Speech

  • Uploaded by: pauline
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Speech as PDF for free.

More details

  • Words: 592
  • Pages: 3
Dumating na ang araw na ating pinkaaasam-asam. Ang araw ng ating pagtatapos. Ang araw na kung saan matatanggap na natin ang diploma ng tagumpay at medalya ng pagsisikap. Ngunit bago ang lahat, hayaan n’yo muna akong magbaliktanaw.

Ikaw, ako, tayong lahat. Pumasok sa paaralan na parang isang blankong papel. Ang bawat hakbang ay puno ng pananabik, kaba, takot, at higit sa lahat… pag-asa. Sa pagdaan ng mga araw, unti-unti ng natutong magbasa, sumulat at magbilang. Ang dating blankong papel ay unti-unti nang nagkakaroon ng laman.

Narito tayo ngayon dahil sa tulong ng ating mahuhusay na guro at sa patuloy na paggabay at suporta ng ating mga magulang. Unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang ating mga mumunting pangarap.

Nais kong kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan, unang-una sa lahat ang ating Panginoon. Ang lahat nang parangal ay para po sa Inyo.

Sa ating mahal na paaralan, salamat sa pagtanggap sa amin at pagiging aming pangalawang tahanan. Isang tahanan kung saan kami hinubog at pinanday ng kaalaman at mabuting asal.

Sa aming mga butihing guro, maraming salamat po sa mga aral na inyong walang sawang ibinahagi sa bawat isa sa amin. Maraming salamat dahil hindi nyo lamang po kami itinuring na mga mag-aaral kundi para ninyo na ring mga anak. Ang mga aral ninyo ay habang buhay naming babaunin sa aming puso.

Sa aking mga magulang, maraming salamat po sa suporta at pagmamahal. Wala ako ngayon dito sa harapan kundi dahil sa inyo. Para po ito sa inyo…

Sa aking mga kapwa nagsipagtapos, marahil ay dito na nagtatapos ang isang kabanata ng ating buhay mag-aaral ngunit panibagong kabanata naman ang muli nating isusulat hanggang sa ang isang pirasong blankong papel ay mapuno ng madami pang kabanata na puno ng panibagong kaalaman, mga karanasang pagsasaluhan at kapupulutan ng mga aral, mga taong makakasalamuha at mga bagong pangarap na bibigyang katuparan.

Ilang taon din ng tawanan, iyakan, kalokohan at kulitan ang ating pinagsaluhan. Hindi sana dito matapos ang ating wagas na samahan. Huwag nating sabihin na paalam sa isa’t-isa, kundi sa huling pagkikita.

Ang ating pagtatapos ay nangangahulugan ng tagumpay at hudyat din ng panibagong pakikipagsapalaran sa mas mapaghamong buhay. Kaakibat din nito ang mga obligasyon at responsibilidad na nakaatang sa bawat isa sa atin. Sabi nga, ang pagtatapos ay simula pa lamang. Nagsimula tayo sa loob ng apat na sulok ng ating silid-aralan ngunit alam nating may mas malawak na mundo sa labas at doon pa lamang natin malalaman ang tunay na kahulugan ng salitang buhay. Ang karangalan at parangal ay walang halaga kung hindi natin ito magagamit ng mayroong kabuluhan. Lahat tayo ay mayroong karapatang makapag-aral kung kaya’t huwag nating sayangin ito. Mayaman, mahirap, iskolar ng bayan o iskolar man ni nanay at tatay, tayong lahat ay may rapatan sa dekalidad na edukasyon. Edukasyon lamang ang makakapaahon sa atin sa kahirapan at makakapagbukas ng madaming pinto ng oportunidad.

Pinipilit itaguyod ng ating mga magulang ang ating pag-aaral sa kabila ng hirap ng buhay kaya gawin natin ang lahat upang hindi mapunta sa wala ang paghihirap nilang ito. Hindi ba’t mas malaking kasiyahan ang makitang nakangiti ang ating mga magulang? MAKE EVERY PESO COUNT. MAKE YOUR PARENTS PROUND!

Sama-sama tayong magkaisa para sa ikauunlad ng ating bansa. Sabi nga, “United we stand, divided we fall”. Palagi nating tandaan na ang makapasok sa paaralan ngayon ay isang malaking pagkakataon upang yumabong bilang isang mamamayan.

Sa aming mga kagalang galang na panauhin, muli po, sampu ng aking kapwa mag-aaral, ikinagagalak ko pong ipakilala sa inyo ang mga nagsipagtapos sa taong pampanuruan 2018-2019.

Magandang umaga po at MABUHAY!

Related Documents

Speech
May 2020 24
Speech
May 2020 28
Speech
November 2019 41
Speech
October 2019 46
Speech
April 2020 22
Speech
November 2019 16

More Documents from ""

Revocation Of Spa.docx
December 2019 26
Websites Beoordeling
April 2020 33
Kinderrechten
April 2020 20
Nobelprijs
April 2020 16