MGA NILALAMAN - Ang Walang Hanggang Ebanghelyo - Ang Tatlong bigkis na Mensahe ng Anghel - Ang Ibang Anghel -Mga Tanda ng Wakas ng Sanlibutan - Ang Panahon ng Kabagabagan - Ang Unang Limang mga Salot - Ang Ika Anim at Pang Pitong mga Salot - Ang Ikalawang Pagdating ni Hesus - Ang Millennium - Ang Kalagayan ng mga Patay - Mga Muling Pagkabuhay - Kasalanan at mga Makasalan ay Winasak - Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
Mga Araling Pansabado Mula sa Biblia, isang programa para sa araw-araw na pag-aaral, na batay lamang sa Biblia at Espiritu ng Hula na walang idinagdag na mga paliwanag. Ang mga sipi ay sinikap na mapaikli hangga’t maaari upang makapagbigay ng maikli, tuwirang mga kahulugan. Ang mga panaklong ay ginamit sa ilang pagkakataon upang tiyakin ang kaliwanagan, tamang kahulugan, at pagiging madaling basahin. Ang dagdag na pag-aaral sa mga pinagkunan ng sipi ay matapat na iminumungkahi.
Paunang Salita Sa panahon ng tremestreng ito, ang mga mag-aaral sa paaralang pang Sabado sa buong mundo ay bubuorin ang serye ng araling may pamagat na: This We Believe. Ang pang-apat na bahagi ng seryeng ito ay humahantong sa ilang pinaka mahalagang gamit ng buong taon. Dito ay pag-aaralan natin ang tatlong anghel na pabalita ng Apokalipsis 14 at ibang mga propesiya na mahalaga sa ating pagkaunawa at babala sa mga huling araw na ito. Sa pagsasa-alang alang sa nakalipas bilang kabuoan, ang ating pananaw sa buhay ay malalim na napabuti sa pamamagitan ng tamang pagunawa sa propesiya. Sa kasamaang palad, marami sa relihiyosong sangkatauhan ngayon ay nakasandig sa hula-hula kapagka naghahanap upang bigyang kahulugan ang propesiya. Subalit ang Diyos ng lahat ng kaalaman at kaawaan ay nakapagbigay ng paraan na kun saan ay ating matuwid na maunawaan ang hiwaga ng kanyang salita. Sa paghahambing ng kasulatan sa kasulatan, ang Biblia ay ipinaliliwanag ang sarili. Ang mga aral ng nakaraan ay naghahayag sa atin kung ano ang nakaraan, naipinakikita sa atin na tayo ay nasa tamang landas sa pag-akma sa propesiya. “Dapat nating alamin ang higit sa ating nalalaman sa kasalukuyan. Ating dapat unawain ang mga malalim na mga bagay ng Diyos. May mga tema na dapat pamalagian ng isip na mga karapat-dapat sa higit sa pag pansin. Mga anghel ay nagnais na tumingin sa mga katotohanan na nangahayag sa mga nagsasaliksik sa salita ng Diyos ng may bagbag na mga puso. Silang magtatalaga ng kanilang mga kapangyarihan sa pag-aaral ng salita ng Diyos, at lalo na sa mga propesiya na tumutukoy sa mga huling araw na ito, ay gagantipalaan sa pamamagitan ng pagkatuklas ng mahahalagang katotohanan.”-The Signs of the Times, April 18, 1900. “Ang sanlibutan ay nasa pangangailangan ng nagliligtas na katotohanan na ipinagkatiwala ng Diyos sa Kaniyang bayan. Ang sanlibutan ay mapapahawak hangga’t hindi ito mabigyan ng kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang napiling mga ahensiya. Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, silang mga manggagawa kasama ng Diyos ay magsisigawang may hindi nanghihinang katatagan, at ibabahagi sa iba-ibang lugar sa sanlibutan ang liwanag ng mahahalagang liwanag. Habang sila ay nagsisipasok sa matataas na dako at tabing daan, habang nagsisigawa sa di pansing mga lugar sa daigdig, sa tahanan at sa mga ibayong rehiyon ay makikita nila ang pagliligtas ng Diyos na nahayag sa kapansinpansing paraan. “Mga tapat na mensahero ng Diyos ay magsisikap na pasaning pasulong ang gawain ng Panginoon sa Kanyang itinalagang paraan. Sila ay maglalagay ng kanilang sarili sa malapitang ugnayan sa Dakilang Guro nang upang sila ay maturuan ng Diyos araw-araw. Sila ay makikipagpunyagi sa Diyos sa masikap na panalangin para sa bautismo ng Banal na Espiritu upang kanilang matugunan ang mga pangangailangan ng isang sanlibutang napapahamak sa kasalanan. Lahat ng kangyarihan ay ipinangako doon sa hahayo sa pananampalataya upang ihayag ang walang hanggang ebanghelyo. Habang ang mga lingkod ng Diyos ay dinadala sa sanlibutan ang buhay na mensahe sariwa mula sa trono ng kaluwalhatian, ang liwanag ng katotohanan ay sisinag tulad sa ilawan na lumiliyab, maabot ang lahat ng dako ng sanlibutan. Kaya ang kadiliman ng kamalian at kawalang paniwala ay mapalis sa mga kaisipan ng mga tapat sa puso sa lahat ng mga lupain, na ngayo’y siyang humahanap sa Diyos.”-The Review and Herald, March 31, 1910. The General Conference Sabbath School Department
SABBATH, OCTOBER 3, 2009 First Sabbath Offering for the Missionary Schools around the world.
Leksyion 1
Sabbath, Oktubre 3, 2009
Ang Walang Hanggang Ebanghelyo “Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una’ sa Judio, at gayon din sa Griego”(Roma 1: 16). “Nawa’y buksan ng Panginoon ang saradong mga mata ng Kaniyang bayan at pasiglahin ang kanilang mapurol na mga pandama, upang kanilang maunawaan na ang ebanghelyo ay kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan para sa kanila na naniniwala.” –Testimonies, vol.7, pp.11-12. Iminumungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 8, pp. 9-29. LINGGO
Setyembre 27
1.ANG UNANG PAGKAKATAON NA NAIPANGARAL ANG EBANGHELYO a. Dagli pagkatapos na mahulog ang sangkatauhan, anong mensahe ang ibinigay sa ating unang magulang, at ano ang naging kahalagahan noon? Genesis 3:15. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa tao ang unang pagpapahiwatig ng pagtubos ay naipabatid sa pangungusap na ipinahayag kay Satanas sa hardin…. [Genesis 3:15 sinipi.] Ang pangungusap na ito, na ipinahayag sa naririnig ng ating unang mga magulang, ay isang pangako para sa kanila. Habang yaon ay humuhula sa digmaan sa pagitan ng tao at ni Satanas, yaon ay nag-ulat na ang kapangyarihan ng dakilang kaaway sa wakas ay mawawasak.” – The Faith I Live By, p.75. b. Sa pamamagitan ng anong mga kaparaanan na ang magandang balita ng kaligtasan ay pinaniwalaan ng mga patriarka at mga propeta? Genesis 4:3-7; Hebreo 11:4. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakasakit na mga handog ay natatag, at silang natakot sa Diyos ay inamin ang kanilang mga kasalanan sa harap Niya, at tumingin sa hinaharap na may pagpapasalamat at banal na pagtitiwala sa pagdating ng Tala sa Umaga, na dapat pumatnubay sa mga nahulog na mga anak ni Adan tungo sa Langit, sa pamamagitan ng pagsisisi tungo sa Diyos at pananampalataya tungo sa ating Panginoon at Tagapagligtas na Hesu-Kristo. Kaya ang ebanghelyo ay naipangaral sa bawa’t pagpapakasakit.” –Selected Messages, vol. 1, p. 231.
LUNES
Septyembre 28
2. MENSAHE NI JUAN BAUTISTA a. Nang sinimulan ni Juan Bautista ang kanyang ministeryo, ano ang naging tema ng kanyang pangangaral? Mateo 3:1,2; Juan 1:29. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Noong makita ni Juan si Jesus binanggit niya ang Kanyang misyon. Sinabi niya, ‘Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan.(Juan 1:29).”-Faith and Works, p.90. “Ang pangangaral ni Juan Bautista ay nagkaroon ng matinding kasabikan. Sa pasimula ng kaniyang ministeryo, mababang maigi ang kasabikang pangrelihiyon. Pamahiin, kaugalian, at mga pabula ang nag papalito sa isipan ng mga tao, at ang tamang daan ay hindi naintindihan. Masisikap sa pagkakaroon ng makasanlibutang yaman at karangalan, ang Diyos ay nakalimutan ng tao. Si Juan ay humayo upang ipahayag ang itinalaga ng Panginoon, at tinawagan ang tao sa pagsisisi.”-The Youth’s Instructor, May 17, 1900. b. Ano ang naging resulta ng pangangaral ni Juan? Paano siya humarap sa iba’t-ibang tao? Lukas 3:7-14. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang doktrina na ipinangaral ni Juan ay, una, pagsisisi sa nakalipas na mga kasalanan; kasunod ‘ang kaharian ng Langit ay malapit na.’ Sila ay dapat magpakita ng pagsisisi sa Diyos; kasunod sila ay dapat mahanda na magpakita ng pananampalataya sa Isa na napipintong ihayag ang sarili sa kanila. Katotohanan ay dapat hayaang maisagawa ang kapangyarihang maglinis sa buhay ng mga pangulong ito. “Doon sa mga di aral sa orakolo ng Diyos, noo’y sapat para kay Juan na sabihin, ‘Magsisi kayo: sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na’(Mateo 3:2). Ngunit ng makita ng Bautista ang mga Pareseo at Saduceo na dumarating sa kaiyang pagbautismo, siya ay nakilos upang bigyan sila ng napagpasyahang mensahe. Ang mga lalaking ito ay pinanatili ang kanilang sarili bilang kapangyarihan sa mga tao. Kahit na may iba-iba silang teorya tungkol sa ibang bagay sa Biblia ay nagkakabuklod sila sa kanilang naisin na makinig sa mga salita ng propeta sa ilang. Ang iba na dumating mula sa pag-osyoso, na nabihag ng kanyang mga salita, ay naging interesado sa mensahe na kanyang ibinibigay, at nakilos upang magbautismo. Sa kanila ay sinabi ni Juan, ‘Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi’ (bersikulo 8). Si Kristo ay napipintong magpakita bilang tagapaghayag ng ugali ng Diyos. Ang Kaniyang presensiya ay magpapaalam sa mga tao ng kanilang kasalanan. Sa kanilang kusang loob lamang na mapalis mula sa kasalanan, sila ay makakapasok tungo sa paki-halubilo kasama Niya. Silang sa puso ay may kabulokan ay di makakapanatili sa Kaniyang presensiya” –The Review and Herald, Nov.28, 1907.
MARTES
Septyembre 29
3. ANG MENSAHE NI HESUS a. Sa pagsimula ni Hesus sa Kaniyang ministeryo, ano ang naging paksa na inihimok niya sa nga tao? Marcos 1:14, 15. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang pasanin ng pangangaral ni Kristo ay, ‘Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.’ (Marcos 1:15).” –The Desire of Ages, p.233. “Ang mensahe ni Kristo sa nga tao ay, ‘kung hindi kayo magsipagsisi, kayong lahat ay mapapahamak.’ At ang mga alagad ay inatasang mangaral sa lahat ng dako na dapat magsisi ang mgat tao. Nais ng Panginoon na ang Kaniyang mga lingkod ay ipangaral ngayon ang lumang ibanghelyong doktrina, pagkalungkot sa kasalanan, pagsisisi at pangungumpisal. Nais natin ng makalumang pangangaral, makalumang kaugalian, makalumang mga ama at ina sa Israel, na may kaawaan ni Kristo.” –This Day With God, p.370. “Sa atin ang mensahe ni Kristo ay, ‘Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin.’ (Mateo 16:24) .” –Welfare Ministry, p.116. b. Ano ang paliwanag ng Biblia sa ebanghelyo, ang mabuting balita ng kaligtasan? Roma 1:16; 1-Corinto 15:1-6; 2-Corinto 5:21. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Kristo na nabitin sa krus ang naging ebanghelyo….Ito ang ating mensahe, ating argumento, ating doktrina, ating babala sa ayaw magsisi, ating pagbigay lakas para sa nalulungkot, ang pag-asa ng bawat naniniwala.” –Manuscript Releases, vol. 21, p.37. “Ang ebanghelyo ay kapangyarihan ng Diyos tungo sa kaligtasan, kapag iyon ay inihabi sa praktikal na buhay, kapag iyon ay isinakabuhayan at isinagawa. Ang pagkakaisa ng tulad kay Kristong gawa para sa katawan at tulad kay Kristong gawa sa kaluluwa ay ang tunay na pagkakaunawa sa ebanghelyo.” –My life Today, p.224. “Ang ebanghelyo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos kapag iyo’y naihayag ng tama nilang nagaangking sila’y Kristiano.” –Christian Education, p.147. “Ang ebanghelyo ay paghahayag ng pag-ibig ng Diyos sa mga tao, at nangangahulugan ng lahat na mahalaga sa kasiyahan at ikabubuti ng sangkatauhan.” – Fundamentals of Christian Education, p.186. “Ang pinaka samyo ng ebanghelyo ay pagsasauli, at nais ng Tagapagligtas sa atin na sabihan ang mga may sakit, ang walang pag-asa, at mga nangahihirapan na manghawakan sa Kaniyang Lakas.” –The Desire of Ages, pp. 824,825.
MIYERKULES
Septyembre 30
4. PANIWALAAN ANG EBANGHELYO a. Ano ang magiging epekto ng ebanghelyo sa kanilang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tumanggap sa probisyon na ginawa para sa kanilang kaligtasan? Lucas 18:13, 24:47; 2-Corinto 7:9,10. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Mas malapit tayong lumapit kay Hesus, at mas malinaw nating iniintindi ang kalinisan ng Kaniyang pag-uugali, ay mas malinaw na ating makikita ang sobrang pagka-kasalanan ng kasalanan, at mababawasan ang pagkadama natin tulad sa pagtataas ng ating sarili. Doo’y magkakaroon ng nagpapatuloy na pag-abot sa kaluluwa ayon sa Diyos, isang nagpapatuloy, masikap, dumdurog ng pusong paghahayag ng kasalanan at pagpapakumbaba ng puso sa harapan Niya. Sa bawat pasulong na hakbangin sa ating Kristianong karanasan ang ating pagsisisi ay lalalim. Maaalaman natin na ang ating kasapatan ay nakay Kristo lamang at gagawing atin ang pagpapahayag ng apostol: ‘nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti.’ ‘malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanlibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan’ (Roma 7:18; Galacia 6:14).” –The Acts of the Apostles, p.561. b. Bukod sa pagsisisi, ano ang magiging bunga ng paniniwala kay Kristo? Awit 51:10-13; Efeso 2:8-10; 1-Juan 3:24. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang pananampalataya kay Kristo na nagliligtas ng kaluluwa ay hindi siyang dapat ipinakikita ng marami. ‘Maniwala, maniwala,’ ang kanilang sigaw; ‘maniwala lamang kay Kristo, at ikaw ay maliligtas. Iyon lamang ang tanging kailangan mong gawin.’ Samantalang ang tunay na pananampalataya ay pagtitiwalang buo kay Kristo para sa kaligtasan, iyon ay tungo sa sakdal na pag-ayon sa utos ng Diyos. Pananampalataya ay nahahayag sa mga gawa.” –Faith and Works, p.52. “Ang nakapagbabagong kapangyarihan ng Diyos ay kayang baguhin ang namana at nakasanayang gawi; dahil ang relihiyon ni Hesus ay nagtataas. ‘Pagkapanganak na muli’ ay pagbabago ang ibig sabihin, isang bagong pagsilang kay Kristo Hesus.” –The Adventist Home, p.206. “Kailangan natin ang pananampalataya ni Abraham sa ating kapanahunan, upang liwanagan ang kadiliman na naipon sa paligid natin, pinipigilan ang matamis na sikat ng araw ng pag-ibig ng Diyos, at nagpapaunano sa paglagong espiritual. Ang ating pananampalataya ay dapat na mabunga sa mabubuting gawa; dahil ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Bawat katungkulang ginampanan, bawat sakripisyong ginawa sa pangalan ni Hesus, ay nagdadala ng lumalabis na dakilang gantimpala. Sa bawat akto ng tungkulin, nagsasalita ang Diyos at ibinibigay ang Kaniyang pagpapala.” –The Signs of the Times, May 19, 1898.
HUWEBES
Oktubre 1
5. IKALAT ANG PABALITA a. Ano ang atas na ibinigay ni Hesus sa Kaniyang mga tagasunod mula sa Kaniyang araw hanggang sa katapusan ng panahon? Marcos 16:15, 16; Mateo 28:18-20. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa atas sa Kaniyang mga disipulo, hindi lamang nabalangkas ni Kristo ang kanilang gawain, subalit binigyan sila ng kanilang mensahe. Turuan ang mga tao, ang sabi Niya, ‘na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo’ (Mateo 28:20)….’Ang kautusan at ang mga propeta,’ na may tala ng Kaniyang sariling mga salita at mga ginawa, ang mga kayamanang ipinagkatiwala sa mga disipulo na ibibigay sa sanlibutan. Ang pangalan ni Cristo ay kanilang bantaysalita, ang kanilang tsapa na mapagkakilanlan, ang kanilang tali ng pagkakaisa, ang otoridad para sa kanilang tuntunin ng pagkilos, at ang pinanggagalingan ng kanilang tagumpay. Walang hindi nagdadala ng Kaniyang paninitik ay kikilalanin sa Kaniyang kaharian.” –The Desire of Ages, p.826. “Ang sanlibutan ay ating bukirin ng misyonerong pag-gawa, at tayo ay pahahayo upang gumawang napapalibutan ng kapaligiran ng Getsemane at Kalbaryo.” –Testimonies, vol. 7, p.12. b. Anong kapangyarihan ang ipinangako sa lahat na tapat na sasama sa gawain ng pagkalat ng “mabuting pabalita” ng ebanghelyo? Gawa 1:8. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang paniniwala kay Kristo at pagtanggap ng Kaniyang nagpapabagong biyaya ay hindi hula-hulang gawain, kundi isang gawaing siyang pinagmulan ng kaalaman ni Kristo na sumisinag sa isipan at ugali. Kapag matamo mo ang karanasang ito, ay sasabihin mo, ‘Nalasap ko at nakita ko na ang Panginoon ay mabuti. Ang Panginoong Hesus ay aking magiging bahagi magpakailanman.’ Ang kapangyarihan ng krus ay kikilos sa iyo ng mahiwagang bukal ng pag-asa at takot, pgpupuri at pag-ibig…. Simula ngayon isinusuko ang iyong kalooban sa kalooban ni Kristo, ikaw ay inilabas sa panig na kung saan ang krus ang pang gitnang paksa.” – Lift Him Up, p.252.
BIYERNES PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA KATANUNGAN. a.) Ano ang kinalaman ng Genesis 3:15 sa pagpanagumpay sa kasalanan? b.) Ano ang dapat nating malaman mula sa ministeryo ni Juan Bautista? c.) Papaano makakaapekto sa praktikal nating buhay ang ebanghelyo? d.) Ano ang talagang ibig sabihin ng “paniwalaan” ang ebanghelyo? e.) Anong mga pangako ang isinama sa pagpapalawak ng ebanghelyo?
Oktubre 2
Leksyon 2
Sabado, Oktubre 10, 2009
Ang Tatlong Bigkis na mensahe ng Anghel “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan.” (Apocalipsis 14:6). “Ang ebanghelyo ay kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawa’t isa na nananalig; ngunit bahagi ito ng ibanghelyo na babalaan ang makasalanan ng parusa na naghihintay sa di naniniwalang kaluluwa.” –The Signs of the Times, April 18, 1895. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp.355, 356, 603-607.
LINGGO
Oktubre 4
1. BAHAGI NG WALANG HANGGANG EBANGHELYO a. Sangayon kay Hesus, ano ang mangyayari kapag ang ebanghelyo ay nakaabot na sa buong mundo? Mateo 24:14. Bakit kaya di pa dumating ang katapusan? Roma 10:18; Colosas 1:23; 2-Tesalonica 2:3. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “[Ang unang mensahe ng anghel] ay naihayag na maging bahagi ng ‘walanghanggang ebanghelyo;’ at iyon ay nagpapahayag ng pagbubukas ng paghatol. Ang mensahe ng kaligtasan ay naipangaral sa lahat ng panahon, ngunit ang mensaheng ito ay bahagi ng ebanghelyo na maihahayag lamang sa huling mga araw, dahil doon lamang yaon ay magiging totoo na ang oras ng paghatol ay dumating.” – The Great Controversy, pp.355, 356. b. Ano ang babala ng unang anghel, at papaano yaon ibibigay? Apocalipsis 14:6, 7 (ihambing ang Apocalipsis 22:12). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “[Apocalipsis 22:12 ay sinipi.] Yaon ang gawaing ito ng paghatol, madaling nauuna sa ikalawang pagdating, na naihayag sa unang pabalita ng anghel ng Apocalipsis 14:7.” –Doon din., p.352.
LUNES
Oktubre 5
2. ANG NAGIISANG KARAPAT-DAPAT SA PAGSAMBA a. Sino lamang ang sasambahin? Exodo 20:4-6. Ano ang ipinagbabawal ng ikalawang utos? Apocalipsis 19:10; 22:8, 9. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Diyos ang dapat na suheto ng isipan, ang layon ng pagsamba; at anuman na humalina sa isipan mula sa taintim, banal na paglilingkod ay paniniphayo sa Kanya.” –Testimonies, vol. 5, p. 499. “Ang pangalawang utos ay nagbabawal sa pagsamba sa tunay na Diyos sa pamamagitan ng mga larawan o kahawig. Maraming pagano na mga bansa ay nagaangkin na ang kanilang mga imahe ay mga korte o simbolo na kung saan ang Kataastaasan ay sinasamba, ngunit ang Diyos ay nagpahayag ng gayong pagsamba ay magiging kasalanan.” –Patriarchs and Prophets, p.306. b. Sa pagpanatili ng ika-pitong-araw na Sabbath, ano ang ating sinasangayunan tungkol sa tunay na pagsamba? Exodo 20:8-11; Apocalipsis 14:7 (huling bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa ika-apat na utos, ang Diyos ay nahayag bilang Manlalalang ng mga langit at ng lupa, at kaya nga naiiba sa lahat ng mga di totoong diyos. Iyon ay ibinilang na ala-ala ng gawa ng paglikha na ang ika-pitong araw ay pinabanal bilang araw ng pahinga para sa tao. Iyon ay dinesenyo upang panatilihin ang buhay na Diyos palagian sa mga isip ng mga tao bilang pinanggagalingan ng pagkatao at layunin ng paggalang at pagsamba.” –The Great Controversy, pp. 53, 54. “Ang Sabbath…nakalagay sa pinaka pundasyon ng maka-langit na pagsamba, dahil iyo’y nagtuturo nitong dakilang katotohanan sa pinaka kapansin-pansing gawi, at walang ibang institusiyon ang nakagawa nito. Ang tunay na simulain ng makalangit na pagsamba, hindi lamang sa ikapitong araw, kundi ng lahat ng pagsamba ay matatagpuan sa pagkakakilanlan sa pagitan ng Manlalalang at Kaniyang nilalang. Ang dakilang katunayang ito ay hindi kailanman naging lipas na, at di dapat makalimutan kailanman’ (J.N. Andrews, History of the Sabbath, chapter 27). Ang pamalagiin ang katotoohanang ito noon pa sa isipan ng mga tao, kaya itinalaga ng Diyos ang Sabbath sa Eden; at hangga’t ang katibayan na Siya ay ating Manlalalang ang nagpapatuloy na maging dahilan kung bakit dapat nating sambahin Siya, hangga’t ang Sabbath ay magpapatuloy bilang tanda at ala-ala nito. Kung sana ang Sabbath ay pangkalahatang iningatan, ang isipan at pagkagiliw ng tao at matagal na sanang nahatid tungo sa Manlalalang bilang pinagtutuunan ng paggalang at pagsamba, at diyan ay di sana nagkaroon kailanman ng ma-pagsamba sa dios-diosan, ng walang Diyos, o ng di naniniwala. Ang pag-iingat sa Sabbath ay isang tanda ng katapatan sa tunay na Diyos,… na ang mensahe na naguutos sa mga tao na sumamba sa Diyos at sundin ang Kaniyang mga utos ay mamumukod na tatawag sa kanila na sundin ang ika-apat na utos.” –The Great Controversy, pp.437, 438.
