New Yorker na Taga Tondo by Group 3 =)
Characters/Cast: Kikay – Nagpuntang New York upang mag aral ng cosmetology at hair styling ng sampung buwan at pagbalik nang Tondo, tila walang maalala. Gusto niyang itawag sakanya ay Francesca. Tony – Kababata nila Kikay, Nena at Totoy. Enhinyero. Nakipag engaged kay Kikay bago umalis patungong New York si Kikay. At nakipag sikretong-engagement rin kay Nena nang hindi nakakausap si Kikay ng matagal. Totoy – Kababata nila Kikay, Nena at Tony. May matagal nang pagtingin kay Nena. Nena – Kababata nila Kikay, Totoy at Tony. Nakipag sikretong engagement kay Tony. Simpleng babaeng tiga Tondo. Mrs. Mendoza / Aling Atang – Nanay ni Kikay Mr. Mendoza / Mang Roger – Tatay ni Kikay na aliw na aliw sa mga gadgets na pinag bibili ni
Kikay sa America.
SCENE 1: Mga 10 ng umaga. Kakatok si Tony sa tahanan nila Kikay at bubuksan ng pinto ni Mrs. M.
Characters for scene 1: Tony, Mrs. M, Mang Roger Mrs. M: (habang papalakad sa pinto) Hay Diyos ko, bisita bisita! bisita nanaman! Buong hapon may bisita! Na-ku! I’m beginning to feel like a society matron. (pag bukas ng pinto, nasa harap si Tony. May dalang bouqet ng bulaklak. tony is 26, dressed to kill and is the suave type of guy. sa ngayon, kinakabahan si Tony.) Mrs. M: O! Tony! Aba'y akala ko'y nasa probinsya ka??? Tony: (Nakatitig) uhh........ ikaw ba yan, aling atang!?!?? Mrs. M: (tumatawa) SIYEMPRE AKO, lokong bata to. Aba'y sino bang inakala mo? Si CARMEN ROSALES!?? Tony: Hi-hindi mo kamukha si alang atang! Mrs M: (nahihiyang hinimas ang bagong gupit na buhok) Nag pagupit ako.. Ganun ba kapangit?? Tony: Naku hindi! Hindi!! Ang ganda niyo ho, Aling Atang! Sa isang saglit inakala ko'y ikaw si Kikay! Kamukha niyo ho ang anak niyo! Mrs M: (Naglalarung sinampal sa Tony sa pisngi) Ikaw talaga Tony, palikero as ever! Pero pasok ka, pasok ka!! Halika tony, maupo ka!! Nako ayan si Roger, binigyan ni Kikay ng aypad aypad na yan, hindi ngayon mabitaw bitawan! Tony: Magandang umaga po Mang Roger! (ibinaba ang sumbrero habang bumati) Mang Roger: (Kumakanta nang wala sa tono) Mrs M: HOY RODYER!! (Pumunta sa harap ni Mang Roger) Ayan si Tony o, binabati ka! Mang Roger: O! Aba'y si Tony pala 'to eh! Maupo ka iho, anong gusto mo? May tsokoleyt dyan oh, dala ni kikay, nako kaysarap! Tony: Ah naku, salamat po. E ano ho ba iyang nakasabit sa inyo?
