KAPITULO III: REGINA CAELI Apat na kilometro mula sa Rochester Homes at may isang establisyimentong nakatayo sa likuran lang ng Makati Shangri-La Hotel. Dalawa ang gate nito: Kulay navy blue na ang isa’y mas malapad at mas malaki kesa isa na nasa kaliwang tagiliran ng kanto ng Paseo de Rojas dahil ito ang kanilang pangunahing gate, na tulad ng sa Rochester ay nabubuksan ito sa pamamagitan ng kompyuter. Apat ang building nito kung saan ang pinakamalaking building ay may pitong palapag. Apat ang pangunahing kulay ng buong lugar: puti, itim, asul at abo (hindi kasama ang berde, para sa mga hardin, dahil hindi naman ganoon kalaki ang lugar na iyon). Matagal nang nakatayo ang lugar na ito mga animnapu’t limang (65) taon na ang nakakaraan, bago pa dumating noon ang mga Hapon. At ito’y pinamumugaran ng mga batang maliliksing may puting tila pang-marinong unipormeng pang-itaas at iba-iba na ang disenyo ng kanilang pang-ibaba depende sa kanilang edad, kasarian at antas. Ng mga gurong kulay-light blue gray ngayon ang motif ng kanilang mga uniporme, at ng mga pari’t madreng puti at itim naman ang kanilang suot, mga banal na minamano ng mga mumunting batang nasa antas pa lang ng nursery o kinder o preparatory. Welcome to Regina Caeli Academy. Ito ay itinayo noong 1934 ng mga paring Dominiko bilang paaralan para sa mga estudyangteng may natatanging talino, talento, at mga anak na rin ng mga makapangyarihan. Kung baga, isa itong ‘choice school’ para sa mga pulitiko dahil na rin sa husay ng mga guro, mga gamit, at sa mandatong sinusunod nito. Ito sana ang pinapangarap na paaralan para sa mga nais ibahagi o husayin pa ang kanilang talino’t talento. Ngunit sa pagtagal ng panahon, hanggang sa kasalukuyan, ito ay isang pangarap na paaralan na lamang. Dahil wala kang makikitang anak ng magsasaka o mangingisda dito (maliban na lamang sa isang anak ng dyanitor na di lumao’y napilitan ding lumipat ng eskwelahan matapos matanggal sa trabaho ang ama sa isang di-malamang rason). Dahil pinamumugaran na ito ng mga anak ng mga sikat, maiimpluwensya, at makapangyarihan sa bansa. Oo, noon pa man ay isa na itong paaralan para lang sa MAYAYAMAN. Kung meron mang high or low middle-class, mga anak ng empleyado o ng administrasyon, mga kaanak ng mga banal o mga ‘may kuneksyon’ sa kahit na sino sa admi, tulad na lang nga pamilya ni Zai. Kaya huwag ka nang maghanap pa ng isang hampas-lupa, kung sa termino nga ng mga matapobre. At dahil nga naririto na ang mga anak ng mga maiimpluwensya, sa taas na ng tuition fee ngayong taon kasya na ang buwanang bayad para pangkain ni Juan sa loob ng isang buwan. As of May 1999 nga, nagtaas ulit sila ng suweldo by .12% sa dahilang pangtulong (umano) para sa mahihirap. Oo nga naman. Subalit sa iniisip ni Juan, isa itong Katolikong paaralang pinapatakbo ng mga alagad ni Sto. Domingo de Guzman subalit ang moral at ang edukasyon ay para lamang sa mga may kuwarta. Sa bagay, wala na nga siyang magagawa pa roon dahil noon pa man laganap na ang dayaan at pangungurakot sa Pilipinas.