MARTES
Oktubre 6
3. BABILONIA AY BUMAGSAK a. Ano ang ibinalita ng ikalawang anghel, at ano ang kahulugan ng kaniyang kalatas? Apocalipsis 14:8. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang terminong ‘Babylon’ ay kinuha mula sa ‘Babel,’ at nangangahulugan ng pagkalito. Iyon ay ginamit sa Kasulatan upang mapagkilanlan ang sari-saring huwad o tumalikod na relihiyon. Sa Apokalipsis 17 ang Babylon ay pinakilala bilang isang babae- isang porma na ginamit sa Biblia bilang simbolo ng isang iglesia, isang marangal na babae ay pinakilalang dalisay na iglesia, isang napakasamang babae ay tumalikod na iglesia.”- The Great Controversy, p. 381. “Ang Babylon ay sinabing ‘ang ina ng mga patutot.’ Sa kaniyang mga anak na babae ay dapat na nagsi-simbolo sa mga iglesia na nakakabit sa kaniyang mga doktrina at mga tradisyon, at sinusunod ang kaniyang halimbawa ng pag-sakripisyo ng Katotohanan at ng pagsang-ayon ng Diyos, nang sa gayon ay makabuo ng di ayon sa batas na pakipagkasundo sa sanlibutan. Ang mensahe ng Apokalipsis 14, nagpapahayag ng pagbagsak ng Babylon ay dapat na iangkop sa relihiyosong samahan na minsang naging sakdal at naging sira.” –The Great Contoversy, pp. 382, 383. b. Kailan naihayag ang mensahe ng ikalawang anghel sa unang pagkakataon, at kanino iyon tumutukoy? Kailan mauulit na muli ang mensaheng iyon, at sa pamamagitan nino? Apokalipsis 18:1-3. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang ikalawang anghel na pabalita ng Apokalipsis 14 ay unang naipangaral sa taginit ng 1844, at mula noon iyon ay lalong tumutukoy sa mga iglesia ng Estados Unidos, kung saan ang babala ng paghatol ay naging pinaka-malawak na naihayag at tinanggihan ng pinaka-nakararami, at kung saan ang pagbulusok ng mga iglesia ay naging pinakamabilis. Ngunit ang mensahe ng ikalawang anghel ay hindi nakaabot sa kaniyang kasapatan ng katuparan noong 1844.” –Doon din., p. 389. “[Apokalipsis 18:1,2,4 sinipi.] Ang kasulatang ito ay tumuturo pasulong sa panahon nang ang paghahayag ng pagbagsak ng Babylon, tulad ng ginawa ng ikalawang anghel ng Apokalipsis 14 (talatang-8), ay mauulit, na may karagdagang pagbanggit sa mga kabulukan na pumapasok sa sari-saring organisasyon na bumubuo ng Babylon, mula pa ng ang pabalita ay unang ibinigay.” –Doon din. p. 603. “Ang Diyos ay mayroon ding isang bayan sa Babylonia; at bago ang pagbisita ng Kaniyang paghatol ang mga bawa’t tapat ay kinakailangang tawagang lumabas…. Kung kaya ang kilusan ay sagisag ng anghel na bumababa mula sa langit.” –Doon din., p. 604.
MIYERKULES
Oktubre 7
4. ANG IKATLONG ANGHEL NA PABALITA a. Laban sa anong Tanging mga kasalanan nagbababala ang ika’tlong anghel sa mga naninirahan sa lupa? Apokalipsis 14:9,10. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Yaong institusyon [ang Sabbath] na tumuturo sa Diyos bilang ang Manlalalang ay isang tanda ng Kaniyang makatuwirang kapamahalaan sa mga nilalang na Kaniyang ginawa. Ang pagbabago ng Sabbath ay ang palatandaan, o marka, ng pamumuno ng Romanong iglesia. Yaong sino, na nauunawaan ang mga inaangkin ng ika-apat na utos pinipili na ganapin ang mali kapalit ng tunay na Sabbath, sa gayo’y mga yumuyukod sa kapangyarihang yaon kung saan lamang iyon ay ipinagutos… “Sa usapin ng dakilang labanan, dalawang kitang-kita, magkalabang klase ay nabuo. Isang klase ay sinasamba ang hayop at kaniyang larawan, at tinatanggap ang kaniyang tanda, at sa gayon ay dinadala sa kanilang mga sarili ang kakila-kilabot na paghatol na iniaamba ng ika’tlong anghel. Ang ibang klase, sa kitang-kitang kaibahan sa sanlibutan, ‘sumusunod sa mga utos ng Diyos, at ng pananampalataya ni Hesus’ (Apokalipsis 14:9,12). –The Story of Redemption. p. 383. b. Upang makatakas sa galit ng Diyos dapat tayong makinig sa babala ng ika’tlong anghel. Ano at sino ang hayop, ang wangis ng hayop, at ano ang tanda ng hayop? Apokalipsis 13:1-7, 14-16. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “’[Apokalipsis 14:9,10.] Ang hayop’ na binanggit sa pabalitang ito, na ang pagsamba ay ipinatupad ng may dalawang sungay na hayop, ay siyang una, o tulad sa leopardong hayop ng Apokalipsis 13- ang papacy. Ang ‘wangis ng sa hayop’ ay nagpapakilala ng gayong porma ng tumalikod na Protestantismo na siyang mabubuo kapag ang mga Protestanteng.iglesia ay magsisihanap ng tulong ng kapangyarihang sibil para sa pagpapatupad ng kanilang mga paniniwala.” –GC. P.445. “Ang tanda, o selyo, ng Diyos ay nahayag sa pagtupad ng Sabbath na ikapitong araw, ang ala-ala ng paglikha ng Panginoon… “Ang marka ng hayop ay ang kabaligtaran nito–ang pagganap sa unang araw ng sanlinggo. Ang tandang ito ay mapagkakilanlan silang tumatanggap sa kataasan ng kapamahalaan ng papa mula doon sa tumatanggap sa kapamahalaan ng Diyos.” – Testimonies, vol.8, p.117. “Si Juan ay tinawagan upang mamasdan ang bayan na kakaiba mula doon sa mga sumasamba sa hayop o kaniyang larawan sa pamamagitan ng pag ala-ala sa unang araw ng sanlinggo. Ang pagganap sa araw na ito ay ang marka ng hayop.” – Testimonies to Ministers, p. 133.
HUWEBES
Oktubre 8
5. ANG KINAHANTUNGAN NG PABALITA NG IKA’TLONG ANGHEL a. Habang tinatapos ng ika’tlong anghel ang kaniyang babala, ano ang ipinahayag tungkol sa bayan ng Diyos? Apokalipsis 14:12. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang mensahe ng ika’tlong anghel ay ang pagbabantog sa mga utos ng Diyos at ang pananampalataya ni Jesus Cristo…. “’Ang pananampalataya ni Hesus.’ Iyo’y pinaguusapan, ngunit hindi naiintindihan. Ano ang bumubuo sa pananampalataya ni Hesus, na kabilang doon sa ika’tlong anghel na pabalita? Si Hesus sa pagiging ating taga pag-alala ng ating kasalanan upang Siya ay maaaring maging ating nagpapatawad ng kasalanang Tagapagligtas. Siya ay tinrato na kung papaano na tayo ay dapat tratuhin. Siya ay dumating sa ating daigdig at dinala ang ating mga kasalanan nang tayo ay maaaring magtamo ng Kaniyang katuwiran . At ang pananampalataya sa kakayanan ni Kristo na iligtas tayo na sapat at lubos at ganap ay ang pananampalataya ni Hesus… “Si Kristo ‘ay nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo’ (Isaias 53:5). ‘Iniligtas sa pamamagitan ng dugo ni Hesu-Kristo,’ ang magiging ating tanging pagasa samantala at ating awitin sa buong walang-hanggan.” –Selected Messages, bk.3, pp. 172,173. b. Saan nakita ni apostol Juan silang nakapanagumpay sa hayop, kaniyang larawan, at hindi tumanggap ng marka ng hayop? Apokalipsis 15:2,3; 14:1-3. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa may dagat na Kristal sa harap ng trono, yaong dagat ng bubog na parang hinaluan ng apoy–napaka makinang niyon kasama ng kaluwalhatian ng Diyos–ay nagsama-sama ang kompaniya na ‘natamo ang tagumpay doon sa hayop, at doon sa kaniyang larawan, at doon sa kaniyang tanda, at doon sa bilang ng kaniyang pangalan kasama ng Kordero sa Bundok ng Zion, ‘taglay ang mga alpa ng Diyos’ (Apokalipsis) 15:2), sila’y nangakatayo, ang isang daan at apat na pu’t apat na libo.” –The Great Controversy, p. 648. BIYERNES
Oktubre 9
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA KATANUNGAN. a.) Papaano ang walang hanggang ebanghelyo ay mas malalim kaysa sa inisip ng nakararaming tao? b.) Bakit ang araw na tayo ay espiritual na nagpapahinga ay napakahalaga sa Diyos? c.) Ano ang bumubuo sa espiritual na Babylonia sa huling mga araw? d.) Bakit kailangan ng mga tao na maunawaan ang pabalita ng ika’tlong anghel? e.) Ano ang inihahayag ng dakilang tagumpay nilang mga tumanggap ng mahalagang katotohanang ito?
Leksyon 3
Sabbath, Oktubre 17, 2009
Yaong Ibang Anghel “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian” (Apokalipsis 18:1). “Tulad sa hula sa ika-labing walo ng Apokalipsis, ang pabalita ng ika’tlong anghel ay ihahayag na may dakilang kapangyarihan nilang nagbigay ng pangwakas na babala laban sa hayop at sa kaniyang larawan: [Apokalipsis 18:1-6 sinipi].” – Testimonies, vol. 8, p.118. Iminumungkahing Basahin: The Great Controversy, pp. 603-612. LINGGO
Oktubre 11
1. ANG PABALITA NG IKA TATLONG ANGHEL a. Ang pang tatlong anghel na pabalita ay dapat maibigay na may malakas na tinig. Ano ang plano ang binubuo ni Satanas upang pahinain ang paghahayag nito? Apocalipsis 14:9. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Satanas ay nagbuo ng kalagayan ng mga bagay upang ang paghahayag ng ika’tlong anghel na pabalita ay mahanggahan sa palibot…. Doo’y kailangang walang pagpababa ng tunog ng kakatotohanan, walang pampahina ng pabalita sa ngayon. Ang ika’tlong anghel na pabalita ay dapat na palakasin at matiyak… Nagkaroon na ng sobrang pagpalo sa palibot ng damuhan sa paghahayag ng ika’tlong Anghel na pabalita. Ang mensahe ay hindi pa nabigyan ng napakalinaw at kapansin-pansin na dapat nitong naging.” –Evangelism, p. 230. b. Anong babala ang ibinigay doon sa mga sumubok na gumawa ng pagbabago sa tatlong bigkis na pabalita? Deuteronomio 4:2. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ako ay pinakitaan ng tatlong hakbang –ang una, pangalawa, at pangatlong anghel na mga pabalita. Sinabi ng aking gabay na anghel, kasawian sa kaniyang gagalaw ng isang bloke o tinagin ang karayom ng mga mensaheng ito. Ang tunay na pagkaunawa sa mga pabalitang ito ay nasa matinding kahalagahan. Ang katutunguhan ng mga kaluluwa ay nakasalalay sa gawi na sa gayon sila ay tinanggap.” –Early Writings, pp. 258, 259.
LUNES
Oktubre 12
2. ANG PANGANGAILANGAN NG TULONG a. Ano ang nasaksihan ni Juan nang kaniyang simulang sulatin ang ika-labing walong kapitulo ng Apokalipsis? Bakit kaya itong ibang anghel ay kailangang dumating? Apokalipsis 18:1 (unang bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang ikatatlong anghel na pabalita ay ibibigay na may kapangyarihan. Ang kapangyarihan ng pagkakahayag ng una at pangalawang mga mensahe ay palalakasin sa panga’tlo. Doon sa Apokalipsis sinabi ni Juan ang tungkol sa makalangit na mensahero na nakipagkaisa sa ika’tlong anghel. [Apokalipsis 18:1,2 sinipi.] Tayo ay nasa panganib ng pagbibigay ng ika’tlong anghel na pabalita sa napaka di siguradong gawi na hindi iyon makintalan ang mga tao. Napakaraming ibang kawilihan ang ipinapasok na ang pinaka mensahe na dapat na ipahayag na may kapangyarihan ay nagiging matamlay at walang boses.” –Testimonies, vol. 6, p. 60. Ano ang ating kalagayan sa nakatatakot at solemneng panahong ito? Naku, anong pagmamataas ang namumutawi sa iglesia, anong pagkukunwari, anong pandaraya, anong pag-ibig sa kasuotan, walang pakialam, at paglilibang, anong naisin para sa kahigitan!” –The Review and Herald, March 22, 1887. b. Anong ibang mga kalagayan ang nananaig sa loob ng iglesia ang nangailangan ng pagdating ng ibang anghel na iyon? 1 Juan 2:15,16; 2 Corinto 6:14-16. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Yao’y isang solemne at kakilakilabot na katotohanan na marami na naging masigasig sa paghahayag ng ika’tlong anghel na pabalita ay ngayo’y nagiging makupad at nagwawalang bahala! Ang guhit ng hangganan sa pagitan ng mga makasanlibutan at maraming nagaangking Kristiano ay halos di makita. Marami na minsa’y nangaging masikap na mga Adventista ang sumasangayon sa sanlibutan-sa mga gawi nito, mga kaugalian nito, pagkamakasarili nito. Sa halip na pangunahan ang sanlibutan upang ipakita ang pagsunod sa utos ng Diyos, ang iglesia ay nakikipagkaisa lalo at lalong malapit sa sanlibutan sa pagsalangsang. Araw-araw ang iglesia ay nagiging hikayat sa sanlibutan.” –Testimonies, vol. 8, pp.118, 119. “Ang ating sariling landasin ng patuloy na pagtalikod ang naghiwalay sa atin mula sa Diyos, pagmamalaki, paghahangad, at pag-ibig sa sanlibutan ang namuhay sa puso na walang takot sa pagkawala o kaparusahan. Malala at lumalabis na mga kasalanan ay nanatili sa kalagitnaan natin. At gayon pa man ang pangkalahatang opinion ay ang iglesia ay lumalago at ang kapayapaan at espirituwal na pag unlad ay nasa lahat ng kaniyang hangganan. “Ang iglesia ay tumalikod mula sa pagsunod kay Kristo ang Kaniyang Pinuno at patuloy na umaatras patungong Ehipto. Gayon ma’y kakaunti ang nababahala o nangamangha sa kanilang pangangailangan ng espirituwal na kapangyarihan. Pag aalinlangan, at pati di paniniwala sa mga patotoo ng Espiritu ng Diyos, ay nagpapalibadura sa iglesia natin saanman.” –Testimonies, vol.5, p.217.
MARTES
Oktubre 13
3. ANG ORAS PARA DUMATING ANG ANGHEL a. Anong katungkulan ang iniatang doon sa mga magwawasak ng kadiliman at magbigay ng liwanag ng katotohanan sa sanlibutan? Isaias 60:1,2. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang panahon ng pagsubok ay halos nasa atin na, dahil ang malakas na sigaw ng ika’tlong anghel ay nakapagsimula na sa paghahayag ng Katuwiran ni Kristo, ang nagpapatawad ng kasalanang Tagapagligtas. Ito ang pasimula ng liwanag ng anghel na kaluwalhatian ay pupuno sa buong lupa.” – The Review and Herald, November 22, 1892. “Nakita ko ang panibagong anghel na pinag-atasang bumaba sa lupa, upang ipagkaisa ang kaniyang tinig kasama ng ika’tlong anghel, at nagbigay ng kapangyarihan at puwersa sa kaniyang mensahe. Dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ang ibinahagi sa anghel, at habang siya ay bumababa, ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian…. Ang gawain ng anghel na ito ay pumasok sa tamang panahon upang sumali sa huling dakilang gawain ng ika’tlong anghel na pabalita habang iyon ay nagiging malakas na sigaw.” –Early Writings, p. 277. Nais ng Diyos na ang mga tagapagbantay ay dapat bumangon at mayroong sama-samang tinig na magparating ng desididong mensahe, binibigyan ang trumpeta ng siguradong tunog upang ang mga tao ay maaaring umigkas na lahat sa kanilang kinatatayuan na tungkulin at kumilos sa kanilang bahagi sa dakilang gawain. Susunod ang malakas, malinaw na liwanag ng ibang anghel na iyon na bumababa mula sa langit na mayroong dakilang kapangyarihan, ang pumuno na sana sa lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Tayo ay maraming taon nang huli.” –Manuscript Releases, vol. 14, p. 111. b. Ano ang nakapagpalinaw na ang gawain ng anghel sa Apokalipsis 18 ay nagpasimula sa nakaraan? Paano natin ipapakita ang ating kagustuhang tanggapin ang liwanag ng anghel na yaon? Romans 13:11, 12; Efeso 5:14. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ”Ang katanungan na may pinakamatinding kahalagahan sa panahong ito ay, ‘Sino ang nasa panig ng Panginoon? Sino ang makipagkaisa sa anghel sa pagbibigay ng mensahe ng katotohanan sa sanlibutan? Sino ang tatanggap sa liwanag na pupuno sa buong lupa ng kaluwalhatian nito?’ Silang nagmamalasakit sa liwanag na tinatangkilik ay tatanggap ng higit pa.” –The Review and Rehard, Nov. 5,1889. “Nakapagtatakang Babylon ay di nagpapalampas sa dugo ng mga banal at [‘di] ba tayo dapat maging gising na gising upang saluhin ang mga sinag ng ilaw na kasalukuyang kumikinang mula sa liwanag ng anghel na siyang magliliwanag sa lupa na mayroong kaniyang kaluwalhatian?” –Selected Messages, bk. 3, p. 426.
MIYERKULES
Oktubre 14
4. DALAWANG-MAGKASAMANG GAWAIN a. Anong gawa ang dapat maisagawa ng anghel ng Apokalipsis 18 bago ang lupa ay maliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos? Apokalipsis 3:18, 19. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang patotoo sa mga Laodicea ay umaangkop sa bayan ng Diyos sa kasalukuyang panahon, at ang dahilan na ‘di pa nito natatapos ng mas malaking gawa ay dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. Ngunit ang Diyos ay nabigyan ang mensahe ng panahon na gawin ang kaniyang gawain. Ang puso ay dapat na madalisay mula sa mga kasalanan na masyadong matagal na hinarangan si Hesus. Ang nakatatakot na mensahengito ay gagawin ang kanyang gawain. Noong una itong ipinakita, iyo’y naging daan sa malapitang pagsusuri ng puso. Mga kasalanan ay ikinumpisal, at ang bayan ng Diyos ay nangakalikaw sa lahat ng lugar. Halos lahat ay naniwala na ang mensaheng ito ay magtatapos sa malakas na sigaw ng ika’tlong anghel. Ngunit habang sila’y nabibigong makita ang makapangyarihang gawa na maisakatuparan sa maikling panahon, marami ang nawala sa kanila ang epekto ng mensahe. Nakita ko na ang mensaheng ito ay hindi matatapos ang kaniyang gawain sa kaunting maigsing mga buwan. Yao’y idinesenyo para gisingin ang bayan ng Diyos, upang matuklasan sa kanila ang kanilang mga pagsalangsang, at upang gabayan tungo sa masikap na pagsisisi, nang sila’y mapaboran kasama ng presensya ni Hesus, at maging angkop sa malakas na sigaw ng ika’tlong anghel.” –Testimonies, vol.1, p. 186. “Ang patotoo ng Tunay na Saksi ay hindi pa kalahating pinakikinggan. Ang solemneng patotoo kun saan ang katutunguhan ng iglesia ay nakasalalay ay di gaanong iginagalang noon pa, kundi man buong pinagwalang bahala. Ang patotoong ito ay dapat gumawa ng malalim na pagsisisi; ang lahat na tunay na tinanggap iyon ay susundin yaon at mapapasakdal.” –Early Writings, p. 270. b. Kapag ang bayan ng Diyos ay maging sakdal sa pamamagitan ng pagtanggap sa payo sa Laodicea at tumanggap ng huling ulan, anong gawa ang gagawin ng ibang anghel na yaon? Sino ang mga kinakatawanan noong ibang anghel? Apokalipsis 18:1 (huling bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Panibagong anghel ay isinama ang kaniyang tinig sa ika’tlong anghel, at ang lupa ay naliwanagan ng kaluwalhatian nito. Ang liwanag ay dumarami, at iyon ay sumisinag palabas tungo sa lahat ng bansa ng mga lupa. Yaon ay hahayo tulad sa ilawan na lumiliyab. Yaon ay sasamahan ng dakilang kapangyarihan, hanggang ang gintong sinag nito ay bumagsak sa bawat dila, bawat tao, at bawat nasyon na nasa mukha ng buong lupa. Hayaan mong tanungin kita, Ano ang iyong ginagawa upang maghanda para sa gawaing ito? Nagtatayo ka ba para sa walang hanggan? Dapat mong tandaan na ang anghel na ito ay kumakatawan sa bayan na mayroong mensaheng ito na ibibigay sa sanlibutan. Kabilang ka ba sa bayang yaon? –The Review and Herald, August 18, 1885.
HUWEBES
Oktubre 15
5. ANG LUPA AY NALIWANAGAN a. Ano ang sinabi ng propeta tungkol sa kaluwalhatian ng Panginoon? Habakuk 2:14. Ano ang kaniyang kaluwalhatian? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang huling sinag ng maawaing liwanag, ang hulig mensahe ng kaawaan naibibigay sa sanlibutan, ay isang paghahayag ng Kaniyang ugali ng pag-ibig.” – Christ’s Object Lessons, p.415. b. Ano ang magaganap kapag ang buong lupa ay naliwanagan ng liwanag, si Kristo ang Ating Katuwiran? Roma 9:27, 28; 11: 26; Isaias 11:11. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Mga lingkod ng Diyos, na ang kanilang mga mukha ay lumiliwanag at kumikinang na may banal na pagtatalaga, ay mangagmamadali mula sa dako patungo sa ibang dako upang magpahayag ng mensahe galing sa langit. Sa pamamagitan ng libong mga tinig, sa buong lupa, ang babala ay maibibigay…. “Ang mensahe ay maihahatid na di mapagaalinlangan kung ito’y sa malalim na paghikayat ng Espiritu ng Diyos. Ang katwiran ay naipakilala na. Ang binhi ay naihasik na, at ngayon yaon ay sisibol at mamumunga. Ang mga babasahin na ibinahagi ng mga misyonerong manggagawa ay nakapagbigay unawa sa iba, subali’t marami na ang mga isipan ay nakintalan ay napipigilan na lubos na maunawaan ang katotohanan o pumayag na sumunod. Ngayon ang sinag ng liwanag ay nakapasok sa bawat dako, ang katotohanan ay nakita sa kalinawan nito, at ang mga tapat na anak ng Diyos ay pinutol ang mga panali na pumipigil sa kanila. Ugnayang pamilya, relasyong pang iglesia, ay walang lakas na pigilan sila ngayon. Ang katotohanan ay mas mahalaga kaysa sa lahat sa paligid. Sa kabila ng maraming ahensiang nagsamasama laban sa latotohanan, maraming bilang ang nanayuan sa panig ng Panginoon..” –The Great Controversy, p.612. BIYERNES Oktubre 16 PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA KATANUNGAN a.) Anong katungkulan ang dumarating sa pagkaalam ng pabalita ng tatlong anghel? b.) Bakit naging mahalaga sa “yaong ibang anghel” na dumating? c.) Sa pamamagitan ng anong panawagan tayo ay tinawagan upang makipagkaisa sa gawain ng anghel na ito? d.) Ano ang layunin ng anghel na ito? e.) Ipaliwanag ang pagtatapos ng huling gawain ng Diyos sa lupa.
