Orca_share_media1553262125089.docx

  • Uploaded by: Chichan Atienza
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Orca_share_media1553262125089.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 4,454
  • Pages: 30
KABANATA I Ang suliranin at kaligiran nito Panimula Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong henerasyon. Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Isa na dito ay ang mga gadyets. Sa pag usbong ng mga ito. Masasabing nakakatulong ito sa tao kagaya ng mga mag-aaral at sa kalauna’y masasabing ito’y ay nakakasama.

1

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay napapagod na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahinga para malakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang kai bigan at kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon. Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan ito ay ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakamaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Ang gadyets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na madaling gamitin at nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin kapag ang gadyet ay maraming gamit. Masasabing ang gadyets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral sa kanilang pag aaral. Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsusulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong kagamitan ngayon. Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti o nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets ay may masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng gadgets dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

2

Paglalahad Ng Suliranin 1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa a. Edad b. Kasarian 2. Anong gadyets ang madalas gamitin ng mag-aaral? 3. Ano ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral? 4. Paano makatutulong sa pag-aaral ng estudyante ang paggamit ng gadyets? 5. Paano makakaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets? 6. Paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-aaral?

Layunin Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung paano nakakaapekto ang paggamit ng gadyets sa mga mag-aaral. At kung paano makakatulong at makakasama ang mga ito. Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral. 2. Matutukoy ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral 3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets. 3

4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets. 5. Matutukoy kung paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng Mag-aaral. Kahalagahan Ng Pag-Aaral Para sa mga estudyante: Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pagaaral na ito upang makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets. Magsisilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga magaaral sa tamang paggamit ng gadyets. Para sa mga guro: Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng gadyets. Para sa mga mananaliksilk: Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pagaaral na ito upang makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets. Magiging batayan din ng iba pang mananaliksik na naglalayong magsasagawa ng may mas malalimang pag-aaral ukol sa Epekto ng Gadyets sa mga mag-aaral.

4

Batayang Konseptwal Ang mga gadyets ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw na gawain. Naglalarawan ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa madalas na paggamit ng gadyets kagaya ng Cellphone, Computer, Tablet at Laptop ay may dalang naidudulot at ito ay ang epekto sa mag-aaral.

PINAGBATAYAN

KINALALABASAN NG PAG-AARAL

PROSESO A. Pagsasagawa ng sarbey B. Pagkonsulta sa mga

naunang

Epekto ng gadyets sa

pag-aaral

mga mag-aaral

thesis C. Pagpunta mga

o

sa silid

aklatan D. Pagsangguni sa mga Paggamit Internet

media ng

A. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral. B. Matutukoy ang kahalagahan ng gadyets sa pagaaral ng mag-aaral C. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng magaaral ang paggamit ng gadyets. D. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pagaaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets. E. Matutukoy kung paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-aaral.

5

Saklaw At Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante. Kumuha ang mga mananaliksik ng 50 respondente mula sa iba’t-ibang seksyon ng ika-apat na taon sa hayskul ng Baesa High School. Ang unang mga respondente ay magmumula sa lupon ng mga mag-aaral sa mataas na seksyon. Ang susunod na lupon ay manggagaling sa gitnang seksyon, at ang huli ay manggagaling naman sa mababang seksyon. Terminolohiyang Ginamit Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral. Cellphone- ay isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain lalong-lalo na sa komunikasyon. Computer-

ay isang uri ng gadyet na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet.

Internet- ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon. Teknolohiya-

ay isang napakabagong makina o gadgets na

kung tawagin ng iba

ay

awtomatik na proseso hindi manu-mano Agham at Inhinyeriya- ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang Organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraang nito.

6

KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral Dayuhang Literatura Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong teknolohiya at gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at walang taros na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000) Ang

patuloy

na

pag-unlad

ng

makabagong

teknolohiya

ay

may

pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga estudyante (M. Underwood, 2009). Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang computer, mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong gadyets? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante ngayon ay gusto ng pagbabago,

Gaya

ng

pagbabago

sa

paraan

ng

pag-aaral

nila

sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav, 2007)

