Sg Blg

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Sg Blg as PDF for free.

More details

  • Words: 824
  • Pages: 5
PESTISIDYO Session Guide Blg. 2 I.

MGA LAYUNIN 1. Naiisa-isa ang mga pamamaraang Integrated Pest Management (IPM) 2. Naipaliliwanag kung paano gumawa at gumamit ng mga pestisidyong yaring bahay 3.

II.

Napaghahambing ang mga resulta ng eksperimento upang makagawa ng mabuting pagpapasiya

PAKSA A.

Aralin 2

:

Alternatibo sa Pestisidyong Kemikal Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay : Pagbuo ng Desisyon, Pansariling Kamalayan

B. III.

Kagamitan :

Larawan, Pestisidyong yaring bahay

PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Balik Aral •

Magpakontest ng pabilisan sa pagsasabi ng gamit ng mga pestisidyong kemikal. Hatiin ang mag-aaral sa dalawang grupo at hayaang magtanungan. Ang grupo na makapagbibigay ng mas maraming tamang sagot ang magwawagi.

Halimbawa: Grupo 1 –

Anong kemikal na pestisidyo ang kumokontrol ng mga langgam at peste sa mga tanim na bulak?

Grupo 2 – Aldrin (Tama ang sagot kaya’t may 1 score ang grupo 2 at siya namang magtatanong.)

8



Magtatanungan ang mga mag-aaral ukol sa mga gamit ng kemikal na pestisidyo tulad ng Chlordane, DDT, Dieldrin, Heptachlor, Lindane, malathion, parathion at iba pa.



Pahalagahan ang nagwagi sa contest at bigyan ng positibong hamon ang natalo sa contest.

Pagganyak

B.



Pabuksan sa mga mag-aaral ang modyul p. -14 at ipasuri ang mga larawan ng mga sitwasyon na nagpapakita ng mga di-nakabubuting pamamaraan sa pagkontrol ng peste.



Hilingin na magbigay ng sariling karanasan ang mga mag-aaral ukol sa pagkontrol ng peste sa sarili nilang halamanan, gulayan o kabukiran.



Ipasuri kung ang kaalaman nila sa pagkontrol ng peste ay naaayon sa Integrated Pest Management (IPM).



Pag-usapan ang pamamaraang IPM. Hayaang pagisipan ng mag-aaral kung ang ginagawa nilang karanasan sa pagkontrol ng peste sa sariling halaman ay naaayon sa pamamaraang IPM na makabubuti sa halaman at kalusugan ng tao.

Panlinang na Gawain 1. Paglalahad •

Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang suliranin.

Pinagmamasdan ni Mang Maeng ang kanyang gulayan. Naninilaw at natutuyot ang mga dahon ng kalabasa, sitaw at iba pang gulay. Tanda ito ng pagsalakay ng peste. Lubhang napakamahal ang pestisidyong kemikal. Hindi kaya ng lukbutan ni Mang Maeng ang presyo, bukod pa sa masamang epekto sa kanyang katawan kung gagamit ng kemikal na pestisidyo. Nais ni Mang Maeng na gumamit ng pestisidyong yaring-bahay upang makatipid sa gastos at hindi makasasama sa kanyang kalusugan.

9

2. Pagtatalakayan Itanong: •

Ano ang maipapayo ninyong solusyon sa suliranin ni Mang Maeng? Bumuo ng circle response group upang magpanukala.



Ipaulat ang panukala ng bawat grupo.

Halimbawa :

Paggamit ng pestisidyong yaring bahay tulad ng: - Gas at sabon - Pinakuluang tabako - Atis, Pulang sili - Pinakuluang dahon at tangkay ng kamatis - Pinakuluang bawang, sibuyas at pulang sili;



Hilingan ang bawat grupo ng iba pang yaring bahay na pestisidyo.



Bumuo ng 6 na pangkat. Hayaang subukin ng bawat grupo ang panukalang solusyon sa pagsugpo ng peste. Ipagawa ang experimento sa paggamit ng yaring bahay na pestisidyo ayon sa pamamaraan ng paggamit na mababasa sa modyul p. 18-20.



Hayaang iulat ng bawat grupo ang resulta ng experimento.



Pahalagahan ang ginampanang gawain ng bawat mag-aaral sa isinagawang experimento.

3. Paglalahat •

Paghambingin ang resulta ng mga pestisidyong yaring bahay sa pagsugpo ng peste. Itala ang mga obserbasyon ng mag-aaral.

10

Halimbawa ng obserbasyon: Grupo

Pestisidyo

1

Gas at Sabon

2

Pinakuluang Tabako

3

Atis

4

Pinakuluang dahon at tangkay ng kamatis

5

Pulang sili

6

Pinakuluang bawang, sibuyas at pulang sili

Resulta



Pagbigayin ang mga mag-aaral ng iba pang pestisidyong yaring bahay na maaaring gamitin sa pagsugpo ng peste.



Ipagawa sa pamamagitan ng “pakitang turo” ng bawat grupo ang iba pang uri ng pestisidyong yaring bahay tulad ng pinaghalong asin at sabong pinaglabhan sa pagsugpo ng langgam at kulisap; lumang mantika sa pagpatay ng anay, at iba pa. Paobserbahan kung ang mga ito ay epektibo.

4. Paglalapat Itanong: Alin ang ipapayo mong dapat gamiting paraan sa pagsugpo ng peste? Bakit? Talakayin ang ginastos sa paggamit ng pestisidyong yaring bahay kumpara sa pestisidyong kemikal ayon sa epektibong resulta sa halaman at sa kalusugan ng tao. •

Batay sa matrix na ginawa, talakayin kung aling pestisidyo ang naaayon sa Integrated Pest Management.

11



Hayaang magkaroon ng “choice” o pagpili ng uri ng pestisidyo ang mga mag-aaral sa paggamit nila sa kanikanilang halaman sa bahay at sa bukid at ilahad nila ang layunin sa napiling pestisidyo.

5. Pagpapahalaga Pestisidyong Kemikal

Hal.

IV.

Halaga

Epekto sa Halaman

Kalusugan

Epekto sa Pestisidyong yaring bahay

Halaga

Halaman

Kalusugan

PAGTATAYA 1. Ilagay ayon sa hanay ang pestisidyong kemikal o yaring bahay ang maaaring pamuksa sa sumusunod na peste. Peste

Pestisidyong Kemikal

Pestisidyong Yaring Bahay

Langgam at anay Tipaklong Aphids at insekto Uwang at uod Daga

2. Isulat ang sariling karanasan sa pagpuksa sa peste. (e.g. langgam, daga) V.

KARAGDAGANG GAWAIN 1. Mag-interbyu ng isang agricultural extension worker at iulat ang iba pang pamamaraan ng Integrated Pest Management. 2. Ibahagi ang interbyu sa mga kamag-aral at kasambahay. 3. Magpalista ng mga organikong pataba bilang pantulong sa paghahalaman. 12

Related Documents

Sg Blg
November 2019 24
Sg Blg
November 2019 25
Sg
May 2020 17
Sg
December 2019 40
Sg
June 2020 8
Blg 327 Trend
October 2019 16