Leksyon 4
Sabbath, Oktubre 24, 2009
Mga Tanda ng Katapusan ng Sanlibutan “Pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito[nabanggit sa mga talatang 25, 26] talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Diyos.” (Lukas 21:31). “[Daniel 12:4, 10; Lukas 21:31, 34, 36 sinipi.] Tayo ay nakaabot sa peryodong inihula sa mga kasulatang ito. Ang panahon ng katapusan ay dumating, ang mga pangitain ng mga propeta ay nangaalisan ng selyo, at ang kanilang solemneng mga babala ay tumuturo sa pagdating ng ating Panginoon sa kaluwalhatian tulad sa abot kamay.” –The Desire of ages, p. 235. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 333, 334, 624, 625.
LINGGO
Oktubre 18
1. DIGMAAN AT MGA ALINGAWNGAW NG MGA DIGMAAN a. Ano ang isa sa mga naging palatandaan ng wakas na nabanggit ni Hesus? Mateo 24: 6, 7. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang mga tanda ng mga panahon- ang mga digmaan at alingawngaw ng mga digmaan, mga pagaaklas, mga pagpatay, mga pagnanakaw, at mga kasakunaannagsasabi sa atin na ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na. Sino ang makapagaalinlangan sa mga salita ng propeta?” –The Review and Herald, May 13, 1902. b. Kaninong plano ang isinasagawa ng mga bansa na naglalaban sa isa’t-isa? Juan 8:44; Lukas 14:31. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Satanas ay nasisiyahan sa digmaan, dahil ito’y gumigising ng pinakamasamang kapusukan ng kaluluwa at kasunod ay pinapalis nito sa walang hangganang mga biktima na nasa rurok ng bisyo at dugo. Ito’y kaniyang layunin na sulsulan ang mga bansa sa digmaan laban sa isa’t-isa, sa gayon ay kaniyang maibaling ang mga isipan ng mga tao mula gawain ng paghahanda upang makatayo sa araw ng Diyos.” –The Great Controversy, p. 589. “Sa hinaharap ay magkakaroon ng mga wasak na trono at dakilang kapighatian ng mga bansa, na may kalituhan. Si Satanas ay gagawa na may masidhing pagkilos. Ang lupa ay mapupuno ng mga pagtili ng paghihirap, namamatay na mga nasyon. Magkakaroon ng digmaan, digmaan.”- Manuscript Releases, vol. 18, p. 92.
LUNES
Oktubre19
2. MGA TANDA SA KALIKASAN a. Anong hula ni propeta Joel, na inulit ni Hesus, ang magaganap? Joel 2:31; Mateo 24:29. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa pakikipagusap ng Tagapagligtas sa Kaniyang mga alagadsa bundok ng Olibo, pagkatapos na isalaysay ang mahabang panahon ng pagsubok para sa iglesiaang 1260 taon ng pag uusig ng papa, tungkol doon sa kaniyang ipinangako na ang kapanganiban ay dapat paiikliin-ganito Niya binanggit ang mga siguradong pangyayari na mauuna sa Kaniyang pagdating at itinakda ang panahon kapag ang una sa mga ito ay dapat masaksihan: ‘Sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapanganiban, ang araw ay pagdidilimin, at ang buwan ay ‘di magbibigay ng kaniyang liwanag’ (Marcos 13:24). Ang 1260 araw, o taon, nagtapos noong 1798. Una ng kaunti sa ikaapat na bahagi ng daangtaon, ang pag uusig ay halos tumugil na ng husto. Kasunod ng pag uusig na ito, sang ayon sa mga salita ni Kristo, araw ay papagdilimin. Noong ikalabing siyam ng Mayo, 1780, ang hulang ito ay natupad.”- The Great Controversy, p.306. “Sa pagsarado ng dakilang pag uusig ng papa, inihayag ni Kristo, ang araw ay dapat na pagdilimin, at ang buwan ay ‘di dapat magbigay ng liwanag,. Sumunod ang mga bituin ay dapat bumagsak mula sa langit.”- The Desire of Ages, p. 632. b. Limampu’t tatlong taon pagkatapos ng “madilim na araw” ano ang ibang palatandaan ng kawakasan ay natupad? Marcos 13:25; Apokalipsis 6:13. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Noong 1833, dalawang taon pagkatapos na simulang ipahayag ni Miller sa publiko ang mga katibayan ng malapit na pagdating ni Kristo, ang panghuli sa mga tanda ay lumitaw na ipinangako ng Tagapagligtas bilang palatandaan ng Kaniyang pangalawang pagdating. Sinabi ni Hesus: ‘mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit’ (Mateo 24:29)…. Ang propesiyang ito ay tumanggap ng kapuna-puna at kahanga-hangang katuparan sa dakilang pag ulan ng bulalakaw noong Nobyembre 13, 1833. Yaon ang pinaka malawak at kagila-gilalas na pagpapakita ng bumabagsak na mga bituin na naibilang sa talaan.”- The Great Controversy. P. 333. “Marami na ngakasaksi sa pagbagsak ng mga bituin ay tumingin doon bilang pagpapadama ng dumarating na paghatol, ‘isang nakamamanghang anyo, isang siguradong hudyat, isang maawaing tanda, niyaong dakila at nakatatakot na araw (‘The Old Countryman,’ in Portland Evening Advertiser, Nov. 26, 1833). Sa gayon ang pansin ng mga tao ay nagabayan tungo sa katuparan ng propesiya, at marami ang natangay na magbigay pansin sa babala ng ikalawang pagdating.”- Doon din., p. 334.
MARTES
Oktubre 20
3. HIGIT PANG MGA TANDA SA KALIKASAN a. Anong mga tanda ang lumitaw sa kalangitan bago ang pagkawasak ng Herusalem noong AD 70? Ano ang lilitaw sa mga huling araw? Lukas 21:11 (huling bahagi), 26; Joel 2:30. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Lahat ng mga hula na ibinigay ni Kristo tungkol sa pagkawasak ng Herusalem ay natupad ayon sa sulat…. “Mga tanda at kababalaghan ay lumitaw, mga agam agam ng sakuna at wakas. Sa kalagitnaan ng gabi isang di karaniwang liwanag ay sumikat sa ibabaw ng templo at sa altar. Sa ibabaw ng mga ulap at dapit-hapon ay nabanaag ang mga karo at mga mandirigma na nag iipon para sa labanan.” – The Great Contorversy, p.29. “Ang pagdating ng Panginoon ay pangungunahan muna ng ‘mga paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahanga-hangang kasinungalingan, at may buong daya ng kalikuan’ (2 Tesalonica 2: 9,10). At ang apostol na si Juan, inilalarawan ang kapangyarihang gumagawa ng kababalaghan na mahahayag sa mga huling araw, ay nagsabi: ‘Siya’y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa’t nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao, at nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya’y ipnagkaloob na magawa’ (Apocalipsis 13:13, 14). Walang tanging mga pagpapanggap ang inihuhula dito. Ang mga tao ay nadadaya sa pamamagitan ng himala kun saan ang mga ahensiya ni Satanas ay may kapangyarihang gawin, hindi ng paraan na sila ay nagkukunwaring makagawa.” –Ibid., p. 553. b. Anong natural na pangyayari ang magaganap lamang bago sa pangalawang pagdating ni Kristo? Mateo 24:7 (huling bahagi); Lukas 21:11 (unang bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Lalo at lalo, habang lumilipas ang mga araw, lalong kapansinpansin na ang paghatol ng Diyos ay nasa sanlibutan. Sa apoy at baha at lindol Siya ay nagbababala sa naninirahan sa lupa tungkol sa Kaniyang malapit na pagdating. Ang oras ay nalalapit kapag ang dakilang krisis sa kasaysayan ng sanlibutan ay dumating na, kapag ang bawa’t kilusan sa pamahalaan ng Diyos ay matutunghayan ng may matinding kagustuhan at hindi mapahayag na pagkaunawa. Sa dagliang pagpapalit ang mga paghatol ng Diyos ay magkakasunod sunod- apoy at baha at lindol, na may digmaan at pagdanak ng dugo.” –Testimonies, vol. 9 p. 97. “[Dahil sa di maiwasan na pagputok ng mga bulkan] ang lupa mismo ay nangatal, ang lupa ay umumbok at lumaki tulad sa mga alon sa dagat, napakalaking mga bitak ang lumitaw, at minsan ay mga siyudad, mga nayon, at nasusunog na bundok ay natatabunan. Ang mga kagila-gilalas na mga pangitaing ito ay magiging mas higit at higit na madalas at katakut-takot sa malapit na malapit na pangalawang pagdating ni Kristo at ang pag wakas ng sanlibutan, bilang mga tanda ng mabilis na kawakasan nito.” –Patriarchs and Prophets, p. 109.
MIYERKULES
Oktubre 21
4. MGA TANDA SA RELIHIYOSONG SANLIBUTAN a. Anong ibang tanda, ang tumutukoy sa kalapitan ng pangalawang pagdating ni Hesus? Mateo 24:4, 5, 23-26. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang panahon ay darating kapag si Satanas ay gagawa ng mga himala sa harap ng inyong paningin, na nagsasabing siya si Kristo; at kung ang iyong mga paa ay hindi matatag na natayo sa katotohanan ng Diyos, sa gayon ikaw ay matatangay palayo mula sa iyong pundasyon.” –In heavenly Places, p.350. “Bilang pagpuputong ng korona sa dakilang dula ng pandaraya, si Satanas mismo ay gagayahin si Kristo. Ang iglesia ay matagal nang nag-aangking tumitingin sa pagbabalik ng Tagapagligtas bilang katuparan ng kanyang mga pag-asa. Ngayon ang dakilang mandaraya ay palilitawin na si Kristo ay dumating. Sa iba’t-ibang panig ng lupa, si Satanas ay magpapakita sa mga tao bilang marangyang nilalang na may nakasisilaw na liwanag, magkawangking pagkakalilanlan sa Anak ng Diyos na ibinigay ni Juan sa Apokalipsis (Apolipsis 1:13-15). Ang kaluwalhatiang pumapaligid sa kaniya ay di malampasan ng anuman na natunghayan ng mortal na mga mata. Ang sigaw ng tagumpay ay tumutunog sa hangin: ‘Si Kristo ay dumating! Si Kristo ay dumating!’ Ang mga tao ay nagpatirapa sa kanilang sarili sa pagsamba sa harapan niya, habang itinataas niya ang kaniyang mga kamay at bumibigkis ng pagpapala sa kanila, katulad ng pagpapala ni Kristo sa Kaniyang mga desipulo noong Siya ay nasa lupa pa. Ang Akniyang tinig ay malambot at sakop, ngunit puno ng himig. Sa maingat, at maaawaing tono ay kaniyang ipinahayag ang ilan sa parehong mabiyaya, makalangit na katotohanan na binigkis ng Tagapagligtas; pinagaling niya ang mga sakit ng mga tao, at pagkatapos, sa kaniyang kamukhang kalagayan na ugali ni Kristo, Kaniyang inaakin na binago na ang Sabbath tungo sa Linggo, at iniuutos na ipangilin ang araw na kaniyang pinagpala…. “Ngunit ang bayan ng Diyos ay di madadaya. Ang mga turo ng bulaang kristong ito ay hindi kasang ayon sa mga Kasulatan.” –The Great Controversy, pp. 624, 625. b. Anong mga kalagayan ang nananaig sa gitna ng nagaaangking mga Kristyano bago ang pagdating ni Hesus? 2-Timoteo 3:1-5; Lukas 18:8 (huling bahagi); Mateo 24: 10-12. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Mga tanyag na rebaybal ay kadalasang dinadala sa pamamagitan ng panawagan sa guni-guni, sa pamamagitan ng pagbibigay lugod sa pag-ibig sa kung ano ang bago at nakakagulat. Kaya ang mga nahikayat doon ay may maliit na naising makinig sa katotohanan ng Biblia, maliit na kawilihan sa patotoo ng mga propeta at mga alagad.”- Doon din., p.463.
HUWEBES
Oktubre 22
5. “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING ANG WAKAS” a. Anong kautusan ang ibinigay sa mga alagad ang lapat din sa atin sa mga huling araw na ito? Mark 16:15; Roma 10:15; Lukas 9:59, 60. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang sanlibutan sa paligid natin ay nakilos mula sa kailaliman na may masigasig na pagkilos sa masasamang gawain, ngunit di-maikakaila na patay sa lahat na patungkol sa kanilang walang hanggang ikabubuti. Subalit kahit na mukhang ito na ang kalalagyan nilang nasa paligid natin, at mayroon kakaunti upang magpalakas ng loob sa atin upang umasa sa pagka-akit ng mga kaluluwa, ang Diyos ay pinahahayo silang Kaniyang pinagkatiwalaan ng Kaniyang katotohanan para sa mga huling araw na ito, na ipahayag ang salita sa bumagsak na mga anak ni Adan.”- The Review and Herald, Jan. 17, 1893. b. Ano ang isa sa huling mga tanda ang matutupad bago ang katapusan ng sanlibutan? Mateo 24:14. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Matagal na naghintay ang Diyos para sa espiritu ng paglilingkod na kuhaning pag-aari ang buong iglesia upang ang bawa’t isa ay gagawa para sa Kaniya sangayon sa Kaniyang kakayanan. Kapag ang mga kaanib ng iglesia ng Diyos ay ginawa ang kanilang itinalagang gawain sa nangangailangang bukiran sa tahanan at labas ng bansa, sa pagganap sa ibanghelyong ipinagagawa, ang buong sanlibutan ay madaling mabababalaan at ang Panginoong Hesus ay babalik sa daigdig na ito na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”- The Acts of the Apostles, p.111. “[Si Kristo] ay ‘di nagsabi na ang lahat ng sanlibutan ay maaakit, ngunit yaong ‘ipangangaral ang ebanghelyong ito ng kaharian sa buong sanlibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas’ (Mateo 24:14). Sa pagbibigay ng ebanghelyo sa sanlibutan yaon ay nasa ating kapangyarihan na madaliin ang pagbabalik ng Panginoon.”- The Desire of Ages, p. 633. BIYERNES
Oktubre 23
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA KATANUNGAN a.) Bakit ang digmaan ay sobrang kaakit-akit sa kaaway ng mga kaluluwa? b.) Anong tatlong mga tanda sa kalikasan ang nagsenyas ng pasimula ng wakas ng panahon? c.) Anong mga dagdag na mga tanda ang makikita na may pagdami ang kalimitan? d.) Bakit hindi ang lumang kasabihan, “Ang Makita ay totoo” ang maging ating basehan? e.) Papaano mapapadali ng mga tao lamang ang panahon ng pagbabalik ni Kristo?
Leksyon 5
Sabbath, Oktubre 31, 2009
Ang Panahon ng Kabagabagan “Ay! Sapagka’t ang araw na yaon ay dakila na anopa’t walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; ngunit siya’y maliligtas doon.” (Jeremias 30:7). “Iyon ang kadalasang kalagayan na ang ligalig ay mas higit na inaasahan kaysa sa totoong pangyayari; ngunit hindi ito totoo sa krisis sa harapan natin. Ang pinaka matingkad na pagpapakilala ay di makaabot sa laki ng hirap.”- The Great Controversy, p.622 Iminumungkahing Babasain: The Great Controversy, pp.613-637. LINGGO
Oktubre 25
1. KABAGABAGAN NG JACOB a. Ikuwento ang karanasan ni Jacob noong gabi na siya’y pabalik sa kaniyang lupang tahanan. Genesis 32:24-28. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Noong ang kawasakan ay anyong nasa harap niya, naturuan si Jacob kung paano kawalang saysay ang maitutulong ng tao, paanong walang saligan ang lahat ng pagtitiwala sa lakas ng tao. Nakita niya na ang kaniyang tanging saklolo ay dapat manggaling mula sa Kaniya na kaniyang matinding pinagkasalahan. Walang magawa sa sarili at di karapat-dapat, siya’y nakiusap sa pangako ng Diyos na kaawaan sa nagsisising makasalanan.”- Patriarchs and Prophets, pp.198-201. b. Ano ang inihula ng propetang Jeremias at Daniel tungkol sa panahon ng kabagabagan, at kailan iyon magsisimula? Jeremias 30:6, 7; Daniel 12:1. Anong makalangit na paghahayag ang susunod na gagawin? Apokalipsis 22:11. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang karanasan ni Jacob noong gabi ng pakipagbuno at kadalamhatian ay naglalarawan sa pagsubok kung saan ang bayan ng Diyos ay kinakailangang dumaan sadyang bago ang pangalawang pagbabalik ni Kristo…. “Kapag ihihinto na ni Kristo ang Kaniyang gawain bilang tagapamagitan sa kapakanan ng tao, saka itong panahon ng kabagabagan ay magsisimula. Pagkatapos ang usapin ng bawat kaluluwa ay magiging napasiyahan na, at wala ng magiging dugong tagapamagitan upang malinisan mula sa kasalanan.” Doon din., p. 201.
LUNES
Oktubre 26
2. DALAMHATI NG DIWA a. Ano ang pinagmulan ng takot at dalamhati ni Jacob? Genesis 32:9-11. Ano ang magiging karanasan ng bayan ng Diyos sa panahon ng kabagabagan ng Jacob? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang gabi ng dalamhati ng Jacob, noong nakipagbuno siya sa pananalangin para sa kaligtasan mula sa kamay ni Esau (Genesis 32:24-30), ay naglalarawan ng karanasan ng bayan ng Diyos sa panahon ng kabagabagan…. [Si Jacob] ay napuno ng sindak dahil sa pabalita ng paglapit ni Esau sa unahan ng pulutong ng mga mandirigma, walang duda ay nakahilig sa paghihiganti. Ang samahan ni Jacob, walang sandata at walang pananggalang, anyong babagsak na mga walang magawang biktima ng karahasan at pagpatay. At sa pasanin ng pagaalala at takot ay naragdag ang dumudurog na bigat ng sariling paninisi, dahil yaong kaniyang sariling kasalanan ang naghatid ng panganib na ito. Ang tangi niyang pag-asa ay ang kaawaan ng Diyos; ang tangi niyang pananggalang dapat ay panalangin.”- The Great Controversy, p.616. b. Ano ang iba pang dahilan ng dalamhati ni Jacob na kahawig sa paghihirap ni David? Mga Awit 32:4,5. Ano ang magiging kalagayan nilang maliligtas sa panahon ng kabagabagan? 2Pedro 3:14. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kung papaanong si Jacob ay nabalaan ng kamatayan sa pamamagitan ng kaniyang galit na kapatid, gayon din ang bayan ng Diyos ay mapapasapanganib mula sa mga masasama na nagsisikap na wasakin sila. At habang ang patriarka ay nakipagbuno buong gabi para sa kaligtasan mula sa kamay ni Esau, gayon din ang matuwid ay iiyak sa Diyos araw at gabi para sa kaligtasan mula sa mga kaaway na pumapaligid sa kanila.” –Patriarchs and Prophets, p. 201. “Kung hindi nakapagsisi nang una si Jacob sa kaniyang kasalanan sa pagtamo ng karapatang pangkapanganakan sa pamamagitan ng daya, hindi sana dininig ng Diyos ang kaniyang panalangin at maawaing iningatan ang kaniyang buhay. Kaya, sa panahon ng kabagabagan, kung ang bayan ng Diyos ay mayroong di naipagtapat na mga kasalanan upang lumitaw sa harapan nila habang pinahihirapan ng takot at dalamhati, sila ay madadaig na lubos; pagkabigo ang puputol ng kanilang pananampalataya, at di nila kayang magkaroon ng tiwala upang manawagan sa Diyos para sa kaligtasan. Ngunit habang sila ay mayroong malalim na nararamdaman sa kanilang pagka di karapat dapat wala silang natatagong kamalian na ihahayag. Ang kanilang mga kasalanan ay nawala bago pa man sa paghatol at nabura na, at hindi na nila kayang dalhin ang mga yaon sa ala-ala.” –The Great Controversy, p.620. “Marami ang hindi nauunawaan kung ano dapat sila ay maging upang mabuhay sa paningin ng Panginoon na walang mataas na saserdote sa santuaryo sa buong panahon ng kabagabagan. Silang tumanggap ng tatak ng buhay na Diyos at mga iniingatan sa panahon ng kabagabagan ay dapat mang-aninag ng wangis ni Hesus ng husto.” –Christian Experience and Teachings of Ellen G. White, p.112.
MARTES
Oktubre 27
3. ANG PANAHON NG BIYAYA AY NAGSASARA a. Pagkatapos ng pagsasara ng palugit, ano ang magiging kalagayan nilang hindi naligtas? Amos 8:11,12. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Satanas ay pinangungunahan ang marami na maniwala na ang Diyos ay di papansinin ang kanilang di-pagkamatapat sa mga maliit na gawain sa buhay; ngunit ipinakita ng Diyos sa Kaniyang pakiharap kay Jacob na hindi Niya kalian man papagtibayin o papayagan ang masama. Silang nagsisikap na magdahilan o magtago ng kanilang mga kasalanan, at payagan ang mga yaon na manatili sa mga aklat ng langit, di naipahayag at di napatawad, ay mapapanagumpayan ni Satanas. Mas mataas ang kanilang katungkulan at mas kagalang-galang ang katayuan na kanilang hawak, mas kalungkot lungkot ang kanilang tunguhin sa paningin ng Diyos at mas sigurado ay tagumpay ng kanilang dakilang katunggali. Silang nagaantala ng paghahanda para sa araw ng Diyos ay di matatamo iyon sa panahon ng kabagabagan o sa ano pa mang susunod na panahon. Ang usapin ng lahat na gayon ay walang pag-asa.” –The Great Controversy, p.620. b. Anong kalagayan ang lilitaw sa maraming sambahayan gayon din sa mga natumbang iglesia? Lukas 12:53. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Malaking bahagi ng masasama ay lubhang nagalit, habang dinaranas nila ang bunga ng mga salot. Isang tanawin iyon ng nakakatakot na paghihirap. Ang mga magulang ay mapait na sinisisi ang kanilang mga anak, at mga anak ay sinasisi ang kanilang mga magulang, mga magkakapatid na lalaki sa babae at babae sa lalaki. Malalakas na tumatangis na iyakan ang nadinig sa bawa’t dako. Ikaw ang nagpanatili sa akin sa di pagtanggap ng katotohanan, na sana ay nakapagligtas sa akin mula sa kalagimlagim na oras na ito. Ang mga tao ay bumaling sa mga ministro na may mapait na pagkasuklam, at sinisi sila, na sinasabi sa kanilang, Ikaw ay hindi nagbabala sa amin. Ikaw ay nagsabi sa amin na ang buong sanlibutan ay mahihikayat, at sumigaw, Kapayapaan, kapayapaan, upang patahimikin ang bawa’t takot na bumangon. Hindi mo sinabi sa amin ang tungkol sa oras na ito, at silang nagbabala sa amin tungkol duon ay sinabi mong mga panatiko, at mga masamang tao, na wawasak sa amin. Ngunit ang mga ministro, nakita ko, ay di nakatakas sa galit ng Diyos Ang kanilang paghihirap ay sampung beses na mas higit kaya sa hirap ng kanilng tauhan.” –Spiritual Gifts, vol.1, pp. 200, 201. “Kapag [si Kristo] ay nilisan ang santuario, kadiliman ay tatakip sa naninirahan sa daigdig. Sa nakatatakot na panahong iyon ang matuwid ay dapat mabuhay sa paningin ng banal na Diyos na walang tagapamagitan. Ang pampigil na nasa mga masasama ay inalis at si Satanas ay may buong kapangyarihan sa di nagsisi sa katapusan. Ang mahabang pagtitiis ng Diyos ay nagwakas. Ang sanlibutan ay tinanggihan ang Kaniyang kaawaan, hinamak ang Kaniyang pag-ibig at yumurak sa Kaniyang kautusan.” –The Great Controversy, p.614.
