Sunday School Lessons 2009-2010

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Sunday School Lessons 2009-2010 as PDF for free.

More details

  • Words: 47,532
  • Pages: 107
UCCP-NBC 2009 - 2010 SAMASAMANG PAGSASABUHAY NG

PAARALANG LINGGUHAN SA SAMBAHAYAN NG DIYOS

UNANG KWARTER [Hunyo-Hulyo-Agosto] Isinulat Ni:

REV. EDMUNDO H. PIELAGO, BTh., AB Pol. Sc. 34 Princeton St, Monterey Vill Subd, Concepcion, Pequena, Naga City Philippines

Cover design arranged by: Ms. Minda O. Pielago

2009-2010 MGA ARALIN NG PAARALANG LINGGUHAN Inilathala [2009] ng UCCP-NBC 50-1 Penafrancia Avenue, Naga City, Philippines Tel No. [054] 473-7409

Inilimbag sa Pilipinas

Mila na aking kabiyak at sa tatlo kong anak na sina:

Milade Munde Minda

PAUNANG SALITA Handog ko ang aklat na ito kay

Ang MGA ARALIN NG PAARALANG LINGGUHANG ito ay mumunting tulong at ambag sa malawak na gawain ng minesteryo ng North Bicol Conference. Nagsimula ang ideya ng pagsusulat ng ganitong Aralin sa disinasadyang pag-uusap sa pagitan ng inyong CM at Rev. Edmundo H. Pielago tungkol sa kasalatan o kawalan ng mga gabay na magagamit sa PAARALANG LINGGUHAN ng mga Iglesya Lokal. Ang pagtalakay sa ganitong pangangailangan ay nagganyak sa amin na sumulat ng mga Araling ito. Ang ganitong kaisipan ay itinuturing namin bilang bunga ng pagkilos ng Banal na Espiritu sa ating Konperensya.

Yamang si Rev. Ed Pielago ay walang opisyal na distino sa ating Konperensya bunga ng kaniyang pisikal na karamdaman, siya ay tumugon sa panawagan ng Panginoon batay sa kaniyang limitadong kakayahan at kagyat na pangangailangan sa pagsusulat ng mga Araling ito. Siya’y nagkusang-loob na sumulat nito para sa Ecclesiastical year 2009 – 2010. Dahil dito si Rev. Pielago ay itinalaga ng Conference Minister sa diwa ng panalangin na sumulat ng mga Aralin bilang Special Ministry bago siya tuwirang magretiro. Sa ngalan ng pamunuan ng North Bicol Conference ay taos puso tayong nagpapasalamat sa kabutihan at kagandahang-loob ni Rev. Pielago sa kaniyang pagsusulat ng mga Araling ito. Nawa ang maliit na tulong na ito ay makatugon sa inyong mga panganagilangan bilang inyong Study Guides. Alam naming may mga kahinaan sa paggamit ng wastong grammar o kataga sa wikang Pilipino, at maging sa pagsusuri ng mga talata sa Biblia, subalit naniniwala kami na ito’y lubhang makapagpupukaw sigla sa mas lalo pang malalimang pag-aaral sa pamamagitan ng mga tanong na napapaloob sa mga Aralin. Kung mayroon mang kahinaan ang mga Araling ito – anyo at laman – mangyaring ipaabot sa kinauukulan. Ang mahalaga ay mayroong dalisay na puso na nagkusang kumilos at nagbigay ng panahon upang tayo’y mapaglingkuran. Ang halaga ng pagpapalimbag ngayon ay hindi mura. Aabot ito sa P160 bawa’t kopya, o P80k sa kabuuan ng 500 copies minimum order na may 152 panina bawa’t kopya. Ngunit may 2 paraan tayo: Una, ipalimbag ito sa pamamagitan ng request sa National Office; at pangalawa, ipamahagi na ito ng LIBRE sa lahat na guro ng PAARALANG LINGUHAN ng Kumperesya kahit na hindi pa ito naka book-bind sa pamamagitan ng Printing Press. Maraming salamat at patnubayan nawa tayo ng Banal na Diwa sa inyong pagsasaliksik, pag-aaral, pagsusuri at pagbubulaybulay sa Salita ng Diyos. REV. SAMUEL N. TORRES Conference Minister, UCCP NBC

PANIMULA

Simulang Hunyo 2009, inaasahan ang paglabas ng kaunaunahang edisyon ng MGA ARALIN NG PAARALANG LINGGUHAN na isinulat ng inyong

lingkod bilang may-akda nito para sa mga iglesia lokal ng North Bicol Conference, United Church of Christ in the Philippines. Ang mga Araling ito ay inihanda alinsunod sa opisyal na aksyon ng NBC sa pamamagitan ng ating Conference Minister, Rev. Samuel N. Torres. Sa kaniyang pamamahala, pagpupunyagi at pamumukaw sigla, ang mga Araling ito ay nailuwal sa pagtugon ng panawagan sa paglilingkod batay sa pangangailangan ng ating mga iglesia lokal. Sa pagsusulat ng mga Araling ito, ginamit ng may-akda ang Church Year Calendar bilang giya sa pagtalakay ng mga teksto at iniugnay ito sa Ecclesiastical Year ng UCCP para sa taong 2009-2010. Kaya imbes na pasimulan ang ating Mga Aralin sa Advent Season, tayo sa UCCP ay nagpapasimula ng taon sa panahon ng Unang Linggo ng Pentecostes tuwing Hunyo: Unang K: Hunyo-Hulyo-Agosto = 13 Linggo: Pentecostes [12]+Paghahari [1]; Ika-2 K: Sityembre-Oktobre-Nobyembre = 13 Linggo: Paghahari [12] + Adviento [1]; Ika-3 K: Disyembre-Ene-Peb =13 L: Adviento [3]+Krismas [2]+Epifania [6]+Lent [2]; Ika-4 K: Mar-Abr-May = 13 Linggo: Lent [4]+Pagkabuhay-Muli [7] +Pentecostes [2]. Ginamit din ng may-akda bilang mga batayan sa pagsusulat ng mga Araling ito ang mga sumusunod: MAGANDANG BALITA BIBLIA [MBB], MATTHEW HENRY’S COMMENTARY [1991], CONCISE DICTIONARY OF THE BIBLE [1966], Concordance to the Holy Bible [1960], at DIKSYUNARYONG INGLES-FILIPINO FILIPINO-INGLES. Sa inaasahang paglabas ng Mga Araling ito, maaari ng kumuha ng isang LIBRENG kopya para sa Unang Kwarter. At pwede na ring mag-order ng sapat na bilang na kopya para sa inyong iglesia local batay sa inyong pangangailangan at kakayahan upang mapaghandaan ang pagpapalimbag sa hinaharap ng MGA ARALIN NG PAARALANG LINGGUHANNG ito kung kinakailangan. Maraming salamat po. SHALOM! MABUHAY! REB. EDMUNDO PIELAGO May-akda

H.

UNANG KWARTER [Hunyo-Hulyo-Agosto]

YUNIT 1: ANG KALAGAYAN NG MUNDO AT BAYANG ISRAEL ARALIN 1

Ang Mundo sa Gitna ng Global Warming

6/7

Pen 1 Kawikaan 8:22-31

Banal

na

Trinidad ARALIN 2 6/14 Pen 2

Si Elias sa Gitna ng Bayang Kapos 1 Hari 17:7-16

Acab

ARALIN 3 6/21 Pen 3

Ang Ubasan ni Nabat sa Kamay ni Haring 1 Hari 21:1-10

ARALIN 4 6/28 Pen 4

Kasarinlan

Linggo ng Ama

Si Elias sa Kamay ni Jezebel 1 Hari 19:1-8

ARALIN 5 7/5 Pen 5

Si Elias sa Kamay ng Langit 1 Hari 2:1-14

ARALIN 6 7/12 Pen 6

Si Naaman sa Kamay ng Doktor 2 Hari 5:1-14

ARALIN 7 7/19 Pen 7

BuhayRural

Si Eliseo sa Gitna ng Digmaan 2 Har 6:8-23

ARALIN 8 7/26 Pen 8

Ang Panukat ng Diyos kay Jeroboam Amos 7:7-17

ARALIN 9

Ang Taksil na Asawa’t Mga Anak ni Oseas 8/2

Pen 9 Oseas 1:2-10 ARALIN 10

Ang Pagbabalik ng Suwail na Bayan

8/9

Pen 10 Oseas 11:1-11

MGA NILALAMAN

ARALIN 11 11

Sumbat sa Bayan ng Diyos

8/16

Pen

Isaias 1:10-20 ARALIN 12

Awit Tungkol sa Ubasan

8/23

Pen

12 Isaias 5:1-7 ARALIN 13 Paghahari 1

Linggo ng Misyon

Ang Pagtawag at Pagsugo Kay Jeremias Jeremias 1:4-10

mamamayan ng Juda ay sumbat sa Bayan ng Diyos; Ika-12, itanong kung paano pinukaw ang mga nagkasala na pagsisihan ang mga nagawang kasalanan; at Ika13, itanong kung paano ang pagtawag at pagsugo ng Diyos sa ating Iglesya tulad ng pagtawag at pagsugo kay Propeta Jeremias at sa ibang mga propeta.

Araw

8/30 ng

mga

Sa pagtalakay ng bawa’t Aralin, ipinapayo sa guro na gumamit ng tulong sa pag-aaral tulad ng mga sumusunod: MAGANDANG BALITA BIBLIA, Tagalog Popular Version; The Interpreter’s Bible Commentary; Bible Dictionary; Concordance; at English-Tagalog Dictionary.

Bayani

YUNIT 1: ANG KALAGAYAN NG MUNDO AT NG BAYANG ISRAEL Ang Yunit I ng PAARALANG LINGGUHANG ito ay naglalaman ng 13 Aralin sa ilalim ng pamagat na: ANG KALAGAYAN NG MUNDO AT NG BAYANG ISRAEL, para sa Unang Kwarter ng UCCP Ecclesiastical Year 2009-2010, simulang Hunyo hanggang Agosto. Sa pagtalakay ng bawat Aralin, marapat na basahin ng guro ang teksto sa bahay bilang bahagi ng paghahanda sa pagtuturo bago basahin ang Biblikal at Pagsasapanahon batay sa mga Layunin ng isang Aralin. Sa Yunit na ito, tingnan natin ang ating sarili bilang isang manglalakbay. Una, lakbayin natin ang ating mundo sa ating lugar at pakiramdaman kung balansi pa ang ating kapaligiran, kalikasan at ekolohiya [rain forests, marginal lands, croplands, freshwater, urban areas, and coastal eco-systems] at itanong kung gaano katotoo ang sinasabi ng siyensya ukol sa Global Warming na nagdudulot ng banta ng panganib na kung hindi bigyang lunas ano ang magiging kapalaran ng mundo at buhay ng bawa’t isa; Ika-2, itanong kung ang ating bansa ba ay Kapos sa Kabuhayan sa kabila ng mga natural na yaman [renewable and non-renewable] na biyaya ng Diyos sa bawa’t bansa; Ika-3, itanong kung sa ating bansa ba ay may Inagaw na mga lupain tulad ng lupa ng ubasan ni Nabat na inagaw ni Haring Acab ng Israel; Ika-4, itanong kung sa ating bansa ba ay may mga biktima ng paglabag sa mga Karapatan-Pantao tulad ng paglabag nito kay Elias sa kamay ni Jezebel na asawa ng hari ng Israel; Ika-5, itanong kung paano si Propeta Elias iniakyat sa Langit habang pinagmamasadan siya ng ibang mga propeta sa pangunguna ni Eliseo at pansinin kung ano ang pagkakaiba nito sa pag-akyat ni Cristo sa Langit; Ika-6, itanong kung ano ang pagkakaiba ng pamamaraan ng pagpapagaling ng sakit na ketong noon kumpara sa pagpapagaling ng maraming uri ng sakit sa kasalukuyan; Ika-7, itanong kung paano nagwagi ang Israel sa digmaan sa pamamagitan ni Propeta Eliseo; Ika-8, itanong kung ano ang panukat ng Diyos sa ating bansa tulad ng panukat na ipinangangaral ni Propeta Amos laban kay Haring Jeroboam ng Israel; Ika-9, itanong kung paano ang Israel naging taksil na Bayan ng Diyos tulad ng taksil na asawa at tatlong anak ni Propeta Oseas; Ika10, itanong kung bakit pinayagan ng Diyos ang suwail na Bayan na makabalik sa Jerusalem mula sa pagkabihag nito; Ika-11, itanong kung bakit ang mga pinuno at

Gumawa ng sariling balangkas [outline] batay sa Aralin at piliting maunawaan [internalize] ito upang maging epektibo sa pagbabahagi ng moral lesson at mailapat sa buhay ng mga mag-aaral. Bigyang panahon ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng GININTUANG TALATA at MGA TANONG ng bawa’t Aralin upang lalong mapayaman ang pagtatalakayan na maghahatid sa dagdag na aral at pagbabahagi ng mayayamang karanasan tungo sa pagpapalago ng pananampalataya ng bawa’t isa. SHALOM! MABUHAY!

ARALIN 1: ANG MUNDO SA GITNA NG Kawikaan 8:22-31 CYCalendar: Pentecostes 1 / Banal na Trinidad

GLOBAL

WARMING Hunyo 7

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung sino ang pinagmulan ng mundo; 2. Matotohan kung ano ang nakaambang panganib dito; at 3. Maipamuhay ang posibling lunas sa panganib na ito. GININTUANG TALATA: “Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una, Noong una pang panahon ako ay nalikha na,” Kawikaan 8:22 [MAGANDANG BALITA BIBLIA Tagalog Popular Version, 1973]. Ikumpara ito sa: “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una,” Kawikaan 8:22 [HOLY BIBLE Ang Biblia – King James Version, 1995]. BIBLIKAL Di ba may pasimula at wakas ang lahat ng nilikha? Nagtuturo ang Bibliya na ang daigdig o mundo [visible universe] ay mayroong pasimula

at may wakas, ngunit ang Diyos ay walang pasimula at wakas. Tingnan natin ang pariralang “sa pasimula”. Una: Ang parirala sa Genesis 1:1 ay nagsasabi ng ganito: “Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit…” Nilikha ng Diyos Ama [unang persona]ang langit at lupa. Ito ang unang artikulo ng ating credo o sinasampalatayanan. Kaya, Diyos Ama ang may likha sa pasimula ! Pangalawa: Ang pariralang ito ay inulit sa Juan 1:1, “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.” Ang dakilang katotohanan sa talatang ito ay tumutukoy kay Cristo Jesus na Siya ang Salita, ang nagbibigay-buhay ayon sa 1 Juan 1:1;SI Jesu-Cristo ang naparito sa sanlibutan, binautismohan sa tubig, at nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan…Ang Espiritu [pangalawang persona] ang nagpatotoo tungkol dito… iyon ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak [pangatlong persona],” ayon sa 1 Juan 5:6-9; “Salita ng Diyos” ang tawag sa kanya ayon sa Pahayag 19:13. At ayon kay David, “Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalang, hindi mo pa nilikha itong buong daigdigan Ikaw noon ay Diyos na pagkat Ikaw ay walang hanggan,”[Awit 90:2]. Kaya si Cristo, ang bugtong na Anak ng Diyos [Jn 3:16] ay hindi kasama sa mga “nalikha na”[tingnan ang talata 22], sapagkat sa pamamagitan Niya nilikha ng Diyos ang sansinukob [Heb 1:2]. Siya’y tinukoy sa Awit 102:25, “Ikaw ang lumikha nitong daigdigan, at nilikha mo na rin pati kalangitan.” At tinukoy rin Siya sa Hebreo 1:10, “Ikaw, Panginoon, ang lumikha ng sangkalupaan, at ang iyong kamay ang gumawa ng sankalangitan.” Maging sa Pahayag 3:14, Siya ang “Amen, ang matapat at tunay na saksi, at siyang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos.” Siya ang Anak ng Diyos na lubos na “kinakukugdan” {Lk 3:22]. “Siya’y Anak ng Diyos na lubos na minamahal ng Ama” [Jn 1:18]. Siya ang Diyos na mapagpakumbaba [Filipos 2:6-11]. Siya ang kapangyarihan at karunungan [1 Cor 1:24]. Siya ang larawan ng Diyos na di-nakikita at may kapangyarihan sa lahat ng nilikha [Col 1:15]. Ayon sa Heb 1:3, “Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayon din ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, Siya’y lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.” Siya ang “ako” sa teksto na tumutukoy kay Cristo na nagsasabing “Ako ang Alpha at Omega, ang pasimula at ang wakas” [Pahayag 1:8; 21:6]. PAGSASAPANAHON

PANGANIB SA MUNDO. Ang mundong nilikha ni Yahweh sa pamamagitan ni Cristo ay tahanang kay ganda na sangkap sa pangangailangan ng tao. Nariyan ang dagat na sangkap sa sari-saring isda. Nariyan ang bukal ng tubig na taglay ang mineral na tubig at suplay na patubig sa oma. Nariyan ang burol at bundok na may mga hayop, ibon at mina at iba pa. Nariyan ang lupa at bukid na sinasaka at mga punongkahoy na ang iba ay namumulaklak at namumunga. Nariyan ang hangganan ng langit at lupa na may ulap sa himpapawid, hangganan ng bukal sa kalaliman, at pati na ang hangganan ng dagat na pinatibay at itinalaga. Kaya ang mundong tahanan natin ay sadyang kahangahanga at kay ganda. Ngunit ang ating mundo na dati’y napapayungan ng ozone layer na nagsisilbing proteksiyon sa matinding init ng araw, ngayon, ay butas na! Ito ay dahil sa kagagawan ng tao. Sa butas na iyan tumatagos ang ultra violate rays na ubod ng init na may kakayahang magpatunaw ng iceberg sa North Pole upang maglikha ng pagtaas ng tubig dagat at magpalubog sa mga dalampasigan at mga syudad sa mundo. Maliban dito ang ating mundo ay patuloy na nadadagdagan ang matinding init ng temperatura na tinaguriang global warmingdahil sa ang greenhouse gases ay nakukulong sa stratosphere. Ang greenhouse gases ay ang mga natipon na lason na kilala sa tawag na carbon dioxide mula sa ating mga paghinga, mga binuga sa tsiminya ng mga industriya, usok ng mga sasakyang panglupa, pangdagat at panghimpapawid, pagkakaingin ng mga bukid taniman, pagsunog ng mga plastic, singaw ng CFC [chloroflourocarbon] ng refrigerators at aircons na nagpapabutas sa “payong” ng mundo sa loob ng bawat 8 taon simulang maimbento ang mga ito. Saan man may apoy mayroong ibinubugang carbon dioxide. Kaya kung ikaw ay nagpapausok, mayroong ibinubugang carbon dioxide na nakakapadagdag sa dati nang mainit na temperatura ng mundo! LUNAS SA PANGANIB. Ang antidote ng carbon dioxide ay ang oxygen na mula sa mga punongkahoy at pananim. Ang carbon dioxide ay nasisipsip ng mga pananim at mga

punongkahoy na sa pamamagitan ng photosynthesis ang oxygen ay namamanufacture na siya namang kailangan natin. We take oxygen for our bodies and exhale carbon dioxide, a waste product. Kung walang oxygen hindi tayo mabubuhay. Noong unang panahon na makapal pa ang bukid at kaunti pa lamang ang mga factories at sasakyan, wala tayong problema sa carbon dioxide. Ngunit dahil sa industrialization at pagdami ng mga factories at pagkakalbo ng mga kabukiran, may problema tayo sa balansi ng oxygen at carbon dioxide. Hindi na kayang sipsipin ng mga natitirang punongkahoy ang sobrang carbon dioxide. Dahil dito, ang patuloy at patinding global warming ay patuloy ring nagbabanta ng global catastrophe sapagkat maaaring tunawin nito ang polar ice caps na magpapataas ng tubig dagat at magpapalubog sa mga dalampasigan at mga syudad sa mundo.

Kaya kung mahal natin ang mundong ito na ating tahanan, magisip-isip naman tayo kung papaano natin pasisimulan na mabaliktad ang balansi ng oxygen at carbon dioxide upang maibalik natin ang dating temperatura na bigay sa atin ng Manglilikha. Kung tayo’y magtanim ng punongkahoy ay nararapat na on a massive scale ng buong mundo. Hindi pwede kaunti lamang na bilang ng mga bansa ang magtatanim. Ang ating bansa hindi pwedeng magtanim ng mga punongkahoy habang ang iba ay namumutol sa kanilang kabukiran at magtatayo ng mga factories. Nanganganib na ang ating mundo kaya dapat magising na tayo. Kooperasyon ng bawat isa ang dapat mangyari. Bawat isa ay tumulong na sa pagsagwan ng papalubog ng sasakyan bago ito magdulot ng pangdaigdigang katastrope at kamatayan ng bawat isa. MGA TANONG:

1. Ang patuloy na pagtaas ba ng global warming [mainit na

2.

3. 4. 5.

temperature sa mundo] dahil sa greenhouse gases ay magkakawsa ng pagtaas ng tubig-dagat at magpapabilis ng pagbabago ng klima sa ating panahon? Oo o hindi? Ipaliwanag. Ang mga epekto ba ng mainit na temperature sa ating panahon ay ang mga sumusunod: extreme weather events [hot and cold], changes in agricultural yields, glacier retreat, species extinctions, and increases in the ranges of disease vectors [hakot-mikrobyo]? Oo o hindi? Ipaliwanag. Paano makumpuni ang ozone layer, ang payong ng mundo? Ipaliwanag. Ano ang lunas na magagawa ng mga bansa upang mabalansi ang oxygen at carbon dioxide? Individual tree-plating? Massive treeplanting? O pareho? Bilang mga mananampalataya, ano ang magiging bahagi natin sa pagpabalik sa dating kalagayan ng mundong ito?

ARALIN 2: 17:7-16 CYCalendar:

SI ELIAS SA GITNA NG BAYANG KAPOS

1

Pentecostes 2 / Linggo ng Kasarinlan

Hunyo 14

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung sino si Propeta Elias; 2. Matotohan kung bakit ang Israel ay bayang kapos; at

Hari

3. Makatulong sa paghanap ng lunas para sa isang bayang masagana. GININTUANG TALATA: “Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis,” 1 Hari 17:7 [MBB]. BIBLIKAL TUYONG BATIS SA PANAHON NI HARING ACAB:Si Acab, anak ni Omri, ang ika-7 hari ng Israel sa loob ng 22 taon [822BC – 800BC]. Siya’y gumawa ng masama ng higit sa lahat na haring nauna sa kaniya. Sa kaniyang panahon ay nagkaroon ng 3 taon pagkatuyo ng buong lupain ng Israel. Sa ating teksto, ang natuyong batis ay batis ng Carit, silangan ng Jordan. Asawa niya si Jezebel, anak ng hari ng Tiro, na nagsasamba kay Melkart na kilala sa tawag na Baal, ang opisyal na dios ng Tiro. Sa impluwensiya ng kanyang asawa, pinangunahan niya ang pagsamba kay Baal sa Israel. Kaya nagalit si Propeta Elias sapagkat para sa kanya ang pagtanggap kay Baal ay pagtalikod kay Yahweh. Matindi ang protesta ni Elias laban kay Acab at kay Ocozias na kanyang anak. Tulad ng kanyang ama, siya at ang bansang Israel ay nagpatuloy sa pagkasala. Si Elias nagtago sa Carit kung saan siya kumukuha ng maiinom at ang kanyang pagkain ay supply mula kay Yahweh na inihahatid sa pamamagitan ng mga uwak [vv 5-6]. SINO SI ELIAS? Si Elias ay propeta ni Yahweh ngunit wala siyang record kung sino ang kanyang mga magulang. Tulad kay Melchisedek, wala siyang ama at ina at kamaganak. Tila siya’y mula sa alapaap. Ang pangalang “Elias” ay may kahulugang “Aking Diyos si Yahweh”. Sinugo siya ni Yahweh upang papanumbalikin ang Israel sa pagsamba sa Kanya at siya lamang ang makagagawa ng dakilang misyon na ito. Siya ay taga Tesbi, Gilead, silangan ng Jordan, na maaaring mula sa tribo ni Gad o kaya tribo ni Manasseh. Isinumpa niya sina Acab at Ocozias ng hilagang Israel sapagkat sila’y nagtalikod sa pagsamba kay Yahweh. Bilang propeta, sinabi niya kay Acab, “Isinusumpa ko, sa ngalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel na pinaglilingkuran ko: hindi uulan, ni hindi man lamang magkakahamog sa mga darating na taon hanggang hindi ko sinasabi” [17:1]. Ang ibang Hudyo ay naniniwala na si Elias ay tila anghel na galing sa langit. Subalit si Santiago nagpatotoo: “Si Elias ay taong tulad din natin. Mataimtim niyang idinalangin na huwag umulan at sa loob ng tatlong taon at anim na buwan ay hindi nga umulan” [Santiago 5:17]. Ang sumpa ng propeta ay sumpa ni Yahweh laban sa masamang hari at bayan ng Israel dahil sa pagtalikod nila sa Diyos. Tunay ngang tumalab ito sa pamamagitan ng pagkatuyo ng mga batis sa Carit.

PINAPUNTA SI ELIAS SA SEREPTA. Tuyo na ang batis sa Carit kaya inutusan ni Yahweh si Elias na pumunta sa Sarepta, Sidon. Ang Serepta ay isang lugar sa dalampasigan ng Phonicia, 8 milya, hilaga ng Sidon. Dito siya nanirahan ayon sa kalooban ni Yahweh. Sa lugar na ito isang babaeng balo ang naninirahan na inutusan ni Yahweh upang magpakain kay Elias sa kabila ng KAKAPUSAN SA TINAPAY sapagkat kaunting harina at langis na lamang ang natitira sa kanya. Nakita ni Elias ang babae na namumulot ng panggatong upang gumawa ng tinapay mula sa natitirang harina at langis habang taglay ang sobrang pag-alala sapagkat alam niya na pagkatapos nito silang mag-ina ay mamamatay na. Pinakiusapan ni Elias ang babae na bigyan siya ng tubig at tinapay at sinabihan siya na huwag ng mag-alala… “Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan at hindi rin matutuyo yaong langis sa tapayan hanggang hindi sumapit ang talagang takdang araw na ang ulan ay maparating papatakin ng Maykapal” [v14]. Kaya ganoon nga ang ginawa ng balo. At sila’y kumain at hindi nga naubos ang harina sa lalagyan at ang langis sa tapayan. Ito ay isang himala! Nangyari ito tulad ng pangako ni Yahweh sa pamamagitan Elias. B.

PAGSASAPANAHON

ISRAEL: KAPOS SA TUBIG AT TINAPAY. Kapos ang Israel sa TUBIG sapagkat may batis ngunit tuyo na! Kapos din sila sa TINAPAY sapagkat may harina at langis ngunit kapatak na lang ang natitira! Kapos pa sila sa paglingkod sapagkat nariyan si Yahweh, ang nagbibigay ng tubig at tinapay, ngunit nagsamba pa rin ang Israel kay Baal! PILIPINAS: ANG BANSANG KAPOS SA LAHAT NG BAGAY. Kapos ang Pilipinas sa taniman ng palay dahil sa land conversion na ginagamit para sa pagpapatayo ng mga residential areas, goft courses, high rise condominiums at factories ng mga dayuhan sa bansa! Kapos pa sa bigas dahil 4.272 milyon hektarya na lang ang natitirang taniman ng palay para sa suplay ng bigas ng lumulubong populasyon ng ating bansa na ngayon ay nasa 88.5 milyon na! Sadyang kakapusin kung hindi baguhin ang policy ng ating pamahalaan na import-dependent, imbes na productivity-dependent para sa rice-self sufficiency! LUNAS: SHORT TERM. Ang Pilipinas ay 10% kapos sa suplay ng bigas kaya tayo ay mag-iimport ng bigas sa Vietnam at Thailand. Ang dating $360 a ton last year [2007], ngayon ay $760 a ton na [2008].

Subalit ito ay tataas pa sa $1,000 per ton dahil sa kombinasyon ng masamang panahon sa Bangladesh, pests and disease sa Vietnam at political problems sa Burma [Myanmar]. Ang latest price ng Pathumthani fragrant rice sa Thailand for export, April 30, 2008, ay $998 per ton mula $512 noong Enero nitong taon [2008]. LUNAS: LONG TERM. Ayon kay Romeo Royandoyan ng Centro Saka, mayroong pag-aaral ang Research Institute na ang inbreed seeds [good seeds at certified seeds] ay kayang magharvest ng 9 MT - 10 MT bawat hektarya, kumpara sa hybrid seeds na 6/mt/ha. Kaya ang good seeds ay 38.448 milyon MT at ang certified seeds ay 42.72 milyon MT na maghahatid sa bansa sa kalagayang rice self-sufficient country, kung productivity-dependent sa inbreed seeds at hindi hybrid seeds ang magiging policy ng ating pamahalaan ! ALAM BA NATIN ITO ? Ang pandaigdigang kunsumo sa bigas ay 430 million metric tons. Ngunit ang produksiyon ay mas mababa dito. Kaya ang daigdig ay KAPOS din sa pagkain! Ang Pilipinas, na dati ay 1stworld rice exporter ngunit ngayon ay world’s biggest importer, ay mag-iimport ng 2.2 milyon MT of rice ngayong taon at ang importation ay magpapatuloy hanggang 2013 para matugunan ang 10% na domestic shortfall [PDI, 5/1/08]. TODAY’S JOKE. “We have a rice shortage, corn shortage, flour shortage, job shortage, fund shortage, honesty shortage and other forms of shortages. That’s what we get for having a President with a height shortage and a CREDIBILITY shortage” [PDI, 4/16/08, p.10]. MGA TANONG: 1. Sino si Acab? Ano ang kaniyang masamang ginawa na higit pa sa alinmang mga naging hari ng Israel? 2. Sino si Elias? Dahil ba sa kaniyang panalangin kaya hindi umulan ng 3 taon na nagpatuyo ng buong lupain ng Israel? 3. Kaparusahan ba sa hari at bansang Israel ang kakapusan sa “harina at langis”? 4. Masasabi bang kapos sa pananampalataya ang hari at ang Israel? Bakit? 5. Saan kapos ang ating bansa: Sa “harina at langis”? o sa lahat ng bagay? Bakit? 6. Paano tayo maging self-sufficient na bansa sa “harina at langis”, sa pananampalataya, at lahat ng bagay?

ARALIN 3: ANG UBASAN NI NABAT SA KAMAY NI ACAB 1 Hari 21:1-10 CY Calendar: Pentecostes 3 / Linggo ng mga Ama Hunyo 21 MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung sino si Nabat. 2. Matukoy ang paglabag sa mga karapatang pantao. 3. Makatulong kung paano malunasan ang nagaganap na paglabag na ito. GININTUANG TALATA: “Patawarin ako ni Yahweh, ngunit hindi kop o maibibigay sa inyo ang pamana sa akin ng aking mga ninuno,” 1 Hari 21:3 [MBB]. BIBLIKAL SINO SI NABAT? Si Nabat ay taga-Sereda na isang Efrateo [11:26]. Siya ang ama ni haring Jeroboam na nagbulid sa Israel sa pagkakasala. Siya ang nagmamay-ari ng ubasan sa Jezreel na ubod ng ganda na minana pa sa kanyang mga ninuno. Malapit ito sa palasyo ni Acab, ang hari ng Israel. Ibig kamkamin ito ng hari sa pamamaraang pagbili o kaya’y palitan ng ibang ubasan upang hindi lamang gawing taniman ng gulay at prutas kundi magsilbi itong pasyalan o pahingahan. BAKIT AYAW NI NABAT NA IBIGAY ANG UBASAN? Si Acab bilang hari ng Israel ay taglay na niya ang kayamanan, kapangyarihan at paggalang ng nasasakopan. Sakop niya ang northern Israel na maluwang sa lupain na taglay ang maraming ubasan. Ngunit natatangi ang ubasan ni Nabat. Kaya para sa hari ang lahat ng ito ay walang halaga kung hindi mapa sa kanya ang ubasan ni Nabat na nasa tabi ng kanyang palasyo. Subalit ayaw itong ibigay ni Nabat sapagkat may batas sa Israel na hindi dapat ipagbili ang lupa dahil ito ay pag-aari ni Yahweh [Lev 25:23-24]. Ang Canaan na lupang pangako para sa mga Israelita ay isang absolutong ariarian ni Yahweh. Ginawa silang tagapangalaga nito, tulad ni Nabat. Kung

kaya wala siyang karapatan na ipagbili, palitan, paupahan, o parentahan man ang ubasang ito. Sakaling mangyari ang alin man sa pamamaraang ito, kailangan maibalik ito sa nagmamay-ari sa araw ng jubilee, ika-50 taon ng paglaya ng mga Hebreo [Lev 25:28]. Para kay Nabat hindi pwede ipagbili ito sa hari, sapagkat alam niya na hindi na ito maibabalik sa kanyang mga tagapagmana, kahit na dumating ang araw ng jubilee. Masaya siyang sumunod sa hari, subalit may prinsipiyo siya na mas pipililiin niya ang pagsunod kay Yahweh kaya sa sumunod sa tao. Alam ni Acab ang batas na ito. Kaya nang tanggihan siya ni Nabat nagkulong siya sa silid at nagtalo ang kanyang isip at kalooban hanggang nagpasiya siyang huwag nang kumain sa sobrang sama ng loob. MITSA SA BUHAY NI NABAT! Kung malayo sana sa palasyo ang ubasan na ito hindi nanganib ang buhay ni Nabat. Para sa kanya malaya ang hari na pumitas ng mga prutas at makapamasyal sa ubasan. Subalit ang hari ay hindi kuntento kung hindi mapasakanya ang ubasan para sa kanyang sarili at mga taga pagmana. Ngunit isang bagay ang dapat pansinin kay Acab: hindi siya panginoong malupit [tyrant] sapagkat hindi niya pinilit si Nabat. Ang problema ay ang kanyang asawang si Jezebel, anak ng hari ng Tiro na may ugaling mapangamkam at mamamatay-tao. Noong makita at nalaman niya ang dahilan kung bakit masama ang loob ng kanyang mahal, siya’y nagdeklara at nangako sa hari na ireregalo niya ang ubasan na kanyang hinahangad. Ang maghangad ng kaginhawahan sa pamamaraan ng pagbili ng ubasan o palitan man ito ng mas mainam na ubasan ay hindi masama, ngunit kung ito ay agawin at pati buhay ay madamay, ito ay paglabag sa KARAPATAN-PANTAO. Si Jezebel ay isang tyrant o panginoong malupit sapagkat hindi lamang inagaw ang ubasan ni Nabat kundi ipinapatay niya pa ito. Siya ay isang landgraber at murderer. Nilabag niya ang isa sa Sampung Utos: “Thou shalt not covet thy neighbour’s house.” Gumawa siya ng paraang illegal hanggang maipapatay niya si Nabat [v 13-14]. Dahil dito si Yahweh ay nagbaba ng kaparusahan laban kay Acab [v 19], kay Jezebel [v 23] at sa angkan ng hari [v 24]. PAGSASAPANAHON Ang inagaw na ubasan at ang pagpatay kay Nabat ay paglabag sa tinatawag nating KARAPATAN-PANTAO sa ating panahon. Ang pundasyon ng kalayaan, hustisya at kapayapaan sa daigdig ay ang paggalang sa mga karapatan-pantao at dignidad nito. Ito ang batayan ng mga bansang miyembro na nagratipika ng Universal Declaration of Human Rights noong Disyembre 10, 1948. Subalit matapos ang 60 taon, ang paglabag sa mga karapatan-pantao ay nagpapatuloy sa loob at labas ng ating bansa.

MGA NALABAG NA KARAPATANG PANTAO NOON: Isa sa kataniwang paglabag sa mga karapatan-pantao noong pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa ay ang political detention. Ito ay ang pag-aresto sa isang tao at ikinukulong dahil sa kanyang political na pananaw. [1] Si Jose Rizal ay isang political detainee. Ikinulong siya dahil sa kanyang progresibong mga pananaw at ipinagkampanya niya ito kasama ng ibang propagandista sa Madrid at Barcelona. Noong Hunyo 26, 1892 nagbalik siya mulang Hongkong at naaresto siya noong Hulyo 6, 1892 batay sa utos ng governor general. Ipinatapon siya sa Dapitan noong Hulyo 15, 1892 at ikinulong sa Fort Santiago, Manila noong Disyembre 3, 1896. Hinatulan siya ng kamatayan noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan [Luneta] sa mga paratang na: rebelyon, sedition at illegal organization. [2] Si Antonio Luna ay isa ring political detainee. Pagkatapos maisulat niya ang La Solidaridad sa Espanya, nagbalik siya sa Pilipinas at inaresto rin sa salang sapakatan [conspiracy]. Ikinulong siya sa Model Prison sa Madrid. [3] Pagkatapos ng Filipino-American war, si Apolinario Mabini ay naging prisoner of war simulang Disyembre 10, 1898 hanggang Sityembre 23, 1900. Noong mapalaya siya, nagsulat siya ng mga artikulo laban sa mga Amerkano at inaresto ulit siya at ipinatapon sa Guam, kasama si Artemio Ricarte, ang pangulo ng operations of Filipino forces noon, at Pio del Pilar, isang matapang na Filipinong sundalo. Ang iba pang karaniwang paglabag sa mga karapatang pantao noong pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa ay ang physical torture, disappearances, at salvaging. Noong panahon ng mga Kastila laganap ang torture o pagpapahirap sa mga nahuling gumagawa ng mga subversive activities. [1] Sa Vigan, Ilocos Norte, maraming Filipinong arestado at dinala sa Maynila na nakatali ang mga kamay at paa. [2] Sa Pulo at Malinta, Bulakan kung saan naroroon ang mga maluwang na lupain na pagmamay-ari ng mga Dominikano ay pinagmassacre ng mga Kastila ang mga tao para lamang mayroon masabi na sila ay busy. Ang karaniwang porma ng torture ay binibitay ang akusado sa pamamagitan ng mga kamay at bigla na lamang inihuhulog sa lupa. Ang iba naman ay water cure kung saan pinapainom ng madaming tubig na may halong asin o kaya maruming tubig at inaapakan ang tiyan. Sa ilalim ng mga Amerkano, ayon kay Renato Constantino at Teodoro Agoncillo, ang mga pinahirapan at pinatay ay mahigit sa 300,000 Filipinos. ANG MGA NALABAG NA KARAPATAN-PANTAO NGAYON: Sa mga pahayagan ng ating bansa naitala ang mga paglabag sa karapatanpantao tulad ng Extra-Judicial Killings na umabot na sa 901 kaso simula pa noong 2001? Kung ang ubasan ni Nabat ay inagaw ni Haring Acab ng Israel, ang Spratlys ng Pilipinas ay maituturing na “ubasan” na inaagaw ng

ibang bansa? Kaya ang paglabag na ito ay patuloy na nagaganap sa loob at labas ng bansa. MGA TANONG: 1. Sino si Nabat? 2. Paano inagaw ng hari ang ubasan ni Nabat? Bakit? 3. Sino si Jezebel? Ano ang mga nalabag na karapatan-pantao laban kay Nabat kaugnay sa pang-aagaw ng ubansang ito? 4. Laganap ba ang agawan ng lupa sa ating bansa? Magbigay ng mga halimbawa. 5. Mayroon din bang mga paglalabag sa mga karapatan-pantao sa ating bansa? Magbigay ng mga halimbawa mula sa inyong lugar.

