PITONG LUKSA Unang Tagpo Prologue Sa tagpong ito, makikita ang mga pangunahing tauhan na nakagapos ng pawang mga kadena. Malungkot ang kanilang mukha. Ang iba ay may galit. Ang lahat ay umiiyak at naluluha. Sa saliw ng tugtog, dahan-dahan silang lalakad patungo sa harap ng bulwagan at tutungo sa kani-kanilang posisyon. Hihinto ang tugtugin kapag sila ay nasa posisyon na. Kapag ang mga pangunahing tauhan ay nasa posisyon na, pawing maghihilaan sila at pipiliting tanggalin ang kadenang nakakabit sa kanila ngunit hindi sila magtatagumpay. Ang ibang tauhan naman ay nakatayo lamang sa kanikanilang itinakdang posisyon sa harap ng bulwagan at nakatitig sa kawalan. Magsisimula ang lahat sa pagtatapos ng musika. Ikalawang Tagpo “Purgatorio” Matapos ang musika, tatahimik ang lahat. Isa-isang magsasalita ang mga pangunahing tauhan. Brenda: Tony:
Brenda: Niña:
Cong. Jason Romualdez:
Ako si Brenda. Bakit ganyang kayo makatingin? Mukha ba akong hostess? For your information, hindi ako hostess. Office girl ako no! Ako si Tony. Totoo ang nabalitaan ninyo. Pumapatay nga ako. Nagawa ko lng yun nang dahil sa pera. Maysakit kasi ang anak ko noon at wala akong trabaho. Mga ilang beses ko din ginawa yun. Kaya itong babaeng ito, (Ituturo si Brenda) kapag hindi ito nagsabi ng totoo, papatayin ko rin ito! Hoy! Ako ba ang pinariringgan mo? Excuse me. Hindi kita papatulan! Office girl ako. May pera ka ba? Ka-level mo ba sina Mayor? Congressman? Governor? O kaya si Senator? Aba, amok o yata sila! Niña ang pangalan ko. Madalas nilang sabihing putok daw ako sa buho… ampon. Marahil ay dahil sa hindi ko nakagisnan ang mga magulang ko. Maaga yata akong naulila… Ewan ko, wala akong nalalaman… ni hindi ako nakapag-aral. Wala na akong pamilya. Yung mga kumupkop sakin? Heto, iniwan ako doon. Doon… doon sa lansangan. Yan ang tirahan ko. Galit ako sa mundo. Galit ako sa lahat. Sinisisi ko ang Diyos kung bakit ganito ang kapalaran ko. Marahas ako, matigas at walang puso. Ganyan ako. Ako si Cong, Jason Romualdez. Hindi naman talaga ako nandaya noong nakaraang eleksyon. Sinigurado ko lang naman na mananalo ako. Hindi ako ang gumastos kundi ang mga kaibigan kong negosyante ang naglabas ng pondo. Ni minsan hindi ko niloko ang bayan dahil hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap sila. Lagi kasi
Niña:
Nancy:
Brenda: Nancy:
Dr. Nuñez:
Melody:
akong nasa out-of-town. Ayan! Isa ka pa. Dahil sa mga pulitikong katulad mo, may mga tulad naming naninirahan sa lansangan. At ikaw, sino ka naman? (Titingin sa guro). (Nakatingin sa audience) Ako si Nancy. Isa akong guro. Madasalin ako at naglilingkod sa simbahan. Bata pa lamang ako sumasali na ako sa choir para maglingkod sayo. Noong magdalaga ako, sumali ako sa Singles for Christ. Naging Lector din ako ng parokya at aktibo ako sa lahat ng Gawain ng simbahan. Pero bakit ganito? Bakit ninyo hinayaang mangyari sa pamilya ko ang ganito? Kung talagang makapangyarihan ka at mahal mo ang mga naglilingkod sayo, bakit hinayaan mong maibaon sa lupa ang mga mahal ko sa buhay? Wala kang kwenta! Wala kang awa! Hoy! Ano ka ba? