Rebisyon Ng Konstitusyon Tungo Sa Pagbabago.docx

  • Uploaded by: Riza Fetalvero
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Rebisyon Ng Konstitusyon Tungo Sa Pagbabago.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 583
  • Pages: 3
Rebisyon ng Konstitusyon tungo sa Pagbabago? Mainit na isyu sa ating lipunan ngayon ang tungkol sa charter change. Ano nga ba ang charter-change? Tinatawag din itong constitutional reform. Ito ay pumapatatungkol sa pag-amyenda o rebisyon sa konstiyusyon 1987. Noong ika-7 ng Disyembre 2016 pinirmahan ni Pang. Rodrigo Duterte ang Exec. No. 10 na bumuo ng consultative committee para sa pagrebyu ng konstisyon 1987. Ang pagrerebyung ito ang pinagbatayan ng isinusulong na CHA-CHA sa kasalukuyan ng administrasyong Duterte. Kung babalikan natin ang kasaysayan ng mga naging pangulo ng Pilipinas, marami na ang nagtangka ng CHA-CHA katulad nina, Pang. Ramos, Pang. Estrada at si Pang. Arroyo na may pinakamaraming pagtatangka. Ngunit ang lahat ng ito ay nabigo bunga ng mga pagpuna at pagsalungat ng masa. Ang kasalukuyang administrasyon ay naghahain ng CHA-CHA sa paniniwalang ito ang sagot sa pagbabago at pagsasaayos ng bansang Pilipinas. Ngunit sagot ba kung maituturing kung mas prayoridad ng pagbabago o ng rebisyon ng ating konstitusyon ang mga dayuhan? Pagbabago bang maituturing ang pagtatanggal sa paghihigpit sa mga dayuhan na magmay-ari ng lupa at mga negosyo sa ating bansa? Pagbabago ba kung maituturing natin ang pagtatanggal ng haba ng panunugkulan ng mga nakaupong politiko? Pagbabago ba ito kung maituturing o pang-aabuso sa kapangyarihan at dahilan pa ng malawakang pagbuo ng mga dinastiya sa gobyerno na hindi maglalaon, baka isang araw ang Pilipinas ay nasa kamay na lamang ng mga naghaharing pamilya sa ating gobyerno. Kaugnay ng pagtatanggal ng panahon ng panunugkulan ang mga incumbent politicians ay mananatili sa pwesto sa panahon ng transisiyon ng implementasyon ng federalismo sa ating bansa. Ang ganitong pangyayari ay maaaring maging dahilan ng kanselasyon ng eleksyon sa taong 2019. Dagdag pa rito saklaw ng CHA-CHA ng administrasyong Duterte ang pagbibigay ng oversight power sa pangulo. Sa ganitong kaso, hawak ng pangulo ang lahat ng sangay ng gobyerno, ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. May kapangyarihan itong makialam sa lahat ng transaksyon sa ating gobyerno. At sa mas pinalalim pang pagtanaw ang CHA-CHA ng kasalukuyang administrasyon ay lunan din ng pagbabago ng porma ng ating pamahalaan, mula demokratiko patungong federalismo na ayon sa ating pangulo ay tanging paraan para sa pantay na distribusyon ng likas na yaman at kapangyarihan sa buong bansa. Gayundin ito raw tanging ang sagot sa kahirapan,

pyudalismo at di- pagkakapantay-pantay. Ngunit kung ating susuriin, ang kasalukuyang konstitusyong umiiral ay may mga nakalatag na solusyon para dito.

Isa pa, sa

inaprubahang Philippine Development Plan ng kasalukuyang administrasyon na “Ambisyon natin 2040” noong Oktubre 2016, saklaw ang panahon ng panunugkulan ni Pang. Duterte hanggang sa taong 2040 ay hindi nabanggit ang tungkol sa federalismo at charter change bilang tulay sa pagkamit ng pag-unlad ng bansa. Samakatuwid, hindi ito usapin ng kahalagahan ng pagkakaroon ng permamenteng gobyerno bagkus, usapin ito ng kakayahan ng burukrasya ng bansa na pangalagaan at panatilihin ang pagiging estabilisado nito. Sa madaling salita ang pagpapalit ng porma ng gobyerno ay hindi nakatitiyak ng positibong pagbabago sa sistemang pampulitika sa ating bansa. Bilang pangwakas pagnilayan at paglimihan natin ang tanong na ito, kung CHA-CHA ang sagot, ano ang tanong?

MGA SANGGUNIAN: Quintos, P. (2018). ‘Is charter change really necessary?. Hinalaw mula sa http://news.abs-cbn.com/focus/01/08/18/is-charter-change-really-necessary Cupin, B. (2018). Charter Change timetable: Plebiscite in 2018 or May 2019, says Pimentel. Hinalaw mula sa https://www.rappler.com/nation/195075-charter-changefederalism-plebiscite-timetable-pimentel Arcangel, X. (2018). Davide opposes charter change, warns federalism would be a 'leap to hell'. Hinalaw mula http://cnnphilippines.com/news/2018/01/17/former-chief-justiceDavide-charter-change-federalism.html Tiquia, Ma. L. (2018). Why shift to federalism?. Hinalaw mula sa http://www.manilatimes.net/why-shift-to-federalism/374570/ Phillipine Daily Inquirer (2018). Charter change proposal: Ban ‘butterflies,’ dynasties. Hinalaw mula sa http://newsinfo.inquirer.net/976120/charter-change-proposal-banbutterflies-dynasties

Related Documents


More Documents from ""