Script Draft Major

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Script Draft Major as PDF for free.

More details

  • Words: 1,026
  • Pages: 4
[SCENE] ALL :

TAGPUAN : HACIENDA Kami ay mga manggagawa Sa isang magandang hacienda Pangalan ay hacienda maligaya Punong puno ng mga sakahan Samahan mo pa ng galak at ligaya Ha ha ha ha…

ALL :

Hindi kami sinisita ng hacendado Ngalan niya’y Don Ruel de Maligaya Matanda na ngunit mapagbigay Kaya’y bawat tao’y kasundo niya

ALL :

Sa umaga’y trabaho Sa hapon’y kasiyahan Sa gabi’y tulugan time na Ha ha ha ha…

ALL :

Dito sa amin, kami’y masaya Ngiti’y nasa aming labi Kahit bilad na sa araw Sige pa rin ang hataw Kunswelo na rin kay Don Maligaya Ito ang sekreto ng hacienda kaya unlad na unlad

PRIMA AT DONA : Magandang hapon po Itay! Nandito na po kami. DON MALIGAYA : Magandang hapon din aking mga dalaga. Mukhang masaya kayo ngayon ah. Anong meron sa aking mga magagandang dilag? DONA :

Alam ninyo po ba itay, nakatanggap kami ni Prima ng gantipala. Kaming dalawa ang nanalo sa pagdedebate! Gamay na gamay na po namin kasi ang paksa.

PRIMA :

Sa totoo nga po itay, kami’y kinakabahan ng oras na iyon dahil mga magagaling rin ang aming mga nakatunggali.

DON MALIGAYA : Maari ko bang malaman kung tungkol saan ang paksa? DONA :

Tungkol po sa pamahalaan ngayon. Sa katunayan nga po, napakalaki ng naitulong ng pagiging bukas ang mata sa mga pangyayari sa kasalukuyan at syempre, dahil bukas rin sa amin ang aming pinakamamahal na itay sa pamamahala dito.

DON MALIGAYA : Hindi lang pala kayo magaganda at malalambing na anak. Kayo’y nabiyayaan rin ng galing sa pakikipagtalastasan. Katulad talaga kayo ng inyong ina. PRIMA :

Syempre itay.

DONA :

Itay, gusto po sana namin na kasama kayo sa pagkuha ng aming gantipala.

DON MALIGAYA : O sige bukas ng tanggahali ay pupunta ako sa inyong eskwelahan. Mga anak pumasok na kayo sa inyong silid para kayo’y makakain na. Bukas ba’y gusto ninyong masaksihan ang kasiyahang nagaganap dito sa hacienda maligaya?

PRIMA AT DONA : Payag po kami. Maaga kaming uuwi para sa kaganapan na iyan. Sige papa kami’y papasok na. [SCENE]

TAGPUAN : SILID NI DON MALIGAYA

MAMAMATAY:

Sa gitna ng gabi, ako’y magsasaya Ito na ang hinihintay kong paghahanda Para makapaningil ng utang sa matandang ugod na Isang unan lang ay mawawalan siya ng hininga O kay saya ng aking gabi Dahil ako’y magtatagumpay na Sa aking matagal na binabalak Apat na taon na pagtitiis, ngayo’y mababayaran na Isang unan lang ay mawawalan siya ng hininga Ha ha ha… Paalam Don Ruel de Maligaya!

[SCENE]



[SCENE] TAGPUAN : HACIENDA *pagdating nila Prima at Dona ay parang walang gana ang mga trabahador at gumagalaw na parang robot PRIMA :

Ate, ipagpaumanhin po ninyo ang paggambala ko sainyo ngunit nais ko lang po sana itanong kung nakita ninyo ang aming ama.

SERBEDORA:

Mam Prima at Mam Dona, nasa balkonahe po ang inyong ama, nandoon rin po si Mam Lita. Mas makabubuti po kung kayo’y pupunta na sa balkonahe at ihahatid ko na lamang ang inyong mga gamit.