ARALIN 4: Hari 19:1-8 CYCalendar:

SI ELIAS SA KAMAY NI JEZEBEL Pentecostes 4

1 Hunyo 28

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung ano ang ginawa ni Elias na nag pangitngit sa galit ni Jezebel; 2. Makita kung bakit tumakas siya patungong Bundok ng Horeb; at 3. Maipamuhay ang bagong kaugnayan sa Diyos bilang propetang gumagalang sa karapatan-pantao. GININTUANG TALATA: “Nagngingit sag alit si ReynaJezebel nang isalaysay sa kaniya ni Acab ang ginawa ni Elias pati ang pagkamatay ng mga propeta ni Baal,”1 Hari 19:1 [MBB]. BIBLIKAL

Sa tekstong ito, si Elias ay nasa Jezreel, ang lunsod kung saan ang palasyo ng hari ay matatagpuan. Pagkatapos malaman ni Jezebel kay Acab ang nangyaring ginawa ni Elias at ang pagkamatay ng 450 mga propeta ni Baal sa Bundok ng Carmelo [1 Hari 18:19] ay nagngingitngit ito sa galit na nagbunsod sa kanya sa paggawa ng sulat na nagsasabing ipapatay si Elias sa loob ng 24 oras. Kaya dahil dito umalis si Elias sa Jezreel patungong Beer-seba, Juda, upang magtago hanggang siya’y nakarating sa bundok ng Horeb sa loob ng 40 araw at gabing paglalakbay. LAYUNIN NG SULAT NI JEZEBEL. Kung ang layunin ni Jezebel ay patayin si Elias, babagsak sa kanya ang galit ng buong Israel sapagkat buo ang tiwala ng bayan kay Elias bilang propeta ni Yahweh. Kaya ang sulat na ito ay isang instrumento ng pananakot upang siya ay masindak at umalis sa lupain ng Israel at hindi na maipagpapatuloy ang reporma na kanyang sinimulan sa Israel. Walang duda ang katapangan na ipinamalas ni Elias sapagkat hinarap niya si haring Acab at lahat na propeta ni Baal sa Bundok ng Carmelo. Ngunit bilang tao kailangan niya pa rin ang proteksiyon ng Diyos laban sa anomang panganib tulad ng proteksiyon na ginawa ni Yahweh nang suguin siya na umalis at magtago sa batis ng Carit [17:3]. Kaya umalis siya at pumunta sa Beer-seba upang mailigtas niya ang kanyang buhay. TUMAKAS SI ELIAS PA BEER-SEBA. Ang Beer-seba ay malayo nang lugar sa Jezreel at sakop na ito ng Juda kung saan sa maraming pagkakataon tumira ang mga patriarkang sina Abraham, Isaac at Jacob [Gen 28:10; 21:31ff; 26:33]. Nasasakopan na ito ng isang mabuting hari na si Josafat na nanungkulan sa Juda na may katiwasayan at kapayapaan. Ngunit may ugnayan si Josafat kay Acab na hari ng Israel [I Hari 22:2] sapagkat ang kanyang anak na si Jehoram ay napangasawa ang babaeng anak nito. Dahil dito nanganganib pa rin ang kadalisayan ng pananambahan ni Josafat kay Yahweh sapagkat kaibigan niya ang hari ng Israel na sumasamba kay Baal. Kaya sa ganitong kalagayan, nagpatuloy si Elias sa paglakbay

ng 40 araw at gabi patungong Bundok ng Horeb kahit na wala ng tubig at pagkain.

ng isang araw sa ilang hanggang sa lugar na sa pakiramdam niya siya ay ligtas at kasama niya ang Diyos. Sa panahong ito, nanalangin siya na ibig niya nang mamatay sapagkat para sa kanya ang kamatayan ay buhay para sa mabuting tao. Naniniwala siya na ang kamatayan ng katawan ay buhay ng kaluluwa [the death of the body is the life of the soul]. Sa tingin niya si Jezebel ay nanumpa para sa kanyang kamatayan. Ngunit para sa kanya, ayaw niyang mamatay sa kamay ni Jezebel. Ibig niyang mamatay sa kamay ni Yahweh, pagkat ang kamatayan sa kamay ni Yahweh ay may pagmamahal. At ibig niyang mamatay sa ilang kay sa lugar kung saan namatay ang mga propeta ni Baal. Sa pamamagitan ng anghel, dumating ang pagmamahal ni Yahweh at binigyan siya ng pagkain at maiinom [v.6]. Makalawang beses ito ginawa ni Yahweh. Sa pangalawa, lumakas ang kanyang pakiramdam at dahil dito nagpatuloy siya ng paglakbay sa loob

TUMAKAS SIYA HANGGANG BUNDOK NG HOREB. Ang Horeb ay ang bundok na kilala sa tawag na Sinai. Ito ang Bundok ng Diyos sa pagitan ng Egipto at Canaan. Dito nakatagpo ni Moises si Yahweh sa pamamagitan ng isang nagniningas na mababang punongkahoy na nakitang nagliliyab ngunit hindi nasusunog [Ex:3:1-2], na sa pamamagitan nito ay tinanggap ni Moises ang tawag ng Diyos upang pangunahan ang mga Israelita sa karunungan at pagsamba sa iisang Diyos. Narating ito ni Elias sa loob ng 40 araw at gabing paglakbay na walang sasakyan mula sa Beer-seba, Juda. Ang Horeb ay ang lugar kung saan sa maraming pagkakataon tumira sina Abraham, Isaac at Jacob [Gen 28:10; 21:31ff; 26:33] sapagkat sagana ito sa tubig inumin. Ang mga Israelita ay nanirahan sa Bundok ng Horeb [Sinai] sa loob ng 11 buwan at dito tinanaggap nila ang kautusan [Deut 1:2ff; 4:10-15]. Dinalaw ni Elias ang lugar na ito upang siya’y magkaroon ng pagpapanibagong kaugnayan at tungkulin sa Diyos bilang propeta [v. 8]. Ang Espiritu ng Panginoon ang nag-akay sa kanya sa lugar na ito upang makasama niya ang Diyos sa dating lugar kung saan si Moises ay kinatagpo ni Yahweh at kung saan ang kautusan ni Moises ay muling sinariwa. Maraming paraan ang ginawa ng Diyos upang mabuhay si Elias: binigyan Niya ng pagkain si Elias sa pamamagitan ng uwak, sa pamamagitan ng masaganang pagkain, at ngayon sa pamamagitang ng anghel – upang ilarawan na ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang. Isipin mo na lang ang nangyaring paglalakbay sa loob ng 40 araw at gabi na walang pagkain, walang pahinga at walang tulog. Ang lugar na ito ay nagpaalaala sa kanya ukol sa manna, at ito ay nagbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa na ang Diyos ay isang Provider at Sustainer ng lahat. PAGSASAPANAHON Tumakas si Elias sapagkat ibig siyang ipapatay ni Jezebel sa loob ng 24 oras dahil sa nagawa niyang himala laban sa 450 mga propeta ni Baal. Pumunta siya sa ligtas na lugar hanggang sa Bundok ng Horeb, ang Bundok ni Yahweh. Sa ating bansa maraming “Elias” ang naging biktima ng sistema ng pananakot, pagpapahirap at pagpatay at ibang uri ng paglabag sa mga karapatan-pantao. Ayon sa Amnesty International Report 2008, ipinakikita na pagkatapos ng 6 na dekada ng pagkatatag ng Universal Declaration of Human Rights, ang mga mamamayan sa mundo ay patuloy pa rin sa karanasan ng pagpapahirap [tortured] sa 81 bansa, nahaharap sa unfair

trials sa 54 bansa at hindi pinapayagan ang malayang pamamahayag sa 77 bansa. Sa Pilipinas ang pagpapahirap na ito ay umabot na sa 835 na extrajudiciial killings sa loob lamang ng kalahating dekada simulang 2001. Nang ang ating Bishop Eliezer Pascua ay nasa Sacramento, California, USA, noong Marso 2, 2008, bilang panauhing tagapagsalita sa isang World Day of Prayer service, siya ay nakatanggap ng tawag sa madaling araw mula sa Pilipinas at ibinalita sa kanya ng tumawag ang pinakahuling pagpatay sa isa pang miembro ng UCCP na si Renato Torrecampo, 53 taong gulang. Si Renato ay Secretary General ng isa sa peasant movements sa Mindanao. Mahigit sa dalawang dosena ng 835 ay mga taong simbahan at pastor kabilang na ng isang United Methodist pastor. Habang si Bishop Pascua nakatayo sa likuran ng mga litrato ng ilan sa mga biktima, siya ay nagsalita sa presensya ng mga tagapakinig sa Westminster Presbyterian Church at kanyang sinabi sa isang tinig ng pagkayamot at punong-puno ng pighati ang Awit 13:1-2: “Hanggan kailan ba, O Yahweh, ang lingkod mo lilimutin? Gaano ba katagal pa itong hapdi ng damdamin at lungkot sa puso kong gabi’t araw babatahin? Kaawa’y ko’y hanggang kailan kaya ako aapihin?” At sa panalangin kanyang sinabi: “Ngunit sumasampalataya kami na Ikaw’y kasama namin sa pagbabata. Amen.” MGA TANONG: 1. Sino si Jezebel? Masasabi bang siya ay masama sa pinakamasama? Bakit? 2. Nilabag ba ni Jezebel ang karapatan-pantao ni Elias sa pamamagitan ng sulat nito sa kanya? 3. May katulad bang mga biktima ng paglalabag sa mga karapatanpantao sa ating bansa? Sa inyong lugar? 4. Ano ang tinatawag na “extra-judicial killings” sa ating bansa? 5. Sa tingin ninyo, paano malunasan ang suliraning ito?

ARALIN 5: Hari 2:1-12

SI ELIAS SA KAMAY NG LANGIT

2

CYCalendar:

Pentecostes 5

Hulyo 5

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung paano si Elias ini-akyat sa langit. 2. Makita kung ano ang bahagi ng mga anghel sa buhay ng mga tao. 3. Maipamuhay ang mga katangian nina Elias at Eliseo bilang lingkod ng Diyos. GININTUANG TALATA: “Walang anu-ano’y pumagitna sa kanila ang isang karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy, nagkahiwalay sila at si Elias ay iniakyat sa langit sa pamamagitan ng ipu-ipo,”2 Hari 2:11 [MBB]. BIBLIKAL Si Acab na ubod ng sama kumpara sa ibang hari ng Israel ay umalis sa daigdig na walang dangal at punong-puno ng pagdurusa. Ngunit si Elias ay umalis sa daigdig na may dangal at punong-puno ng kagalakan. Ang mga pangayayari tungkol sa buhay ni Elias ay isang maliit na bagay kumpara sa alin mang dakilang tao sa Eskriptura. Hindi natin alam ang kanyang edad, o kailan siya lumitaw sa panahon ni Acab [16:29], o anong taon at araw siya nagtalikod sa daigdig sa panahon ni Joram ng Juda. PAANO INIAKYAT SA LANGIT SI ELIAS? Iniakyat si Elias sa langit sa pamamagitan ng karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy sa tulong ng ipu-ipo [v11]. Siya’y kinuha ng Diyos mula sa daigdig na hindi dumaan sa kamatayan, kundi ilinipat ang kanyang katawan at kaluluwa sa langit, tulad kay Enoc [Gen 5:21-24; Heb 11:5]. Sumailalim siya sa pagbabagong-anyo para sa isang katangiang kailangan upang makabagay sa daigdig ng mga espiritu at maging tulad sa mga nabubuhay pa sa pangalawang pagdating ni Cristo. Binigyan ng Diyos si Elias ng pambihirang dangal na mas mataas pa kay sa ibang mga propeta. Ipinakita ng Diyos kung paano ang mga tao umalis sa daigdig na hindi na matikman ang kamatayan. Di ba ang tao ay dumaraan sa kamatayan dahil siya ay makasalanan? Ibig bang sabihin si Elias ay isang taong hindi nagkasala tulad ni Cristo? KARWAHE AT KABAYONG APOY? Isinakay si Elias, hindi sa sasakyang gawa ng tao, kundi sa pamamagitan ng “karwahe at kabayong apoy”. Ang karwahe at kabayong ito ay mula sa himpapawid na lumapag sa lupa ng madalian at nasaksihan ni Eliseo at ng mga propeta na naroroon sa di kalayoan sa Ilog Jordan. Sa tagpong ito nakita nila ang mga anghel sa porma ng isang karwahe at mga kabayo upang maging

sasakyan ng isang nagwagi sa labanan, tulad ni Elias. Sa Banal na Kasulatan, ang tawag sa mga anghel ng karwaheng apoy ay “cherubim” – na sumasagisag ng “chariots of God” [Awit 68:17], at ang tawag sa mga anghel ng kabayong apoy ay “seraphim” – na sumasagisag ng “flame of fire” [Awit 104:4]. MISYON NG MGA ANGHEL. Ang mga anghel ay handang gumawa ng kalooban ng Diyos para sa kabutihan ng tagapagmana ng kaligtasan. Si Elias ay iniakyat sa langit upang manahin ang kaligtasang ito. Ang mga karwahe at mga kabayo ay lumitaw tulad sa apoy, hindi upang manunog, kundi magpaningas sa pananampalataya, hindi magpahirap sa kabuhayan, kundi ipakita ang pag-akyat sa langit bilang halimbawa sa mga nagmamasid nito na naroroon sa di kalayoan sa ilog Jordan sa panguna Eliseo. Pinanday ng apoy ang banal na pananampalataya ni Elias at ang kanyang dangal at ngayon sa isang makalangit na apoy na ito ginawang pino at sumailalim siya sa pagpapanibago ng katawan at kaluluwa upang makabagay sa daigdig ng mga espiritu na kasama ang Diyos. INIWAN KAY ELISEO ANG BALABAL NI ELIAS. Si Eliseo na anak ni Safat na taga-Abel-mehola, ang mayamang magsasaka sa lambak ng Jordan, Juda, ay naging kahalili ni Elias bilang propeta [I Hari 19:15ff]. Bata pa siya nang iwan niya ang sariling pamilya at naging matapat na “anak” ni propeta Elias habang ito ay nasa Jezreel, Israel. Naiwan sa kanya ang gawain ni Elias at naglingkod sa panahon ng apat na hari ng Israel: Jehoram [849-842 BC]; Jehu [842-815 BC]; Jehoahaz [815-801 BC] at Joash [801-786 BC], at nagpatuloy pa siya sa paglingkod sa loob ng kalahati siglo [50 taon]. Ang kanyang patnubay ay laging inaasahan ng mga hari sa larangan ng politika. Siya’y pino at mahinahon, hindi tulad ni Elias na kabaliktaran. Pagkatapos mabaktas nila ang Ilog Jordan, si Elias nagsabi sa kanya: “Sabihin mo sa akin kung ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo bago ako kunin.” Sumagot si Eliseo: “Ipinakikiusap kong ipamana ninyo sa akin ang dalawang bahagi ng inyong kapangyarihan. “ Sinabi ni Elias, “Mabigat ang hinihingi mo. Gayunman, pagnakita mo akong kinuha, mangyari ang kahilingan mo. Pag hindi, hindi mo makakamit ang hinihingi mo” [vv9-10]. Sa tuno ng boses ni Elias, siya ay estrikto, ngunit si Eliseo ay marahan magsalita sapagkat nang makita niyang iniakyat si Elias pa langit sa pamamagitan ng ipu-ipo siya ay marahan pa ring napasigaw: “Ama ko! Ama ko! Lakas at pag-asa ng Israel! [v11]. ANO ANG 2 BAHAGI NG KAPANGYARIHAN NA HININGI NI ELISEO? Una, hiningi niya ang Espiritu, hindi ang mga kakayahan at biyaya ng Espiritu na nasa kay Elias. Mahalaga ang pinagmulan ng mga kakayahan at biyaya na ito. Hayaan mong ito ay mapasa akin! Ipamagitan mo ako sa Kanya. Pangalawa, hiningi niya ang espiritu ni Elias – ang mga

kakayahan at biyaya, sapagkat siya ay magiging propeta, dadalhin niya ang kanyang gawain, magiging ama ng mga anak ng mga propeta at haharapin niya ang kanilang kaaway, sapagkat mayroon siyang parehong henerasyon na pagtitiyagaan sa paglingkod. Kung wala siya ng espiritu ni Elias wala siyang lakas. Kaya ipinamana ni Elias kay Eliseo ang kanyang balabal [I Hari 19:19]. Ang kanyang gawain ay iniwan niya sa mabuting kamay [in good hands]! PAGSASAPANAHON Ano ang langit at nasaan ito? Ang Langit [mula sa root word na ham, meaning “to cover”] ay ang bubong ng mundo. Sa palagay ng iba, ang langit [mula sa Anglo-Saxon word

na himin,] ay tahanan ng Diyos. Sa wikang Hebreo ang langit [mula sa salitang “on high” ] ay tumutukoy sa itaas na bahagi ng mundo. Ngunit ang mga atheists, materialists, pantheists at rationalists ay nagtuturo na walang Diyos at langit! Ang ibang relihiyon ay may pananaw ng Langit bilang lugar ng mapayapang buhay pagkatapos ng kamatayan ng katawan at imortalidad ng kaluluwa. Ito ay isang lugar ng walang hanggang kagalakan. Ang sinaunang Judaismo naniniwala sa Langit at sa kabilang buhay, tulad ng mga Fariseo. Ngunit kinuntra sila ng mga Saduseo na hindi naniniwala sa doktrina ng Pagkabuhay-muli [Mt 22:23]. Sa Kristianismo, ang langit ay ang buhay na walang hanggan pagkatapos mamatay. May pananaw din na ang langit ay ang pagbalik sa dating kalagayan ng tao bago siya nahulog sa pagkasala. Ito ang ika-2 at Bagong Garden ng Eden kung saan ang tao ay muling nakasama ng Diyos sa isang perfekto at natural na kalagayan at naniniwala sila na ang afterdeath reunion na ito ay nagawa sa pamamagitan ng pananampalataya na si Cristo Jesus ay namatay para sa mga kasalanan ng sangkatauhan sa krus, na Siya’y muling nabuhay at umakyat sa langit. Alam ba natin ang dalawang pananaw na ito? Una: Sa pagkabuhaymuli, ang kaluluwa ay hindi pa pumapasok sa langit hanggang sa huling paghukom. Ang kaluluwa at katawan ay magkasamang bubuhayin-muli at huhukuman sa huling paghukom! Pangalawa: Ang kaluluwa ay deretso sa isang langit kaagad-agad pagkatapos mamatay ang katawan. Ang dalawang panananaw na ito ay pinagisa sa doktrina ng tinatawag na double judgement kung saan ang kaluluwa ay hinuhukuman kaagad pagkatapos ng kamatayan at pupunta sa isang temporary heaven habang hinihintay ang pangalawa at final physical judgement sa kataposan ng mundo. MGA TANONG: 1. Sino si Elias? Ano ang kahulugan ng kaniyang pangalan? 2. Di ba siya ay iniakyat sa langit? Ikumpara ito sa pag-akyat ni Cristo sa langit.

3. Ano ang langit? Ano ang pananaw ng Biblia ukol sa langit? Ano ang sinasabi sa Mt 5:3 ukol sa langit? Sa Mk 9:45-46? Sa Mt 13:43? Sa Lk 22:30? Sa Jn 14:2? 4. Ano ang pananaw ng Romano Katoliko? Orthodox? Protestante? UCCP? 5. Ipaliwanag ito: “resurrection of the body” at “immortality of the soul”

SINO SI NAAMAN? Si Naaman ay hindi Israelita. Siya ay isang taga-Siria na pinuno ng hukbo ni Haring Jazael. Siya’y kinalulugdan ng hari sapagkat siya’y matapang at makapangyarihan. Kahit na siya ay isang pagano, siya’y pinapatnubayan ni Yahweh kaya ang Siria na paganong bansa ay laging matagumpay [v1] sa mga digmaan nito tulad ng digmaan laban sa Israel. Ngunit sa kabila nito, siya ay may ketong – ang sakit na nakapandidiri. ANO ANG KETONG? Ang ketong ay sakit sa balat. Ito ay mga bukol sa umpisa at karaniwang umaatake sa ugat at buto, lalo na sa mga kamay, paa at mukha. Mayroon na nito noong 1500 BC sa Egipto sa panahon ng Daan na Tipan. Inilarawan ang sakit na ito sa Leveticus 13 bilang impeksiyon sa balat na sumusugat, kumakalat at tumatagal sa pasyente. Sinuman ang mayroon nito ay hinihiwalay sa iba hanggang mawala ang impeksiyon at makitang makinis na ang balat. Ito ang sakit ni Naaman.

ARALIN 6: SI NAAMAN SA KAMAY NG DOKTOR Hari 5:1-14 CYCalendar: Pentecostes 6/ Linggo ng Buhay Rural Hulyo 12

2

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung ano ang sakit na ketong. 2. Makita kung paano ang paraan ng pagpapagaling noon. 3. Maipamuhay ang mga pamamaraan ng pagpapagaling ng anumang sakit ngayon. GININTUANG TALATA: “Kaya, nang mapag-isip-isip ni Naaman, lumusong siya sa Ilog Jordan at lumubog ng pitong ulit, at tulad ng sinabi ni Eliseo, nanauli sa dati ang kaniyang katawan, tulad ng balat ng sanggol,” 2 Hari 5:14 [MBB]. BIBLIKAL Ang mga himala ng ating Tagapagligtas ay nakaprograma para sa mga nawalang tupa ng Israel. Subalit ang Kanyang himala sa pamamagitan ni Propeta Eliseo sa pagpagaling ng sakit na ketong kay Naaman na isang taga-Siria ay nagpapakita na ang Diyos ay Dakilang Doktor na gumagawa ng kabutihan para sa lahat ng tao sapagkat ibig Niyang maligtas ang sinuman sa daigdig na ito.

ANO ANG GAMOT NITO? Sa pamamagitan ng isang babaeng bihag na Israelita na naging katulong ng asawa ni Naaman, kanyang sinabi na kung lalapit si Naaman kay Propeta Eliseo na nasa Samaria, Israel, siya’y tiyak na gagaling. Nalaman ito ni Naaman sa kanyang asawa at ibinalita niya ito sa hari. Kaya gumawa ng sulat ang paganong hari para sa hari ng Israel na nagsasabi ng ganito: “Mahal na haring Joram, ang may dala nito’y si Naaman na aking lingkod. Ipinakikiusap kong pagalingin mo ang kanyang ketong.” Ngunit nang mabasa ito ni Joram ginahak niya ang kanyang kasuutan bilang tanda ng kanyang galit sa hari ng Siria at kanyang sinabi na hindi siya Diyos “na maaaring bumuhay at pumatay. Bakit sa akin pinapunta ang taong ito para pagalingin sa kanyang sakit? Baka naman humahanap lang siya ng dahilan para magdigmaan kami?” [v7]. May katuwiran si Joram na dapat hindi sa kanya ipinadala ang sulat kundi sa propeta ng Israel. Sa kabilang banda may katuwiran din si Haring Jazael na ang kanyang sulat ay “thru channel”. Naka-address sa hari ang sulat sapagkat iginagalang niya ang kapangyarihan ng hari ng Israel, subalit na-miss-interprete siya nito. Kung magaling na taga-pamahala si Joram dapat sana’y ipinasa niya sa propeta ng Israel na si Eliseo. Kaya, nang mabalitaan ito ng propeta, ipinasabi niya sa hari na papuntahin si Naaman sa kanya. Gayon nga ang ginawa ng hari. Sinabihan si Naaman ng hari na ipinasasabi ng propeta ito: “Pumunta ka sa Ilog Jordan. Lumubog ka ng pitong beses at mananauli sa dati ang iyong katawan. Gagaling ang iyong ketong” [v10].

Subalit galit na galit na may padabogdabog pa si Naaman sapagkat ang buong akala niya haharapin siya ni Eliseo at siya’y tatayo ng matuwid at tatawagin niya ang Diyos at babasbasan siya upang siya’y gumaling. Nagkamali si Naaman sapagkat hindi ito ang paraan ni Eliseo ng pagpapagaling ng kanyang ketong. Sapagkat siya’y galit na galit, siya’y umalis. Ngunit lumapit sa kanya ang mga katulong at sinabi: “…hindi ba’t gagawin ninyo kahit mahirap pa riyan ang ipagawa sa inyo ng propeta? Gaano pa iyang pinaghuhugas lang kayo para luminis? “ [v13]. Dahil sa kanyang mga katulong, natauhan si Naaman kaya siya’y pumayag na lumusong sa Ilog Jordan ng makapitong beses at isang himala ang nangyari sapagkat siya’y gumaling. Kuminis ang kanyang balat na naging tulad ng balat ng isang sanggol. Pansinin ang pananampalataya ng katulong na naging instrumento sa pagpapagaling. Nanampalataya din si Naaman at ang kanyang asawa na sa pamamagitan ng propeta ng Israel ang sakit na ketong gumaling sa Ilog Jordan! PAGSASAPANAHON Ang ketong ay isa lamang sa maraming uri ng sakit ng ating lipunan. Pinagaling si Naaman sa pamamagitan ng isang propeta sa Ilog Jordan! Ang binugbog ng mga tulisan at halos patay na nang iwan ay pinagaling ng isang mabuting Samaritano sa pamamagitan ng pagbuhos ng langis at alak sa mga sugat nito [Lk 10:29-37]. Ayon kay Santiago, “Mayroon bang may sakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis, sa pangalan ng Panginoon” [5:14]. Ipinapahiwatig dito na ang taglay na karamdaman ng ating lipunan ay hindi lamang pisikal kundi espiritwal. Si Goliath ay namatay sa pamamagitan ng munting bato. Ang kapangyarihan ay hindi nagmula sa munting bato, kundi nagmula sa pananampalataya ni David at pagsunod sa Diyos. Ang ketong ni Naaman ay gumaling sa paghugas sa Ilog Jordan, sapagkat sa kanyang pagsunod ay ipinakita niya ang pambihirang pananampalataya at pagsunod kay Yahweh kahit na siya ay isang paganong tao. Ngunit anuman ang ating karamdaman lahat tayo ay apektado sa mataas na halaga ng pagpapagamot! Kaya ang karamihan ay umaasa na lamang sa mga alternative medicines na sa tingin nila makatutulong. ALAM BA NATIN ITO? Ang Natural Vitamin D ay mula sa araw! Libre lang ito mula kay Yahweh! Tuwing umaga magpasarap ka sa liwanag at pagmasdan ang araw [Mangangaral 11:7]. Kung walang liwanag mula sa araw walang buhay sa mundong ito! Sa wikang English ganito ang

paliwanag kung paano ginagawa sa factory ng ating katawan ang Natural Vitamin D: “A miracle factory is at work just beneath our skin; when the ultraviolet rays of the sun touch the skin, the factory sets at work. There are tiny oil glands just beneath the skin called sterols. As sunshine strikes them, substances within them, called ergosterols, are irradiated and transformed into Vitamin D. Red corpuscles constantly flowing through the very small blood vessels throughout every part of the 3,000 square inches of our skin transfort the vitamin throughout the body.” MGA PAKINABANG NG VITAMIN D: Pinatitibay ang ating immune systems lalo na ang white blood cells ng ating katawan; nagbibigay ito ng pain relief; pinapaganda ang kondisyon ng ating modo; pinabubuti ang ating pag-iisip o mental function upang maging alerto; pinapataas ang lakas ng katawan; pinapababa ang cholesterol level by 13%; tumutulong sa calcium assimilation at pinatitibay ang buto at ngipin; pinapataas ang volume ng oxygen sa dugo; pinapahinto nito ang pagtubo ng cancer; pinapataas ang liver function; binabalansi ang mga hormones. Kaya kung mahal ang pagpapagamot sa ating panahon, subukan ang pamamaraan tulad ng pamamaraan ni Yahweh mula sa sinag ng araw. Libre pa! MGA TANONG: 1. Sino si Naaman? Ano ang kaniyang sakit? Paano ang lunas ng sakit na ito? 2. Ano ang mayroon sa Ilog Jordan na wala sa ibang ilog? 3. Kung ang sakit na ketong ni Naaman ay pisikal, mayroon din bang sakit espiritwal? 4. Ano ang gamot sa espirituwal na sakit? Ipaliwanag. 5. Nadinig mo na ba ang katagang: “Bawal ang magkasakit kung mahal ang gamot”? Paano kung libre ang gamot? Papayag ka na magkasakit?

ARALIN 7: Hari 6:8-23 CYCalendar:

SI ELISEO SA GITNA NG DIGMAAN Pentecostes 7

2 Hulyo 19

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung paano nagtagumpay ang Israel sa digmaan.

2. Makita kung paano pinalalakas ni Eliseo ang pananampalataya ng kanyang katulong. 3. Maipamuhay ang lakas ng pananampalataya ni Eliseo sa ating panahon. GININTUANG TALATA: Ngunit ipinabatid ito ni Eliseo kay Haring Joram. Sinabi niya,”Pabantayan ninyong mabuti ang gayo’t ganitong lugar pagkat sasalakay roon ang mga taga-Siria,’” 2 Hari 6:9 [MBB]. BIBLIKAL DIGMAANG BINALAK BIGO. Binalak ni Haring Aram ng Siria ang digmaan laban sa hari ng Israel na si Joram [852-841 BC]. Inilahad niya ito kung paano papasok ang kanyang malakas na hukbo sa mga dalampasigan ng Israel at masurprisa ang hari ng Israel bago ito makapaghanda. Ngunit bigo siya pagkat ipinabatid ni Propeta Eliseo kay Joram ang naturang balak. Pinabantayan ng Propeta sa hari ang bawat lugar kung saan sasalakay ang mga hukbo ng Siria. At ganoon nga ang ginawa ng hari. Kaya bigo ang Siria sa digmaang ito. Imbes na masurprisa niya ang hari ng Israel, siya ang nasurprisa. Dahil dito, natupad ang hula sa aklat ni Nehemias 4:11: “Akala ng aming mga kaaway hindi namin alam ang kanilang binabalak na pagsalakay. Iniisip nilang mapupuksa nila kami at mahihinto ang aming gawain.” Lahat na binabalak ng tao ay nalalaman ng Diyos na ipinapasabi sa pamamagitan ng mga propeta. Gawain ng isang propeta ang magbigay ng babala [warning] bago mangyari ang panganib [danger]. Kung sa kabila ng babala ang kinauukulan ay nagpabaya at walang positibong aksyon bilang lunas sa panganib, ang dugo ng mga nadamay ay nararapat na kanyang panagutan. Dalawang klase ang babala na dulot ang panganib: [1] Ang babala ni Eliseo kay Joram, hari ng Israel, tungkol sa pagsalakay ng Siria ay isang halimbawa ng babala na maghahatid ng panganib ng kamatayan sa mga mamamayan kung hindi ito napaghandaan. [2] Ang babala niya kay Joram tungkol sa kanyang kasalanan [man’s alienation from God] na kung walang pagsisisi sa parte ng hari ay maghahatid ito sa kanya sa impiyerno [“apoy na di namamatay”], [Mk 9:43]. DIGMAANG MULING BINALAK BIGO PA RIN. Muling binalak ng Siria ang digmaan upang hulihin si Eliseo. May nakapagsabi sa hari ng Siria na si Eliseo ay nasa Dotan, isang lunsod na malapit sa Samaria [v13]. Kaya nagpadala si Haring Aram ng maraming kawal at kinubkob nila ang lunsod sa gabi upang bihagin ang propeta, dead or alive. Kinabukasan, ang ganitong tagpo ay nagdulot ng pag-alala sa katulong ng propeta na

nagsabing: “Maestro, paano tayo ngayon?” [v15]. Tila hindi alam ng kanyang katulong ang sinabi sa Awit 3:6, “Libo mang kaaway, wala akong takot, humanay man sila, sa aking palibot.” Hindi niya rin alam ang sinabi sa Awit 27:3, “Kahit salakayin ako ng kaaway, magtitiwala rin ako sa Maykapal.” Nakalimutan ng katulong ni Eliseo na kasama nila si Yahweh. Nasa panig nila ang Diyos. Ayon kay Pablo, “Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang lalaban sa atin?” [Rm 8:31]. Kaya sinabi ni Eliseo sa kanyang katulong: “Huwag kang matakot pagkat marami tayo kay sa kanila” v16]. Sa pamamagitan ng panalangin ni Eliseo binuksan ni Yahweh ang paningin ng kanyang katulong. Kaya sa pangitain nakita ng katulong ang bundok na punong-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid sa mga kawal ng Siria. Sa ganitong tagpo nawala ang takot ng kanyang katulong sapagkat nakita niya na siya at ang kanyang maestro ay may mga anghel na nakagwardya sa mga pintuan ng langit laban sa mga pintuan ng impiyerno. Ang mga kabayo at karwaheng apoy ay mga anghel ng Diyos na sumasagisag sa mga hukbo ng Diyos [Gen 32:2] at ang bilang nila ay “labindalawang batalyon” [Mt 26:53]. Sa panalangin: “Lord, open his eyes that he may see” - nabuksan ang kanyang mga mata kaya nakita ang panganib; “Lord, open the eyes of his faith” – nabuksan ang mga mata ng kanyang pananampalataya kaya nakita ang proteksyon ng Panginoon. Nang sumalakay na ang mga kawal ng Siria ay muling nanalangin si Eliseo, “Yahweh, bulagin mo sila.” At nabulag nga sila hanggang nailihis sila patungong Samaria. Kaya bigo na naman sila. Akala ng mga kawal ng Siria ay magtatagumpay na sila sa pagdakip kay Eliseo. Ngunit ito ay maling akala. Nanalangin ang propeta na bulagin ang mga kalaban ng Israel. Kaya sa katanghaliang-tapat hindi na sila makakita sa kanilang dinadaanan sapagkat sila ay bulag na. Ayon sa Isaias 59:10, “Tulad nami’y bulag, na nag-aapuhap sa paglakad sa katanghaliang-tapat. Para kaming nasa madilim na libingan.” Sila’y litung-lito at di-malaman kung saan sila pupunta, tulad ng sinabi sa Job 12:24-25, “Karunungan ng mga hari’y napapawalang kabuluhan. Sa paggawa’y nalilito’t di malaman ang pupuntahan. Sa dilim sila’y nangangapa, sapagkat naliligaw, animo ay mga lasing, sa daan ay sumusuray.” Sa katulong ni Eliseo ibinigay ni Yahweh ang pagkaunawa, ngunit kamangmangan ang Kanyang ibinigay sa mga kalaban. Kaya ayon sa Isaias 6:9, “Humayo ka, sabihin mo sa mga tao: ‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa; tumingin man kayo ng tumingin ay hindi kayo makakikilala’”. Sa Juan 9:39 ganito ang sabi: “Isang kahatulan sa sanlibutan ang pagparito ko, upang makakita ang mga bulag at mabulag ang mga nakakikita.” Nailihis ang mga kawal ng Siria mulang

Dotan patungong Samaria. Nang sila ay nasa Samaria muling nanalangin si Eliseo na panauliin ang kanilang paningin [v20]. Sa Samaria ay may sapat na mga kawal si Haring Joram upang tapusin silang lahat, o kaya gawing bihag ng digmaan. At nang makita sila ng hari, itinanong kay Eliseo kung papatayin silang lahat. Ngunit ang payo ng propeta ay huwag patayin kundi pakainin bago pauwiin sa Siria. At ganoon nga ang nangyari! PAGSASAPANAHON Ang digmaan ay laging malupit. Walang Kristiyano ang magtatanggol sa kalupitan ng mga digmaan noon at ngayon, maging ito ay digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas ng Gaza. Ngunit ang mga digmaan ng Israel ay digmaan ni Yahweh [Bilang 21:14]. Walang digmaan ang Israel kung walang konsultasyon at pagsang-ayon ang Panginoon [1 Samuel 23:2ff]. Sa digmaan ang tagumpay ay hindi paraan upang magpayaman sa sarili – ang mga bihag at lahat na kayamanan ay para sa Panginoon. Ngunit may mga tao na walang ibang iniisip kundi ang magpayaman, tulad ni Acan na nagkasala sapagkat sa mga bagay na sinamsam niya sa Jerico kinuha niya ang 1 mamahaling damit mula sa Babilonia, halos 8 librang pilak, at 1 barang ginto na mahigit pang 2 libra [Josue 7:1,19-25]. Ngunit ang dating kaisipan ng ‘isang bansa sa ilalim ng Diyos’ ay nawala dahil sa pagpasok ng Israel sa pakipag-alyansa sa ibang bansa. Ang military power na nag-umpisa pa noong paghahari ni David laban sa mga Filisteo ay kinailangan mareorganisa sa kaharian ni Solomon [1 hari 4]. Ang alyansa at balansi ng military power ay matinding pinoprotesta ng mga propeta. Ang dating pananaw na “isang bansa sa ilalim ng Diyos” ay napalitan na ng “isang bansa sa gitna ng mga bansa”. Ganito ang pananaw ni Jesus sa harapan ni Pilato: ‘Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan’ [Jn 18:36]. Kaya ipinapahiwatig sa atin na walang dahas na gagamitin ang mga lingkod ni Cristo sa pakikipagdigma. Ang Bagong Tipan ay madalas gumagamit ng military terms- ngunit ito ay “war in heaven” [Pahayag 12:7]. Ayon sa 2 Cor 10:4, “Ang sandata ko’y may kapangyarihan ng Diyos…Sinisira ko ang mga maling pangangatuwiran”. MGA TANONG: 1. Sino si Eliseo? Ano ang kahulugan ng kaniyang pangalan?

2. Paano siya nakatulong sa digmaang binalak ng Syria laban sa Israel? 3. Paano niya pinalakas ang pananampalataya ng kaniyang katulong nang makita niya ang paglusob ng mga sundalo na nakapaligid sa kanila? 4. Kung may digmaan sa lupa, mayroon din bang digmaan sa langit? Tingnan at ipaliwanag ang Apoc 12:7. 5. Ang kaharian ba ni Jesus ay para sa langit lamang? Tingnan ang Juan 18:36; Tingnan din ang 2 Cor 10:4; Nasa langit na ba ang larawan ng sinasabi sa Efeso 6:10-18?

ARALIN 8: ANG PANUKAT NG DIYOS KAY JEROBOAM Amos 7:7-17 CYCalendar: Pentecostes 8

Hulyo 26

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung bakit si Amos na taga-Juda ay nangaral ng panukat ng Diyos sa Israel. 2. Makita kung bakit may kontrabida sa pangangaral na ito. 3. Maipamuhay ang panukat na ito sa ating panahon. GININTUANG TALATA: “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isang panhulog po,” tugon ko. “Sa pamamagitan nito’y ipakikita ko ang pagkakamali ng aking bayan. Hindi na magbabago pa ang isip ko tungkol sa pagpaparusa sa kanila,”Amos 7:8 [MBB]. BIBLIKAL Si Amos na pastol ng Tekoa, Juda, ay nangaral bilang propeta sa Betel, Israel, laban kay Jeroboam I [928-906BC] [760-750 BC]. Binalaan niya ang hari sa pamamagitan ng panukat na guguho ang Israel dahil sa kanyang mga kasalanan. Subalit ibig siyang palisanin ng sipsip na si Amasias, pinunong saserdote ng Betel. PANGITAIN NI AMOS. Sa pangitain nakita ni Amos ang panhulog [plumbline] na sumasagisag ng panukat ng Diyos sa Israel. Ang panhulog ay panukat na gamit ng isang karpentero o mason sa paggawa ng pader

upang ito ay makitang matuwid, pantay at matibay. Ang Israel ang “pader” na ginamitan ng panhulog para masukat kung ito nga’y matuwid, pantay at matibay. Sa pamamagitan nito, nalaman ng Diyos na ang Israel ay pader na baluktot, di-pantay at mahina. Sinukat at nakitang baluktot, masama, at di-makatarungan. Dahil dito, ang Diyos na makatarungan ay magpapadala ng kaparusahan. Wawasakin Niya ang mga lugar na pinagsasambahan ng mga inapo ni Isaaac, ang mga banal na dako ng Israel at ang sambahayan ni Haring Jeroboam, dahil ibinulid nito ang Israel sa pagkakasala. SINO SI AMAZIAS? Si Amasias ay pinunong saserdote ng Betel. Siya’y naglilingkod sa ginintuang bakang diyus-diyusan sa lugar na ito. Galit siya kay Amos sa tatlong bagay: [1] nangangaral si Amos sa Betel na walang lisensya mula sa kanya; [2] nangangaral siya laban sa mga altar ng kanyang diyus-diyusan; at [3] nangangaral siya na guguho ang Israel kabilang na ng mga diyus-diyusan na pinaglilingkuran din ng hari. Galit din pati ang mga gumagawa ng rebulto na mawawalan ng hanapbuhay kung guguho ito. Ginamit ni Amazias ang kanyang dila upang magsumbong kay Haring Jeroboam. Isinumbong niya si Amos na nangangaral ng laban sa hari [v10], na ang hari ay mamamatay sa isang digmaan at ang mga tagaIsrael ay dadalhing bihag sa ibang lupain [v11]. Sa

sumbong na ito ipinapahiwatig ni Amazias na si Amos ay may nagawang krimin na treason [pagtaksil sa bayan]. Para bagang sinasabi ni Amasias, narito si Amos na “nakikipagsapakatan laban saiyo” - tanggalin ka sa pwesto at ipapapatay ka pa; nais niyang siya ang papalit saiyo, at dahil dito ginagawa niya ang pinaka-epektibong paraan na mapahina ka; siya’y naghahasik ng binhi ng sedition [paglaban sa pamahalaan] sa puso ng mga mamamayan sa iyong kaharian. Tusong ipinapahiwatig niya sa hari na ang bansa ay nayayamot o nagagalit na, at ang kanyang pangangaral ay hindi na makapagbabata pa, at walang sinuman ang makikipagkasundo pa upang palawigin pa ang pwesto mo sa pamahalaan. May mga magpapatunay sa sumbong na ito saiyo at sila’y handa na patunayan saiyo na ikaw ay mamamatay sa espada at ang Israel ay magiging bihag na dadalhin sa ibang lupain. Kaya sa pamamagitan ng sumbong na ito, napalitaw niyang si Amos ay mortal na kalaban ng hari at ng Israel. Ngunit hindi sinabi ni Amasias sa hari kung paano ipinamagitan ni Amos ang Israel kay Yahweh na huwag nang ituloy ang unang kaparusahan [“balang” ] at ang pangalawang kaparusahan [“apoy”] upang mapigilan ang pangatlong kaparusahan [“panhulog”] kung nakinig at nanumbalik ang hari sa Panginoon. Hindi niya sinabi na ang mga panganib na ito ay kondisyonal – kung nanumbalik at nagbago - ang pagguho ng Israel ay maiiwasan. Subalit ang sumbong ay hindi pinansin ng hari. Marahil iginagalang ng hari si Amos bilang isang propeta ng higit kay Amasias na kanyang pinunong saserdote.

HINIMOK NI AMASIAS SI AMOS NA UMALIS NG BETEL. Nang hindi niya makumbinsi ang hari upang si Amos maipakulong, maipatapon, maparusahan ng kamatayan, o kaya’y masindak para manahimik, siya mismo ang naghimok kay Amos na bumalik na sa Juda [vv12-13]. Binansagan niya si Amos na “bulaang propeta”. Para kay Amazias ang Betel ay hindi isang lugar para kay Amos. Ito ang lugar ng trono ng hari kung saan naroroon ang palasyo, mga kapilya o santuwaryo na may mga pari, mga altar at mga diyus-diyusan. Kaya ang lugar na ito ay di bagay para sa kanyang paglilingkod. Ngunit para kay Amos ang Betel ay lugar na nababagay sa kanya. Una, sapagkat si Amos ay isang manggagawa na mahinahon magsalita at hindi garapal kaya siya ay nababagay sa kapilya ng hari; Pangalawa, sapagkat ang pananambahan sa kapilya ng hari ay nakayayamot at nakababahala na nangangailangan ng pagbabago; Pangatlo, sapagkat hindi bagay sa hari na magpapatuloy sa maling pananampalataya. Walang ibang hinangad si Amazias kundi ang mga pakinabang sa kanyang lugar. Inisip niya na si Amos ay may parehong pananaw. Kaya pinayuhan niyang doon na siya sa Juda maghanapbuhay. Subalit para kay Amos siya ay hindi naghahanapbuhay kundi naglilingkod kung saan siya hinirang ng Diyos, kung saan siya kailangan, hindi kung saan ang malaking suweldo o pakinabang. TUGON NI AMOS KAY AMASIAS. Nangatuwiran si Amos na siya’y hindi naghahanapbuhay kundi ang kanyang paglilingkod ay isang utos at tagubilin na makalangit. “Hindi ako propeta, o anak ng propeta, alinma’y hindi ako ipinanganak o may lahi sa gawaing ito. Hindi ako iginuhit para maging isang propeta, tulad ni Samuel at Jeremias. Hindi ako nag-aral sa mga paaralan ng mga propeta, tulad ng iba; subalit ako ay isang pastol na nag-aalaga ng mga tupa at nag-aalaga rin ng mga punong-igos.” May mga mga punong-igos na di namumunga at namumunga. Iniipon ni Amos ang mga punong-igos para sa kanyang mga tupa, o para sa kanyang sarili at pamilya, o iniipon para ipagbili. Siya ay isang simpleng mamamayan, pinalaki at nag-empleyo sa lupang tinubuan at sanay sa simpleng buhay. Sinusundan niya ang mga tupa at ang mga kawan. Ngunit tinawag siya ng Diyos, at sinugo upang maging propeta sa bayang Israel. Hinirang siya sa gawaing ito. Samakatuwid, hindi siya dapat tumahimik at magpadala sa mga panghihimok ninuman. Kinundena niya si Amasias: “Pinatigil mo akong manghula laban sa Israel at sa mga inapo ni Isaac” [v16]. Si Amasias ay nagkasala laban sa Diyos at ang pagkakasalang ito ay naging panukat ng Diyos na naghatid: [1] sa pagkaguho ng relasyon sa kanyang pamilya – sa sarili, sa asawa na “magiging isang masamang babae” at sa kanilang mga anak na “masasawi sa larangan ng digmaan” na ang pangyayaring ito ay tulad ng sinasabi sa Panaghoy 5:11, “Ang aming mga

maybahay ay ginahasa sa Sion, ang mga dalaga’y pinagsasamantalahan sa mga bayan ng Juda.” [2] Na aalisin sa kanya ang lahat na ari-arian na aagawin ng kanyang mga kaaway at paghahatihatian ng mga sundalo. [3] Na siya ay masasawi sa ibang lupain, hindi sa lupain ng Israel na banal sa Panginoon. PAGSASAPANAHON Alam ba natin ito? Ibig ni Amazias na lumayas si Amos sa Betel; ayaw niyang may kaagaw siya sa hanapbuhay! Maliban sa mga misyunaryo, payag ka bang ang mga OFWs ay katulad ni Amos na hinirang upang maglingkod ngunit pinagmamalupitan / pinagsasamantalahan pati na ng sariling bansa? Si Jeroboam ay inilagay sa pwesto bilang taga pamahala ng lahat na gawaing bayan sa Israel; binasbasan siya upang maging hari ng Israel pagdating ng araw; nagalit si Solomon at nagsikap na ipapatay siya; tumakas siya pa-Egipto at bumalik nang mamatay ang hari; sa kanyang pagbalik siya’y ginawang hari ng Israel subalit ibinulid niya ang bansa sa pagkakasala! Papayag ka bang si Ninoy Aquino ang katulad ni Jeroboam? Di siya naging presidente, ngunit pinagkaisa ang mga Filipino sapagkat ayon sa kanya: “The Filipino is worth dying for.” Opo, pinagkaisa nga ang mga Filipino! Ngunit pinagwatakwatak naman sila sa ilalim ng mga naging “Jeroboam” sa ating bansa. Hindi lamang ang bayan ang hati, kundi ang mga naglilingkod na “Amasias” at “Amos” sa ating panahon. MGA TANONG: 1. 2. 3. 4. 5.

