MGA PERSENTAHE, PANUMBASAN AT PROPORSIYON Session Guide Blg. 2 I.
MGA LAYUNIN 1. Nakalulutas ng mga suliranin hinggil sa pagtukoy ng haba at taas ng malalaking bagay sa pamamagitan ng paggamit ng panumbasasan at proporsiyon 2. Nakakukuwenta ng pagpapalit ng isang pananalapi sa ibang pananalapi sa pamamagitan ng paggamit ng panumbasan at proporsiyon 3. Natutukoy ang mga gawain at pangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay na maaring paggamitan ng kaalaman sa panumbasan at proporsiyon
II.
PAKSA A. Aralin 2
Paglutas ng mga Suliranin Kaugnay sa Proporsiyon Pahina 25 - 38 Pangunahing Kasanayan Sa Pakikipamuhay: Kasanayang Magpasiya, Paglutas sa Suliranin, Mapanuring Pag-iisip at Mabisang Komunikasyon
B. Mga Kagamitan Modyul, manila paper, paper cut-outs (hugis bilog, parihaba at tatsulok), baso o fishbowl III.
PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Balik-Aral Simulan ang session sa pagtalakay ng isang sitwasyon. Maaaring gawin ito ng buong grupo. 1. Si Annie ay nars sa Canada. Buwan-buwan ay nagpapadala siya sa kanyang nanay ng US$ 2,000. Ang palitan ng isang US dolyar sa piso ay P 51.25. Magkano sa piso ang buwanang ipinapadala ni Annie sa kanyang nanay?
6
2. Ipatuos ang ibinigay na suliranin. 3. Talakayin ang ginawang pagtutuos. 4. Bigyang-diin ang mga ginawang hakbang sa paglutas ng suliranin. B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang pagkakaugnay ng tatlong larawang ibinigay? Sabihin: Ang tatlong bagay na ipinalarawan ay nasusukat at maaaring gamitan ng panumbasan at proporsiyon. - Sa salapi, ang panumbasan ay ginagamit sa pagpapalit ng isang pananalapi sa ibang pananalapi. - Sa gusali o sa malalaking istruktura, ang panumbasan at proporsiyon ay ginagamit sa pagkuha ng sukat ng taas at haba - Sa tatsulok, ginagamit ang panumbasan at proporsiyon sa pagsukat ng distansya
Basahin ang pahina 25-30. Ibatay ang sagot sa nilalaman ng modyul.
2. Pagtatalakayan •
Ipagawa ang Learning Stations • Ipaskil ang tatlong manila paper na naglalaman ng mga suliranin ukol sa panumbasan at proporsiyon. Learning Station 1 Si Sam ay isang manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa Canada. Nagpadala siya ng 510 Canadiang dolyar sa kanyang pamilya. Kung ang palitan ay 1 Canadian na dolyar ay P 33.36, magkano ang natanggap ng kanyang pamilya sa piso? Solusyon: Hakbang 1 - Isulat ang ibinigay na impormasyon Hakbang 2 - Tukuyin ang hinihingi Hakbang 3 - Hanapin ang sagot 7
a. Isulat sa ekwasyon ang dalawang panumbasan b. Tuusin ang product ng mga means at extremes c. Ihiwalay ang N sa isang bahagi ng ekwasyon Learning Station 2 Ang isang istatwa na may taas na 8 talampakan ay nakalikha ng anino na may habang 3 talampakan. Sa magkasabay na oras, ang isang tangke ng tubig ay nakalilikha ng anino na may habang 12 talampakan. Gaano kataas ang tangke ng tubig? Solusyon: Hakbang 1 - Isulat ang ibinigay na impormasyon Hakbang 2 - Tukuyin ang hinihingi Hakbang 3 - Hanapin ang sagot a. Isulat sa ekwasyon ang dalawang panumbasan b. Tuusin ang product ng mga means at extremes c. Ihiwalay ang N sa isang bahagi ng ekwasyon Learning Station 3 Ang mga puntos A at B ay nasa parehong bahagi ng ilog, samantalang ang puntos C ay nasa kabilang bahagi ng ilog. Sa pamamagitan ng pag-uugnay sa tatlong puntos, makagagawa ka ng kathang-isip na kanang na tatsulok (right triangle). Ito ay proporsiyonal sa tatsulok na nasa kanan na may mga dimensiyon na 5, 12 at 13. kung ang distansiya sa pagitan ng puntos A at B ay 11 metro, ano ang distansiya sa pagitan ng puntos A at puntos C? Solusyon: Hakbang 1 - Isulat ang ibinigay na impormasyon Hakbang 2 - Tukuyin ang hinihingi Hakbang 3 - Hanapin ang sagot
8
a. Isulat sa ekwasyon ang dalawang panumbasan b. Tuusin ang product ng mga means at extremes c. Ihiwalay ang N sa isang bahagi ng ekwasyon • • • •
Ipatuos ang mga suliranin sa loob ng 5 minuto. Bigyan ng 10 segundo ang bawat mag-aaral upang mapunan ang bawat hakbang na matapatan bago lumipat sa susunod na suliranin. Magtalaga ng isang lider sa bawat pangkat upang maging tagapagsalita at magpaliwanag ng kanilang sagot. Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa isinagawang paglutas ng mga suliranin ukol sa panumbasan at proporsiyon.