Mang Roger: Alen? Ay eto ba? Pasalubong kamo sakin ni Kikay.. Este PRANSES-KA pala (aysus) Didyital kamira ba. Mrs M: Itong anak namin, kung ano anong pinagbibili! Itong si rodyer nama'y aliw na aliw! Mang Roger: (kinakalikot likot ang kamera, iPod atbp.) Tony: Mukhang nage-enjoy nga po eh. Eh maiba ho tayo. Kumusta na po si Kikay? Kelan ho ba siya nakauwi? Mrs M: nung Lunes. Hay... nung Lunes lang nakauwi yang batang yan. and look what has happened to me! Pagkakitang pagkakita sakin, nako! Galit na galit! Mukha daw ba naman akong losyang? Agad agad akong kinaladkad sa parlor! pinag pedikyur ako, pinaayos ang kilay ko, at pinag selopeyn pa ang buhok ko kamo! Pupunta nga lang ako ng palengke, pinag lilipstick pa ko! Sabi pa niya, dapat daw akong matuto kung paano umasta at magmukhang pute. Dios mio, mukha ba kong americano!? Tony: (too worried to pay attention) You look wonderful, Aling Atang. E nasaan na siya ngayon?? Mrs M: (caught up in her troubles) Ha? Sino? Tony: Si Kikay!? Mrs M: (pabulong) Ah.. Eh.. Natutulog pa.. Tony: (sabay tingin sa relo niya) NATUTULOG??? Mang Roger: Ang sabi kasi niya, sa Nyu York daw hindi gumigising ang mga tao bago mag alas dose. Tony: E 10 o clock palang ngayon eh Mang Roger: (habang nag p-PSP) Nako, iho busy kasi yun.. Biro mo pag uwi dito-- welcome parties dito, welcome parties doon! Aba'y para nang turumpong umiikot sa buong Maynila yun eh! Tony: (tumayo at medyo na-aatat) Nako, mauuna nalang ho ako kung ganun, paki banggit nalang po na gusto ko siyang makita at paki abot na rin ho itong mga bulaklak. Mrs. M: Nako nako diyan ka lang!!! Wag kang aalis at gigisingin ko na siya para sayo Tony! Tony: Salamat Aling Atang Mrs. M: oh.. nako Tony.. Hindi mo pala ako maaaring tawaging "Aling Atang"..... Tony: Ho?? Bakit naman? Mrs. M: Ayaw kasi ni Kikay eh. Sabi niya mas civilized daw kung tatawagin akong "Mrs. Mendoza". Tony: Ay ganun ho ba.. Sige Aling.. Este.. Mrs. Mendoza. (Mrs. M. paalis na nang may maalala at humarap kay Tony) Mrs. M: Ay oo nga pala Tony. About Kikay.... Hindi mo rin pala siya maaaring tawaging "Kikay". Ayaw na ayaw niya yun! Tony: E ano hong itatawag ko sakanya kung ganon? Mrs. M: Francesca. Tony: Fransisca? Mrs. M: Hindi Francisca. Fran..CES..ca!
Tony: Pero bakit? Mrs. M: Sa New York kasi, ito ang tawag sa kanya. At akalain mo ba namang napag kakamalan siyang Italianang galing California sa pangalan niyang yun? Ah basta ha! Fran-CES-ca! Tony: Opo Mrs. M. Mrs. M.: O siya. Diyan ka lang at gigisingin ko na si FranCESca. (biglang may kumatok) Mrs. M.: Ay dios mio! Tony: Ako na ho dun Mrs. Mendoza. (pagbukas ng pinto)
SCENE 2: Ang pagdating ni Totoy Characters: Totoy, Tony, Mang Roger
Tony opens door and Totoy steps in. Totoy is the same age as Tony and is more clearly a Tondo shiek. The one word that could possiblby describe his attire is “spooting”. Both boys extend their arms out wide on beholding each other. (si Totoy, maporma at mabango. Nagyakapan at nagkotongan ang isa't isa) Totoy: TONY!!! Tony: TOTOY!!! Totoy: Anak ka ng tatay mo, kumusta ka na!! Tony: ikaw kalabaw ka! Ikaw ang kamusta? Mang Roger: Op! Op! Op! (nakatutok ang camera sa dalawa) kodakan ko muna kayo!! Totoy: Mang Roger, kumusta po. (sabay mano sa kamay ni Mang Roger) Mang Roger: I'm good! I'm good! Have a seat. (naupo ulit at nagkalikot uli ng kung ano anong gadget) Totoy: Make way for the tondo boys! Bang! Bang! Bang! (habang kaakbay si tony at nagmamartsa) Tony: Halika, o etong sigarilyo. Totoy: (nakaupo. habang nagyoyosi) Teka. Akala ko nasa batangas ka ah? Tony: Oo, eh nagpunta lang ako dito para bisitahin si Kikay. Totoy: (pabulong) Tony.. balita ko kung ano ano na nangyayari jan ke Kikay simula nang nagpunta jan sa New York... Tony: (*sigh*) hayy.. maski ako man. Mang Roger: Nako. Wag mong tatawaging Kikay yun at magagalit. FranCESca na siya ngayon. Tony: Tsk.. tsk.. Totoy: franCESca? Tony: Ang dating Miss Tondo, ngayo'y Miss New York na. Our dearest Kikay... Kana na ngayon!