Taon-taon na lamang ay lumalaki ng ilang porsyento ang tuition sa RCA. May ilan na ngang pasilidad ang naidagdag at naiayos para na rin sa pangangailangan ng estudyante: Mas malilinis at maayos na banyo na para na ring banyo ng isang hotel; ginawang air-con ang mga classrooms, pinalitan ng whiteboard ang blackboard sa dami ng mga hikaing estudyante (tulad nina Binoe at Jo); pinalawak na hardin sa teritoryo ng high school at grade school na may fountatin pang paarte; state-of-the-art Computer Rooms, tigdadalawa kada department (in fact may isa pa para sa pre-school!) na may cinematic size na TV at Internet kada isang Intel-powered computer; dalawang AudioVisual Rooms (AVR) kada department na ang sa high school ay kalahati na sa laki ng Little Theater ng CCP na may kumpleto’t state-of-the-art ding mga kagamitan; isang covered convertible gymnasium na sinlaki na ng nasa Rochester at de-aircon kahit hindi masyadong dama ng mga gumagamit na may aircon nga sa laki na rin ng lugar; library sa bawat department na sinlaki na ng apat na pinagsama-samang classroom; Olympic-size na swimming pool, tennis court at open field na kalahati lang ng field ng UST, na nasa likuran lang ng gym; ang Music Room kada department ay may mga aŷos na baby piyano, kumpletong melodion, lyre, mga tambol at iba’t-ibang instrumentong brass at woodwind para sa mga miyembro ng banda; ang tatlong laboratories (dalawa sa high school: isa sa Biology-Chemistry at isa sa General Science-Physics) ay kumpleto rin sa mga instrumento’t may sapat na bilang ng mga microscope, mga singkwenta (50) kada klase, maliban na rin sa mga kemikal; ang malaking Home Economics and Food Laboratory na parehong ginagamit ng dalawang departments ay kalahati na ng laki ng studio nina Nora Daza sa kanyang cooking show; ang malawak at malaking cafeteria na may masasarap ngunit gatiting namang bigay ng pagkain sa may kamahalang presyo (at maniwala kayong hindi sila nagbebenta ng junkfood tuwing lunch, as in WALANG JUNKFOOD); at ang pinakahuli sa lahat: ang tanging Chapel ng paaralang nakabase sa may high school department (ang building nila ang pinakamalaki) na kakaayos lang nitong Hulyo—sinlaki ng apat na pinagsamang classroom na ang mga paintings nito ay likhang lahat ng alumnus ng paaralan na si Joseph Deogracia, ang mga iskultura naman ay hindi basta-basta binili lang sa tabi-tabi, ang iba dito’y dinonate na ng mga nagdaang rektor ng paaralan (na karamiha’y mga pari) at ang iba’y sadyang pinagawa. Mula rin sa mga koleksyon ng mga pari ang ilang gamit-pansimbahan dito, na kung makita mo lang ang loob animo’y nasa maliit ka na ring simbahan sa ganda ng disenyo nitong Romanesque. Pero iilan lang naman ang nagdaraan dito para magnilay-nilay. Napupuno lang ang chapel pag First Friday mass o kung may mga espesyal na misa’t kailangan ng presensya ng mga estudyante para sa pangangailangan nila sa kanilang Christian Living class at sa kanilang mga espiritung nanganganib maligaw, maliligaw pa lang, o talagang naligaw na. Isama na rin sa dahilan ng mataas na tuition ang miscellaneous fees. Kasama na rito ang mga paunang bayad para sa paggamit ng AVR, Music Room, Gymnasium, Food Lab, pati ang Chapel, at para sa Blue Ribbon, ang opisyal na school organ (newspaper, in layman’s terms). Mas mataas ang tuition ng mga gagraduate dahil kasama rito ang graduation fee (para saan pa kasi yang grad fee na yan, eh!?), diploma at para sa pinakainaasam-asam nilang Cielo, ang yearbook naman ng paaralan. Hindi pa rito kasali ang para sa libro at sa uniporme, kahit na mahal na nga ang matrikula, mahal din ang mga libro dahil likha’t inimprenta mismo ng kanilang sister school, ang Dominican Cross
University. At ang disenyo ng uniporme ay talagang para nga sa mga maykaya—istilong marino, dala ang opisyal na kulay ng paaralan (navy blue at white at konting black), parepareho yan sa dalawang departments. Kaiba nga lang nito, sa grade school, jumper sa babae na may puting ribbon sa harap (ano ba yan, puti na nga ang blouse, puti pa ang ribbon???) at short naman sa mga batang lalaking grade 1 to 4 at pantalon na sa Grade 5 at 6 na may puting bandanang ginawang necktie parang pang-Boy Scout baga; ang kwelyo nito ay may isang linyang puti. Sa high school, hindi na de-jumper ang mga babae at wala nang bandana ang mga lalaki. Dalawa naman ang puting linya sa kanilang kuwelyo. Tanging ang uniporme lang ng mga babae sa parehong department ang may dala ng simbolo ng RCA sa kanilang mga ribbon: Dominican cross na nasa gitna yung korona ng Birheng Maria at motto na nakapaligid sa korona: Veritas et Intelligentia en Virtudis Dei (Truth and Knowledge in Virtue of God) tapos sa itaas na ng krus ang pangalan ng paaralan. Bongga pa nga’t meron pang uniporme para naman sa –ber months kung saan kakulay na ng kanilang mga jumper, palda’t pantalon ang kanilang pang-itaas. Ang mga disenyong ito ay likha ng isa pang alumna ng paaralan, si Natasha Gan, mula sa pamilya ng mga fashion guru ng bansa. Di nga nakapagtataka ang kanilang katapatan sa kanilang Alma Mater. Tama. Sa panlabas na anyo talagang maeenganyo kang mag-enrol dito, kung hindi lang saksakan ng mahal ang tuition sa dami ng kaartehan ng mga tao