MIYERKULES
Oktubre 28
4. MGA KAAWAY NG BAYAN NG DIYOS a. Ano ang babalakin ng masama laban sa bayan ng Diyos, at bakit? Mateo 10:22; Mga Awit 37:12. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Nakita ko ang isang sulat, ang mga kopya noon ay ikinalat sa iba’t-ibang bahagi ng lupa, nagbibigay ng utos na hangga’t ang mga banal ay hindi bitiwan ang kanilang kakaibang pananampalataya, isuko ang Sabbath, at sundin ang unang araw ng sanglinggo, ang mga tao ay may mga kalayaan pagkatapos ng siguradong panahon na ilagay sila sa kamatayan. Ngunit sa panohong ito ng pagsubok ang mga banal ay payapa at mahinahon, nagtitiwala sa Diyos at sumasandal sa Kaniyang pangako na isang paraan ng pagtakas ay magagawa para sa kanila. Sa ibang mga lugar; bago ang panahon para sa utos ay maisagawa, ang mga masasama ay dadaluhong sa mga banal upang patayin sila; ngunit mga anghel na anyong tao ng digmaan ay lalaban para sa kanila. Si Satanas ay nangangarap na magkaroon ng pagkakataon sa pagwasak sa mga banal ng Kataastaasan; ngunit binilinan ni Hesus ang Kaniyang mga anghel na magbantay sa kanila…. “Kaagad nakita ko ang mga banal ay dumaranas ng dakilang paghihirap ng isipan. Sila ay mukhang napalibutan ng mga masasamang naninirahan sa daigdig. Bawat kaanyuan ay laban sa kanila. Ang ilan ay nag pasimulang matakot na ang Diyos ay sa wakas ay iniwan silang mamatay sa mga kamay ng mga masasama. Ngunit kung ang kanilang mga mata ay mabubuksan makikita sana nilang ang kanilang mga sarili ay napapalibutan ng mga anghel ng Diyos. Kasunod ay dumating ang karamihan ng nagagalit na masama, at kasunod ang isang tumpok ng masasamang anghel, nangagmamadali sa mga makasalanan upang patayin ang mga banal. Ngunit bago sila ay makalapit sa bayan ng Diyos, ang masasama ay dapat munang daanan ang samahang ito ng malalakas, banal ng mga anghel. Ito ay di maaari. Ang mga anghel ng Diyos ang nagpapaurong sa kanila at ginagawa ring ang mga masasamang anghel na sumisiksik sa paligid nila ay umatras.” –Early Writings, pp. 282, 283. b. Anong panakip ang gagamitin ng makasalanan upang bigyang katwiran ang kanilang masamang balak na wasakin ang mga banal? Esther 3:8; Panaghoy 2:16. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang apat na mga anghel ay pipgilin ang apat na mga hangin hanggang sa matapos ang gawain ni Hesus sa santuario, at sunod ay darating ang pitong huling mga salot. Ang mga salot na ito ay nagpagalit sa makasalanan laban sa matuwid. Inakala nilang kami ang nagdala ng kahatulan ng Diyos sa kanila, at kaya kung maaalis nila kami sa daigdig, ang mga salot ay mahihinto. Isang kautusan ay humayo upang patayin ang mga banal, na naging dahilan upang sila ay umiyak araw at gabi para sa kaligtasan. Ito ang naging panahon ng kabagabagan ni Jacob.” –Duon din, pp. 36, 37.
HUWEBES
Oktubre 29
5, NALIGTAS ANG BAYAN NG DIYOS a. Anong siguradong pangako ang naroon sa salita ng Diyos para doon sa naglilingkod sa Panginoon? Mga Awit 91:1-6, 15. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang Diyos ay mapaparangalan sa paggawa ng pormal na kasunduan doon sa mga nagsisunod sa Kaniyang utos, sa paningin ng mga pagano sa palibot nila; at si Hesus ay mapaparangalan sa paglilipat, na hindi nila nakita ang kamatayan, ang mga tapat, na mga naghihintay na matagal na inaasahan Siya.” –Early Writings, p. 283 b. Kahit ang bayan ng Diyos ay nangaligtas mula sa utos na kamatayan, kalian lamang sila magiging libre mula sa lahat ng dalamhati? 2 Tesalonica 1:7. Papaano tayo dapat maghanda para sa sumusubok na oras sa unahan? 2 Pedro 1:4-10. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang matuwid ay iiyak na may panginginig: ‘Sino makatatayo?’ Ang awit ng anghel ay huminto, at nagkaroon ng tanging-panahon ng kalagim-lagim na katahimikan. Pagkatapos ay narinig ang tinig ni Hesus, na sinasabi: ‘Ang aking biyaya ay sapat para sa iyo.’ Ang mga mukha ng matuwid ay nagliwanag, at katuwaan ang pumuno sa bawa’t puso.” –The Great Controversy, p. 641. “Hindi kahit sa isipan magagawang dalhin sa pagpayag ang ating Tagapagligtas sa kapangyarihan ng tukso. Si Satanas ay nakakatagpo sa mga puso ng tao ng ilang punto kung saan siya ay makatatamo ng matatayuan, ilang makasalanang naisin ay kinakandili, na sa pamamagitan noon ang kaniyang mga tukso ay naisisigurado ang kanilang kapangyarihan. Ngunit si Kristo ay nagpahayag ng tungkol sa Kaniyang sarili; ‘dumarating ang prinsipe ng sanglibutan, at siya’y walang anoman sa Akin’ (Juan 14:30). Si Satanas ay walang Makita sa Anak ng Diyos na ikapagtatamo niya ng tagumpay. Sinunod Niya ang mga utos ng Kaniyang Ama, at walang naging kasalanan sa Kaniya na magagamit ni Satanas sa kaniyang kalamangan. Ito ang kalagayan na kun saan ang mga iyon ang dapat matagpuan doon sa tatayo sa panahon ng kabagabagan.” –doon din, p.623. BIYERNES
Oktubre 30
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA KATANUNGAN a.) Sa anong paraan na ang karanasan ni Jacob ay angkop sa atin ngayon? b.) Bakit kaya napakahalaga na ipahayag ang ating mga kasalanan daglian pag nakita natin ang mga iyon? c.) Sa pagsaalang-alang sa biyaya ng Diyos, ano pa ang dapat nating tandaan? d.) Bakit din a magkakaroon ng mga Kristiyanong martir sa panahon ng kabagabagan? e.) Sa kabila ng dalamhati na nararamdaman ng bayan ng Diyos sa panahon ng kabagabagan, papaano sila tinitingnan ng Panginoon, at bakit?
SABBATH, NOVEMBER 7, 2009 First Sabbath Offering for Trujillo, Peru
Leksyon 6
Sabbath, Nobyembre 7, 2009
Ang Unang Limang Mga Salot “At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas, pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka’t sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ng Dios” (Apocalipsis 15:1). “Nakita ko na ang apat na mga anghel ay pipigilin ang apat na mga hangin hanggang ang gawain ni Hesus ay matapos sa santuaryo, at susunod ay darating ang pitong huling mga salot.” -Early Writrings, p.36. Iminumungkahing babasahin: The Great Controversy, pp. 627-634. LINGGO
Nobyembre 1
1. ANG UNANG SALOT a. Ano ang gagawin ng apat na anghel ng Apocalipsis 7 pagkatapos na ang gawain ni Hesus ay magwakas sa makalangit na santuario? Apocalipsis 7:1-3; 15:7, 8. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Bayaang ang ating mga panalangin ay pumailanlang sa Diyos upang ang apat na mga anghel ay manatiling pigilin ang apat na mga hangin, upang hindi sila humihip upang makapinsala o magwasak hanggang ang huling babala ay naibigay sa sanlibutan.” –Testimonies, vol.6, p.61. “Nakita ni Juan ang mga elemento ng kalikasan- lindol, bagyo at alitang pampulitika--ipinakita na siyang pinipigilan ng apat na mga anghel. Ang mga hanging ito ay nangasailalim ng pagsupil hanggang ang Diyos ay ibigay ang salita na pabayaan silang humayo.” –Testimonies to Ministers, p.444. “Kapag ang ating Mataas na Saserdote ay natapos ang Kaniyang gawain sa santuaryo, Siya ay tatayo, isusuot ang mga kasuotan ng paghihiganti, at sunod ay ibubuhos ang pitong huling mga salot.” –Early Writings, p.36. b. Paano ipinaliwanag ang unang salot? Apocalipsis 16:1, 2. Sino ang iingatan laban sa mga salot? Mga Awit 27:5. __________________________________________________________________ _ ___________________________________________________________________ “Si Satanas ay gumagamit ngayon ng bawa’t paraan sa panahon ng pagtatatak na ito upang ilayo ang mga isipan ng bayan ng Diyos mula sa kasalukuyang katotohanan at gawin silang magalinlangan. Nakita ko ang lambong na hinihila ng Diyos sa ibabaw ng Kanyang bayan upang masanggalang sila sa panahon ng kabagabagan.” –doon din, p.43.
LUNES
Nobyembre 2
2. ANG SALOT NG DUGO a. Ano ang katulad ng salot ng dugo sa Ehipto? Exodo 7:20, 21. Ano ang pangalawa sa magkakasunod na pitong salot, at gaano kalawak ang maaapektohan nito? Apocalipsis 16:3; Isaias 26: 21. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang unang salot na dumalaw sa Ehipto ay dumating sa mga tubig, ang isa sa mga pinupuring diyos ng Paraon. Hinampas ni Moises ang tubig sa harapan ng Paraon at kaniyang mga dakilang lalake, at nakita nila na ang tubig na kanilang sinasamba ay naging dugo. Yaon ay mabahong bunton sa pitong araw; at lahat ng isda na naroon ay namatay. Hindi magamit ng mga tao ang tubig sa anumang layon.” –The Spirit of Prophecy, vol. 1, p. 334. “Mas dakilang kamangha-mangha kaysa sa nakita na ang masasaksihan ng mga ito sa daigdig sa maikling panahon ang mauuna sa pagdating ni Kristo. ‘At ipapakita Ko ang mga kamangha-mangha sa langit sa itaas, at mga tanda sa ilalim ng lupa ; dugo, at apoy, at singaw ng usok.” –The Signs of the Times, March 13, 1879. “ Sabi ng tagapagpahayag, sa pagsasalaysay sa mga nakakatakot na paghampas…. Ang dagat ay naging tulad sa dugo ng patay na tao: at bawa’t nabubuhay na kaluluwa ay namatay sa dagat.” –The Great Controversy, p.628. b. Nang ang pangatlong salot ay ibinuhos sa mga ilog, at mga bukal, ano ang sasabihin ng mga anghel tungkol sa hustisya ng Diyos? Apocalipsis 16: 4-7. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Gaya ng kasindak-sindak ang mga parusang ito, ang hustisya ng Diyos ay tumayong lubos na napatunayang tama. Inihayag ng anghel ng Diyos: ‘Matuwid ka, O Panginoon,… sapagkat humatol Ka na gayon. Sapagka’t ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito’y karapatdapat sa kanila’ (Apocalipsis 16:2-6). Sa paghatol sa bayan ng Diyos sa kamatayan, sila ay tunay na nagpasok ng pagkamakasalanan ng kanilang dugo na parang yao’y ibinuhos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Sa kaparehong paraan si Kristo ay nagpahayag na may kasalanan ang mga Hudyo sa Kaniyang panahon sa lahat ng dugo ng mga banal na lalake na naibuhos mula pa sa mga araw ni Abel; dahil sila ay nagaangkin ng parehong espiritu at nangagsisikap na gumawa ng parehong gawa kasama ng mga pumapatay ng mga propeta.” –doon din, p. 628. “Sa bawa’t patak ng dugo na sinalok sa pamamagitan ng pahirap, sa lahat na kanilang sinunog ng apoy, sila ay tatanggap ng kaparusahan. Gagantimpalaan sila ng Diyos ng doble para sa kanilang mga kasalanan. Ininom nila ang dugo ng mga banal, at naging lango na may katuwaan.”-The Review and Herald, December 28, 1897.
MARTES
`
Nobyembre 3
3. ANG HUMAHAGUPIT NA ARAW a. Ipaliwanag ang ika-apat na salot at ang epekto noon sa tao at kalikasan. Apocalipsis 16:8, 9. Kung babawiin ng Diyos ang Kaniyang poot mula sa mga tao, kanila bang tatanggapin ang hustisya ng Diyos? Isaias 26:10. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa sumusunod na salot, kapangyarihan ay ibinigay sa araw ‘upang pasuin ang mga tao ng apoy. At nangasunog ang mga tao sa matinding init’ (Talatang 8, 9). Ang mga propeta sa gayon ay nagsalaysay ng kalagayan ng digdig sa nakakatakot na panahong ito: ‘Ang lupain ay nahahapis;…sapagka’t ang pagaani sa bukid ay nawala….lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo: sapagka’t ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.’ ‘Ang mga binhi ay nangabulok sa kanilang bugal, ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira…. Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! Ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka’t wala silang pastulan…. Ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang’ (Joel 1:10-12, 17-20; Amos 8:3).” –The Great Controversy, p. 628. “[Ang lubhang karamihan] ay mangagkakaroon ng walang bagong palugit upang lunasan ang mga depekto ng kanilang nakaraang mga buhay. Walang magiging pakinabang sa pamamagitan nito. Ang habang buhay na paglabag ay di nakapagpalambot ng kanilang mga puso. Ang pangalawang pagkakataon, kung ito’y naibigay sa kanila, ay maookupa katulad noong una sa pag-iwas sa mga ipinagagawa ng Diyos at sa pagpapasimula ng pagaaklas laban sa Kaniya.” –Doon din, p.662. b. Ano ang mangyayari sa bayan ng Diyos sa panahon kapag sinunog ng araw ang masama ng matinding init.? Mga Awit 91:3-8. Ano ang kinakailangan upang maingatan sa panahon ng kabagabagan. Mga Awit 91:14; 15:1-5. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang bayan ng Diyos ay di magiging libre sa paghihirap; subalit habang inuusig at napipighati, habang nagtitiis sa kakulangan at dumaranas sa pangangailangan ng pagkain sila ay di pababayaang pumanaw. Yaong Diyos na nagingat para kay Elijah ay hindi lalampasan ang isa sa Kaniyang nagpapakasakit sa sariling mga anak. Siyang nakabibilang ng buhok sa kanilang ulo ay nagiingat sa kanila, at sa panahon ng taggutom sila ay mabubusog. Habang ang masama ay namamatay sa gutom at peste, ang mga anghel ay magsasanggalang sa matuwid at ibibigay ang kanilang mga kailangan. Sa kaniyang ‘lumalakad ng matuwid’ ang pangako: ‘Ang kaniyang tinapay ay maibibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.’ ‘Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig. At wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila’ (Isaias 33:15, 16; 41:17).” –Doon din, p. 629. Silang tatanggap ng tatak ng buhay na Diyos at mangaingatan sa panahon ng kabagabagan ay dapat magsinag ng wangis ni Hesus ng lubos.” –Early Writings, p. 71.
MIYERKULES
Nobyembre 4
4. MAKAPANGYARIHANG HAGUPIT a. Ano ang gagawin ng Diyos sa panahon ng Kaniyang galit? Isaias 28:21; Nahum 1:3-6. Bakit hindi lahat ng masama ay nawasak sa unang apat na mga salot? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa ating maawaing Diyos ang gawa ng pagpaparusa ay isang kakatwang gawa. ‘Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama’ (Ezekiel 33:11)…. Sa pamamagitan ng nakakasindak na mga bagay sa katwiran Kaniyang papatunayan ang kapangyarihan ng Kaniyang inaping kautusan.” –The Great Controversy, p.627. “Ang mga salot na ito ay hindi pangsandaigdigan, o ang nanganinirahan sa daigdig ay mapuputol na buo, gayon pa may sila ang magiging pinakanakasisindak na hagupit na kailanma’y nalaman ng tao. Lahat ng kahatulan sa tao, bago ang pagsasara ng pagkakataon, ay laging nahaluan ng awa. Ang nakikiusap na dugo ni Kristo ang nagsanggalang sa makasalanan mula sa pagtanggap ng buong sukat ng kaniyang kamalian; subalit sa wakas na paghatol, ibubuhos ang poot na walang halong awa.” – Doon din, pp. 628, 629. b. Tulad ng sisihin ni Ahab si Elijah noon, sino ang sisisihin ng masasama dahil sa malagim na epekto ng mga salot? 1 Hari 18:17,18. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang mensaherong ipinadala ng Diyos upang magdala ng Kaniyang mga babala ay kinasuklaman noong kanilang binabalaan. Ikinarga ng mga tao sa kanila ang mga kalamidad na siyang mga bunga ng kanilang pagtalikod mula sa katwiran. Silang naglagay ng gayon ng sarili sa kapangyarihan ni Satanas ay di nakikita ang mga bagay ng tulad sa nakikita ng Diyos. Sila ay nabulagan ni Satanas.” –The Review and Herald, October 22, 1901. “Ang mga salot na ito ay nagpagalit sa mga masasama laban sa mga matuwid; inisip nilang kami ang nagdala ng kahatulan ng Diyos sa kanila, at kung maalis nila kami sa mundo, ang mga salot ay hihinto.” –Early Writings, p. 36. “Marami sa masasama ay lubhang nagngalit habang sila’y dumaranas ng epekto ng mga salot. Yaon ay naging tanawin ng nakakatakot na paghihirap. Ang mga magulang ay mapait na sinisisi ang kanilang mga anak, at mga anak ay sinisisi ang kanilang mga magulang, mga magkakapatid na lalake sa babae at babae sa lalake. Malalakas na tumatangis na iyakan ang narinig sa bawa’t dakoIkaw ay nagpanatili sa akin sa di pagtanggap ng katotohanan na sana ay nakapagligtas sa akin mula sa kalagim-lagim na oras naito.’ Ang mga tao ay bumaling sa mga ministro na may mapait na pagkasuklam at sinisi sila, na sinasabing, ‘Hindi mo kami binabalaan. Sinabi mo sa amin na ang buong sanlibutan ay mahihikayat, at sumigaw, kapayapaan, kapayapaan, upang patahimikin ang bawa’t takot na bumangon.’” –Doon din, p.282.
HUWEBES
Nobyembre 5
5. ANG SALOT NG KADILIMAN a. Ano ang naging katulad ng salot ng kadiliman sa Ehipto? Exodo 10:22, 23. Saan ibubuhos ang pang limang salot? Apocalipsis 16:10. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Bigla ang kadiliman ay nanatili sa lupa, napaka kapal at maitim na mukhang isang ‘kadiliman na mararamdaman.’ Hindi lamang ang mga tao’y naalisan ng liwanag, subali’t ang simoy ng paligid ay di kaaya-aya, kaya ang paghinga ay mahirap. ‘Hindi sila nagkikita-kita, o kaya’y tumayo man ang sinuman mula sa kaniyang kinalalagyan ng tatlong araw: subali’t ang lahat ng mga anak ni Israel ay may ilawan sa kanilang mga tirahan.’” –Patriarchs and Prophets, p. 272. “Aking naunawaan, di tulad ng una, ang kahalagahan ng maingat na pagsasaliksik ng Salita ng Diyos, upang malaman paano takasan ang salot na inihayag niyaong Salita na darating sa lahat ng masama na siyang sasamba sa hayop at kaniyang wangis at tatanggap ng tanda sa kanilang mga noo o sa kanilang mga kamay. Yao’y malaking pagkamangha sa akin na sinoman ay kayang makalabag sa utos ng Diyos at yurakan ang Kaniyang banal na Sabbath, kun kailan ang kalagimlagim na amba at pagsusuplong ay laban sa kanila.” –Early Writings, p. 65. b. Ano ang ginawa ng masasama noong sila ay dumaranas pa mula sa mga sugat ng unang salot? Apocalipsis 16:11. Ano ang magiging bunga ng panglimang salot sa bayan ng Diyos? Mga Awit 91:5, 6. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa gitna ng panahon ng kabagabagan na dumarating–panahon ng kabagabagan na gayon na di pa nangyari mula ng magkabansa–Bayang pinili ng Diyos ay tatayong di natitinag. Si Satanas at kaniyang pulutong ay di kayang wasakin sila, dahil mga anghel na higit ang lakas ay mag-iingat sa kanila.” –Testimonies, vol. 9, p.17. “Nakita ko ang lambong na hinihila ng Diyos sa ibabaw ng kaniyang bayan upang ingatan sila sa panahon ng kabagabagan; at bawa’t kaluluwa na magpasiya sa katotohanan at may dalisay na puso ay lalambungan ng panakip ng Makapangyarihan sa lahat.” –Early Writings, p. 43. BIYERNES
Nobyembre 6
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA KATANUNGAN. a.) Sino ang mga tatanggap ng salot ng “matinding sugat”? b.) Bakit ang pangalawa at panga’tlong mga salot ay ibinuhos sa mga tubig? c.) Ano ang mangyayari sa mga kagubatan at bukiran sa ilalim ng pang apat na salot? d.) Ilang mga banal ang mapaparam sa ilalim ng makapangyarihan at sumisirang mga hagupit? e.) Ano ang gagawa sa ating maniwala na ang mga salot ay lumalakas habang nadaragdagan?
Leksyon 7
Sabbath, Nobyembre 14, 2009
Ang Pang anim at Pang pitong Salot “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nag-iingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Apocalipsis 16:15). “Wala nang panghinaharap na palugit upang maghanda para sa walang hanggan. Yaon ay sa buhay na ito na tayo ay dapat magsuot ng baluti ng katuwiran ni Kristo. Ito ang ating pagkakataon upang magbuo ng mga paguugali para sa tahanan na inihanda ni Kristo para doon sa sumusunod sa Kaniyang mga utos.” –Christ Object Lessons, p. 319. Iminumungkahing Babasahin: SDA Bible Commentary [E.G.White Comments], vol. 7, p. 983. LINGGO
Nobyembre 8
1. ANG PANG ANIM NA SALOT a. Ano ang mangyayari kapag ang pang anim na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok? Sino ang mga espiritu na lumabas sa bibig ng dragon, ang hayop at ang bulaang propeta? Apocalipsis 16: 12-14. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ b. Saan natutuwa si Satanas at kaniyang mga anghel? Saan iipunin ng “espiritu ng diyablo” ang mga “hari ng daigdig” at mga tao mula sa buong sanlibutan? Joel 3:9-14; Apocalipsis 14:20;16:16. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Si Satanas ay nasisiyahan sa digmaan, dahil nanggigising ito ng pinaka masamang kapusukan ng kaluluwa at susunod ay papalisin tungo sa walang hanggan ang biktima na nasa rurok ng bisyo at dugo. Yaon ang kaniyang layunin na sulsulan ang mga bansa upang maglaban-laban sa bawa’t isa.” –The Great Controversy, p.589. “Apat na malalakas na anghel ay pinipigil ang mga kapangyarihan ng daigdig na ito hanggang ang mga lingkod ng Diyos ay natatakan sa kaniyang mga noo. Ang mga bansa ng sanlibutan ay sabik para sa labanan; ngunit sila ay pinipigilang manatili ng mga anghel. Kapag ang pumupigil na kapangyarihan ay inalis, magkakaroon ng panahon ng kabagabagan at dalamhati. Nakamamatay na kagamitan sa giyera ang matutuklasan. Mga sasakyang may mga buhay na kargamento, ay malilibing sa dakilang kalaliman. Lahat ng walang espiritu ng katotohanan ay magsasama-sama sa ilalim ng pangunguna ng ahensiya ng satanismo. Ngunit sila ay pananatilihing nasa pagpigil hanggang sa panahon na mangyayaring darating para sa dakilang labanan ng Armagedon.” –Maranatha, p.257.