7

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa (Chandler, 2000) Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (20000) at B. Winston (1998) kanyang inalisa sa kanyang artikulo na How are Media Born and Developed ang mga mabubuti at masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya at gadyets sa lipunan. Naniniwala siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pagunlad ng ating mundo. Ngayon tayo ay nasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating pamumuhay gayun na din sa ating mga pribadong buhay. Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas maraming mga tao. Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa karunungang bumasa’t sumulat dahil sa paglago ng internet (K. Croxton 2000) Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang Telepono ay nagtuturo sa mga taong bingi kaya’t siya ay interesado sa mga pagyanig ng tunog o kung paanong ang tunog ay tumatalbog at naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na ang mga pagyanig na ito ay maaaring gawing sunud-sunod na mga takbo ng kuryente na maaaring maipadala sa pamamagitan mga kable mula sa isang lugar patungo sa iba. Mula dito ay naimbento niya ito. Ang kanyang imbensyon ay Hindi lamang ginawang posible ang pakikipag-usap sa mga kaibigan na milya ang layo kundi nagbukas ng pintuan para sa mga intercoms, radyo, fax

8

transmission at pati na rin sa Internet. Ito ay nagpalapit sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham Bell 1876) Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga tahanan, ang mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang dekuryente ang nakapagpapabukas at nakapagsasara sa telebisyon at nakapapapalit ng mga estasyon, o kumukontrol sa temperatura ng iyong refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at iba pang mga sasakyan ay nag-aayos ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay ginagamit din sa mga makina sa ospital tulad ng x-rays. Alam mo ba na ang mga kompyuter ay pangunahing ginawa upang magamit sa masalimuot na kalkulasyon matematika? Ang mga makinang ginagamit upang gumawa ng mga masasalimuot na kalkulasyong matematika ay nag-ugat libong taon na ang nakalilipas sa mga abakus ng Intsik. Ang abakus ay isang grupo ng mga butil na nakahanay at ginagamit sa pagbibilang. Noong 1945, ang ENIAC ang Electronic Numerical Integrator and Calculator ay isinilang.Ito ang kauna-unahang kompyuter. Subalit, di Gaya ng karamihan sa mga kompyuter sa ngayon, nangailangan ito ng isang napakalaking silid at mayroong sariling air-conditioner. Ngayon, salamat sa mga bagong pagpapaunlad gaya sa mga kompyuter chips, ang isang kompyuter na may parehong kakayahan ay maaaring magkasya sa palad ng iyong kamay. Sa ngayon, ang mga kompyuter ay kailangan na sa lahat ng mga opisina. Sa katunayan, ang mga kompyuter ay ginagamit din sa pag-aaral at paglalaro.

9

Lokal na Literatura Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na

The Influence of Technology

on College Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad. Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang kasaysayan at kultura ay may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan. Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pang impluwensya ng gadyets. Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya ng impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano

sila

makitungo

sa

kanilang

kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-

aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod, Mp3 players,

at

online social

networks

gaya ng

facebook, twitter, instagram.

Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaring makapag

pabago

sa

uri

ng

kanilang pag-iisip. Ang mga

malaking impluwensya saacademic performance

nila

sa

loob

ng

ito ay may klase. (Howe,

Markiewicz at Strauss, 2008). Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa 10

kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay. Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas nang may katuturan. Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos 29% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante. Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng media sa

pag-aaral

ng

mga

mag-aaral.

Napag-alaman

nila

na

mayroon

malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa

itong

kanilang

kaibigan, kamag-aral, at guro. Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na globalisasyon, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa. 11

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit nan g computer sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang personal computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa ibat ibang uri ng pakikipag- transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas ang siyang cellphone capital of the world, dahil ultimong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit nang cellphone. Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pagunlad maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pagunlad ng teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag aaral. Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng teknolohiya ay binusisi at pinag aralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o hindi. Kanilang hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naayon sa umiiral na batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon.

12

KABANATA III Disenyo at Mitodo ng Pananaliksik Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral. Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon at pangangalap ng datos pati ang istatistikong sinulat. Disenyo ng Pananaliksik Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na pananaliksik. Descriptive correlation ang ginamit namin upang mailarawan ang epekto ng gadyets sa mga mag-aaral. Correletional upang matukoy ang matukoy ang epekto ng Gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante. Mga Respondente Ang mga mananaliksik ay pumili ng sampung estudyante sa ibat ibang seksyon sa Baesa High School na nasa ikasampung baitang na nagsilbing respondente na sumagot sa serbey ng mga mananaliksik, sa kabuuan ang bilang ng mga respondente ay 50. Ang pagpili ng respondente mula sa Baesa High School ay gagamitan ng random sampling sapagkat pili lamang ang mga estudyanteng na bibigyan ng katanungan para sumagot sa mga tanong.