dito… At dahil na rin sa dami ng kasong kinakaharap ngayon ng paaralan dahil na rin sa kanilang mga estudyanteng pasaway. Bakit may mga estudyanteng pasaway? Dahil na din sa mga gurong kuripot kung magbigay ng grades at kung manermon sila na ang pinakamatataas na uri ng tao sa buong mundo, para lang sa pera’t kapangyarihan. Mula noong 1975 (panahon ni Marcos) ay umusbong na ang mga pasaway na estudyante, sila yung mga estudyanteng normal na sa kanila ang kagalitan at ugali na nilang katutubo ang magrambulan, maghanap ng away, mag-cutting class para resbakin ang kalabang gang o di kaya’y maglakwatsa sa may Manuela Mall (wala na yan ngayon, yung me skating rink pa nga yun) o simpleng mang-api sa mas nakababata sa kanila. Sinimulan ito ni Danny Chua, dropout na third year na parehong nasa matatas na posisyon ang mga magulang dahil ‘bata’ sila ni Marcos. Dahil dito, kahit ang mga lower levels at maging grade school, pinatulan na niya kasama ang kanyang barkadang puro mga anak ng mga ‘bata’ ni Marcos. Pati tuloy impluwensya ng dating pangulo’y ginamit na niya para manakot ng ibang tao. Sa taon ding ito naganap ang pinakamalaking eskandalong kinasangkutan din ni Chua: pinakidnap niya’t ginang rape ang isang second year na anak ng principal, na napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa sinapit niyang kahihiyan. Sa nangyaring ito, kinick-out si Chua, dahilan upang umabot pa ang kaso sa korte (sobra na ‘yan!). Pagkat mga ‘bata’ ni Marcos ang mga magulang, sa halip na parusahan, ang principal pa ang natanggal sa trabaho. Kinabukasan natagpuan na lang ang bangkay ng principal sa parking lot ng eskwelahan malapit lang sa dating library. Ngunit noong panahon ding iyon, isang guro sa katauhan ni Angelito Magdayao ang nanindigan sa ginawa ng grupo ni Chua sa babae na nagkataong estudyante niya at sa nangyari sa ama nito. Buti, tuluyan nang napatalsik sa eskwelahan si Chua nang mahulihan ng shabu ang mga magulang niya, at hindi na muli nagpakita sa eskwelahan matapos noon, kaya siya ang unang nakakuha ng titulong “Terror” ng RCA. Pero
naroroon pa ang mga ‘bata’ niya, dahilan upang hindi na muling nanahimik ang buong eskwelahan sa dami na ng mga pasaway. Sa kaso naman ni Magdayao, bigla din siyang nawala matapos ang kaso, kaya napunta na siya sa listahan ng mga desempanacidos, o mga taong nawawala magpahanggang ngayon noon pang Martial Law. Noong pinatalsik lang si Marcos nagsiwala rin ang grupo ng mga batang mga anak ng mga loyalista, mga 1986 din iyon. Ang bago pa noon ngunit matapang na gurong si Rafael Detorio, Jr. ang siyang naging susi upang mawala ang mga nasabing estudyante. Subalit hanggang ngayon buhay na buhay pa rin ang mga estudyanteng pasaway, mapa-babae man o lalaki, bata man o matanda. Bagamat umuubra pa rin ang apoy ng matapang na teacher, may mga tao pa ring kahit pari’y hindi mo mapapalapit sa sobrang tigas ng ulo. Pati nga ang kasalukuyang principal ngayon na si Vermin Vespucchio, sumasakit na lang ang ulo kapag nasa opisina ang mga parehong estudyanteng tila suki na niya. Dahilan na rin siguro ang kanilang pagiging spoiled, o may mga galit sa mundo, o simpleng nangti-trip lamang para lamang sa kanilang kaligayahan. Kahit ang kataastaasang administration na pinamumunuan ni Fr. Ramil Peña, O.P., kasalukuyang direktor, ay wala na ring magawa. Subalit sa lakas ng kanyang kabanalan at karisma kahit sino napapaamo niya sa di malamang rason. Ngayon nga’y ang First Quarterly Examination ng buong paaralan. Sa pagdating doon nina Zai, naabutan nila ang mga batang naglalaro, mga magkakabarkadang babaeng nag-uusap na kung saan sila gigimik pagkatapos ng exam, mga magtotropang lalaking pinag-uusapan ang laro mamaya sa gym, mga tarantadong nang-aabuso sa mga batang paslit para lang bigyan sila ng mga bagay na kanilang gusto, mga magkasintahang walang kiyemeng naglalampungan, mga bakla’t lesbiyanang pumapatol sa kanilang mga kauri, mga mauutak na nasa sulok at walang ginagawa kundi mag-aral, mga naghahabulan tangay ang sapatos o uniporme ng isa. Umagang-umaga, ganoon na lang lagi. Nang nagsipuntahan na ang kanilang mga magulang sa kani-kanilang trabaho, oras naman para sa kanila ang pumunta sa kani-kanilang grupo para gawin na ang kanilang gusto. Agad tumakbo si Jo sa mga kalaro niyang kanina pang naghihintay sa kanya para maglaro ng teks, nang bigla siyang nadapa! Kaagad naman siyang tinulungan ni Leng na medyo nadismaya sa kanyang pagkakadapa, nang bigla siyang tinawag ng kanyang teacher na tila may gusto lang itanong sa kanya. Bigla naman may lumapit na isang kaedad ni Nisha na may dalang pera—bibili yata ng latest na pulseras na gawa niya. At samantalang may isang mukhang masungit na babaeng teacher na hinahabol ngayon ang kawawang mabokang si Binoe. Samantalang si Zai ay umupo lamang sa isang sulok, sa isang bench na katabi ng isang puno ng puting kalatsutsi, kinuha ang kanyang kulay dilaw na librong pinamagatang “Mathematics Towards the New Millenium” ni Efren G. Abala, Ph.D. para sa kanilang test mamaya. Medyo irita pa rin sa kanyang masamang umaga bagamat pinipilit na lang niyang magpakanormal o mismong ang mga nakita niya’t narinig sa kanyang panaginip ang kanyang isasagot mamaya.