LUNES
Nobyembre 9
2. ANG LABANAN NG ARMAGEDON AY NATAPOS a. Ano ang mangyayari sa masasama na nangawasak ng ningning ng pagdating ni Hesus? Jeremias 25:32, 33; Apocalipsis 19:17, 18. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa madaling panahon ang mga patay at naghihingalo ay lahat na magiging nasa paligid natin. Nakita ko na ang iba ay sobrang magmatigas, na nagawa kahit pa ang paglaruan ang kahatulan ng Diyos. Noon ang pinatay ng Panginoon ay magiging mula sa isang dulo ng daigdig, hanggang sa kabila; hindi sila pananangisan, iipunin o ililibing man; ngunit ang kanilang masamang samyo ay papailanglang mula sa mukha ng buong daigdig. Sila lamang mayroong tatak ng buhay na Diyos, ang makukubli sa unos ng poot na sa madaling panahon ay babagsak sa mga ulo nilang nangagsitanggi sa katotohanan.” –The Present Truth, September 1, 1849. “Ang masasama ay nangawasak na, at ang kanilang patay na mga katawan ay nangahandusay sa ibabaw. Ang poot ng Diyos sa pitong huling mga salot ay nakadalaw na sa mga naninirahan sa daigdig, na nagsanhi sa kanila na ngatngatin ang kanilang mga dila dahil sa sakit at ang sumpain ang Diyos.” –Early Writings, p.289. b. Sa paghayag ng Panginoon kay Juan sa huling dakilang labanan, anong babala ang ibinigay Niya sa atin? Apocalipsis 16:15; 22:12. Kailan darating sa wakas ang labanan ng Armagedon? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Pagkatapos ng paliwanag ni Juan sa Apocalipsis 16 doon sa mahimalang gawang kapangyarihan na siyang mag-iipon sa sanlibutan sa huling dakilang labanan, ang mga simbolo ay ibinagsak, at ang tinig ng pakakak ay muling nagbigay ng siguradong tunog. ‘Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nag-iingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan’ [Apocalipsis 16:15]. Pagkatapos ng paglabag nina Adam at Eba, sila ay hubad dahil ang saplot na liwanag at siguridad ay humiwalay mula sa kanila. Ang sanlibutan ay makakalimutan ang paalala at mga babala ng Diyos, katulad ng ginawa ng naninirahan sa sanlibutan ng panahon ni Noah, gayon din ang ginawa sa naninirahan sa Sodom. Sila’y gumising na may lahat nilang balak at mga tinuklas na kasamaan, ngunit bigla ang ulan ng apoy ay nanggaling mula sa langit at tinupok ang mga walang diyos na naninirahan.” – Manuscript Releases, vol.14, pp. 96, 97. “Ang Hari ng mga hari ay bumaba sa mga ulap, nababalot ng lumalagablab na apoy. Ang mga langit ay pinagulong tulad ng isang balumbon, ang lupa ay nanginig sa harapan Niya, at bawa’t bundok at pulo ay natinag palayo sa kaniyang dako…. “Ang mapangutyang mga biro ay tumigil. Sinungaling na mga labi ay huminto sa katahimikan. Ang pingkian ng mga sandata, ang ingay ng labanan, ‘na may nakalilitong ingay, at mga kasuotang ginulong sa dugo’ (Isaias 9:5), ay tumigil.” – The Great Controversy, pp. 641, 642.
MARTES
Nobyembre 10
3. ANG LINDOL AT GRANIZO a. Anong pagpapahayag ang lumabas mula sa trono ng Diyos nang ang ikapitong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok, at ano ang naganap sa kalikasan? Apocalipsis 16:17, 18. __________________________________________________________________ _ __________________________________________________________________ _ “Sa hatinggabing yaon ng ang Diyos ay nagpakita ng Kaniyang kapangyarihan para sa pagliligtas ng Kaniyang bayan. Ang araw ay nagpakita, magniningning sa Kaniyang lakas. Mga tanda at kababalaghan ay sumunod sa mabilis na pagkakasunod-sunod. Ang masasama ay tumingin na may sindak at pagkamangha sa tagpo, habang ang mga matuwid ay nakamasid na may taimtim na katuwaan ang mga tanda ng kanilang kaligtasan. Bawa’t bagay sa kalikasan ay mukhang binago ang takbo. Ang mga agos ay tumigil sa pag daloy. Madilim, mabigat na mga ulap ay pumaitaas at nagbanggaan sa bawa’t isa. Sa gitna ng nagagalit na mga langit ay isang maliwanag na dako ng hindi maipaliwanag na kaluwalhatian, kung saan nagmumula ang tinig ng Diyos tulad sa tunog ng maraming tubig, na nagsasabi: ‘Naganap na’ (Apocalipsis 16:17). “Ang tinig na yaon ay yumanig sa mga langit at nang lupa. Nagkaroon ng malakas na lindol.”- The Great Controversy, pp. 636, 637. b. Anong ‘di karaniwan ang makikita kapag ang ikapitong salot ay ibinuhos? Amos 8:9; Apocalipsis 16:20; Isaias 24:19, 20 Kapag ang lindol ay naganap, ano ang susing pangyayari ang magaganap? Daniel 12:2. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang langit ay bumukas at sumara at nasa kaguluhan. Ang mga bundok ay naalog tulad ng damo sa hangin at nagluwal ng magaspang na mga bato sa lahat ng palibot. Ang dagat ay kumulo tulad sa palayok ay humagis ng mga bato sa lupa. At habang sinasalita nang Diyos ang araw at oras ng pagdating ni Hesus at ipinaabot ang walang hanggang tipan sa Kaniyang bayan, Nagsalita Siya ng isang pangungusap, at pagkatapos ay huminto, habang ang mga salita ay gumugulong sa buong daigdig. Ang Israel ng Diyos ay nakatayo na nakatitig ang mga mata sa itaas, nakikinig sa mga salita habang dumarating sila mula sa bibig ni Jehovah at gumulong sa buong daigdig tulad ng dagundong ng pinaka malakas na kulog. Yao’y kagila-gilalas na kataimtiman.” –Early Writings, pp.285, 286. “Ang mga libingan ay nagsibukas at ‘marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa…mangagigising, ang iba’y sa walng hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak’ (Daniel 12:2). Lahat ng namatay sa pananampalataya sa pabalita ng ika’tlong anghel ay lumabas mula sa libingan na naluwalhati, upang pakinggan ang kasunduang pangkapayapaan ng Diyos sa mga nagsisunod sa Kaniyang utos. ‘Nangagsiulos sa Kanya’ (Apocalipsis 1:7), Silang nanuya at nanguyam sa dusa ng paghihingalo ni Kristo, at ang pinaka marahas na mapagsalungat sa Kaniyang katotohanan at sa Kaniyang bayan, ay binuhay upang
mamasdan Siya sa Kaniyang kaluwalhatian at upang makita ang karangalan na inilagay sa mga tapat at masunurin.” –The Great Controversy, p. 637.
MIYERKULES
Nobyembre 11
4. ANG PARUSA NG BABYLONIA a. Ano ang mangyayari sa nakapagtatakang Babylonia ang “ina ng mga patotot” sa pagdating sa ala-ala ng Diyos ? Apocalipsis 16:19. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Babylonia ang dakila ay nakarating sa ala-ala sa harap ng Diyos, ‘upang ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng kabagsikan ng Kaniyang galit.” –The Great Controversy, p.637. “Sa ika labimpito ng Apocalipsis ay inihula ang pagkawasak ng lahat ng iglesia na dinumihan ang kanilang sarili ng mapagsamba sa diosdiosan na pananalig sa paglilingkod sa kapapahan, silang nalasing sa alak ng kagalitan ng kaniyang pagtataksil. [Apocalipsis 17:1-4 sinipi.] Sa gayon ay ipinakilala ng makapapang kapangyarihan, na mayroong lahat ng pandaraya ng pagka di-matuwid, sa panlabas na halina at kaakit-akit na pakita, dinadaya ang lahat ng bansa; pinangangakuan sila, tulad ng ginawa ni Satanas sa ating unang mga magulang, lahat ng mabuti para sa kanila na tumanggap ng tanda nito, at lahat ng pinsala sa kanila na sumalungat sa mga panlinlang nito.” –SDA Bible Commentary [E.G.White Comments], vol. 7, p.983. b. Ano ang dakilang kasalanan na ikinarga laban sa Babilonia, ang “ina ng mga patutot”? Apocalipsis 17:3-6. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang kapangyarihan na sa maraming mga daang taon ay pinanatili ang mapagpanginoon na pagpapagalaw sa mga monarka ng Sangkakristiyanohan sa Roma. Ang kulay ubi at matingkad na pula, ang ginto at mahahalagang bato at mga perlas, malinaw na naglalarawan ng karingalan at higit pa sa makaharing karangyaan na nahawahan ng palalong sakop ng bishop ng Roma. At walang ibang kapangyarihan na tunay na masasabing ‘nalasing sa dugo ng mga banal’ tulad ng iglesiang iyon na sobrang bagsik na inusig at mga tagasunod ni Kristo. Ang Babilonia ay kinargahan ng kasalanan ng di ayon sa batas na ugnayan sa ‘mga hari ng daigdig.’ Yaon ay sa pamamagitan ng pagalis mula sa Panginoon, at pakipagkampi sa mga pagano, kaya ang Hudyong iglesia ay naging patutot; at ang Roma, dinumihan ang sarili ng gayon ding paraan sa paghanap ng alalay ng makasanlibutang kapangyarihan, ay tatanggap ng parehong sumpa.” –The Great Controversy, p. 382.
HUWEBES
Nobyembre 12
5. “NAGANAP NA” a. Ano ang magiging sukdulan ng ikapitong salot? Apocalipsis 16:21. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ b. Sa dulo ng pampitong salot, anong pinaka mahalagang maluwalhating pangyayari ang magaganap? Mateo 24:30; Apocalipsis 1:7. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa madaling panahon ay lilitaw doon sa silanganan ang maliit na itim na ulap, halos kalahati ng sukat ng kamay ng tao. Yaon ang ulap na pumapalibot sa Tagapagligtas at mukhang sa di kalayuan ay malalambungan sa kadiliman. Alam ng bayan ng Diyos na ito ang magiging tanda ng Anak ng tao. Sa taimtim na katahimikan ay tumitig sila doon habang papalapit iyon sa daigdig, nagiging maliwanag at mas maluwalhati, hanggang yao’y isang malaking puting ulap, ang ilalim noon ay tulad sa maluwalhating apoy na namumugnaw, at sa ibabaw noon ay ang bahaghari ng kasunduan. Si Hesus ay nakasakay na patuloy bilang malakas na mananakop. Hindi ngayon isang ‘Lalaki ng Kalungkutan,’ upang uminom ng mapait na tasa ng kahihiyan at pighati, dumating Siyang mananagumpay sa langit at lupa, upang hatulan ang buhay at patay.” –The Great Conroversy, pp.640, 641. “Silang mga nanuya sa Kaniyang pag-angkin na maging Anak ng Diyos ay di makapagsalita ngayon. Naroon ang palalong si Herod na tumuya sa Kaniyang marangal na titulo at inutusan ang mga naguuyam na mga kawal na koronahan Siyang hari. Naroon ang mga lalaking siyang may di banal na mga kamay ay naglagay sa Kaniyang anyo ng ubeng balabal, sa ibabaw ng Kaniyang banal na kilay ang matinik na korana, at sa kaniyang di lumalabang mga kamay ay ginayang setro, at yumukod sa Kaniya sa malapastangang pangungutya. Ang mga lalaki na pumalo at dumura sa Prinsipe ng buhay ngayo’y tumalikod sa Kaniyang tumatagos na titig at nagsikap na tumakas mula sa nakakadaig na kaluwalhatian ng Kaniyang presensya. Silang nagbaon ng mga pako lagos sa Kaniyang mga kamay at paa, ang kawal na tumusok sa Kaniyang tagiliran, nakita ang mga markang iyon na may pagkalagim at pagsisisi.” – Doon din, p.643. BIYERNES
Nobyembre 13
BALIK-ARAL AT KURO-KURONG MGA KATANUNGAN a.) Sino ang mag-iipong sama-sama sa mga hari sa daigdig at sa buong sanlibutan sa isang lugar? b.) Kailan magsisimula at matatapos ang labanan ng Armageddon? c.) Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa pasimula ng pampitong salot kapag sasabihin ng Diyos: “Naganap na”? d.) Ano ang ibig sabihin ng “Babilonia” at ano ang kaniyang magiging gantimpala?
e.) Anong maluwalhating kaganapan ang magsasara sa pitong huling mga salot?
Leksiyon 8
Sabbath, Nobyembre 21, 2009
Ang Ikalawang Pagdating ni Hesus “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2, 3). “Sa madaling panahon si Kristo ay darating para sa Kaniyang bayan upang dalhin sila sa mga mansiyon inihahanda para sa kanila. Ngunit walang nakakarumi ang makakapasok sa mga mansiyong iyon. Ang langit malinis at banal, at silang dumaraan sa mga pintuan ng Lungsod ng Diyos ay dapat ditong nadamitan ng panloob at panlabas na kadalisayan.” –Counsels on Health, p.103. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 638-652. LINGGO
Nobyembre 15
KAHANGA-HANGANG PANGAKO a. Ano ang inaasahan noon ng lahat na patriarka, mga propeta, at mga tapat na mananampalataya noong una? Job 19:25-27. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang doktrina ng ikalawang pagdating ay ang pinaka susing nota ng Sagradong Kasulatan.” –The Great Controversy, p.299. b. Ano ang ipinangako ni Hesus sa Kaniyang mga desipulo, at para saan ang Kaniyang ipinanalangin sa makalangit na Ama? Juan 14:1-3; 17:24. Papaano inulit ng mga anghel ang pangako ni Hesus? Mga Gawa 1:10, 11. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Walang tunay na umiibig kay Hesus ang nalulungkot na Siya ay muling darating. At habang sila ay lumalapit ng mas malapit sa pagdating ng Anak ng tao, ang tunay na mangingibig ni Hesus ay titingin pasulong na may magalak na pag-asa, at magsisikap na makuhang handa ang lahat upang mamasdan Siya na minamahal ng kanilang kaluluwa, na namatay upang sila’y iligtas.” –Lift Him Up, p.379.
LUNES
Nobyembre 16
2. ANG LAYUNIN NG KANIYANG PAGDATING a. Sino ang sasabay kay Hesus sa Kaniyang ikalawang pagdating at ano ang iuutos sa kanilang gawin? Mateo 24:31. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Kristo ay madaling darating sa ikalawang pagkakataon. Tungkol dito ay dapat lagi tayong mag-usap. Yaon ang dapat na pinakamataas na iisipin ng ating kaisipan. Siya ay dumarating, na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, at bawa’t mata ay makikita Siya.” –The Upward Look, p.311. “Si Kristo ay darating sa Kaniyang sariling kaluwalhatian, sa kaluwalhatian ng Kaniyang Ama, at sa kaluwalhatian ng mga banal na anghel. Sampung libong beses na sampung libu at mga libo ng mga libong mga anghel, ang maganda at matagumpay na mga anak ng Diyos, nagtataglay ng labis-labis na kagandahan at luwalhati, ay sasamahan Siya sa Kaniyang landas.” –The Desire of Ages, p.739. b. Ano ang nahayag sa Kasulatan tungkol sa mga namatay sa Panginoon? Isaias 26:19. Anong pangyayari ang magaganap kapag dumating si Hesus na muli? Filipos 3:20, 21; 1-Tesalonica 4:16. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa gitna ng pag-ikot ng daigdig, ang kislap ng kidlat, at ang ugong ng kulog ang tinig ng Anak ng Diyos ay tumatawag sa nangatutulog na mga banal. Siya ay tumitingin sa mga libingan ng mga matuwid, kasunod, itinataas ang Kaniyang mga kamay sa langit, Siya’y sumigaw: ‘Gising, gising, gising, kayong nangatutulog sa alabok, at tumayo!’ Sa buong haba at luwang ng daigdig ang mga patay ay maririnig ang tinig na iyon, at silang nakinig ay mabubuhay. At ang buong daigdig ay dadagundong sa hakbang ng labis na malaking hukbo ng bawa’t bansa, lahi, wika at mga tao. Mula sa bilangguang tahanan ng kamatayan sila dumating, nadaramtan ng walang kamatayang kaluwalhatian, na sumisigaw: ‘O kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, O kamatayan, ang iyong tibo?’ (1-Corinto 15:55). At ang nabuhay na mga matuwid at ang bumangon na ma banal ay ipinagkaisa ang kanilang mga tinig sa mahaba, nagagalak na sigaw ng tagumpay.” –The Great Controversy, p.644. “ Tayo ba’y naniniwala ng buong puso na si Kristo ay madaling darating at tayo ay mayroong huling pabalita ng kaawaan na laging ibibigay sa nagkasalang sanlibutan? Ang ating halimbawa kaya ay kung ano ang nararapat? Tayo ba, sa ating mga buhay at banal na pakipagusap, ay nagpapakita sa kanilang nangakapaligid sa atin na tayo ay tumtingin sa maluwalhating pagpapakita ng ating Panginoon at Tagapagligtas na HesuKristo, na siyang magbabago ng hamak na mga katawang ito at hubugin ang mga yaon tulad sa Kaniyang maluwalhating katawan? Natatakot ako na di natin pinaniniwalaan at nauunawaan ang mga bagay na ito sa kung paano tayo dapat.” –Early Writings, p.111.
MARTES
Nobyembre 17
3. ANG PARAAN NG KANIYANG PAGDATING a. Sino ang makakakita kay Hesus sa Kaniyang ikalawang pagdating? Mateo 24:30; Marcos 14:60-62; Apocalipsis 1:7. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Taimtim na oras ng mga lingkod ay inipon, at ang kabayaran ay iginantimpala sa lahat! Wala nang pangalawang pagsubok. Ang palugit ay tinapos na magpakailanman. Lahat ng di paniniwala tungkol sa inaangkin ng utos ng Diyos ay dito natatapos; dahil sa pamamagitan ng pamantayang ito na ang lahat ay hinatulan. Bawa’t mata pagkatapos ay nakita Siya; at bawa’t kaluluwa ay naunawaan ano ang nagpatunay nang kaniyang pagkawasak. Sumunod ay nakita iyon at tinanggap na ang utos ng Diyos ang namamahala sa lahat ng nilalang na katalinuhan. Doo’y wala ng manananong sa Kaniyang pamamahala.” –The Review and Herald, January 12, 1886. “Naroroon silang nangutya kay Kristo sa Kaniyang pagkapahiya. May pangangatal na kapangyarihan na dumating sa kanilang isipan ang mga salita ng Naghihirap, noong, pakiusap ng mataas na saserdote, taimtim Niyang ipinahayag: ‘Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na naka upo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit’ (Mateo 26:64). Ngayon ay minamasdan nila Siya sa Kaniyang kaluwalhatian, at makikita pa lamang niya Siya na nauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan.” –The Great Controversy, p. 643. “Kung tayo ay maliligtas o mapapahamak, ating makikita Siya sa isang panahon, sa buo Niyang kaluwalhatian, at mauunawaan ang Kaniyang ugali. Sa Kaniyang ikalawang pagparito, ang paniniwala ay madadala sa bawa’t puso. Silang mga tumalikod sa Kaniya tungo sa mga walang kabuluhang bagay sa mundong ito, naghahanap ng makasariling mga kawilihan at makasanlibutang dangal, sa araw ng Kaniyang pagdating ay tatanggapin ang kanilang kamalian.” –The Signs of the Times, January 28, 1903. b. Saan inihalintulad ang pagdating ni Hesus, at paano dapat ito ay makaapekto sa atin? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Silang nagbabantay para sa pagdating ng Panginoon ay hindi naghihintay na walang ginagawang pag-asa. Ang pag-asa sa pagdating ni Kristo ay dapat gawing matakot ang mga lalake sa Panginoon, at katakutan ang Kaniyang mga paghatol sa pagsalangsang. Ito ay dapat gumising sa kanila sa dakilang kasalanan ng pagtanggi sa Kaniyang pag-alok sa kaawaan. Silang nagbabantay para sa Panginoon ay dinadalisay ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan. May maingat na pagbabantay kanilang isinasama ang masikap na paggawa. Sapagka’t alam nila na ang Panginoon ay nasa pintuan, ang kanilang pagtatapat ay nakilos upang makiisa sa makalangit na katalinuhan sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.” –The Desire of Ages, p.634.
MIYERKULES
Nobyembre 18
4. TULAD SA MAGNANAKAW SA GABI a. Ano ang sinasabi at ginagawa ng mga naninirahan sa daigdig mismong bago ang pagdating ni Hesus? Mateo 24:37-39; Lukas 17:28-30; 2-Pedro 3:3, 4. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Mga lalake at mga babae ay dala ngayon ang kanilang pagkain at pag-inom ng napakalayo na yaon ay humantong sa katakawan at paglalasing. Ang namumutawing kasalanang ito, ang pagpapakabuyo sa maling panlasa, ay nagpasigalbo sa kapusukan ng mga lalake sa panahon ni Noe at napunta sa malawak na pagkalat ng kasamaan.” –Counsels on Diet and Foods, p. 146. “[Ang Tagapagligtas] ay inihula ang kalagayan ng pagtalikod na magaganap mismo bago ang Kaniyang ikalawang pagdating. Doo’y magkakaroon tulad ng panahon ni Noe, ang gawain at pagkilos ng maka sanlibutang negosyo at paghahanap ng kalayawan- pagbili, pagbenta, pagtatanim, pagtatayo, pagaasawa, at paghihiwalayan- na may pagkalimot sa Diyos at ng hinaharap na buhay.” –The Great Controversy, p. 309. “Sa panahon ni Noe ang naninirahan sa lumang panahon ay nagtatawa upang kutyain ang sinasabi nilang pamahiing takot at paghuhula ng mangangaral ng katuwiran. Siya ay isinuplong bilang mapagisip na tao, panatiko, at mapanggulo…. Mga tao ay tatanggihan ang taimtim na mensahe ng babala sa ating panahon, kung papaano sa panahon ni Noe. Mas gugustuhin pa nila ang mga maling tagapagturo na nanghula ng pangyayari at nagtakda ng saktong panahon, at sasabihing wala na silang pananampalataya sa ating babala kaysa sa kanila. Ito ang paguugali ng sanlibutan ngayon. Di paniniwala ay laganap, at ang pangangaral ng pagdating ni Kristo ay kinukutya at inaalimura.” –Testimonies, vol. 4, p.308. b. Sa tanawin na ang panahon ay nagmamadali na kun saan tayo ay nabubuhay, anong babala ang dapat na ating pansinin? Mateo 24:44; Lukas 21:34-36. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ikaw ngayon ay dapat maghanda sa panahon ng pagsubok. Ngayon mo dapat malaman kung ang iyong mga paa ay nakatanim sa Walang Hanggang Bato. Dapat kang magkaroon ng pansariling karanasan, at di dapat umasa sa iba para sa iyong liwanag. Kapagka ikaw ay dinala sa pagsusulit, paano mo malalaman na hindi ka magiisa, na walang pandaigdig na kaibigan sa iyong tabi? Mauunawaan mo kaya na si Kristo ang iyong suporta? Maaalaala mo kaya ang pangako, ‘narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan?’ (Mateo 28:20).’ –Maranatha, p.255.