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasasabi mo? Hindi mo kilala ang kausap mo. Noon oo! Pero ngayon, hindi ko na nga yata siya kilala. Pinabayaan niya ako. Hindi naman ako nagkulang ng paglilingkod sa kanya. Halos buong buhay ko itinuon ko sa paglilingkod sa kanya sa pag-aakalang aalagaan niya ako at ang aking pamilya. Ngunit ano? Sakit at dusa ang napala ko. Wala siyang awa! Manggagamot. Yan ang tawag nila sa akin. Ginagamot? Oo. Binibigyang lunas ko ang problema ng mga dalagang tulad ninyo. Paano? Simple. Bihasa ako sa pagsasagawa ng aborsyon. Aborsyionista ako. Bakit? Kailangan kong kumita… kaya kahit sa illegal na paraan, walang problema. Ginagawa ko ito para sa aking sarili. Bumagsak ang mundo ko nang matanggalan ako ng lisensiya nang dahil sa malpractice. Ayoko na! Sumuko na ako. Wala akong magawa. Kailangan kong buhayin ang sarili ko at ang nag-iisang mahalagang tao na sa akin umaasa. Si Inay. Dr. Ernesto Nuñez ang pangalan ko. Doc. Ernie? Kilala kita ah. Salamat sa pagtulong mo sa kaibigan kong si Brenda. (Titingin sa audience) Magaling to! Siya ang naglaglag sa anak ni Brenda. (Tatawa) Ako nga pala si Melody. Nurse ako sa isang kilalang institute. Pero ano, tinapon ko ang kinabukasan ko. Paano, ilang bansa na ang inapplyan ko, makaalis lang sa lecheng lugar na yon pero hindi ako pinalad. Nag-top naman ako sa board. Tang ina, wala nang mas gagaling pa sa akin. Doon? Doon sa institute na yon? Isa lang ang sigurado ko, Na ako ang pinakamagaling na nurse doon. Ikatlong Tagpo “Ina, Narito Ang Iyong Anak, Anak, Narito Ang Iyong Ina.”
Aalis ang gumaganap na Brenda sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa scene sa sala habang sinasabi ang mga ito. Brenda:
Purgatoryo? Lugar iyon ng mga nagkasala na binibigyan ng pagkakataon. Ako? Binibigyan ng pagkakataon? Para ano? Para baguhin ang nagawa kong kasalanan? Ano ba ang nagawa ko? Hindi
ko maalala. (Bigla siyang titigil at may maaalala sabay sisigaw) Si Inay! Sa bulwagan, makikita ang isang anyo ng sala. Naroon sa salang iyon ang nanay ni Brenda na naghahanda ng kanyang mga paninda. Papasok si Brenda. Brenda: Nanay: Brenda:
Nanay:
Brenda: Nanay: Brenda:
(Sarcastic ang pagkakabigkas) Nanay, papasok na ‘ko sa school! Oh, Brenda, ito ang baon mo. Anak, mag-ingat ka ha? Bente pesos?! Ito lang?! Ano naman ang mabibili ko rito? Alam niyo naman inay na may mga project ako sa school! Baka naman pwede ninyong dagdagan! Kulang pa ‘tong pamasahe. Paglalakarin niyo ba ako? Anak, wala pa kasi akong kita. Hindi ko pa nga nailalako itong mga paninda ko. Heto oh, magbaon ka na lang nito. (Iaabot ni inay ang isang supot ng hamburger) para hindi ka na gumastos pa para sa pagkain. Ha? Ayoko nga niyan! Baka kung ano pang sabihin ng friends ko. Ang ganda ng porma ko tapos babaunan niyo lang ako ng nakabalot? Makaalis na nga sa bwisit na bahay na ito! (Hahabol kay Brenda) Brenda anak!!! (Titingin sa nanay) Ewan ko sa inyo! Bahala kayo sa buhay ninyo. Diskarte ko na ang sarili ko!
Aalis si Brenda.
Ang susunod na eksena ay magaganap sa kalsada nang
pansinin ni Ruel si Brenda. Ruel: Brenda: Ruel: Brenda:
Wow! Ang ganda mo naman! Hoy! Tigilan mo ‘ko ha! Wag mo akong asarin! Lalo akong minamalas. Wala akong makitang customer! Oh! Wag kang magalit. Nasisira porma mo eh. Kolehiyalang kolehiyala ka pa naman. (Mapangasar) Baliw! Kaya lang ako nagsuot ng ganito dahil baka mabuko ni nanay na hindi na ako pumapasok. Lalo kung hindi ako naka-uniform. Lumayas ka nga dito!