Subalit hindi niya inaasahang lalong sasama ang kanyang umaga nang matanaw niya sa di kalayuan ang mukha ng lalaking kinasuklaman na niya ng dalawang linggo na. Tila may inilalabas din sa kanyang bag. Libro rin ba para sa test mamaya? Inisip niyang himala ata’t ngayon lang makakahawak ng libro si Jin. Kilala niya kasi ang taong iyon, kung walang oras para mag-aral ay talagang ayaw lang niyang makahawak ng libro dahil sa pagiging busy sa kanyang banda. Speaking of banda... oo nga pala, naaalala niya. Mula nang maghiwalay sila, nabalitaan na lang niyang kumalas na rin siya sa Hot Tabasco kung saan si Jin pa noon ang lead vocalist, kasabay ng paglipat nila sa ibang subdivision dahil sa tatay niyang na-promote na naman sa mataas na posisyon. Tama. Taga-Rochester din si Jin. Noon. Noong sila pa ni Zai. Kaya iniisip niya kung ang lahat nang ito ay hudyat lang na hindi na sila puwede sa isa’t-isa, o talagang minalas lang at nagkataon ang lahat nang iyon. Lalo lang siyang nabuwisit nang parating na ang mas nagpapainis sa kanyang umaga: isang babaeng naka-ponytail, kakaiba ang bangs at kala mo kung sinong artista kung makaasta. At papalapit na ito sa kanyang… “JIN!” Agad niyang niligpit ang kanyang gamit, sabay taŷo’t naghanap na agad ng mainam-inam na puwesto para makalayo sa tukso. Habang sabay yakap ng maharot na babae sa kanyang ex. Sa pag-iwas ni Zai, agad siyang napansin ng lalaki. Tila bakas sa kanyang mukha ang pagka-guilty sa kanyang ginawa. At ang mukha ni Karen ay mukha ng pagkawalangpakealam. At ang mukha ni Zai, na ayaw nang tumingin ni sa buhok ng dating kasintahan, ay mukha hindi ng selos, kundi ng pagririndi. Lalo na… “O, Zai! Long-time-no-see!” bati ng plastic niyang ex-bestfriend, “Ikaw, ah! Hindi mo na ako tinatawagan tulad ng dati! Um… about what happened last week, aw, just forget about it, ‘kay? Tutal naman…” Subalit hindi ugali ni Zai ang makipagplastikan. “Yeah, Karen, long-time-no-see…” kaswal niyang sinabi, “And… about what happened last week? Heh, ok lang ‘yon. Tutal naman, pagdating sa ganyan, madali akong makalimot. Kaya lang yung ginawa mong kaplastikan, ‘yon ang hindi ko makalimutan.” Hindi na nagawa pa ni Jin ang gumitna.