3. Paglalahat Itanong: Paano ginagamit ang panumbasan at proporsiyon pananalapi? Sa mga malalaking istruktura? Sa tatsulok?
sa
Bumuo ng buod ng natututunan mula sa learning stations ukol sa proporsiyon at ang sunud-sunod na hakbang sa paglutas ng suliranin. 4. Paglalapat 1. Magbigay ng mga pagkakataon sa inyong buhay kung saan nakatulong ang pagtutuos ukol sa panumbasan at proporsiyon. 2. Isulat ito sa journal at isama ito sa portfolio. 5. Pagpapahalaga Sa tatlong pangkat, tumawag ng isang mag-aaral sa bawat pangkat at magtulungan na lutasin ang kasagutan sa sumusunod na mga tanong: 1. Sa isang Overseas Filipino Worker, ano ng kahalagahan ng kaalaman sa panumbasan at proporsiyon? 2. Anong magiging tulong sa isang karpintero na gumagawa ng bahay o mga kagamitan na malaman ang pagtutuos ukol sa panumbasan at proporsiyon? 3. Sa isang mag-aaral, ano ang kabuluhan ng mga ito sa pangaraw-araw na buhay? 9
IV. PAGTATAYA Pasagutan ang mga suliranin sa pahina 33-34. Magpalitan ng papel ang magpartner at tingnan kung wasto o hindi ang sagot. Kailangang magtulungan kung nahihirapan ang isa sa kanila. V. KARAGDAGANG GAWAIN Ipatuos ang mga sumusunod na suliranin. 1. Ano ang halaga sa piso ng mga sumusunod na palitan ng pananalapi? a. ) $2,500 Hongkong dolyar – P31.25 isang dolyar b. ) US$ 4,300 – P 52.56 isang dolyar c. ) 1,250 Rial – P 25.30 isang rial 2. Ang puntos A at B ay nasa parehong bahagi ng ilog, samantalang ang puntos C ay nasa kabilang bahagi ng ilog. Sa pamamagitan ng pag-uugnay sa tatlong puntos, makagagawa ka ng kathang isip na tatsulok na kanan. Ito ay proporsiyonal sa tatsulok na nasa kanan na may mga binti na may mga dimensiyong 6 at 18. kung ang distansiya sa pagitan ng puntos A at B ay 10 na talampakan, ano ang distansiya sa pagitan ng puntos A t puntos C?
Puntos B 10 Talampakan
6
Puntos A 18 ? Talampakan
3. Ang isang pole na may taas na 20 talampakan ay nakalikha ng anino na may habang 5 talampakan. Kung sa magkasabay na oras, isang gusali ang nakalikha ng anino na may habang 15 talampakan, gaano kataas ang gusali? 4. Iguhit sa isang malinis na papel ang mga kalye sa inyong lugar na ipinapakita kung saan matatagpuan ang inyong
10
bahay, palengke, barangay hall, tindahan, health center at iba pa.
11