Sa puntong ito, aalis si Ruel at dadating ang isang lalaki. Ang lalaking ito ang customer ni Brenda Customer: Brenda: Customer: Brenda: Customer: Brenda: Customer:
Hi miss, busy ka ba? Depende, magkano ba? Ikaw, magkano ba tuition mo? Dalawang Libo. Physics lang. Walang Anatomy! Sige ba. (Aakbayan si Brenda at yayakapin) Ano ka ba? Masyado kang mabilis ah! Saka sabi ko Physics lang walang hawak! No touch! Halika nga dito! Pakipot ka pa eh! Sa bahaging ito, maaaring magaganap ang isang sex scene.
Uuwi sa bahay si Brenda at Madadatnan niya ang kanyang ina. Nakaupo ito sa sala. Brenda: Nanay: Brenda:
Inay! Inay! Brenda anak, bakit? Ano ang nangyari? Anong nangyari? Diyos ko! Ang anak ko… Inay, patawarin niyo po ako! Maririnig ang kantang “Anak” Ikaapat Na Tagpo “Ama, Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan…”
Aalis ang gumaganap na Melody sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa scene sa isang kalasada habang sinasabi ito. Melody:
Bakit ako naroon? Tama lang naman ang ginawa ko ah! Hindi naman talaga kakayanin ni Brenda ang ganoong pasanin…Ewan…
Magbabago ng mood si Melody. Siya ay mataray at mapagmataas. Pupunta siya sa scene kung saan naroon ang mga naguusap na grupo ng nurse. Nurse 1: Melody: Nurse 2:
Melody! Ang hirap ng pinagawa sa atin ngayon noh? Talagang hindi ko alam ang gagawin. E pano, tanga kayong lahat e. Ewan ko ba kung bakit ako kasama sa shift niyo. Puro kayo hindi marunong mag-isip. (Iiling iling si Nancy). Sige na nga, makaalis na… Ang yabang talaga non!
Lalakad si Melody palayo. Mawawala na sa eksena ang dalawang nurse. Makikita ni Melody si Brenda. Brenda: Melody: Brenda: Melody Brenda: Melody: Brenda: Melody: Brenda: Melody:
(Umiiyak) Hoy sister! How are you? Bakit ka umiiyak? Anong problema? Wala Ito. Iwan mo na ako. Anong wala lang? Umiiyak ka kaya. Kung anuman yang problema mo, alak lang ang makakasago niyan. Tara Brenda! Inom tayo! Alak? Oo, Alak! Wag mong sabihing hindi ka na umiinom? Hindi mo ba naalala nung nag-aaral pa tayo? Sa tambayan natin sa The Fort Strip? D’yan naman tayo magaling hindi ba? Kaya… Buntis ako Melody! Buntis ako. Yun ang problema. Dagdag pa niyan, ayaw ko ang dinadala ko. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Hindi ko alam na aabot sa ganon. Malas ‘to sa buhay ko Melody, Malas. Tang ina Brenda! Problema? Edi ipalaglag mo yan. Marami… Kasalanan yun Melody. Kahit ganito ako, may konsensiya naman ako… Konsensiya? (titingin sa audience at anyong magsisindi ng sigarilyo). Sa mundo nating punung-puno ng pagkukunwari at kasalanan, wala nang tao ang may konsensiya. Iyan ang isang bagay
na tila wala na sa tao. Noon, noong nagiisip pa nang tuwid ang tao, marahil hindi nila gagawin ang iniisip natin ngayon. Ngayon, sakim na ang tao at sarili na lamang ang iniisip. Hindi ikaw ang kauna-unahang babae ang gagawa niyan. Marami diyan. Sa katotohanan, marami na akong nadala kay Doktor na mga dalagang katulad mo na gustong magpalaglag. Kaya huwag kang makonsensiya. Mamili ka, kinabukasan mo o iyang sinasabi mong konsensiya? Wala kang ipapalamon diyan. Maging praktikal ka. Ipalaglag mo na yan. (titingin ulit kay Brenda). Mataas ako pumorsyento dahil hmmm, alam mo naman, lisensyadong nurse ako. Pero dahil kaibigan kita, Free of Charge. Tara! Ayoko. Tara na! (Hihilain si Brenda) may kilala ako. Si Doc. Nuñez
Brenda: Melody:
Ika-Limang Tagpo “Ama, Patawarin Mo Ako. Hindi Ko Alam Ang Aking Ginagawa” Aalis ang gumaganap na Dr. Nuñez sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa scene na may babaeng nakahiga sa kama at sasabihin ang linyang ito. Dr. Nuñez:
Mahusay akong doktor. Pinili ko ang ganitong Gawain dahil wala akong magawa… Ama, Patawarin Mo Ako. Hindi Ko Alam Ang Aking Ginagawa. Magna Cum laude ako noon at pangatlo sa board exam ng pagka-doktor (Makakarinig ng palakpakan). Mahusay ako sa klase at laging pinupuri ng mga guro. Ni minsan hindi ako umabsent. Hindi din ako mahilig bumarkada. Bahay eskwela lang talaga ako. Sa hindi inaasahang pagkakataon, natanggalan ako ng lisensiya dahil sa malpractice. Nagreklamo ang isang pasyente nang kumalat sa internet at youtube ang scandal sa operating room. Pinayagan ko kasi yung mga lokong yun na manguha ng video. Wala akong nagawa… natanggalan ako ng lisensiya. May T.B. ang nanay. Kailangan niya ng gamot. Ito lang ang pwede kong gawin.
