Pagbasa-introdiksiyon.doc

  • Uploaded by: Auryne Lei Bandayrel
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagbasa-introdiksiyon.doc as PDF for free.

More details

  • Words: 698
  • Pages: 3
KULTURANG MASASALAMIN SA PAGGAWA NG TABLEYA/ THEOBROMA CACAO nina Auryne Lei Bandayrel Tyra Margaret Bernice Gonzales Anjonette Meresen Aira Shane Benas

Bawat lugar ng Pilipinas ay may kanya kanyang ipinagmamalaki. Katulad na lamang sa Marikina, ang gawa nilang sapin sa paa ay maganda at matitibay kaya maraming nawiwiling bumili dito mapa pilipino man o ibang lahi dahil alam ng mambibili na ito'y tatagal at ang paggawa ay binalutan ng pagmamahal at tiyaga kaya dito natin nalalaman na ang mga tao sa Marikina ay mga taong may puso at matitibay na kahit daanan pa ng maraming pagsubok ito'y kanilang malampasan . Dito sa Abra may kanya kanya din tayong pagkakakilanlan o trademark kung tawagin, sa bangued ipinagmamalaki nila ang 'tubo' kaya sa kanilang araw ng kapistahan ay pinaglalaban laban ang mga barangay at mga mag-aaral sa temang 'dapil festival' at dito natin nalalaman kung ano ang mga produkto na kanilang ipinagmamalaki mula sa 'tubo' bukod sa asukal, may mga inumin ding nagagawa dito, tulad ng alak na bási. Kung produkto lang ang pag-uusapan ay hindi papahuli ang Bucay, ilan sa mga ipinagmamalaki nila ay ang 'tableya' ito ay isang tsokolate na gawa sa cacao, hindi lamang ito pang himagas kundi pwede din itong ihalo sa mga lulutuing ulam kagaya ng adobo na nagbibigay dagdag sarap. Kaya sa araw ng kapistahan ng Bucay dinidiwang at inilalahad ang mga iba't ibang gamit ng Cacao.

Ang amin pong paksa ay nahahati sa apat na bahagi ayon sa sumusunod: 1) Ang mga sustansiya at kemikakal na maaring makuha sa Theobroma Cacao 2) Benepisyong makukuha sa pagkain at pag inom ng tsokolate 3) Bakit nawiwili ang mga pilipino sa tsokolate

4) Ano ang kahalagahan nito sa ating ekonomiya at lipunan Ang kakaw ay kilala sa buong mundo bilang sangkap ng tsokolate na paborito ng marami. Ang tsokolate ay nagmumula sa buto ng bunga ng kakaw na napipitas mula sa puno na may katamtamang taas lamang. Ito ay orihinal na nagmula sa Timog Amerika ngunit tumutubo na rin sa maraming lugar sa rehiyong tropiko gaya ng Pilipinas. Ang mga sustansiya at kemikakal na maaring makuha sa Theobroma Cacao Ang buto ng kakaw ay may taglay na fixed oil; theobromine; glucose, saccharose; vitamin A; cellulose; water, ash; starch at cacarine. Meron din itong theobromine at caffeine Ang laman ng bunga ay makukuhanan ng arabinose and galactose. May mataas din itong lebel ng mga enyme na protease, invertase, raffinase, cesease at oxydase. May laman din itong mineral na magnesium Nandito ang ilang benepisyo ng Theobroma Cacao Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa iyong katawan, lalo na ang mga matatamis gaya ng chocolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo din ang nakukuha dito. Nakakapayat Tama ang pagkakabasa mo, nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na nakakapagpabilis ng metabolismo ang chocolate. Dahil dito, agad na nalulusaw sa iyong katawan ang mga calories na nagiging sanhi ng iyong pagtaba. Nakakatalino Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi muna kumain ng ilang bar ng chocolate para mas gumana ang iyong IQ? Ang dark chocolate ay mayaman sa chemical na nakakapagbigay alerto sa utak ng tao, ito ay ang Flavonoidsâ . Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo sa ugat na patungo sa utak.

Bakit nawiwili ang mga pilipino sa tsokolate? Walang duda na ang tsokolate ay isang paboritong kinakain at iniinum ng mga Pinoy. Ito ang karaniwang sangkap sa maraming mga matatamis na pagkain, sorbetes, mga tinapay, keyk, empanada at mga pang-himagas. Ito ang isa sa mga sikat na lasa (flavor) sa daigdig. Karaniwan itong nasa anyong buo, ngunit karaniwan din sa Pilipinas ang pagiging isang inumin ito (cocoa).

Hindi natin maitatanggi na mas masarap at mas kinawiwilian ng mga Pinoy ang gawa ng ibang bansa dahil sa mataas na kalidad na mga sangkap . Pero may mga pinoy ding nanatiling tinatangkilik ang sariling atin dahil sa mapait, malakas ngunit matamis na lasa nito.

Sa paggawa ng proseso nito makikita kung anong kaugalian ang makkikita sa mga Bucayeneos. Kaya halina't tinghayon kung paano humawa ng tableya at ano ang kulturang masasalamin sa paggawa nito.

More Documents from "Auryne Lei Bandayrel"

Pagbasa-introdiksiyon.doc
November 2019 7
Name Of Contest.docx
August 2019 20
Anatomy1.docx
May 2020 11
Java
August 2019 45