OVERCOMING PROBLEMS IN THE TEACHING AND USE OF FILIPINO, O ANG PAGIGPAW SA MGA PROBLEMA SA PAGTUTURO AT PAGGAMIT NG FILIPINO1 Lilia F. Antonio, PhD Sentro ng Wikang Filipino University of the Philippines Diliman
Essential issues to the present state of our national language cannot only be attributed to education but to the political, economic and linguistic situations and other realms of our people's lives as well. This was summed up by the Sentro ng Wikang Filipino's position paper on HB 4701. The paper discussed the relevance of the Filipino language in our society and its role in the effective learning of students as well as the problems encountered by teachers in its implementation, both inside and outside the classroom. Finally, the paper shared the general objectives of the Sentro ng Wikang Filipino and its current programs and initiatives as concrete steps in overcoming problems in the teaching and use of Filipino language in the academe. NAIS kong simulan ang aking papel ngayong hapon sa pagbasa sa posisyong papel ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman kaugnay sa House Bill 4701 na may titulong "Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ng Ingles Bilang Pangunahing Wikang Panturo!" Sa aking palagay, nilalagom ng posisyong papel na ito ang pinakaubod ng kasalukuyang problema ng wikang pambansa na nakaugnay hindi lamang sa mga isyung pangedukasyon kundi maging sa pampulitika, pangekonomiya, panlinggwistika at pangkasaysayang larang ng buhay ng bawat mamamayang Pilipino. ahigpit naming tinututulan ang isang peligrosong panukala na muling niluto at ihahain ng Kongreso laban sa wikang Filipino. Kinonsolida nitong Setyembre 14, 2005 ng Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education ng Kongreso sa iisang panukalang batas ang kampanya upang tuluyang maipatupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa batayan at mataas na antas ng edukasyon. Ito ang “English as the Medium of Instruction Act” o ang House Bill 4701.2
M 1
Papel na binasa sa The 9th Philippine Linguistics Congress na ginanap sa Science and Technology Training Center at Nat. Inst. of Science and Mathematics Education Dvelopment , UP Diliman, Q.C. noong Enero 2527, 2006. Ang ilang bahagi ay mula sa papel na binasa sa SeminarWorkshop tungkol sa "Proactive Responses to Language Issues in Philippine Education and Development" sa pagtataguyod ng Institute of Language and Culture, Kalayaaan College na ginanap sa U.P. College Cebu noong Oktubre 2728, 2005. Nakatulong nang malaki sa pagbuo ng papel na ito sina Marita C. Pimentel, University Extension Specialist ng Sentro ng Wikang Filipino U.P. – Diliman at Florentino A. Iniego, Jr., Instruktor,Departamento ng Filipino at Panitikan ng PilipinasKolehiyo ng Arte at LiteraturaU.P. Diliman. 2
Ang House Bill 4701 ay konsolidasyon ng apat pang panukalang batas na nakahain sa Kongreso laban sa wikang Filipino. Ito ang mga sumusunod: 1) An Act Providing for the Use of English As A Medium of Instruction in Philippine Schools (HB 676), 2) An Act Providing for the Use of Basic English as the Medium of Instruction in Preschool, 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
Dahil dito higit pang pinagbuklod at pinalakas ng HB 4701 ang atake sa wikang Filipino. Ipinaguutos nito ang sapilitang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas, sa lahat ng sabjek (maliban sa Filipino), at sa lahat ng oras sa bawat sulok ng paaralan simula sa akademikong taon 20072008. Saklaw nito ang preschool, elementarya, hayiskul, at kolehiyo; at maging sa mga teknikal at bokasyonal na kurso. Nakalakip din sa panukala ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng mga eksaminasyon para sa admisyon, akreditasyon at akselerasyon ng mga paaralan. Ang HB 4701 ay supling ng dalawang naunang hakbangin upang puksain ang wikang Filipino. Una na rito ang HB 1652 nina Kongresman Jose R. Gullas at Edgardo R. Gullas na naglalayong gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas simula unang baitang. Sinundan ito ng atas ni Pangulong Gloria M. Arroyo, ang Executive Order 210 na naglalayong palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo. Kapag naisabatas ang HB 4701, ipawawalangbisa nito ang Patakarang Bilingguwal ng 1987 na naglalayong pahusayin ang kasanayan sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito at sa paggamit ng mga ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Bukod sa pagtutol, dapat labanan at biguin ang HB 4701. Dahil una, ito ay sukdulang paglabag at pagbaluktot ng probisyon sa wika ng Konstitusyon 1987. Ayon sa Artikulo 14 Seksiyon 6: “Sangayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano ang nararapat ayon sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.” Ngunit