Sino si Amos? Bakit siya’y naging misyonero sa Israel? Sino si Amazias? Bakit siya’y mahigpit na kalaban ni Amos? Sino ang bulaang propeta sa dalawa: Si Amos ba o si Amazias? Ano ang layunin ng panukat ng Diyos sa hari at bansang Israel? Kung may panukat ang Diyos sa Israel, ano ang panukat Niya sa ating bansa?

ARALIN 9: ANG TAKSIL NA ASAWA’T MGA ANAK NI OSEAS Oseas 1:2-10 CYCalendar: Pentecostes 9 Agosto 2 MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung ano ang ipinangangaral ni Propeta Oseas laban sa Israel bago ito bumagsak sa kamay ng dayuhan.

2. Makita ang mensahe sa pamamagitan ng buhay ng kanyang asawa at mga anak na nagtaksil sa kanya. 3. Maipamuhay ang pamilyang may dangal at kalugudlugod sa Panginoon sa ating panahon. GININTUANG TALATA: “Gayunma’y magiging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga taga-Israel, hindi mabibilang sa karamihan. At sa dakong sinabi sa kanila, ‘Kayo’y hindi ko bayan’, sasabihin sa kanila, ‘kayo’y mga anak ng Diyos na buhay,’Oseas 1:10 [MBB]. BIBLIKAL Si Propeta Oseas ay nangaral sa Israel sa panahon ng kaguluhan sa ilalim ni Jeroboam II [786-746 BC] bago bumagsak ang Samaria sa kamay ng dayuhan noong 721 BC. Anim na propeta ang nabubuhay at nangangaral sa panahong ito: sina Joel, Amos, Mica, Jona, Obadia at Isaias. Ngunit si Oseas ang una sa kanila na nangaral sa pagguho ng Israel sanhi ng masamang pamumuhay at mapang-apid na lahi. Inutusan siya ni Yahweh na ipakita sa Israel ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng kanyang asawa at mga anak na taksil. Napangasawa niya ang anak ni Diblaim na si Gomer, isang masamang babaeng kilala sa tawag na harlot [mapang-apid]. Nanganak sila ng tatlo: si Jezreel, si Di Kinahahabagan, at si Di-Ko-Bayan. Ang kwento ng buhay ni Oseas na nakapangasawa ng isang masamang babae at tatlong masasama anak ay isang paglalarawan para sa buong bayan ng Israel na nagpakasama at nagtaksil kay Yahweh. Ang tinutukoy na masama sa tekstong ito ay ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Ang pagluwalhati sa anumang nilalang na nararapat ibigay kay Yahweh lamang ay isang kapinsalaan at insulto. Ang idolatriya ay masama, mas masama pa kaysa alin mang masama. Ito ay pagtalikod at pagtaksil sa Panginoon, tulad ng pagtalikod at pagtaksil ng isang asawa na nakikiapid sa iba. Ganyan kasama ang Israel sa kanyang pagtalikod sa Diyos. Hindi lang tinutukoy ang isang partikular na tao sa tekstong ito, kundi ang buong bayang Israel na nagpakasama at nagtaksil sa Diyos. Nakamumuhi para sa propeta, isang banal na tao, na magkaroon ng isang masama at taksil na asawa, at mga anak. Kung ang pamilya niya ay magpapatuloy sa ganitong kalakaran kailangan niya ang mahabang pasensya. Ganyan ang ginawa ni Yahweh sa Israel – mahabang pasensya at habag bago iginawad ang parusa!

ISINASAGISAG NG PANGALANG GOMER. Gomer ang pangalan ng asawa ni Oseas. Sumasagig ito sa kabulukan at katiwalian ng Israel. Anak siya ni Diblaim na ang kahulugan ay dalawang masa ng igos na ang una ay tumutukoy sa kasalanan at ang pangalawa sa pagguho at pagkawasak ng bansang Israel bilang hatol at parusa sa kasalanang ito. ISINASAGISAG NG PANGALANG JEZREEL [v4]. Jezreel ang una at lalaking anak ni Oseas. Sumasagisag ito sa “binhi ng Diyos” na nagkawatakwatak tulad sa mga tupa na nasa mga bundok na walang pastol. Nawala ang lahat na dangal ng pangalang ito bilang “binhi ng Diyos” sapagkat tinalikdan ng Israel ang Panginoon. Ikinalat sila tulad sa ipa ng trigo o palay na walang direksiyon. Ipinangalan ni Oseas ang kanyang unang lalaking anak sa lunsod ng Jezreel sapagkat ito ang lugar ng palasyo ng hari na sumamba kay Baal, dito inagaw ni Haring Acab at Reyna Jezebel ang ubasan ni Nabat at dito pinagpapatay ni Jehu ang mga hari. Kaya ipinaghiganti ni Yahweh ang dugong ibinubo sa Jezreel sa pamamagitan ng pagparusa sa sambahayan ni Jehu, ang pinagmulan ni Haring Jeroboam at Haring Zacarias, ang huling sambahayan ni Jehu bilang hari ng Israel. Si Jehu ang pumatay kay Joram, Ocosias, at Jezebel [2 Hari 9:24-33] at lahat na tagapagmana ni Acab at mga propeta ni Baal [2 Hari 10:11,23-25]. Hinatulan ng parusa ang sambahayan ni Jehu pagkat nagpatuloy siya sa pagsamba sa mga diyus-diyusan sa Betel at Dan [2 hari 10:29-31]. ISINASAGISAG NG PANGALANG LO-RUHAMAH O DI KINAHAHABAGAN [v6]. Di Kinahahabagan ang pangalawa at babaeng anak ni Oseas. Sumasagisag ito sa pagpapabaya ng Diyos na walang iniukol na pagkahabag. Ang unang anak na lalaki at pangalawang anak na babae ay parihong namuhay sa kabulukan at katiwalian, tulad ng kanilang ina. Isinasalamin nila ang mga anak na lalaki at babae ng Israel na namumuhay sa ganitong kalakaran. May nagsabi na ang Israel ay kumikilos tulad ng kilos-babae [effeminate] at naging mahinang [enfeebled] bansa. Dati ipinakita ng Diyos ang dakilang habag, ngunit inabuso ito, kaya pinabayaan siya ng Diyos. Utos ni Yahweh kay Oseas: “Tawagin mo siyang Di Kinahabagan, sapagkat hindi ko kahahabagan ni patatawarin ang Israel.” Kung pagsisihan ng Israel ang kanyang mga kasalanan, kahahabagan siya sa pamamagitan ng kapatawaran. Kahit na gaano kalaki ng pagkakasala: ang habag at pagpapatawad ng Diyos ay iginagawad sa sinumang tumatalikod sa kasalanan. Subalit ito ay kondisiyonal: kung magsisi! Kung hindi: Hindi rin siya kahahahabagan! ISINASAGISAG NG PANGALANG LO-AMMI O DI-KO-BAYAN [v 9]. Di-ko-Bayan ang pangatlo at bunsong lalaking anak ni Oseas.

Sumasagisag ito sa pagtanggi ng Diyos na ang Israel ay hindi na kasama sa Tipan. Dala ng pangalan ng tatlong anak ni Oseas ang babala sa Israel – ang babalang bunga ng pagiging mga anak ng babaeng masama [v2]. Ipinanganak sila ng isang masama at mapang-apid na babae upang ipaunawa sa Israel na ang buong bayan ay

masama at mapang-apid rin sapagkat sila ay naglingkod sa diyus-diyusan at hindi kay Yahweh – ito ang dakilang kasalanan na naghatid sa kanila ng parusa at ang parusang ito ay nangyari sa pamamagitan ng pagbagsak ng Israel sa kamay ng dayuhang Asiria. Ang pagguho ng Israel ay natural na produkto ng kasalanan. Ang kasalanan ay paghimagsik laban sa Diyos. Kung hindi sila unang naghimagsik, hindi Niya sila tatanggihan. Ang Diyos ay hindi kailaman nagpabaya sa kaninuman hanggat hindi nila unang ginawa ito sa Kanya. Kaya sila’y tinanggihan ng Diyos. Sila’y di na bayan ng Diyos. Tawagin mo siyang Lo-ammi [not my people]! Tinanggihan ni Yahweh ang lahat na relasyon sa kanila: You are not my people, and I will not be your God. Hindi na ako ang inyong Diyos – may dios na kayong iba! Sa kamay ng dayuhan, ang Israel ay hindi na bayan ng Diyos. Ngunit may pangako ang Diyos ng pagbabalik ng Israel pagdating ng araw [v10]. Dati ang Israel ay tinawag Niyang Di-Ko-Bayan, ngunit pagdating ng araw ang Bayan ng Diyos ay tatawaging “mga anak ng buhay na Diyos”. Ang pangakong ito ay tumutukoy sa pagbabalik ng mga Judio mula sa pagkabihag sa Babylonia, kung saan ang karamihan sa 10 tribo ng Israel ay kasama sa pagbalik sa Juda at nakinabang sa kasarinlan na pinagproklama ni Cyrus. Sa kanilang pagbabalik, nagkaisa sila sa panguna ni Zerubbabel upang muling itayo ang templo at muling sumamba kay Yahweh. PAGSASAPANAHON Ang pagsamba ng Israel sa mga diyus-diyosan ay pagtaksil kay Yahweh. Iyan ang larawan ng ating bayan ngayon – taksil sa Panginoon! Ang bayang taksil ay tulad sa isang babae na nakikiapid sa iba. Iyan ang larawan ni Gomer na asawa ni Oseas - nakikiapid sa ibang lalaki, nakikiapid kay Baal! Di ba ganyan din sa Pilipinas? Mahal ni Yahweh ang Kaniyang bayan kahit na ito’y taksil tulad ng pagmamahal ni Oseas sa kaniyang pamilya – ang asawa at mga anak kahit na sila’y taksil. Sinisimbulo ng pagmamahal na ito ang pag-ibig ng Diyos sa Israel kahit na sila’y di-matapat sa pag-ibig at pananampalataya. Nais ng Diyos ang matapat na pag-ibig [steadfast love, 6:6] at ang habag [mercy, Mt 9:13; 12:7]. Ngunit may parusa ang Diyos sa di matapat at taksil na bayan. MGA TANONG:

1. Sino si Oseas at Gomer at 3 nilang anak? Ano ang kahulugan ng kanilang pangalan? 2. Ang bayang Israel ba ay inihalintulad sa asawa ni Oseas bilang taksil na asawa at mga anak na nagtalikod sa Panginoon? Ipaliwanag. 3. Sa pamilya ni Oseas, sino ang tapat kay Yahweh? Ang tapat kay Baalim [local gods of produce and agriculture, Oseas 2:5]? 4. Mahal mo ba ang iyong pamilya – ang asawa at mga anak – kahit na sila’y taksil? 5. Ano ang parusa ng Diyos sa di-matapat at taksil na bayan? Lev 24:14-17;1 Cor 5:1-5 ARALIN 10: ANG PAGBABALIK NG SUWAIL NA BAYAN Oseas 11:1-11 CYCalendar: Pentecostes 10 Agosto 9 MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung paano ang Israel nakabalik mula sa Asiria. 2. Makita ang kabutihan ng Diyos hanggang sa katuparan ng hula tungkol sa “spiritual na Israel”. 3. Maipamuhay ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo ngayon. GININTUANG TALATA: “Nagmamadali silang darating na parang mga ibon galing sa Egipto, at mga kalapating mula sa Asiria; at ibabalik ko sila sa kanilang tahanan,” Sabi ni Yahweh,”Oseas 11:11 [MBB]. BIBLIKAL MABAIT AT MAPAGBIYAYA SA ISRAEL. Minahal ng Diyos ang Israel nang siya ay bata pa [v 1]. Pinili ng dahil sa pag-ibig at pangako [Deut 7:7-8]. Pinalaya sa kamay ni Faraon ng Egipto dahil sa pangakong ito na natupad kay Cristo sa panahon ng pagkamatay ni Herodes [Mt 2:15]. Tinuruan sa pamamagitan ng mga kautusan upang hindi magkamali at inakay sa paglakad [Awit 73:23]. Pinagmamalasakitan tulad ng pagmalasakit ng isang manggagamot. Kung susundin nila ang kautusan at mga tuntunin, at gagawing matuwid ang kanilang buhay, hindi na ipararanas sa kanila ang alinman sa mga sakit na ipinadala sa Egipto, pagkat Siya ang kanilang manggagamot [Exo 15:26]. Pinatnubayan sila ng buong pagmalasakit [v4a]. Tinulungan sila sa pamamagitan ng pag-aalis ng busal sa bibig [v4b]. Ang “busal” ay takip sa bibig na kung ito ay alisin sila ay magiging malaya sa pagsasalita. Tinustusan sila sa pagkain [v4c]. Hirap na hirap sila sa Egipto dahil sa “force labour”. Nabibigatan sila sa

pasaning ito, kaya “yumuko” ang Diyos upang sila’y mapakain. Ang “yumuko” ay tanda ng pagpakamababang-loob ng Diyos upang ipakita sa mga hinirang kung papaano tumutulong ang Diyos sa mabigat nilang kalagayan. Ayon sa Awit 81:6, “Mabigat mong dala’y aking iniibis. Ipinababa ko ang pasaning basket.” Kaya Siya ay mabait at mapagbiyaya! SUBALIT ANG ISRAEL AY INGRATO. Ang Israel ay bingi, masuwayin at mapaglabag sa utos. Tinawag sila mula sa pagkaalipin sa kasalanan upang maglingkod. “Ngunit habang siya’y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo” [v2]. Mahilig sila sa idolatriya, ang pananampalatayang huwad na kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos. “Lagi na lamang naghahandog... at nagsusunog ng kamanyan para sa mga diyus-diyusan” [v2b]. Wala silang paggalang sa Diyos. “Kinalong ko sila subalit hindi nila alam na ako ang nag-aalaga sa kanila” [v3b]. Hinahanap nila si Moises at Aaron bilang instrumento ng kanilang kaginhawahan ngunit di nila nakita ang Panginoon na siyang nasa likod ni Moises at Aaron. “Hindi niya nalamang ako ang nagbigay sa kanya ng pagkain at inumin, at sa akin nanggaling ang lahat na pilak at ginto na ginagamit nila sa pagsamba kay Baal” [Oseas 2:8]. Malakas ang kiling nila sa apostasiya. “Ang aking bayan ay nagpasiya nang tumalikod sa akin “[v7]. Siya na punongpuno ng kabutihan, ng bukal ng tubig at buhay, kailanman, ay di tumatalikod sa kanila. Umiilag sila sa pagsisisi at pagbabagong-buhay. Matigas ang ulo. “Ayaw nilang magbalik” [v5] kahit na sila’y tinatawagan sa pamamagitan ng mga propeta. Patuloy sila sa pagsamba sa walang buhay na dios. Ingrato sila at walang utang-na-loob! KAYA MATINDI ANG POOT NG DIYOS SA ISRAEL. Ang Diyos ay nagpasiyang dalhin ang Israel sa isang mahirap na kalagayan sa kamay ng Asiria. Kung masahol ang kalagayan nila sa pamumuno ni Faraon sa Egipto, lalong masahol ang naging kalagayan nila sa Asiria. Ito ang hatol na parusa ng Diyos sa Israel pagkat di sila matapat sa Kanya. Ang Diyos na nagbigay sa kanila ng Canaan, ang magandang lupain na taglay ang kapayapaan at kaginhawahan, ay Diyos na nagdala ng hatol sa kanila sa lupaing walang kapayapaan at kaginhawahan. “Lulusubin ng kaaway ang kanilang lunsod…” [v6]. Ang ispada ng isang dayuhang kaaway ang nangibabaw sa kanila at naging matagumpay laban sa kanila. Ang hatol na ito ay parusang laganap sa mga lunsod nila na nadamay ang mamamayan kabilang na ng tinatangkilik nilang mga kayamanan. Ipinaghula na wawasakin ng Diyos ang Israel [vv8-9] sa linya ng lahi ni Efraim, ang bunsong anak ni Jose sa Egipto. Siya ang tumanggap ng basbas ni Jacob [Gen 48] na dapat sana’y sa panganay. Ang lahi niya bilang bunsong anak

ay dumami at ang kanyang tribo ay naging dakila sa hilagang kaharian na nasa kanluran ng Palestina kung saan ang mga propeta tulad nina Isaias at Oseas ay nagsalita laban sa kanilang idolatriya at kamatayan ng kanyang lahi at parusa [Isa 7:8; Oseas 5-14] hanggang nangyari ang pagkabihag ng kanyang lahi sa ilalim ng pamumuno ni Sargon II ng Asiria noong 722 B.C. nang si Oseas ang hari ng Israel [2 Hari 15:30]. Ibinigay ng Diyos sa kaaway at nilupig ang kanilang mga lunsod tulad ng Adma at Zeboim na inihalintulad din sa Sodoma at Gomora na tinupok ng asupre at tinabunan ng asin mula sa langit [Deut 29:23]. At ang Juda ay ibinigay din sa kaaway sa ilalim ni Nebuchadnezzar ng Babilonia noong 587 B.C. Kaya matindi ang poot ng Diyos sa Kanyang bayan! NGUNIT MULI SIYANG GUMAWA NG KABUTIHAN. “Panunundan nila si Yahweh…” [v10a]. Nakaplano na ang kabutihan ng Diyos para sa pisikal na pagbabalik ng Israel. “Manunumbalik sila …at lalapit kay Yahweh, at malalasap nila ang kabutihan sa mga huling araw” [Oseas 3:5]. Tinukoy dito ang pagbalik ng dalawang tribo sa panahon ni Esdras, ang Judiong pari na kasama sa pagkatapon sa Persia at pagbalik sa Jerusalem [Esdras 7:1]. Nangaral si Esdras sa Israel noong sila ay nasa Persia pa at kasama siya sa pagbalik sa Jerusalem. Pinangunahan niya ang reforma upang linisin at palakasin ang dating pananampalataya. Hinubog niya sila sa isang makitid na nasyonalismo at istriktong pagsunod sa kautusan. Tinagurian siyang ‘ama ng Judaismo’. Subalit ang post-exilic na Judaismo ay simulaing mas legalistik kaysa kautusan ni Moises at naglayong panatilihin ang bansa na malinis at namumukod sa iba. Kaya ipinagbawal niya ang pag-aasawa sa ibang lahi [Esdras 10:11], naghigpit sa mga pambansang kaugalian at istrikto sa pagpapatupad ng kautusan. Nakaplano na rin ang spiritual na Israel, ang Simbahan, na naging bunga ng Ebanghelyo ni Cristo. Ang mga ninuno ng mga Judio ay tinukoy ang panahong ito bilang araw ng Mesiyas. Ito ay isang hula tungkol sa darating na Cristo na ipangangaral sa mga nagsipakangalat na mga anak ng Israel. “Siya’y uungal na parang leon…” [10b]. Si Cristo ang leon ng tribo ng Juda at ang Ebanghelyo ay ang tinig na sumisigaw sa ilang. “Dumadagongdong ang tinig ni Yahweh mula sa Bundok ng Sion” [Joel 3:16]. “Pag ungal ng leon, maaari bang hindi ka matakot?”[Amos 3:8]. Ang tinig ng Ebanghelyo ay hamon para sa Kaligtasan. Ito na ang katuparan ng pangako! Ipinalaganap ang Ebanhelyo sa mga nagsipagbalik na Judio patungong silangan! At sa mga Gentil na patungong kanluran mulang Canaan! Tulad sa isang ibon, siya’y lilipad sa kanyang pakpak mulang Egipto, at tulad sa isang kalapati, siya’y lilipad rin mulang lupain ng Asiria patungong pugad [Isaias 60:8]. Ang “pugad” ng mga Judio at Gentil na

nagsipagtanggap ng Ebanghelyo ay ang Simbahan ni Cristo. Lahat na dumating sa Jerusalem mulang Egipto at Asiria ay pag-iisahin kay Cristo pagkat ayon kay Isaias: “Sa araw na iyon, magkakaroon ng daan buhat sa Egipto patungo sa Asiria. Makapupunta sa Asiria ang mga Egipcio, gayon din ang mga taga-Asiria sa Egipto, sila’y magkakasamang sasamba,” [Isaias 19:23]. Magkakaisa sila bilang “united church”! PAGSASAPANAHON Alam ba natin ito: Na ang mga Judio ay “mixed” na rasa at “mga anak ni Satanas”; na ang “White Europeans” ay ang “Ten Lost Tribes” ng Israel at sila ang mga “Tunay na Hebreo” ng Biblia; at dalawang tribo lamang ang nakabalik sa Israel mulang Babilonia. Ano ang sinasabi ng Eskriptura? Ang suwail na bayan na nagsipagbalik sa Jerusalem ay nakapag-organisa ng Judaismo at sa mga tumanggap ng Ebanghelyo ay nakapag-organisa ng Kristiyanismo na kinabibilangan ng mga Judio at Gentil. Sila ang kumakatawan ng espiritual na Israel – ang Simbahan. Ngunit ang Simbahan ay tila hiwahiwalay at walang pagkakaisa dahil sa mang-iba-iba sa pananaw at dokrina! MGA TANONG: 1. Bakit sa kabila ng mabait at mapagbiyayang Diyos ang Israel ay ingrato? Ipaliwanag. 2. Gaano katindi ang poot ng Diyos sa mga ingratong mananampalataya? Ipaliwanag. 3. Ano ang apostasiya? Ito ba ang pagtalikod sa Diyos at pagsamba sa mga diyus-diyusan na naging muling dahilan sa pagkaalipin nila sa Asiria? 4. Kailan sila nakabalik mula sa pagkaalipin? Nakaplano ba ito sa isip ng Diyos? 5. Ano ang espirituwal na Israel? Ito ba ang mga mananampalataya na tumanggap sa Mesiyas? Ipaliwanag.

ARALIN 11: 1:10-20 CYCalendar:

SUMBAT NA BAYAN NG DIYOS

Isaias

Pentecostes 11

Agosto 16

MGA LAYUNIN:

1. Malaman kung bakit ang Juda ay sumbat na bayan ng Diyos. 2. Makita kung paano isasagawa ang panukalang magbabago. 3. Maipamuhay ang tamang pag-ayuno at pagbabago. GININTUANG TALATA: “Hali kayo at magliwanagan tayo, gaano man karami ang inyong kasalanan, handa akong ipagpatawad ang mga iyan. Kahit na kayo’y maruming-marumi sa kasalanan, kayo’y magiging busilak sa kaputian,’Isaias 1:18 [MBB].

BIBLIKAL Pagkatapos nina Oseas, Joel, Amos at Obadia, si Isaias na ika-5 propeta ay nagsulat ng hula 200 na taon bago nangyari ang pagkabihag ng Israel [722 B.C.] at Juda [587 B.C.]. Ang kanyang hula ay ipinalagay na una sapagkat ang kanyang sulat ay naglalaman ng pinakamahabang sulat kumpara sa ibang propeta. Siya ay tinaguriang Evangelical Prophet sapagkat ang kanyang sulat ay naglalaman ng patotoo ukol kay Cristo: kapanganakan [Kap 7] at paghihirap [Kap 53] para sa ikaliligtas ng mga nagkasala. MGA PINUNO AT MAMAMAYAN NG JUDA. Panawagan sa Juda na pakinggan ang sinasabi ni Yahweh [v10]. Sumbat kay Yahweh ang mga pinuno at mamamayan ng Juda sapagkat tulad sila sa “mga pinuno ng Sodoma” at “mga mamamayan ng Gomorra”na likas na makasalanan. Ang kalinisang-budhi at puri nila ay nagahis ng kanilang bisyo. Hiniling sa Juda na pakinggan ang Kanyang salita at sundin ang kautusan ngunit ito’y nauwi sa walang-halaga. Katulad ng Juda ang Sodoma na pinamumugaran ng mga mamamayan na ubod ng sama na namumuhay laban kay Yahweh [Gen 13:12-13]. Walang halaga kay Yahweh ang kanilang mga handog at mga sinusunog [v11]. Dala nila ang mga tupang handog at mga taba ng bakang sinusunog sa altar ng Diyos, ngunit gaano man kadami ito’y walang halaga sa Kanya. Hindi sinabi ni Yahweh o inutos sa kanila na magdala sila ng mga ito sa Kanyang Templo [v12]. Isinasagawa nila ang paghahandog sa mga altar sa mga panahon ng bagong buwan, sabbath, at kapistahan [vv13-14]. Isinasagawa rin nila ang mapagpaimbabaw, nakasusuklam at nakababagot na di-pangkaraniwang pagtitipon para sa solemneng pananambahan, maliban sa mga pananambahang itinakda ng Diyos. Isinasagawa pa nila hindi lamang ang mga ritwal kundi ang pamamanata sa pamamagitan ng marami at paulit-ulit na mga panalangin na may padipa-dipa pa ng kanilang mga kamay sa pag-aakalang pakikinggan sila sa kanilang mga panalangin. Silang mga pinuno na gumagawa ng mga ito ay punongpuno ng dugo ang kanilang mga kamay sapagkat sila ay nakakagawa ng sadyang pagpatay, pandarambong, at pang-aapi sa bayan. Ang mga mamamayan ay nagbuhos ng dugo, at ang mga pinuno ay walang ginawa upang parusahan ang mga nagkasala. Ang mga pinuno ay nagkasala sa pagbuhos ng dugo at ang mga mamamayan ay tumutulong at kumakampi sa pagkakasalang ito, tulad ng ginawa ng matatanda ng Jezreel sa pagkampi kay Jezebel sa pagpatay kay Nabat at pag-agaw ng ubasan nito.

Ang mga pagkakasalang ito ay hindi kayang mapatawad sa pamamagitan ng mga handog nila sa templo ng Diyos. Ang mga pinuno at mamamayan ng Juda ay mga mapagpaimbabaw tulad sa mga Fariseo at Eskriba sa panahon ni Jesus na nagsabi: “Mga mapagpaimbabaw! Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo: ‘Paggalang na handog sa akin ng bayan ko’y paimbabaw lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan. Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal’”[Mt 15:7-9]. Patuloy sila sa pagkakasala kaya hindi sila diringgin ng Panginoon [Awit 66:18]. Ngunit dahil sa kanilang pagkakasala ang Diyos ay nagsabi: “Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang kasayahan, mga kapistahan, mga araw ng pangilin at lahat ng itinakda niyang pagdiriwang” [Oseas 2:11]. Sila na sumisikil sa pangangailangan at umaapi sa mga dukha, ganito ang sabi sa Amos 8:5-7, “Ang sabi ninyo sa inyong sarili, ‘Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pamamahinga. Hindi tuloy naming maipagbili ang aming mga ani. Kailan ba matatapos ang Sabbath, para mailako namin ang mga trigo? Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili. Sa halaga ng isang pares na sandalyas, aming bibilhin bilang alipin ang taong dukha. Pati tulyapis ng trigo ay ipagbibili namin sa mataas na halaga.’” Ang panawagan at mga panalangin nila ay hindi papansinin at hindi pakikinggan sapagkat marami silang buhay na inutang [v15]. Ang hipokrisiya sa kanilang relihiyon ay kamuhi-muhi sa Diyos ng langit. Si Jerome nagkumento sa textong ito na ang mga Judio sa panahon ni Cristo ay mapagkunwari at masigasig sa kautusan at sa templo; ngunit ang kanilang mga sarili at paglilingkod ay nakamumuhi sa Diyos sapagkat inilagay nila sa kanilang mga kamay ang dugo ni Cristo at dugo ng kaniyang mga apostol. PANUKALANG PAGBABAGO. Ang Diyos ay nanawagan na iwaksi na ang masasamang gawain. Nais Niya ang panukala tungkol sa pagsisisi at pagbabago [transpormsyon]. “Kung nais ninyong tanggapin ko ang inyong mga sakripisyo at matugunan ang inyong mga panalangin, dapat ninyong umpisahan sa gawain ng pagsisisi at pagbabago.” Dapat magpakabuti, magbalik-loob, talikdan at tumigil sa gawaing masama [v16] - huwag nang umutang ng buhay ng kapwa. Ito ang kahulugan ng paghugas sa kanilang sarili upang magi silang malinis at katanggaptanggap sa Panginoon. Dapat matotohan ang paggawa ng mabuti [v17] hindi sapat na tumigil sa paggawa ng masama, kundi matoto sa paggawa ng kabutihan sa kapwa: ang pagpairal ng katarungan, ang pagpalaya at pagtulong sa mga inaapi [58:6]. Ito ang kabutihan na ipinapagawa ng

Panginoon. Para sa mga pinuno ng bayan, dapat nilang gamitin ang kapangyarihan para sa pagbigay laya sa mga biktima ng pang-aapi, pagtulong sa mga ulila, at pagtanggol sa mga balo. Ang gawain ukol sa katarungan at pagkakawang gawa ay mas nakalulugod sa Kanya kaysa mga sakripisyo at mga handog na sinusunog sa templo. “Halikayo at magliwanagan tayo” [v18]. Wala akong pakialam habang ang inyong mga kamay ay may bahid ng dugo ng inyong mga inaapi, kahit gaano pa kalaki ang mga sakripisyo at mga handog ninyo sa templo; ngunit kung hugasan ninyo at linisin ang inyong sarili, kayo ay magiliw na tatanggapin at makalalapit sa Akin. Ayon sa Santiago 4:8, “Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip.” Gaano man karami ang kasalanan ang Diyos ay handang magpatawad, kahit sila’y maruming-marumi sa kasalanan, sila’y magiging busilak sa kaputian at pasasaganain pati ang ani ng kanilang mga lupain. Subalit kung hindi susunod at magtalima – ang pagsuhay ay magbubunga ng kamatayan. PAGSASAPANAHON Sa Daan na Tipan ang inihahandog ng mga Israelita ay mga hayop: baka, tupa o kambing [Lev 1:2]. Naniniwala sila na ang buhay ng hayop ay nasa dugo at ang dugo ay ginagamit upang tubusin ang buhay ng tao sa kasalanan: “Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa dambana bilang pantubos sa inyong buhay” [Lev 17:11]. May bisa ang pagpapatawad kung ipahayag niya ang kanyang kasalanan [Lev 5:5-6]. Ngunit sa Bagong Tipan naihandog na si Cristo, ang ating Korderong Pampaskuwa [1 Cor 5:7]. Nang dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain sa Diyos [Efeso 5:2]. Ang ginawa ni Cristo ay isang perpektong paghahandog laban sa mga imperpektong paghahandog sa Daan na Tipan [Heb 9:12-14,2526]. MGA TANONG: 1. Sino si Isaias? Bakit siya’y tinaguriang Evangelikong propeta? 2. Bakit ang Juda ay sumbat na bayan ng Diyos? Paano ito inilarawan ni Isaias? 3. Paano isasagawa ang pagsisisi at pagbabago ng isang makasalanan? Ipaliwanag ang v16 at v 17. 4. Ginagamit ba ng mga pinuno ang kapangyarihan para sa pagpapalaya ng mga inaapi, ulila, balo?

5. Alin ang perpektong handog: ang dugo ng hayop o dugo ni Cristo? Ipaliwanag!

ARALIN 12: AWIT TUNGKOL SA UBASAN Isaias 5:1-7 CYCalendar: Pentecostes 12 / Linggo ng Misyon Agosto 23 MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung sino ang “mutya’t sintang mahal” sa ubasan. 2. Makita kung bakit ang mabuting ubasan ay namunga ng ligaw na ubas. 3. Maipamuhay ang pagpapa-iral ng katarungan sa ating panahon. GININTUANG TALATA: “Ako ay aawit sa sinta kong mahal tungkol sa nangyari sa kaniyang ubasan: mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba,” Isaias 5:1 [MBB]. BIBLIKAL Sa sulat ni Propeta Isaias ginamit ng Diyos ang metodo ng parabola. Ang parabola ay isang kwentong panlupa na may makalangit na kahulugan. Ginamit ito upang pukawin ang sambahayan ni Jacob na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at sa pamamagitan ng parabola makita nila ang mga dinanas na pagdurusa at ang panganib na dulot ng mga kasalanang ito upang magbago ng buhay sa pamamagitan ng pagpapairal ng katarungan. LIRIKONG PAAWIT SA PARABOLA. Sa parabolang ito mababasa ang tula na may lirikong paawit [v1]. Ang “Ako” ay ang Diyos Ama na nagdikta kay Isaias upang parangalan ang Kanyang Anak. Ang lirikong “sinta kong mahal” at “sinta kong mutya” ay tumutukoy sa Kanyang Anak na si Cristo bilang Panginoon ng ubasan. Ang “ubasan” ay ang Israel, ang sambahayan ni Jacob, ang Bayan ng Diyos, ang mabuting ubas, ngunit pagdating ng panahon namunga ito ng “ligaw na ubas”. Ang Israel ay naligaw, nagkasala, di matapat na ubasan sa kabila ng kadandahang-loob

ng Diyos na ibinigay sa kanila. Bilang hatol ng pagkakasala, siya ay nabihag ng ibang bansa: una, ang 10 tribo binihag ng Asiria sa pagitan ng 740 at 722 B.C. hanggang ito ay naging Ten Lost Tribes; at pangalawa, ang 2 tribo binihag ni Haring Nebuchadnezzar ng Babylonia sa pagitan ng 605 at 587 B.C., ngunit ang mga Judio ay nakabalik sa Jerusalem sa pamamagitan ni Cyrus ng Persia noong 537 B.C. UBAS NA LIGAW. Ang mabuting ubas ay namunga ng ubas na ligaw [v2c]. Tuluyang naligaw ang malaking bahagi ng sambahayan ni Jacob [Ten Lost Tribes]. Ngunit ang biyaya ng pag-asa ay nakasalalay sa 2 tribo na nakabalik sa Jerusalem. Ang parabolang ito ay nagsilbing pamukaw sa damdamin upang mapaalalahanan, at mailipat sa angkanang darating ang mensahe tulad ng awit ni Moises na naglalarawan sa Israel bilang “ubas na mapakla ang bunga” [Deut 32:32]. Si Jerome ay nagkumento na si Cristo ay umawit ng mapanglaw na awit na ito nang pagmasdan Niya ang Jerusalem at Siya’y lumuha [Lk 19:41]. At may pagtukoy

ito sa talinhaga ng ubasan sa Mateo 21:33ff] na naglarawan ng pagkakasala ng mga Judio. Ang ubasang ito ay nasa lupaing mataba. Ito’y binakuran, inalagaan, pinagyaman, dinilig at binantayan gabi’t araw para walang manira [27:2-3]. Tulad ng ubasang ito na nababakuran, ang Jerusalem ay napapaligiran ng mga bundok bilang natural na bakuran na nagtatanggol sa mga hinirang ni Yahweh [Awit 125:2]. Ito ay hinukayan at inalisan ng bato - ang mala-batong puso, bago itinanim ang piling puno ng ubas upang di ito makahadlang sa pagbigay ng masaganang bunga. Itinanim ang piling puno ng ubas – ang dalisay na relihiyon,ang Judaismo, ngunit ito’y naging “ubas na ligaw” na namunga ng maasim at walang pakinabang” [Jer 2:21]. Gumawa ng bantayan sa gitna ng ubasan – ito ang templo sa Jerusalem, kung saan ang mga hinirang ay nananambahan kay Yahweh. Itinayo ni Solomon ang unang templo sa loob ng 7 taon noong 957 B.C. at naging sentro ng Judaismo bilang kahalili ng tabernakulo ni Moises. Subalit ito ay sinunog ni Nebuchadnezzar ng Babilonya [587 B.C.]. Sa pahintulot ni Cyrus at ratipiskasyon ni Darius, muling naitayo ito na inumpisahan noong 535 B.C. at nakumpleto noong 516 B.C. bago itinalaga noong 515 B.C. Pagkatapos ng 5 siglo, ito’y sinira at nilapastangan ni Antiochus Epiphanes noong 168 B.C. Sa pamamagitan ni Herodes muling ipinagawa ito noong 19 B.C. sa loob ng 18 buwan, ngunit ang mga detalye sa loob at labas ng gusali ay natapos noong A.D. 60 na kumikislap sa puting marmol at ginto. Sa templong ito ni Herodes nagturo si Cristo at nagalit sapagkat nilapastangan ito ng mga Judio. Araw-araw dumadalo rito ang unang mga Cristiano, ngunit muling sinira ito ng mga Romano noong A.D. 70 at kailaman hindi na ito muling naitayo. Sa panahong yaon, ang lugar ng templong ito ay napa sa kamay ng mga Arabo. PAGSASAPANAHON

Tulad ng Israel, ang ubasan ng Diyos sa ating panahon ay ang mga mananampalataya kay Cristo. Inaasahan sa kanila ang malambot na puso, hindi malabatong puso, upang mamunga ng masaganang bunga tulad ng bunga ng Espiritu sa Gal 5:22-23: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Bunga at hindi dahon ang Kanyang inaasahan. Tulad ng igos sa panahon ni Jesus, inasahan Niya ang mga bunga nito, ngunit puro dahon ang natagpuan [Mk 11:12]. Maaaring namunga ngunit masama at mapakla ang lasa tulad ng bunga ng ubas ng Sodoma at Gomorra [Deut 32:32]. Dapat ingatan ang bunga ng Espiritu sapagkat ganito ang sabi sa Hebreo 12:15, “Pag-ingatan ninyong huwag talikdan ninuman sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at makagulo at makahawa pa sa iba” [Heb 12:15]. Ang puno ng ubas ay ang mga Judio na nagtayo ng relihiyon, ang Judaismo. Sila’y inaruga at hinintay na gumawa ng mabuti ngunit naging mamamatay-tao. Sila’y inasahan na magpairal ng katarungan ngunit panay pang-aapi ang ginawa [v7]. Inasahan na magpairal ng katarungan ngunit nabahiran ng kasamaan [Eccl 3:16]. Imbes na ubas ng pagpapakumbaba, pagpapakabait, pagtitiyaga at pag-ibig, ang natagpuan ay ligaw na ubas ng pagmamalaki, hilig ng katawan, diskontento sa buhay, mapaghangad ng masama at paghamak sa kapwa. Imbes na ubas ng mapanalanginin at mapagpuri, ang natagpuan ay ang ligaw na ubas ng panglalait at mapagtungayaw. Ang bantayan sa gitna ng ubasan ay ang templo sa Jerusalem. Para sa mga Judio ang templong ito ay mahalaga at sagrado sapagkat sumisimbulo ito sa matatag na presensya ng Diyos. Ngunit si Jeremias ay nagsabi: “Huwag ninyong dayain ang inyong sarili sa paulit-ulit na pagsasabing, ‘Ito ang Templo ni Yahweh…’. Hindi kayo maliligtas ng mga salitang iyan. Magbagong buhay na kayo. Maging makatarungan kayo sa isa’t-isa. Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan, ang mga ulila, at mga balo. Tigilan na ninyo ang pagpatay sa mga walang kasalanan sa pook na ito, sapagkat ito’y banal. Talikdan na ninyo ang mga diyus-diyosan, pagkat ito ang magiging dahilan ng inyong kapahamakan…”[Jer 7:4-6]. Ang magsalita laban sa templong ito ay isang kalapastanganan, tulad ng paratang ng ilang saksi laban kay Jesus, “Narinig naming sinabi niya, ‘Gigibain ko ang templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na di gawa ng tao’” [Mk 14:58]. Ngunit ang templo na gawa ng kamay ng tao ay ipinalalagay na pagkakamali mula sa dalisay na pananampalataya [Gawa 7:47-50]. Nang dumating ang Banal na Espiritu Santo, ang Diyos ay nananahan sa tao sa isang bagong pamamaraan. Hindi na kailangan ang temporal na templo, sapagkat sa

makalangit na Jerusalem, walang templong nakita kundi: “…ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ang pinaka templo roon” [Rev 21:22]. MGA TANONG: 1. Ano ang parabola? 2. Paano inilarawan si Cristo bilang Panginoon ng ubasan? 3. Sino ang ligaw na ubas? Di ba ang tinaguriang 10 lost tribes? Ipaliwanag. 4. Ang mananampalataya ba ay tulad sa isang ubasan na may dahon at bunga? Namumunga ba ang inyong pananampalataya? O puro dahon lamang? 5. Ang templo ay sumisimbulo sa matatag na presensya ng Diyos, ngunit alin ang mahalaga: ang templong gawa ng tao o templong di gawa ng tao? Ano ang templo ng Diyos? Ito ba’y temporal tulad ng edipisyo? O espirituwal? Ipaliwanag ito: 1 Cor 6:19.

ARALIN 13: 1:4-10 CYCalendar:

ANG PAGTAWAG AT PAGSUGO KAY JEREMIAS Paghahari 1

Jer Agosto 30

MGA LAYUNIN: 1. Malaman kung sino si Jeremias. 2. Makita kung paano siya tinawag bilang propeta. 3. Maipamuhay ang paaran ng pagtawag at pagsugo sa ating panahon. GININTUANG TALATA: “Pinili na kita bago ka ipinaglihi upang maging propeta sa lahat ng bansa,”Jeremias 1:5 [MBB]. BIBLIKAL HINIRANG UPANG MAGLINGKOD. Si Jeremias na anak ni Hilcias na saserdote sa Anatot, ang lupain ng lipi ni Benjamin [1:1] ay pinili ng Diyos bago pa man ipinaglihi upang maglingkod bilang propeta sa lahat ng

bansa [vv 4-5]. Siya’y unang kinausap ni Yahweh noong ika-13 taon ng paghahari sa Juda ni Josias [640-609 B.C.] na anak ni Haring Amon [1:2]. Muling kinausap siya nang si Joaquim [609-598 B.C.], anak ni Josias, ang hari sa Juda [1:3]. Makailang beses siya kinausap bago nabihag ng Babilonia ang Jerusalem noong ika-5 buwan ng ika-11 taon ng paghahari ni Sedequias [597-587 B.C.] na anak din ni Josias [1:3]. Pinili siya na maging propeta para sa mga bansa, lalo na sa bansa ng mga Judio na natutong gumawa at nanambahan sa mga diyus-diyosan ng ibang bansa. Binigyan sila ng isang propeta, hindi lamang para sa mga Judio, kundi para sa mga nakapaligid na bansa kung saan ipinadala ang pamatok [27:2-3] at upang ipainom ang saro ng nagagalit na Panginoon sa lahat ng pinagsuguang bansa sa kanya [25:17]. Siya ang propeta sa mga bansa upang sabihan sila kung ano ang pambansang katarungan para sa pambansang mga kasalanan. Bago pa man siya ipinaglihi, siya ay pinili na na magiging kanyang propeta. Kaya siya ay isang pre-destined prophet of God. Ang Diyos ang nagsugo at nagbigay ng buhay. Siya ang nagporma sa sinapupunan ng kanyang ina at nagpaluwal dito. Kaya Siya ang may karapatan na nagmamay-ari ng kanyang buhay at nagbigay ng gawain sa kanya bilang Kanyang propeta. MAHINHING TUMANGGI SA GAWAIN. Ang namumukod na tungkulin ng isang propeta ay ang pakinggan ang mensahe mula sa Diyos at ipinapahayag ito sa mga tao. Kagalang-galang ang gawain ng tanggapan na ito. Ngunit mahinhing tumanggi si Jeremias sa gawaing ito sapagkat ayon sa kanya hindi siya marunong magsalita dahil siya ay bata pa [v6]. Sa tingin niya wala siyang kakayahan. Nag-alala siya kung paano makapagsasalita sa harapan ng mga dakilang tao at ng masa. Alam niya na hindi matatas [fluent] ang kanyang dila sa pagsasalita ng mensahe ng Diyos at hindi niya masasabi ito na may kapangyarihan at hindi siya sigurado kung ito ay pakikinggan, sapagkat siya ay bata pa at ang kanyang kabataan ay maaaring hamakin, kamuhian at pagmamataasan. Tulad niya, tayo ay tiyak na tatanggi sa anomang gawain para sa Diyos. Natatakot tayo baka magkamali sa pagganap ng gawain dahil sa likas na mga kahinaan at hindi makatiyak kung tama ang gagawin dahil wala pang karanasan tulad sa isang bata na di marunong magsalita, o tulad sa isang estudyante na kulang sa karanasan kung ikumpara sa isang guro. WALANG DAPAT IPAG-ALALA BASTA’T KASAMA ANG DIYOS: Huwag siyang payagang sabihin na siya ay bata pa: Siya ay magiging isang propeta ng lahat [v7]. Utos ito ng Diyos, kaya huwag

magdahilan na siya ay bata pa sa pagganap ng gawain ng isang propeta. Humayo ka at pumunta ka sa lahat na bansa at magsalita ng anumang iuutos ko saiyo. Ang ating sariling kahinaan at di-sapat na kahandaan ang nararapat na puhunan upang tayo ay di-mapagmataas sa ating gawain. Subalit kung tayo ay may kahinaan at walang sapat na kahandaan, huwag tayong mabahala sapagkat walang imposible sa Diyos kung Siya ang kasama natin sa gawaing iniatang sa atin. Huwag siyang payagang tumanggi sa pagharap sa mga kalaban at mga tumututol; ang Diyos ang kanyang tagapagtanggol [v8]. Huwag katakutan ang kanilang lahi, kahit na sila ay malalaki. Isipin mo na makakaya mo sila at huwag matakot sa pagsasalita sa kanila sapagkat ikaw ay nagsasalita sa pangalan ng Hari ng mga hari at may kapangyarihan mula sa Kanya at dahil dito sila ay duruko. Kaya kahit sila’y nakatatakot tingnan, huwag matakot sa pagsasalita ng mensahe mula sa Diyos. Huwag siyang payagang tumanggi na di kayang magsalita pagkat ang Diyos ang humihipo ng mga labi kung ano ang dapat sabihin sa pagsasalita [v9]. Hinipo ng Diyos ang bibig ni Jeremias at nabuksan ang kanyang mga labi. Sa kanyang bibig ay napakinggan ang pagpupuri sa Diyos at matatamis na mga salita at siya’y naging handa na magsalita sa lahat na okasyon pagkat siya’y binigyan ng Diyos ng karunungan na itinuturo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang karunungang ito ay hindi nagmula sa tao [1 Cor 2:13]. Huwag siyang payagang tumanggi na di kayang magsalita pagkat ang Diyos ay magbibigay rin ng kapangyarihan sa kanya laban sa mga bansa at kaharian [v10]. Si Jeremias ay binigyan kapangyarihan na mangaral sa mga bansa, una sa bansa ng mga Judio, at sa ibang bansa. Binigyan siya nito, hindi upang humingi ng buhis o magpayaman sa mga nasamsam sa digmaan, kundi “sila’y bunutin at ibagsak [ireporma ang mga bansa], lipulin at iwasak [sirain ang diyusdiyosan at ibang mga kasamaan, itapon ang kaharian ng kasalanan, ang mga maling ugali at kustumbre], ibangon at itatag [pasimulan at itatag ang anumang mabuti na walang masama].” Ipakita sa kanila ang buhay at kamatayan, ang mabuti at masama – at piliing ibangon at itatag ang buhay at mabuti. Sa mga nananatili sa kasamaan, sila ay bubunutin at ibabagsak, lilipulin at iwawasak. Sa mga nagsisi, sila ay ibabangon at itatatag.

