Ayon sa mga estudyante ng Rizal Science Highschool (2009), maraming mga estudyante ang sasabi na lubos na nakakaapekto sa kanilang pagaaral ay computer at iba pang mga gadgets. Isa ito sa dahilan kung bakit sila ay hindi na nakakapagaral sa kanilang tahanan. Bumababa ang kanilang grado dahil sa pagpupuyat gamit ang kanilang mga gadgets. Ang isa pa sa nakakaapekto sa kanila ay barkada. May iba’t ibang klase ng barkada, mayroong barkada na aayain ka sa mabubuting gawain at mayroon namang barakada na aayain kang magbisyo at lumiban sa klase. Katulad ng paninigarlyo, pag cutting classes at pag gawa ng mga bagay na hindi naman dapat. Ito’y dahilan din ng pagbaba ng mga grado, pagkawala ng interes sap ag-aaral at ang pinaka Malala na dulot ito ay ang pagkasira ng kanilang buhay. Mayroon din namang nagsabi na isa rin sa nakakaapekto sa kanila ay ang kapaligiran ng eskwelahan o klasrum ay isang bagay na nakakaapekto sa pokus ng isang magaaral. Kpag madumi at maingay ang isang klasrum ay hindi sila makapag pokus at makapag aral ng maayos. Isa rin sa dahilan ng pagkawala ng pokus nila sa klase ay kagamitan sa eskwelahan o klasrum. Hindi sila makapagaral ng maayos sapagkat sira sira ang mga upuan at kulang kulang ang mga kagamitan tulad ng libro. Ang pinaka nakakaapekto sa mga magaaral ay ang pamilya. Kapag magulo ang kanilang pamilya at nag-aaway ang kanilang mga magulang ay nagugulo ang kanilang isipan at mawawala na sa pokus ang kanilang isip. Minsan ay naiisip na nilang tumigil sa pagaaral. http://rizalsciencehssectionc.blogspot.com/2009/10/mga-bagay-na-nakakaapekto-sa-pagaaral.html Ayon sa libro ni Stephans, nawawalan ng pokus ang mga esudyante dahil sa stress. Ang pangunahing dahilan ng istress ay sobrang trabaho sap ag-aaral, presyur, isyu sa lipunan at time management. Ang resulta ng istress ay hindi lamang sa akademiko ng isang estudyante kung hindi sa kalusugan rin ng mga estudyante. (Stepans, J., 2005) http://www.academia.edu/19596980/Isang_pagaaral_ukol_sa_iba_t_ibang_salik_na_nakakaapekto_sa_ akademik_performans_ng_mga_iskolar_sa_Assumption_College_Makati_School_Year_2013_2014 Sa pag-aaral ni Hunter, ang sosyo-ekonomik at indibidwal na personalidad ang ilan lamang sa mga nakakaapekto sa akademik performans ng mga estudyante. (Hunter, R.C.A., 2000)