sa HB 4701, sa halip na ipagpatuloy ang nasimulan, winawakasan at pupuksain nito ang wikang Filipino. Ikalawa, binabalewala nito ang mga pagaaral ukol sa siyentipikong batayan ng pagkatuto ng mga magaaral. Pinatutunayan ng mga pananaliksik sa bansa at karanasan sa pandaigdigang pagsusulit (EDCOM Report 1998; Third International Math and Science StudyTIMSS) na mas mabisa at mabilis matuto ang bata ng pangalawang wika kung matatag ang pundasyon niya sa unang wika. At kasunod nito, mas madaling matutuhan ng magaaral ang iba pang aralin kapag itinuro ang mga ito gamit ang wikang alam niya. Sa madaling salita, dapat patatagin muna ang kasanayan ng magaaral sa akademikong paggamit ng kanyang unang wika (wikang bernakular o Filipino) bago ituro ang pangalawang wika (Ingles). At ikatlo, inililibing nito sa limot ang makasaysayang pagpupunyagi ng mga makabayang Filipino mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L. Quezon at sa mga delegadong masikhay na nagratipika ng mga probisyon sa Konstitusyon 1987 sa pagtatanghal ng wikang pambansa. Ang pagbabalik ng Ingles bilang midyum ng Elementary and High Schools and Prescribing the Teaching in Specialized English in Tertiary Levels of the Philippine Educational System (HB 2846), 3) An Act Providing for the Adoption of a New Bilingual Program in Philippine Schools and the Use of English As Medium of Instruction (HB 2894), at 4) An Act Prescribing English As the Medium of Instruction in All Curricular Subjects, Except in Filipino Language Subjects, in All Public Elementary and Secondary Schools (HB 3203).
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
2
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
pagtuturo ay isang malinaw na pagpapawalanghalaga sa dunong, pawis, panahon, at salaping isinakripisyo alangalang sa tagumpay ng wikang Filipino. Binibigyangdiin ng mga Kongresman at mismong ni Pangulong Arroyo na kailangang gawing obligatoryo ang Ingles upang maging “globally competitive” at mapataas ang “English comprehension" ng mga Filipino. Ngunit sa likod ng mga retorikang ito ng globalisasyon, ang kampanya sa Ingles ay lumilikha ng mga “world class citizen” na mapabibilang lamang sa hukbo ng domestic helpers, callcenter operators, mga guro, mga nars at doktor, at iba pang propesyonal na lumalabas ng bansa. Sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang ekonomiya, siyensiya, at negosyo upang lumikha ng oportunidad sa lokal na trabaho, ang pagtatamo ng “English proficiency” ay nakatuon sa paglilingkod sa kapakanan ng dayuhan. Hindi Ingles ang solusyon sa problema ng bayan. Matagal na nating ginagamit ang wikang ito ngunit nananatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Ang tunay na solusyon ay ang pagkakaroon ng isang gobyernong may matatag na kapasiyahang politikal upang iwaksi ang politika ng pakikipagkompromiso, pandaraya, at paninikluhod sa dayuhan. Isang gobyernong may makabansa, siyentipiko, at demokratikong programa sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon. Sa halip na gumawa ng paraan upang itaguyod ang pambansang wika, muling hinahati at pinagwawatakwatak ng administrasyong Arroyo ang sambayanan. Inilalayo nito ang bukal at batis ng mabunying kaalaman na makakamit sa paggamit ng kanyang sariling wika tungo sa landas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran. Dapat nating paigtingin ang pagkakaisa upang paghandaan ang nagbabantang unos sa wikang Filipino. Iisa lamang ang direksiyon na tinatahak ng HB 1652, EO 210, at HB 4701: ang pagbabago ng Konstitusyon o ang charter change. Kaya’t hindi nakapagtatakang ang mga isponsor ng mga panukalang batas at atas laban sa wikang Filipino ang siyang ring mangunguna sa pagwawasiwas ng tabak upang tuluyan nang pugutan ng ulo ang wikang Filipino sa Konstitusyon. Bilang mga edukador, mananaliksik, magaaral, at mamamayang nagmamahal sa wika, kultura, kasaysayan, at identidad ng Filipino kailangan nating magsamasama hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa lansangan upang lumahok sa malawakang pakikibaka ng sambayanan. Ang atake sa wikang Filipino ay atake sa ating pagkabansa. Atake ito sa kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng sambayanan. Kapag minamaliit at ipinagkakait ang wikang Filipino sa mamamayan, para na ring kinitil ang kanilang karapatan na mabuhay ng malaya, marangal, at matalinong ipagmalaki ang kanilang pagkaFilipino. Ang pakikibaka ng wikang Filipino ay hindi na lamang pakikibaka sa loob ng akademya. Ang problemag pangwika ay problemag pambansa. Kung kaya’t kami sa Sentro ng Wikang FilipinoUnibersidad ng Pilipinas ay nanawagan na TUTULAN, LABANAN, AT BIGUIN ANG HOUSE BILL 4701!!! IPAGTANGGOL ANG TAGUMPAY NG WIKANG FILIPINO!!!