Pamamaraan ng Pananaliksik

13

Ang pananaliksik na ito ay ginawa at binuo ng mga estudyante ng Our Lady Of Fatima University Valenzuela Campus. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o kwestyuner na sasagutan, gumamit din ang mga mananaliksik ng mga aklat upang matukoy ang kahalagaan ng gadyets sa ating lipunan. Ang mga mananaliksik ay nagpunta saInternet at mga silid aklatan sa pagkuha ng mga araling may kinalaman sa pagkupas at pagbago-bago ng henerasyon ng teknolohiya. Kumuha naman ang mananaliksik ng ibang estudyante na kapaloob sa aming respondente at pinasagutan ang mga tanong na nakasaad sa sarbey Istatistikal na Ginamit Ang istatistikal na ginamit ay percentage at freguency distribution upang ilarawan ang propayl ng mga mag aaral. Ginamit ang percentage technique upang Makita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkakamukhang mga sagot sa isang particular na tanong. Mean ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas nilang gamiting teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral

14

KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa sarbey kwestyuner ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang ng Baesa High School.

Propayl ng mga Respondente Talahanayan Blg. 1 Kasarian ng mga Respondente

KASARIAN

BILANG NG SUMAGOT

BAHAGDAN

Lalaki

23

46%

Babae

27

54%

KABUUAN

50

100%

Ang Talahanayang blg. 1 ay naglalaman ng kasarian ng 50 mga respondente nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Ipinapakita ditto na mas marami ang mga respondenteng babae na may bilang na 27 katao o 54%, kaysa sa bilang ng mga lalaki na 23 katao o 46%.

15

Talahanayan

Blg.

2

Edad ng mga Respondente

EDAD

BILANG NG SUMAGOT

BAHAGDAN

14

1

2%

15

10

20%

16

28

56%

17

7

14%

18

4

8%

KABUUAN

50

100%

Ang Talahanayang blg.1 ay naglalaman ng edad ng 50 mga respondente. Sila ay may gulang mula 14 hanggang 18 na taon. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinipakita ditto na mas marami ang mga respondenteng may edad 16 na may bilang 28, bahagdan 56% . Sumunod ang bilang ng mga respondenteng may edad 15 na may 10 katao na may bahagdan 20%. At sumunod ang 17 taong gulang na may bilang na 7 katao, bahagdan na 14%, May edad na 18 na may bilang 4 na katao katumbas ng 8%. At ang pinaka-kakaunting bilang ay ang may edad na 14 na may isang katao lamang, bahagdan 2%.

16

Ilang gadyets mayroon ang isang mag aaral 2% 4% isa

28% dalawa

66%

tatlo

apat pataas

Ayon sa nakalap na datos 66% ng respondente ang sumagot ng isa. 28% naman sa dalawa. 4% sa tatlo at 2% naman sa apat pataas. Makikita na karamihan sa mga respondente ay iisa ang ginagamit sa gadyets sa kanilang pag-aaral habang ang iilan ay dalawa pataas na.

17

Sa anong edad natutuhang gumamit ng gadyets 0 4%

8-9 taong gulang

42%

10-12 taong gulang 54% 14-16 taong gulang 17 pataas

Ayon sa nakalap na datos 54% ng respondente ang sumagot ng 8-9 taong gulang. 42% naman ang 10-12 taong gulang at 4% naman ang sumagot ng 14-16 taong gulang. Makikita na karamihan sa mga respondente ay natutuhang gumamit ng gadyets noong sila ay 8-9 taong gulang. Habang ang iilan naman ay 10 hanggang 17 pataas naman.

18

Nakaimpluwensyang gumamit ng gadyets 4%

Kaklase 46%

50%

Kaibigan

Kamag-anak

Ayon sa nakalap na datos 50% ng respondente ng kaibigan. 48% naman ang kamag-anak at 4% naman ang sumagot ng kaklase. Makikita na karamihan sa mga respondente ay kaibigan ang nakaimpluwensya na gummit ng gadyets. Habang ang iilan ay kaklase at kamag-anak ang nakaimpluwensya.