“Tsaka… hindi ko na kelangang tumawag pa sa inyo. First of all, I’ve already lost your number. Secondly, I have no time talking such nonesense things to you. Baka kasi makaistorbo pa ako sa… kaligayahan n’yo, eh…” “Ah, I see…” tila hindi umiepekto ang pang-aasar kay Karen, “Well, thanks anyway…” “At sana naman ‘wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang mga sinabi ko sa ‘yo ngayon. In fact, I didn’t mean to congratulate both of you…” “Ok lang. I even didn’t mean to make friends with you anyway. In the first place, kaya lang ako nakipagkaibigan sa ‘yo dahil matalino ka. May ‘tsura ka. Pamangkin ng world-class producer. Pero sa totoo lang, our friendship stinks. Magkalebel nga tayo. Pero di ako katulad mong utu-uto.” “Yun nga rin ang iniisip ko, eh. It really stinks. Tama ka. Utu-uto ako. Kung bakit pa ako nagpauto sa katulad mong sampung lalaki na ang pinatulan, di pa rin makuntento. Balitaan mo naman ako! Kasali na ba si Karl Katigbak sa listahan mo?” Doon na nag-init ang ulo ng maarte. “You bitch!” “And you’re bitcher, honey!” Tila handang-handa na ang mga kuko ni Karen na kalilinis lang ng kanyang personal parlor upang mangalmot, subalit matapos ang pananahimik, sa wakas gumitna na rin ang ugat ng pagtatapos ng kanilang samahan. “Tama na! Awat na, please!” Nagkatinginan ang tatlo sa isa’t isa. Subalit ang kay Zai ay mas matatalim na tila parang kay Darwin na gusto nang pumatay ng tao. “…Zai…” ang kanyang malagintong mata’y nagmamakaawa, “Please… ikaw na lang ang umiwas…” “Ah, tama, ako na lang ang umiwas…” kunwari pa ang kanyang ngiti, “Tama lang ‘yan, Eugenio. Ipagtanggol mo ‘yang kauri mo! Besides, you’re both damn bitches, anyway…” “Pero hindi ‘yon ang ibig kong sabihin…” Subalit bago pa iyon marinig ni Zai nang husto, umalis na rin ito. Nagsialisan na rin ang mga taong sabik sana sa isang panibagong riot sa pagitan ng dalawang dating matalik na magkaibigan. Nabagot yata sa sagutan nilang dalawa dahil wala man lang aksyon, puros murahan. At yakap-yakap pa rin ng pokpok na estudyante si Jin na nakatanaw sa dati niyang minamahal na unti-unting lumalayo…
At alam niyang iyon na ang PINAKAHULI nilang pag-uusap. Saka lang dumating ang kotse ng kilalang si Dan de Luna upang ihatid ang kanyang bunso. Pagkalabas nito, tila isang pinuno ng gang na may matapang na mukha kung lumabas ng kanyang kotse. Ni hindi man lang tinignan ang kanyang amang para nang tanga sa kabila ng kanyang pagbibilin na huwag siyang makipag-away, mag-aral nang mabuti at huwag siyang gagawa ng anumang iskandalo. Tuloy pa rin ang entrada niya sa gate ng eskwelahan. Wala namang magawa ang TV host kundi ang umalis na at baka mahuli pa siya sa trabaho. Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa gate at bigla siyang hinarangan ng batuta ng isang matabang security guard na tila kulang na lang at masisira na ang kanyang mga butones sa kanyang katabaan. “ID mo?” Siyempre, isa ito sa mga regulasyon ng paaralang laging isusuot ang kanilang plastic na Identification Card sa tuwing nasa loob sila ng paaralan. Subalit sa halip na rumisponde ang binatilyo sa paghahanap ng kanyang ID, tuluy-tuloy pa rin ang pasok niya na wari’y multo ang humarang sa kanya. “Hoy!” tawag ng sekyu na tila’y nainsulto sa di pagpansin sa kanyang tawag. “ID mo! Huwag mong sabihing nakalimutan mo na naman!” Hindi sumagot. “Aba’y panlimang beses na ‘yan, ah! Nung isang araw pinagbigyan kita kase pinatawag ako sa opis ni Ser. Kung iniisip mong makakalusot ka ulet, aba, mag-isip-isip ka muna , bata! Porke’t anak na ng sira-ulong host na ‘yon, balewala ‘yon sa akin, basta ang batas ay batas, at…” Hindi man lang napansin ng dumadadang sekyu na kanina pa pala ‘nakalusot’ si Darwin at papunta na ito sa grounds para sa flag ceremony mamaya. Muli’y naagawan na naman siya ng dangal at namula na lang ito nang hsto sa sobrang kahihiyan, kaya tinawag niya ang isang kasama nito sa trabaho na kasalukuyang nagkakape’t pinabantay na ito sa gate para lang mahabol ang adelantadong bata. At mabuti na lang kamo’t wala roon ang kanyang ama upang saksihan muli ang isa na naman bagong kalokohan. Wala sa mood. Tila sinapian. Sa mukha pa lang niya’y maaninag na ang awtoridad ng bantog na si Darwin de Luna, ang “Hari ng mga Siga” mula pa noong last year. Noong First year pa lang siya. Noong bagong-salta pa lang siya sa paaralang iyon. Ang inaakalang iyakin, tahimik at malambing na mukha ay isa palang malaking bangungot para sa mga takót sa kanya. Hindi nga kaila iyon sa kanila. Pagpasok pa lang niya sa campus ay tila may dumaang anghel dahil sa kanyang nakakatakot na aura. Kahit mga