Lalapitan ni Dr. Nuñez ang babaeng nakahiga sa kama na kanyang ina. Dr. Nuñez Inay: Dr. Nuñez: Inay:
Inay, aalis na po ako. Ernesto, mapalad ako at may anak akong tulad mo. Maalaga at mapagpasensiya. Huwag ka mag-alala anak, sandali na lang ang ilalagi ko sa mundo. Inay, wag po kayo magsalita ng ganyan. Aalis na po ako. Mag-iingat ka.
Lalakad ang doktor papunta sa kanyang opisina. May karatulang, Abortion Clinic – Dr.Nuñez. Papasok siya. Dr. Nuñez:
May pasyente na ba?
Secretary:
Wala pa po doc.
Darating sina Brenda at Melody. Melody: Nurse: Melody:
Miss, may pasyente ba si doc? Pwede ba siya? Wala pang pasyente si doc. Pasok na kayo. Salamat
Kakausapin nila Melody at Brenda si Dr. Nuñez. Dr. Nuñez: Melody: Dr. Nuñez: Brenda: Melody: Dr. Nuñez:
Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? Doc, magpapalaglag ho itong kaibigan ko, Na-dali eh! Fill-up an mo to. Sigurado ka ba sa desisyon mong ipalaglag ang bata? O-o…Opo… Higa na doon Brenda. Saglit lamang ito. Saglit lamang at makakahinga ka na ng maluwag. Saglit lamang at wala na ang dinadala mo…
Ipapakita sa isang silhouette ang abortion process.
May maririnig na sigaw
habang isinasagawa ang proseso. Magdidilim sa buong paligid. Ika-Anim Na Tagpo “Ngayon, Makakasama Mo Ako Sa Paraiso” Aalis ang gumaganap na Niña sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa gitna. Naka-sentro lamang kay Niña ang tagpong ito. Niña:
Limang taon na pala ang lumilipas. Limang taon na mula nang umalis ako sa amin. Walanghiya kasi yung mga umampon sa akin. Dito ako sa lansangan nakatira. Dito sa maingay, mausok at delikadong highway na ito. Maraming sasakyan ang dumadaan. Kapag trapik, kakatok ako sa pinto ng sasakyan para humingi ng limos. Kung minsan naman, sasampa ako sa jeep para punasan ang sapatos ng mga nakasakay roon. Yung paglilinis ng windshield, ginagawa ko rin yon. Dala dala ko ang aking pamunas, sinisuyod ko ang highway na yon. Bakit ko nga ba to ginagawa? Natural, para naman kapag natapos ang araw, kung papalarin, may ilalagay ako sa kumakalam kong sikmura. Lintek na buhay to o! Ang hirap! Bakit pa kasi ako binuhay ng walang awang panginoong sinasabi niyo. Tsk! (iiling iling si Niña). Kung mapagmahal yang panginoon na yan, hindi sana ganito ang kinahinatnan ng buhay ko. Ginusto niyang maging ganito ang buhay ko. Alam ninyo, siya ang tanging sinisisi ko sa ganitong pangyayari sa aking buhay, pangalawa ang mga magulang na malupit na iniwan ako sa kung saan. Marami akong natutunan sa lansangan. Maaga akong natutong manigarilyo at lumanghap ng rugby. Sa ganitong paraan, nakakalimutan ko ang
problema, kasabay noon, unti unti ring umiikli ang buhay ko. Bihasa rin akong mang-isnatch ng wallet. Tang ina, pagka ganun, tiba-tiba. Masarap ang hapunan ko. Hanggang sa… sa huling natatandaan ko, nabundol ako ng taxi isang madaling-araw. Hindi na ata ako nagising. Salamat naman! Heto, pagmulat ko, itong mga taong to (Ituturo ang mga taong nakagapos) ang nagisnan ko. Tang ina, badtrip. Salamat na rin. Sana totoo ang sinasabi nilang makakasama ko ang ama sa paraiso… Ika-Pitong Tagpo “Ako’y Nauuhaw” Aalis ang gumaganap na Nancy sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa scene na may nakaayos na hapag na may parang handaan, May sari-saring pagkain. Magsisimula si Nancy na nag-aayos ng kanyang mga ihahanda. Kaarawan ni Nancy kaya’t masayang-masaya siya. Nancy:
