur, isang nilalang ang isinilang noong Nobyembre 16,1890. isa siya sa mga umugit ng pamahalaan ng Pilipinas. • Labing anim pa lamang si Elpidio ng magsimulang maglingkod bilang guro sa isang nayon. Kasabay pa nito ang pagpapatuloy niyang magaral, kapwa tanda ng isang pagnanasang makaahon at lalo pang makapaglingkod para sa bayan.
• Noong 1938, bagaman natalo siya bilang kinatawan ng distrito, hinirang pa rin siya ni Quezon ng Kalihim ng Pananalapi at sumunod ay Kalihim Panloob. • Matapos ang digmaan, kumandidato siya bilang pangalawang pangulo ni Manuel Roxas. Ang mga suliraning panlabas ang kanyang kinaharap. Nung yumao si Roxas, siya ang humalili noong 1948. Sinimulan niya ang panunumbalik ng kapayapaan at pagpapalakas ng tiwala sa gobyerno.
• Maraming programa’t proyekto siyang itinaguyod, kasama ang pagpapalaganap ng mga industriya. Ito ang matagumpay niyang ugnayang panlabas ang higit na patunay ng kanyang paglilingkod.
►”may sariling bayani ang bawat panahon at sariling panahon ang bawat bayani”. Quirino (1948-1953)
RAMON F. MAGSAYSAY
Talambuhay ni Ramon F. Magsaysay
• “idolo ng masa” ang tawag kay Ramon Magsaysay. • Isinilang siya noong Agosto 31, 1907.Anak siya nina Exequel Magsaysasay at Perfecta del Fierro sa Zambales. • Simpleng tao lamang si Ramon Magsaysay mula pa noong bata. Lumipat siya sa Maynila upang makapag-aral ng pagiging inhinyero mekanikal. Nagpalit siya ng kurso at nagtapos sa halip ng komersyo.
• Namuno siya sa mga gerilya noong digmaan at dahil dito’y nahirang siyang Gobernador Militar sa Zambales noong 1945. Dalawang ulit siyang nahalal sa Kongreso ng Mababang Kapulungan kung saan namuno siya sa pagpapatibay ng Roger Bill na para sa kapakanan ng mga beteranong Pilpino.
• Hinirang siya ni Pangulong Quirino bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa at ang matagumpay na laban sa mga Huk ang katangi-tangi niyang nagawa. • Noong 1953, naging pangulo siya ng Nacionalista dahil sa kanyang popularidad. Dala na rin ng mga tagumpay niya, nahalal siyang pangulo ng Pilipinas.
• Ang pangunahing layunin ni Magsaysay ay ang matulungan ang mga tagabaryo. Sinimulan niya ang pasasaayos ng transportasyon at sistema sa patubig. Mataas ang moral ng pamahalaan dahil sa pagbawal niya ng mararangyang kasayahan sa Malacañang, kawalan ng nepotismo, at mainam na pagpapatakbo ng serbisyo sa mamamayan.
• Si Magsaysay ang unang pangulo na nag-suot ng barong tagalog sa mga opisyal na okasyon. Tinagurian siyang “idolo ng masa” dahil ibinalik niya ang tiwala sa gobyerno inilapit ito sa tao. Tunay siyang minahal ng mga kababayan na karamihan ay mahirap.
►”konsepto ko ng paglilingkod ang pagiging matapat sa layunin, pagkakaroon ng resulta sa pagkilos at hindi pangangako lamang”. Magsaysay (1953-1957)
CARLOS P. GARCIA
Talambuhay ni Carlos P. Garcia
• Sa isang pook sa Talaibon,Bohol sumilang ang pangulong may pinakamahabang karanasan sa larangan ng pulitika. • Masasabing mahilig sa pulitika ang kanyang ama na si Polocronio Garcia kaya maaaring namana ito ni Carlos Garcia. Si Ambrosia Polistico naman ang kanyang nagmamahal na ina.
• Mula 1925 hanggang 1971 naglingkod sa bayan si Carlos P. Garcia. Sa mahabang panahong ito nadama niya ang kahalagahan ng paglilipat ng karanasan sa bawat salinlahi-karanasan bilang Pilipino at bilang bahagi ng daigdig.