19

Oras na ginugugol sa paggamit ng gadyets

26%

1-2 oras

44% 3-4 oras

5 oras pataas 30%

Ayon sa nakalap na datos 44% ng respondente ang sumagot ng 1-2 oras. 30% naman ang 3-4 oras at 26% naman ang sumagot ng 5 oras pataas. Makikita na karamihan sa mga responmdente ay isa hanggang dalawang oras ang naigugugol sa paggamit ng gadyets. Habang ang iilan naman ay tatlo hanggang limang oras pataas.

20

Kahalagahan ng gadyets 8%

oo

hindi

92%

Ayon sa nakalap na datos 92% ng respondente ang sumagot ng oo at 8% naman ang sumagot ng hindi. Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mahalaga sa kanilang pag-aaral ang paggamit ng gadyets. Habang ang iilan ay hindi

21

Mas mainam na gamitin sa pag-aaral

22%

0

46%

Cellphone Tablet Laptop Kompyuter

32%

Ayon sa nakalap na datos 46% ng respondente ang sumagot ng kompyuter. 32% naman saLaptop at 22% sa cellphone. At wala naman satablet Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mas mainam na gamitin ang kompyuter para sa kanilang pag-aaral. Habang ang iilan ay saLaptop at Cellphone.

22

Paano nakakatulong sa pag-aaral 2%

Nakakatulong ito, mas napapagaan nito ang paghahanap sa aking takdang aralin

Hindi ito nakakatulong dahil sagabal ito sa aking pag-aaral 98%

Ayon sa nakalap na datos 98% ng respondente ang sumagot ng nakakatulong ito, mas napapagaan nito ang paghahanap sa aking takdang aralin. At 2% naman ang sumagot ng hindi ito nakakatulongg dahil sagabal ito sa aking pag-aaral. Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing nakakatulong ang gadyets sa pag-aaral dahil mas napapagaan nito ang paghahanap ng aking takdang aralin. Habang ang isang sumagot ay sinabing hindi ito nakakatulong sa kaniyang pag-aaral dahil sagabal ito.

23

Mabuting/masamang epekto sa pag-aaral 2% 6%

44%

48%

Oo, dahil imbes na gumawa ng takdang aaralin mas nauuna pa ang pagsosocial media at pakikipagtext Hindi, dahil kaya namang pagsabayin ang pagsosocial media/pakikipagtext sa pagaaral Oo, dahil ito ang dahilan kung bakit napapabayaan ang pagaaral Hindi, mas nabibigyang ginhawa ang isipan kapag nakakapagsocial media/nakikipagtext

Ayon sa nakalap na datos 48 % ng respondente ang sumagot ng hindi, dahil kaya namang pagsabayin ang social media at texting sa pag-aaral. 44% naman ang oo, dahil imbes na gumawa ng takdang aralin mas nauuna pa ang pagsosocial media at pakikipag text. 6% naman ang hindi, mas nabibigyang ginhawa ang isipan kapag nagsosocial media/ pakikipagtext. At 2% naman ang oo dahil ito ang dahilan kung bakit napapabayaan ang pag-aaral Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mabuti ang epekto sa kanilang pag-aaral ang gadyets dahil kaya naman nila pagsabayin ang pagsosocial media. Habang ang iilan ay sinasabing masama ang epekto sa kanila dahil imbes gumawa ng takdang aralin mas nauuna pa ang pagsosocial media at pagtetext.

24

Komunikasyon gamit ang gadyets

Oo Hindi 98%

Ayon sa nakalap na datos 98% ng respondente ang sumagot ng oo. At 2% naman sa hindi. Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing epektibo ang paggamit ng gadyets sa pakikipagkomunikasyon. Habang ang iisa naman ay sinasabing hindi epektibo.

25

Importansya sa pag-aaral 6%

Hindi, dahil parte na ito ng aking buhay

4%

6% Oo, dahil hindi naman ito katulad ng pagkain, mabubuhay pa din naman ako kahit wala ang mga ito Hindi, dahil wala na akong mapagkukunan ng impormasyon

84%

Oo, dahil may ibang bagay pa namang magiging kapalit kapag ito'y nawala

Ayon sa nakalap na datos 84% ng respondente ang sumagot ng oo dahil hindi naman ito katulad ng pagkain, mabubuhay pa din naman ako kahit wala ang mga ito. Parehong 6% naman ang hindi dahil wala na akong mapagkukunan ng impormasyon at oo dahil may iba pa namang magiging kapalit kapag ito’y nawala. At 4% naman ang hindi dahil parte na ito ng aking buhay. Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mabubuhay sila kahit wala ang gadyets dahil hindi naman ito katulad ng pagkain na kapag nawala ay hindi na tayo mabubuhay. Habang ang iilan ay nagsasabing hindi.

