Pornograpiya: Isang Pananaliksik ukol sa Sanhi at Epekto sa Kabataang Pilipino
De Guzman, Cristina M.
I.
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga salik ng lipunan na naging sanhi ng paglaganap ng pornograpiya sa Pilipinas at kung ano ang epekto nito sa lipunan lalo na sa mga kabataan. Layon ng pananaliksik na ito na makapagbigay ng naayong datos ukol sa pornograpiya - pinagmulan, dahilan, epekto, at solusyon. Inaasahan ng mananaliksik na makakapagbigay ng makabuluhang solusyon ang pananaliksik na ito upang masugpo ang pagpapalaganap ng pornograpiya sa bansa.
II.
Panimula
Ang pornograpiya ay mga malalaswang bagay na maaring isang panoorin o babasahing sekswal. Ito ay galing sa salitang Griyego na “porne” na nangangahulugang “prostitute” o taong nagbebenta ng aliw at sarili sa iba. Mas kilala ito sa pinaikling tawag na “porn” o “porno”.
Bago pa man ang paglawak sa paggamit ng teknolohiya ay mayroon ng pornograpiya na lumalabas sa iba’t ibang klase ng plataporma tulad ng “casette tapes”, “CDs” at
“DVDs”. Ngunit mas napalaganap ang pagkalat nito dahil sa mga gadyets na mas mabilis na paraan upang maipasa ang mga ito sa ibang tao. Sa katunayan, tumaas ng walumpung porsyento (80%) ang pagbilis ng paglaganap ng pornograpiya sa bawat inbididwal mula noong naging bahagi ng pamumuhay ng tao ang pagpasa ng mga bidyo, litrato, at mga dokumento gamit ang “bluetooth” at iba pang aplikasyon sa gadyets.
Lumabas sa datos na inilabas ng pinakamalaking porn website na Pornhub noong 2018, na 28.5 bilyong mga manunuod ang bumisita sa kanilang site sa loob lamang ng isang taon. Sa katunayan, ang Pilipinas ay nangunguna sa pinakamaraming pagbisita sa Pornhub.
Ayon sa Social Weather Station o SWS, bumaba rin ang braket ng edad na nanunuod sa mga porn sites mula sa daating 16 taong gulang bilang pinakabatang manonood ay bumaba ito sa labintatlong taong gulang. Ang nakikitang dahilan nito ay ang tila madaling “access” ng kabataan sa mga internte dahil halos ang lahat ng bata ay mayroon nang cellphones at halos lahat ng parte ng lugar ay mayroon nang internet connection.
Ang lahat ng salik na ito ay magiging bahagi ng pananaliksik upang magkaroon ng makabuluhang resulta at konklusyon. Magbabase sa mga datos na nailahad ang magiging rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kung papaano masusugpo
ang paglaganap ng pornograpiya sa panahong ang mga tao ay dumedepende na sa teknolohiya.