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
3
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
Layunin ng aking papel ngayong umaga na talakayin ang kahalagahan ng wikang Filipino sa lipunan at sa epektibong pagkatuto ng mga estudyante at ang mga problemang kinakaharap ng mga guro para sa pagpapatupad nito maging sa loob at labas ng paaralan. Sa hulihan, ilalahad ko ang pangkalahatang layunin ng Sentro ng Wikang Filipino at ang mga proyektong isinasagawa nito sa kasalukuyan para sa patuloy na paglinang at pagpapaunlad ng wikang pambansa sa akademya. Ang Wikang Filipino sa Lipunan at Kasaysayan Sa napakararami na nating babasahin, mga kumperensya, seminar at talakayan tungkol sa wika at wikang pambansa, malinaw at hindi mapapasubalian ang napakahalagang papel na ginagampanan ng wika sa pagbubuo, pagpapanatili at pagpapaunlad ng isang lipunan. Sa mismo nating kasaysayan ay makikita kung papaanong kaagapay ang wika sa bawat hakbang ng bawat bayan patungong pagkabansa. Ipinahayag nga nina Constantino at mga kasama: Ang kilusang pangwika na nagtataguyod sa wikang katutubo o bernakular na wikang opisyal at/o wikang pambansa at bilang wikang panturo ay supling ng kilusang makabayan. (Constantino, p. 136) Kasaysayan na rin ang nagpatunay kung paanong ang wika ay naging instrumento ng kolonisasyon ng kaisipan. Hindi itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika sa atin upang panatiliin ang pagkakahati ng kapuluan ng Pilipinas at pagharian ang malaking bahagi nito. Naging mahalaga rin ang papel ng wika sa pagdating ng mga Amerikanong kolonisador. Kaiba sa naging kalakaran ng Espanyol, naging aktibo at agresibo naman sila ang pagpapalaganap ng wikang Ingles sa mga katutubo. Susi ang wika di lamang sa pagpapalaganap ng bagong kultura, kundi ito rin ang paraan upang makontrol ang kaisipan at pamamaraan ng pagiisip ng mga nasasakupan. Ang kamalayan sa kasaysayan at pagpapahalaga sa isang wikang nagbubuklod sa bansa ang siyang nagtulak sa ating mga bayani at martir upang ipaglaban ang pagtatanghal ng wikang pambansa. Walang duda na nagbunga ang mga pagsisikap na ito. Nakatadhana sa ating Konstitusyon 1987 ang mahahalagang probisyon ukol sa wikang Filipino. Pagigpaw sa Ilang Problema ng Pagtuturo at Paggamit ng Wika Mahalagang makita pa natin kung anuano ang maaaring maging mga problema sa pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino. Una, ang problema sa loob ng klasrum kung saan nagaganap ang pinakamayamang karanasan ng paggamit ng wikang Filipino. Posibleng sumulpot ang mga problema sa mismong atityud ng guro kaugnay sa pagtanggap ng wikang Filipino bilang midyum ng kanilang instruksyon. Maaari din na naroroon nga ang positibong atityud subalit may kakapusan naman sa kasanayan sa paggamit nito. Tunay na seryosong problema ito sapagkat hinahamon nito ang pangaraw araw na pagharap ng guro sa kanyang mga mag aaral, kaalinsabay ng kakapusan sa mga gamit panturo na mahalaga upang mapalakas at mapaunlad ang paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa partikular na asignatura kundi maging iba pang asignatura. 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
4
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