• Bagaman nakapasa siya sa bar noong 1923 pagkatapos ng pagaaral, hindi agad siya nag-abugado. Nagturo muna siya sa Bohol kung saan, makaraan ang dalawang taon, kumandidato siya at nahalal na kinatawan (1925-1931) • Simula 1934 naging Gobernador naman Bohol si Garcia. Nang sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig, hindi siya tumulong sa mga Hapon at sa halip ay naggerilya.
• Matapos ang digmaan, bukod sa pagka-Senador, humawak pa siya ng iba’t-ibang tungkulin. Kabilang sa mga ito ang pagiging kinatawan ng bansa sa mga pandaigdigang kumperensya, pagbibigay-loob sa mga manggagawang Pilipino, pagpapatatag ng demokrasya sa Pilipinas, at pagpapahalaga sa mapanlikhang kakayahan ng mga kababayan.
►”napakahalga ng papel ng ating mga unibersidad sa kultural at ekonomik na pag-unlad ng ating bansa. Nasasalalay sa mga ito ang tungkuling maipahatid sa mga salinlahi ang mga karanasan, dilamang ng ating sariling kababayan kundi ng buong daigdig”. Garcia (1957-1961)
DIOSDADO P. MACAPAGAL
Talambuhay ni
Diosdado P. Macapagal
• Nagmula si Diosdado Macapagal sa isang mahirap na pamilya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Ngunit kahit na mahirap lamang, nakapagaral siya ng pre-law sa Unibersidad ng Pilipinas at abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. • Noong digmaan, naging tinyente siya sa East Central Luzon Guerilla Area. Nang matapos ang labanan, nahalal siyang presidente ng Philippine Lawyers Association.
• Nang Kongresman na siya ng Pampanga, tumulong siya na maipapasa ang Rogers Act sa Kongreso ng Amerika. Marami din siyang iniharap na panukala tulad ng sa minimum wage, Batas ng Bangko Rural, at ang ilegal na aneksasyon ng Britanya sa Hilagang Borneo. Naging tserman siya ng komite ng Mababang Kapulungan sa suliraning Panlabas ng ikalawang kongreso at delegado sa Komperensya ng Timog-Silangang Asya at sa Asembleya Heneral ng Nagkakaisang Bansa.
• Bago nahalal na presidente si Macapagal noong 1961, siya ay bise ni pangulong Garcia. Nang nakaupo na siya, inilahad niya ang paninindigang nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at hindi noong Hunlyo 4, 1946.
• Isinabatas din niya ang Agricultural Reform Code, pinalaganap ang Wikang Pambansa, at iginiit ang karapatan ng Pilipinas sa Sabah. Sa kanyang mga proyekto sinikap niyang ipaabot ang pagunlad sa mga karaniwang mamamayan.
►”sa pagkakaroon ng pagkakaisa higit na magiging positibo at pangunahing puwersa ng pambansang kaunlaran ang paggawa”. Macapagal (1961-1965)
FERDINAND E. MARCOS
Talambuhay ni
Ferdinand E. Marcos
•Ferdinand E. Marcos, ay ipinanganak noong Setyembre 11, 1917, siya ang panganay sa apat na magkakapatid nina Mariano Marcos at Josefa Edralin. • Bata pa lamang si Ferdinand Marcos ay ipinamalas na niya ang kakaibang katalinuhan. Mula sa mababang paaralan hanggang sa pag-aabogasya sa Unubersidad ng Pilipinas ay malimit siyang manguna. Maging sa palakasan ay mahusay siya.
• Si Marcos ang hinirang na assistant ni pangulong Roxas sa usaping pangekonomiya. Kumandidato siya at nahalal na kongresman noong tatlumpu’t dalawang taon pa lamang siya (1949). Matapos ang ilan pang taon sa kongreso, sa Senado naman siya nahalal.
• Nang lumuklok siyang pangulo noong 1965 kinailangan niyang harapin ang mga krisis na patuloy sa paglubha habang lumalaon. Pangunahin na dito ang lumalalang ekonomiya at pulitikal. Ipinahayag ng mamamayan sa iba’t ibang paraan ng pagtutol sa pamamalakad ni Marcos―demonstrasyon, rebelyon, terorismo, at iba pa.