HUWEBES
Nobyembre 19
5. WALANG HANGGANG KASAMA ANG PANGINOON a. Anong nakagiginhawang mga salita ang ipinadala ni apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Tesalonika? 1Tesalonica 4:16-18. Papaano inilarawan ng Espiritu ng Hula ang pagdating ni Hesus? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kaagad ang aming mga mata ay natuon sa silangan, dahil ang isang maliit na ulap ay lumitaw, nasa kalahati ang laki tulad ng kamay ng tao, na alam nating lahat na tanda ng Anak ng tao. Kaming lahat sa taimtim na katahimikan ay tumitig sa ulap habang yaon ay papalapit at naging mas maliwanag, maluwalhati, at higit pang maluwalhati, hanggang maging malaking ulap. Ang ilalim ay napakitang tulad sa apoy; isang bahaghari ay nasa ibabaw ng ulap, na sa palibot noon ay sampung libong mga anghel. Umaawit ng pinaka-kaibig-ibig na awit; at doon ay nakaupo ang Anak ng tao.” –Early Writings, pp. 15, 16. b. Ilarawan ang pagakyat ng mga banal. Ano ang kanilang tatanggapin? 1 Tesalonica 4:17; 1Corinto 15:50-57. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kaming lahat ay pumasok sa ulap na magkakasama, at pitong araw na umaakyat sa bubog na dagat, nang dalhin ni Hesus ang mga korona at sa pamamagitan ng Kaniyang sariling kanang kamay ay inilagay sa aming mga ulo. Binigyan Niya kami ng gintong alpa at mga palma ng tagumpay. Dito sa ibabaw ng bubog na dagat ang 144,000 ay nakatayo sa ganap na parisukat. Ang ilan sa kanila ay may napaka maliwanag na putong, ang iba ay di gaanong maliwanag. Ang ibang putong ay mukhang mabigat sa mga bituin, samantalang ang iba ay mayroong kaunti. Lahat ay ganap na nasisiyahan sa kanilang mga korona…. Itinaas ni Hesus ang Kaniyang malakas, maluwalhating kamay, hinawakan ang ma-perlas na pintuan, at itinulak sa kaniyang kumikinang na bisagra, at sinabi sa amin, ‘Naghugas kayo ng inyong mga kasuotan sa Aking dugo, tumayong matayog para sa Aking katotohanan, pasok sa loob.’” –Doon din, pp. 16-17.
BIYERNES
Nobyembre 20
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA TANONG a.) Kung tunay na minamahal natin si Hesus, anong kaisipan ang tatangkilikin natin sa ibabaw ng lahat? b.) Bakit napakahalaga ng ikalawang pagdating ni Kristo? c.) Sa pagsasaalang-alang sa pagbalik ni Kristo, anong personal na paghahanda ang kailangan natin?
d.) Sa anong mga paraan na ating nakikita ang mga araw ni Noe ay nauulit ngayon? e.) Bakit masisiyahan ang mga banal sa kanilang mga korona?
Leksiyon 9
Sabbath, Nobyembre 28, 2009
Ang Millennium “Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag. Aking minasdan ang mga bundok, at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon. At ako’y nagmasid, at, narito, walang tao, at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas. Ako’y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit” (Jeremias 4:23-26). “Ang mga banal ay magpapahinga sa Banal na Siyudad at mamamahala bilang mga hari at saserdote ng isang libong taon.” –Early Writings, p. 51. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 653-661.
LINGGO
Nobyembre 22
1. ISANG MALAGIM NA KAPISTAHAN a. Pagkatapos ng pitong huling mga salot ay nangabuhos, ano ang mangyayari sa mga katawan ng mga masasama? Isaias 66:15-17; Jeremias 25:30-33. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang masama ay nangawasak, at ang kanilang patay na mga katawan ay nakahandusay sa ibabaw ng daigdig.” –Early Writings, p. 289. b. Papaano ang daigdig mahahayag sa panahong ito? Apocalipsis 19:17-21. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa pagdating ni Kristo ang masasama ay mabubura sa mukha ng buong daigdig- nilamon ng espiritu ng Kaniyang bibig at nawasak ng kaliwanagan ng Kaniyang luwalhati. Dinala ni Kristo ang Kaniyang bayan sa Siyudad ng Diyos, at ang daigdig ay nawalan ng naninirahan nito…. “Ang buong daigdig ay nahayag tulad sa pinabayaang ilang. Ang pinsala ng mga siyudad at mga nayon ay winasak ng lindol, binunot na mga puno, baku-bakong mga bato na nahagis ng dagat o inilabas ng lupa mismo, ay nangagkalat sa ibabaw noon, habang ang malawak na mga yungib ang markang lugar kun saan ang mga bundok ay napilas mula sa kanilang mga pundasyon.” –The Great Controversy, p. 657.
LUNES
Nobyembre 23
2. IKINULONG SI SATANAS a. Ano ang mangyayari kay Satanas sa pasimula ng isang libong mga taon ng Apocalipsis 20? Apocalipsis 20:1, 2. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Dito [sa daigdig nahahawig sa pinabayaang ilang] ang magiging tahanan ni Satanas kasama ang kaniyang masasamang mga anghel sa loob ng isang libong taon. Dito siya ay makukulong, upang gumala pataas at pababa sa ibabaw ng baku-bakong ibabaw ng daigdig at tingnan ang epekto ng kaniyang paghimagsik laban sa utos ng Diyos. Sa isang libong taon ay maaari siyang mag-aliw sa bunga ng sumpa na siya ang pinagmulan.” –Early Writings, p. 290. “Limitado sa daigdig, [si Satanas] ay hindi magkakaroon ng pagpunta sa isang sanlibutan upang manukso at ligaligin silang hindi kailanman bumagsak. Sa ganitong kahulugan siya ay natali: wala nang natitirang, sinumang kaniyang mapag gagamitan ng Kaniyang kapangyarihan. Siya ay lubos na pinutol sa gawaing pandaraya at panira na sa maraming daan taon ay lagi niyang tanging kaligayahan.” –The Great Controversy, p.659. b. Saan makukulong si Satanas sa panahon ng isang libong mga taon? Apocalipsis 20:3. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Na ang kasabihang ‘walang hanggang kalaliman’ ay kumakatawan sa daigdig sa kalagayan ng kagusutan at kadiliman ay malinaw sa ibang kasulatan. Tungkol sa kalagayan ng daigdig ‘nang pasimula,’ sinasabi ng tala sa Biblia na ‘walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman’ (Genesis 1:2). Ang hula ay nagtuturo na yao’y uulitin, bahagya halos ay sa ganitong kalagayan.” –Maranatha, p.307. “Ang rebelador ay inihula ang pagtaboy kay Satanas at ang kalagayan ng kaguluhan at kalagiman kun saan ang daigdig ay mababago at kaniyang sinasabi na ang kalagayang ito ay mananatili sa isang libong taon.” –The Great Controversy, p. 658. “Sa isang libong taon, si Satanas ay gagala paroo’t parito sa wasak na daigdig upang masdan ang mga bunga ng kanyang paghihimagsik laban sa utos ng Diyos. Sa panahong ito ang kaniyang paghihirap ay matindi. Mula sa kaniyang pagkahulog ang kaniyang buhay na di tumitigil na pagkilos ay nawalan ng pagmumuni-muni; ngunit ngayon siya ay inalisan ng kaniyang kapangyarihan at naiwan upang magisip-isip sa bahagi na kaniyang ginampanan mula ng una siyang maghimagsik laban sa pamahalaan ng langit, at upang tumingin sa unahan na may panginginig at sindak sa nakapangingilabot na hinaharap kapag siya ay kailangang magdusa sa lahat ng kasamaan na kaniyang ginawa at maparusahan sa mga kasalanan na siya ang naging dahilan na maisagawa.” –Doon din, p.660.
MARTES
Nobyembre 24
3. ANG GAWAING NAGAGANAP SA LANGIT a. Anong tagpo ang ipinakita kay apostol Juan at anong kapangyarihan ang nabigay doon sa mga nagtamo ng tagumpay laban sa hayop, kanyang larawan, at kanyang tanda? Apocalipsis 20:4, 6, 12, 13. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Pagkatapos na ang mga banal ay mabago sa walang kamatayan at dinala paakyat kasama ni Hesus, pagkatapos nilang tanggapin ang kanilang mga alpa, kanilang balabal at kanilang korona, at pumasok sa siyudad, si Hesus at mga banal ay nagsiupo sa paghatol. Ang mga aklat ay binuksan- ang aklat ng buhay at ang aklat ng kamatayan. Ang aklat ng buhay ay naglalaman ng mabubuting gawa ng mga banal; at ang aklat ng kamatayan ay naglalarawan ng masasamang gawa ng mga masasama. Ang mga aklat na ito ay ikinumpara sa aklat ng kautusan, ang Biblia, at ayon doon ang mga tao ay hinatulan. Ang mga banal, kasabay ni Hesus, ay ipinasa ang kanilang hatol sa patay na masasama.” –Early Writings, p.52 b. Ano ang magiging pangunahing trabaho ng mga banal sa panahon ng isang libong taon? Daniel 7:22; 1-Corinto 6:2, 3. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa panahon ng libong taon sa pagitan ng una at pangalawang pagkabuhay ang kahatulan ng masasama ay magaganap. Tumuturo si apostol Pablo sa paghatol na ito bilang kaganapan na susunod sa ikalawang pagdating. ‘Huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso’ (1-Corinto 4:5). Ipinahayag ni Daniel na kapag dumating ang Matanda sa mga Araw, ‘ang paghatol ay ibinigay sa mga banal ng Kataastaasan’ (Daniel 7:22). Sa panahong ito ang mga matuwid ay namahala bilang mga hari at saserdote sa Diyos. Sa Apocalipsis ay sinabi ni Juan: ‘nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol.’ ‘Sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Kristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon’ (Apocalipsis 20:4, 6). Ayon sa hula ni Pablo, yaon ay sa panahong ito na ‘ang mga banal ay hahatulan ang sanlibutan’ (1-Corinto 6:2). Sa pakipagkaisa kay Kristo hinatulan nila ang masasama, na inihahambing ang kanilang mga kilos sa aklat ng kautusan, ang Biblia, at pinagpapasiyahan ang bawa’t kaso ayon sa mga gawa na ginawa sa katawan. Sa gayon ang bahagi na dapat danasin ng masasama ay natugunan, ayon sa kanilang mga gawa; at yaon ay natala laban sa kanilang mga pangalan sa aklat ng kamatayan.” –The Great Controversy, pp. 660, 661.
MIYERKULES
Nobyembre 25
4. SA KATAPUSAN NG MILLENIUM a. Kapag ang paghatol sa masasama ay kumpleto na sa langit, anong pangyayari ang magaganap? Isaias 24:22; Apocalipsis 20:5, 13. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa pagsasara ng libong taon, si Kristo ay muling babalik sa daigdig. Siya ay sasamahan ng hukbo ng mga nangaligtas at dinaluhan ng mga abay na mga anghel. Habang Siya ay pababa sa napakalakas na kamahalan inutusan Niya ang masasamang patay na bumangon upang tanggapin ang kanilang parusa. Sila ay nagsibangon, isang malaking hukbo, walang bilang tulad sa mga buhangin sa dagat. Anong kabaligtaran sa mga binuhay sa unang pagkabuhay! Ang mga matuwid ay dinamitan ng di mamamatay na kabataan at kagandahan. Ang mga masasama ay dala ang mga bakas ng sakit at kamatayan.” –The Great Controversy, p.662. “[Sa pangalawang pagkabuhay, ang mga masasama] ay haharap sa Diyos para sa pagpapatupad ng ‘hatol na nakasulat.’” –Doon din, p. 661. b. Ano ang magiging kapalaran nilang ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay? Apocalipsis 20:15. Papaano ito ay isang babala sa lahat? Ezekiel 33:13-16. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Anong panoorin! Anong tagpo! Sa unang pagkabuhay ang lahat ay lumabas na nasa walang kamatayang pamumukadkad; ngunit sa pangalawa ang marka ng sumpa ay kita sa lahat.” –Early Writings, p.292. “Kakaunti ang maliligtas, at mas maraming bilang sa kanilang, kahit, yaong mga tinawagan ay mapapatunayang ang mga sarili ay di karapat-dapat sa walang hanggang buhay. Wala silang magiging bahagi sa langit, subalit magkakaroon ng bahagi kasama ni Satanas, at dadanas ng ikalawang kamatayan. “Mga lalake at babae ay maaaring makatakas sa sumpang ito kung kanilang gusto. Totoo na si Satanas ang dakilang maylikha ng kasalanan; gayon pa man ito ay hindi magbigay katwiran sa sinomang tao para magkasala; dahil di niya mapipilit ang tao na gumawa ng masama. Kaniyang tinutukso sila doon, at ginagawa ang kasalanan na kaakit-akit at kaaya-aya; subalit kailangan niyang iwanan yaon sa kanilang gusto kung gagawin nila iyon o hindi.” –Testimonies, vol. 2, p. 294. “Kung ang nagaangking mananampalataya ay maging tiwala sa sarili, kapag sa salita o espiritu ay nilabag niya ang pinakamaliit na patuntunan ng banal na utos ng Diyos, kaniyang inilalarawang mali si Hesus, at sa paghatol ang kahindikhindik na mga salita ay bibigkasin, ‘Burahin ang kaniyang pangalan mula sa aklat ng buhay; siya ay manggagawa ng kasamaan.’ Ngunit ang Ama ay kinaawaan ang di tiwala sa sarili, may takot sa Diyos na kaluluwa.” –The Signs of the Times, August 6, 1855.
HUWEBES
Nobyembre 26
5. ANG IKALAWANG KAMATAYAN a. Pagkatapos na pakawalan si Satanas sa kaniayang kulungan, papaano niya pagsusumikapang dayain ang mga masasama na binuhay? Apocalipsis 20:7-9. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang mga masasama ay puno ng parehong pagkasuklam sa Diyos na nagpasigla kay Satanas; ngunit kanilang nakikita na ang kanilang kaso ay walang pag-asa, na di nila kayang mangibabaw laban kay Jehovah. Ang kanilang poot ay nagningas laban kay Satanas at doon sa kanilang naging ahente ng pandaraya, at mayroong pagngangalit ng demonyo ay bumaling sila sa kanila… “Apoy ay bumaba mula sa Diyos palabas sa langit. Ang daigdig ay nawasak. Ang mga sandata na nakatago sa kailaliman ay lumitaw. Lumalamong mga apoy ay sumabog mula sa bawa’t nakabukang kalaliman. Ang mismong mga bato ay nagliliyab. Ang araw ay dumating na susunog tulad sa pugon. Mga elemento ay natunaw ng matinding init, gayon din ang daigdig, at ang mga gawang naroroon ay nasunog na lubos.” –The Great Controversy, p. 672. b. Ano ang magiging kapalaran ni Satanas, ng kaniyang mga anghel, masasamang mga tao, at kasalanan? Apocalipsis 20:10, 14; 21:8. Malakias 4:1. Magkakaroon pa ba ng pag-asa ng pagkabuhay sa ikalawang kamatayan? Mga Awit 37: 10; Obadias 1:16. (huling bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Silang hindi nakapagtamo ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya ay dapat tumanggap ng kaparusahan sa pagsalangsang- ‘ang kabayaran ng kasalanan.’ Sila ay nagbata ng kaparusahan na may iba’t-ibang tagal at sidhi, ‘ayon sa kanilang mga gawa,’ subalit magtatapos sa ikalawang kamatayan. Dahil ito ay hindi maaari sa Diyos, na naaayon sa Kaniyang katarungan at kaawaan, na iligtas ang makasalanan sa kaniyang mga kasalanan, Kaniyang binawian siya ng pag-iral na ang kaniyang pagsalangsang ang nag-alis at siyang nagpatunay sa kaniyang sarili na di karapat-dapat.” –Doon din, p. 544. BIYERNES
Nobyembre 27
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA TANONG a.) Ano ang madaling magaganap sa daigdig? b.) Sa anong kahulugan na si Satanas ay “gagapusin” sa 1,000 taon? c.) Kailan matutupad ang 1Corinto 6:3? d.) Ano ang alam mo tungkol sa aklat ng buhay? e.) Ano ang ikalawang kamatayan?
SABBATH, DECEMBER 5, 2009 First Sabbath Offering for the French Guiana Mission
Leksiyon 10
Sabbath, Disyembre 5, 2009
Ang Kalagayan ng mga Patay “Nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan” (Eklesiastes 9:5). “Sa ibabaw ng pangunahing kamalian ng pagkawalang kamatayang likas ay nakasalalay ang paniniwala sa pagka may-malay sa kamatayan- ang doktrina, tulad ng walang hanggang pagpapahirap, ay salungat sa mga turo ng Kasulatan, sa dikta ng katwiran, at sa ating mga damdamin sa sangkatauhan.” –The Great Controversy, p. 545. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 531-562. LINGGO
Nobyembre 29
1. ANG UNANG DAKILANG PAGSISINUNGALING a. Noong nilalang ng Diyos si Adan at inutusan siyang gayakan at alagaan ang Hardin ng Eden, anong natatanging tagubilin ang ibinigay sa kanya? Genesis 2:15-17. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang maawaing Diyos ay hindi nagbigay ng mahigpit pagsubok, walang malakas na tukso na magpapabigat sa kakayanan ng tao lagpas sa kapangyarihang lumaban. Ang bunga mismo ay di nakakasama. Kung ang Diyos ay hindi pinagbawalan sina Adan at Eba na kumuha ng bunga ng puno ng kaalaman, ang kanilang pagkilos sa pagkuha noon ay hindi naging makasalanan. Hanggang sa sandali ng pagbabawal ng Diyos, si Adan ay maaaring nakakain ng bunga ng punong iyon na di nakakakita ng pinsala. Ngunit pagkatapos na masabi ng Diyos, Huwag kang kakain, ang pagkilos ay naging krimen ng dakilang kalakhan. Si Adan ay nasuway ang Diyos. Nandito ang kaniyang kasalanan. Ang pinakakatunayan na ang pagsubok ni Adan ay napakaliit, ang nagpaging higit na labis ng kaniyang kasalanan.” –The Signs of the Times, January 23, 1879. b. Anong mga salita ang ginamit ni Satanas, “ang matandang ahas,” upang labanan ang magaan at malinaw na utos? Genesis 3:4, 5. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sinabi ng Diyos na ang mga makasalanan ay mamamatay. Inihayag ni Satanas na hindi sila mamamatay.” –The Bible Echo, February 1, 1897.
LUNES
Nobyembre 30
2. ANG PATAY AY WALANG NALALAMAN a. Saan pupunta ang mga nabuhay na nilalang kapag sila ay mamatay? Ecclesiastes 3:19, 20; 9:10. Ano ang mangyayari sa ala-ala ng namatay? Mga Awit 146:3, 4. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Wala saan man sa Sagradong Kasulatan ay matatagpuan ang pangungusap na ang matuwid ay pupunta sa kanilang gantimpala o ang masama sa kanilang kaparusahan sa pagkamatay. Ang mga patrirka at mga propeta ay walang iniwang gayong kasiguruhan. Si Kristo at Kaniyang mga apostol ay walang ibinigay na hiwatig tungkol doon. Ang Biblia ay malinaw na itinuro na ang patay ay hindi kaagad pupunta sa langit. Sila ay kumakatawan bilang natutulog hanggang sa pagkabuhay…. Sa mismong araw kapag ang pilak na lubid ay niluwagan at ang ginintuang mangkok ay nabasag (Ecclesiastes 12:6), ang isip ng tao ay mawawala. Silang bumababa sa libingan ay nasa katahimikan.” –The Great Controversy, p.550 b. Ano ang sinabi ng Diyos sa magiging kapalaran ni Adan dahil sa di pagsunod? Genesis 3:19. Ano ang sinabi ni Solomon tungkol sa kalagayan ng isipan ng namatay? Ecclesiastes 9:5. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ipinahayag ng Diyos na bilang parusa para sa kaniyang kasalanan, ang tao ay dapat magbalik sa lupa kun saan siya ay kinuha: ‘Ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi’ (Genesis 3:19). Ang mga salita ni Satanas, ‘madidilat nga ang inyong mga mata’ (talatang 5), ay napatunayang totoo sa ganitong kalagayan lamang: Pagkatapos na sina Adan at Eba ay di sumunod sa Diyos, ang kanilang mga mata ay nabuksan upang pansinin ang kanilang kabaliwan; di nila alam ang masama, at nalasap nila ay mapait na bunga ng pagsalangsang.” –Doon din, p. 532. c. Bakit maraming tao ay nagkakamaling iniisip na ang patay ay may malay? Isaias 5:20, 21; 30:9,10. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang teorya ng di namamatay na kaluluwa ay isa sa mga maling doktrina na sa paghiram mula sa paganismo, ang Roma, ay inihalo papasok sa relihiyon ng Kristiyanismo. Yaon ay ibinilang ni Martin Luther sa ‘kapanipaniwalang katha-katha na bumuo sa bahagi ng tambakang dumi ng mga batas ng Roma.’ Sa pagkomento sa mga salita ni Solomon sa Ecclesiastes, na ang patay ay walang nalalamang anuman, sinabi ng repormador: ‘Panibagong katunayan na ang patay ay walang nadarama. Kaya iniisip ni Solomon, na ang patay ay parehong natutulog, at walang iniisip. Sila ay nakahiga, hindi nabibilang ang mga araw o mga taon, ngunit kapag nagising, iisipin sa kanilang sarili na nakatulog ng halos ay sandali lamang.’” –Doon din (1888), pp. 549, 550.
MARTES
Disyembre 1
3. ANG KAMATAYAN ANG NAGHARI HANGGANG KAY MOISES a. Anong nangyari kay Moises dahil sa kaniyang kasalanan sa mga tubig ng Meriba-Kadesh? Deuteronomio 32:50, 51; 34:5, 6. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Satanas ay nagpakasaya sa kaniyang tagumpay sa pagkabuyo kay Moises na magkasala laban sa Diyos, at sa gayon ay humantong sa ilalim ng kapangyarihan ng kamatayan. Ang dakilang kaaway ay naghayag na ang makalangit na pangungusap- ‘Ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi’ (Genesis 3:19)- ay nagbigay sa kaniya ng pagaangkin sa patay. Ang kapangyarihan ng libingan ay hindi pa nasira, at lahat ng nasa nitso ay inangkin niyang kaniyang bihag, na, hindi kailanman palalayain mula sa kaniyang madilim na kulungang tahanan.” –Patriachs and Prophets, p. 478. b. Gaano katagal ang kapangyarihan ng kamatayan pananatilihin sa libingan silang nangamatay mula kay Adan? Roma 5:14. Ano ang nangyari kay Moises pagkatapos ng kaniyang kamatayan? Jude 9. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Malinaw na itinuturo ng Biblia na ang patay ay hindi agarang pumupunta sa langit. Sila ay kumakatawan bilang natutulog hanggang sa pagkabuhay. Sa mismong araw kapag ang pilak na lubid ay niluwagan at ang ginintuang mangkok ay nabasag, ang isip ng tao ay mawawala. Silang bumababa sa libingan ay nasa katahimikan.” -The Faith I Live By, p.181. “Si Satanas ay mapait na nagreklamo laban sa Diyos, tinuligsa Siya bilang di makatarungan sa pagpahintulot sa kanyang huli [si Moises] na kuhanin mula sa kaniya; ngunit hindi sinaway ni Kristo ang Kaniyang kalaban, kahit na yaon ay sa kaniyang pagtukso na ang lingkod ng Diyos ay bumagsak.” –Early Writings, p. 164. “Ang pagsagawa [ng pagbuhay kay Moises] ay isang dakilang tagumpay sa ibabaw ng kapangyarihan ng kadiliman. Ang pagpapakitang ito ng kapangyarihan ay isang di mapapasinungalingang patotoo sa pangingibabaw ng Anak ng Diyos. Hindi inasahan ni Satanas na ang katawan ay ibabangon sa buhay pagkatapos mamatay. Kaniyang ipinagpalagay na ang pangungusap, ‘Ikaw ay alabok, at sa alabok ikaw ay babalik’ ay nagbigay sa kaniya ng di matutulang pagangkin sa mga katawan ng mga patay. Ngayon ay nakita niya na siya ay maaagawan ng kaniyang huli, na ang tao ay mabubuhay muli pagkatapos mamatay.” –Manuscript Releases, vol. 10, p. 160. “Sa kinahinatnan ng kasalanan si Moises ay napasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sa kaniyang sariling kagalingan siya ay makatarungang bilanggo ng kamatayan; subalit siya ay inangat tungo sa buhay na walang kamatayan, tangan ang kaniyang titulo sa pangalan ng Manunubos. Si Moises ay lumabas mula sa nitso na naluwalhati, at umakyat kasama ang kaniyang Tagapagligtas tungo sa Siyudad ng Diyos.” –Patriarchs and Prophets, p. 479.