Birthday ko ngayon! (Mapapalundag siya sa tuwa, Maghu-hum ng Birthday Song). Ah! Andyan na pala kayo. Ako si Nancy. Isa akong guro. Dyan sa Mababang paaralan ng San Martin. Kanina nga, binigyan ako ng surprise party ng buong faculty. Ang saya saya ng araw na ito! Masaya ako kasi 22 anyos na ako. Heto at may sarili akong bahay na naipundar mula sa aking pagtuturo. Mataas na rin ang posisyon ko sa eskwelahan. Admin. Na ako ngayon. At ang lubos na ikinasasaya ko, pupunta ngayon dito sa bahay ang buong pamilya ko. Excited na ako dahil sa wakas, makikita ko na rin sila! Limang taon na ang lumilipas mula nang umalis ako sa amin at liparin ko ang probinsya para tuparin ang mga pangarap ko dito sa Maynila. Sa wakas, magkakasama-sama na kaming muli. Siguro sa mga oras na ito nasa biyahe pa sila. Malayo-layo rin ang biyahe. Mga 8 oras. Teka, maghahanda na ako at baka dumating na sila. (Kakanta muli si Nancy ng “happy birthday” habang nag-aayos.)
Makikita sa entablado ang matagal na paghihintay ni Nancy. Makikitaan siya ng pagkainip at makakatulog sa sala. Paghihintayin din ang audience. Maya-maya pa, may kakatok sa pintuan na ikagigising ni Nancy. Pulis:
Tao po! Tao po! Lalabas si Nancy
Pulis: Nancy: Pulis:
Kayo po ba si Ms. Nancy Rodriguez? Ako nga po. Bakit po? Anong kailangan ninyo? May masama po akong balita sa inyo. Naaksidente po ang bus na sinasakyan ng inyong pamilya. Nawalan ito ng preno at nahulog sa
bangin. Walang nakaligtas sa mga pasahero nito… Kasama na rin po ang pamilya ninyo. Tanging itong mga gamit na lamang po nila ang narecover namin. Ikinalulungkot po namin. Paalam. Mapapalugmok si Nancy. Nancy:
Ako’y Nauuhaw. Nauuhaw at nangungulila sa yakap ng aking mga magulang… Ngunit wala akong magawa.
Matapos nito, may maririnig na malungkot na awit. Ika-Walong Tagpo “Naganap Na” Aalis ang gumaganap na Cong. Jason Romualdez sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa gitna.
Masayang-masaya si Jason dahil graduation day niya
ngayon. Hinihintay niya ang kanyang ama na may dalang regalo para sa kanya. Jason:
Ang tagal ni Daddy! Mga katoto! Kamusta? Siguro nagtataka kayo kung bakit masaya ako. Tama kayo, graduation day ko ngayon. Hinihintay ko lang si daddy. Malamang nabili na niya ang hinihingi kong regalo. Ano ang regaling hinihingi ko? Humingi lang naman ako kay daddy ng isang Ferrari Sports Car. Yung pula! Hindi naman kalabisan yun hindi ba? Aba, kung hindi ninyo naitatanong, may kaya naman ang pamilya namin at isa pa, maganda naman ang naging resulta ng pag-aaral ko. Teka, andito na yata si Daddy. Papasok si Daddy
Daddy: Jason: Jason: Daddy: Jason:
Jason, Mi Unico Hijo! Congratulations! I am so proud of you. Masaya ako at pinagbuti mo ang iyong pag-aaral. Wala na akong mahihiling pa. Thanks dad! Kayo po ang inspirasyon ko. (Iaabot ni daddy ang regalo) Dad, mukha naman yatang napakalaking kahon nito para paglagyan ng susi. Asa loob ba nito ang susi ng Sports Car? Basta, buksan mo na lang. (Bubuksan ni Jason ang regalo.) Bible?! Dad, ano ba to?! Prominente kayong tao sa lipunan! Mayaman, Ma-pera! Tapos bible lang ang ibibigay mo sa akin? Malaki bang kabawasan sa kayamanan ninyo ang hinihingi ko? Hindi ko kailangan ito! (Aalis si Jason at iiwan ang ama)
Makikita si Jason sa entablado na nakaupo sa parang opisina. Isa na siyang successful na Congressman.