[Rom 9:21]. Pinili Niya ang mga manggagawa para sa Kanyang layunin bago pa man sila ipanganak. Tulad ni Jeremias, si Moises ay nagdahilan rin: “Panginoon, sa mula’t mula pa’y hindi po ako mahusay magsalita. Makapal po ang aking dila. Heto nga’t pautal-utal akong magsalita”. Ang sagot ni Yahweh: “Sino ba ang gumagawa sa bibig ng tao? Sino ang may kapangyarihan para maging bingi o pipi ang isang tao? At sino rin ba ang nagbibigay ng paningin at may kapangyarihang bumulag? Hindi ba akong si Yahweh? Kaya nga, lumakad ka na’t tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko saiyo ang iyong sasabihin” . Subalit patuloy nagdahilan si Moises: “Yahweh, isinasamo ko pong iba na ang iyong suguin”. Dahil dito nagalit si Yahweh kay Moises…” [Exo 4:10-15]. Tulad ni Jeremias, si Ezekiel ay sinugo ni Yahweh: “Tao, pumunta ka sa sambayanang Israel, at sabihin mo ang ipinapasabi ko sa iyo. Ang pupuntahan mo ay ang sambayanang Israel, at hindi ibang bansang mahirap unawain ang salita. Ang pupuntahan mo’y mga taong nakauunawa sa mga sasabihin mo. Ngunit hindi sila makikinig sa iyo pagka’t ako mismo’y ayaw nilang pakinggan. Matigas ang ulo nila. Ngunit ikaw ang gagawin kong katapat nila. Patitigasin ko ang iyong kalooban, tulad nila. Ang ulo mo’y patitigasin kong higit pa sa batong-buhay. Huwag kang matakot sa mapaghimagsik na sambayanang iyon” [Eze 3:4-9]. Tutulungan kita sa iyong gawain at iingatan sa kamay ng mga mang-uusig. MGA TANONG:

PAGSASAPANAHON Tulad kay Jeremias, si Pablo ay isang pre-destined na Kristiyano at apostol ni Cristo. Mismo siya nagsabi na siya’y ibinukod ng Diyos mula sa sinapupunan ng kanyang ina upang maging isang Cristiyano at apostol [Gal 1:15]. Nalalaman ng Manglilikha kung anong pakinabang ng bawat tao bago pa man siya ipanganak. Tulad sa isang magpapalayok, alam niya kung ang palayok ay kasangkapang mamahalin o mumurahin – kung ito ay may dangal o hindi, kagalanggalang o hindi, kapakipakinabang o hindi

1. Sino si Jeremias? Paano siya pinili at tinawag upang maglingkod bilang propeta sa mga bansa? 2. Ano ang ibig sabihin ng isang pre-destined prophet? Dahil ba siya ay pinili bago pa man siya ipinaglihi? 3. Tumanggi ba si Jeremias sa panawagan ng paglilingkod? Ano-ano ang mga ginawa niyang dahilan? 4. Di ba ang sariling kahinaan at di-sapat na kahandaan ang siyang nararapat na puhunan upang di tayo mapagmataas sa gawain ng paglilingkod? 5. Natatakot ka bang maging manggagawa ng Ebanghelyo dahil ikaw ay “bata pa”? Bakit matatakot sa Gawain kung kasama natin ang Diyos, Gawa 18:9-10? WAKAS NG UNANG KWARTER

CHURCH YEAR CALENDAR*

ADVENT: Ito’y nagsisimula sa Linggong malapit sa Nobyembre 30 na may 4 na Linggo. Ang liturhiyang kulay ng Adviento ay PURPURA [purple]. Noong sinaunang panahon, ang purpurang tina ay lubhang mahal, at mayayaman lamang ang nakabibili ng purpurang tela, tulad ng mga hari. Kaya, ang kulay na purpura ay naging isang simbulo ng regalya [royalty]. Sa kabilang dako, ang purpura ay isang madilim na kulay na nagpaala-ala sa atin na kinakailangang siyasatin natin ang ating buhay bago tayo sumama sa selebrasyon ng Krismas o Pasko ng Pagsilang ni Jesus. CHRISTMASTIDE: Ito’y nagsisimula sa Disyembre 25 na may 1 o 2 Linggo. Ang liturhiyang kulay ng Pasko ay PUTI [white], ang kulay para sa kadalisayan [purity] at ilaw [light], sapagkat si Jesus ay Diyos sa laman [purity] at ilaw ng sanglibutan. EPIPHANY: Ito’y nagsisimula sa Enero 6, ang araw ng Epifania na may 4 hanggang 9 na Linggo bago magsisimula ang Kwaresma. Ang liturhiyang kulay ng Epifania ay PUTI [white], sapagkat ito ay araw ni Cristo, isang pagpakita ng Mesiyas. Ang kulay para sa natitirang panahon ng Epifania ay BERDE [green], ang kulay ng paglago, na nagsisimbulo ng paglaganap ng pag-ibig ni Cristo sa lahat na tao. LENT: Ito’y nagsisimula sa Ash Wednesday [46 na araw bago Easter], na may 6 na Linggo na maaaring kasama ang Passion Sunday sa ika-5 at Palm Sunday sa ika-6. Ang kulay ng Kwaresma [Lent] ay PURPURA [purple], tulad ng sa Advent. EASTERTIDE: Ito’y nagsisimula sa araw ng Pagkabuhay-muli na may 6 na Linggo kasama na ang Ascension Sunday o Linggo ng Pag-akyat sa Langit. Ang liturhiyang kulay ng Easter ay PUTI [white], ang kulay para sa kadalisayan [purity] at ilaw [light], sapagkat ito ay isang kapistahan ni Cristo. PENTECOST: Ito’y may 11 hanggang 16 na Linggo na nagsisimula sa ika-7 linggo [50th] pagkatapos ng Easter at nagpapatuloy sa huling Linggo ng Agosto. Ang liturhiyang kulay ng Pentecostes ay PULA [red], na kapwa sinisimbulo ang apoy ng Banal na Espiritu at ang dugo ng mga Kristiyanong martir, na piniling mamatay imbes na isuko ang kanilang pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon. KINGDOMTIDE: Ito’y nagsisimula sa huling Linggo ng Agosto at nagpapatuloy hanggang Advent. Ang liturhiyang kulay ng Paghahari ay BERDE [green], ang kulay ng paglago, sapagkat ibig ng Diyos na ang lahat na tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kaniyang pag-ibig.

*Isinalin mula sa UCCP Calendar Planner and Directory 2008-2010

UCCP-NBC 2009 - 2010 SAMASAMANG PAGSASABUHAY NG

PAARALANG LINGGUHAN SA SAMBAHAYAN NG DIYOS

PANGALAWANG KWARTER [Sityembre-Oktobre-Nobyembre] Isinulat Ni:

REV. EDMUNDO H. PIELAGO, BTh., AB Pol. Sc. 34 Princeton St, Monterey Vill Subd, Concepcion, Pequena, Naga City Philippines

PANGALAWANG KWARTER [Sityembre-Oktobre-Nobyembre]

Marcos 7:24-37

Linggo

ng

mga

Bata ARALIN 3 9/20 Kingd 4

Natagpuan ni Jesus ang Solidong Bato Marcos 8:27-38

Linggo

ng

Kabataan ARALIN 4 9/27 Kingd 5

Mga Disipulo Sinabihang Maging Alipin Marcos 9:30-37

Coins

Fellowship

Sun ARALIN 5 10/4 Kingd 6

Isang Copang Tubig Para sa Nauuhaw Marcos 9:38-50

ARALIN 6 10/11 Kingd 7

Diyos ang Nagbigay ng Kasama ni Adan Marcos 10:2-16

ARALIN 7 10/18 Kingd 8

World Comm Sun

Peace & NCWA Sun

Diyos Lamang ang Makapagliligtas Marcos 10:17-31

ARALIN 8 10/25 Kingd 9

UCM Sun

Uupo sa Kanan at Kaliwang Kamay ni Jesus? Marcos 10:35-45

Linggo

ng

Repormasyon ARALIN 9 11/1 Kingd 10

Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag Marcos 10:46-52

All

Saints

Day

MGA NILALAMAN

ARALIN 10

Itinuturo ni Jesus ang Pinakadakilang Utos

11/8 Kingd

11

YUNIT II: SI JESUS AT ANG KANIYANG MGA DISIPULO [PART I] ARALIN 1

Kumain na Di Naghuhugas ng Kamay

Kingd 2 Marcos 7:1-8, 14-15 ARALIN 2 9/13 Kingd 3

CEN Sun

Tulong Para sa Anak ng Isang Griega

9/6

Marcos 12:28-34

Ch Workers

Sun ARALIN 11 Kingd 12

Ibinigay ng Bao ang Buong Nasa Kaniya Marcos 12:38-44

11/15 Theo

Education Sun ARALIN 12

Sa Panahon ng Kagulumihanan

11/22 Kingd 13

Marcos 13:1-8

Thanks-

Pilato na nagtanong kung si Jesus nga ba ang Hari ng mga Judio at sa Kaniyang pagsagot, “Ang aking kaharian ay hindi sa sanglibutang ito”.

Stewardship Sun ARALIN 13 Kingd Advent 1

Tinawag ni Pilato si Jesus na Hari Marcos 15:1-5

11/29 NCCP Sun

Sa pagtalakay ng mga Araling ito, ipinapayo sa guro na laging gumamit ng tulong sa paghahanda tulad ng Biblia, Interpreter’s Bible Commentary, Bible Dictionary, Concordance at English-Tagalog Dictionary.

MGA

Laging gumawa ng sariling balangkas [outline] batay sa Aralin at piliting maunawaan [ma-internalize] ito upang maging epektibo sa pagbabahagi ng moral lesson at mailapat sa buhay ng mga mag-aaral.

Ang Yunit II ng PAARALANG LINGGUHANG ito ay naglalaman rin ng 13 Aralin sa ilalim ng pamagat na: SI JESUS AT ANG KANIYANG MGA DISIPULO [PART I] para sa Ika-2 Kwarter ng UCCP Ecclesiastical Year 2009-2010, simulang Sityembre hanggang Nobyembre. Sa pagtalakay ng bawat Aralin, marapat din na basahin ng guro ang teksto sa bahay bilang bahagi ng paghahanda sa pagtuturo bago tingnan ang Biblikal at ang bahagi ng ALAM BA NATIN ITO upang mapagyaman ang batayan ng GININTUANG TALATA at MGA TANONG sa bawa’t Aralin.

Maaaring dagdagan ang MGA TANONG upang lalong mapalalim ang kaalaman para sa lalong pagpapalago ng ating pananampalataya. SHALOM!! MABUHAY!!

Sa Yunit na ito, tingnan natin ang ating sarili hindi lamang bilang manglalakbay kundi bilang kamag-aral sa Evangelio ni Marcos: Una, pag-aralan natin ang mga Fariseo kung bakit sila ay mapagpuna kay Jesus ukol sa isyu ng paghuhugas ng kamay bago kumain; Ika-2, pag-aralan natin ang isang Griegang Gentil kung bakit tinawag siya ni Jesus na isang “aso” o “tuta”; Ika-3, pag-aralan natin kung paano si Simon nabigyang palayaw na Cephas o Pedro at alin sa kaniya ang naging solidong bato ng ating pananampalataya. Ika-4, pag-aralan natin kung bakit kailangan na maging isang alipin sa paglilingkod ang isang disipulo o mananampalataya; Ika-5, pag-aralan natin kung paano naging huwaran ang unang mga Kristiano sa pagiging mabait sa kapwa tulad ng pagbibigay ng isang kopang tubig sa nauuhaw; Ika-6, pag-aralan natin ang pangangailangan ng tao para sa makakasama sa lipunan sa isang banal na kasal at kung ipinagbabawal ba ang paghihiwalay [divorce] sa lahat na anak ni Adan; Ika-7, pag-aralan natin kung paano makaliligtas ang mayamang binata na tulad sa isang kamelyo na imposibleng makakaraan sa butas ng karayom kung hindi alisin ang karga; Ika-8, pag-aralan natin kung ang pangsariling kahilingan ni Santiago at Juan na makamtan nila ang kaliwa at kanang upuan sa Kaharian ni Jesus ay kalabisan at kasalanan; Ika-9, pag-aralan natin kung paano pinagaling ni Jesus ang pisikal na karamdaman bilang isang bulag upang maghatid ito sa espirituwal na kagalingan; Ika-10, pag-aralan natin ang tanong ng isa sa mga Eskriba ukol sa kung ano ang “pangulong utos sa lahat” at ang sagot kung paano natin iibigin ang Iisang Diyos at kapuwa; Ika-11, pag-aralan natin kung paano magbigay ng handog ang isang dukha tulad sa bao sa ating Aralin kumpara sa mga Saduseo, Fariseo at Eskriba na malalaki ang handog – at kung malaki, ayaw mo ba; Ika-12, pag-aralan natin kung paano inihanda ni Jesus ang kaniyang mga disipulo para sa Kaniyang kamatayan, pagkawasak ng Templo sa Jerusalem at ang mga kahirapan o kagulumihanan na kanilang daraanan; at ang Ika-13, pag-aralan natin ang huling Linggo ng Pentecostes, ang pinakamasamang panahon sa buhay ni Jesus sa kamay ni Poncio

GININTUANG TALATA: “Hindi ang pumasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kaniya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kaniya,” Marcos 7:15 [MBB].

YUNIT II: SI JESUS DISIPULO [PART I]

AT

ANG

KANIYANG

ARALIN 1: KUMAIN NA DI NAGHUHUGAS NG KAMAY? Mar 7:1-8, 14-15 CYCalendar: Paghahari 2 Sityembre 6

BIBLIKAL Pinuna ng mga Fariseo ang mga alagad ni Jesus dahil hindi sila naghugas ng kamay bago kumain. Tradisyon nila ang paghugas ng kamay bago kumain, tulad ng modernong mga Muslim. Naghuhugas sila, hindi lamang ng kamay, kundi pati siko! Binalingan sila ni Jesus upang ipakita na ang Kaniyang layunin sa pagtuturo at pagpapagaling ay walang iba kundi ang maipagkasundo ang tao sa Diyos, at ang pinakadakila Niyang malasakit ay ang pagpapagaling ng mga kalagayan ng katawan at kaisipan ng tao upang sila ay manatili sa pananambahan sa Kanya. Sa Araling ito, si Jesus ay nagtuturo at nagpapagaling sa bahaging kanluran ng Dagat ng Galilea, ang lugar ng nakararaming mga Judio na gamit ang Aramaic, ang lengwahe ni Jesus mula pa sa Kaniyang kabataan. Ang mga Fariseo at Eskriba na mula pa sa Jerusalem ay dumating sa hilagang Palestina upang makinig kung ano ang sinasabi ni Jesus.

1. Ano ang tanong mg mga Fariseo kay Jesus? Ang tanong nila ay ito, “Bakit hindi sumusunod ang iyong mga alagad sa turo na ipinapagawa ng ating mga ninuno?” 2. Ano ang tugon ni Jesus? Si Jesus nagsabi, “Kayo’y mapagpaimbabaw!” 3. Ano ang sinasabi ni Jesus na nagpaparumi sa atin sa mata ng Diyos? Si Jesus nagsabi na ang mga salita na lumalabas sa ating bibig ang nagpaparumi sa atin. 4. Ano pang iba ang nagpaparumi sa atin? Si Jesus nagsabi na ang iba pang nagpaparumi sa tao ay ang masasamang kaisipan na nagmumula sa ating mga puso. 5. Ano ang nagagawa ng mga masasamang kaiisipan sa atin? Ang ating mga masasamang kaisipan ay nakakapahadlang sa ating pagsamba sa Diyos. ALAM BA NATIN ITO? Ang Fariseo ay isa sa mga sekta ng Judaismo na yumabong noong 2 siglo bago at 2 siglo pagkatapos maipanganak ang Cristo. Kumilos sila laban sa di-mahigpit na pag-obserba ng kautusan at pagpasok sa Palestina ng mga banyagang kaugalian. Ang sektang ito ay bukod tanging pinanghahawakan ang paninindigan ni Ezra bilang tagapagtag ng Judaismo, at pinagsumikapan nila na sundin ang kaniyang halimbawa sa pagpreserba at pag-interpreta ng kautusan. Kumiling sila na ibukod ang sarili nila sa ibang Judio sa pamamagitan ng eksaktong pag-obserba ukol sa pagkain at mga tuntunin ng ritwal. At kahit na ang karamihan sa kanila ay di-matatawaran ang pagiging tapat, devoto at relihiyoso, sila ay hinatulan ni Jesus dahil sila ay mapagkunwaring banal at maibigin sa pagpakitang-tao[Mt 15:1-9; 23:1-36]. Inilarawan sila ni Jesus sa “mga libingang pinaputi” [Mt 23:27] na maganda ang anyo sa labas ngunit sa loob ay “karumaldumal”. Kasama sila sa paghatid kay Jesus sa paglitis at pagpatay, ngunit si Nicodemus ay isa lamang sa kasamahan nila [Jn 3:1ff] ang tumanggap sa Panginoon at sa Kaniyang paninindigan [Jn 19:39]. Sila ay naniniwala sa pagkabuhay-muli ng mga patay. Kinabibilangan sila ng mga eskriba at paham [scholars], ang nagkodipika ng Daan na Tipan bilang Biblia ng Judaismo noong 450 BC. Subalit ang pundamental na pagkakamali nila ay ang pagpapahalaga sa letra imbes sa espiritu ng kautusan. MGA TANONG:

1. Fariseo man o hindi, dapat bang maghugas ng kamay bago kumain? Ipaliwanag. 2. Malinis nga ang kamay pero paano kung marumi ang bibig? Ipaliwanag. 3. Alin ang nakahahawa sa tao: ang mula sa labas ng bibig o ang lumalabas dito? Tingnan ang v. 15. Ipaliwanag. 4. Ano ang masasamang salita na lumalabas sa bibig at masasamang gawain mula sa puso? Tingnan ang vv 21-23. Ipaliwanag. 5. Mayroon pa bang Fariseo sa ating panahon? Ipaliwanag ang: “mapagkunwaring banal” at “maibigin sa pagpakitang-tao”.

ARALIN 2: TULONG PARA SA ANAK NG ISANG GRIEGA Mar 7:24-37 CYCalendar: Paghahari 3 Sityembre 13 GININTUANG TALATA: “Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta,” Marcos 7:27 [MBB]. BIBLIKAL Isang Griega sa lahi at lengwahe ang lumapit kay Jesus. Nanirahan siya sa Fenisa na sakop ng mga Romano bilang bahagi ng Siria noong panahon. Siya’y Gentil o pagano, subalit bukas ang kanyang puso sa paglapit kay Jesus. Buong tapang siyang nakipag-usap sa Kanya. Maaring natoto siya ng Aramaic, ang lengwahe ni Jesus noong Siya’y bata pa.

Ngunit ang madali at magaan nilang kombersasyon ay patunay na si Jesus ay nagsalita ng Griego, ang lengwahe ng mga Romanong natoto nito. Si Jesus ay palihim na naglakbay ng malayo mula sa Kanyang lugar sa Galilea, marahil kasama ng Kanyang piling mga kaibigan upang humanap ng isang panahon para magpahinga at manalangin. Muling nakita natin Siya na nagambala ng isa pang pakiusap para sa gawain ng pagpapagaling. 1. Nasaan si Jesus sa panahon na ito? Siya ay nasa Tiro at Sidon, ang modernong Lebanon, sa bahay ng isang kaibigan. 2. Ano ang ginawa ng Griegang ito nang mabalitaan niya na si Jesus ay naroroon? Lumapit siya kay Jesus at lumuhod sa kanyang mga paa sa harapan Niya. 3. Ano ang hiningi niya kay Jesus na dapat gawin? Pinakiusapan si Jesus na palabasin sa kaniyang anak ang demonio. 4. Ano ang tugon ni Jesus sa kanya? Si Jesus nagsabi, “Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak: sapagkat hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso,”[v27]. 5. Ano ang tugon ng babae? Ang babae nagsabi, “Oo, Panginoon; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak,”[v28]. 6. Ano ang tugon ni Jesus? Si Jesus nagsabi, Dahil sa sabing ito humayo ka; nakaalis na ang demonio sa iyong anak,” [v29]. Pagdating niya sa bahay magaling na ang kanyang anak! Praise the Lord! ALAM BA NATIN ITO? Ang Sirofenisang babae ay isang Gentil na estranghera sa tipan ng pangako. Tinukoy siya ni Jesus at ang kaniyang anak bilang “mga aso”. Ang pahayag na ito ay napansin ng mga eseptiko, tulad ni Steve Wells na nagsabi: “Sa una si Jesus ay tumangging mag palayas ng demonio sa anak ng Sirofenisang ito na tinawag Niyang isang aso.” Marami pang ibang eseptiko ang nagsabi ng kanilang pananaw ukol sa malupit na pahayag ni Jesus. Hindi lamang malupit kundi walang habag at nakakapasakit ng damdamin kapag ikaw ay tawaging isang “aso”. Ngunit para kay Dean Breidenthal ng Princeton University siya ay nagsabi: “Hindi tayo dapat mabahala ng pananalita ni Jesus sa Sirofenisang ito kung hindi naman ito direktang laban sa komunidad ng mga Gentil. Upang maunawaan natin ang pahayag ni Jesus, dapat kilalanin natin ang pinakalayunin ng Kaniyang puna. Dumaan si Jesus sa lupa na sakop ng

mga Gentil at nilapitan Siya ng babaeng ito na hindi Judio. Habang ang mensahe ni Jesus ay nakarating sa lugar ng mga Gentil, napatunayan ng Kasulatan na ang bayan ng mga Judio ang unang dapat tumanggap ng Evangelio. Sa Mateo 15:24, si Jesus nagsabi: “Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.” Nang suguin ni Jesus ang mga alagad, sinabi Niya: “Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang mga bayan ng mga taga Samaria: Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel” [Mt 10;5-6]. Ngunit ang pagkakasunudsunod ng mga lugar kung saan ang mga alagad dapat magsaksi nagpapahayag na ang Evangelio ay ipapahayag una sa mga Judio at pagkatapos sa mga Gentil [Gawa 1:8]. At si Pablo nagsabi: “Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagkat siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa mga Judio, at gayon din sa mga Griego.” Kaya para kay Jesus hindi pa napapanahon ang pagpahayag ng Evangelio sa Griegang Gentil! Dapat siyang maghintay! MGA TANONG: 1. Sa bahay ng kaibigan ni Jesus sa Lebanon, anong tulong ang hiningi ng isang Sirofenisang babae para sa anak? 2. Nasaktan ba ang babaeng ito ng sabihin ni Jesus sa kaniya ang salitang “mga aso”? 3. Ano ang matalas at mabilis na tugon ng babaeng ito? 4. Di ba tinawag ng babaeng ito si Jesus na “anak ni David” [Mt 15:22]? Sinamba [Mt 15:25]? Nanampalataya [Mt 15:28]? 5. Paano ginawa ni Jesus ang tulong sa anak ng Griega? Di ba sa pamamagitan ng exorcism from a distance or “txt”? O dahil sa pananampalataya? Ipaliwanag.

ARALIN 3: 38 CYCalendar:

NATAGPUAN NI JESUS ANG SOLIDONG BATO Mar 8: 27Paghahari 4

Sityembre 20

GININTUANG TALATA: “Sino raw ako ayon sa mga tao?”, Sumagot sila, “Ang sabi ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo; at may nagsasabi pang isa kayo sa mga propeta.” “Kayo naman – ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya. “Kayo ang Cristo,” tugon ni Pedro,Marcos 8:28-29 [MBB]. BIBLIKAL Sa mga alagad ni Jesus [Lk 5:1-11], ang pinakamaraming pagbabago ay nakita natin kay Simon Pedro o Simon Cephas na isang mangingisda ng Betsaida, Galilea. Siya at ang kanyang kapatid na si Andres ay mga komersyanteng mangingisda sa Dagat ng Galilea. Nagmamay-ari sila ng bankang gamit sa pangingisda. Siya, Andres, Santiago at Juan ay unang mga tinawag upang maging alagad, kaakibat ang pangako ni Jesus na gagawin silang mangingisda ng tao. Simon ang kanyang pangalan. Ngunit tinawag siya ni Jesus sa palayaw na Cephas [bato] sa wikang Aramaic o Pedro [bato] sa wikang Griego. Marahil sapagkat madaling nagbago ang kanyang isip at damdamin. Sa huling Linggo ng buhay ni Jesus, kasama Niya si Simon Pedro, subalit itinatwa Siyang tatlong beses nang madaling araw ng Biyernes Santo [Lk 22;54-62]. Kaya siya ay madaling nagbago sa isip at damdamin! Ngunit ang kanyang palayaw ay naging totoo nang tawagin siya ni Jesus na Pedro [the rock] sa wikang Griego matapos na sabihin niyang si Jesus ang “Mesiyas, ang Anak ng buhay na Diyos.” 1. Ano ang tanong ni Jesus sa mga disipulo? Si Jesus nagtanong,”Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ako?” [v27] 2. Sino-sino ang tumugon sa Kanya? Ang mga disipulo ay nagbigay ng maraming palagay. 3. Ano ang sinabi ni Pedro? Sumagot si Pedro at nagsabi sa Kanya, “Ikaw ang Cristo”[v29]. 4. Anong bato [rock] ang tinutukoy ni Jesus? Tinutukoy ni Jesus ang pananampalataya ni Pedro na nagsasabi na ang pananatili sa pananampalataya ay magiging solidong pundasyon ng Kanyang iglesya. Sa Katoliko ang bato ay si Pedro. Sa Protestante ang bato ay ang pananampalataya ni Pedro! ALAM BA NATIN ITO?

Si Pedro ay walang dudang naging lider ng mga alagad ni Cristo. Mas maraming kwento ukol sa kaniya kay sa sinomang iba sa Bagong Tipan. Halos siya ang laman ng Evangelio ni Marcos. Sa palagay ng iba ang Evangelio ni Marcos ay mula sa mga kapahayagan ni Pedro na ninalaw sa Panginoon. Tama si Jesus sa matatag at mataimtim na paninindigan ni Simon Pedro ukol sa kapahayagan ng kanyang pananampalataya [Mt 16:13-20], at ang kanyang pangunguna pagkatapos mamatay si Jesus ay naging matibay na batayan na pinaniniwalaan ng mga Kristiyano hanggan ngayon. Ang bisyon ni Pedro sa Mga Gawa 11:5-18 ay nagpabago ng buong gawain ng unang mga mananampalataya, tulad ng ipinahayag ng Diyos kay Pedro na walang nilalang o alin man na tao sa lupa ang marumi. Nilinis na lahat ito ni Cristo! Pagkatapos ng pagbitay kay Santiago [the Elder], si Pedro ay ipinabilanggo ni Herod Agrippa I [Gawa 12], apo ni Herod the Great at pamangkin ni Philip at Antipas. Si Antipas at Pontio Pilato ang kapwa namahala sa pagbitay kay Jesus sa crus [Gawa 4:27]. Walang naisulat si Pedro sa sariling kamay. Maaring buhat sa kanya ang pangunahing pinanggalingan ng Ebanghelyo ni Marcos, at naidikta niya ang aklat ng I Pedro sa isang kalihim. Siya ay isang saksi sa Pagbabagong-anyo ni Jesus [2 Ped 1:16-18]. Maaring ang 2 Pedro ay naisulat pagkatapos ng kanyang kamatayan. MGA TANONG: 1. Nang dalhin ni Andres kay Jesus si Simon upang maging alagad, ano ang sinabi ni Jesus sa kaniya? Ipaliwanag ang Jn 1:40-42. 2. Di nagtagal si Simon Pedro ay isa sa“inner circle” ni Jesus. Sino-sino ang iba sa “inner circle” na ito? [Mk 5:37] 3. Maraming mga alagad ay nagsitalikod kay Jesus. Ano ang tanong ni Jesus sa 12 at ano ang sagot ni Pedro? [Jn 6:64-69] 4. Kung mga babae ang naunang dumalaw sa libingan ni Jesus, sinong lalaki ang naunang pumasok dito? [Jn 20:1-6] 5. Sino ang nagpahayag ng unang sermon? [Gawa 2:14-36] At nagbukas ng simbahan sa Gentil? [Gawa 15:7ff]

ARALIN 4: MGA DICIPULO SINABIHANG MAGING ALIPIN Mar 9:30-37 CYCalendar: Paghahari 5 Sityembre 27 GININTUANG TALATA: Naupo si Jesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat,” Marcos 9:35 [MBB]. BIBLIKAL Sa Bagong Tipan ang dicipulo o alagad ay manggagawa, lingkod, o alipin, ngunit ang saliting ginamit ni Jesus sa Araling ito ay nangangahulugang alipin [slave], ang sinomang pag-aari ng iba at sinomang walang kontrol sa mga desisyon ng sariling buhay. Para kay Jesus, ang alipin ay lingkod ng hari [servant-king] at nangangahulugang pagpipili upang mamuhay sa paglingkod sa iba. 1. Nasaan si Jesus at ang Kanyang mga alagad? Si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay nasa Capernaum. 2. Ano ang pinag-uusapan ng Kaniyang mga alagad? Ang mga alagad ay nagtatalo-talo kung sino sa kanila ang pinakadakila. 3. Ano ang sinabi ni Jesus sa kanila? Si Jesus nagsabi,”Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat” [v35]. 4. Paano sinabi ni Jesus sa atin ang pagtanggap sa Kaniya? Kinalong ni Jesus ang isang maliit na bata at kaniyang sinabi, “Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap...” [v37]. ALAM BA NATIN ITO? Ang salitang lingkod sa Daan na Tipan ay ginamit para sa sinomang naninilbihan, alipin, sakop, sundalo at opisyal ng bayan. Ginamit din ito sa mga nananambahan, maging kay Baal o kay Yahweh [II Hari 10:19-23]. Ang Israel, ang bayang pinili ng Diyos, ay tinawag na ‘aking lingkod’, tulad ng mga persona na masunurin sa Diyos – halimbawa, si Isaac na patriarka [Gen 26:24], si David na Salmista [Salmo 31:16], o ang Gentil na hari na si Nabukodonosor na di nakakikilala sa Kaniya [Jer 25:9]. Ang iba-ibang gamit ng terminong ito ay naging mahirap sabihin ang eksaktong kahulugan kung sino ang ‘lingkod ng Panginoon’ sa apat na tula

sa Isaias [42:1-4; Ngunit si Jesus sa ang isang lingkod lahat ng Kaniyang

49:1-6; 50:4-9; 52:13-53:12; tingnan ang Gawa 8:34]. paghugas ng paa ng mga dicipulo ay ipinapahiwatig na ay ang mapagpakumbabang buhay na humahamon sa tagasunod upang maging mga lingkod [Jn 13:14].

Si Abraham [Awit 105:6], Moises [Awit 105:26], at iba pa sa Daan na Tipan na tumanggap at sumunod sa kalooban ng Diyos ay tinaguriang ‘Lingkod ng Panginoon’. Ang titulong ito ay ginamit sa Isaias 40-55, lalo na sa 42:1-7, at 53. Ang mga eskolar nagkakaisa na ang Lingkod ay tumutukoy sa bayan ng Israel sa panahon na sila ay nanatiling tapat sa Diyos. Ngunit tinukoy din ang persona bilang Lingkod at nakita ito ng Simbahan kay Cristo Jesus na nagpapahayag ng reyalidad ng pagiging Lingkod [Mt 12:18ff]. Si Jesus ay tinawag na Lingkod [Gawa 3:13, 26; 4:27,30]. Ngunit ang simbahan ay nangingiming tawagin Siyang “lingkod’ pagkatapos ng Kaniyang kamatayan. Sa kaluwalhatian ng Kaniyang pagkabuhay-muli nababagay na tawagin Siyang ‘Anak’ ng Diyos na lagi Niyang ginagagamit para sa Kaniyang sarili na nagpapahayag ng Kaniyang natatanging kaugnayan sa Ama. Ang salitang ‘lingkod’ ay pwedeng ding ipakahulugan sa salitang alipin. Sa Bagong Tipan si Jesus ay hindi direktang nagpuna ng kaalipnan bilang isang institusiyon. Sinasambit Niya lang ito sa pamamagitan ng ilustrasyon [Mt 18:25; Jn 8:35]. Noong panahon ng kaalipnan, maraming alipin ang naging Kristiyano. Si Pablo nagtuturo na ang mga mananampalataya kay Cristo ay walang pagkakaiba sa pagitan ng malaya at alipin [I Cor 12:13; Gal 3:28; Col 3:11]. Hinimok niya sila, malaya man o alipin, na gawin ang kanikanilang tungkulin bilang kapwa lingkod ng Panginoon [Efeso 6:5-9; Col 3:22-4:1]. Ang kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos ay tulad sa isang alipin at panginoon [Awit 116:16]. Sa Bagong Tipan ipinagkumpara ang tao bilang isang ‘alipin ng kasalanan’ sa taong ‘alipin ng Diyos’ [Rm 6:16-22; Jan 8:34; Efeso 6:6]. MGA TANONG: 1. Lahat bang mananampalataya kay Cristo Jesus ay lingkod? Ipaliwanag. 2. Ang lingkod ba ni Cristo ay Kaniyang alipin? Ipaliwanag. 3. Posible bang ang lingkod ni Cristo ay maging alipin ng kasalanan? 4. May nagtatalo-talo pa ba sa mga lingkod ni Cristo ngayon kung sino ang pinakadakila? Ipaliwanag. 5. Paano malalaman kung ang isang mananampalataya ay lingkod ng lahat? Ipaliwanag.

3. Humihingi ba si Jesus sa atin ng malaki o mamahaling regalo? Si Jesus nagsasabi na kahit isang kopang malamig na tubig para sa isang nauuhaw ay isang dakilang kahanga-hangang regalo. ALAM BA NATIN ITO?

ARALIN 5: ISANG KOPANG TUBIG PARA SA NAUUHAW! Mar 9:38-50 CYCalendar: Paghahari 6

Oktobre 4

GININTUANG TALATA: Sinasabi ko sa inyo: “Sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo’y kay Cristo ay tiyak na gagantimpalaan,” Marcos 9:41 [MBB]. BIBLIKAL Ang kopa ng malamig na tubig ay isa sa mga maliliit na bagay na bunga ng pagiging mabait sa kapwa. Ikinintal sa puso ng unang Kristiyanong mamamayan ang mga salita ni Jesus na naghatid sa kanila upang maging mabait lalo na sa mga maliliit na kapatid ni Cristo. Malimit na umaasa tayo na makamtan ang isang gantimpala o pabuya sa isang bagay na ating ginawa, at nakalimutan natin na ang pinakamalaking gantimpala ay maaaring naroroon sa pagiging isang mabait na tao. Ibig sabihin, ang gantimpala ay parating dumarating bago ang isang bagay nagawa, imbes pagkatapos magawa ito. Sa Araling ito, si Jesus ay humihimok sa atin na kilalanin Siya sa bawat puso ng iba, at kilalanin ang Diyos Ama sa Kanya. Noong panahon ni Jesus, wala pa refrigerator o paraan na makagawa ng malamig na tubig, kahit na nasa panahon ng taglamig sa Palestina. Ang tanging paraan na makagawa ng malamig na tubig ay ang pumunta sa isang balon kung saan ang tubig ay malamig mula sa ilalim nito. 1. Sino ang ating tinatanggap kung tinatanggap natin ang mga tagasunod ni Jesus? Tinatanggap natin si Jesus kung tinatanggap natin ang Kaniyang mga tagasunod. 2. Nagiging ano ang isang tao kung siya ay tumatanggap ng isang mabuting tao? Nagigi rin siyang mabuting tao.

Ang unang mga Kristiano na kabilang sa mga kongregasyon sa Corinto, Efeso, Filipos, Galacia, Roma, Tesalonica at Colosas ay sumunod sa tinatawag nilang Ang Daan ni Jesu-Cristo. Nakinig sila kay Jesus noong panahon ng pag-akyat Niya sa Langit [ascension] at ang kanilang pinanampalatayanan na mula kay Jesus ay taglay nila sa Roma. Ang mga Romano ay hindi lamang iginagalang ang mga emperador bilang panginoon, kundi sinasamba pa nila bilang diyos. Ang pagsamba sa Iisang Diyos lamang ang sentrong bahagi ng buhay ng mga unang Kristiyano, at ang mga Romano ay nahihirapang makaunawa sa karakter ng mga Kristiyano. Ang unang mga Kristiyano ay nagdanas ng pang-uusig sa kamay ng mga namumuno, ngunit ang iba sa kanila, tulad ni Herod Agrippa II, sa Gawa 26, ay lubhang nalito sa pagkaunawa sa kanilang karakter. Ayon kay Pliny, ang Romanong proconsul ng Bithynia at Puntos [111-112 AD], ang mga Kristiyano ay: “May ugali magtipontipon sa isang takdang araw bago magbubukang liwayway at umaawit ng himno para kay Cristo bilang Diyos, at pinagbuklod-buklod nila ang sarili sa panunumpa na di sila gagawa ng krimin, kundi iwasang makagawa ng pagnanakaw, pangungulimbat, at pangangalunya, mula sa pagpapabaya ng pananampalataya at sa pagtalikod sa isang pinaniwalaan tungo sa panawagang igalang ang pinaniwalaang ito. Pagkatapos nito, nakagawian nilang maghiwahiwalay, at muling magtipontipon upang kumain ng ordinaryo at simpleng pagkain lamang.” MGA TANONG: 1. Mabait ka ba sa mga manggagawa ni Cristo? Samakatuwid, anong magiging gantimpala? [v41] 2. Paano kung gumagawa ng mga bagay na ikatitisod ng mga maliliit na kapatid sa pananampalataya? [v42] 3. Ano ang gagawin mo kung makapagpatitisod saiyo ang sarili mong kamay, paa o mata?

4. Para kanino ang langit: di ba para sa buhay na pingkaw, pilay at may isang mata? Ang impierno, para kanino? 5. Matabang na ba ang iyong asin o maalat pa sa inyong lugar? Paano ito mapanatili at magbunga ng kapayapaan?