Ang ikalawang antas na maaaring pagmulan ng problema ay ang kaligiran ng pagtuturo. Kasama dito ang buong paaralan at ang komunidad ng pagtuturo. Dito masasalamin kung ano ba ang ibinibigay na suporta ng paaralan kaugnay sa paggamit ng wikang Filipinohalimbawa ay ang pagbibigay prioridad sa pagbili ng aklat at iba pang gamit panturo, ang pagkakataon para sa pagsasanay ng mga guro at maging ang mismong prinsipyong pinaninindigan ng paaralan kaugnay sa paggamit ng wikang Filipino. Paano tayo makakaigpaw sa mga problema ng pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino? Sa kanyang artikulong Overcoming Common Problems Related to Communicative Methodology, binanggit ni Stephen Ryan ang ilang mahahalagang isyu na dapat pansinin sa pagtuturo ng wika. Kabilang dito ang mga sumusunod: 1. Provide adequate feedback 2. Clarify goals 3. Have consistency in teaching style 4. Lessons need a routine or framework 5. Have cultural awareness Mahalaga aniya na ang mga magaaral ay mabigyan ng tuloytuloy at sapat na feedbacking sa kanilang paggamit at pagkatuto sa wika. Ito ang nagsisilbing motibasyon sa kanila sa arawaraw na pakikibahagi. Para sa mga guro, mahalaga na malinaw sa mga magaaral ang layunin hindi lamang ng pagaaral kundi ang mismong layunin sa paggamit ng kung anong wika sa pagaaral. Sa ating konteksto, mahalagang maipaabot nang malinaw sa mga magaaral bakit ang wikang Filipino ang ating ginagamit bilang daluyan ng pagkatuto. Sa pamamaraan ng pagtuturo, mahalaga ang pagiging konsistent sa ating estilo. Ito ang nagbibigay sa ating mga magaaral ng pokus sa pagkakaroon ng mastery o kasanayan sa paggamit ng wika. Makakatulong ang pagbibigay natin ng oportunidad sa kanila na mahasa hindi lamang sa kasanayan sa pagsasalita kundi maging sa pagsusulat. Maaari tayong maglaan ng oras para sa malayang talakayan sa mga paksang sila mismo ang pumili upang magkaroon sila ng interes at kumpyansa sa paggamit sa sariling wika. Sapagkat ang wika ay salamin ng kultura, mahalaga na maging maalam at mulat ang mga guro sa iba’t ibang konteksto ng mga kultura. Sa ating bansa, malinaw sa atin ang ilang pagkakaiba sa ating mga kagawian, bagamat hindi nagkakalayo sa mga paniniwala at paninindigan. Makakatulong nang malaki kung ang guro ay magkaroon ng kasanayan sa pagsasakonteksto ng wika sa maaaring pinagmumulan nitong kultura (i.e. Manang at Manong sa salitang mula sa Iloko, Inday mula sa Bisaya). Sa ganito ay mas mapalalawak ang pagkaunawa at pagkilala ng mga magaaral sa kayamanan ng mismong wika na produkto ng kanyang bayan. Sa artikulong "Ang Pagpapunlad ng Filipino sa Tulong ng mga Bisaya," ni Leoncio P. Deriada, sinabi niya na: 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
5
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
Upang makatotohanan ang implementasyon ng Palisi sa Wika, kailangan may mga paraan na maisali ang daghang sektor sa Kabisayaan. Ang mga salita at mga konseptong Bisaya ay maipapasok lamang sa Filipino kung ito ay sasadyain ng mga Bisaya. Upang madali ang pagsanyog ng Filipino at mapayaman ng mga salita ang mga konseptong Bisaya, dapat umpisahan na ang pagkoleksyon ng mga salita at mga konseptong ito. Kailangan ang isang glosari. (Deriada, p. 321) Dagdag pa niya: .....Ang mga salita, termino o konsepto galing sa mga wikang rehiyonal ay dapat ipasok sa pambansang wika dahil ang mga ito ay may natatanging kontribusyon. Dala ng isang salita ang natatanging gahum, isang natatanging magic dahil ang isang salita ay ekspresyon ng isang paningin sa buhay at sa kalibutan. Pabayaan nating bahagi ng wikang pambansa ang buang, bugoy, kawatan at iba pang salitang nakakainsulto pero, sadyain nating ipasok ang mga salaitang salamin ng pinakamagaling, pinakahalina, pinakamaayo, pinakamatahum