MIYERKULES
Disyembre 2
4. MULING PAGKABUHAY AY IPINANGAKO a. Ano ang sinabi ng Biblia tungkol sa muling pagkabuhay ng patay, pareho ng matuwid at ng di matuwid? Juan 5:28, 29. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa kinahinatnan ng kasalanan ni Adan, ang kamatayan ay nasalin sa buong lahi ng tao. Lahat ay pare-parehong bumababa tungo sa libingan. At sa pamamagitan ng paghahanda ng plano ng kaligtasan, ang lahat ay kukuhanin palabas mula sa kanilang libingan. ‘magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap,’ ‘sapagka’t kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin’ (Mga Gawa 24:15; 1-Corinto 15:22). Subalit ang pagkakakilanlan ay ginawa sa pagitan ng dalawang uri na kukunin palabas. ‘Ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, at magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa na masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol’ (Juan 5:28, 29). Sila na ‘nabibilang na karapat dapat’ sa pagkabuhay muli ng buhay, ay mga ‘pinagpala at banal.’ ‘sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan’ (Apocalipsis 20:6). Ngunit silang hindi nakakuha ng patawad, sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya ay dapat tumanggap ng parusa ng pagsalangsang.” –The Great Controversy, p. 544. b. Kailan magaganap ang pangkalahatang pagkabuhay na muli ng mga matuwid? 1-Corinto 15:51, 52; 1-Tesalonica 4:16; Apocalipsis 20: 4, 5 (huling bahagi), 6. Kailan bubuhayin ang mga masasama? Apocalipsis 20:5 (unang bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa pagdating [ni Kristo] ang matuwid na namatay ay bubuhayin, at ang matuwid na nabubuhay ay babaguhin… “Ang tao sa kaniyang kasalukuyang kalagayan ay namamatay, nasisira; subalit ang kaharian ng Diyos ay hindi masisira, tumatagal sa walang hanggan. Kaya ang tao sa kaniyang kasalukuyang kalagayan ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ngunit pag dumating si Hesus, Kaniyang igagawad ang pagka-walang kamatayan sa Kaniyang bayan; at pagkatapos ay tatawagin sila upang manahin ang kaharian na kun saan hanggang ngayon mga tagapagmana lamang.” –Doon din, pp. 322, 323. “Pagkatapos si Hesus at lahat ng abay na mga banal na anghel, at lahat na tinubos na mga banal ay iniwan ang siyudad. Pinalibutan ng mga anghel ang kanilang Komander at sinamahan Siya sa Kaniyang landas, at ang tren ng tinubos na mga banal ay sumunod. Pagkatapos, sa nakasisindak, nakakatakot na kamahalan, si Hesus ay tinawagang lumabas ang mga masasamang patay, at sila ay nagsibangon na may dating mahina, masakiting mga katawan na pumunta sa libingan. Anong panoorin! Anong tagpo! Sa unang pagkabuhay lahat ay bumangon sa walang kamatayang kabataan; ngunit sa pangalawa ang marka ng sumpa ay kita sa lahat.” –Early Writings, p. 662.
HUWEBES
Disyembre 3
5. KAMATAYAN--ISANG PAGTULOG a. Noong matanggap ni Hesus ang balita na si Lazarus ay may sakit, naghintay Siya ng ilang sandali. Pagkatapos noon, ano ang Kaniyang sinabi sa mga taga sunod? Juan 11:11-14. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ipinakilala ni Kristo ang kamatayan bilang pagtulog sa Kaniyang naniniwalang mga anak. Ang kanilang buhay ay natatago kay Kristo sa Diyos, at hanggang sa huling trumpeta ay tutunog silang mamamatay ay matutulog sa Kaniya.” –The Desire of Ages, p. 527. b. Saan inihahambing ng mga kasulatan ang kalagayan nilang namatay sa Panginoon? Mga Gawa 7:59, 60; 1-Corinto 15:6, 16-18. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Silang bumababa sa libingan ay nasa katahimikan, wala na silang alam na anoman na ginawa sa ilalim ng araw. Job 14:21. Pinagpalang pahinga para sa napapagod na matuwid! Ang panahon, maging yaon ay mahaba o maikli, ay isang sandali para sa kanila. Sila ay natulog; sila ay nagising sa pamamagitan ng trumpeta ng Diyos tungo sa maluwalhating buhay na di mamamatay. ‘sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangangabuhay na maguli na walang kasiraan…. Datapwa’t pagka itong may kasiraan ay mabibihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan’ (1-Corinto 15:5254). Habang sila ay tinawagan mula sa kanilang malalim na pagkatulog nagsimula silang magisip mismo kun saan sila tumigil. Ang huling nadama ay ang sakit ng kamatayan; ang huling isipan, na sila ay bumabagsak sa ilalim ng kapangyarihan ng libingan. Kapag sila ay bumangon mula sa nitso, ang una nilang masayang isipan ay iaalingawngaw sa matagumpay na sigaw: ‘Saan naroon, O kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, O kamatayan, ang iyong tibo? (Talatang 55).” –The Great Controversy, p. 550. BIYERNES
Disyembre 4
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA TANONG a.) Ano ang unang kasinungalingan na sinabi kay Eba? b.) Ano ang kamatayan? c.) Sa anong kamalayan na ang pagkabuhay ni Moises ay naiiba sa pangkalahatang alituntunin? d.) Ipaliwanag ang mga pagkakaiba sa una at pangalawang pagkabuhay na muli. e.) Anong mga aral ang itinanghal sa pagbuhay kay Lazarus?
Leksyon 11
Sabbath, Disyembre 12, 2009
Mga Muling Pagkabuhay “Kung si Cristo nga’y ipinangangaral na siya’y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay? Datapwa’t kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo: At kung si Cristo’y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (1-Corinto 15:12-14). “Ang pag-asa ng mga nawalan ay sa pagtingin sa hinaharap sa maluwalhating araw kapag ang Tagapagbigay-buhay ay wawasakin ang tanikala ng puntod, at ang matuwid na namatay ay babangon at iiwanan ang kulungang tahanan upang madamitan ng maluwalhating di mamamatay na buhay.” -Testimonies, vol. 1, p. 40. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 644-662. LINGGO
Disyembre 6
1. MGA PAGKABUHAY NA MULI SA LUMANG TIPAN a. Pangalanan ang ilang kaso ng mga pagkabuhay sa Lumang Tipan na panahon. 1 Mga Hari 17:18-22; 2 Mga Hari 4:32-36; 13:21. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Kristo, ang dakilang Tagapagbigay-buhay, ibinalik ang anak [ng Sunamita] sa kaniya. Sa gayon ding paraan ay gagantimpalaan ang Kaniyang mga tapat, kapag, sa Kaniyang pagdating, nawala ang tibo ng kamatayan at ang libingan ay ninakawan ng tagumpay na kinuha niya. Sa gayon ay ibabalik Niya sa Kaniyang mga lingkod ang mga bata na kinuha sa kanila sa kamatayan.” –Prophets and Kings, p. 239. b. Ano ang sinasagisagan ng pagkabuay muli ni Moises para sa lahat na mananampalataya? Mateo 17:1-3. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Si Moises ay naroroon [sa pagbabagong-anyo ni Kristo] upang kumatawan sa kanila na bubuhayin mula sa patay sa ikalawang pagpapakita ni Hesus.” –Early Writings, p. 164.
LUNES
Disyembre 7
2. MGA MULING PAGKABUHAY SA BAGONG TIPAN a. Isalaysay ang ilang muling pagkabuhay sa Bagong Tipan. Lukas 7:11-15; 8:49-55; Mga Gawa 9:36-40; 20:9-12. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Siya na nagsauli sa balo ng Nain ang kaniyang nagiisang anak na lalake, at siya na sa Kaniyan paghihirap sa krus ay naalala ang Kaniyang sariling ina, ay naantig ngayon sa kalungkutan ng ina. Sa bawa’t dalamhati at bawa’t pangangailangan Siya ay magbibigay ginhawa at tulong.” –The Desire of Ages, p.512. “Nilapitan ni Hesus ang tabing higaan [ng anak na babae ni Jairus], at, habang dinadala ang kamay ng bata sa Kaniyang sarili, binigkas Niyang marahan, sa kilalang salita sa tahanan ng babae, ang mga salitang, ‘Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka’ (Marcos 5:41). “Bigla isang panginginig ay dumaang buo sa walang malay na anyo. Ang pulso ng buhay ay tumibok na muli. Ang mga labi ay bumukas na may ngiti. Ang mga mata ay bumukas ng malaki na parang galing sa pagtulong, at ang dalagita ay tumingin na may pagkamangha sa grupo sa kaniyang tabi. Siya ay bumangon, at ang kaniyang mga magulang ay niyapos siya sa kanilang mga kamay, at umiyak sa katuwan.” –Doon din, p. 343. “Nag-utos na ang mga umiiyak na mga kaibigan ay palabasin sa silid, [si Pedro] ay lumuhod at nanalangin ng taimtim sa Diyos upang ibalik si Dorcas sa buhay at kalusugan. Bumaling sa katawan, sinasabi niya, ‘Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya’ (Mga Gawa 9:40). Si Dorcas ay naging malaking tulong sa iglesia, at nakita ng Diyos na tamang ibalik siya mula sa lupain ng kaaway, upang ang kaniyan kaalaman at lakas ay maaari pang maging pagpapala sa iba, at gayon din na sa pamamagitan ng pagpapakitang ito ng Kaniyang kapangyarihan ang gawain ni Kristo ay maaaring mapalakas.” –The Acts of the Apostles, p. 132. b. Ang pagkabuhay ni Lazarus ay pinakadakilang himala na isinagawa ni Kristo sa panahon ng Kaniyang ministerio sa daigdig. Sabihin ang pagkakasunodsunod ng mga pangyayari sa karanasang ito. Juan 11:14,21,32-44. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Doon ay mayroong gumalaw sa tahimik na libingan, at siya na patay ay nakatayo sa pintuan ng puntod. Ang mga galaw niya ay napipigilan ng damitlibingan na siyang ibinalot sa kanya, at sinabi ni Kristo sa nangagulat na nanonood, ‘Pakawalan siya, at hayaan siyang humayo’ (Juan 11:44). Muli ay ipinakita sa kanila na ang taong manggagawa ay dapat makipagkaisa sa Diyos. Sangkatauhan ay dapat gumawa para sa sangkatauhan. Si Lazarus ay napalaya, at tumayo sa hanap ng kasamahan, hindi tulad sa isang namayat sa sakit, at may mahina, nanginginig na mga paa, ngunit tulad sa lalaki sa kalakasan ng buhay, at nasa kalusugan ng marangal na pagkatao. Ang kaniyang mga mata ay sumisinag na may katalinuhan at may pag-ibig para sa Tagapagligtas. At ipinukol ang sarili niya sa pagpupuri sa may paanan ni Hesus.” –The Desire of Ages, p. 536.
MARTES
Disyembre 8
3. ISANG KAHANGAHANGANG PANGAKO a. Anong pangako ang pag-aari nilang namatay sa Panginoon? Job 14:14; Isaias 26:19; 1 Corinto 15:20-23. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang mga Saduceo ay nasa pagtutol sa mga Pareseo tungkol sa pagkabuhay muli ng patay. Ang una ay nagaangkin na walang pagkabuhay ng katawan. Ngunit tinabihan sila ni Jesus na ang isa sa mga pinakadakilang gawain nang Kanyang Ama ay ang pagbabangon ng mga patay, at gayon kahit ang anak ng Diyos ay may kapangyarihan sa Kaniyang sarili na bumangon mula sa patay. ‘Huwag ninyong ipanggilalas ito,’ ang sabi Niya, ‘sapagka’t dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng Kaniyang tinig. At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol’ (Juan 5:28,29).” –The Spirit of Prophecy, vol.2, p. 167. b. Ano ang dakilang katibayan na mayroong pagkabuhay na maguli ng mga patay. Lukas 24:1-8; Juan 11:23-27. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “[Sa pagkabuhay muli ni Kristo] matatapang na mga kawal na di kailan man natakot sa kapangyarihan ng tao ay ngayo’y tulad sa mga bihag na dinalang walang tabak o sibat. Ang mukha na kanilang tinunghayan ay hindi mukha ng namamatay na mandirgma; yaon ay ang mukha ng makalangit na mensahero na isinugo upang paginhawahin ang Anak ng Diyos mula sa pagkakautang para kunsaan Siya ay naging may kapanagutan, at para sa kunsaan nagawa na Niya ngayon ang lubos na pagtubos. Ang makalangit na panauhin ay ang anghel na doon sa kapatagan ng Betlehem ay ipinahayag ang kapanganakan ni Kristo. Ang daigdig ay nangatal sa kaniyang paglapit, at habang pinapagulong niya palayo ang bato mula sa libingan ni Kristo, ang langit ay mukhang pababa sa daigdig. Ang mga kawal ay nakita siyang inaalis ang bato kung paano sa isang batong maliit, at nadinig siyang tumawag, Anak ng Diyos, ang iyong Ama ay nagsabi, Lumabas ka. Nakita nila si Hesus na lumabas mula sa libingan bilang isang malakas na mananakop, at nadinig Siyang nagpahayag, ‘Ako ang pagkabuhay, at ang buhay.’ Ang bantay na anghel ay mababang yumukod sa pagsamba sa harap ng Manunubos habang Siya ay lumalabas sa kamahalan at kaluwalhatian, at tinanggap Siya na may mga awit ng papuri.” –The Youth’s Instructor, May 2, 1901. “Kay Kristo ay buhay, orihinal, di hiniram, di ginaya. ‘Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay’ (1-Juan 5:12). Ang pagka-diyos ni Kristo ay ang kasiguruhan ng mananampalataya ng walang hanggang buhay. [Juan 11:26 sinipi.] Dito si Kristo ay tumitinging pasulong sa hinaharap sa panahon ng Kaniyang ikalawang pagdating. Sa gayon ang matuwid na namatay ay ibabangong di masisira, at ang nabubuhay na mga matuwid ay ililipat sa langit na di makikita ang kamatayan.” –The Desire of Ages, p. 530.
MIYERKULES
Disyembre 9
4. ANG BAHAGYANG PAGKABUHAY NA MULI a. Sangayon kay Daniel, ano ang magaganap sa panahon ng kabagabagan? Daniel 12:1, 2. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Doo’y nagkaroon ng malakas na lindol. Ang mga libingan ay nabubuksan, at silang namatay sa pananampalataya sa ilalim ng ika’tlong anghel na mensahe, na nangingilin ng Sabbath, ay lumabas mula sa kanilang maalikabok na higaan, naluwalhati, upang marinig ang tipan ng kapayapaan na noo’y gagawin ng Diyos doon sa mga nagingat ng Kaniyang kautusan.” –Early Writings, p.285. “ ‘Marami sa kanila na natutulog sa alikabok ng lupa… ay gumising, ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba ay sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak’ (Daniel 12:2). Lahat ng nangamatay sa pananampalataya ng ika’tlong anghel na pabalita ay lumabas mula sa libingan…. ‘Ng nangagsiulos sa Kaniya’ (Apocalipsis 1:7), silang nangutya at hinamak ang daing sa paghihingalo, at ang pinaka mabagsik na humahadlang sa katotohanan Niya at sa Kaniyang bayan, ay mga ibinangon upang matunghayan Siya sa Kaniyang kaluwalhatian at upang makita ang karangalan na inilagay sa tapat at masunurin.” –The Great Controversy, p. 637. b. Gaanong karaming uri ng mga tao ang maninirahan sa daigdig pagkatapos ng bahagyang pagkabuhay muli? Mateo 25:31-33. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kaagad ay narinig namin ang tinig ng Diyos tulad ng maraming mga tubig, na nagbigay sa amin ng araw at oras ng pagdating ni Hesus. Ang nabubuhay na mga banal, 144,000 sa bilang, nalalaman at nauunawaan ang tinig, samantalang ang mga masasama ay inakalang iyon ay kulog at isang lindol.” –Early Writings, p. 15. “Isang batas ang kumalat upang patayin ang mga banal, na siyang sanhi sa kanila na umiyak araw at gabi para sa pagliligtas. Ito ang panahon ng kabagabagan ni Jacob. Pagkatapos lahat ng mga banal ay sumigaw na may dalamhati ng espiritu, at nangaligtas ng tinig ng Diyos. Ang 144,000 ay nagbunyi. Ang kanilang mga mukha ay naliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos.” –Doon din, pp. 36, 37. “Sa pamamagitan ng siwang sa mga ulap may suminag na bituin na ang kinang ay lumakas ng apat na beses na pagkakaiba sa kadiliman. Yao’y nagsasalita ng pagasa at katuwaan sa mga tapat, ngunit kahigpitan at galit sa mga tagasuway ng utos ng Diyos.” –The Great Controversy, p. 638. “Sa usapin ng labanan ang lahat ng Sangkakristiyanuhan ay mahahati sa dalawang dakilang uri- silang nagiingat ng mga utos ng Diyos at pananampalataya kay Hesus, at silang sumamba sa hayop at kaniyang larawan at tumanggap ng kaniyang tanda.” –Doon din, p.450.
HUWEBES
Disyembre 10
5. ANG HULING MGA PAGKABUHAY NA MULI a. Kailan magaganap ang pangkalahatan, huling, pagkabuhay ng mga matuwid? 2 Timoteo 4:8; Apocalipsis 20:4-6. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang tagapagbigay-buhay ay tatawagin ang Kaniyang biniling pagaari sa unang pagkabuhay, at hanggang sa matagumpay na oras, kapag ang huling pakakak ay tutunog at ang malaking hukbo ay darating tungo sa walang hanggang tagumpay, bawa’t natutulog na banal ay maiingatan sa kaligtasan at mababantayan tulad sa mahalagang hiyas, na kilala sa Diyos sa pangalan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na naninirahan sa kanila samantalang nabubuhay at sapagkat sila ay mga kabahagi ng makalangit na likas, sila ay kinuha palabas mula sa patay.” – Selected Messages, bk.2, p. 271. b.) Kailan ibabangon mula sa libingan ang mga di matuwid? Apocalipsis 20:5, 7, 8, 12, 13. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Pagkatapos ng paghatol sa masasamang patay ay naganap, at sa dulo ng isang libong taon, iniwan ni Hesus ang siyudad, at sinundan Siya ng mga banal at tren ng hukbong mga anghel…. Kasunod, sa kahindik-hindik, nakakatakot na kamahalan, tinawag na lumabas ni Hesus ang mga masasamang patay; at sila ay lumitaw na may gayun ding mahihina, sakiting mga katawan na tumungo sa libingan. Anong panoorin! Anong tagpo! –Early Writings, pp. 291, 292.
BIYERNES
Disyembre 11
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA TANONG a.) Paano ang Lumang Tipang mga pagkabuhay na muli ay naghayag ng walang hanggang ebanghelyo. b.) Bakit pinayagan ni Hesus na mamatay si Lazarus? c.) Papaano nagkaiba ang mga Saduceo at ang mga Pariseo sa kanilang paniniwala tungkol sa pagkabuhay ng mga patay? d.) Saan naitala ang bahagyang pagkabuhay muli, at bakit iyon ay napakahalaga. e.) Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng una at pangalawang pagkabuhay muli.
Leksiyon 12
Sabbath, Disyembre 19, 2009
Kasalanan at Mga Makasalanan Ay Winasak “Sapagka’t narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa’t hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man” (Malakias 4:1). “Si Satanas, ang ugat ng bawa’t kasalanan, at lahat ng masasamang manggagawa, na kaniyang mga sanga, ay ganap puputulin. Ang kasalanan ay magagawang mawakasan, kasama ang lahat ng kasawian at kawasakan na naging bunga noon.” –Patriachs and Prophets, p. 341. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 663-673.
LINGGO
Disyembre 13
1. SA PAGDATING NI HESUS a. Bago ang pagdating ni Hesus, ano ang magiging kalagayan ng mga masasama? Malakias 3:14; 2 Timoteo 3:1-4; 1 Juan 5:19. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang mga siyudad sa paligid natin ay puno ng kasamaan, at pagkatapos na mabigay ang mensahe ng babala sa kanila ay wala ng mabibigay na mga salita ng kapayapaan.” –Manuscript Releases, vol. 3, p. 87. “Ang kalagayan ng sanlibutan, kasama niyaon ang mga karumaldumal at mga krimen, sa katuparan ng mga propesiya tungkol sa mga kasamaan na mangingibabaw sa panahon ng mga huling araw, ay sapat upang akayin ang mga tunay na Kristiyano na mamuhay ng buhay ng kapakumbabaan at pananalangin.” –Spalding and Megan Collection, p. 338. b. Ano ang mangyayari sa masasama na buhay sa panahon ng pagdating ni Hesus? 2 Tesalonica 1:7-9; 2:8. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa pagdating ni Kristo ang mga masama ay buburahin sa mukha ng buong daigdig-nilamon ng espiritu ng Kaniyang bibig at nawasak ng kaningningan ng Kaniyang kaluwalhatian.” –The Great Controversy, p. 657.
LUNES
Disyembre 14
2. SA KATAPUSAN NG MILLENNIUM a. Ano ang magaganap pagkatapos lumipas ng isang-libong-taon? Isaias 24:22; Apocalipsis 20:5 (unang bahagi). ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Bawat mata doon sa [nangabuhay] malawak na karamihan natuon upang masdan ang kaluwalhatian ng Anak ng Diyos. Na may isang tinig ang hukbo ng masasama ay nagbulalas: ‘Mapalad Siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Iyon ay hindi pag-ibig kay Hesus ang siyang pumukaw sa binigkas na ito. Ang bisa ng katotohanan ang naganyaya sa mga salita mula sa di gustong mga labi. Tulad ng pagpunta ng mga masama sa libingan, ay gayon sila ay nagsilabas na may gayon ding poot kay Kristo at parehong espiritu ng paghihimagsik. Sila ay di na magkakaroon ng bagong palugit upang lunasan ang kasiraan ng kanilang nagdaang mga buhay. Walang mapapakinabang sa pamamagitan nito. Ang habang buhay na pagsalangsang ay di nakapagpalambot sa kanilang mga puso. Ang pangalawang palugit, kung nabigay sa kanila, ay magagamit tulad kung paano sa una sa pag-iwas sa mga ipinapagawa ng Diyos at pagpukaw ng paghihimagsik laban sa Kaniya.” –The Great Controversy, p. 662. b. Papaano inilarawan ng Biblia ang mga nabuhay na karamihang masasama sa katapusan ng millenium? Apocalipsis 20:7, 8. Sino ang kasali sa malalawak na karamihang yaon? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Doon sa [nangabuhay muli] malawak na mga tao ay may mga karamihan noong mga matagal na nabuhay na lahi na namuhay bago ang Baha; mga lalaking may mataas na kaanyuan at higanteng pag-iisip, silang pumayag sa pamamahala ng nahulog na mga anghel, ay iniukol ang lahat ng kanilang kahusayan at kaalaman sa pagaangat ng kanilang mga sarili; mga tao na ang kanilang kahangahangang mga gawa ng sining ay naghatid sa sanlibutan na sambahin ang kanilang katalinuhan, ngunit ang kanilang kabagsikan at masasamang mga tuklas, ay nagparumi sa daigdig at sinira ang anyo ng imahen ng Diyos, ang nagbunsod sa Kaniya na burahin sila mula sa mukha ng Kanyang nilikha. Mayroon doong mga hari, mga heneral na sumakop sa mga bansa, mga magiting na lalaki na di kaylanman natalo sa labanan, mayayabang, mapagpitang mga mandirigma na ang pagdaluyong ay nagpayanig sa mga kaharian. Sa kamatayan ang mga ito ay walang naranasang pagbabago. Habang sila ay umaahon sa libingan, ay pinanauli nila ang daloy ng kaisipan mismo kung saan yaon ay huminto. Sila ay napakilos ng dating naisin na manakop na namahala sa kanila noong sila ay nahulog.” Doon din, pp. 663, 664.