ARALIN 6: DIYOS ANG NAGBIGAY NG KASAMA NI ADAN Mar 10:2-16 CYCalendar: Paghahari 7 Oktobre 11 GININTUANG TALATA: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalain ng tao,” Marcos 10:12 [MBB]. BIBLIKAL Pagkatapos ng paglalang kay Adan, kinilala ng Diyos ang pangangailangan ng tao bilang kasama niya sa lipunan upang mabuhay sa isa’t-isa sa isang banal na kasal na walang hiwalayan hanggan kamatayan sa isang pamayanan. 1. Anong sinabi ng Diyos ukol sa buhay ni Adan? Ang Diyos nagsabi, “Hindi maganda sa tao na mabuhay na nag-iisa.” 2. Ano ang ginawa ng Diyos para sa mga makakasama ni Adan? Linalang ng Diyos ang mga paamuing hayop, kabilang na ng mga ibon at maiilap na hayop. 3. Sino ang nagbigay ng pangalan ng mga hayop? Si Adan. 4. Paano ginawa ng Diyos ang babae? Ginawa ng Diyos ang babae mula sa mga tadyang ni Adan. ALAM BA NATIN ITO? Ang Panginoong Jesus ay nasa baybay-dagat ng Judea, sa malayong bahagi ng silangang Jordan, sa kadulu-duluhan ng Tiro at Sidon. Saan man Siya pumaroon, sinusundan Siya ng makapal na tao. Siya’y nangangaral, nagtuturo at nagpapagaling. Kasama ng makapal na tao ay ang mga Fariseo na nagtanong ukol sa isyu ng paghihiwalay [divorce]: “Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa?” [v2] Maganda ang

tanong. Ibig nilang malaman ang nasa isip ng Diyos. Subalit ang layunin ng tanong ay walang iba kundi tuksuhin Siya, hiyain Siya sa harapan ng madla. Kinaiinggitan nila ang maunlad na gawaing espiritwal ni Jesus. Kaya gagawin nila ang anumang makakahadlang at makakasalungat dito. Subalit ang sagot ni Jesus ay isa ring tanong: “Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?” [v3] Itinanong ito ni Jesus upang patunayan ang paggalang Niya sa kautusan ni Moises, at upang ipakita na Siya naparito hindi sa pagsira kundi sa pagtupad nito. Tumugon sila, “Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya” [v4]. Kaya tanong nila, sagot nila! At sa sagot nila sinabihan sila ni Jesus na nang dahil sa katigasan ng kanilang puso ay inilagda ni Moises ang kautusan na ito [v5]. Ipinahintulot muna ni Moises sa mga Judio ang paghihiwalay, gayunpaman, ipinagbawal niya ang paghihiwalay sa lahat na anak ni Adan at Eva, at ito ang nararapat na masunod natin ngayon. Si Moises ay nagsasabi sa atin: [1] Na nilalang ng Diyos ang tao lalake at babae, isang lalake at isang babae; hindi upang hiwalayan ni Adan ang kaniyang asawa at sumama sa iba, at ito ang nararapat na ipaunawa at ipabalita sa lahat ng kaniyang mga anak na lalake. [2] Ang lalaking ito at ang babaing ito, sa kautusan ng Diyos, ay pinag-isa sa banal na kasal. Ang kautusan ay nagsasabi, na “iiwan ng lalake ang kanyang ama at ina at makikisama sa kaniyang asawa” [v7]. Ipinauunawa dito, hindi lamang ang malapit at mainit na relasyon, kundi ang walang hanggan pagsasama ng dalawa sa banal na matrimonyo. Siya ay sasama sa kaniyang asawa magpakailan pa man! [3] Ang resulta ng relasyong ito ay ganito: “At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman” [v8]. Ang pagkakaisa sa pagitan nila ay isang banal na bagay na dapat hindi nalalabag. [4] Pinag-isa sila mismo ng Diyos upang mamuhay sa pag-ibig hanggang kamatayan! Ang kasal ay hindi inbensyon ng tao, kundi ito ay isang maka-Diyos na institusyon, kung kaya nararapat na ito ay talimahin sapagkat ito ay isang larawan ng mahiwagang dimapaghihiwalay na pagkakaisa sa pagitan ni Cristo at ng Kaniyang Iglesya. Kaya walang tao ang makapaghihiwalay sa pinag-isa ng Diyos sa banal na kasal. Ang kasunduan na mismo ang Diyos ang nagbigkis ay nararapat na huwag hubarin. Sa mga lalaking humihiwalay sa kanilang asawa at sumasa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya [v11]. Pangangalunya din sa babaing humiwalay sa kaniyang asawa na sumama sa iba [v12]. Tapat ka ba sa iyong asawa? MGA TANONG:

1. Si Adan at Eva ba ay larawan ni Cristo at ng Iglesya na pinag-isa ng Diyos sa banal na matrimonyo? Ipaliwanag. 2. Ang diborsyo ba ay isang kasulatang nilagdaan sa paghihiwalay bilang bunga ng katigasan ng puso ng lalake o babae? 3. Ang pangangalunya ba ay nangyayari lamang sa labas ng banal na kasal? Ipaliwanag. 4. Di ba ang banal na kasal ay para sa isang lalake at babae lamang? Ipaliwanag. 5. Maaari bang maging banal ang kasal ng magkasing-uri? Ipaliwanag.

4. Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng binata? Sinabihan ni Jesus, “Yumaon ka, ipagbili mo ang lahat na tinatangkilik. Ibigay mo ang pera sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos pumarito ka at sumunod sa akin.” 5. Ano ang itinanong ng mga disipulo? Ang mga disipulo ay nagtanong sa isa’t-isa, “Sino nga kaya ang makaliligtas?” 6. Ano ang tugon ni Jesus? “Sa tao, impossible, ngunit sa Diyos, possible.” ALAM BA NATIN ITO? Sa lumang lunsod ng Jerusalem ay may isang kalsada na ang pangalan ay Mata ng Karayom [Eye of the Needle]. Ito ay makipot at paikot upang ang kamelyong may karga ay kailangang ibaba ang karga bago ito makaraan hanggang dulo kung saan ang karga ay muling ibalik para sa paglalakbay.

ARALIN 7: DIYOS LAMANG ANG MAKAPAGLILIGTAS Mar 10:17-31 CYCalendar: Paghahari 8 Oktobre 18 GININTUANG TALATA: “Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kay sa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman,” Marcos 10:25 [MBB]. BIBLIKAL Isang mayamang binata ang lumapit kay Jesus upang magtanong kung ano ang kaniyang gagawin para mailigtas ang kaniyang sarili. Si Jesus nagsabi na kahit anong pagpapakahirap ang gawin natin, Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin. 1. Ano ang ginagawa ni Jesus nang lumapit sa Kaniya ang mayamang binata? Naglalakad si Jesus sa isang lansangan. 2. Ano ang hiningi ng binata? Ang binata nagtanong, “Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako’y magmana ng buhay na walang hanggan?” 3. Ano ang tugon ni Jesus sa binata? Tugon ni Jesus, “Alam mo ang mga kautusan.”

Ang buhay na walang hanganay hindi pinaniwalaan ng mga Saduseo, ngunit ito ang ibig makamtan ng isang mayamang binata sa ating Aralin. Subalit ang binata ay imposibleng makapasok sa Kaharian ng Diyos sapagkat tulad siya sa isang kamelyo na may karga o tinatangkilik. Ang “kamelyo” ay kayang makapasok sa butas ng karayom kung ito ay luluhod na walang karga. Mas matimbang sa binata ang kayamanan sa lupa kay sa kayamanan sa langit. Tinawag ng binata si Jesus bilang “Mabuting Guro.” Ngunit ayon kay Jesus, walang mabuti kundi isa lamang, ang Diyos. Kaya binalingan Niya ang binata at itinanong kung alam niya ang mga kautusan ukol sa pagpatay, pangangalunya, pagnanakaw, pagsaksi sa di katotohanan, pagdadaya, at paggalang sa magulang. Tugon niya: Lahat ito ay kaniyang nagampanan mula pa sa kaniyang kabataan. Ngunit, ayon kay Jesus, isa lamang ang kulang sa kaniya: ang ipagbili ang lahat niyang tinatangkilik at ibigay sa dukha. Namanglaw ang mukha ng binata at umalis. Hindi siya maaaring mapabilang sa unang Simbahang Kristiyano na rekisito sa bawat miyembro na ipagbili ang lupa at ang buong pera ay ibinibigay sa paanan ng mga alagad [Gawa 4:34-35]. Hindi rin siya maaaring maging disipulo ni Jesus sapagkat ayon kay Mateo 6:24, “Sinoma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon... Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa mga kayamanan.” Hindi makakamtan ng binata ang buhay na walang hanggan sapagkat mas matimbang sa kaniya ang kayamanan ng sanglibutan kay sa kayamanan ng langit. Kaya mas madali para sa isang kamelyo na makapasok sa mata ng isang karayom kaysa isang binata na mayaman!

May mga nangauuna na mangahuhuli sa larangan ng kaligtasan at paglilingkod, tulad ng mga disipulo na nangauna kay sa kay Pablo [I Cor 15;10]. Kaya tama ang kasabihan na ang una ay huli at ang huli ay una! Kaya mo bang maging una kahit na ikaw ay huli sa pagkamit ng biyaya ng kaligtasan? MGA TANONG: 1. Ang Aralin bang ito ay para lamang sa isang binatang mayaman? Paano kung dukha? 2. Alin ang mas matimbang sa atin: ang Diyos o kayamanan? 3. Ano ang panganib ng kayamanan sa mga tagasunod ni Cristo? 4. Ano ang ibig sabihin nito: “Sa tao imposible, ngunit sa Diyos posible.” 5. Ano ang mga gantimpalang tatanggapin ng mga tagasunod ni Cristo pagdating ng araw? Tingnan ang vv 28-30.

Jesus na marapat silang mabinyagan tulad Niya. Kailangan magkusa silang dumaan sa paghirap na Kaniyang dinaanan. Hanggan sa panahong yaon tinitingala nila si Jesus tulad sa isang hari sa lupa. Sa tingin nila ang malapit sa upuan ng hari ay mas makapangyarihan at iginagalang. Sina Santiago at Juan ay umaasa para sa pansariling bahagi ng kaluwalhatian. 1. Ano ang nais nina Santiago at Juan na gawin ni Jesus para sa kanila? Nais nila na bigyan sila ni Jesus ng upuan na malapit sa Kaniyang kanan at kaliwa kung Siya ay nasa kapangyarihan na. 2. Ano ang sinabi ni Jesus sa kanila? Sinabihan sila ni Jesus na hindi nila nalalaman ang hinihiling nila. 3. Ang Saro ay nangangahulugang pagbabata sa Daan na Tipan. Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ni Santiago at Juan? Sinabihan sila ni Jesus kung mangakaiinom baga sila sa sarong Kaniyang iinuman? 4. Sino ang magpapasiya kung sino ang uupo na malapit kay Jesus? Ang Diyos Ama ang magpapasiya. 5. Ano ang dapat nating gawin upang maging una sa kaharian ng Langit? Dapat maging alipin ng bawat-isa. 6. Ano ang sinasabi ni Jesus ukol sa Kaniyang sarili? Si Jesus nagsasabi, “Sapagkat ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.” ALAM BA NATIN ITO? ARALIN 8: UUPO SA KANAN AT KALIWANG KAMAY NI JESUS? Mar 10:35-45 CYCalendar: Paghahari 9 Oktobre 25 GININTUANG TALATA: “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang buhay sa ikatutubos ng marami,” Marcos 10:45 [MBB]. BIBLIKAL Sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, ay pangatlo at pangapat na disipulo ni Jesus. Sila’y tinawag upang sumunod sa Kaniya, pagkatapos ni Pedro at Andres. Madalas nating makita si Jesus na kasama ang apat na ito, imbes ng buong labindalawang disipulo. Sinabihan ni

Si Santiago at Juan na anak ni Zebedeo ay mga disipulo ni Jesus na kabilang sa mga ambisiyosong tao. Sa Mateo 20:20 ipinakita ang kahilingan ng kanilang ina, ngunit dito sa Marcos sila mismo ang may hiling. Inumpisahan ng ina ang ambisyong pampamilya at ipinagpatuloy ng dalawa ang ambisiyosong kahilingang ito ukol sa kung sino ang maaaring umupo sa kanan at kaliwa ni Jesus pagdating ng araw sa Kaniyang paghahari. Sa panalangin, hinimok ni Jesus ang Kaniyang mga disipulo ng ganito, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan...” [Mt 7:7]. Ngunit ang pangsariling kahilingan ay kalabisan at kasalanan. Para kay Santiago at Juan, kung si Cristo ay babangong muli, Siya ay magiging isang hari, at kung Siya ay isang hari, ang Kaniyang mga alagad ay magkakasama, at ang isa sa kanila ay magiging una sa kapangyarihan, at ang iba ay kapanalig Niya, tulad ni Jose na kapanalig ni Faraon at ni Daniel na kapanalig ni Darius. Ang makalupang kapangyarihan ay isang

kumikislap na bagay na nakasisilaw sa mata ng mga disipulo ni Jesus. Nais ni Cristo na maging handa tayo para sa mga pagbabata, at ipaubaya sa Kaniya ang gantimpala sa atin. Hindi dapat Siya pangunahan! Hindi Niya makakalimutan ang gawa ng pananampalataya at ang gawa ng pag-ibig. Nagtalotalo ang mga disipulo ni Jesus kung sino sa kanila ang ibibilang na pinakadakila. Ang tugon ni Jesus sa kanila, “Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila, at ang mga may kapamahalaan sa kanila’y tinatawag na Tagapagpala. Datapuwa’t sa inyo’y hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod. Sapagkat alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? Hindi baga ang nakaupo sa dulang? Datapuwa’t ako’y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod” [Lk 22:23-27]. MGA TANONG: 1. Masama ba ang mag-ambisyon upang maging dakila? Ipaliwanag. 2. Di ba hinimok ni Jesus ang mga disipulo na “magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan”? Ipaliwanag. 3. Ano ang ibig sabihin ng “napapanginoon sa kanila”[lord it over]? Di ba sa English ito ay: Exercise of power or control of someone? Ganyan ang nakikita natin sa mga politiko na opisyal ng bayan. 4. Sino ang pinakadakila para kay Jesus: Ang naupo sa dulang o ang naglilingkod? 5. Di ba tinawag ang mga disipulo upang maglingkod sa pamamagitan ng pamamahala o supervision?

ARALIN 9: PINAGALING NI JESUS ANG ISANG BULAG Mar 10:46-52 CYCalendar: Paghahari 10 Nobyembre 1 GININTUANG TALATA: “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” tanong sa kaniya ni Jesus. Sumagot ang bulag, “Guro, ibig kop o sanang makakita.” Sinabi ni Jesus, “Humayo ka, magaling ka na dahil sa iyong pananalig,” Marcos 10:51-52 [MBB].

BIBLIKAL Sa batas ng Judaismo, ang mga tao na may kapansanan ay hindi pwedeng mag-aral sa sinagoga, o maka panambahan sa Templo. Ngunit para kay Jesus hindi lamang ibig Niya silang magkaroon ng masaganang buhay araw-araw, kundi nais Niyang maging masagana sila sa kaugnayan sa Diyos. Ang pisikal na pagpapagaling Niya sa mga tao ay maghahatid sa kanila tungo sa espirituwal na kagalingan. 1. Nasaan si Jesus at ang Kaniyang mga disipulo sa Araling ito? Sila ay nasa Jerico. 2. Ano ang pangalan ng pulubing bulag na ito? Ang pangalan ng pulubing bulag ay Bartimeo. 3. Ano ang sinabi ng pulubing ito? Ang pulubi nagsabi, “Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.” 4. Ano ang tugon ni Jesus sa pulubi? Si Jesus nagsabi, “Humayo ka ng niyong lakad; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” 5. Saan pumunta ang pulubi? Ang pulubi ay sumunod kay Jesus sa daan. ALAM BA NATIN ITO? Si Bartimeo ay anak ni Timeo. Ang kahulugan ng kaniyang pangalan ay anak ng isang bulag. Siya ay ipinanganak na bulag ng isang bulag na ama, na nagpalala ng kanyang kalagayan, at ang lunas ay higit na kahanga-hanga at higit na bagay upang ilarawan ang espirituwal na lunas na dala ng biyaya ni Cristo. Ang bulag na ito ay nakaupo sa paghingi ng limos. Sila na nasa kapansanan ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng kanilang sariling lakas at walang ibang paraan para mabuhay. Sila ang layon ng pagkakawanggawa sa ating lipunan. Sumigaw siya sa Panginoong Jesus para siya kaawaan. “Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.” Ang kahirapan at pagdurusa ang layunin ng habag. Ang sarili niyang kalagayan ay nagpapayo upang kahabagan ng anak ni David [Cristo], na sa Kaniya ipinaghula, na sa Kaniyang pagdating ililigtas Niya tayo, at ang mga mata ng bulag ay makakakita, Isaias 35:5. Sa paglapit natin kay Cristo para tulungan at pagalingin kailangang itutok natin ang ating mata ayon sa ipinangakong Mesiyas, ang Katiwala ng habag at biyaya. Pinukaw ni Cristo siya sa pag-asa na matatagpuan niya ang habag. “Laksan mo ang iyong loob; ikaw ay magtindig, tinatawag ka niya.”

Mapagbiyaya ang panawagan ni Cristo. Ang panawagan Niya sa kaniya ay nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa. Tinatawagan Niya ang mga taong ang kalagayan ay nasa pagdurusa, nagugutom, makasalanan, api, at iba pa; tinatawagan sila upang patawarin, tustusan, saklolohan, punuin, damitan at bigyan ng anumang kakulangan sa buhay. Ang dukhang bulag ay sinikap na makalapit kay Cristo. Itinapon niya ang kanyang balabal at nagmadaling lumapit. Itinapon Niya ang lahat na maaaring makahadlang sa kaniya, “ang bawa’t pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin” [Heb 12:1]. Nanikluhod siya na ang kanyang mata ay mabuksan at makakita, upang makapaghanapbuhay para sa kanyang kabuhayan at hindi na maging pabigat sa iba. Salamat at tumanggap siya ng inaasahan. Nang dahil sa kaniyang pananampalataya kay Cristo, sa Anak ni David, mata niya ay nabuksan; siya’y gumaling! Bilang patunay, siya ay sumunod sa Kaniya nang wala nang alalay. MGA TANONG: 1. Ano ang bumubulag sa mga may paningin? [Exo 23:8] Ipaliwanag. 2. Mahilig ka bang manglait at naglalagay ng katitisuran sa harap ng bulag? [Lev 19:14] Ipaliwanag. 3. Sino ang tinutukoy ni Jesus sa kasabihang ito? “Ang bulag ay umakay sa bulag...” [Mt 15:14] Ipaliwanag. 4. Napopoot ka ba sa iyong kapatid? Kung gayon ikaw ay binulag ng kadiliman... [1 Jn 2:11] Ipaliwanag. 5. Di ba si Cristo ay puspos ng Espiritu upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha, bihag, bulag at nangaaapi, Lk 4:18? Ipaliwanag.

GININTUANG TALATA: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas,” Marcos 12:30 [MBB]. BIBLIKAL Noong panahon ni Jesus, ang Templo sa Jerusalem ang tahanan ng maraming buhay na pagtatalo-talo. Isa sa mga tanong ng mga rabi ay ang paulit-ulit na pagsalaysay ng buong Daan na Tipan habang nakatindig sa isang paa. Si Rabi Hillel ang sumagot sa isa sa mga tanong sa pamamagitan ng Leveticus 19:18 na nagsasabi, “Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kundi iibigin ninyo ang inyong kapwa na gaya ng inyong sarili: ako ang Panginoon.” Si Jesus ang nagtanong nito sa ibang porma at ang Kaniyang sagot ay may kaunting pagkakaiba. 1. Kanino si Jesus nakikipagtalakayan? Si Jesus ay nakikipagtalakayan sa mga Saduceo. 2. Ano ang tanong ng guro ng kautusan kay Jesus? Ang guro nagtanong, “Ano ang pinakamahalagang utos?” 3. Ano ang tugon ni Jesus ukol sa pinakamahalagang utos? Si Jesus nagsabi, “Mamamayan ng Israel, mayroon lamang iisang Panginoon at Diyos. Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas” [vv29-30]. 4. Ano ang sabi ni Jesus ukol sa pangalawang pinakamahalagang utos? Si Jesus nagsabi, “Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” [v31]. ALAM BA NATIN ITO? Ang mga Fariseo at Eskriba ay mortal na kaaway ng mga Saduceo. Nang mapakinggan nila si Jesus na maganda ang argumento Niya laban sa mga Saduceo, medyo pabor sila sa Kaniya tulad ng pagpabor nila kay Pablo nang makaargumento niya ang mga Saduceo [Gawa23:9]; ngunit ang pagpabor na ito ay walang saysay sapagkat si Cristo ay hindi nila kalinya sa relihiyon na nagpapanatili ng kautusan na kilala sa tawag na “ceremonial law”. ARALIN 10: ITINUTURO NI JESUS ANG PINAKADAKILANG UTOS Mar 12:28-34 CYCalendar: Paghahari 11 Nobyembre 8

Ang isa sa mga Eskriba, pagkatapos marinig ang Kaniyang argumento laban sa mga Saduceo, nagtanong kay Jesus, “Ano baga ang pangulong utos sa lahat”? [v28]. Ang tugon ni Jesus sa tanong na ito ay: “Ibigin an Panginoon, ang Iisang Diyos. Ibigin ng buong puso... at ibigin

ang kapuwa” [vv29-31]. Ibigin Siya, sapagkat Siya ay Iisang Panginoon, walang iba na tulad Niya; at ibigin natin ang ating kapuwa tulad ng pagibig natin sa ating sarili, sapagkat ang kapuwa at ang ating sarili ay iisang katawan ng iisang lipunan sa iisang mundo. Di ba Iisang Diyos ang may lalang sa atin [Mal 2:10]? Iisang Cristo ang nagligtas sa atin? Ibigin ang Diyos at ang kapuwa: Ito ang pinakadakilang utos na walang nang hihigit pa. Kaya ang Eskriba ay nagsabi, “Totoo.” Ito ay nakahihigit sa mga sinusunog at sakripisyo, lalong katanggaptanggap sa Diyos. May nagsabi na ang nakahihigit na utos ay ang utos ng pagsasakripisyo. Subalit ang Eskribang ito ay umayon kay Cristo na ang utos ng pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa ang pinakadakila na walang nang hihigit pa. Sumang-ayon si Jesus sa katalinuhan ng Eskribang ito, kaya sinabihan siyang, “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos. Mula noon, walang nangahas magtanong sa Kaniya [v34]. Sino sa palagay mo ang Escribang ito? Siya ay isang eskribyente, manunulat o mamamahayag. Siya’y matalino, hindi tulad ng ibang Eskriba na may piring ang mata sa pag-unawa ng doktrina ukol kay Jesus. Siya’y malapit sa kaharian ng Diyos ayon kay Jesus. Kaya ang Eskribang ito ay tulad sa isang kristiayano at disipulo ni Jesus, ngunit walang nakakaalam kung siya ay naging tagasunod ni Cristo. MGA TANONG: 1. Kaya mo bang isalaysay ang lahat na bilang ng mga aklat ng Daan [39] at Bagong Tipan [27] habang nakatindig sa isang paa? 2. Ano ang paniniwala ng mga Saduceo? Fariseo? Escriba? 3. Ano ang pinagtatalonan sa pagitan ng mga Saduseo at Panginoong Jesus? 4. Ano ang unang pinakadakilang utos? Ipaliwanag. 5. Ano ang pangalawang pinakadakilang utos? Ipaliwanag.

ARALIN 11: 12:38-44 CYCalendar:

IBINIGAY NG BAO ANG BUONG NASA KANYA Mar Paghahari 12

Nobyembre 15

GININTUANG TALATA: Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad kaniyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon naghulog ng higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay,” Marcos 12:43-44 [MBB].

at ay ng na

BIBLIKAL Nang makita ni Jesus ang babaing bao na lumapit sa kabang-yaman [offering box] sa Templo, marahil napansin Niya siya sa pamamagitan ng suot na baro. Ang mga babaing bao ay iba sa pananamit kung ikumpara sa may asawa at dalaga noong araw. Karamihan sa uri ng hanapbuhay ay malapit sa kaniya, maliban kung siya ay mayaman. Siya ay walang pagkakataon na makapangasawa ulit. Maaaring siya ay umaasa lamang sa pagkakawanggawa mula sa kaniyang mga kamag-anak upang mabuhay. Ibinigay ng bao sa Templo ang lahat na perang nasa kaniya sa kabila ng kawalang pagkakataon na mapagkukunan para sa kaniyang kabuhayan. Sa Griyego, ang pinakamaliit na halaga ng bareya ay “mite” [ o beles], sa Roma naman ito ay “farthing”, at sa Amerika ito ay “penny”. Ang kuwentong ito ay naganap nang si Jesus ay nagtuturo sa Templo sa Jerusalem ilang araw bago Siya litisin at ipako sa krus. Sinimulan Niya sa pamamagitan ng babala sa Kaniyang mga disipulo laban sa mga Eskriba. Marami sa mga eskolar na naniniwala na si Jesus ay isa ring eskriba, isang guro ng kautusan ni Moises.

1. Saan si Jesus nakaupo? Si Jesus ay nakaupo sa Templo na malapit sa kabang-yaman. 2. Ano ang ginagawa ni Jesus? Si Jesus ay nagmamasid sa mga tao na nagbibigay ng handog sa kabang-yaman. 3. Sino ang nagbigay ng pinakamaraming handog? Ang mayayamang tao. 4. Ano ang ibinigay ng babaing bao? Ang babaing bao ay nagbigay ng dalawang lepta, ang pinakamaliit na pera na kilala sa tawag na beles [“mite”]. 5. Ano ang sinabi ni Jesus ukol sa kaniyang ibinigay? Si Jesus nagsabi, “Ang dukhang baong ito ay nagbigay ng higit kay sa lahat na nangaghuhulog sa kabang-yaman.” ALAM BA NATIN ITO? Ang mga Eskriba ay may dalawang tungkulin sa lipunan ng Judaismo: tinuturuan nila ang mamamayan na magbasa ng Kasulatan [Biblia] at sila’y nakaupo sa paghatol ukol sa mga pagtatalo-talo na pinamamahalaan ng batas ng Judaismo [ang ibang bagay ay pinamamahalaan ng korte ng Roma]. Sapagkat ang mga Eskriba ay mga eskolar ng Banal na Kasulatan nang kanilang panahon, ang mga Fariseo, Saduseo, at Zealot [kontra sa pagbigay buhis sa Roma, tulad ni Simon, ang isa sa 12 disipulo, na tinawag na Cananeo, Mk 3:18] ay may sariling mga Eskriba na kabilang sa kanilang grupo. Lahat na grupo ay interesado kung ano ang sinasabi ng mga Eskriba ukol sa kautusan, at sila ay malimit na inaasahan na magturo at magbigay ng hatol. Ang mga Eskriba ay laging kasama sa Sanhidrin, ang konsilyo ng mga matatanda. Sila ay kilala sa tawag na “rabi”, na ang ibig sabihin guro, na hanggan ngayon ito ang tawag sa mga guro ng Judaismo. Simula pa nang masira an Templo, wala nang Judiong pari, kundi Judiong rabi na nagpapatuloy sa pagtuturo ng kautusan at pamamahala sa paghatol sa pamayanan ng mga Judio na may kinalaman sa mga kautusan ni Moises. MGA TANONG: 1. Gaano kahirap ang babaing bao sa ating Aralin? 2. Ano ang kaniyang hanapbuhay? 3. Magkano ang kaniyang handog kung ikumpara mayayamang Saduseo, Fariseo at Eskriba? 4. Ano ang mga tungkulin ng isang Eskriba?

sa

mga

5. Paano tayo hahatulan ng Diyos sa ibinibigay na handog sa kabangyaman ng Iglesia?

ARALIN 12: CYCalendar:

SA PANAHON NG KAGULUMIHANAN Mar 13:1-8 Paghahari 13 Nobyembre 22

MGA GININTUANG TALATA: 1. ANG “FIVE-SIX” NG MARCOS: “Mag-ingat kayo at huwag palilinlang kaninuman. Maraming paririto at magpapanggap na sila ang Mesiyas at ililigaw nila ang marami,” Marcos 13:5-6 [MBB]. 2. “Huwag kayong mabagabag kung makarinig kayo ng alingawngaw ng labanan at ng mga balita tungkol sa mga digmaan. Dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas,” Marcos 13:7 [MBB]. BIBLIKAL Sa Araling ito inihahanda ni Jesus ang Kaniyang mga disipulo para sa Kaniyang kamatayan, ang darating na pagkawasak ng Templo sa Jerusalem, at ang mga kahirapan na kanilang daraanan sapagkat sila ay Kaniyang mga tagasunod. Karamihan sa mga eskolar ay nakikita ang mga reperensiya kay Jesus sa Templo bilang mga reperensiya sa Kaniyang katawan at Kaniyang sariling kamatayan sa krus. Ngunit mangyayari ang pagkawasak ng Templo na gawa ng tao pagkatapos ng Kaniyang kamatayan, at hindi na kailanman muling maipapatayo pa hanggan sa kasalukuyan. Kahit na maraming kahirapan ang darating, ginawa ni Jesus ang bawat bagay upang mapalakas ang loob ng Kaniyang mga disipulo. At

Kaniyang hinalaw kay Moises ang mga salita ng Diyos: Ako ang gumawa ng inyong bibig; Ako ang nagbigay ng iyong karunungan [Exo 4:11-12]. 1. Anong sinasabi ni Jesus na mangyayari sa Templo? Si Jesus ay nagsabi na walang matitirang bato kahit isa sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak, v2. 2. Ano ang ilang mga pisikal na tanda ng mga huling araw? Magkaakroon ng mga digmaan [tulad ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas], lindol sa iba’t iba dako, taggutom at sakit, vv7-8. 3. Ano ang mangyayari sa mga tagasunod ni Jesus? Ang mga tagasunod ni Jesus ay malalagay sa pagsubok ng kanilang pananampalataya, at sila’y iiwanan ng sariling pamilya. 4. Ano ang magpapanaliti sa mga tagasunod ni Jesus na walang panganib? Ang mga tagasunod ni Jesus ay maliligtas sa pamamagitan ng pagiging matatag at matapat sa pananampalataya.

ALAM BA NATIN ITO? Ang Unang Templo sa Jerusalem ay naitayo ni Solomon noong siglo 10BC [957BC]. Ito ang naging sentro ng Judaismo at kapalit ng Tabernakulo ni Moises. Ngunit winasak ito ng mga taga-Babilonya sa ilalim ni Nabukodonosor noong 586BC at ito ay nakatiwangwang sa loob ng 375 na taon. Ang Pangalawang Templo ay naitayo pagkatapos na pumayag si Cyrus na makabalik ang mga Judio mula sa pananakop ng Babilonia. Nakabalik sila noong 537BC na nagsimulang itayo ang Templo at natapos noong 516BC na itinalaga noong 515BC na may sukat na 150 x 50 metros. Subalit ito ay winasak ng Emperyo ng Roma sa ilalim ni Titus noong Agosto 4, 70AD. Simula noon ang Templong ito ay hindi na muling naitayo hanggan ngayon. Bago nawasak ang Templong ito si Jesus nagsamba rito, nag-aral at nagtuturo. Dito Siya itinalaga [Lk 2:27], tinanggap sa mga bisig ni Simeon [Lk 2:25-34], at nag-aral na kasama ang mga matatalinong tao[ Lk 2:46]. Ayon sa mga Judio [Jewish eschatology] darating ang panahon na muling maipatatayo ang pangatlong Templo sa Jerusalem pagdating ng Mesiyas, ang Cristo. Dumating na nga Siya, subalit Siya’y di nakikilala at di tinanggap bilang Tagapagligtas. Siya ang Templo na mawawasak at itatayo sa loob lamang ng tatlong araw [Jn 2:19,21]. Tinutukoy na Templo

ang kanyang katawan, hindi ang Templo na ipinatayo sa loob ng 46 na taon [Jn 2:20]. Ang mga disipulo at mananampalataya kay Cristo ang mga templo ng Diyos at ang Kaniyang Espiritu ay nananahan sa mga templong ito [1 Cor 3:16]. Ang ating katawan ay templo ng Espiritu Santo [1 Cor 6:19]. Tayo’y templo ng Diyos na buhay [2 Cor 6:16]. Ang magtagumpay hanggang wakas ay gagawing haligi ng templo ng Diyos [Apoc 3:12]. MGA TANONG: 1. Ano ang ibig sabihin ni Jesus ng sabihin Niya ito: “Walang matitira... bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak”? 2. Kailan mangyayari ang pagbagsak ng Templo at ano ang mga tanda? 3. Bakit sinabi ni Jesus na mangagsiingat ang mga disipulo at paano sila makapag-iingat? 4. Ipaliwanag ito: “huwag mangagulumihanan...datapuwa’t hindi pa ang wakas...ito’y pasimula ng kahirapan”. 5. Ikaw ba’y Templo ng Diyos? Ano-ano ang mga katangian ng isang tagasunod ni Cristo bilang Templo ng Diyos?

ARALIN 13: TINAWAG NI PILATO SI JESUS NA HARI 5 CYCalendar: Advent 1 / Christ the King Nobyembre 29

Mar 15:1-

GININTUANG TALATA: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kaniya ni Pilato. “Kayo na ang nagsasabi,” tugon naman ni Jesus, Marcos 15:2 [MBB]. BIBLIKAL Ang pinakamasamang mga oras sa buhay ni Jesus ay nangyari noong huling Linggo nang tawagin Siya ni Poncio Pilato, ang gobernador ng Roma, bilang “hari”. Ito ang tugon sa tanong ng mga Pantas na lalake na itinanong kay Herodes, “Nasaan siya na ipinanganak na Hari ng mga Judio?” Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Jesus ay Hari at Panginoon ng mga Panginoon, at Siya ay darating muli upang pamahalaan ang langit at lupa.

1. Ano ang tanong ni Pilato kay Jesus? Tinanong ni Pilato si Jesus, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” 2. Ano ang sagot ni Jesus? “Tinatanong mo ba ito sa sarili mo o iba ang nagsabi saiyo ukol sa akin?” tugon ni Jesus. 3. Ano ang sagot ni Pilato? Sagot ni Pilato, “Alam mo hindi ako isang Judio! Ang kababayan mo at mga saserdote ang nagdala saiyo sa akin. Ano ang ginawa mo?” 4. Ano ang sinabi ni Jesus ukol sa Kaniyang kaharian? Si Jesus nagsabi, “Ang aking kaharian ay hindi sa sanglibutang ito.” 5. Ano ang sinabi ni Jesus ukol sa katotohanan? Si Jesus nagsabi, “Ako ay ipinanganak sa sanglibutan upang sabihin ang katotohanan. Ang bawat isa na nasa katotohanan kilala ang aking tinig.” ALAM BA NATIN ITO? Ito ang huling Linggo ng Pentecostes at kalendaryo ng iglesia. Sa araw na ito natatapos ang Kristiyanong paglalakbay sa pamamagitan ng buhay ni Cristo Jesus sa lupa at sa langit na mag-uumpisa sa paghahanda para sa kapangangakan ni Jesus sa panahon ng Advent. Ang mga hari ay ganap na mga pinuno: nakakamtan nila ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtatayo at pangunguna sa mga hukbo sa digmaan laban sa ibang bayan. Ang digmaan ni Jesus ay hindi laban sa bayan o sa isang bansa, kundi laban sa kasalanan, kamatayan, at kapangyarihan ng Diyablo. Sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan, pagkabuhay na mag-uli, at pag-akyat sa langit, si Jesus ay nagtagumpay sa digmaan laban sa masama. Ang lahat na hinihingi sa mga Kristiyano na dapat gawin ay ang tanggapin na si Jesus ay nakipaglaban at nagtagumpay sa digmaan para sa kanilang kapakanan at kilalanin Siya bilang Hari ng mga hari. Sa Linggong ito, kinikilala at sinasamba si Cristo bilang hari ng langit at lupa sa lahat ng panahon na walang paghahamon at walang hanggan. MGA TANONG: 1. Sino si Puncio Pilato? Di ba siya ang gobernador na nagpapatay sa ilang Galileo habang sila’y naghahandog sa Diyos, Lk 13:1? 2. Di ba ang tanong niya ay dating tanong ng mga Pantas kay Herodes nang sila ay naghahanap pa kung saan matatagpuan ang Hari ng mga Judio? [Mt 2:2].

3. Di ba ang sagot ni Jesus ay ganito: “Kayo na ang nagsasabi,”[t2b; Mt 27:11]. Ngunit sa Jn 18:33 ganito ang tugon, “Iyan ba’y galing sa inyong isipan, o may nagsabi sa inyo?” 4. Di ba ang pinakamabigat na pagkakamali ni Pilato sa kasaysayan ay ang kaniyang gawi sa trial at execution kay Jesus Cristo na laging naalaala sa tuwing sinasambit ang Apostles’ Creed? 5. Di ba sinabi ni Jesus na ang Kaniyang kaharian ay hindi sa sanglibutang ito? Kabilang ba tayo sa Kaniyang Kaharian? Kabilang tayo bilang ISANG LIPING MAHARLIKA upang maglikod sa Diyos at kaniyang Ama bilang MGA SASERDOTE o manggagawa [Apocalipsis 1:6].

WAKAS NG PANGALAWANG KWARTER

ANG PANANAMPALATAYA NG UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES* Sumasampalataya Kami  Sa iisang Diyos, Tagapagligtas, Manunubos, at Tagapag-alalay sa pamamagitan Niya at sa Kanya, lahat ng nilikha ay nakatagpo ng kaayusan, layunin, kahulugan at katuparan.  Kay Hesukristo, Siya’y naging tao at sa pamamagitan ng kanyang buhay, kamatayan at pagkabuhay na muli ay naghari bilang Makapangyarihang Panginoon ng buhay at kasaysayan.  Sa Banal na Espiritu, Siya ay narito sa sanlibutan, nagbigay kalakasan sa mga mananampalataya upang ipamuhay ang kanilang pananampalataya at patnubayan sila tungo sa isang pang-unawa sa salita ng Diyos kay Hesukristo. Ito ang Iisang Diyos na aming sinasamba at tinatawag na Ama, Anak at Banal na Espiritu. Sumasampalataya Kami Na

Ang mga tao ay nilikha sa wangis ng Diyos, pinagkatiwalaan sa sangnilikha ng Diyso, itinalaga sa isang pamayanan na kasama ng iba pa at mayroong pakikipag-ugnayan.  Ang mga tao ay dapat makibahagi sa paglikha ng isang makabuluhan at makatarungang lipunan, ipinahahayag ang kanilang mga sarili sa kultura, tumatanaw at gumagawa para sa isang magandang kinabukasan. Sumasampalataya Kami Na  Ang Iglesia, ay katawan ni Kristo, ang pamayanan ng mga taong pinapagkasundo at pinagkatiwalaan ng ministeryo ni Hesus. Ang buhay kay Hesukristo ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pakikibahagi sa buhay at ministeryo ng Iglesya. Sumasampalataya Kami Na  Ang Banal na Kasulatan, ang Luma at Bagong Tipan, ay isang matapat na saksi sa kapahayagan ng Diyos sa Kanyang sarili sa kasaysayan ng Kanyang bayan at sa buhay ng mga tao.  Bilang pinili at kinasihang kasangkapan, ito ay tumatanglaw, gumagabay, nagtutuwid at nagtuturo sa Kanyang bayan sa kanilang pananampalataya at pagsaksi. Sumasampalataya Kami Na  Ang Diyos ay gumagawa upang lubusin ang Kanyang Gawain na pagtubos sa pamamagitan ng pagkasi sa bawa’t tao tungo sa isang bagong katauhan at ng buong sanlibutan tungo sa kanyang kaharian.  Ang kaharian ng Diyos ngyon ay naroon sa kung saan: Ang pananampalataya kay Hesukristo ay ipinahahayag; ang pagpapagaling ay ibinibigay sa mga may karamdaman; ang pagkain ay ibinibigay sa mga nagugutom; ang liwanag ay ibinibigay sa mga bulag; ang kalayaan ay ibinibigay sa mga bihag at inaapi; ang pag-ibig, katarungan at kapayapaan ay namamayani. Sumasampalataya Kami na  Ang pagkabuhay na muli ni Hesukristo ay nagpapatunay na ang kapangyarihan ng kamatayan ay napagtagumpayan na.  Mayroong buhay maging sa kabili ng kamatayan at tumitingin kami sa panahon na si Hesukristo ay muling magbabalik. Sa katapusan ay titipunin ng Diyos ang lahat ng kanyang mga anak, bibigyang kaganapan ang kanyang kaharian, at gagawing bago ang lahat ng nilikha. 

*Manwal sa kumpirmasyon, pahina 37-38 UCCP VISION, MISSION and GOALS VISION The United Church of Christ in the Philippines, a responsible, empowered, selfreliant and caring community of Christian believers committed to the pursuit of a transformed church and society towards an abundant and meaningful life for all. MISSION

In light of such a vision, the United Church of Christ in the Philippines, therefore commits itself to the mission of establishing and uniting the community of faith for the proclamation of the Gospel of our Lord Jesus Christ towards the transformation of both church and society. GOALS The United Church of Christ in the Philippines will translate its mission into lifework that will focus on the restoration of its relationship as a foretaste of God’s reign or Shalom 1. To strengthen the faith community. 2. To enrich the life-work of communities where local churches are located. 3. To depeen the impact of its collective response to societal issues and concerns. THRUSTS AND STRESSES FOR THE QUADRENNIUM 2006-2010 Mindful of the present day needs of the whole UCCP, cognizant of the continuing challenges of mission, the General Assembly hears and responds to the loud call for GROWTH this quadrennium 2006-2010. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Shared understanding of the faith of the Church. Strengthened internal human resources particularly the church workers and the enablers that would ensure responsible and effective church leadership for generations to come. Deepening of the Church’s understanding of the state, needs and sentiments of members and of local churches and through an informationbased analysis of needs and planning process. Vibrant and contextualized worship life of the congregations, stronger fellowship and warm caring system in our faith communities. Steadfast prophetic witness of the Church and communities amidst the wounds of society. Stronger inter-faith, ecumenical and international relationship and meaningful expressions of partnerships in mission. Faithful and fruitful practice of the sterwardship of our God-given resources and improved capacity of the Church to support its mission and ministries.

Approved by the General Assembly, Digos City, May 2006

UCCP-NBC 2009 - 2010 SAMASAMANG PAGSASABUHAY NG

PAARALANG LINGGUHAN SA SAMBAHAYAN NG DIYOS

PANGATLONG KWARTER [Disyembre-Enero-Pebrero] Isinulat Ni:

REV. EDMUNDO H. PIELAGO, BTh., AB Pol. Sc. 34 Princeton St, Monterey Vill Subd, Concepcion, Pequena, Naga City Philippines

PANGATLONG KWARTER [Disyembre-Enero-Pebrero]

MGA NILALAMAN YUNIT III: SI JESUS AT ANG KANIYANG MGA DISIPULO [PART II] ARALIN 1 12/6 Adviento 2

PANGINOON

KO,

Marcos 13:24-37

KAY

GANDA

NG

UMAGA

ARALIN 2 12/13 Adviento 3

BINAUTISMOHAN

ANG

SINUMANG

Marcos 1:1-8 ARALIN 3 12/20 Adviento 4

NAGBAGO

Linggo ng HR

INIHANDA ANG DAAN KAHIT NA NASA KULUNGAN Mt 11:2-6

ARALIN 4 12/27 Krimas 1

BINASBASAN NI GABRIEL SI MARIA Lk 1:26-38

ARALIN 5 Krimas 2 /

PINURI NI SIMEON ANG DIYOS SA TEMPLO Lukas 2:22-40

ARALIN 6 1/10 Epifania 1

Araw ng Epifania

BINAUTISMUHAN

SI

JESUS

Juan 1:29-34 ARALIN 7 1/17 Epifania 2

SI

JESUS

ANG

1/3

SA

ILOG

JORDAN

Bautismo kay Jesus BUHAY

NA

SALITA

NG

DIYOS

Juan 1:10-18 ARALIN 8 1/24 Epifania 3

TINAWAG NG DIYOS SI SAMUEL SA PANGALAN 1 Sam 3:1-10

ARALIN 9 1/31 Epifania 4

MGA DISIPULO BILANG MANGINGISDA NG TAO Mk 1:16-20

ARALIN 10 Epifania 5

PINALABAS NI JESUS ANG MASAMANG ESPIRITU

2/7

Mk 1:21-28 ARALIN 11 2/14 Epifania 6

ANG PAGBABAGONG-ANYO SI JESUS SA BUNDOK Mk 9:2-8 Pagbabagong-anyo

ARALIN 12 Kwaresma 1

PINAGALING NI JESUS ANG MAY KETONG

2/21

Mk 1:41-45 ARALIN 13 Kwaresma 2

PINAGALING NI JESUS ANG BIYANANG-BABAE

2/28

Mk 1:29-39

YUNIT III: SI JESUS AT ANG KANIYANG MGA DISIPULO [PART II] Ang Yunit III ng PAARALANG LINGGUHANG ito ay naglalaman pa rin ng 13 Aralin sa ilalim ng pamagat na: SI JESUS AT ANG KANIYANG MGA DISIPULO [PART II] para sa Ika-3 Kwarter, simulang Disyembre hanggang Pebrero. Sa pagtalakay ng bawat Aralin, marapat na laging basahin ng guro ang teksto sa bahay bilang bahagi ng paghahanda sa pagtuturo bago tingnan ang BIBLIKAL at ang ALAM BA NATIN ITO upang lalong mapagyaman ang ang pagtalakay sa MGA TANONG ng bawa’t Aralin. Sa Yunit na ito, tingnan natin ang ating sarili hindi lamang bilang manglalakbay kundi bilang kamag-aral na nagsasabuhay ng Evangelio ayon kay Marcos at sa ibang nagsulat ng Evangelio ayon kay Mateo, Lukas, at Juan: Una, pag-aralan natin hindi lamang ang Unang pagparito ni Jesus bilang sanggol kundi ang Muling pagparito Niya bilang Hari na mananakop sa lupa at langit; Ika-2, pagaralan natin kung gaano katotoo na ang Evangelio ni Marcos ang pumapatnubay sa lahat na pagsusulat ng Bagong Tipan; Ika-3, pag-aralan natin kung bakit ninenerbiyos ang mga Romano sa pagdami ng tagasunod ni Juan, kung makatarungan ba ang pagpakulong sa kaniya, kung ano ang napakinggan niya sa kulungan, kung ano ang tugon sa kaniyang tanong, at kung sino ang mapalad; Ika4, pag-aralan natin kung bakit binasbasan ni Gabriel si Maria, ito ba’y dahil siya ang magiging ina ng Mesiyas na Tagapagligtas; Ika-5, pag-aralan natin kung bakit pinuri ni Simeon si Jesus at bakit kailangang ihandog si Jesus bilang katubusan ng Kaniyang mga magulang sa Templo sa Jerusalem noong Siya’y 40 araw, at bilang Tagapagligtas ano ang kumparasyon ng halaga ng Kaniyang buhay sa halaga ng pagkabili sa Kaniya ng sariling mga magulang mula sa Diyos; Ika-6, pag-aralan natin kung sino si Jesus ayon sa tinig na nagmula sa langit nang Siya’y nagpabautismo kay Juan at ano ang nakita ni Juan bilang tanda ng Banal na Espiritu at bakit Siya’y nagpabautismo; Ika-7, pag-aralan natin kung bakit si Jesus ay tinawag na buhay na Salita ng Diyos sa sanlibutan; Ika-8, pag-aralan natin kung sino ang mga magulang ni Samuel at kung ano ang kanyang mga naging tungkulin sa buhay sa pagitan ng mga hukom at mga propeta bago nagkaroon ng hari ang Israel; Ika-9, pag-aralan natin kung saan inihalintulad ang kaharian ng Diyos at kung paano ito itinayo ni Cristo; Ika-10, pag-aralan natin kung saan naganap ang pagpalabas ng masamang espiritu at bakit kilala ng Diyablo si Jesus bilang Banal ng Diyos; Ika-11, pag-aralan natin kung paano si Jesus nagbagong-anyo at bakit naroon sina Moises at Elias at ano ang sinasagisag ni Moises, Elias at Jesus at bakit ibig ipagaw sila ni Pedro ng tig-iisang kubol; Ika-12, pag-aralan natin kung paano pinagaling ni Jesus ang ketongin at ano ang batayan ni Jesus sa pagpagaling sa kanya; at Ika-13, pag-aralan natin kung bakit sa bahay na ginagawa ni Jesus ang pagpapagaling tulad ng pagpagaling ni Jesus sa biyanang babae ni Pedro sa lagnat at sa maraming dayong pasyente.