sa kultura ng mga Bisaya. Dapat bahagi ng pambansang lingua franca ang mga salitang ito: damgo, pangamuyu, palangga, kalipay, higala, kaanyag, paglaum, kasingkasing, gugma. (Deriada, p. 315316) Ang ikatlong antas na pinagmumulan ng problema ay ang pinakamalapit na kaligiran ng klasrum at ito ay ang paaralan/unibersidad/ kolehiyo at ang komunidad. Ang wika ay repleksyon ng paniniwala ng mga indibidwal, grupo, at samahan sa isang kaligiran. Sa loob at labas ng klasrum, hinahabi ng wika ang anumang relasyong nabubuo o nabubuwag sa loob ng pamayanan. Nakabaon sa wika ang mga negatibong paniniwalang nagpapanatili at nagkukunsinti sa diskriminasyon sa kapwa. Nariyan ang usapin ng salimuot ng Filipino sa wika ng rehiyon, ang politika ng rehiyon o ng pamayanan kaugnay ng wikang Filipino at iba pa. Malay man o di malay, sinumang may kontrol sa wika at sa institusyong dinadaluyan nito ay may kakayahang impluwensyahan ang politikal na proseso at kapasyahan sa saklaw nito. Ang wika ay daluyan ng kapangyarihan. Sa kabilang banda, ito ay sandata rin sa pagsasakapangyarihan (empowerment) ng mamamayan. At susi ang paggamit ng sariling wika sa isang partikular na kaligiran upang matamo ang pagkakaisa at tagumpay ng anumang hakbangin o programang pangwika. Kung gayon, mahalaga na ang mismong mga institusyong lokal, mula sa paaralan hanggang sa pamayanan ay magkaroon ng masinsinang pagtanaw sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino. Magiging madali para sa mga guro na nasa larangan kung ang kanyang malapit na kaligiran ay sumusuporta sa kanyang pagsisikap na mapaunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa kanyang pagtuturo. Ang paaralan, at iba pang mga paaralan sa lugar ay maaaring magkaroon ng mga pormasyong makakatulong sa pagsisinsin ng kanilang mga inisyatibo tungo sa paglutas ng mga problema sa paggamit ng wikang Filipino. Ang mga departamento ng Filipino at 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
6
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
iba pang disiplinang malaki ang kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino ay maaaring maglunsad ng iba’t ibang aktibidad kaagapay ang lokal na pamahalaan upang mapalawig ang saklaw ng pagpapaunlad ng wikang Filipino sa kanilang pamayanan o lokalidad. Hindi kailangang matali lamang sa panahon ng Agosto o buwan ng wika ang paggunita sa ating mga gawain sa wikang Filipino. Ang datos ng ating pangarawaraw na pakikipagbuno sa loob ng klasrum ay magtutulak sa atin upang bumuo ng mas mayamang kalipunan ng mga ideyang magpapatuloy ng buhay na inisyatibo sa paggamit ng wikang Filipino. Ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ng U.P. Diliman Ang SWF ay itinatag upang manguna sa pagsasakatuparan ng Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas at sa gayon ay "upang pagyamanin at paunlarin pa ang Filipino bilang wika sa pagtuturo, mga talakayang akademiko at pananaliksik. " Ang Pangkalahatang Layunin ng SWF ay ang mga sumusunod: 1. Magsagawa at manghikayat ng mga pananaliksik tungkol sa elaborasyon ng mga function ng Filipino,lalo bilang midyum ng pagtuturo at bilang opisyal na wika; 2. Maghanda at maglathala, o tumulong sa paghahanda o paglalathala ng gramar at mga diksyonaryo ng Filipino at iba pang wika sa Filipinas; 3. Magsagawa at manghikayat ng mga pananaliksik na may kinalaman sa pagpapayaman ng Filipino batay sa mga wika sa Filipinas; 4. Magsagawa at manghikayat ng mga pananaliksik