maliliit na taga-preschool ay ngangawa na lang makita lang ang kanyang malaanghel na mukhang sinapian ng demonyo. Pagkakita pa lang sa kanya, wala nang naglakas-loob pang pag-usapan siya kahit sa bulong. Ang lahat ay hindi makatingin sa kanya. Kahit ang mga nagsisiga-sigaan noon ay hindi na rin makatiyempo pang gumawa ng kanilang mga gimik o sila pa ang kanyang pagtitripan pag nahuli sila. Kahit si Karen na kanina’y napakataray sa harap ni Zai ay bigla-bigla na lang naging isang binibining mahinhin at hindi na muna nakipaglumpungan kay Jin na siya namang hindi rin makatingin nang tuwid sa kapitbahay at kaibigan ng dati niyang siyota. May katagalan na rin niyang kilala si Darwin. Alam niya ang dati nitong ugali dahil minsan na niya itong naging kalaro: ang kanyang kahinaan at kalakasan, bagamat ang kahinaan lang ng dating kaibigan ang tangi niyang naaalala dahil alam ni Jin na ipinanganak talagang duwag si Darwin. At alam niya kung bakit at papaano siya nagbago ng lubos, na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang sariling pangalan sa kasaysayan ng RCA. Maging ang mga gurong kadalasang kinatatakutan ng mga estudyante ay di rin maiwasang hindi umimik nang makita siya. Bagamat nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na magbulungan tungkol sa kanya, hindi mawala ang nerbyos na kanilang nadarama. Nakakatawa, subalit maging sila ay takot sa kanya sa isang di malamang rason. Hindi man derektahan ngunit natatakot sila sa mga magulang nito na kahit papaano’y maimplwensya din sa kanilang paaralan dahil sangkatutak kung sumuporta minsan ang sikat niyang ama. Ang mga pari’t madreng dumadaan ay nag-aantada na lamang at nagdarasal sa isip na sana’y hindi sila tamaan ng malas ngayong araw. May isa ngang madreng sinadya man o hindi ay nabanggit niya sa kanyang kapwa-madre na si Darwin, sa kanyang palagay, ay reincarnation ni Danny Chua at ngayo’y naghihiganti na raw sa mga taong ginawang miserable umano ang buhay niya. Sinuway naman siya ng kanyang kinausap at binalaang isang malaking kasalanan kuno ang maniwala sa reincarnation o muling pagkabuhay sa ibang katauhan, mapa-tao man o hayop. Binalaan din siyang huwag nang magsalita pa o bukas baka hindi na siya makapasok pa. Nag-antada nang tatlong beses ang takot na madre. Subalit kung may mga taong hindi takót sa kanyang mga kamao ay iilan lamang iyon. Halimbawa na nga ang mga taong papalapit na sa kanya ngayon: mga anim sila at parang arugante ang kilos, mas arugante pa nga kay Binoe, palagay ni Zai, na paakyat na sa third floor para pumasok pansamantala sa kanilang classroom dahil may kukunin lang. Hindi niya maiwasang tumingin sa may balkonahe ng palapag nang mapansin na niya ang kanyang kapitbahay na nilalapitan na ng pinaka-‘feeling’ na grupo sa buong paaralan. Ang isa sa kanila’y may katangkaran at mataba-taba (ayokong sabihing chubby dahil di bagay sa kanya, hindi siya kasi cute…), Maitim at sabog pero naka-gel ang buhok, medyo pangó, normal na kayumanggi (pero umitim kakaswimming sa kanilang malaking swimming pool) ang balat at nakangising parang ulol. Kilala iyon ni Zai at ng lahat ng mga naroroon. Lalo na si Darwin. Kilalang-kilala niya ang ‘kalabaw’ na iyon. “Whohoho…” kunwari’y nasorpresa ang lider ng mga ngasisiga-sigaan sa pagdating ng kanilang ‘matinding kaaway’. “Milagro’t ang aga mo namang pumasok
ngayon! Teka, pare… ‘wag mong sabihing nag-aaral ka na ulet! Malaking milagro nga ‘yan, este, bumabalik ka na nga pala sa dati…” Pero matalim na pagtitig lamang ang isinagot nito. “Don’t tell me natatakot kang bumagsak this year! O siguro natatakot kang makick out dahil sa mga pakulong ginagawa mo since last year kase baka hindi ka na makatiyempo ngayon! Balita ko eh… nasa hot list ka ngayon, number one pa!” “Ayyyyy…..” sumabay ang lima niyang kasama na animo’y nangilabot sa maaaring ‘sapitin’ ni Darwin kapag gumawa pa siya ng isang pagkakamali. “Naku, tsong! Sinasabi ko sa ‘yo, yang sobrang pagkukunwari mong matapang ka, naku, delikado. Tip lang, ha? Wag kang tutulad sa amin! Ilang beses na kitang sinabihan, di ka naman nakikinig! Ano ba’ng gusto mong patunayan, ha?” Pero sa halip na patulan ke-aga-aga, nilayasan na lang niya ang anim na siyang pagkatawa lang nila, natatawa na inuurungan sila ng ‘Hari ng mga Siga’. Pero para sa kanilang aruganteng lider, isa iyong malaking insulto, kaya agad niya itong hinawakan sa balikat at inakbayan para umano’y ‘hindi makawala’. “Pare naman, wala namang ganyanan!”, bubulong-bulong, “Lalayasan mo ang dati mong kalaro? Daya naman ‘ata nun! Ba’t di muna tayo magkuwentuhan, gaya ng dati, di ba? Just bring back good ol’ memories lang naman…” “Lumayo ka nga, ang baho mo…”, sa wakas sumagot. Hagikhik ang narinig ng dalawa ng marinig ng mga ‘disipulo’ ng lider ang sinabi ni Darwin sa kanya, na siyang ikinainit niya ng ulo. “Anak ng… TUMAHIMIK KAYO, MGA GUNGGONG!” Sumunod nga. Si Darwin naman ngayon ang natawa (aba’t nawala pansamantala ang demonyo sa kanyang mukha). Namula siya sa pagkapikon. “Ikaw, tatawa-tawa ka, gusto mo na naman ba ng rambol?” Lumayo ito nang konti. “No, thanks. Actually your smell completes my day. Besides I have a very bad start today good thing you made me laugh or else…” Straight English! Pahabol pa: “Teka nga, sigurado ka bang naligo ka ngayon?” Lalong namula sa inis, “Ano’ng sabi mo???”