Totoy: Kikay? Kana? HAHAHA wag ka ngang magpatawa! Dati lang nagbebenta lang yan ng puto sa may kanto eh (sabay tayo at pabirong ginagaya si Kikay nung bata pa) "puto kayo jan! bili na kayo ng puto!" Mang Roger: Hehehe gayang gaya! Naalala niyo ba nung tinulak niyo siya sa kanal noon!? Totoy: OO! Hinabol pa niya tayo sa kahabaan ng kalye, Tony! HaHaha (biglang may kumatok)
SCENE 3: Ang pagdating ni Nena
Characters: Nena, Tony, Totoy, Mang Roger Knocking at door. Totoy goes to open it. Enters Nena. Nena is a very well-possessed young lady of 24. (binuksan ni Totoy ang pinto at nagliwanag ang mukha nang makita si Nena. ) Totoy: (Totoy widely opens his arms in delight while Nena pushes her away and embraces Tony) Nena, my love! Nena: hi totoy. UY SI TONY! Tony: Nandito kami para batiin yung galing New York Nena: Ako rin! Nasaan Siya? Oh, Hi Mang Roger! Mang Roger: (Bising bisi kakakinig sa aypad at kakalaro ng PSP) Totoy: Hindi ka niyan maririnig, tuwang tuwa sa mga hi-tetch niya eh. Mang Roger: Nga pala, Totoy. Halika, ipapakita ko sayo yung bago kong dinownload na laro sa interrnet. DOTA ba yun. Totoy. DOTA!!! OBA!! Tara! (umalis si Mang Roger at Totoy. Naiwan si Nena at Tony)
SCENE 4: Ang sikretong engagement ni Nena at Tony Characters: Nena, Tony
(umalis si Mang Roger at Totoy. Naiwan si Nena at Tony) Nena: .... Tony: ........ Nena: Well.......? Tony: Dapat hindi ka nagpunta ngayon, Nena. Nena: Hindi mo pa ba nasasabi kay Kikay??? Tony: .......Kinabahan kasi ako kagabi, Nena. Nena: Hayyyyyy... Tony! Tony! Tony: (naiiritang ginaya ang tono ni Nena) Hayyyyy... Tony! Tony! Nena naman! Saan ka nakarinig ng lalaking binabawi ang engagement sa babae?? Ang hirap kaya nun!
Nena: (hingang malalim) *hay..* Sabihin mo sakin, mahal mo ba si Kikay o ako? Tony: Siyempre ikaw ang mahal ko. at engaged rin ako sayo. Nena: (bitter) PATI KAY KIKAY engaged ka rin. Tony: Pero last year pa yun!! Nena: IKAW TONY AH!!!! (galit sabay talikod) Tony: (hinabol si Nena at niyakap) Nena.... alam mo namang ikaw ang mahal ko... Nena: (hawak ang mukha ni Tony) Paano mo nagawang magpropose sakin nang engaged ka pa pala sa iba?? Bakit mo pa ko pinahulog sayo gayundin namang engaged ka na! Sa kaibigan ko pa! Tony: Hi.. hindi ko na rin kasi naisip.. Parang wala na rin naman kami ni Kikay simula nung umalis siya. Nag-propose ako sakanya bago siya magpuntang New York. At sabi niya itatago lang namin ito as a secret hanggat hindi siya bumabalik dito. Pero makalipas ang dalawang buwan, hindi na niya sinasagot ang mga sulat ko.. Kaya't inakala ko'y malaya na ako muli. I'm a free man! Nena: (bitter) KAYA NAG PROPOSE KA SAKIN. GANON? Tony: (nauutal-utal) uh... o..Oo.. Nena: (naiiyak na galit) PAGKATAPOS AY IHIHILING MO SAKIN NA ISIKRETO ANG ENGAGEMENT NATIN!!??? Tony: Only because nalaman kong babalik pala si Kikay! Nena: Well, Tony.. PAGOD NAKO! Pagod na ko bilang isang SIKRETO LANG! Anong saya ng maengage sa taong mahal ko kung hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa tao! Tony: Bigyan mo muna ako ng pagkakataong makausap si Kikay, Nena... Nena: Sige.. Aayain ko si Totoy mag halo halo muna sa labas habang kakausapin mo si Kikay mamaya. (dumating si Totoy.) (nagmamadaling dumating rin si Mrs. M.)