sa mga wika sa Filipinas upang matiyak ang papel ng mga ito at kontribusyon sa pagunlad at pagpapayaman ng Filipino; 5. Bumuo ng mga patakaran at pamantayan para sa estandardisasyon ng Filipino; 6. Magsagawa ng mga survey sa paggamit at pagtanggap sa Filipino sa lahat ng bahagi ng Filipinas at sa lahat ng sektor ng lipunan; 7. Magtatag at magpanatili ng sapat na aklatan ng Filipino, mga wika sa Filipinas, at mga pambansang wika ng ibang bansa; 8. magsilbing clearing house ng mga pananaliksik at iba pang gawaing may kinalaman sa Filipino at mga pambansang wika ng ibang bansa; 9. maglathala ng newsletter at journal ng Filipino. Sa loob ng may isang taon at kalahating panunungkulan ko bilang direktor ng SWF, masigasig at matagumpay naming naisagawa at naipagpatuloy ang mga sumusunod na proyekto: 1. Aklatang Bayan A. Mga aklat/teksbuk na naipalimbag sa taong 2004 • Legal Dictionary Hukom Cesar Peralejo • Reprinting ng mga sumusunod na aklat: Babasahin sa Agham Panlipunan Dr. Prospero Covar Ang Wikang Filipino: Atin Ito Dr. Consuelo Paz Ang Pagsusulatan ng Dalauang Binibini: si Urbana at si Feliza Romulo P. Baquiran, Jr, editor. 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
7
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
• • •
Gabay sa Editing Dr. Galileo S. Zafra, et al. Minanga: Varayti at Varyasyon Prop. Jovy Peregrino, Dr. Pamela Constantino at Dr. Nilo Ocampo, editors. Kasaysayan ng Filipinas at Institusyong Filipino Dr. Eden Gripaldo, et al. Angkan ni Socrates Prop. Malaya C. Ronas Suerte Edgardo Tiamson et al. Kartilya sa Wikang Filipino bilang Wika sa Edukasyon NCLT/NCCA/SWFD Si Sto. Tomas de Aquino at mga Isyung Pnarelihiyon sa Lipunang Filipino Ngayon Dr. Jose Manuel Antonio Tejido
B. Kasalukuyang Isinasaayos • Kasaysayan 2: Kabihasnan Asyano Gil Gotiangco, et al. • Pagsasamoderno ni Dr. Lilia F. Antonio ng Abogado ng Bayan ni Honorio Lopez at mga dokumento ng Cofradia de San Jose • Ang Pagsasalin ng Batas sa Filipino Renato Ambrosio Peralejo • Panimula ng Pananaliksik sa Gawaing Panlipunan isinalin ni Corazon Veneracion • Kawing Prop. Josefina Agravante 2. SeminarWorkshop para sa pagsasanay ng mga guro at magaaral (Solo o sa pakikipagugnayan sa iba pang mga Samahang Pangwika) • Pambansang SeminarWorkshop kaugnay ng temang “Emahinasyon at Esalin: Malikhaing Pagsusulat at Pagsasalin” na dinaluhan ng walumpung (80) mga guro mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. FC Recto Hall, UP Diliman. Oktubre 1921, 2005. • KONGRESO NG SAMAHAN NG MGA TAGASALIN (SALIN) kaugnay ng temang "Pagsasalin Bilang Isang Pambansang Gawain" FC, Recto Hall, UP Diliman, Lungsod Quezon, Agosto 18, 2004. • FILIPINAS INSTITUTE OF TRANSLATION (FIT) sa pagdaraos ng Sawikaan 2004 at 2005 : Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon FC Recto Hall, UP Diliman, Lungsod Quezon, Agosto 17, 2004. • LINANGAN SA IMAHEN, RETORIKA AT ANYO (LIRA)Poetry Reading ng LIRA (Pagbasa ng mga Tula sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika) FC AVR Room, 2/F, UP Diliman, Lungsod Quezon, Agosto 13, 2004. • PAMBANSANG SAMAHAN SA SIKOLOHIYANG FILIPINO (PSSW) Kuwentuhan ukol kay Dr. Virgilio En riquez Balay Kalinaw, UP Diliman, Lungsod Quezon, Agosto 28, 2004. • DEPARTAMENTO NG FILIPINO, KOLEHIYO NG MIRIAM Seminar Workshop. "Teorya at Praktika sa Pagpapaunlad ng Wika at Panitikang Filipino" FC Recto Hall, UP Diliman, Lungsod Quezon, Setyembre 30 Oktubre 1, 2004. 3. Pagpapaunlad ng Koleksyon ng Aklatan at Resources Para sa Pananaliksik • Saliksikang Filipino: UP Filipino Language Resource Center. Bibliograpiya ng mga materyal tungkol sa walong pangunahing wika sa Pilipinas. Kasama rin ang mga diksyunaryo at donasyon mula sa OVCRD, KWF, NCCA, Ateneo Press, at iba pa. • Pagdaragdag ng may 500 aklat mula sa Aklatan ni Dr. Virgilio G. Enriquez 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