“Kasi naman, Katigbak, next time nga maligo ka nang matagal-tagal, gawin mong ten hours, para naman mawala ang amoy sa katawan mo. Wag ka lagi sa swimming pool n’yo maligo. Nilagyan ata ng suka yung pool n’yo, nangitim ka tuloy, mas masahol pa sa suka yang amoy mo!” “Naligo kaya ako! Trenta minutos!” “Asus, kaya naman pala….” Biglang… PROOT-PRRROOOOOOT! Lalong natawa ang kuneho! Biglang nagsitakip ng ilong ang mga kasamahan ng ‘napahiyang’ lider. Kanyakanya nang hugot ng kanilang mga panyo. Mas kawawa ang isa sa kanila dahil wala siyang mahugot kundi ang loob ng bulsa ng kanyang pantalon, kaya nagtiis na lamang ito sa paggamit ng kanyang sariling kamay pantakip sa kanyang ‘naabusong’ ilong. “Grrrr….” Tila naging isang sinapiang babboon ang sisiga-siga, “Ano’ng tinatakip-takip n’yo d’yan???” Isa ang naglakas-loob na magsalita kahit na nakatakip ang ilong, “No offense, Boss, pero… Meron po ‘ata kayong pinasabog…” At nagwala sa katatawa ang Hari ng mga Siga! “Wala akong sinabing magsalita kayo!!!!!!!”, pagwawala nito. “Ha-ha…” tila hindi na kayang magsalita pa ni Darwin sa katatawa, “Teka… time-out… Hah… Pare naman… buti ka pa nga, eh… me mga concerned pa sa mga tulad natin, este, tulad mo pala…” “Pinapahiya mo ba ako???” “Hindi naman. Concerned din naman ako, eh… Kaya lang…” balik muli sa katatawa na halos maiiyak na. Samantalang ang iba naman’y di na makaimik sa nagbabantang takot na pasasabugin ng kanilang pinuno. “Talaga namang pinapainit mo ang ulo ko!” at aaktong susuntok na sa kalaban. “Teka… ikaw ang nagsimula, hindi ako!” “De-deny mo pa, eh!!!” masusuntok na niya sana si Darwin subalit sa bilis ng kanyang reflexes, binaluktot niya ang kanyang katawan nang paarko para makaiwas sa kanyang suntok. Dahil dito, halos matumba na ang malaking bakulaw dahil sa sobrang pagkabuwelo.