SCENE 5: Kikay, the new Yorker
Characters: Nena, Totoy, Tony, Kikay, Mrs. M Kikay appears.. From one hand she dangles a large handkerchief with which she keeps waving as she walks and and talks. In other hand she carries a very long cigarette holder with unlighted cigarette affixed. (dumating si Totoy.) (nagmamadaling dumating rin si Mrs. M.) Mrs. M: Nandyan na si FRANSESCA!! (kikay napatitig sa mga tao) Kikay: Oh hello darling people!!(kaway, dramatically) Nena my dear…… But how cute you have become..(sabay beso sa magkabilaang pisngi ni Nena) and Tony, my little pal from the kanto… how are you? (pats tony in the hand)
And Totoy… my, how ravishing! oh mumsy! Mrs. M: O ano nanaman ngayon? Kikay: How many times I must tell you, never to serve fruit juices in water glasses? Mrs. M: E hindi ko mahanap yung mga magagarang basong pinagbibili mo eh. Kikay: Oh, poor li’l mumsy.. she is so clumsy noh? But never mind, don’t break your heart about it. Here sit down. Mrs. M: Nako! Mamamalengke pa ko. Kikay: Oh, don’t forget my celery, mumsy! I can’t live without it. I’ like a rabbit.... munch, munch all day! Mrs. M: Sige, mauna na ko ha. Kikay: Mumsy, mumsy!! a little bloom on the lips and cheeks! (referring to lipstick and blush on before going out) Mrs. M: Kikay..?? Kailangan ko ba talaga? Mamamalengke lang naman ako. Kikay: Ah-ah-ah mumsy! (nakapikit at di nakikinig kuno) Mrs. M: Do i have to wear make-up just for the market, FRANSESCA? Kikay: Poor mumsy! (laughing dramatically) she's quite a problem! (naglabas ng yosi, waving it) oh, does anybody have a light? (Sinindihan ni Totoy) Kikay: Merci! Totoy: Ha? Kikay: I said, Merci. That means Thank You.. in French! Totoy: oh! (patawang sinabi) Merci! Nena: Magkuwento ka naman tungkol sa New York! Kikay: OHhhh! New york! New York! Tony: Gaano ka ba katagal doon? Kikay: (tuwang tuwa) 10 months, 4 days, 7 hours and 21 minutes!! Totoy: (pabulong sa mga kasama) at hanggang ngayon nandun parin siya... (sabay irap) Kikay: Yes, I feel as if I was still there, as though I had never left it, as though I lived there all my life. But I look around me and I realized that no, no, I’m not there. I’m not in New York , I’m at home. But which is home for me, this cannot be home because here, my heart aches with homesickness.. Nena: haynako.. Totoy.. samahan mo nga ko jan sa kanto. Kukuha ako ng Gulaman! Totoy: SURE, my love! (exit ang dalawa)
SCENE 6: Ang engagement ni Tony at Kikay at ang pag tutol ni Kikay Characters: Tony, Kikay
(exit ang dalawa) (naiwan si Tony at Kikay) Kikay: Haha! Totoy talaga... still has that mad crush on Nena as ever. Poor boy.. Tony.. what are you so miserable about? Tony: Kikay.... Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan to.. Kikay: Call me FRANCESCA, that's a good start. Tony: Mahalaga ang sasabihin ko sayo. Kikay: Oh Tony.. Can't we not forget it nalang?? Tony: FORGET??? Kikay: That's how people are in New York.. Nothing must ever get too serious. Tonight, give all your heart, tomorrow, forget. And when you meet again, smile and shake hands.. just good sports! Tony: Anong sinasabi mo??? Kikay: Tony.. bata pa ko noon.. Tony: Kelan???? Kikay: Nung... we were engaged.. Nagbago na ko ngayon, Tony. So much! Tony: Last year lang yun. Kikay: To me, it seems a century. So much had happened to me. More can happen to you in just one year in New York . Tony: Kikay, ayoko nang pag usapan ang New York. Pag usapan nalang natin ang