Sa pagtalakay ng mga Araling ito, ipinapayo sa guro na laging gumamit ng tulong sa paghahanda tulad ng Biblia, Interpreter’s Bible Commentary, Bible Dictionary, Concordance at English-Tagalog Dictionary. Laging gumawa ng sariling outline batay sa Aralin at piliting maunawaan [ma-internalize] ito upang maging epektibo sa pagbabahagi ng moral lesson at mailapat sa buhay ng mga mag-aaral. Maaaring dagdagan ang MGA TANONG upang lalong mapalalim ang kaalaman para sa lalong pagpapalago ng ating pananampalataya. MABUHAY!!!

ARALIN 1: PANGINOON KO, KAY GANDA NG UMAGA Mar 13:24-37 CYCalendar: Adviento 2 Disyembre 6 GININTUANG TALATA: Gayon din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan – maaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya’y sa umaga – baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog.” Marcos 13:35-36 [MBB]. BIBLIKAL Pasimulan natin sa Araling ito ng Church Year Calendar hindi sa pamamagitan ng pagtalakay ukol sa unang pagdating ng Panginoon bilang sanggol kundi sa muli Niyang pagparito bilang Hari! Si Jesus nagpahayag sa Kaniyang mga disipulo kung ano ang mangyayari bago Siya muling dumating sa sanglibutan pagkatapos ng Kaniyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ang matagumpay na pagbabalik ay kilala sa tawag na Second Coming, at kinasasabikan ng lahat na Kristiyano ang pagdating ng araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus upang pamahalaan ang lahat sa lupa. Inasahan ng unang mga Kristiyano na mangyayari ang pagbabalik na ito sa kanilang panahon, at maraming reperensya sa paniniwala na ito sa Bagong Tipan. Nalalaman ng mga Kristiyano ngayon na wala silang ideya kung kailan babalik si Cristo [t32], at ang magpahayag ng eksaktong taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo sa ating konsepto ng kalendaryo ay tanda ng isang bulaang propeta. 1. Ano ang mangyayari sa mga tao bago si Jesus muling dumating sa sanlibutan? Sila ay mawawalan ng malay dahil sa takot. 2. Paano si Jesus muling makababalik? Siya’y darating sa pamamagitan ng ulap ng kaluwalhatian.

3. Bakit ang muling pagbabalik ni Jesus ay magandang balita? Sapagkat ang pagliligtas para sa lahat na tao ay malapit na, at lahat na ligtas ay muling makakasama ni Jesus. 4. Ano ang sinasabi ni Jesus ukol sa langit at lupa? Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang Kaniyang mga salita ay walang hanggan [t31]. ALAM BA NATIN ITO? Ang Muling Pagparito ni Cristo Jesus ay inasahan ng mga Kristiyano. Inasahan nila na ang Diyos ang mamamahala sa lahat ng bagay at Siya’y tapat sa mga pangako at hula sa Kaniyang salita. Sa Kaniyang unang pagdating, si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan bilang isang sanggol sa sabsaban sa Bethelem, ayon sa pagkahula. Isinakatuparan ni Jesus ang maraming hula ukol sa Mesiyas noong panahon ng Kaniyang kapanganakan, buhay, ministeryo, kamatayan, at pagkabuhay muli. Subalit, may iba pang mga hula ukol sa Kaniyang pagiging Mesiyas na hindi pa nangyayari. Sa Kaniyang pagbabalik maisasakatuparan ang nalalabing mga hula. Sa Kaniyang unang pagparito, si Jesus ay tinaguriang “suffering Servant”. Sa Kaniyang pagbabalik, si Jesus ay darating bilang Mananakop na kasama ang mga hukbo ng Langit. Ang mga propeta sa Daan na Tipan ay hindi naglagay ng pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pagdating [Isa 7:14; 9:6-7; at Zac 14:4]. Bilang resulta ng mga hulang ito nagmukhang dalawang tao ang tinutukoy, kaya naman ang mga Judiong eskolar ay naniniwala sa dalawang Mesiyas: una, isang Mesiyas na daranas ng pagdurusa; pangalawa, isang mapanakop na Mesiyas. Bigo sila sa pag-unawa na ang nag-iisang Mesiyas ay isasakatuparan ang dalawang papel. Isinakatuparan ni Jesus ang papel bilang Lingkod na puno ng pagdurusa [Isa 53] sa Kaniyang unang pagdating. Isasakatuparan Niya rin an papel ng Tagapagligtas ng Israel at Hari sa Kaniyang pangalawang pagdating [Zac 12:10 at Apoc 1:7] kung saan ang Israel at ang sankatauhan ay magdadalamhati sapagkat hindi nila tinanggap ang Mesiyas sa Kaniyang unang pagdating. Pagkatapos ng pag-akyat ni Jesus sa Langit, ang mga anghel ay nagpahayag sa mga alagad, “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangagkatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay pariritong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” [Gawa 1:11]. Sa Zacarias 14:4 tinukoy na ang lugar ng Second Coming ay sa Bundok ng Olivo. Sa Mateo 24:30 nagpapahayag ng ganito: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang

kaluwalhatian.” Si Jesus ay darating na maluwalhati [Titus 2:13]. At ganito ang sabi sa 1 Tesalonica 4:16, “Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Diyos: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na mag-uli.” Sa Araling ito titingnan natin ang pagkakaiba sa pagitan ng salitang “Second Coming” at “Rapture”. Sa “rapture” paririto si Cristo sa alapaap [1 Tes 4:17] bago mangyayari ang tribulation [1 Tes 5:9; Apoc 3:10], kukunin ang mga mananampalataya mula sa lupa [1 Tes 4:13-17;5:9], palihim ang pagparito at malikmata [ 1 Cor 15:50-54], at nalalapit na ang pagdating [Titus 2:13; 1 Tes 4:13-18; 1 Cor 15:50-54]. Sa “second coming” paririto si Cristo sa lupa upang wakasan ang tribulation at lupigin ang Anti-Cristo at itatayo ang Kaharian [Rev 19:11-16]. MGA TANONG: 1. 2. 3. 4. 5.

Ano ang Second Coming? Ano ang Rapture? Ano ang Tribulation? Kailan mangyayari ang Rapture? Ang Second Coming? Handa ka na ba sa muling pagparito ng Panginoong Jesus?

Ang pagsisisi ay pagsagawa ng higit sa pagsabi “I’m sorry” para sa mga kasalanan: ito ay nangangahulugan ng isang walang takot na pagtalikod mula sa ginagawa, sinasabi, at pinapaniwalaang masasamang bagay. Si Juan ay nagbautismo sa tubig at nangangaral sa Ilog Jordan sa Palestina na ipinapakita sa tao ang pinsala ng kanilang kalakaran at nagpapahayag sa kanila na si Jesus ay darating upang magligtas sa tao mula sa kanilang mga kasalanan.

ARALIN 2: CYCalendar: 13

BINAUTISMOHAN ANG SINUMANG NAGBAGO Mar 1:1-8 Adviento 3 / Humam Rights Sun Disyembre

GININTUANG TALATA: Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, “Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa akin: na hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binabautismohan ko kayo sa tubig, ngunit babautismohan niya kayo sa Espiritu Santo.” Marcos 1:7-8 [MBB]. BIBLIKAL Ang Evangelio ni Marcos ay tumunog sa eksena ng pagdating ni Juan Bautista. Pinaniniwalaan natin na ang Evangelio ayon kay Marcos ay ang kauna-unahang aklat na naisulat na pumapatnubay sa lahat na pagsusulat sa Bagong Tipan. Ang salitang evangelio ay nangangahulugan ng mabuting balita, at ang mabuting balita ay ang unang bagay na ipinahahayag ni Marcos. Pangalawa, hinalaw niya ang pahayag mula sa aklat ni Isaias at Malakias, sa Daan na Tipan, kaya nalaman natin na ang ating pananampalataya ay nakatutok sa iisang Diyos [Isa 40:3; Mal 3:1]. At pangatlo, siya’y nagpahayag sa atin na ang ating pagsisisi ay makikita sa asal at kilos bunga ng Mabuting Balita ukol kay Jesus na nagpapabago ng ating buhay.

1. Ano ang sinabi ni Marcos sa sulat niya ukol sa talatang 1? Ganito ang sabi ni Marcos, “Ito ang mabuting balita ukol kay Cristo Jesus, ang Anak ng Diyos.” 2. Kanino hinalaw ni Marcos ito? Hinalaw niya ito kay Isaias [40:3] at kay Malakias [3:1]. 3. Ano ang suot na baro ni Juan Bautista? Ang barong suot niya ay mula sa balahibo ng kamelyo na may kuwero [anit] na nakapaha sa paligid ng kaniyang baywang. 4. Ano ang pagkain ni Juan Bautista? Balang at pulot-pukyutan ang kaniyang pagkain. 5. Ano ang sabi ni Juan ukol sa kaniyang pakikitungo kay Jesus? Si Juan nagsabi, “Hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali ng kanyang mga pangyapak.”

ALAM BA NATIN ITO? Ang Evangelio ayon kay Marcos ay nagsasabi ng ganito, “Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesu-Cristo na Anak ng Diyos, t1 [MBB]. [1] Ang Mabuting Balita ay ang salita ng Diyos na tapat, totoo, at tunay ayon sa Apoc 19:9; 21:5; at 22:6]. Ito ay isang mabuting salita at karapat-dapat na tanggapin ng lahat pagkat ito ay nagdadala ng nakalulugod na balita. [2] Ito ang evangelio ni Jesu-Cristo, ang pinahiran ng langis na Tagapagligtas, ang Mesiyas na ipinangako at inasahan. Ito’y tinawag na Kaniya, hindi dahil Siya ang nagsimula at nagmula sa Kaniya, kundi sapagkat Siya ang Paksa nito at tumatalakay ukol sa Kaniya. [3] Itong si Jesus ay Anak ng Diyos. Ang katotohanang ito ay nakabatay kung saan ang evangelio ay naitayo at naisulat upang maihayag; sapagkat di ba si Jesus ang Anak ng Diyos na sa Kaniyang pangalan di dapat masayang ang ating pananampalataya? Ang reperensya ng Bagong Tipan ay mula sa Daan na Tipan na antigo, at may pagkakaugnay ito sa isa’t isa. Ang evangelio ni Jesu-Cristo

ay nagsimula ayon sa pagkasulat ng mga propeta [v2]. Maging si Pablo ay nagpatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki na wala siyang sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari [Gawa 26:22]. Tumpak at makapangyarihan ito para sa mga Judio na naniniwala sa mga propeta ng Daan na Tipan na may susuguin ang Diyos pagdating ng araw at ito ay nakita nila kay Juan bilang tagapaghanda ng darating na Mesiyas. Mula sa hula ni Isaias, ang pinakamahabang sulat, at sa hula ni Malakias, ang pinakaikli at pinakahuling sulat, na may mahigit na 300 na taon ang pagitan nila, kapuwa sila nagsabi ukol sa pagpasimula ng evangelio ni Jesu-Cristo sa ministeryo ni Juan. [1] Si Malakias, na namamaalam [farewel] sa Daan na Tipan, nagsalita ng malinaw sa 3:1 ukol kay Juan na siyang nagbigay ng pagbati [welcome] sa Bagong Tipan, “Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, na maghahanda ng iyong daan” [v2]. Pinansin mismo ito ni Cristo at ipinatungkol kay Juan [Mt 11:10], na siyang sugo [messenger] ng Diyos upang ihanda ang daan ni Cristo. [2] Si Isaias ay isang evangelikong propeta sapagkat siya ang nagpasimula ng evangelio ni Cristo nang sabihin niya ito, “Ang tinig ng isang sumisigaw, ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Diyos” [Isa 40:3]. Pinansin ito ni Mateo at ipinatungkol ito kay Juan [Mt 3:3]. Sa Bagong Tipan, ang evangelio ay nag-umpisa kay Juan Bautista. Ganito ang sabi, “Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggan kay Juan: mula noon ang evangelio ng kaharian ng Diyos ay ipinangaral, at ang bawa’t tao ay pumapasok doon na nagpipilit” [Lk 16:16]. Si Pedro ay nagsimula sa bautismo ni Juan, Gawa 1:22. Ang evangelio ay hindi nagpasimula sa kapangaanakan ni Cristo sapagkat kailangan na munang Siya’y lumaki sa karunungan at sa pangangatawan [Lk 2:52]. Malapit sa kalahating taon simula sa pangangaral ni Juan bago si Jesus nag-umpisa ng Kaniyang ministeryo. Ang bautismo kay Jesus ay tanda ng pagbubukang-liwayway ng araw ng evangelio! Ang pamamaraan ng buhay ni Juan ay pasimula ng isang espiritu ng evangelio. Ito ang pasimula ng evangelio ni Cristo sa kaluluwa ng sinoman. Sa pananamit at uri ng pagkain

pagpapatawad ng mga kasalanan ang siyang ministeryo ng mga alagad na ipinapangaral nila sa lahat ng bansa [Lk 24:47]. Iyan din ang ministeryo ng bawa’t sumasampalataya kay Cristo. Ang ipinapangaral ni Cristo ay dalisay [pure] na evangelio, at iyan din ang ipinapangaral ni Juan Bautista. Tulad sa isang matapat na ministro ng evangelio, siya’y nangangaral ng: [1] Higit na Kadakilaan ni Cristo [pre-eminence of Christ]. Para kay Juan higit na mataas at dakila si Cristo, na kahit na siya’y ipinanganak sa isang babaeng dakila [Elizabet] at lalaking tanyag [Zacarias], iniisip niya na hindi siya karapat-dapat yumukod at kumalag ng tali ng panyapak ni Cristo [v7]. [2] Ipinangaral din niya na higit na makapangyarihan si Cristo kaysa kanya at sa sinomang ipinalalagay na makapangyarihan sa lupa. Si Juan ay may kakayahan magbautismo sa tubig ngunit si Jesus ay may kakayahan sa pagbautismo sa Espiritu Santo. Si Cristo ay nakapagbibigay ng Espiritu ng Diyos at sa pamamagitan niya napapamahalaan Niya ang mga espiritu ng tao. [3] Ipinapangaral pa niya ang dakilang pangako ni Cristo sa Kaniyang evangelio at ang pangakong ito ay para lamang doon sa nagsisi at napatawad sa kanilang mga kasalanan. Na sila’y babautismohan sa Espiritu Santo at magigi silang dalisay sa pamamagitan ng Kaniyang mga biyaya. Sa tagumpay ng pangangaral ni Juan at ang mga disipulo na kaniyang tinangap sa pamamagitan ng bautismo, nagpasimula ang isang evangelicong iglesia. Nagbautismo siya sa ilang, at tumangging pumasok sa mga lunsod. Subalit nagsidatingan sa kaniya ang lahat na nanggagaling sa lupain ng Judea at pati na ng nasa Jerusalem, ang mga naninirahan mula sa lunsod at mga barangay, kabilang na ng kanilang pamilya, at lahat sila binautismohan niya. Pumasok sila bilang kaniyang mga disipulo at nagpasakop sa kaniyang disiplina. Bilang tanda ng pagpasakop, sila ay nagpahayag ng kanilang mga kasalanan, kaya tinanggap niya sila bilang kanyang mga disipulo sa pamamagitan ng tanda ng bautismo sa tubig. Narito ang stamina [tibay] ng evangelikong iglesia na pinasimulan ni Juan Bautista. Karamihan sa kanila ay naging mananampalataya ni Cristo, at nangaral ng Kaniyang evangelio, at tulad sa isang binhi ng mustasa ito ay lumaki tulad sa isang punong-kahoy!

[v6] ay nakikita ang simpleng pamumuhay. Sa pangangaral, si Juan ay nangaral ng pagpapatawad ng mga kasalanan [remission of sins]. Ipinakita niya sa mga tao ang pangangailangan nito. Ipinangaral din niya ang pagsisisi sa mga kasalanan [repentance of sins]. Kailangan ng mga tao ang pagbabago ng kanilang puso at buhay sa pamamagitan ng pagtalikod, pag-iwan sa kanilang mga kasalanan at bumalik sa Diyos, at sa mga terminong ito sila ay mapapatawad [forgiven]. Ang pagsisisi para sa

1. Ano ang Evangelio? Ipaliwanag. 2. Sino si Juan Bautista at ano ang kaniyang papel sa pagdating ni Jesus? 3. Ano ang tatlong mahahalagang doktrina na ipinangaral ni Juan Bautista? 4. Paano ang bautismo ni Juan isinasagawa?

MGA TANONG:

5. Mayroon bang naitatag si Juan na isang evangelicong Iglesia? Ipaliwanag. ARALIN 3: 11:2-11 CYCalendar:

INIHANDA ANG DAAN KAHIT NA NASA KULUNGAN Adviento 4

Mt

Dis 20

GININTUANG TALATA: Nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!” Mateo 11:5-6 [MBB]. BIBLIKAL Sa panahon ng salaysay na ito, ninenerbiyos ang mga Romano sa ginawang pangangaral ni Juan Bautista. Kaya ipinatapon ni Herod Antipas si Juan Bautista sa kulungan. Sa ilalim ng pamamahala ng Roma, hindi kailangan ang pormal sakdal bago dalhin ang inaakusahan sa kulungan, at hindi rin kailangan mapatunayan na siya ay nagkasala bago siya dalhin sa kulungan. Tama sa mga Romano ang isiping si Juan ay posibleng nangunguna sa uri rebulusyon, lalo na siya ay may natipon na isang malaking grupo kaniyang mga tagasunod.

na na na ng na

1. Ano ang napakinggan ni Juan Bautista sa kulungan? Napakinggan ni Juan Bautista ang tungkol sa pangangaral at pagtuturo ni Jesus. 2. Anong sinabi ni Jesus sa mga tao nang itanong nila sa Kaniya kung Siya na nga ang persona na ipinangaral ni Juan? Sinabihan sila ni Jesus na sabihan si Juan ukol sa kung ano ang kanilang nakita at napakinggan na ginagawa Niya. 3. Ano ang sinabi ni Jesus ukol sa mga tao na nakapaligid sa Kaniya? Si Jesus nagsabi na ang mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay nakalalakad, ang mga ketongin napapagaling, at ang mga bingi nakakarinig, ang mga patay napapabangon, at ang evangelio ay naipapangaral sa mga dukha. 4. Anong sinabi ni Jesus ukol kay Juan Bautista? Si Jesus nagsabi na si Juan ang katuparan ng hula ng Diyos na nagsasabi, “Ipapadala ko ang aking sugo sa unahan mo para ihanda ang mga bagay para saiyo.” Ang reperensya ni Jesus ay mula sa Malakias 3:1.

ALAM BA NATIN ITO? Sa talata 1, sinasabing si Jesus ay umalis na hindi kasama ang Kaniyang mga disipulo. Ipinaubaya Niya sa kanila ang pangangaral ng evangelio na hindi Siya kasama. Layunin ni Jesus na maturuan silang matoto sa gawain ng pangangaral [preaching] kung paano ipinapamuhay ito at kung paano isinasagawa. Ang isang bata ay hindi natotong lumakad sa sarili kung laging magkahawak-kamay sa pagitan niya at yaya. Tinuturuan ni Cristo ang Kaniyang mga disipulo kung paano mamuhay at sumabak sa gawain na wala ang

Kaniyang presensya. Ito’y pansamantala lamang, upang mapaghandaan nila ang para sa mas matagal na pagkakahiwalay, at sa tulong ng Banal na Espiritu, ang sarili nilang kamay ay makagagawa ng sapat para sa kanilang gawain, at sapagkat sila’y hindi laging mga bata sa pananampalataya. Wala tayong gaanong ulat kung ano ang kanilang nagawa sa kanilang tungkulin [commission]. Ngunit nangibang lugar sila mulang Galilea patungong Judea, sapagkat sa Galilea ay naipangaral na ang evangelio, naipahayag na ang doktrina ni Cristo, at naisagawa na ang mga himala [milagro] sa Kaniyang pangalan. Lumisan si Cristo upang magturo at mangaral sa mga lunsod. Sinugo Niya ang 12 alagad upang magsagawa ng mga himala [Mt 10:1-8] at pukawin ang pag-asa ng mga tao. Sa ganitong paraan ihinahanda ang daan ng Panginoon. Inihanda ni Juan ang daan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsisisi, subalit wala siyang mga himala. Ngunit ang mga disipulo ni Jesus ay mas higit ang nagawa kumpara kay Juan sapagkat sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya naihanda nila ang mga tao para sa mga biyaya ng kaharian ng langit na ipinagkaloob ni Cristo. Nang si Cristo ay nagbigay ng kapangyarihan sa kanila upang gumawa ng mga himala Siya’y nagtuturo[teaching] at nangangaral [preaching]. Ang pagpapagaling [healing] ng mga may karamdaman ay pagligtas ng mga katawan, ngunit ang pangangaral ng evangelio ay pagligtas ng mga kaluluwa. Pinamahalaan ni Cristo ang mga disipulo na mangaral [10:7] ngunit hindi Niya pinabayaan na pangaralan ang Kaniyang sarili. Nangaral Siya sa mga lunsod, sa makapal na bilang ng mga tao; iniitsa Niya ang lambat ng evangelio kung saan maraming “isda” ang mahuli. Siya ang “karunungan” na humihiyaw sa mga lunsod [Kawikaan 1:20-21], sa pintuan ng lunsod [Kawikaan 8:3], sa mga lunsod ng mga Judio. Kung ano ang Kaniyang ipinangaral hindi tayo sinabihan, ngunit marahil ito ay katulad ng layunin Niya sa Kaniyang sermon sa bundok. Ngunit narito ang naisulat na mensahe ni Juan Bautista mula sa kulungan na ipinadala kay Cristo at ang tugon Niya [t2-6]. Nadinig natin noon na nalaman ni Jesus na dinakip si Juan, kaya umuwi Siya sa Galilea [4:12]. Ngayon sinabihan tayo na si Juan, sa kulungan, nadinig ang mga ginagawa ni Cristo. Napakinggan niya sa kulungan ang mga ginagawa ni Cristo, at walang duda siya ay nasiyahan na mapakinggan ang mga ito, sapagkat

siya ay isang tunay na kaibigan ng Nobyo [Juan 3:29]. Kaya kahit na siya ay nasa kulungan siya ay masaya. Hindi nakita ni Juan ang mga ginawa ni Cristo, ngunit napakinggan niya ang mga ito na may kasiyahan. Mapapalad sila na hindi nakakikita, na napakinggan lamang, ngunit nanampalataya! Dahil napakinggan ni Juan Bautista ang mga ginagawa ni Cristo, sinugo niya ang kaniyang dalawang disipulo sa Kaniya at ipinapatanong ito: “Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?” Ito ay napakahalagang tanong. Ikaw ba ang Mesiyas na ipinangako, o hindi? Ikaw ba ang Cristo? Sabihan mo kami. Siya ang darating na tinutukoy sa Salmo 118:26. Dumating na Siya! Bakit hahanap pa ng iba? Ang tanong ni Juan ay dati nang naitanong ng iba sa kanya, “Ikaw ba Siya?” Ang tugon ni Juan, “Hindi ako ang Mesiyas [Hebreo] o Cristo [Griego]” [Jn 1:20]. Si Juan ay tagapagpatotoo lamang. Siya ay may nobleng patotoo kay Cristo at kaniyang ipinahayag na si Cristo ang Anak ng Diyos [Jn 1:34], ang Kordero ng Diyos [t29], ang magbabautismo sa Espiritu Santo [t33], at sinugo ng Diyos [Jn 3:33]. Ang tugon ni Cristo sa tanong ni Juan ay nasa mga talatang 4-6. Sabihan si Juan kung anong mga bagay ang kaniyang narinig at nakita. [1] Nakita niya ang kapangyarihan ni Cristo sa pagsasagawa ng mga milagro; nakita niya kung paano, sa pamamagitan ng salita ni Jesus, tumanggap ng liwanag ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, at iba pa. Ang mga himala ni Cristo ay hayag at lantad. Diyos lamang ang may karapatan sa pagpadilat ng mga mata ng bulag [Salmo 146:8] at iyan ay nakikita ni Juan kay Cristo. Ang milagro ay tatak ng langit. Iyan ang nakita ni Juan kay Cristo na walang pagdududa. [2] Napakinggan niya sa pangangaral ng Kaniyang evangelio, na kasama ang milagro, ang mga dukha. Ito ang patunay ng maka-Diyos ang misyon ni Cristo; na ang mga nagsasagawa sa pagpapatayo ng Kaniyang kaharian ay mga dukha, ang hinahamak at minamata ng mga Eskriba at Fariseo. Ang mga propeta sa Daan na Tipan ay sinugo upang mangaral sa mga hari at prinsipe, ngunit si Cristo ay nangaral sa mga kapulungan ng mga dukha. Ipinaghula na ang Anak ni David [Cristo] ay hari ng mga dukha [Salmo 72:4,13]. Sa kanila ipinangaral ng Panginoon ang evangelio [Isa 61:1]. Ito ang isang patunay na ang misyon ni Cristo ay maka-Diyos at ang Kaniyang doktrina ay mabuting balita – mabuting balita sa mga nagsisisi sa pagkakasala at tapat na nagpapakumbaba sa sarili. Ipinahayag Niya ang isang kapalaran [blessing] sa mga hindi natitisod o nasasaktan sa Kaniya [t6]. Si Cristo ay itinalaga sa ikararapa at ikatitindig ng marami sa Israel [Lk 2:34]. Siya ang Batong katitisuran, at

batong pangbuwal; sapagkat sila ay natitisod sa salita, palibhasa’y mga suwail [1 Ped 2:8]. Mapapalad sila kung hindi natitisod. Kalimitan ang mga taong natitisod ay may mga maling pag-aakala [prejudices]. Kung sa akala mo si Cristo ay hindi Diyos ikaw ay hindi mapalad! MGA TANONG: 1. Bakit nakulong si Juan Bautista? Makatarungan ba ang nagawang pagkulong sa kaniya? Ipaliwanag 2. Ano ang napakinggan ni Juan Bautista sa kulungan? Ano ang kaniyang ginawa? Ipaliwanag 3. Ano ang sagot ni Jesus sa tanong ni Juan Bautista ukol sa kaniyang napakinggan? 4. Mapalad ka ba? Ipaliwanag. 5. Paano mo maiwasan na hindi ikaw ang magiging sanhi ng katitisuran ng pananampalataya sa inyong lugar?

ARALIN 4: CYCalendar:

BINASBASAN NI GABRIEL SI MARIA Krismas 1

Lk 1:26-38 Disyembre 27

GININTUANG TALATA: Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Jesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.” Lucas 1:31-33 [MBB]. BIBLIKAL Tulad ng paghahanda ni Juan Bautista para kay Jesus, gayon din ang ginawang paghahanda ng daan ng ina ni Juan na si Elizabet para kay Maria na ina ni Jesus. Si Gabriel, ang nagdala ng mabuting balita ng Diyos, ay isang anghel ng Diyos bilang isa sa mga sugo [messenger]. Nang sabihan si Maria ni Gabriel na siya ang magiging ina ni Jesus, siya’y pasimple lang sa pagtugon. Ngunit nang makatagpo niya ang kaniyang pinsan na si Elizabet, sinabihan ni Maria si Elizabet ng mabuting balita sa porma ng isang magandang panalangin na kilala sa tawag na Magnificat.

1. Saan si Maria nanirahan nang dumating sa kaniya ang anghel na si Gabriel? Si Maria ay nanirahan sa Nazaret, Galilea, sa hilagang bahagi ng Palestina. 2. Kanino ikakasal si Maria? Ikakasal si Maria kay Jose, na isang inapo ni Haring David. 3. Ano ang sinabi ni Gabriel kay Maria na ibibigay na pangalan sa sanggol? Sinabihan ni Gabriel si Maria na Jesus ang ipapangalan sa sanggol. 4. Ano ang sinabi ni Maria sa anghel? Si Maria nagsabi, “Ako ang lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa ang inyong sinabi.” ALAM BA NATIN ITO? Nararapat na malaman nating lahat ang kahulugan ng pagkakatawang-tao [incarnation] at paglilihi [conception] sa ating Tagapagligtas, 6 na buwan pagkatapos ipinaglihi si Juan. Si Gabriel ang anghel na nagpahayag kay Zacarias tungkol sa layunin ng kaniyang anak na si Juan ang parehong anghel na nagpahayag ng paglilihi ni Maria kay Jesus. Dahil dito, ang parehong maluwalhating gawain ng pagliligtas ay nangyari sa kasaysayan. Tulad sa masasamang mga anghel na di maliligtas, ang mabubuting mga anghel ay di maaaring tagapagligtas, subalit silang mabubuti ay binigyang gawain ng Tagapagligtas bilang Kaniyang mga sugo [messengers], at maligaya silang isagawa ang Kaniyang mga ipinagbibilin, sapagkat sila ay mga mapagpakumbabang lingkod ng Ama at mga kaibigan ng Kaniyang mga anak. Mayroon tayong isang salaysay ukol sa ina ng ating Panginoon, na sa pamamagitan niya ipinanganak Siya, at dahil sa kaniya nararapat na purihin ang Diyos. [1] Ang kaniyang pangalan ay Maria, tulad ni Miriam na kapatid na babae ni Moises at Aaron; ang kaniyang pangalan ay naghahayag ng karangalan, at kadakilaan sa kaniya na nagpapatunay ng kaniyang pagmamagandang-loob na higit sa lahat sa mga anak na babae sa lipi ni David. [2] Siya ay isang anak na babae mula sa makaharing pamilya ni David, at nalalaman niya ito sa kaniyang sarili at ng lahat ng kaniyang mga kaibigan, sapagkat dumaan siya sa ilalim ng titulo at karakter ng lipi ni David, kahit na siya ay dukha at mababa sa katayuan sa lipunan. At itinulot ng Diyos sa Kaniyang katalagahan [providence], at sa pagmamalasakit ng mga Judio, na maingatan ang kanilang talaangkanan [genealogies] upang maipakita ang pangako at katuparan sa isang Mesiyas sa pamaamgitan ni Maria na nakatala sa kasaysayan. [3] Siya ay isang dalaga o berhin,isang wagas o dalisay, ngunit kasal sa kapuwa makaharing unang angkan, subalit nasa mababang katayuan sa lipunan. Kaya kapuwa sila may salaysay ng pagkapantay-pantay sa pagitan nila.

Ang kaniyang pangalan ay Jose. Siya ay nagmula rin sa lipi ni David, Mt 1:20]. Ang ina ni Cristo ay isang berhin [dalaga], sapagkat Siya ay hindi bagay na ipanganak sa isang pangkaraniwang salinlahi, kundi sa pamamagitan ng isang mahimalang paraan. Nararapat na Siya’y ganito, kahit na Siya ay makibahagi sa naturalisa ng tao, gayunpaman hindi sa kabulukan nito. Ngunit Siya ay ipinanganak sa isang dalagang ikinasal na [espoused] – kasal ngunit wala pang karapatan ng isang mag-asawa sa konsepto ng mga Judio – upang mapangalagaan ang karangalan ng pangalan ng isang Tagapagligtas na ipinanganak sa isang berhin. [4] Siya ay nanirahan sa Nazaret, lunsod ng Galilea, ang malayong lugar ng bansa, at walang reputasyon para sa relihiyon o karunungan, ngunit nasa hangganan ng mga taong hindi naniniwala sa Diyos, kung kaya ito ay kilala sa tawag na Galilea ng mga Gentil. Dahil sa residente si Cristo sa lugar na ito Siya ay may malapit na pagmamagandang-loob para sa mga Gentil. Ayon kay Dr. Lightfoot si Jonas ay ipinanganak sa Galilea. Si Elias at Eliseo ay kapuwa bihasa sa Galilea at lahat sila ay tanyag na mga propeta sa mga Gentil. Ang anghel na si Gabriel ay sinugo kay Maria mula sa Nazaret. Masaya siyang nagpaabot ng mensahe kay Maria at sa Nazaret, Galilea, tulad kay Zacarias sa Templo at Jerusalem. Pumasok ang anghel sa kinaroroonan ni Maria at kaniyang sinabi, “Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasaiyo” [v28]. [1] Si Maria ay kagalang-galang: “Ikaw na totoong pinakamamahal.” Ang Diyos sa kanyang pagpili sa magiging ina ng Mesiyas ay buong pusong nagbigay ng kakaiba at pambihirang dangal kay Maria na higit kay Eva na ina ng lahat na nabubuhay. Ang pararilang, “full of grace” ay saling-wika mula sa Latin ng ‘gracia plena’ na nagsasabing si Maria ay mayroon higit na biyayang likas ng Espiritu kumpara sa ibang nilalang. Ang namumukod na kagandahang-loob ay ginawa para sa kaniya sapagkat siya ang maglilihi at magdadala sa sinapupunan ng ating banal na Panginoon, isang karangalan, yayamang si Jesus ang magiging binhi ng babae, hindi para sa personal na merito, kundi para sa libreng biyaya [free grace]. [2] Ang presensya ng Diyos ay nasa kay Maria: “Ang Panginoon ay sumasaiyo”, ayon sa anghel. Bagaman dukha at pangkaraniwan,

sumasa kanya ang Panginoon. Tulad ng ganitong salita ng anghel ito ay nagpabangon sa pananampalataya ni Gideon [Basahin ang Hukom 6:12]. “Ang Panginoon ay sumasaiyo” [The Lord is with thee]. Tulad ito ng, “’Ang Diyos nasa atin” [God with us]. Ito ang kahulugan ng Immanuel [God with us] na nasa berhin upang ipaglihi at dalhin sa kaniyang sinapupunan [Isa 7:14]. [3] May basbas ang Diyos kay Maria: “Mapalad na babae.” Siya mismo ang nagsabi sa v48 na “Mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng magkahalihaliling lahi.” Ikumpara ito sa sinabi ni Debora kay Jael sa Hukom 5:24, “Pagpalain sa lahat ng babae si Jael...Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.” Ngunit si Maria ay nagulumihanan, t 29. Sino bang tao ang hindi magulumihanan? Si Maria ay isang pangkaraniwang tao lamang. Siya ay

katulad natin. May kahalong takot. Kaya sa t30 ang sabi ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria: sapagkat nakasumpong ka ng biyaya ng Diyos.”[1] Kahit na siya ay isang berhin, siya ay may dangal na maging isang ina: “Maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS”[v31]. Si Eva, kahit na siya ay may dangal na ina ng lahat na nabubuhay, subalit siya ay may pagpipigil sa dangal na ito sapagkat siya ay may asawa na pumapanginoon sa kanya [Gen 3:16]. Ngunit si Maria ay may dangal na walang dapat ipag-alala. [2] Kahit siya nabubuhay sa karukhaan at karimlan [obscurity], gayunpaman may dangal siya na maging isang ina ng Mesiyas; ang kaniyang anak ay may palangang JESUS – isang Tagapagligtas; ito ang isang kailangan ng sanglibutan, hindi tulad ng isa na inasahan ng mga Judio. [a] Siya ay magiging dakila, tunay na dakila, at walang kapantay sa kadakilaan. Tatawagin Siyang Anak ng Kataastaasan, Anak ng Diyos na Siyang Kataastaasan; ang Kaniyang kalikasan ay kapantay ng Ama. Siya mismo ang Diyos [Roma 9:5]. [b] Siya ay higit na magugustuhan ng mga nasa mababang kalagayan sapagkat kahit na ipinanganak Siya sa ilalim ng karukhaan, Siya ay nakikita sa porma ng isang lingkod, gayunpaman ang Panginoong Diyos ay magbibigay sa Kaniya ng luklukan ng ama Niyang si David [t32]. [b-1] Ang luklukang ito ay ang trono ng Diyos. Siya ay uupo bilang Hari. Ang Kaniyang kaharian ay espirituwal. Siya ang maghahari sa bahay ni Jacob, hindi ang Israel ayon sa laman. Kaya ang Kaniyang trono ay kahariang espirituwal, ang bahay ni Israel ayon sa pangako, na Siya ang may karapatan sa pamamahala. [b-2] Na ang Kaniyang kaharian ay eternal: maghahari Siya magpakailan man. Ang Kaniyang kaharian ay walang hanggan kumpara sa temporal na paghahari ni David. Ang ibang putong sa kaharian ay hindi namamalagi [Kawikaan 27:24, ngunit ang kay Cristo ay magpakailan man. Nagtanong si Maria sa anghel: “Paanong mangyayari ito, sa ako’y hindi nakakikilala ng lalake? [t34] Alam ni Maria na ang Mesiyas ay dapat ipanganak ng isang berhin, at kung siya ang Kaniyang ina, ibig niyang malaman kung paano. Hindi ito lenguwahe ng kaniyang pagdududa sa sinabi ng anghel, kundi ibig niya pang bigyan siya ng dagdag na kaalaman. Ang tugon ng anghel: “Bababa saiyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan” [t35a]. Ang pasimula ng bawa’t bata sa sinapupunan ng kaniyang ina at ang pagpasok ng espiritu ng buhay dito ay isang hiwaga sa kalikasan. Walang sinoman ang nakaaalam ng daan ng espiritu, o kung paano ang mga buto ng bata nahugis sa tiyan ng kaniyang ina [Eccl 11:5]. Ginawa tayo sa lihim [Salmo 139:15-

16].Lalong mahiwaga ang paghugis sa batang si Jesus. Ang pangyayaring ito ay walang dapat pagtalonan [1 Tim 3:16]. Ang batang kanyang ipaglilihi ay isang banal: “Kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Diyos” [t35b]. Tatawagin Siyang Anak ng Diyos bilang Anak ng Ama na hinugis ng Banal na Espiritu sa kasalukuyang paglilihi ni Maria. Ang Kaniyang kalikasan bilang tao ay nararapat na bumagay sa pagkakaisa nito sa kalikasan bilang Diyos. Sinabihan si Maria ng anghel na ang kaniyang pinsan na si Elizabet, kahit matanda na, ay naglihi rin ng isang anak na lalake [t36]. Si Elizabet na isa sa mga anak na babae ni Aaron – father’s side [t5] ay mula sa lipi ni David – mother’s side. Kaugalian ng dalawang pamilyang ito ang intermarriage upang mapreserba ang makahari at makaparing angkanan ng Mesyias. Si Elizabet ay baog ngunit nasa ika-6 na buwan na siyang naglilihi para kay Juan, ang taga-paghanda ng daan ng Mesiyas. Isang baog at isang berhin, pero kapuwa manganganak. Talagang mahiwaga! Kahit na sa kapanganakan kay Isaac, nakita ni Abraham ang araw ni Cristo, nakita niya ang hiwaga sa kapanganakan ni Cristo. Walang imposible sa Diyos na makapangyarihan [t37]. Lalong lumakas ang pananampalataya ni Abraham sa pangako ng Diyos sa kabila ng baog na asawa niyang si Sara na siyang pinagmulan ng maraming bansa sa lupa [Rm 4:19-21]. Baog ka ba? Laksan mo ang pananampalataya, tulad ni Maria! Kaya si Maria nagsabi: “Mangyari sa akin ang ayon sa iyong sinabi” [t38]. MGA TANONG: 1. 2. 3. 4. 5.

Sino si Gabriel? Ano ang kaniyang tungkulin? Ano ang tawag sa panalangin ni Maria? Ipaliwanag ang kahulugan. Paano ipinaglihi ni Maria ang Mesiyas? Ipaliwanag. Ano ang angkan ni Maria? Elizabet? Elizabet ang ina ng taga-paghanda ng daan ng Mesiyas. Kaya mo bang tularan siya?

ARALIN 5: PINURI NI SIMEON ANG DIYOS SA TEMPLO Lukas 2:22-40 CYCalendar: Krismas 2 / Araw ng Epifania Enero 3 GININTUANG TALATA: Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ang marami,” Lucas 2:34 [MBB]. BIBLIKAL Isang panahon pagkatapos na ang sanggol na si Jesus ay 40 araw ang gulang, dinala Siya ni Maria at Jose sa Templo sa Jerusalem upang ihandog sa pamamagitan ng isang seremonya na tinawag na pidyon haben o katubusan ng panganay para sa paglilingkod bilang pari [Bilang 3:13]. Sa panahong ito, tinatapos ni Maria ang kaniyang ritwal sa paglilinis [Lev 2]. Hanggan ngayon ang mga modernong ina ng Judaismo ay tinutubos ang kanilang mga panganay na anak na lalake [hindi babae]. Ngayon, kahit ang mga ama ng modernong Judaismo ay nagbabayad ng tubos [ransom] sa porma ng pilak na dolyar, imbes na mga kalapati [doves]. Si Jesus, ang ating Tagapaligtas, na nagbayad ng halaga para sa ating mga kasalanan, ay unang binili ng Kaniyang sariling mga magulang mula sa Diyos. Si Simeon na pari ay kabilang sa tribo ni Levi, ang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa Templo. Marami sa mga Kristiyano ang umaawit ng kaniyang awit ng papuri sa Diyos na kilala sa tawag na Nunc Dimittis, ang lengwaheng Latin para sa unang mga salita ni Simeon, “Ngayon ipahintulot mo akong umalis” [Now you let me depart] bilang kantiko o awit sa pananambahan. Ang mga babae ay hindi kailanman naging pari sa praktis ng Judaismo, ngunit lagi silang may lugar sa tradisyon para sa mga kababaihan na may asawa na at may mga anak tulad ng asawa ni Isaias. Ibinibigay nila ang panahon sa pananalangin at paghuhula, tulad ni Anna na isang babaeng propeta. Si Herodes ang muling nagpatayo ng Templo. Siya’y namahala sa ilalim ng Emperyo ng Roma. At ang Jerusalem ay nasasakupan nito nang si Jesus ay inihandog sa Templo.

