PTA MEETING 2018 VRSHS
Isang Mapagpalang Hapon po sa ating lahat! Ikinagagalak po namin,ng Vedasto R. Santiago High School, ang pagtitipon sa hapon na ito sapagkat ito ay tanda na naman ng pagkakaisa ng mga guro at ng mga magulang sa iisang layunin… layuning makapagbigay ng lathala patungkol sa ating mga mag-aaral. Dito natin matutunghayan ang bunga ng hirap at tyaga ng mga mag- aaral, gayundin ng mga magulang at maging ng kani- kanilang mga guro. Ngunit bago po natin simulan ang palatuntunan sa hapong ito, inaanyayahan po muna namin ang lahat na tumayo para sa pag- awit ng ating pambansang awit na kukumpasan ni Gng.Shiela Marie T. Gonzales, guro sa Araling Panlipunan, kasama ang mga piling magaaral ng AP Club.
Manatilidin po tayong nakatayo para sa doxology na inihanda ng mga piling mag-aaral mula sa AP Club na sasamahan naman ng pambungad na panalangin na pangungunahan ni Gng. Desiree Almenanza, guro sa ESP.
Maari na pong magsiupo. Para pormal na simulan ang ating programa, inaanyayahan po si Gng. Daria D. Cardona, Head Teacher ng Filipino Department na kakatawan sa ating butihing Punong Guro Leonora Manalastas para sa kanyang pambungad na pananalita. Salubungin po natin siya nang masigabong palakpakan.
Maraming salamat po Gng. Daria sa inyong makabuluhang mensahe. At upang magbahagi ng kaniyang angking talento, inaanyahan ko po ang aking co-teacher na si G. Kenneth S. Cruz, guro sa Filipino, sa kanyang pampasiglang bilang.
Maraming salamat sa sobrang husay na si Sir Kenneth. At upang magbahagi ng kanyang mensahe, tinatawagan po ang ating responsableng PTA President, G. Bernardo F. Mananquil
Maraming Salamat po G. Mananquil. Ngayon po, atin naman pong pakinggan ang isang mensaheng magmumula sa ating Engr. Rodolfo R. Santiago, ang Daddy Pogi ng Vedasto R. Santiago High School.
Lubos po ang pasasalamat ng ating eskwelahan kay Engr. Santiago, palakpakan po natin siya muli sa walang sawang suporta sa ating
paaralan. Ngayon, upang maibsan ang ating antok sa hapong ito, saksihan po natin ang isang pang pampasiglang bilang na magmumula kay Gng. Anna Mae J. Guttierez, Administrative Aide ng VRSHS.
Marami pong salamat, Gng. Guttierez. Ngayon, para naman po sa isang Mensaheng Inspirasyunal na magmumula sa ating Kagalang galang na Mayor Marivee Mendez-Coronel, tinatawagan po si Bb. Anna Francesca M. Coronel, ang butihing anak ng ating Mayor Ivee. (palakapakan po natin)
Salamat po Bb. Coronel, walang sawa po ang pasasalamat ng aming paaralan sa pagtugon ninyo sa aming paanyaya. Ngayon, dadako po tayo sa parte ng ating palatuntunan kung saan tatalakayin ang pagiging responsableng magulang sa ating mga anak na pinamagatang “Pag Hilumin at Pagyamanin: Pagkakaroon ng Problema sa Relasyon ng magulang at anak, tayo na po at makinig kay G. Delfin Serrila Jr., PTCA- Homes
Maraming Salamat po, G. Serrila. Nawa’y hindi lang po tayo nakinig mabuti, bagkus ito po ay ating isasapuso.
Bilang pagwawakas ng programa, inaanayahan po si Gng. Maricel D. Hernandez, ang Ingat-Yaman ng FEA at guro sa ESP, upang kumatawan sa ating presidente ng nasabing samahan. Salubungin po natin siya ng masigabong palakpakan.
Salamat po Ma’am Maraming Salamat po sa pakikiisa sa programang ito. Dalangin po namin ang inyong palagiang pagtugon sa mga ganitong klaseng paanyaya ng ating paaralan. At umaasa po kaming sa susunod na markahan ay muli po kayong pupunta upang ipakita ang suporta, ‘di lamang sa amin pati na rin po sa inyong mga anak. Muli po maraming salamat sa lahat! Ang lahat po ng magulang ay inaanyayahang magtungo sa silidaralan ng kanilang mga anak para sa gaganaping pagpupulong at pagbibigay ng card. Maraming salamat po!
END