MARTES
Disyembre 15
3. ANG PAGPUKSA SA KASALANAN a. Ano ang sinabi ni Hesus tungkol sa pag-ubos sa kasalanan? Mateo 15:13. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Bawa’t halaman na natanim ni Satanas- panibugho, galit, inggit, masamang sapantaha, masamang pananalita, pagkabalisa, pagkayamot, masamang palagay, karangyaan, kasakiman, at pagkamakasarili- ay dapat na bunuting may-ugat ng walang sagabal. Mayroong palagiang panganib sa kaluluwa na nagaaruga sa mga masasamang katangian na ito, dahil yao’y magbubunga ng pasanin ng masamang bunga, kunsaan ay marami ang madudungisan. Ang mga nakalalasong mga halamang ito ay nakakarumi sa kaluluwa at nasisiksik ang mahalagang bulaklak ng pag-ibig.” Manuscript Releases, vol. 13, p. 79. “Ang pagpuksa ng kasalanan ay makapagbibigay-matuwid sa pagibig ng Diyos at matatatag ang Kaniyang karangalan sa harapan ng isang sansinukob ng mga nilalang na nasisiyahang gawin ang Kaniyang naisin, at sa kaibuturan ng puso ay ang Kaniyang kautusan.” –The Desire of Ages, p.764. b. Pagkatapos ng ikalawang pagkabuhay, ano ang kawalang pagasa na gagawin ni Satanas habang dinadaya niya ang di mabilang na karamihan ng mga masasama? Apocalipsis 20:9 (unang bahagi). __________________________________________________________________ _ __________________________________________________________________ _ “Si Satanas ay naghahanda para sa huling malakas na pagsisikap para sa kataastaasang kapangyarihan. Samantalang inalisan ng kaniyang kapangyarihan at pinutol sa kaniyang gawain ng pandaraya, ang prinsipe ng kasamaan ay kahabaghabag at tinanggihan, subalit nang ang patay na masasama ay ibinangon at nakita niya ang malawak na karamihan sa kaniyang tabi, ang kaniyang mga pagasa ay sumigla, at siya ay nagpasiyang huwag isuko ang dakilang labanan. Kaniyang ihahanda ang lahat ng hukbo ng naligaw sa ilalim ng Kaniyang watawat at sa pamamagitan nila ay magpunyagi na isagawa ang kanyang mga balak. Ang mga masasama ay mga bihag ni Satanas. Sa pagtanggi kay Kristo ay tinanggap nila ang pangangasiwa ng pinunong manghihimagsik. Handa silang tumanggap ng kaniyang mga panukala at sundin ang kaniyang gusto. Gayon man, tapat sa kaniyang unang panunuso, hindi niya tanggap sa sarili ang maging Satanas. Inaangkin niya na siya’y ang prinsipe na matuwid na may-ari ng sanlibutan at kaniyang mana ay labag sa batas na inagaw mula sa kaniya. Ipinakilala ang kaniyang sarili sa mga dinayang sakop bilang tagapagligtas, sinisigurado sa kanila na ang kaniyang kapangyarihan ang naglabas sa kanila mula sa kanilang mga libingan at sila ay malapit ng iligtas niya mula sa pinaka mabagsik na paniniil. Noo’y inalis na ang presensya ni Kristo, si Satanas ay gumagawa ng mga kamanghaan upang katigan ang kaniyang mga inaangkin. Pinalalakas niya ang mahina at pinasisigla ang lahat ng kaniyang sariling espiritu at lakas. Kaniyang pinapanukala na pangunahan sila laban sa kampo ng banal at makuhang masakop ang Siyudad ng Diyos. May napakalupit na pagmamataas ay
tumuturo siya sa di mabilang na mga laksa na ibinangon mula sa mga patay at ipinahayag na bilang pinuno ay kayang kaya niyang itaob ang siyudad at matamong muli ang trono at kaniyang kaharian.” –The Great Controversy, p.663. MIYERKULES
Disyembre 16
4. “ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN” a. Ano pa ang magiging pagkaintindi ng mga masama hinggil sa misyon ni Kristo sa sanlibutan? 1-Juan 3:8 (huling bahagi); Lukas 13:35. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kapag ang Hukom ng buong sanlibutan ay magreklamo, Bakit ninyo ginawa ang mga ito? Anong katwiran ang mailalagay niya, anong pinagmulan ang ikakatwiran? Tandaan na bawa’t dila ay tahimik, bawa’t bibig na laging handang magsalita ng masama, napakahandang magsakdal, napaka handang bumigkas ng mga salita ng pagpaparatang at pandaraya ay nangatigil, at ang buong mundong paghihimagsik ay nakatayong walang masabi sa harap ng Diyos.” –The SDA Bible Commentary [E.G. White Comments], vol. 4, p. 1163. “Kasama ng lahat ng katibayan ng dakilang tunggalian sa tanawin, ang buong sansinukob, pareho ng tapat at manghihimagsik, ay may pagkakaisang nagpahayag: ‘Matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa’ (Apocalipsis 15:3).” –The Great Controversy, p. 671. b. Ano ang mangyayari sa mga masama, ang masamang mga anghel, at kay Satanas? Mga Awit 11:6; Judas 6, 7; Apocalipsis 20:9 (huling bahagi), 14, 15. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Apoy ay bumaba mula sa Diyos galing sa langit, ang lupa ay nawasak. Ang mga sandata na nakatago sa kaniyang kalaliman ay lumitaw. Lumalamong apoy ay sumambulat sa bawa’t nakabukang kalaliman. Ang mismong mga bato ay nagaapoy. Ang araw ay dumating na susunog tulad sa pugon. Mga elemento ay natunaw ng matinding init, gayon din ang daigdig, at ang mga gawang naroon ay nasunog na lubos (Malakias 4:1; 2-Pedro 3:10). Ang ibabaw ng daigdig ay parang tinunaw na kumpol isang malawak na kumukulong dagat-dagatang apoy. Yaon ay panahon ng paghatol at pagkapahamak ng napakasamang mga tao- ‘Sapagka’t kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion’ (Isaias 34:8). “Ang mga masasama ay tumanggap ng kabayaran sa daigdig (Kawikaan 11:31). Sila ay ‘magiging parang dayami, at ang mga araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo’ (Malakias 4:1). Ang iba ay nalipol tulad sa isang saglit, samantalang ang iba ay nagdusa ng maraming mga araw. Lahat ay naparusahan ‘ayon sa kanilang gawa’ (Mga Awit 28:4). Ang mga kasalanan ng mga matuwid na inilipat kay Satanas, ay dahilan upang magdusa siya hindi lamang para sa kaniyang sariling paghihimagsik, kundi para sa lahat ng mga kasalanan na siya ang sanhi na ang bayan ng Diyos ay magkamali. Ang kaniyang parusa ay malayong mas higit kaysa doon sa mga nadaya niya. Pagkatapos na ang lahat ay puksa na nahulog sa kaniyang panlilinlang siya ay mananatiling buhay at patuloy na magdurusa. Sa
lumilinis na apoy ang mga masasama sa wakas ay nalipol, ugat at sanga- si Satanas ang ugat, ang kaniyang mga tagasunod ang mga sanga.” –Doon din, pp. 672, 673.
HUWEBES
Disyembre 17
5. ANG DAIGDIG AY NAPALAYA MULA SA KASALANAN a. Anong kalagayan ang iiral pagkatapos na ang kasalanan at mga makasalanan ay malipol? Mga Awit 104:35; Isaias 14:7; 35:10; Zecaria 1:11. __________________________________________________________________ _ ___________________________________________________________________ “Ang gawain ni Satanas ng pangwawasak ay natapos magpakailanman…. Ngayon ang mga nilikha ng Diyos ay walang hanggang naligtas mula sa kaniyang harap at mga panunukso.” –The Great Controversy, p. 673. “Si Kristo…. Nakita ang kaligayahan nilang sa pamamagitan ng Kaniyang pagpapakumbaba ay dapat tumanggap ng patawad at walang hanggang buhay. Siya ay nasugatan para sa kanilang mga pagsalangsang, nagalusan para sa kanilang katampalasanan. Ang pamamalo ng kanilang kapayapaan ay sumakaniya, at sa Kaniyang kahirapan sila ay nagsigaling.” –The Ministry of Healing, p. 504. b. Papaano magpapahiwatig ng kanilang pagpapasalamat ang mga naligtas sa Panginoon para sa pagsasauli ng Kaniyang orihinal na panukala? Apocalipsis 5:13; 19:1, 6, 7. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kapag ang mga naligtas ay tumayo sa harapan ng Diyos, makikita nila kung gaano kaigsing pananaw ang kanilang mga palagay sa kung ano ang itinala ng langit bilang tagumpay. Habang binabalikan nila ang kanilang mga pagsusumakit upang magtamo ng tagumpay makikita nila kun paano kahangal ang kanilang mga panukala, paano kakitid ng isip sa ipinalagay na mga pagsubok, gaano wala sa katwiran ang kanilang pag aalinlangan. Makikita nila gaano kadalas na nagdadala sila ng kabiguan sa kanilang gawain sa hindi pagkuha sa Diyos sa Kaniyang salita. At isang katotohanan ang mangingibabaw sa maliwanag na linya: na ang katayuan ay hindi naghahanda sa tao para sa pagpasok sa makalangit na korte. Makikita rin nila, na ang karangalang nabigay sa tao ay angkop sa Diyos lamang, na sa Kaniya ang pagmamayari ng lahat ng kaluwalhatian. Mula sa mga labi ng mang-aawit na mga anghel at ng mga naligtas na karamihan ay dadagundong ang koro: [Apocalipsis 15:3, 4 sinipi].” – Testimonies, vol. 7, p. 28. BIYERNES
Disyembre 18
PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA TANONG a.) Papaano tinitiyak ng leksiyong ito ang lumang kasabihan, “Crime does not pay”? b.) Ano ang nagbunyag ng katunayan na ang ugali ng tao ay di nababago pagkatapos ng kamatayan?
c.) Anong panlilinlang ang isinulsol ni Satanas sa nabuhay na masasama upang lumaban? d.) Sa anong kahulugan kaya ang mga naligtas ay lalong humanga sa kaluwalhatian ng Diyos? e.) Ilarawan ang lubos na kaligayahan na mararanasan sa buong sansinukob.
Leksiyon 13
Sabbath, Disyembre 26, 2009
Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa “Ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan” (Isaias 32:18). “Ang kaharian at ang nasasakupan, at ang kadakilaan ng kaharian sa ilalim ng buong kalangitan, ay sumunod na ipinagkaloob sa mga banal ng Kataastaasan, na mga magmamayari niyaon magpasawalang hanggan, kahit magpakailan at kailanman.” –Early Writings, p. 295. Iminumungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 674-678. LINGGO
Disyembre 20
1. MGA TAGAPAGMANA NG KAHARIAN a. Anong pangako ang matutupad pagkatapos na ang kasalanan at mga makasalanan ay maburang lahat? Isaias 65:17; Daniel 7:18, 27. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang buong sansinukob ng Diyos ay nalinis, at ang malaking tunggalian ay natapos magpasawalang hanggan. Kahit saan kami tumingin, lahat ng matuonan ng mata ay maganda at banal. At lahat ng tinubos na karamihan, matanda at bata, malaki at maliit, ibinaba ang kanilang makikinang na mga korona sa may paanan ng kanilang Manunubos, at pinatirapa ang kanilang mga sarili sa pagsamba sa harapan Niya, at sinamba Siya na nabubuhay magpakailan at kailanman. Ang magandang bagong lupa, kasama ang lahat nitong kaluwalhatian, ay naging walang hanggang mana ng mga banal.” –Early Writings, p. 295. b. Ano ang nagbigay sa atin ng karapatan na maging mga tagapagmana ng kaharian ng kaluwalhatian? Juan 1:12; Galacia 4:4-7. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sa makalangit na korte ay di magkakaroon ng awit na inawit, sa akin na nagmahal sa akin, hinugansan ang aking sarili, tinubos ang aking sarili, mapapasa akin ang kaluwalhatian ang karangalan, pagpapala at papuri…. Ang buong ebanghelyo ay binubuo sa pagkatuto kay Kristo, Kaniyang kaamuan at kababaan. “Ano ang pag aaring ganap sa pananampalataya? Yaon ay gawa ng Diyos sa pagbaba ng luwalhati ng tao sa alabok, at gumanap para sa tao noong wala sa
kaniyang kapangyarihang maganap sa kanyang sarili.” –Testimonies to Ministers, p. 456.
LUNES
Disyembre 21
2. ISANG GANAP NA KAPAYAPAAN a. Anong kalagayan ang iiral sa mga hayop sa bagong lupa? Isaias 11: 6, 7, 9. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “[Sa Bagong Herusalem] ang tao ay mababalik sa kaniyang nawalang pagkahari, at ang mababang ayos ng mga nilalang ay muling masusumpungan ang kanyang paggalaw; ang mabangis ay magiging maamo, at ang mahiyain ay mapagtiwala. b. Anong uri ng mga tirahang lugar ang ikalulugod ng mga banal sa daigdig na ginawang bago? Isaias 32:18; Kawikaan 1:33. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Kung masasalubong natin si Hesus sa kapayapaan at maligtas, ligtas magpakailanman, tayo ang magiging pinaka masaya sa mga nilalang! Oh, ang mapasa tahanan sa wakas kun saan ang masasama ay tumigil sa panggugulo at ang napapagod ay napahinga! Langit, matamis na langit! Oh; aking pahahalagahan ang langit! Alam ko na dapat akong magbantay at panatilihin ang kasuotang walang dungis mula sa sanlibutan o hindi ako kailanman makapasok sa tirahan ng mga pinagpala.” – Manuscript Releases, vol. 21, p. 343. “[Sa “lupain” ng mga ligtas] ay mayroong laging-umaagos na mga daluyan, malinaw tulad ng kristal, at sa tabi nila ay mga kumakaway na mga puno na nagpupukol ng kanilang mga anino sa mga landas na inihanda para sa mga tinubos ng Panginoon. Doon ang malawak na saklaw na kapatagan ay namukol na munting bundok ng kagandahan, at ang mga bundok ng Diyos ay nililikuran ang kanilang rurok na matatayog. Sa mapayapang mga kapatagang yaon, sa tabi ng nabubuhay na daluyan, ang bayan ng Diyos, manlalakbay na matagal, at gumagala, ay makakatagpo ng tahanan.” –The Great Controversy, p. 675. “Kung ano tayo sa makalangit na tahanan, kapag naligtas, walang hanggang ligtas, ay panganganinag ng kung ano tayo ngayon sa ugali at banal na paglilingkod. Hindi ba natin ipapakita ang katapatan sa pagiingat ng mga kautusan ng Diyos dito, sa lugar na ating pagsubok?” –In Heavenly Places. P.298. “Ating isaalang-alang ng pinaka masikap ang pinagpalang kabilang buhay. Hayaang ang ating pananampalataya ay lumagos sa bawat ulap ng kadiliman at masdan Siya na namatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Nabuksan Niya ang pintuan ng paraiso sa lahat ng tumanggap at naniwala sa Kaniya. Sa kanila ay ibinibigay Niya ang kapangyarihan na maging mga anak na lalake at babae ng Diyos. Hayaang ang mga dalamhati na nagpasakit sa atin ng matindi ay maging nagtuturong
mga aral, tinuturuan tayo na magpatuloy pasulong tungo sa tanda ng gantimpala ng ating mataas na pagkatawag kay Kristo.” –Testomonies, vol. 9, pp. 286, 287.
MARTES
Disyembre 22
3. WALANG KARAMDAMAN, O PAGHIHIRAP, O KAMATAYAN MAN a. Anong mga kasamaan ang hindi na iiral sa daigdig na ginawang bago? Apocalipsis 21:4; Isaias 33:24; 60:18. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang sakit ay hindi maaaring umiral sa kapaligiran ng langit. Doo’y wala ng pagluha, wala ng tren ng paglilibing, wala ng palatandaan ng pagdadalamhati.” –The Great Controversy, p. 676. “Ang daigdig na ito ay ang lugar ng paghahanda para sa langit. Ang panahong ginugol dito ay taglamig ng Kristiano. Ang malamig na hangin ng kahirapan ay humihip sa atin dito, at ang mga alon ng kaguluhan ay gumugulong laban sa atin. Ngunit sa malapit na hinaharap, kapag dumating si Kristo, kalungkutan, pagbubuntong hininga ay matatapos magpakailanman. Kasunod ay ang tag-init ng Kristiano. Lahat ng pagsubok ay matatapos, at wala ng magiging karamdaman o kamatayan.” –The SDA Bible Commentary [E.G. White Comments]. Vol. 7, p. 988. b. Ano ang maaala-ala ng mga naligtas sa mga pagdurusa na naging kanilang kapalaran sa daigdig na ito? Isaias 65:17-19. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Sinikap naming alalahanin ang mga pinaka malaking pagsubok, ngunit silay nagmukhang napakaliit sa paghambing sa mas higit na malayo at walang hanggang timbang ng kaluwalhatian na pumapaligid sa amin na di namin mabigkas ang mga yaon, at lahat kami’y napasigaw, ‘Alleluya, ang langit ay mababang sapat!’ at hinawakan namin ang aming marilag na mga alpa at ginawa ang arko ng langit na tumaginting.” –Early Writings, p. 17. c. Ilarawan ang buhay sa daigdig na binago. Isaias 51:3; 65:21-25. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “[Sa Bagong Herusalem] tayo ay makakakilala kung paano tayo rin ay kilala. Doon ang mga pag-ibig at pagdamay na itinanim ng Diyos sa kaluluwa ay makatagpo ng pinaka tunay at pinaka matamis na kaganapan. Ang dalisay na pakikipagusap sa mga banal na nilalang, ang nagkakasundong panlipunang buhay kapiling ng mga pinagpalang mga anghel at ng mga tapat ng buong kapanahunan, ang banal na pagsasama na nagbibigkis ng sama-sama ‘ng buong pamilya sa langit at lupa’ (Efeso 3:15)- ang lahat ay mga kasama sa mga karanasan sa kabilang-buhay.
“Magkakaroon ng tugtugin doon, at awit, yaong tugtog at awit na, pinangalagaan sa pananaw ng Diyos, walang tainga ng tao ang nakarinig o isip na nakapag larawan.” –Education, pp. 306, 307.
MIYERKULES
Disyembre 23
4. TUNAY AT TAPAT NA MGA SALITA a. Anong panawagan ang ibinigay sa atin tungkol sa kawalan ng pagbabago ng mga salita ng Diyos? Apocalipsis 21:5 (huling bahagi); 22:18, 19. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Silang, sa pamamagitan ng makataong pagbabalangkas, ay gagawin ang Kasulatan na bumigkas na iyon kailanman ay hindi inilagay doon ni Kristo, na pinahihina ang puwersa nito, ginagawa ang tinig ng Diyos sa tagubilin at mga babala na magpatotoo sa kamalian, na iwasan ang kagipitan na bunga ng pagsunod sa mga alituntunin ng Diyos, naging mga tandang-karatula, na tumuturo sa maling dako, tungo sa maling mga landas, na nahantong sa pagsalangsang at kamatayan.” – Fundamentals of Christian Education, p. 387. “Marami ay gagawin ang mga salita ng Apocalipsis na espirituwalismong kababalaghan, ninanakawan ang mga yaon ng taimtim na kahulugan. Ipinahayag ng Diyos na ang kaniyang mga kahatulan ay babagsak na may dagdag na kasindakan sa sinomang magsusubok na baguhin ang taimtim na mga salita na nakasulat sa aklta na ito- ang Apocalipsis ni Hesu-Kristo.” –The Review and Herald, August 2, 1906. “Sa Kaniyang Salita, ipinaubaya ng Diyos sa tao ang kinakailangang kaalaman para sa kaligtasan. Ang Banal na Kasulatan ay para tanggapin bilang makapangyarihan, hindi nagkakamaling paghahayag ng Kaniyang kagustuhan. Yao’y ang mga tuntunin ng paguugali, ang tagapaghayag ng mga doktrina, at ang pagsubok ng karanasan.” –Ye Shall Receive Power, p. 122. b. Anong babala ang ibinigay sa mga bata at talubata , na nagnanais na manahin ang bagong lupa? Efeso 6:1-3; Colosas 3:20. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Mga bata na di ginagalang at di sinusunod ang kanilang mga magulang, at binabaliwala ang kanilang payo at alituntunin ay hindi magkakaroon ng bahagi sa daigdig na ginawang bago. Ang nadalisay na bagong lupa ay hindi magiging isang lugar para sa mapaghimagsik, sa di-masunurin, sa di-mapagpasalamat, na anak na lalake o babae. Hangga’t di nila matutunan ang magmasunurin at pagpapasakop dito, ay di na nila matututunan iyon kailanman; ang kapayapaan ng tinubos ay hindi mababahiran ng di masunurin, matigas ang ulo, di mapagpasakop na mga bata. Walang tagalabag ng kautusan ang makapagmamana ng kaharian ng langit.” – Testimonies, vol. 1, pp. 497, 498. “Mga bata, nais ba ninyo ng walang hanggng buhay? Kung gayon pagpitagan at igalang ang inyong mga magulang. Huwag sugatan at palumbayin ang kanilang
mga puso at maging sanhi sa kanila na tumustos ng walang tulog na mga gabi sa pag aalala at siphayo sa inyong kaso. Kung ikaw ay nagkasala sa hindi pagsasagawa ng pag-ibig at pagsunod sa kanila, magsimula ngayon na bawiin ang nakalipas.” –The Youth’s Instructor, June 22, 1893.
HUWEBES
Disyembre 24
5. HALOS NAKAUWI NA a. Ano ang dapat na ating ugaliin na isinasaalang alang ang kalapitan ng ating walang hanggang pagkatubos? Santiago 4:8-11; Tito 2:11-13. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Ang Panginoon ay madali nang darating, at dapat tayong maging handa na salubungin Siya sa kapayapaan. Tayo ay maging determinado na gawin ang lahat sa ating kapangyarihan upang ibahagi ang liwanag doon sa mga nakapaligid sa atin. Hindi tayo dapat maging malungkot, kundi ay masayahin, at ating panatilihin ang Panginoong Hesus sa harapan natin palagi. Siya ay madaling dumarating, at tayo ay dapat na maging handa at naghihintay sa Kaniyang pagpapakita. Oh, anong luwalhati niyaon na makita Siya at masayang masalubong bilang Kaniyang mga tinubos! Matagal na tayong naghintay, subali’t ang ating pagasa ay hindi magiging kulimlim. Kung atin ngang makikita ang Hari sa Kaniyang kagandahan tayo ay pagpapalain sa walang hanggan.” –Testimonies, vol. 8, p. 253. “Ang pinaka malapit na kaugnayan ay umiiral sa pagitan ng Diyos at Kaniyang bayan…. Ang mga lingkod ng Diyos ay magiging masikap, nagsisisi, mapagkakatiwalaan, mapagpasalamat. Ang kanilang buhay ay dapat na buhay na sulat nalalaman at nababasa ng lahat ng tao. Dapat silang patuloy na tumitingin para sa pinagpalang pag-asa, at sa maluwalhating pagpapakita ng dakilang Diyos at ating Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.” –The Sign of the Times, January 27, 1890. b. Anong kaginhawahan ang ating makikita sa salita ng Diyos habang tayo ay papalapit sa katuparan ng ating pagasa? Santiago 5:7, 8; Hebreo 10:36-39. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ “Doo’y wala nang kalungkutan sa siyudad ng Diyos. Walang panaghoy ng kalungkutan, walang panambitan ng nadurog na mga pagasa at nabaon na pag-ibig, ay di na muling madidinig kailanman. Sa madali ang kasuotan ng kabigatan ay mapapalitan para sa suot pang kasal. Sa madali ay masasaksihan natin ang koronasyon ng ating Hari. Silang ang buhay ay natatago kay Kristo, silang sa mundong ito ay lumaban ng mabuting pakipaglaban ng pananampalataya, ay magliliwanag ng may kaluwalhatian ng Manunubos sa kaharian ng Diyos.” – Testimonies, vol. 9, p. 289. BIYERNES PANSARILING PAGBABALIK-ARAL NA MGA TANONG a.) Ano ang gantimpala ng mga tapat? b.) Ilarawan ang tahanan ng mga ligtas.
Disyembre 25
c.) Ano ang mangyayari sa maraming pagsubok na mayroon tayo ngayon? d.) Ano ang dapat isipin ng ating kabataan kung nais nila ng walang hanggang buhay at kaligayahan? e.) Ano ang iyong gagawin ngayon sa iniaalok na kaligtasan?
--------- END….