• Idineklara niya ang Batas Militar noon upang supilin ang mga pagaalsa sa pagpapahayag ng pagsalungat ng mga mamamayan. Lumipas ang maikling panahon at nagbalik ang mga suliranin at reklamo, hindi nga lamang lantarang maipahayag. Nakatulong ang Batas Militar sa pagpapanatili ng kanyang pamilya at mga kroni sa pagpapatakbo ng bansa samantalang lalong lumalaganap ang kahirapan.
• Marami ring nagawang pagbabago si Marcos tulad ng Infrastraktura, pagkilala sa mga Muslim na Pilipino, at pagbubukas-ugnayan sa mga bansang sosyalista. Ngunit sa mahabang panahon niya sa kapangyarihan, siya sana ang pinakadakilang pangulo ng Pilipinas kung tunay lamang na paglilingkod sa bayan ang inialay niya.
►”disiplina lamang ang kaligtasan bilang isang bansa at ito ang susi ng kadakilaan sa kinabukasan”. Marcos (1965-1986)
MARIA CORAZON C. AQUINO
Talambuhay ni
Maria Corazon C. Aquino
• Si Cory ay isinilang noong Enero 25, 1933 sa Maynila. Ngunit ang kanilang pamilya ay kilalang maylupa sa Tarlac. Nag-aral siya sa Assumption Convent bago nagtungo sa Estados Unidos para magpatuloy sa Ravenhill Academy (Philadelphia), Notre Dame College (New York), at College of Mount Saint Vincent (New York).
• Isa si Ninoy sa mga unang dinakip pagkaraang ideklara ni Marcos ang Batas Militar noong 1972. Pitong taong nakulong si Ninoy bago pansamantalang pinalaya para makapagpaopera sa puso sa Estados Unidos. Tatlong taong nanirahan siya rito, kasama si Cory at kanilang mga anak. Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Ninoy ng bumalik siya sa Pilipinas. Ito ang simula ng krusada ni Cory para lansagin ang diktadurya ni Marcos.
• Dahil sa lumalalang kalagayang politikal at pang-ekonomiya ng bansa, ipinahayag ni Marcos ang pagdaraos ng snap persidential election sa Pebrero 2, 1986. Ito diumano ang magpapatunay na nasa kanya pa din ang tiwala ng taong bayan. • Samantala, si Cory ang napili ng oposisyon na lumaban sa pagkapangulo.
• Naganap ang People Power sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986 dahil sa protesta ng taumbayan dahil sa malawakang pandaraya sa eleksyon at matibay na paninindigan nila sa demokrasya. • Napilitang lisanin ni Marcos ang bansa. Naging Pangulo ng bansa sa Corazon Aquino, ang inihalal ng taumbayan.
►”isang gobyernong nagtataya sa katotohanan at katarungan, moralidad at dignidad, kalayaan at demokrasya ang aking gobyerno. Nasa tao ang kapangyarihan at buhat sa kanila ang awtoridad ng gobyerno” Aquino (1986-1992)
FIDEL V. RAMOS
Talambuhay ni
Fidel V. Ramos
• Si Fidel Ramos ang ika-12 Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Isinilang noong Marso 18,1928 sa Lingayen, Pangasinan. Siya ang panganay na anak at nag-iisang lalaki nina Narcisco Ramos at Angela Valdez. • Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nag-aral si Ramos sa US Military Academy sa West Point, New York. Nagtapos siya dito na batsilyer sa agham noong 1950. Pagkaraa’y nag-aral siya ng civil engineering sa University of Illinois.
• Noong 1986, naging mahalagang bahagi si Ramos sa People Power sa EDSA, na nagpaalis kay Marcos sa pagkapangulo. Sa Administrasyong Cory Aquino, si Ramos ay naging hepe ng Sandatahang Lakas. Malaki ang naitulong niya sa pagsasawata ng mga kudeta na yumanig sa nanunungkulang administrasyon. Pagkaraan, hinirang siyang Kalihim Tanggulang Pambansa.
• Noong Hunyo 30,1992, naging pangulo ng Pilipinas si Fidel V. Ramos. Ang kanyang panunungkulan ay nakasalalay sa kanyang programang Philippines 2000.Layunin nitong paunlarin ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa nang sa gayo’y maitanghal na newly industrialized country (NIC) pagsapit ng 2000.