1. Bakit dinala ni Maria at Jose ang sanggol na si Jesus sa Templo? Dahil sinusunod nila ang kaugalian ayon sa Kautusan ni Moises [unang 5 aklat ng Daan na Tipan]. 2. Sino ang nagsabi kay Simeon na pumunta siya sa Templo? Ang Banal na Espiritu ang nagsabi na pumunta siya sa Templo. 3. Ano ang ginawa ni Simeon nang kunin niya ang sanggol sa kaniyang mga bisig? Si Simeon ay umawit ng isang awit ng papuri sa Diyos. 4. May iba pa bang persona sa Templo nang araw na iyan? Si propeta Anna ay nasa Templo. 5. Ano ang ginawa ni Anna pagkatapos pinapurihan niya ang Diyos? Si Anna ay nagsalita sa bawa’t isa tungkol sa sanggol na si Jesus na magdadala ng inaasahang kasarinlan sa Jerusalem. ALAM BA NATIN ITO? Ang ating Panginoon, na ipinanganak ng isang babae, ay ipinanganak sa ilalim ng kautusan [Gal 4:4]. Hindi lamang Siya bilang anak ng isang babae sa lahi ni Adan sa ilalim ng kautusan ng kalikasan, kundi bilang anak ng isang babae sa lahi ni Abraham sa ilalim ng kautusan ni Moises. Kaya sumunod Siya sa kautusang ito sa pamamagitan ng: Pagpatuli sa takdang panahon. “At nang makaraan ang 8 araw upang tuliin Siya, Siya’y tinawag na JESUS bilang Kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago Siya ipinaglihi sa tiyan.” Masakit na operasyon ang pagpatuli, ngunit kailangan itong gawin ni Cristo alang-alang sa atin. Kaya nagpatuli Siya sa maagang pagsunod, at pagsunod hanggang kamatayan. Sa pagpatuli nagbuhos Siya ng dugo by drops, ngunit sa Kaniyang kamatayan nagbuhos Siya ng dugo by streams. Kahit na hindi Siya makasalanan, sumunod Siya sa kautusan. Si Cristo ay hindi makasalanan. Ngunit Siya ay nag-anyong salarin [criminal] at dahil sa kasalanan hinatulan ng Diyos sa laman ang kasalanan [Rm 8:3]. Sa bawa’t taong tumatanggap ng pagtutuli, tulad ni Jesus, siya ay may kautangang tumupad ng buong kautusan [Gal 5:3]. Iyan ang dahilan kung bakit sumunod si Cristo sa kautusan. At ginawa Niya ito sapagkat ibig Niyang ipakita ang pagsunod sa anyo ng isang lingkod, kahit na Siya ay isang malaya. Si Cristo ay nagpatuli: [1] sapagkat ibig Niyang mapasa Kanya ang binhi ni Abraham at upang matulungan Niya ang binhing ito sa laman [Heb 2:16]. [2] sapagkat ibig Niyang mapasa Kaniya ang isang katiyakan para sa ating mga kasalanan at Siya ang maging tagapagtanggol at tagapag-ingat sa atin. Inuobliga ni Cristo ang Kaniyang sarili sa pag-alay ng Kaniyang sariling buhay, hindi sa pamamagitan ng dugo ng hayop [baka o kambing man] kundi ng sarili Niyang dugo, na kailanman ay hindi

kayang gawin ng ibang nagpatuli ayon sa kaugalian ni Moises. [3] sapagkat ibig Niyang ipaunawa na tinanggap Niya ang tanda ng pagtutuli na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya... upang Siya’y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila [Rm 4:11]. Sa Kaniyang pagpatuli, ayon sa kaugalian, ibinigay sa Kaniya ang pangalan at ang tawag sa Kaniya ay JESUS o Josue, dahil ito ang ipinangalan sa Kaniya ng anghel sa Kaniyang ina na si Maria bago Siya ipinaglihi sa tiyan [Lk 1:31], at sa Kaniyang amang si Jose pagkatapos [Mt 1:21]. Ang dalawang tipong pangalan sa Daan na Tipan ay Josue: [1] Josue, ang kahalili ni Moises, ang punong hukbo ng Israel, at mananakop ng Canaan; at [2] Josue, ang punong sacerdote, na pinutungan upang mag-anyo kay Cristo bilang isang pari ng Kaniyang trono [Zac6:11,13]. Tagapagligtas ang kahulugan ng JESUS. Siya’y Tagapamagitan at tagapagdala ng kaligtasan. Pagpresenta sa templo. Isinagawa ito sa mata ng kautusan, at sa takdang panahon noong Siya’y 40 araw ang gulang, sa araw ng paglilinis o purification [t22] – paglilinis ng kapuwa ina

isang kalapati para sa isang sin-offering [Lev 12:6,8]. Si Cristo ay hindi ipinaglihi at ipinanganak sa kasalanan, tulad sa iba na ipinanganak sa sinasabing kasalanan; gayunpaman, sapagkat nasasakupan Siya ng kautusan, Siya nagsagawa sa pagsunod nito. Kaya nagi Siyang katuparan ng lahat na katuwiran. MGA TANONG:

at bata, ayon sa kautusan. Ang ating Panginoon kahit na Siya’y dalisay Siya ay sumunod sa kautusang ito, tulad noong Siya’y nagpatuli, sapagkat Siya ang nag-ako ng ating mga kasalanan. Ukol sa pagpatuli, tayo ay “tinuli rin ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkakahubad ng katawang laman sa pagtutuli ni Cristo [Col 2:11]. Kaya sa paglilinis [purification] kay Cristo tayo ay pinapaging malinis o dalisay sa espiritu mula sa marumi at kabulukan na kalagayan ng tao sa sanglibutan. [1] Ang batang si Jesus, na isang panganay na anak, ay iprenisenta sa Panginoon, sa isang bahagi ng templo. Ang kautusan nagsasabi, “Ang bawa’t lalaking nagbubukas ng bahay-bata [panganay] ay tatawaging banal sa Panginoon” [v23], sapagkat sa isang espesyal na kasuguan ng pag-iingat ang mga panganay ng mga taga-Egipto ay pinagpapatay ng mga anghel; kaya si Cristo, bilang panganay, ay isang pari maliban sa lipi ni Aaron. Siya ay isang panganay sa gitna ng maraming kapatiran, at tinawag Siyang banal sa Panginoon. Kahit na Siya’y mula sa sinapupunan ng Ama [bosom of the Father], Siya ay iprenisenta sa Kaniya sa pamamagitan ng mga kamay ng isang pari. Ito ay nangangahulugan ng pagpresenta ng Kaniyang sarili sa Panginoon bilang Tagapamagitan o Mediator [Jer 30:21]. Ngunit, ayon sa kautusan, Siya ay tinubos [Bilang 18:15]. Magkano ang pagkatubos: 5 siklong pilak [Lev 27:6; Bilang 18:16]. Ngunit sakaling dukha, ang pari ay pumapayag ng mas mababa, o kahit walang halaga. Si Cristo ay iprenisenta sa Panginoon, hindi upang bawiin, kundi Siya’y ipinagkaloob habang Siya’y nabubuhay, at maglilingkod sa Kaniya sa tunay na templo na hindi gawa ng mga kamay ng tao. [2] Ang ina ay nagdala ng kaniyang handog [v24]. Nang ipresenta niya ang kaniyang sariling anak sa Panginoon upang maglingkod, siya ay hindi kailangan maghandog ng iba; subalit sinasabi sa kautusan ng Panginoon na dapat ipatupad ang kautusan, kung kaya kailangang magdala siya ng isang pares na kalapati [turtledoves], o dalawang batang kalapati [pigeons]; kung may kakayahan siya, magdala ng tupa [lamb] para sa isang pagsusunog ng handog, at

1. Sino at ano ang tungkulin ni Simeon sa templo? Bakit umawit siya ng papuri? 2. Kailan si Jesus nagpatuli at bakit? 3. Kailan Siya iprenisenta sa templo at bakit? 4. Tinubos Siya ng mga magulang ayon sa kautusan Paano tayo tinubos ni Cristo? 5. Sino si Anna sa Araling ito at ano ang kaniyang sinabi ukol sa magagawa ng sanggol?

ARALIN 6:

BINAUTISMUHAN SI JESUS SA ILOG JORDAN Juan 1:29-34

CYCalendar: Epifania 1/ Ang Bautimo kay Jesus Enero 10 GINUNTUANG TALATA: Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! Juan 1:29 [MBB]. BIBLIKAL Maraming taong dumating sa Ilog Jordan upang magpabautismo, isang rituwal sa paghugas ng mga kasalanan, kay Juan Bautista. Alam na ni Juan ang tungkol sa pangangaral at pagtuturo ni Jesus. Naniniwala siya na ang kaniyang papel ay ang ihanda ang mga tao upang pakinggan si Jesus. Nang sabihan ni Jesus si Juan na Siya ay magpapabautismo, biglang napaurong si Juan, sapagkat naniniwala siya na mas higit ang kadakilaan ni Jesus kay sa kaniya.

1. Sino si Cristo? Si Cristo ay ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos na susuguin sa pagligtas ng mga tao sa kasalanan. 2. Ano ang nangyari nang manalangin si Jesus sa Kaniyang bautismo? Nabuksan ang langit at nagbaba ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. 3. Ano ang napakinggan ng mga tao? Napakinggan nila ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak na Aking kinalulugdan. ALAM BA NATIN ITO? Sa mga talatang ito si Juan Evangelista ay may testimonya ukol kay Jesu-Cristo na kaniyang pinatotohanan sa mga disipulo ni Jesus. Pagkatapos ng Kaniyang bautismo agad-agad Siyang dinala sa ilang upang tuksuhin sa loob ng 40 araw. Sa panahong ito si Juan ay nagpatuloy sa pagpapatotoo sa Kaniya; ngunit ngayon nakita niyang si Jesus na nasa hulihan niya ay dumarating sa kaniya buhat sa ilang. Pagkatapos ng tunggalian sa ilang sa pagitan ni Jesus at Satanas, si Jesus sa Kaniyang matagumpay na pakipaglaban, ay lumapit kay Juan na noon ay nangangaral at nagbabautismo sa tubig. May apat na bagay ang sinasabi ni Juan sa kaniyang testimonya kay Jesus: Una, na si Jesus ang Cordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan, t29. Ang Cordero ng Diyos [Latin: Agnus Dei] ay isa sa mga titulo na ibinigay kay Jesus sa Bagong Tipan at sa Kristiyanong tradisyon. Tinutukoy nito ang papel ni Jesus bilang isang corderong pangsakripisiyo na nag-aalis ng kasalanan ng tao ayon sa Kristianong Teolohiya. Ikumpara ito sa tradisyon ng mga Judio sa Templo na nagsasakripisyo ng isang hayop na pinapatay kung paskuwa, kung saan ang dugo nito ay iwiniwilig [sprinkle] sa altar, at ang buong katawan ay pinagsasaluhan. Sa orihinal na Paskwa sa Egipto, ang dugo ay ibinabahid [smear] sa mga poste ng pintuan at lintel [fulcrum] ng bawa’t bahay [Exo 12:1-28]. Ika-2, na si Jesus ang tinutukoy ni Juan noon na darating na nauna pa sa kaniya, t30-31. Ngayon ang darating ay nakita na ni Juan nang mukhaan. Siya ang tala na sisikat mula sa lahi ni Jacob at hari na lilitaw mula sa lipi ni Israel [Bilang 24:17]. Siya’y dumating na. Hindi Siya kilala ni Juan kahit magpinsan sila ni Jesus dahil magpinsan din ang kanilang ina, sina Elisabet na ina ni Juan at Maria na ina ni Jesus. Gayunpaman, walang personal knowledge si Juan kay Jesus hanggan sa panahon ng pagdating ni Jesus upang magpabautismo. Magkaiba ang kanilang buhay. Ginamit ni Juan ang kaniyang panahon sa ilang na nag-iisa. Si Jesus naman, sa pakikisama. Walang sulat at walang interview sa pagitan nila. Walang

pagkakaibigan at walang familiarity sa pagitan nila. Ang pakay ng ministeryo at pagbabautismo ni Juan ay upang ipakilala si Jesu-Cristo, t31. Ang ministeryo ng salita [Gospel] at mga sakramento [Baptism and Holy Communion] ay nakadesinyo hindi para sa anumang bagay kundi upang dalhin ang mga tao kay Cristo at maipakilala Siya nang lubos. Ang bautismo sa tubig ni Juan ay nagampanan ang pagpakilala niya kay Cristo at isinasagisag ng bautismo ang paglilinis sa pamamagitan Niya. Ika-3, na sa Kaniya bumaba ang Espiritu buhat sa langit sa anyo ng isang kalapati, t32-33. Nakumpirma ni Juan sa kaniyang pagbautismo kay Jesus na si Jesus ang sinugo ng Diyos na pinatotohanan ni Juan. Nipatotohanan niya na nakita niya ang Espiritu na bumababa sa Kaniya mula sa langit. Hindi niya nakita ang Espiritu, ngunit nakita niya ang kalapati na isang tanda at representasyon ng Espiritu. Ang Espiritu dumating ngayon kay Cristo upang pasimulan ang misyon at maipakilala Siya sa sanglibutan. Ang Espiritu sa anyo ng kalapati ay simbulo ng meekness, mildness, at gentleness na magpapabagay sa Kaniya sa pagtuturo. Ang kalapati ang nagdala ng kapayapaan. Ang Espiritu na bumaba kay Cristo ay ipinaghula sa Isaias 11:2. Ang katuparan ay nangyari sa panahon ng pagbautismo ni Juan kay Cristo. Ika-4, na Siya ang Anak ng Diyos, t34. Ito ang conclusion ng patotoo ni Juan Bautista. Ang tinig sa langit ang nagpahayag nito kay Juan . Ito ang pambihirang Kristiyanong kredo, na si Jesus ay Anak ng Diyos [Mt 16:16]. Nakita at narinig ni Juan kaya nararapat na ipahayag ito [Gawa 4:20]. Kaya si Juan at ang ibang nakakita at nakarinig ay naging mga saksi [2 Ped 1:16]. MGA TANONG: 1. Ano ang Cordero ng Diyos? 2. Sino ang una: Si Juan o si Jesus? 3. Si Juan ay nagbabautismo sa tubig. Sa ano si Jesus nagbabautismo? Ipaliwanag. 4. Saan inihalintulad ang Espiritu? Ipaliwanag. 5. Nakita at narinig ni Juan ang tinig ng langit sa pagbautismo kay Jesus. Di ba ito ang tunay na saksi? Ipaliwanag. ARALIN 7: SI JESUS ANG BUHAY NA SALITA NG DIYOS Juan 1:10-14 CYCalendar: Epifania 2

Enero 17

GININTUANG TALATA: Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakikilala ng sanlibutan, Juan 1:10 [MBB]. BIBLIKAL Sa Aralin natin ngayon, itinatampok si Juan na Evanghelista. Gumagamit siya ng parehong mga salita ukol kay Jesus na ginamit ng mga eskolar na Judio ukol sa Torah, ang unang 5 aklat ng Daan na Tipan. Si Juan nagsabi na si Jesus ang salita ng Banal na Kasulatan na dumating sa buhay ng isang pangkaraniwang tao, kaya naman makikita natin ang Banal na Kasulatan ay ipinapamuhay sa pangkaraniwang buhay araw-araw at ang bawa’t isa ay kayang mararanasan ang Biblia sa pangaraw-araw na termino. 1. Sino ang tinutukoy ni Juan ukol sa kaniyang sinasabi, “Ang Salita”? Tinukoy ni Juan si Jesus. 2. Ano ang ibig sabihin ni Juan ng sinasabi niyang Ang Salita ay naging isang tao? Si Juan ay nagsabi na si Jesus ang Biblia na dumating sa buhay bilang isang tao. 3. Ano ang nakikita natin sa buhay ni Jesus sa daigdig? Nakikita natin sa Kaniya ang kapakumbabaan, kaluwalhatian, at katotohanan ng Diyos. ALAM BA NATIN ITO? Talata 10: Ito ang doktrina ng incarnation– ang paniniwala sa Kristiyanismo na si Jesu-Cristo ang Diyos ng Israel sa laman. Ang salitang “Incarnate” ay mula sa Latin [in=in, carnis=flesh], na ang ibig sabihin “sa laman” [in the flesh]. Siya ang gumawa ng sanglibutan bago Siya nagkatawang-tao. Tinutukoy nito ang panahon nang lalangin Niya ang sanglibutan bago nangyari ang pagparito bilang sanggol. Opo, Siya ang may lalang ng sanglibutan. Ngunit ang sanglibutan ay nagkasala, kaya Siya ay nagkatawang-tao upang iligtas Niya ang sanglibutan. Subalit hindi Siya kilala ng sanglibutan. Siya ang dakilang Manglilikha, Hari, at Tagapagligtas ng sanglibutan, ngunit walang sinuman ang nakakikilala sa Kaniya. Ang torong baka na isang hayop ay nakakikilala sa nagmamay-ari nito, ngunit ang makahayop na sanglibutan [brutish world] ay hindi. Di nila kilala ang Manglilikha na Hari ng kanilang buhay, kaya di nila Siya binati sa Kaniyang pagparito bilang sanggol – ang Mesiyas o Cristo na ipinangako at namatay ngunit muling nabuhay!

Talata 11: Naparito si Cristo, hindi lamang sa sanglibutan – ang sariling kanya – kundi sa bayang Israel, ang kakaibang sariling kaniya na higit sa ibang lahi; naparito Siya para sa

kanila, namuhay na kasama nila, at para sa kanila Siya unang sinugo. Nakamumuhing tao [despicable] ang mga Judio, subalit hindi ikinahihiya ni Cristo na hanapin sila bilang sariling Kaniya, sapagkat inibig Niya sila hanggang katapusan, kahit na sila ay hindi mga mananampalataya [Juan 13:1]. Ang mga Judio ay kaniya, tulad sa isang tao na nagmamay-ari ng bahay, lupa at iba pa, ngunit ang mga mananampalataya ay Kaniya tulad sa isang asawa at mga anak na sariling Kaniya, na Kaniyang iniibig at kinaaaliwan. Naparito Siya sa sariling Kaniya, upang hanapin at iligtas sila, sapagkat sila ay Kaniya. Sinugo Siya sa mga naligaw na tupa sa bahay ni Israel. Ngunit hindi Siya tinanggap – hindi nila tinanggap ang doktrina, ang Mesiyas o ang Cristo. Talata 12: Kahit na ang bansang Israel ay nagpumilit, nagmatigas at pumanaw sa kawalan ng pananampalataya, gayunpaman, marami pa rin sa kanila ang sumuko kay Cristo. Ang tunay na Kristiyano ay yaong tumanggap at nanampalataya sa Kaniyang pangalan. Ang Kaniyang pangalan ay ang Salita ng Diyos; ang Hari ng mga hari, ang Panginoon na ating katuwiran; si Jesus na isang Tagapagligtas. Ang manampalataya sa pangalan ni Cristo ay pagtanggap sa Kaniya bilang isang regalo mula sa Diyos. Kailangan tanggapin natin ang Kaniyang doktrina bilang totoo at mabuti; tanggapin ang Kaniyang kautusan bilang matuwid at banal; tanggapin ang Kaniyang mga handog bilang mapagpala at kapakipakinabang; at dapat nating tanggapin ang Kaniyang biyaya, at pag-ibig bilang pangulong prinsipyo ng ating mga damdamin at aksyon. Talata 13: Kadugo ng Diyos ang Israel. Ang Gentil ay hindi. Ngunit kalooban Niya ang magbigay ng karapatan kung sino ang maging Kristiyano. Ang karapatan ng tunay na Kristiano ay doble: [1] Ang karapatan ng pag-angkin[adoption]. Minamahal ng Diyos Ama ang inangkin Niyang anak [adopted child] tulad ng Kaniyang pagmamahal sa bugtong Niyang Anak [begotten Son]. Lahat ng pag-iingat at pagmamahal ng Anak ng Diyos ay atin bilang Kaniyang inangkin na mga anak [adopted sons]. Ang Israel ay “aking anak, aking panganay”; ngunit ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang mga Gentil ay naging mga anak ng Diyos [Gal 3:26]. Ang mga anak ng Diyos ay binigyang kapangyarihan. Walang sinuman ang makapag-aalis nito sa kanila. Dati sila’y mga anak ng kinapopootan [children of wrath] – kinapopootan ang mga anak ng sanglibutang ito. Ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya, sila ay binigyang karapatan na maging mga anak ng Diyos, sila’y may karapatang tawaging Kristiyano. Si Tertullian nagsabi: “Ang mga tao ay hindi ipinanganak na Kristiyano, ngunit ginawa silang maging Kristiyano.” Ang Kristiyano ay anak ng Diyos, na nang dahil sa ipinagkaloob na pag-ibig sa atin ng Ama upang tayo’y mangatawag na

mga anak ng Diyos, tulad ni Cristo, tayo’y hindi rin nakikilala ng sanglibutan [1 Juan 3:1]. Tinawag tayo ng Diyos na Kaniyang mga anak, Siya’y tinawag natin na Ama, at tayo’y binigyan ng lahat na karapatan ng pagiging mga anak. Ibinigay sa kanila ang kapangyarihang ito na nanampalataya sa Kaniyang pangalan. Ang Diyos ay ang Kaniyang Ama at ating Ama, at dahil kay Cristo, at pakikiisa natin kay Cristo, tayo ay may relasyon sa Diyos bilang ating Ama. Sa puntong ito si Cristo ang naging panganay [first-born] sa mga anak ng Diyos – hindi panganay sa punto ng paglalang! Ang Anak ng Diyos ay naging isang Anak ng tao, na ang mga anak na lalake at babae ng mga tao ay maaaring mga anak na lalake at babae ng Makapangyarihang Diyos. [2] Ang karapatan ng rehenerasyon [o muling kapanganakan]. Ikaw ba’y born-again o ipinanganak-muli? Ang lahat na anak ng Diyos ay ipinanganak muli – ibig sabihin, espirituwal na kapanganakan sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo bilang personal na Panginoon at Tagapagligtas. Silang lahat na inangkin o adopted ay ipinanganak muli [regenerated]. Ito ang bagong kapanganakan. [1] Hindi ito ang pagpaparami sa pamamagitan ng natural na generasyon mula sa ating mga magulang; hindi sa dugo, o sa kalooban ng laman, o sa binhing nasisira [1 Ped 1:23], kundi sa pamamagitang ng espirituwal na kapanganakan. Ang tao ay tinawag na laman at dugo. Hindi tayo naging mga anak ng Diyos tulad nang tayo’y naging mga anak ng ating mga magulang. Ang biyaya ng Diyos ay hindi tumatakbo sa dugo ng tao, sapagkat ang dugo ay nasisira. Ngunit ang tao ay pinapaging banal at pinapaging-bago sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya kay Cristo. Niluluwalhati ng mga Judio ang kanilang pinagmulan na mga magulang at ang nobleng dugo na nananalaytay sa kanilang ugat. Kaya sinasabi nila: “Kami ang binhi ni Abraham”, samakatuwid kami ang inangking mga anak sapagkat ipinanganak kami sa dugo na iyan. Subalit hindi iyan ang adoption sa Bagong Tipan, sapagkat sa Bagong Tipan ang inangkin ay ipinanganak muli hindi sa pamaamgitan ng magulang kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. [2] Ang paraan ng bagong kapanganakan [new birth] ay sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi [1 Ped 1:23] at ng Espiritu ng Diyos bilang dakila at may akda ng buhay natin. Ang tunay namananampalataya ay ipinanganak ng Diyos [1 Juan 3:9; 5:1]. Tunay ka ba? Talata 14: Ito’y nagsasabi ng pagkatawang-tao [incarnation] ni Cristo na higit na malinaw kay sa naunang paliwanag. Sa pamamagitan ng Kaniyang maka-Diyos [divine] na presensya Siya ay namamalagi sa sanglibutan, at sa pamamagitan ng Kaniyang mga propeta Siya ay naparito sa sariling Kaniya. Ngunit ngayon pagdating ng takdang panahon Siya’y sinugo,

ipinanganak sa isang babae [Gal 4:4]; ang Diyos ay nagpakita sa laman, ayon sa paniniwala at pag-asa ni Job [Job 19:26]. MGA TANONG: 1. 2. 3. 4. 5.

Ano ang doktrina ng incarnation? Ipaliwanag Nasaan si Cristo bago Siya nagkatawang-tao? Kilala ba si Cristo ng mga Judio bilang sarili Kaniya? Anong karapatan na ipinagkaloob sa mga Gentil? Ano ang paniniwala at pag-asa ni Job?

ARALIN 8: TINAWAG NG DIYOS SI SAMUEL SA PANGALAN 1 Sam 3:1-10 CYCalendar: Epifania 3 Enero 24 GININTUANG TALATA: Si Yahweh ay lumapit kay Samuel at tinawag ito. Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod,” 1 Samuel 3;10 [MBB]. BIBLIKAL Si Samuel ay ang huli sa mga hukom [14 Hukom mula kay Othniel hanggan kay Eli Hakohen] at una sa mga propeta ng Israel pagkatapos ni Moises. Pinangunahan niya ang Israel sa pagitan ng panahon ng mga Hukom [1228 BC – 1050 BC] at pasimula ng monarkyang pamahalan na kilala sa tawag na United Monarchy. Siya ang nagpasinaya ng monarkya sa pamamagitan ng pagpili at pagpahid una kay Saul [1030 – 1010 BC] at kay David [1008 – 970 BC] bilang hari ng Israel. Siya’y anak ni Elcana, isang bigamo ama o may dalawang asawa kahit na siya’y mula sa banal na tribu ng mga Levita, at Ana, isang baogna ina at pangkaraniwang babaesa Banal na Kasulatan na mapanalanginin sa Diyos. Nanalangin siya sa Santuwaryo ng Silo sa presensya ng punong pari na si Eli upang bigyan siya ng isang anak na lalake na maglilingkod sa Diyos bilang Nazirite [“consecrated or separated”] habang buhay. Si Ana ay may magandang awit ng pagpupuri sa I Samuel 2, tulad ng awit-papuri ni Maria sa Lk 1:46-55 na kilala sa tawag na Magnificat [Latin ng “dakilain ang Panginoon” o “magnify the Lord”. Ang katapangan ni Ana sa harapan ng Diyos at mga pari ng Silo ay nasuklian ng isang masunurin at matapat na anak na pinili mula pa sa

kaniyang kapanganakan para sa paglilingkod. Si Samuel ay lumaking naging sacerdote na siyang nagpahid ng langis kay Saul at David upang maging hari ng Israel. Ang tugon ni Samuel sa Panginoon sa talatang 10 ay isang kahangahangang talata, kahit na sa mga maliliit pang bata. 1. Saan si Samuel naninirahan? Siya’y naninirahan sa templo ng Silo. 2. Ano ang ginagawa ni Samuel doon? Siya’y naglilingkod kay Eli, ang punong sacerdote. 3. Sino sa palagay ni Samuel ang tumatawag sa kaniyang pangalan sa gabi? Akala ni Samuel si Eli ang tumatawag sa kaniya. 4. Ilang beses tumawag ang Panginoon sa pangalang Samuel? Ang Panginoon ay tumawag ng 3 beses sa kaniya. 5. Ano ang sinabi ni Eli na itugon sa Panginoon? Nagsabi si Eli kay Samuel na tugunin ang Panginoon ng ganito, “Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod.” [Samuel says, “Speak, Lord, for thy servant heareth,”t10[KJV]. ALAM BA NATIN ITO? Si Samuel ay ipinanganak sa Ramathaim-sophim sa maburol na lupain ng Ephraim. Dinala siya sa Santuwaryo ng Silo nang siya’y bata pa upang maglingkod sa Diyos bilang katuparan ng pangako ng kaniyang ina na si Ana. Siya ang kapalit ni Eli bilang punong pari at hukom ng Israel. Sapagkat sinira ang Silo ng mga Filisteo, siya’y bumalik sa Rama at ito’y naging sentro sa kaniyang gawain. Siya’y taunang nag-ikot sa mga lunsod ng Bethel, Gilgal, at Mizpah upang hatulan ang mga tao, pangaralan sila na itigil na ang pagsamba sa mga diyos-diyusan, at ginamit niya ang kaniyang inpluwensya na magkaisa ang mga tribu. Tila siya lamang ang nakauunawa ng kinabukasan, at tinitingala siya ng mga tao bilang isang propeta. Ang Israel sa panahong yaon ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga Filisteo, laging nasa panganib mula sa mga Amorreo [Bilang 13:29], at pagkawatakwatak sa isa’t-isa ng sarili nilang mga tribu. Kulang ang tiwala ng mga tao sa mga anak ni Samuel na sina Joel at Abias [1 Cronica 6:29] na kaniyang pinili na magrepresenta sa kaniya bilang hukom, sapagkat kapwa sila gumagawa ng katiwalian [corruption] at pinipilipit nila ang justisya. Ang mga matatanda ay naghikayat kay Samuel na humanap ng isang malakas na lider na maging hari [1 Samuel 8:1-5]. Pumayag si Samuel at pinili si Saul, ang anak na lalaki ni Kish mula sa tribu ni Benjamin, at ginampanan niya ang aktibong papel sa koronasyon kay Saul.

Ngunit humiwalay si Samuel kay Saul sapagkat makalawang ulit tumangging sumunod si Saul sa kaniya. Kaya ipinahayag ni Samuel na si Saul ay iwinaksi bilang hari ng Israel at ang kaniyang dinastya ay di na ipagpapatuloy sa trono. Inilipat ni Samuel ang kaniyang suporta kay David, pinili siya at pasekretong pinahiran siya bilang hari ng Israel. Ang mga huling araw ni Samuel ay naging madilim dahil sa tunggalian sa pagitan ni Saul at David. Ang Biblia ay may maikling reperensya sa kaniyang kamatayan at libing sa Rama, isang lunsod 5 milya hilaga ng Jerusalem [Josue 18:21,25]. Si Samuel, kahit na ibinilang na isa sa mga dakilang hukom, tulad ni Moises, ay ibinilang rin na kasama sa mga propeta. Hindi siya isang mandirigma ngunit, tulad ni Moises, siya ay isang bayani na nagbigay ng panibagong espiritu sa kaniyang mga tao sa gitna ng opresyon, na napapanatiling buhay ang kanilang pag-asa at pananampalataya.

MGA TANONG: 1. Sino si Samuel? 2. Sino ang kaniyang mga magulang? 3. Ano ang pangako sa Diyos ng kaniyang ina bago pa man siya ipinaglihi? 4. Ano-ano ang mga tungkulin na kanyang ginampanan? 5. Paano mo maihambing ang sariling mo buhay kay Samuel sa pamamagitan ng sariling magulang, tungkulin at pananampalataya?

ARALIN 9: MGA DISIPULO BILANG MGA MANGINGISDA NG TAO Mk 1:16-20 CYCalendar: Epifania 4 Enero 31 GININTUANG TALATA: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at makahuli ng sarisaring isda,” Mt 13:47 [MBB]. BIBLIKAL Ang mga disipulo ay isa-isang pinili ni Jesus, at sila ay agad sumunod sa Kaniya. Ang mga mangingisda na sina Simon Pedro at Andres, Santiago at Juan, ay nabubuhay sa pangingisda nang sila at tawagin ni Jesus upang sumunod sa Kainya. Paano tayo tutugon kung si Jesus magsabi sa atin na iwanan ang lahat – ang pag-aral, trabaho, tahanan, at pamilya - at sumunod sa Kaniya? At habang nakatingin tayo sa panahon ni Jesus na kasama ang Kaniyang mga disipulo sa pagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, makikita natin Siya na kasama sila sa huling pagkakataon.

1. Sino ang nagmamay-ari ng bangka? Si Simon pedro ang nagmamay-ari ng bangka. 2. Ano ang ginagawa ni Jesus sa bangka? Si Jesus ay nakaupo sa bangka na nangangaral at nagtuturo. 3. Ano ang nangyari nang ang mga mangingisda ay ipinalaot ang mga bangka nila sa malalim na tubig? Nakahuli sila ng maraming isda na nagpapunit sa lambat. 4. Ano ang ipinangako ni Jesus sa Kaniyang mga disipulo? Ipinangako Niya na sila ay mangingisda ng mga tao imbes na sida. ALAM BA NATIN ITO? Si Jesus ay nagsimulang mangaral ng Evangelio sa Galilea pagkatapos na maipakulong si Juan Bautista. Si Juan ay ipinakulong upang mapatahimik siya sa kanyang testimonya ukol kay Jesus. May kasabihan na ang pagpatahimik sa mga ministro ni Cristo ay hindi garantiya sa pagsupil ng Kanyang evangelio; kung may ilan na naitulak sa tabi, may ibang bumabangon na mas makapangyarihan sa kanila upang ipagpatuloy ang dating gawain. Ano ang Kanyang ipinangaral? Ipinangaral ang evangelio ng kaharian ng Diyos. Naparito si Cristo sa pagtayo ng kaharian ng Diyos sa mga tao, na sila ay masakopan nito, at makamtan ang kaligtasan na dala nito, at Kanyang itinayo ito sa pamamagitan ng pangangaral ng evangelio. Ipinangaral ni Cristo ang Mabuting Balita; sinabi Niya na “dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos,” [t15]. Tinukoy nito ang sinasabi sa Daan na Tipan ukol sa ipinangakong kaharian ng Mesiyas at ang takdang panahon para sa pagpasimula nito. Hindi bihasa ang mga tao ukol sa mga hula, at di rin sila marunong magmasid sa mga tanda ng panahon upang maunawaan nila ito, kaya mismo si Jesus ang nagpabatid ukol dito; ang takdang panahon ay malapit na; ang maluwalhating pagtuklas sa maka-Diyos na ilaw, buhay at pag-ibig ay napapanahon na; ang bagong panahon ng makalangit at espiritwal na buhay ay nagsimula na. Masdan na mismo ang Diyos ay timitingin sa oras; ayon sa Kanya ang takdang panahon ay nagsimula na, ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Ibinigay ni Cristo sa kanila ang pagkaunawa ng mga tanda ng panahon, upang malaman nila kung ano ang dapat gawin ng bansang Israel; inasahan ng Israel ang pagdating ng Mesiyas sa panglabas na karangyaan at kapangyarihan, hindi lamang sa pagligtas ng kanilang

bansa sa pananakop ng Roma, kundi na ang kanilang bansa ang mismong makapangibabaw sa pananakop ng mga bansa. Kaya inisip nila na kung ang kaharian ng Diyos ay malapit na kailangan silang maghanda para sa digmaan at para sa tagumpay at pag-unlad. Ngunit sinabihan sila ni Cristo na sa papalapit na pagdating ng kaharian ng Diyos dapat silang magsisi, at manampalataya sa evangelio. Nagkasala sila sa ilalim ng kautusan [moral law] at walang sinuman na maliligtas sa pamamagitan nito. Judio at Gentil ay kapwa nagkasala [guilty]. Kaya kailangan nila ang tipan ng biyaya [covenant of grace], isang remedial law – ang pagsisisi upang mapalapit sa Diyos, at pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pagsisisi kailangan natin ang pagdalamhati at pagtalikod sa ating mga kasalanan, at sa pananampalataya kailangan nating tanggapin ang pagpapatawad sa mga kasalanang ito. Sa pagsisisi kailangan natin magbigay ng kaluwalhatian sa ating Tagapaglikha sapagkat sa Kanya tayo nagkasala; sa pananampalataya kailangan natin magbigay ng kaluwalhatian sa ating Manunubos na pumarito sa pagligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan. Dapat magkasabay ang mga ito. Huwag nating isipin na ang reporma sa ating buhay ay magliligtas sa atin na walang pagtitiwala sa katuwiran at biyaya ni Cristo, o na ang pagtitiwala kay Cristo ay magliligtas sa atin na walang repormasyon sa ating mga puso at buhay. Pinag-isa ni Cristo ang dalawang ito at walang sinumang mag-isip na mapaghihiwalay ang mga ito. Ang pagsisisi ay nagbibigay-buhay sa pananampalataya, at ang pananampalatayang may pagsisisi ay nagiging evangeliko. Kaya ang pangangaral ng evangelio ay nagsimula, at nagpapatuloy, at laging nananawagan ng pagsisisi, paniniwala at pamumuhay sa isang mapagsisising buhay at sa isang pananampalataya buhay. Si Cristo ay nakita bilang isang guro na nananawagan sa Kanyang mga tagasunod bilang mga disipulo, t16-20. 1. Si Cristo ay magkaroon ng Kanyang mga tagasunod. Kung Siya ay magtatayo ng isang paaralan, Siya ay magkakaroon ng mga eskolar; kung Siya ay magtatakda ng Kanyang pamantayan [standard], Siya ay magkakaroon ng mga sundalo; kung Siya ay mangangaral, Siya ay magkakaroon ng mga makikinig. 2. Ang mga instrumento na pinili ni Cristo bilang mga manggagawa sa pagpatayo ng Kanyang kaharian ay mga taong walang kapangyarihan; hindi tinawag mula sa Sanhedrin, o mula sa mga paaralan ng mga rabbi, kundi pinulot mula sa gilid ng dagat upang ang kadakilaan ng kapangyarihan ay lumitaw na buo para sa Diyos. 3. Bagaman hindi kailangan ni Cristo ang tulong mula sa tao, gayunpaman Siya’y nasisiyahan na gamitin ito sa pagpatayo ng Kanyang kaharian, na pakitunguhan tayo hindi sa isang kapangyarihan kundi sa isang pamilyar na paraan, at na sa Kanyang kaharian ang mga nobleng tao at gobernador ay makasalimuha natin. 4. Sa mga tinawag sa

gawain ng kaharian, ikinararangal ni Cristo ang mga masigasig at mapagmahal sa isa’t-isa. 5. Ang gawain ng mga ministro ay mangisda ng mga kaluluwa ng tao, at dalhin sila kay Cristo. Ang mga anak ng tao sa kanilang natural na kalagayan ay mga taong nawawala sa ubasan ng Diyos, pagalagala sila na walang katapusan sa malaking dagat ng sanlibutan, at natatangay sa agos ng paroroonan at daan na di tiyak ang pupuntahan; sila ay walang pakinabang at walang saysay kung hindi madala sa paanan at magpasakop kay Cristo. Tulad sa leviathan ng malalim na katubigan kung saan sila ay nakapaglalaro; at madalas, tulad sa mga isda ng dagat, sila ay nagsasakmalan, nilalamun ng malalaki ang maliliit. Ganyan ang ginagawa ng ilan sa mga ministro. Sa pangangaral ng evangelio, ang mga ministro ay inaasahan na iitsa ang lambat sa tubig, Mt 13:47, upang makahuli ng sarisaring uri ng tao para sa kaharian ni Cristo. Ang ilan sa mga nahuli ay dinadala sa dalampasigan, ngunit ang karamihan ay nakatatakas. Ang mga mangingisda ay dumaranas ng malaking hirap at lantad ang sarili nila sa mga malalaking panganib, tulad ng mga ministro. 6. Sa lahat na mga tinawag ni Cristo upang sumunod sa Kaniya kailangan iwanan nila ang lahat – hindi na umalis ng sanlibutan kaagad, kundi umupo nang maluwag sa sanlibutan, at talikuran ang bawa’t bagay na nakakahadlang sa tungkulin kay Cristo. Napagmasdan ni Marcos na hindi lamang iniwanan ni Santiago at Juan ang kanilang ama, kundi ang kanilang mga katulong na mahal nila sa buhay tulad ng sarili nilang mga kapatid. Iniwanan nila hindi lamang ang relasyon kundi ang pagkakaibigan nila sa isa’t-isa. Ngunit hindi nila iniwan ang kanilang ama na walang tulong o assistance! Kailangan bang iwanan mo ang sarli mong pamilaya na walang assistance? Nakahahadlang ba sila sa gawain ng evangelio? MGA TANONG: 1. Saan inihalintulad ang kaharian ng Diyos? 2. Paano ito itinayo ni Cristo? 3. Lahat bang nagsipagsisi at tumanggap kay Cristo ay kabilang sa mga tinawag ng Diyos sa Kanyang kaharian? 4. Masasabi bang lahat na miyembro ng iglesia ay tinawag bilang mangingisda ng tao? 5. Handa ka bang iwanan ang anumang bagay na nakakapahadlang sa paglingkod kay Cristo? Ipaliwanag!

ARALIN 10: PINALABAS NI JESUS ANG MASAMANG ESPIRITU Mar 1:21-28 CYCalendar: Epifania 5 Pebrero 7 GINUNTUANG TALATA: Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba, Marcos 1:22 [MBB}. BIBLIKAL Ayon kay Marcos, habang si Jesus ay nag-umpisa sa pagtuturo, Siya ay nagsimulang nagpapagaling ng mga may sakit. Ang puntong ito ay hindi nakikita sa 3 ibang Evangelio, ngunit makikita sa mga salaysay mula kay Marcos na si Jesus ay nagpapagaling at pagtuturo na laging magkasama sa mensahe ni Jesus bilang kabutihan ng Diyos. Ang sinagoga ay isang lugar sa lokal na pamayanan kung saan ang mga Judio ay magkasamasama upang manalangin sa Diyos at mag-aral sa salita Niya. Ang mga pagsasakripisyo ay isinasagawa lamang sa Templo ng Jerusalem. Ang Capernaum ay isang maliit na lunsod sa hilangang-kanluran na baybayin ng Dagat ng Galilea sa Palestina. Maaaring ito ang lugar ni Pedro at Andres. 1. Saan nagtuturo si Jesus? Si Jesus nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum. 2. Bakit nagtaka ang mga tao sa pagtuturo ni Jesus? Si Jesus ay nagtuturo na may kapangyarihan, na sigurado sa Kaniyang sinasabi kay sa ibang guro. 3. Sino si Jesus ayon sa taong may masamang espiritu? Ang taong may masamang espiritu nagsabi, Ikaw ang Banal ng Diyos.” 4. Ano ang sinabi ni Jesus sa may masamang espiritu? Si Jesus nagsabi, “Huwag kang maingay at umalis ka sa taong iyan.” 5. Ano ang sinabi ng mga tao ukol kay Jesus? Ang mga tao nagsabi, “Kahit na ang masamang espiritu sumusunod sa Kaniya.” ALAM BA NATIN ITO? Nangaral si Jesus sa Capernaum, ang isa sa mga lunsod ng Galilea. Si Juan Bautista ay nangaral sa ilang, ngunit si Jesus ay nangaral sa mga lunsod tulad ng Jerusalem at Capernaum.