8
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
4. SangfilAdvocacy • LakbayTuro. Apat na seryeng panayam ukol sa iba't ibang isyung pangwika na idinaraos sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila. Libre sa mga guro ng/sa Filipino. Kasama ring tagapagtaguyod ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. • Ikasiyam na Pambansang Kongreso: "Sandekadang Hamon sa Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Filipino" FC Recto Hall, UP Diliman, Lungsod Quezon, Disyembre 13, 2004. • Paglulunsad ng Ikalawang Sourcebook ng Sangfil noong Agosto 30, 2005. 5. U.P. Diksyunaryong Filipino sa pamamatnugot ni Dean Virgilio Almario ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Inaasahang ito ay maipapalathala sa taong 2007. 6. Paglalathala ng Daluyan 2004, ang refereed na dyornal ng SWF. Kasalukuyang pagsasaayos ng Daluyan 2005 at Daluyan 2006 na inaasahang sabay na mailalathala sa taong 2006. 7. SubaybayWika pangangalap ng mga datos mula sa pangarawaraw na pahayagan. 8. Pagpapatayo ng Bahay ng Wika na magsisilbing permanenteng opisina ng SWF UP Diliman, tanggapan ng mga programa at proyektong pangwika , tanggapan ng mga pangunahing organisasyon/samahan sa wikang Filipino, lugar ng mga aktibidad kaugnay sa pagpapayaman ng wikang Filipino at iba pang Wika sa Pilipinas (hal. symposium, forumdiscussion, training at iba pang katulad na gawain), sentrong lagakan ng mga aklat mula sa mayamang koleksyon ng mga dalubhasa sa wikang Filipino, at iba pa. Sa kasalukuyan, mayroon nang naitalagang 3,000 sq. m. na lupang pagtatayuan sa loob ng kampus, nakapagdaos na ng tatlong (3) Art Exhibit bilang fundraising, at may senador ng nakapangako ng 2 M para sa pagpapatayo ng gusali na tatawaging Gusaling Ople. Konklusyon 1. 2. 3. 4.
Ang Filipino hindi bilang dagdag kundi esensyal sa tunay na pagkatuto Isang komitment sa pagpapaunlad ng lipunang Pilipino Isang kolektibo at realistikong ng pangarap Isang tungkulin ng bawat edukador sa Pilipinas
Mga Sanggunian Constantino, P.C. , L.F. Gonzales at J.F. Ramos. Wika, Linggwistika at Bilinggwalismo sa Pilipinas. Manila: Rex Book Store, 1985. Constantino, P.C. Filipino at Pagpaplanong Pangwika (Ikalawang Sourcebook ng Sangfil). Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, 2005. 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
9
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
Deriada, Leoncio P. "Ang Pagpapunlad ng Filipino sa Tulong ng mga Bisaya,". Nasa LapenaBonifacio, Amelia. Tinig 2 (The Living Voice in Conversation). Quezon City: UP Creative Writing Center, 1995. Peregrino, J.M. at A.T. Enriquez, mga editor. “Ang Filipino sa Iba't ibang Disiplina”. Lagda. Jornal ng Dept. ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman, Lungsod Quezon, Agosto 2005. Zafra, Galileo S. "Ang UP Sentro ng Wikang Filipino: Tungkulin, Gawain at Tunguhin. " Nasa Filipino at Pagpaplanong Pangwika. P. C. Constantino, patnugot. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang FilipinoUP Diliman, 2005.
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
10