Jason:
(Habang nakikipag-usap sa cellphone). Ah! Kamusta na kayo? Ako? Heto, after kong lumayas sa bahay at nabuhay kasama ng aking salapi, Isa na akong successful na Kongresista. Pag-aari ko rin ang ilan sa mga sikat na business center dito sa Pilipinas. May Kakatok sa pinto at papasok ang isang abogado.
Atty. Markinson: Jason: Atty. Markinson:
Jason: Atty. Markinson:
Cong. Jason Romualdez? Yes? What can I do for you? I am Atty. Markinson. Your dad’s lawyer. Jason, its been a long while and your dad never stopped looking for you. I have some bad news and I’m afraid you’ll never get the chance to see each other again. What do you mean? Nandito ako ngayon para ibigay sa’yo lahat ng dokumento at papeles na naiwan ng daddy mo para sa iyo. Pinamana niya sa iyo ang lahat ng kanyang kayamanan at mahigpit niya ring ibinilin na maibigay ko sa iyo ang regalong ito.
Iaabot ni Atty.Markinson kay Jason ang kahon ng regalo. Jason: Atty. Markinson:
Maraming Salamat. Magpapaalam na ako Cong. Romualdez.
Magpapaalam na si Atty. Markinson at lalabas. Bubuksan ni Jason ang bibliya at makikitang nakaipit dito ang susi ng Sports Car na kanyang hinihingi. Jason:
Naganap Na. Hindi siya nagkulang. Lahat ng hiningi ko ibinigay niya. Ako ang nagkulang… Ako. Ika-Siyam Na Tagpo “Ama, Inihahabilin Ko Sa Inyo Ang Aking Kaluluwa” Aalis ang gumaganap na Tony sa pagkakatali ng kanyang kamay at pupunta sa
gitna. Malungkot ang mukha ni Tony at sasalubungin niya ang isang pari. Maluluhod siya sa harap ng paring nakaupo. Malungkot siya dahil hinihintay na lamang ni Tony ang kanyang kamatayan.
Magkakaroon ng isang flashback sa krimen na kanyang ginawa. Pinatay ni Tony ang isang mayamang tao. Naglalakad ang taong ito at natyempuhan niyang mag-isa. Sinaksak niya ito at iniwang naghihingalo sa daan. Makakarinig ng sirena ng pulis at mahuhuli siya. Matatapos ang flashback. Unang maririnig ang mga salitang “Sa kasong kariminal, ikaw Tony ay pinapatawan ng parusang… Kamatayan.” Sa background. Magsasalita ang pari. Pari:
Tony, ikaw ang mapalad na makakasama mo ang ating Poong Lumikha. Mahal ka niya at dahil sa iyong taos-pusong pagsisisi sa iyong nagawang pagkakamali, pinapatawad ka na ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Sa puntong ito, tatayo ang pari at aalis. Maiiwan si Tony mag-isa.
Tony:
Panginoon, alay ko sa iyo ang aking buhay. Panginoon, ikaw ay aking paglilingkuran. Oh, panginoon, sa oras ng aking pagpanaw, tanggapin mo ako Panginoon ko. Sa iyong palad at kandungan, hayaan mo akong humimlay… (Mapapaluhod si Tony) Sa puntong ito, magdidilim sa entablado. Pagliwanag, makikita ang parade ng
pari, ni Tony at ng dalawang pulis. Pulis: Tony:
Tony, dumating na ang itinakdang oras. Tony, ang kuryente ay dadaloy sa iyong katawan hanggang sa ikaw ay mawalan ng hininga. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking kaluluwa.