“’Ta mo na? Ikaw na nga ang nagsisimula!” Hindi na makapagpigil pa ang lider kaya, “Mga bata, SUGOD!!!” Understandable na iyon. Sabay lapag sa kanilang mga bag, handa na ang natitira niyang mga ‘alalay’ para tulungan ang kanilang ‘naaagrabyadong’ lider na resbakin ang Hari ng mga Sigang kuneho. “Naman!” reklamo pa ni Darwin, “Bulok na nga ang style n’yo, pilit n’yo pa ring pinapauso!” at agad siyang tumayo, tumalon, at pinagsisispa na ang mga kasamahan nito! Sa wakas ay ‘nagkabuhay’ na ang kinikilalang ‘pugad ng mga siga’, limang minuto pa lang bago mag-six forty-five, isang bagong eksena ang natunghayan ng ilang nakasaksi sa pamumuno ng lider ng mga nagsisiga-sigaan at sa ‘pangunguna’ ni Darwin de Luna. Ang lahat ng mga takaw sa WWE ay biglang nagsisulputan para makanood ng libreng palabas hakos sa tabil lang ng desk ng mga sekyu. Ang mga sekyu naman hindi na inawat ang mga nag-aaway, diretso na sila sa Principal’s office para magsumbong, baka raw kasi sila pa ang pagbalingan ng galit pag nakisali pa sila. Lalong dumami ang mga ususero, na sa kanilang palagay ay ‘makukumpleto’ na ang araw nila ngayong may isang rambulan nang nagaganap. Nagkaroon ng konting pagkakagulo dahil agad nang pinapapasok sa kani-kanilang classroom ang mga nasa grade school ng mga teacher na nagbabantay. Instant iwas na ang mga banal para ‘makalayo sa masamang espiritu’. May mga iba nga ngang nadamay kaya nakisali na rin sa libreng rambulan. Ayus, instant entertainment ang nabuo ngayong umaga. At tuwing umaga, hindi, araw-araw, ganito lagi sa RCA. Walang araw na pinapalagpas ang mga Hari ng Basag-Ulo pag may natatanggap na hamon o kung nagkaasaran lang sa loob ng institusyong ito, maging sa labas ng paaralan ay kalat na kalat din ang ‘kasikatan’ nila. At walang araw na hindi napupuno ang opisina ng prinsipal sa dami ng kaso. Mabuti-buti na lang at sa High School Department lang ito nangyayari, dahil sanay na sanay na ang mga tao dito pag may gulo. Bihira lang may ganitong kaso sa Grade School, kadalasang ugat ng away ay mga simpleng asaran lang. Pero iba ang High School, maging personal na buhay pinapakealaman na, kaya nagiging personal na rin ang bangayan at awayan. Wala nang magawa ang admi at mga guro kung kaya lang nila patalsikin ang involved na estudyante, kung hindi lang ‘mapagkawanggawa’ ang mga magulang at sangkatutak kung magdonate sa paaralan. Ito ang umiiral na suliranin ngayon hindi lang ng High School Department, maging ng buong paaralan sa loob ng halos 24 na taon mula pa noong panahon ni Danny Chua. Tuloy napipilitan ang mga magulang ng mga grumaduate na ng Grade Six na ilipat sila sa ibang eskwelahan para lang makaiwas sa gulo at para hindi mahawa ang anak sa ‘katarantaduhan’ ng mga High School students. At tuluyan na ngang nakilala ang Regina Caeli Academy, institusyon para sa pagpapahubog ng mga batang may angking husay at talino sa iba’t ibang larangan sa paraang ispiritwal at mental, nagyo’y institusyon ng mga mapera, maiimpluwensya, at mga susunod na ‘salot ng lipunan’.
Lalong dumami ang audience na pumalibot sa nag-aaway na mga kabataan. May iba nga, ginawang negosyo ang palabas, sa pangunguna pa rin ng mga sira-ulo, isa-isang sinisingil ang sinumang gustong makanood ng laban nina Darwin at ng grupo ng matabang siga. May ibang nagsesesyon na ng pustahan kung sino ang mananalo. Sigawan, harutan, asaran, hanggang sa ang naaasar ang sumunod nang naghamon ng away hanggang sa naging giyera na ng mga kabataang akala mo’y nakapasok ka na sa Bilibid, cute nga lang ng uniporme. Isang batang lalaking nakasalamin na may malalaking lente at mukhang nerd ang sumisilip sa away ng dalawang panig mula sa balkonahe at mukhang nangasim ang mukha. Agad siyang bumaba. Bakit kaya? Si Jin naman, matapos paalisin si Karen ilang minuto lang para makapagconcentrate sa pag-aaral (papaano naman siya makakapag-concentrate niyan kung puro rambol naman ang maririnig niya?) ay naisipan na ring bumalik sa kanyang classroom subalit isang lalaking may katangkaran ang biglang lumapit sa kanya, at… “Oi, Jin!” Sabay lingon, “Bakit?” “Nagkakagulo na doon, di ka man lang tumutulong?” “Tange! Bakit naman ako makikihalo doon? Ano naman ang ginawa ko?” “Pare, kelangan tayo ni Boss Karl ngayon! Ginugulo na naman sila ng Kuneho!” Medyo natigilan siya nang marinig niya kung sino ang sangkot. Nagbubutil na ang pawis sa kanyang noo. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ano na naman ba ang nangyari’t nagkakagulo na naman, tanong niya sa sarili. Hindi na niya mahulaan kung sino ang nagsimula. Hindi rin niya masabi kung sino ang kakampihan sa kanilang dalawa dahil inaamin niya, takot siya sa kanilang dalawa. Kaya wala nang isip-isip, sabay hakot ng kanyang mga gamit, wala na siyang oras para ilagay iyon sa kanyang bag, at agad na siyang lumayo. “Oi! Saan ka pupunta?” Hindi na ito sumagot. “Wag mong sabihing tatakas ka! Oi! Pag nalaman ‘to ni Boss, lagot ka na naman!” Pero hindi man lang ito natinag sa pananakot nito’t nagpakalayu-layo na. At kitang-kita ni Zai ang mga pangyayari. “Ai… Patay!” sabay palo sa noo.