Talata 21: Pumasok si Jesus sa sinagoga. Siya’y nangaral at nagturo ng evangelio. Hindi Niya sinayang ang panahon sa gawain kahit na ang pangangaral at pagtuturo ay nangyari sa Araw ng Pamamahinga. Relihiyusong sumunod Siya sa tradisyon ng araw ng Pamamahinga bagaman hindi ayon sa tradisyon ng mga matatanda. Ang mga araw ng

Pamamahinga ay nararapat na igalang sa isang banal na pagtitipon. Tuwing araw ng Pamamahinga binabasa nila sa mga sinagoga ang Kautusan ni Moises at ipinangangaral ang kaniyang salita sa bawa’t bayan [Gawa 15:21]. At ngayon narito si Jesus, ang ipinagkaloob ng Diyos sa Israel, ang ipinangakong Tagapagligtas, ang ipinangaral ni Juan Bautista [Gawa 13:23-24]; Siya’y nagtuturo at nangangaral, ngunit hindi Siya kinilala, at hindi rin inunawa ang mga hula ng mga propeta, na binabasa tuwing araw ng Pamamahinga, at ang masakit sila na rin ang nagsakatuparan ng hulang ito nang hatulan nila ng kamatayan si Jesus [Gawa 13:27]. Talata 22: Hindi si Jesus nangaral tulad ng mga eskriba na nagtalakay sa kautusan ni Moises sa pamamagitan ng pag-ulit-ulit ngunit di batid o di apektado sapagkat di mula sa puso kung kaya walang kapangyarihan. Ngunit nang si Jesus ang nagturo at nangaral namangha ang mga tao sapagkat Siya’y nagturo at nangaral ng evangelio na may kapangyarihan dahil kapado Niya ang ang puso at isip ng Diyos. Talata 23-28: Tulad ng pangangaral na may kapangyarihan, pinasimulan Niya na rin ang paglupig laban kay Satanas sa pamamagitan ng pagpapagaling sa mga may sakit na dulot ni Satanas. Sa sinagoga ng Capernaum may pumasok na isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu at nagsisigaw. Ang sumisigaw ay hindi ang lalaki kundi ang masamang espiritu sa lalaki. Kilala ni Satanas si Jesus bilang Banal na mula sa Diyos. Iniutos ni Jesus na tumahimik siya at lumabas sa lalaki. Lumabas nga si Satanas at nagilalas ang lahat. Dahil dito mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus. Nangangalit ang masamang espiritu kay Cristo. Sumisigaw siya tulad ng sigaw ng isang taong nasa paghihingalo sa presensya ni Cristo. Marami sila [tingnan ang talata 24] at natatakot na maitaboy. Sila’y nanampalataya rin at nangangatog sa takot kay Cristo ngunit hindi sila umaasa sa Kanya at walang iniukol na paggalang sa Kanya. Wala silang balak sumuko o makipag-ayos man. Sila’y nakapagsasalita sa iisang tinig at nalalaman niya ang magiging hatol. Tinawag nila si Cristo na Jesus na taga-Nazaret. Diyablo ang kauna-unahang tumawag nito sa Kaniya. Ginawa ito upang ikondisyon ang isip ng mga taong nakikinig sa Kanya na walang mabuting bagay ang maaasahan sa Nazaret. Pinapalabas ng diyablo na si Jesus ang Manlilinlang [Deceiver] sapagkat alam ng bawa’t isa na ang Mesiyas ay nagmula sa Betlehem. Gayunpaman isang kompesyon ang pilit na naibigay ng diyablo na si Cristo ang nag-iisang Banal mula sa Diyos.

Matagumpay na napalabas ni Jesu-Cristo ang masamang espiritu sa lalaki [talata 25-26]. Iniutos sa diyablo na tumahimik at lumabas at nangyaring pinangisay ng masamang espiritu ang lalaki, at pasigaw itong lumabas sa kanya bilang tanda ng pagsuko kay Cristo. Laking ginhawa ng kaluluwa ng lalaki na nailigtas sa kamay ni Satanas. Talata 27-28. Nagpagilalas sa lahat ang uri ng kapangyarihan ni Cristo. Kaya’t mabilis na kumalat ang balitang ito sa buong Galilea. Nakumpirma nila ang bagong aral – ang bagong doktrina na nauutusan ni Cristo pati ang masasamang espiritu. Nakumpirma nila na si Cristo ay mula sa Diyos. Siya ay may kapangyarihan na mag-utos sa atin, may kakayahan magpalayas ng kalaban sa ating buhay. Ang mga Judiong exorcist ay pakunwaring nagpapalayas din ng masasamang espiritu sa pamamagitan ng gayuma [charm] o imbokasyon [panawagan]; ngunit iba itong kapangyarihan ni Cristo na nakapag-uutos pati sa pagpalayas kay Satanas. Nagpataas ito sa reputasyon ni Cristo. Kumalat ang balitang ito sa buong Galilea, ang ika-3 bahagi ng lupain ng Canaan. Kumalat ito sa bawa’t bibig, at isinusulat ito ng mga tao sa kanilang mga kaibigan sa buong bansa na naka-headline ang tanong: Anong Bagong Aral Ito? Kaya nabantog si Cristo bilang isang Guro mula sa Diyos, at sa ilalim ng titik na ito Siya’y nagliwanag ng higit sa kintab ng panlabas na karangyaan at kapangyarihan ng Mesiyas na inasahan ng mga Judio na darating. At dahil dito, ihinanda Niya ang sarili Niyang daan sa pamamagitan ni Juan; at ang katanyagan bunga ng milagro sa pagpapagaling ng lalaking inaalihan ng masamang espiritu ay nagpapatuloy sa pagkalat. Gayunpaman, ang mga Fariseo na inggit na inggit sa katanyagang ito ay doble ang kayod upang mapatigil ito sa pamamagitan ng paghabla na si Cristo ay nagkakasala ng blasphemy. MGA TANONG: 1. Saang lunsod at sinagoga si Jesus nangaral at nagturo ng Evangelio? 2. Ano ang nangyari habang Siya’y nangangaral at nagtuturo? 3. Bakit namangha ang mga tao sa Kanyang pangangaral at pagtuturo? 4. Paano pinagaling ni Jesus ang lalaking inalihan ng masamang espiritu? 5. Kaya mo bang magpalayas ng masasamang espiritu sa sarili at kapwa? Paano?

ALAM BA NATIN ITO?

ARALIN 11: ANG PAGBABAGONG-ANYO NI JESUS SA BUNDOK Mar 9:2-8 CYCalendar: Epifania 6 / Transpigurasyon Pebrero 14 GINUNTUANG TALATA: At nililiman sila ng isang alapaap at mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!” Marcos 9:8 [MBB]. BIBLIKAL Ang transpigurasyon ay nangangahulugan ng pagbabagong-anyo sa isang mahiwagang pamamaraan. Habang binabasa natin ang Araling ito, makikita natin na hindi lamang nabago ang mukha ni Jesus, kundi pati damit. 1. Sino ang kasama ni Jesus sa bundok? Kasama ni Jesus sina Pedro, Juan at Santiago. 2. Sino-sino ang nagpakita kay Jesus sa ibabaw ng bundok? Si Moises at Elias ang nagpakita kay Juesus sa ibabaw ng bundok. 3. Ano ang iniaalok ng mga disipulo na gagawin nila sa tagpong ito? Inialok nila na gumawa ng 3 tirahan, isa para kay Moises, isa kay Elias, at isa kay Jesus. 4. Ano ang sinasabi ng tinig mula sa langit? Ang tinig nagsabi, “Ito ang aking anak, at minamahal ko siya; pakinggan ang anoman na kaniyang sasabihin.” 5. Kailan natin narinig ang tinig na ito noon? Ating narinig ang tinig na ito sa bautismo ni Jesus.

Narito ang halimbawa ng kaharian ng Diyos sa larawan ng pagbabagong-anyo ni Cristo. Nauna rito ang hula ukol sa kahariang darating, at darating upang makita: ang Kaharian ng Mesiyas ay itatayo sa sanlibutan dahil ganap nang sira ang pamahalaan ng Judaismo. Ito ang muling pagtatag ng kaharian ng Diyos sa gitna ng mga tao dahil kapwa nang bulok ang mga Judio at Gentil. Darating ito na may kapangyarihan at makikita sa sariling pamamaraan sa pangangaral, pagtuturo at pagpapagaling. Dumating na ito na may kapangyarihan, kaya naman naghiganti ang mga Judio hanggang kamatayan ni Cristo sa krus, at nangibabaw ito hanggan nagapi ang idolartrya sa sanlibutan ng mga Gentil. Na ito’y darating habang ang iba ay nabubuhay pa ngayon. Mismo si Jesus ang nagsabi, “Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggat di nila nakikitag naghahari ang Diyos nang may buong kapangyarihan,” [t1]. Tulad ito ng sinasabi sa Mateo 24:34, “Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang mga taong nabubuhay ngayon.” Sa mga nakatayo na kasama ni Cristo noon, dapat itong Makita, at sa iba na walang pagkaunawa sa kaharian ng Diyos ay hindi makakikita nito. Anim na araw pagkatapos ng hula ni Jesus ukol sa kaharian ng Diyos, ang larawan ng kahariang ito ay ipinakita sa pamamagitan ng pagbabagong-anyo ni Jesus sa ibabaw ng bundok. Sinimulan ito ni Jesus na ipaunawa sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa Kanyang kamatayan at paghihirap; at, upang maiwasan na hindi sila masaktan ukol dito, binigyan Niya sila ng siglaw [glimpse – short, hurried view] ng Kanyang kaluwalhatian, upang ipakita na ang kanyang mga paghihirap ay kusang-loob, at ipakita ang kalinisang budhi ng karangalan at kaluwalhatian ng Kanyang pagkatao na makukuha nila sa larawang ito, at at mahadlangan ang hapdi na idudulot ng kamatayan Niya sa krus. Narito ang ilang katotohanan: Una, ang transpigurasyon ay naganap sa isang mataas na bundok, tulad ng pakipag-usap ni Moses sa Diyos, na nasa ibabaw ng bundok ng Sinai. Ang tradisyon nagsasabi na ang transpigurasyon ay nangyari sa ibabaw ng bundok ng Tabor; kaya natupad ang hula sa Awit 89:12, “Timog at hilaga, ikaw ang naglagay; Bundok Hermo’t Tabor ay nag-aawitan, Inaawitan ka na may kagalakan.”

Ika-2, ang mga saksi ng transpigurasyon ay sina Pedro, Santiago, at Juan; silang tatlo ang may dala ng tala o record sa sanlibutan; nakita nila sina Moises at Elias na kausap si Jesus, at napakinggan nila ang tinig mula sa langit. Hindi isinama ni Jesus ang lahat na disipulo, maliban sa tatlong ito. Ito’y sapagkat ibig Niyang maging pribado ang tagpong ito. Lahat na banal ay isang bayan na malapit kay Cristo, ngunit ilan lamang ang malapit sa Kanyang puso. Si Santiago ang una sa lahat ng mga disipulo na namatay para kay Cristo; si Juan na nabubuhay ay huling saksi ng Kanyang kaluwalhatiang ito. Dala niya ang talang ito sa Juan 1:14, “Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.” Tulad ni Juan, si Pedro ay nasaksihan ang Dakilang Kaluwalhatian ng langit.! Sa 2 Pedro 1:16-18, siya’y nagsabi, Ang ipinahayag naming sa inyo tungkol sa muling pagparito ng ating Panginoong Jesus-Cristo, na puspos ng kapangyarihan, ay hindi sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan namin ang kanyang kadakilaan nang ipagkaloob sa kanya ng Diyos Ama ang karangalan at kapurihan. Ito’y nangyari nang marinig ang tinig mula sa Dakilang Kaluwalhatian ng langit: “Ito ang pinakamamahal kong Anak, siya ang lubos kong kinalulugdan.” Narinig naming ito sapagka’t kami’y kasama niya sa banal na bundok. Ika-3, ang paraan ng transpigurasyon: si Jesus ay nagbago-anyo. Ang isang pagbabago ng mga pagkakataon ay milagro kung ang dating sustansya ay nanatiling pareho. Ngunit ang pagbabago na kilala sa tawag na transubstantiation ay hindi milagro kung may pagbabago sa sustansya at ang mga pagkakataon ay nanatiling pareho. Tingnan kung ano ang isang dakilang pagbabago na capable sa katawan ng tao kung ikinararangal at kinalulugdan ng Diyos na ilagay sa kanila, tulad ng gagawin Niya sa mga banal pagdating ng pagkabuhay muli. Siya ay nagbagong-anyo sa harapan nila; ang pagbabago ay maaaring mangyari [probable] na unti-unti [gradual], mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian,

Ika-4, ang mga kasamahan ni Jesus sa kaluwalhatiang ito ay sina Moises at Elias [t4]. Sila’y nakitang nakikipag-usap kay Jesus, hindi upang turuan Siya, kundi upang magtestigo sa Kanya, at upang magpaturo sa Kanya. Tila nakikita silang nagpapalitan ng mga pangungusap sa bawa’t isa sa pagitan ng maluwalhating mga banal na ito, ngunit hindi natin maunawaan kung ano ang pinupunto ng kanilang usapan. Si Moises at Elias ay nabuhay sa isang magkalayong panahon, ngunit sa langit, kung saan an una ay mahuhuli, at ang huli mauuna, na ang ibig sabihin, ANG LAHAT AY UNA KAY CRISTO.

upang ang mga disipulo na nakasaksi sa Kanyang pansamantalang pagbabago-anyo ay may malinaw at pinaka tumpak na patunay na mapapanghawakan, at ang maluwalhating pagpakita ay walang iba kundi mismo ang mapagbiyayang si Jesus na hindi tanawing-di-tunay [malikmata o ilusyon]. Ganito ang sabi sa 1 Juan 1:1, Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa’y siya na, ang Salita na nagbibigay-buhay. Narinig naming siya at nakita, napagmasdan at nahipo n gaming mga kamay.” Si Juan ay nagsasabi ukol sa salita ng buhay, na nasaksihan ng kanilang mga mata at nakita Siya. Ang Kanyang damit na kasuutan ay nagliliwanag. Marahil, kung itim ang kulay nagbabadya ito ng kalungkutan, gayunpaman, ang Kanyang damit labis na labis sa kaputian tulad ng niyebe [snow].

Ika-5, ang dakilang katuwaan sa bahagi ng mga disipulo sa pagkakita ng tanawing ito at pagkarinig ng usapang ito ay ipinahayag ni Pedro, ang tagapagsalita nila; Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo...” [t5]. Kahit na si Cristo ay nagbagong-anyo, at nasa panahon pa ng pakikipag-usap kay Moises at Elias, gayunpaman pinaunlakan Niya si Pedro na makapagsalita sa Kanya, at malayang masabi ito sa Kanya tulad ng dating gawi ng pagsasalita. Karamihan, sa kanilang kadakilaan, inuobliga nila ang kanilang kaibigan na malayo sa kanila; ngunit kahit na si Jesus ay nasa maluwalhating kalagayan ang tunay na mga mananampalataya ay may bukas na pinto at malayang makapagsasalita sa Kanya. Gayunpaman sa makalangit na usapan ay may lugar para kay Pedro na ilagay sa isang salita, at kanyang sinabi, “...mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng 3 kubol...” at dito na tayo manirahan magpakailanman. Tandaan, ang mga mapagbiyayang kaluluwa ay ibinibilang itong mabuti na makasama si Cristo, mabuting malapit sa Kanya, mabuting kasama Siya sa ibabaw ng bundok, kahit na malamig at nag-iisang lugar; mabuting mamahinga dito mula sa sanlibutan, at nag-iisa kasama si Cristo; at at kung mabuting kasama ang nagbagong-anyo na si Cristo sa isang bundok na nariyan si Moises at Elias, lalong mabuti na kasama ang maluwalhating Cristo sa langit na kasama ang lahat na banal. Ngunit masdan ito, habang ibig ni Pedro manirahan dito, nakalimutan niya ang pangangailangan ng presensya ni Cristo at ang pangangaral ng Kanyang mga disipulo sa mga tao. Sa oras na yaon, nakita nila ang napakaraming taong nakapaligid sa mga alagad na naiwan at ang mga eskriba na nakipagtalo sa mga ito [t14]. Tandaan, kapag mabuti sa atin, madali tayong makalimot ng kapakanan ng iba, at sa katuparan ng ating katuwaan nakakalimutan natin ang pangangailangan n gating mga kapatid sa pananampalataya. Isang kahinaan ni Pedro ang pagpabor sa pribadong pagtitipon na kasama ang Diyos bago ang pampublikong pagtitipon. Ibig ni Pedro ang tatlong hiwalay na kubol para kay Moises, Elias at Cristo, na hindi magandang paraan. Isinasagisag ni Moises ang Kautusan, ni Elias ang mga propeta, at ni Crsito ang Evangelio. Ang magandang paraan ay

isang kubol ay maaaring mapag-isa ang lahat na ito, hindi hiwalay. Manirahan ang tatlo sa pagkaka-isa. Pasensyahan natin si Pedro sapagkat hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi [t6]. Ika-6, ang tinig mula sa langit ay isang pagpatotoo ng pagiging Tagapamagitan ni Cristo [t7]. Nililiman sila ng isang alapaap, at iyan ay nagsilbing isang silungan [shelter] nila. Si Pedro ay nagsalita ukol sa paggawa ng mga kubol para kay Cristo at mga kaibigan; ngunit habang siya’y nagsasalita nakita niya kung paano ang kanyang proyekto na halinhan; ang alapaap na ito ay lumilim sa kanila bilang bubong sa halip ng mga kubol. Ito ang katuparan ng hula sa Isaias 4:5-6, Pagkatapos, lilikha siya ng isang ulap na lililim sa ibabaw ng Bundok ng Sion kung araw at magiging maliwanag na ningas kung gabi. Lalaganap ang kanyang kaningningan, parang malawak na bubong na magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan sa unos at ulan. Habang siya’y nagsasalita ukol sa mga kubol, ang Diyos ay lumikha ng Kanyang kubol na hindi gawa sa mga kamay ng tao. Mula sa ulap na iyan, isang tinig ang napakinggan na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!” Inari Siya, at tinanggap Siya, bilang Kanyang minamahal na Anak, at handang tumanggap sa atin; kaya nararapat na ariin din natin Siya at tanggapin Siya bilang ating minamahal na Tagapagligtas, at kailangang isuko natin ang atin mga sarili upang pamahalaan Niya tayo bilang ating Panginoon. Ika-7, pagkatapos ng tinig, nakita nilang wala na sa paligid sina Moises at Elias maliban kay Jesus [t8] na bumalik na sa dating anyo. Tandaan, ang ordinaryong presensya ni Cristo ay mamamalaging kasama ng mga disipulo hanggang katapusan ng sanlibutan. MGA TANONG: 1. Ano ang transpigurasyon? Saan Bundok ito naganap? Kailan? 2. Sino-sino ang mga saksi nito? Ipaliwanag. 3. Bakit naroron si Moises at Elias sa pagbabagong-anyo ni Jesus? Ano ang isinasagisag ng tatlong ito? Ipaliwanag. 4. Ano ang proyekto ni Pedro na hindi natupad? Ipaliwanag. 5. Ano ang tinig na napakinggan mula sa alapaap? Ang tinig bang ito ay napapakinggan sa sarili nating buhay? Ipaliwanag.

ARALIN 12: PINAGALING NI JESUS ANG MAY KETONG Mar 1:40-45 CYCalendar: Kwaresma 1 21

Pebrero

GININTUANG TALATA: Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupa’t hindi na hayagang makapasok ng bayan si Jesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako, Marcos 1:45 [MBB]. BIBLIKAL Ang ketong ay ang pinakamasamang karamdaman sa panahon ni Jesus. Ito ay isang pangmatagalang karamdaman na walang hapdi ngunit hindi nakamamatay, subalit ito ay humahadlang sa tao sa pagpunta sa sinagoga o templo upang makapanambahan at manalangin. Pauli-ulit na nakikita natin ang pagpapagaling ni Jesus sa isang pisikal na karamdaman upang ang mga tao ay manumbalikk sa Diyos para mapagaling sila sa kanilang espirituwal na mga karamdaman. 1. Ano ang sinabi ng taong may ketong kay Jesus? Ang taong may ketong ay nagsabi, “Mapapagaling mo ako, kung nanaisin mo.” 2. Ano ang sinabi ni Jesus sa may ketong? Si Jesus nagsabi, “Ibig ko. Ngayon magaling ka na.” 3. Ano ang sinabi ni Jesus na gawin ng taong ito? Sinabihan ni Jesus ang taong ito na ipakita sa pari ang kaniyang sarili at magdala ng isang handog sa templo. ALAM BA NATIN ITO? Narito ang salaysay ng ketongin na pinagaling ni Jesus, tulad ng salaysay sa Mt 8:2-4. Ang salaysay na ito ay nagtuturo ng tatlong bagay: Una: tumanggap ng biyaya at habag ang ketongin mula kay cristo. Dumating ang ketongin kay Jesus. Sa buong pagpapakumbaba, ang ketonging ito ay nanikluhod at nagmakaawa [t40]. Diyos man o Propeta ang turing niya kay Jesus, nagtuturo ito sa atin na sa mga tumanggap ng biyaya at habag mula kay Cristo nararapat na iugnay sa Kanya ang paggalang at pagluwalhati, at lumapit sa Kanya na may pagpapakumbaba at may pasasalamat. Ang ketonging ito ay nanampalataya sa kapangyarihan ni Cristo, “Kung ibig po ninyo’y mapapagaling ninyo ako.”

Nanampalataya siya na si Jesus ay sugo ng Diyos. Dahil dito wala siya duda sa kakayahan ni Cristo sa pagpapagaling upang makamtan ang bagong ginhawa at kalagayan ng kaniyang sarili.

na susunod sa Kanya. Hindi sa ayaw niyang gumawa ng kabutihan sa lahat, kundi gagawin Niya ito sa maliit na ingay upang hindi makadulot ng sakit ng ulo ng pamahalaan, o makapagbigay ng ligalig sa pampublikong kapayapaan.

Ika-2: Ang pananampalataya ng ketongin. Lumapit ang ketongin kay Jesus hindi sa porma ng panalangin, gayunpaman siya’y tinugon ni Cristo. Tinugon siya dahil sa kanyang pananampalataya. a. Nabagbag ang loob ni Cristo na puno ng habag dahil sa kanyang pisikal at espiritwal na kalagayan. Ang misirableng kalagayan natin ang batayan ng habag ni Cristo. b. Dahil sa habag, hinipo ni Cristo ang ketongin at sabay sinabing, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon din nawala ang ketong at magaling na [t42]. c. Sa kapangyarihan ng salita ang sakit na ketong ay gumagaling. Ganito ang sabi sa Awit 107:20, “Sa salita lamang na kanyang pahatid, sila ay gumaling at naligtas sa kapahamakan....” Ganito rin ang sabi sa Juan 15:3, “Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo.”

MGA TANONG:

Ika-3: Huwag nang magkasala. Ang lalaking gumaling sa ketong ay pinagsabihan na huwag nang magkasala. Ganito ang sabi sa Juan 5:14, Pagkatapos, nakita ni Jesus sa loob ng templo ang lalaki at sinabihan, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang magkakasala at baka may mangyari sa iyo na lalo pang masama.” Alalahanin na ang ketong ay tanda ng parusa sa mga nagkasala, tulad ng kaso ni Miriam [Bilang 12:1-9 – ukol sa pagkontra niya sa otoridad ni Moises], Gehazi [2 Hari 5;20-27 – ukol sa paghingi ng pera kay Naaman], at Uzziah [2 Cronica 26:16-23 – ukol sa pag-abuso ng kapangyarihan bilang hari particular sa pagsunog ng kamanyang na hindi niya tungkulin kundi ng mga saserdote]. Nang mapagaling na ni Cristo ang lalaking ito sa sakit na ketong, pinaalalahanan siya na huwag nang magkasala pa sapagkat mas higit pa rito ang maaaring mangyari kung siya’y muling babalik sa pagkakasala. Itinakda rin ni Cristo sa kanya: Una, ipakita ang sarili niya sa saserdote, upang ang saserdote sa kaniyang sariling paghatol na totoo nga na gumaling siya sa ketong siya ay maging isang saksi para kay Cristo at maniwala na Siya nga ang Mesiyas [Mt 11:5]. Ika-2, matapos magawa niya ito, wala na siyang sasabihin ukol dito sa sinumang tao: ito ang halimbawa ng kapakumbabaan ni Cristo – hindi Niya hinanap ang pangsariling dangal [Isaias 42:2]. At ito ang isang halimbawa para sa atin, na huwag hanapin ang pangsariling kaluwalhatian [Kawikan 25:27]. Ang pagpapagaling na ito ay hindi dapat ipahayag ni Cristo sapagkat lalong dadami ang kapal ng tao

1. 2. 3. 4.

Ano ang ketong? Ano ang biyaya at habag na tinanggap ng ketongin mula kay Jesus? Ano ang batayan ni Jesus sa pagpagaling ng ketonging ito? Bakit pinagbawalan ni Jesus na huwag ipamalita ang pagpapagaling na ito? 5. Kung may pisikal na ketong, mayroon din bang espirituwal? Ipaliwanag.

ARALIN 13: PINAGALING NI JESUS ANG BIYANANG BABAE Mar 1:29-39 CYCalendar: Kwaresma 2 Pebrero 28 GININTUANG TALATA: Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya, Marcos 1:34 [MBB]. BIBLIKAL Kahit na wala tayong aktwal na paraan upang malaman ang bilang ng mga tao na napagaling ni Jesus, ang ibang mga eskolar ibig ituldok na sa mga salaysay ni Marcos sa mga indibidwal na pagpapagaling, bawa’t panahon na may isang Judio na napagaling ni Jesus, isang Gentil ang pinapagaling Niya, at bawa’t panahon na ang napapagaling ay isang lalake, isang babae ang Kaniyang pinapagaling. Alam ni Jesus na ang Kaniyang misyon ay magpagaling at mag-aliw sa lahat ng mananampalataya sa Diyos, at alam natin na ang lahat na tao, anuman ang lahi, kasarian, o paniniwala, ay nilalang ng Diyos. 1. Saan pumunta si Jesus pagkatapos ng miting sa sinagoga? Pagkatapos ng miting, si Jesus umuwi sa bahay kasama si Pedro at Andres. 2. Ano ang ginawa ng mother-in-law ni Pedro pagkatapos mapagaling siya? Siya’y naghanda ng hapunan para sa bawa’t-isa. 3. Pagkatapos ng paglubog ng araw, matapos ang Sabbath, sino ang dumating sa bahay? Nang gabi na ang mga tao na may sakit o inalihan ng demonyo dumating sa bahay upang mapagaling. ALAM BA NATIN ITO?

May apat na punto ang mga talata sa ating Aralin ngayon: Una: Ang lagnat ng biyanang babae ni Pedro ay pinagaling ni Jesus. Pagkatapos na mabantog ang pangalan ni Jesu-Cristo sa lahat ng dako ng Galilea, hindi Siya tumigil upang umupo o mahiga sa kama. Nagpatuloy Siya sa paggawa ng kabutihan sapagkat ito ang pakay ng Kanyang misyon, at hindi ang kabutihan para sa personal na dangal upang mabantgog. Kailangan Siyang maging abala [busy] at maingatan ang reputasyon ng Kanyang pangalan. Nang lumabas na Siya sa sinagoga ng Capernaum kung saan Siya nagturo at nagpagaling na may otoridad, Siya’y pumunta sa bahay ni Pedro. Marahil inanyayahan Siya sa bahay ng isang mangingisdang ito at tinanggap Niya ito. Pinagaling Niya ang biyanang babae ni Pedro na noon ay may lagnat. Saan man si Cristo pumunta, Siya’y nakagagawa ng kabutihan. Matapos mapagaling siya ni Jesus, ang biyanang babaeng ito ay naglingkod sa kanila sa pamamagitan ng paghanda ng hapunan. Ika-2: Ang sari-saring sakit ng mga tao ay pinagaling din ni Jesus sa bahay ni Pedro. Nang gabi ng Sabbath, pagkatapos ng paglubog ng araw, nagsidatingan ang mga may sakit at silang inaalihan ng masasamang espiritu hanggang natapos ang Sabbath. Kahit na naipakita Niya na legal ang magpagaling sa mga araw ng Sabbath, gayunpaman, kung may mga natisod, sila ay malayang makapagtatanong at maluwag itong tinatanggap. a. Gaano kadami ang pasyente? Hindi sinabi kung ilan, kundi buong lunsod ay nagtipontipon sa harapan ng pinto ng bahay [t33] na nagmamakaawang mapagaling. Sa sinagoga, ang publikong lugar, at sa bahay, ang pribadong lugar, saan man si Cristo pumunta, Siya ngayon ay sinusundan. Ngayon, ang Araw ng Katuwiran [Sun of righteousness] ay nagliliwanag na may pagpapagaling sa Kanyang pakpak; sa Kanya nagipon-ipon ang makapal na tao sapagkat Siya’y sinusundan pagkatapos ng isang pangyayari ng pagpapagaling sa sinagoga at bahay. b. Gaano kalakas ang kapangyarihan ng Manggagamot na ito? Kung gaano kalakas hindi sinabi, ngunit LAHAT na dinala sa Kaniya, kahit na gaano karami na mang-iba-ibang sakit, Kanyang pinagaling sila. Ang Kanyang salita ay Panpharmacon – salitang naka pagpapaginhawa sa hapdi at kirot ng bawa’t sakit. Ika-3: Ang pahinga ni Jesus sa pribadong buhay. Si Jesus ay nagsamba sa pamamagitan ng personal na panalangin [t35]. Maaga Siyang nagbangon at nagtungo sa ilang na pook at doon Siya nag-iisang

nanalangin. Kahit na Siya’y Diyos Siya’y nanalangin, tulad natin. Kahit na Siya’y nagluluwalhati sa Diyos, at gumagawa ng kabutihan sa pampublikong gawain, gayunpaman, Siya’y humanahanap ng pribadong oras upang nag-iisang makasama Niya ang Kanyang Ama sa langit. 1. An oras ng panalangin ni Cristo ay madaling araw o umaga pagkatapos ng araw ng Sabbath. Ang Sabbath ay nagsisimula sa unang araw ng Linggo [Sunday] at nagtatapos sa araw ng Sabado [Saturday] bago muling magsimula ang susunod na pitong araw. Kaya si Cristo ay maagang nagsamba tuwing Linggo [first day of the week- na Kanyang pinagingbanal] habang ang iba ay natutulog pa ng mahimbing sa kanilang kama. Ngunit Siya’y nanalangin rin tuwing hatinggabi upang magpasalamat. 2. Ang pook ng panalangin ni Cristo ay isang pribadong lugar upang makapag-iisa. Ito’y maaaring gawin sa labas ng lunsod o bayan, o sa malayong garden o walang mga bahay, o sa alin man na lugar na walang ingay, panganib, o tukso. Ipinakita Niya ang halimbawa kung paano manalangin tulad ng Kanyang sinabi na kung tayo’y manalangin pumasok tayo sa isang saradong lugar. Ganito ang kasabihan: “Secret prayer must be made secretly with God.” Kaya kahit saan ka man naroroon kung ipikit mo lang ang iyong mata maaari ka nang magsamba sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Ang Unang Iglesia ay may praktis sa dalawang uri ng panalangin:Personal na panalangin – isinasagawa ito tuwing umaga, hapon, at gabi; at Pampublikong panalangin – isinasagawa ito ng madalas sa mga pagtitipon na may pananambahan at ginagamit ang itinurong Panalangin ng Panginoon [Lord’s Prayer]. Ika-4: Ang pagbalik ni Jesus sa pampublikong gawain. Akala ng mga disipulo sila ay gumising ng maaga, ngunit nalaman nila na ang kanilang Panginoon ay mas maagang nagising kay sa kanila at sila’y nagtanong kung saan Siya pumunta. Hinanap nila Siya at natagpuan Siya na nag-iisa sa ilang na pook habang nananalangin [t36-37]. Sinabihan nila Siya na maraming pasyente ang naghihintay sa Kanya [tulad sa isang manggagamot na maraming pasyente sa kanyang klinika]. Nalulugod sila na ang kanilang Panginoon ay naging popular na sa sarili nilang lunsod [Capernaum]. Ngunit sabi ng Panginoon, “Ang pangangaral at pagpapagaling ng Mesiyas ay hindi lamang para sa Capernaum kundi sa ibang lugar man ng Galilea. Ang Kanyang aral o doktrina ay nakatutok sa pangangaral, pagtuturo at pagpapagaling ng mga tao sa mga sinagora,

lalo na ang paghahagis ng mga masasamang espiritu sa mga inaalihan nito sa alin mang dako ng Galilea. MGA TANONG: 1. Ano ang matinding karamdaman ng biyanang-babae ni Pedro? Simpleng lagnat lamang ba? O may highblood? 2. Paano siya pinagaling ni Jesus? At ano ang kanyang nang siya’y gumaling? 3. Dati si Jesus ay nagpapagaling sa sinagoga ng lunsod, bakit ngayon Siya’y nagpapagaling sa isang bahay sa labas ng lunsod? 4. Paano hinahati ni Jesus ang oras ng pagsasagawa ng Kanyang misyon? 5. May oras ka ba sa pagsamba na kasama ang kapwa mananampalataya? Ipaliwanag ang inyong pampubliko at pribadong gawain.

5. :Was crucified, dead, and buried, He ascended into hell; the third day he rose again from the dead: 6. :He ascended into heaven, And sitteth on the right hand of God the Father Almighty: 7. From thence he shall come to judge the quick and the dead. 8. :I believe in the Holy Ghost: 9. :The holy Catholick Church; The Communion of Saints: 10. :The Forgiveness of sins: 11. :The Resurrection of the body, 12. :And the Life everlasting. Amen. ______________ *In the Church of England there are currently two authorized forms of the creed: that of the Book of Common Prayer [1662] and that of Common Worship [2000].

APOSTLES’ CREED* [The Book of Common Prayer, 1662] 1. :I BELIEVE in God the Father Almighty, Maker of heaven and earth: 2. :And in Jesus Christ his only Son our Lord: 3. :Who was conceived by the Holy Ghost, Born of the Virgin Mary: 4. Suffered under Pontius Pilate,

APOSTLES’ CREED* [The Ecumenical Version, 1988]

I believe in God, the Father almighty, creator of heaven and earth. I believe in Jesus Christ, God’s only Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary, suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried; he descended to the dead. On the third day he

rose again; he ascended into heaven, he is seated at the righ hand of the Father, and he will come to judge the living and the dead. I believe in the Holy Spirit, the holy catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting. Amen. ______________ *The English Language Liturgical Consultation [ELLC] is an international ecumenical group whose primary purpose is to provide ecumenically accepted texts for those who use English in their liturgy. In 1988 it produced a translation of the Apostles’ Creed, distinguished among other things by its avoidance of the word “his” in relation to God.

APOSTLES’ CREED* [The Common Worship, 2000]

I believe in God, the Father almighty, creator of heaven and earth. I believe in Jesus Christ, his only Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin mary, suffered under Pontius pilate,

was crucified, died, and was buried; he descended to the dead. On the third day he rose again; he descended into heaven, he is sitted at the right hand of the Father, and he will come to judge the living and the dead. I believe in the Holy Spirit, the holy catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting. Amen. __________ *The Presbyterian Church uses the same text as is in the 1662 Book of Common Prayer, but with modernized spelling “catholic” and some changes from upper to lower case letters.

United Church of Christ of the Philippines NORTH BICOL CONFERENCE 50-1 Penafrancia Avenue Naga City

BOOK LAUNCHING May 18, 2009 Kamakailan lamang ang North Korea ay nag-Rocket Launching noong Abril 6, 2009. Ngayon ang North Bicol ay magbu-book

Launching para sa ating Mga Aralin sa Paaralang Lingguhan 20092010. Ang rocket ay letal o nakamamatay; ang aklat na ito ay naglalaman ng mga aralin kung paano mapasigla ang buhay ng ating pananampalataya sa Panginoon.

3.

May nagsabi na ang aklat ay tagapagdala ng sibilisasyon. Kung walang mga aklat, ang kasaysayan ay pipi, ang literatura o panitikan ay bingi, ang siyensya ay lumpo, ang isip at espikulasyon ay nakatigil. Sa pamamagitan ng aklat o MGA ARALING ito tayo ay matututo. Matututo tayo ng 1% sa pamamagitan ng taste; 1.5% touch; 3.5% smell; 11% hearing; 83% sight.

Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.” Ito’y

Ang Mga Araling ito ay bunga ng panghihikayat ng ating Conference Minister, Rev. Samuel N. Torres. Buong pusong tinanggap ng may akda ang panghihikayat na ito sa ngalan ng paglilingkod sa ilalim ng Special Ministry ng may akda upang matugunan ang pangangailangan ng mga Iglesya Lokal sa ating Konperensya.

galing sa Diyos na ipinahayag ng mga taong kinasihan ng Espiritu. Sa 2 Ped 1:21 ganito ang sabi, “Sapagkat hindi nagbuhat sa kalooban ng tao ang hula ng mga propeta; ito’y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong kinasihan ng Espiritu Santo.” Ito’y mga pananalitang turo ng Espiritu at

Naisulat po ang Mga Araling ito batay sa 6 na prinsipyo: 1.

hindi ayon sa karunungan ng tao. Sa 1 Cor 2:13 si Pablo nagsabi, “Sa mga nagtataglay ng Espiritu, ang ipinaliliwanag

Na ang relihiyon ay kailangan ng tao, sapagkat sa pamamagitan ng nito nalalaman kung sino ang Diyos na dapat katakutan at mahalin at gampanan ang katungkulan ng tao sa pagsunod sa Kanyang mga utos. Sa Ecclesiastes 12:13 ganito ang sabi, “Matakot ka sa Diyos at

nami’y mga katotohanang espirituwal; mga pananalitang turo ng Espiritu at hindi ayon sa karunungan ng tao ang ginagamit namin.” Kaya ang MGA ARALING ito ay hindi karunungan

ng may akda kundi karunungan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

sundin mo ang kanyang mga utos pagkat ito ang buong katungkulan ng tao.”

2.

Na ang kapahayagan ng Diyos ay kailangan sa wastong relihiyon, sapagkat sa pamamagitan ng kapahayagan na nakatala sa eskriptura ang pananampalataya ng tao ay dumarating sa pamamagitan ng pakikinig ng mga salita ng Diyos. Sa Roma 10:17 ganito ang sabi, “Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo.”

Na ang mga kapahayagan ng Diyos ay matatagpuan sa mga eskriptura ng Matanda at Bagong Tipan. Bago pa man naisulat ang Biblia, may mga relihiyon na at mga kapahayagan ang Diyos. Pinatutunayan ito ng mga bisyon, milagro, at hula na may mga pruweba at ebidensya na naitala sa pamamagitan ng sulat. Halimbawa, ang Sampung Utos sa Bundok ng Sinai, matagal na sanang nawala ito at nakalimutan kung ito ay ipinasa sa pamamagitan ng tradisyon lamang. Kung hindi ito naisulat, hindi na rin ito nakarating sa ating panahon. Ang anumang naisulat ay namamalagi para sa ating kapakinabangan. Lahat na eskriptura ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay kinasihan ng Diyos. Sa 2 Tim 3:16 ganito ang sabi, “Lahat ng kasulata’y kinasihan ng

4.

Na ang layunin ng eskriptura o Biblia ay nadisenyo para sa ating pag-aaral. Pinatutunayan ito ni Pablo sa Roma 15:4, “Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay

nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito.” Ang Mabuting Balita ay maaaring

napakinggan ngunit wala itong pakinabang kung hindi ito pinaniwalaan. Sa Heb 4:2 ganito ang sabi, “Sapagkat tulad nila’y napakinggan din natin ang Mabuting Balita. Ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig sapagkat hindi nila ito pinaniwalaan.” Ang kasaysayan ng Matandang

Tipan ay nasulat bilang babala at turo para sa ating panahon. Sa 1 Cor 10:11 ganito ang sabi, “Nangyari ito sa

kanila bilang babala sa iba, at nasulat upang turuan tayong mga inabot ng huling panahon.” Ang Matandang Tipan ay

hindi almanak na wala na sa panahon. Tayo ay pinanday sa pundasyon ng mga propeta at mga apostol kung saan si Cristo mismo ang panulukang-bato. Sa Efeso 2:20, ganito ang sabi, “Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.” Ang pagsalin ng Matandang Tipan sa wikang

Griego ng 70 sa pagitan ng 200 at 300 na taon bago ipinanganak si Cristo ay isang nakalulugod na paghahanda para sa Mabuting Balita. Ang Bagong Tipan ang nagpaliwanag at nagbuo ng Matandang Tipan. Kaya ipinagtitibay [confirms] ng Matandang Tipan at ipinaglalarawan nito ang Bagong Tipan at ipinakita sa atin si Cristo Jesus bilang nakaraan, ngayon at darating. 5.

Na ang banal na Biblia ay hindi lamang nakadisenyo para sa ating pag-aaral, kundi ito ay batayan ng ating pananampalataya at pagsasabuhay. Hindi lamang ito isang aklat, kundi ito’y otoridad na aklat ng kaharian ng Diyos kung saan tayo nangangako ng pagsunod sa Kanya bilang Panginoon at binubuklod tayo na magtalima sa Kanya. Makinig [hear] man tayo o magpigil [forbear], kailangan tayong pagsabihan na ito ang orakulo [oracle] na dapat nating pagkunsultahan ng wastong aral ng ating pananampalataya at pamumuhay. Ito ang testimonya, ito ang kautusan na nagtali at nagsilyo sa gitna ng mga disipulo. Sa Isa 8:16,20 mababasa ang ganito: Itanim mo sa isip ang patotoong ito, iukit mo ang mga aral na ito sa puso ng aking mga alagad. Ganito ang inyong isasagot, “Nasa inyo ang aral ng Diyos at ang patotoo! Huwag kayong makikinig sa mga sumasangguni sa espiritu, ipapahamak lang kayo ng mga iyan.”

6.

Na obligasyon ng lahat na Kristiyano na magsigasig sa pagsaliksik ng eskriptura, at tungkuling ng mga ministro na patnubayan at tulungan sila sa

pagsaliksik na ito. Gaano man kahalaga ang aklat na ito, wala itong saysay kung hindi ito batid [acquaint] sa pamamagitan ng pagbabasa araw-araw at nagagamit sa pag-nilay-nilay [meditate] upang maunawaan ang isip ng Diyos at mailapat ang anumang naunawaan para sa ating direksiyon ng wastong pamumuhay. Sa Awit 1:2 mababasa ang ganito: “Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral, ang utos ni Yahweh siyang binubulay sa gabi at araw.” Kaya magsasaliksik tayo gabi at araw sa

patnubay ng Banal na Espiritu na siyang magtuturo at magpapaalaala sa atin ng mga sinabi ni Cristo. Sa Juan 14:26 mababasa ito: “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat na bagay at magpapaalaala ng lahat na sinabi ko sa inyo.”

Naumpisahan ang pagsusulat ng MGA ARALING ito noong Abril 2008. Ngayon tapos na ang 3 kwarter at ang huling kuwarter ay matatapos na rin. Kaya magagamit na ito simulang Hunyo 2009 sa mga Iglesya Lokal ng North Bicol Conference, United Church of Christ in the Philippines. Naisulat po ito, hindi sa lenguwaheng Bikol, kundi sa wikang Tagalog na maaaring gamitin hindi lamang ng mga Bikolano kundi ng lahat na nakakaunawa ng wikang Filipino. Hindi madali ang magsulat ng mga ito. Kinailangan ang sapat na panahon ng malalimang pag-aaral na may panalangin at pagpupuyat tuwing hating-gabi; sapat na panahon ng pagsusulat batay sa paksa ayon sa Church Year Calendar na tugma sa UCCP Ecclesiastical Year; at sapat na material ngunit may gastos sa pagpalimbag, hindi sa pamamagitan ng Printing Press, kundi sa “sariling sikap at tiyaga”. Kung ipalimbag ito sa Printing Press, required ang 500 copies na order, at ang gastos ng bawat kopya na may 152 pahina ay aabot sa P160.00 per copy, [o P80,000.00 sa kabuuan]. Ngunit kung sa sariling-sikap at tiyaga 31.5% lang ang gastos [P50.40/copy] sa refilled ink, papel, at iba pang material na kailangan sa pagbuo ng isang aklat.

Handog ko ang Mga Araling ito sa Panginoon. Handog ko rin ito sa aking kabiyak at pamilya. At handog ko ito sa mga Iglesya Lokal ng North Bicol. REV. EDMUNDO H. PIELAGO May Akda

Related Documents