PRIMA AT DONA : Maraming salamat. [SCENE 7] *background: ALL :

TAGPUAN : BALKONAHE

ALL :

Hindi kami sinisita ng hacendado Ngalan niya’y Don Ruel de Maligaya Matanda na ngunit mapagbigay Kaya’y bawat tao’y kasundo niya

ALL :

Sa umaga’y trabaho Sa hapon’y kasiyahan Sa gabi’y tulugan time na

ALL :

Dito sa amin, kami’y masaya Ngiti’y nasa aming labi Kahit bilad na sa araw Sige pa rin ang hataw Kunswelo na rin kay Don Maligaya Ito ang sekreto ng hacienda kaya unlad na unlad

Kami ay mga manggagawa Sa isang magandang hacienda Pangalan ay hacienda maligaya Punong puno ng mga sakahan Samahan mo pa ng galak at ligaya

PRIMA : Tiya para saan ang burol na ito? Bakit ang lahat ng trabahador ay (HUMAHAGULGOL)malungkot? Ito ba ang sinasabi niya na kasiyahan? LITA :

Isang walang pusong tao ang gumawa nito.

DONA :

Tiya ano po ang nangyari dito?

LITA :

Hindi ko rin alam ngunit pati ako’y nagulat sa pangyayari. Ipagpasadiyos na lang natin ang kaluluwa ng yumao mong ama at nawa’y sumpain ng panghabang buhay ang gumawa nito sa isang huawaran at marangal na taong ito.

[SCENE]

EXAM

[SCENE] TATAY :

BAHAY Bagsak ka nanaman sa Science mo?!

ANAK :

Eh kasi tay ang hirap po talaga eh

TATAY :

Mahirap?! Paanong hindi ka mahihirapan eh hindi nga kita nakitang humawak ng libro! Pagdating mo sa bahay, kung hindi ka nakabbad sa telepono ay computer at tv ang inaatupag mo

ANAK :

Hindi naman. Minsan lang

KAPATID :

Gaano kadalas ang minsan?

ANAK :

Wagka ngang umextra! Sabat ka nanaman eh!

TATAY :

Bakit?! Totoo naman ang sinasabi ng kapatid mo ah! Bat hindi mo yan gayahin? Ikaw nga dapat ang nagiging halimbawa sa kapatid mo eh.

*eepal ang kapatid, nagmamayabang ANAK :

Jan naman kayo magaling eh! Pinagkukumpara ninyo nanaman kami! Yan ang hirap sainyo!

TATAY :

Aba! Sumasagot ka pa! Siga, wala kang tv, telepono at computer ng isang buwan. YOUR GROUNDED!

ANAK :

Ano?! Pero bakit?! Ang daya!

KAPATID :

Hahaha. Buti nga sayo!

TATAY :

Isang buwan yan kaya makakapag focus ka na sa pag-aaral mo

ANAK :

Eh pano kapag kailangan ko mag research?

TATAY :

May libro diyan, mga encyclopedia

ANAK :

Pano pag hindi ko mahanap yung sagot dun?

TATAY :

Sige one hour ka lang sa computer. Walang laro, friendster at kung anu ano pa.

ANAK :

Hai.. Kakainis naman. Daig ko pa ang nasa militar ah!

KAPATID :

Loser ka kasi. Ahahaha… Loser, loser, loooooser

ANAK :

Pag hindi ka tumigil sasapakin kita

TATAY :

Hoy nandito ako! Tama na nga yan. Ikaw umakyat ka sa taas. Ang bata pa ng kapatid mo eh inaaway mo na

ANAK :

Sige siya nanaman ang kampihan inyo. Magsama kayong dalawa!

*anak walk out TATAY :

Hoy kung makasagot ka kala mo ang dami mo ng alam ah! Papunta ka pa lang, pabalik na ako!

ANAK :

Eh bakit hindi tayo nagkasalubong?! (naglalakad papunta sa lugar na siya lang mag-isa)

ANAK :

Ako nanaman! Lagi na lang ako. Wala na akong ginagawang tama para sa kanya. Puro na lang mali. Eto, eto ang sagot sa problema ko.

Related Documents

Script Draft Major
June 2020 0
Script Draft
June 2020 0
Script Draft Edit
December 2019 5
Major
April 2020 16
Major
June 2020 17
Script
October 2019 23