26

Kabanata V Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon Lagom Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng pananaw at opinyon ng magaaral tungkol sa epekto ng napapanahong gadyets. Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng Descriptive correlational upang ipakita ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante. Ito’y nagpapakita ng isang paglalarawan ng kasalukuyang kalagayan. Ito’y isang berbal na paglalarawan. Ang mga respondente ay binubuo ng limampung (50) mag-aaral mula sa ika-sampung baitang sa mataas na paaralan ng Baesa. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Baesa High School. Ginagamit ang percentages at frequency distribution upang ilarawan ang propayl ng pag-aaral. Mean naman ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas gamitin na gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral. Ang mga datos ay gagamitin bilang pamiling impormasyon sa pamamagitan nito malalaman ang porsyento ng mga estudyanteng sumasang-ayon kung nakakaapekto nga ba sa kanila ang gadyets. Nakalap at naisaayos ng mga mananaliksik ang mga datos at impormasyong kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang istatistikal tritment ng gagamitin sa datos ay P=f/n x100. Nakamit at nagawa rin ng mga mananaliksik ang kanilang layunin sa paggawa ng nasasabing pag-aaral.

27

Konklusyon Batay sa inilahad na datos. Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod na konklusyon. 1. Inilahad sa pananaliksik na ito na mas marami ang babae (54%) kay sa lalaki (46%) na rumisponde sa aming ginawang pagsasarbey. 2. Marami ang bilang ng mga mag-aaral na may edad na 16 taong gulang (56%), mas marami ang bilang ng isang gadyets lamang ang ginagamit ng isang mag-aaral. 3. Mababatid nacomputer (46%) ang madalas gamitin ng estudyante sa paggawa ng kanilang gawang pang-eskwelahan. 4. Mas mataas ang porsyento ng mga estudyanteng nagsasabing kaya nilang mag-aral kahit wala ang gadyets. 5. Masasabing mahalaga ang gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral. 6. Mapapansin na kayang pagsabayin ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral habang sila’y nagsosocial media at nakikipagtext. 7. Base sa sarbey ang gadyets ay di-gaanong nakakasamang nakaapekto sa kanilang pagaaral ayon sa nalikom na datos.

28

Rekomendasyon Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Para sa mga mag-aaral, ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ay nasa di-gaanong mababa. Dapat may wastong paggamit ng oras kapag gumagamit ng gadyets upang hindi makaapekto sa paggawa ng takdang aralin at proyekto. 2. Kailangan ng matalinong pag-iisip kapag ika’y gumagamit ng gadyets kung paano pagsasabayin ang pagsosocial media/pakikipagtext sa paggawa ng gawaing paaralan. 3. Para sa mga guro, ugaliing ituro sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng gadyets.

29

Departamento ng Filipino Filipino 2 – Pananaliksik Talaan ng panelista sa pagdepensa ng tesis Kurso/taon/seksyon: ABM 2016-17 11-7

Araw/Oras ng klase:

Pangkat Bilang: unang grupo

Petsa ng Depensa: Pebrero 27, 2017

Pamagat ng thesis: EPEKTO NG GADYETS SA MAG-AARAL NG ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT NG SENIOR HIGH SCHOOL SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY Kategorya:

Marka/grade:

Dami ng impormasyon Kalidad ng impormasyon Pinaghanguan/batayan/dokumentasyon Mga dayagram at ilustrasyon Balangkas Mga tala Konstruksyon ng mga talata Gamit ng internet Unang borador Mekaniks Pansamantalang marka

(5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) (5 4 3 2 1) _____________(x2) = ________

Suhisyon ng mga pagbabago: 1. 2. 3. 4. 5. Pinagtibay ni:

Binigyang pansin ni:

Panelista

Bb. Ardelyn F. De Leon Tagapayo

Pagsisiyasat Ayon sa Pag Gamit at Kaalaman ng Kabataan 30

More Documents from "Chichan Atienza"