►”nang ako’y megatons sa kolehiyo, ang panawagan noo’y “Halina kabataan, mayroon tayong kinabukasang dapat tuklasin.” marami ng pagbabago ang naganap. Ang panawagan ng kasalukuyan ay tungo sa pagbuo ng matatag na kinabukasan.” Ramos (1992-1998)
JOSEPH EJERCITO ESTRADA
Talambuhay ni Joseph Ejercito Estrada
• Artista ng mga pelikulang nagtatanggol sa naaapi’t mahihirap, naging popular si Joseph Ejercito Estrada sa maraming Pilpino. Ang pagiging Alkalde, Senador, Pangalawang Pangulo, at Pangulo ng Bansa. • Isinilang si Erap (popular na tawag kay Estrada) noong Abril 19, 1937. Siya ay pangwalo sa 10 anak nina Emilio Ejercito at Mary Marcelo.
• Itinatag naman niya ang MOWELFUND para matulungan ang mga manggagawa ng pelikulang Pilipino. • Naging alkalde siya ng San Juan noong 1969. Pagkaraan ang 16 taon, nahalal siyang senador. Naging pangalawang pangulo siya noong 1992. Nahirang din siyang tagapangulo ng Presidential AntiCrime Commission.
• Tumakbo at nanalo siya sa pagkapangulo noong 1998. Pagkaraan ng 31 buwan, si Erap ay naging unang pangulo ng bansa na humarap sa isang Impeachment Trial dahil sa mga kaso ng katiwalian, pangungurakot sa kaban ng bayan,at paglabag sa konstitusyon. • Noong Enero 20,2001, pinaalis ng People Power II sa EDSA si Joseph Ejercito Estrada sa pagkapangulo.
► “hinahangad nating ibangon ang kalagayan sa buhay ng ating mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng oportinidad na magkaroon ng marangal na hanapbuhay.” Estrada (1998-2001)
GLORIA M. MACAPAGAL - ARROYO
Talambuhay ni
Gloria M. Macapagal-Arroyo
• Isinilang si Gloria noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Rizal (ngayo’y bahagi ng Metro Manila). Panganay siya sa dalawang anak ni Diosdado P. Macapagal at Evangelina Macaraeg. Ang ina ni Gloria ay pangalawang asawa ni Diosdado, na nabiyudo kay Purita de la Rosa noong 1942.
• Noong 1964, nagtungo si Gloria sa Estados Unidos at nag-aral sa Georgetown University sa Washington, DC. Pagkaraan ng dalawang taon, bumalik siya sa Pilipinas at nagpatuloy ng pag-aaral sa Assumption College. Noong 1968, natapos niya ang Batsilyer sa Agham sa Komersyo, magna cum laude.
• Pagkaraan, ikinasal siya kay Mike. Nagkaroon sila ng tatlong anak: sina Juan Miguel, Evangeline Lourdes, at Diosdado Ignacio Jose Maria. • Sa Ateneo de Manila University nagaral ng doktorado sa Ekonomiks. Nagturo siya sa St. Scholistica, Miriam College, at Assumption College.
• Tumakbo siya sa pagka-senador noong 1992. Muling nahalal sa Senado noong 1995. Bilang senador, naging awtor si Gloria ng 55 batas, kasama rito ang mga batas laban sa sexual harrasment, karapatan ng mga katutubong Pilipino, at pagunlad ng eksport. • Naging pangalawang pangulo siya noong 1998. Bukod sa pagiging pangalawang pangulo, si Gloria ay hinirang na Kalihim ng Social Welfare and Development.
• Noong Hulyo 2003, naganap ang tinatawag na Makati Mutiny ng ilang sundalong tutol sa pamamalakad ni Pang. Arroyo. • Muling iprinoklamang Pangulo ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo noong Hunyo 30, 2004.
► “ako ang anak ng aking ama. Aking misyon ang mismong di niya natapos. Nawa’y magkaisa tayo sa pagkilos at paggawa para makamtan ang kasaganaan para sa nakararami sa atin. Sa gayon mapalalaya sila sa daan-daan taong suliranin ng malawakang kahirapan.” Macapagal-Arroyo (2001-present)