engagement natin. Kikay: Hindi na pwede Tony. Tony: Bakit?? Kikay: Tony, you got engaged to a girl named Kikay. Well, that girl doesn’t exist anymore. Patay na siya! The person in front of you now is FRANCESCA! I hate to hurt you, Tony but don't you see!? Imagine, a New York Girl, marrying a Tondo Boy!!! THAT'S INSANE! Tony: Hindi ako nagpunta ditto para mainsulto nang ganito...!! Kikay: Hush! Tony! Hush! Don’t shout, don’t lose your temper. It’s so uncivilized. People in New York don’t lose their temper. Tony: ANONG GUSTO MONG SABIHIN KO? NGUMITI AT MAG PASALAMAT SA MGA SINABI MO? Wow, merci ma'daam! Kikay: Yes, Tony. Be a sport. Friends nalang, huh? Tony: Kung hindi ka lang babae......... (himas himas ang mga kamao at bumebwelo) (sabay dating nila totoy at nena)
SCENE 7: Climax of the story. Mag aaway ang apat Characters: Tony, Totoy, Kikay, Nena
(sabay dating nila totoy at nena) Totoy: OPS!! TONY!! BABAE YAN!! Nena: Anong kaguluhan ito? Kikay: Oh nothing! Nothing at all.. :) Totoy: Anong pinag aawayan nyo? Kikay: Hindi kami nag aaway.. We just decided to be friends. Nena: Tony, totoo ba to? Tony: OO!! Nena: PWEDE NA NATIN SABIHIN, KUNG GANON?? Kikay: Sabihin ang what? Totoy: Ano to!? (titig kay nena) Nena: Engaged na kami ni Tony. Kikay and Totoy: ENGAGED!??!?!? Nena: Yup! Isang buwan na kaming engaged! Kikay: ISANG BUWAN!?!?!? Why you.... you...... (galit) Tony: I was trying to tell you diba? Kikay: You unspeakable cad!! Nena: HOY! Wag mong pagtataasan ng boses ang Fiance ko! Kikay: He's not your fiance! Nauna kaming ma-engaged! (sabay hila kay tony) Nena: Well, ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo nang ma-engaged engaged! (hila kay tony) Tony: Now remember, Kikay… it’s so uncivilized to lose one’s temper, People in New York don’t lose their temper. Kikay: I’ve never felt so humiliated in all my life!! You beast, I’ll teach you!! (habol kay tony, galit na galit) Nena: WAG MONG HAHAWAKAN ANG FIANCE KO! Kikay: HINDI KO PA SIYA PINAKAKAWALAN! (Sinusubukang awatin ni Totoy si Kikay) WAG MO KONG PAKIELAMAN O UUMPOG KO ULO MO SA PADER!! Totoy: Naku, lumabas rin ang pagka Tondo! Nena: Eskandalosa! Kikay: Mang aagaw! (sinapak ni Kikay si Nena.. Sinapak rin ni Nena si Kikay at napalakas at tumilapon si Kikay.) Tony: Nena ano ka ba!
Nena: ANO!? Hindi mo ba nakitang ako una niyang sinapak? (ihiniga ni Totoy si Kikay sa sofa) Tony: Tignan mong ginawa mo sa kanya! Nena: PINAG TATANGGOL MO SIYA?? KAHIT KELAN HINDI MO KO PINAGTANGGOL! Tony: SHUT UP!! Nena: I hate you! I hate you!! Tony: Tumahimik ka kundi makakatikim ka sakin! (hawak ang braso ni Nena) Totoy: (iniwan si Kikay. si kikay nagigising gising na) HOY! Wag mong kakausapin ng ganiyan si Nena! Tony: Wag kang makikealam dito! Nena: Buti pa si Totoy. Ipinagtatanggol ako. (iyak) Totoy: Bitawan mo si Nena! Tony: Wag kang makialam sabi eh! (sasapakin dapat ni Tony si Totoy, naunahan lang ni Totoy at tumilapon si Tony) Nena: Oh Totoy! U saved me! (pinuntahan agad ni Kikay si Tony) Kikay: (nakaluhod kay Tony) Tony.. Tony.. Gising!! Tony: Wag mo kong hahawakan! (tumayo si Kikay iniwang nakaupo sa sahig si Tony) Nena: Umalis na tayo dito Totoy! Totoy: Siya parin ba ang Fiance mo? (sabay turo kay Tony) Nena: I hate him! Ayoko na makita ang pagmumuka niya kahit kailan! Totoy: MABUTI. Halikana. Tony: HOY! Nena: Wag mo akong kakausapin, bastardo! Tony: Hindi ikaw ang kausap ko! Totoy: At wag mo rin akong kakausapin. Ininsulto mo ang babaeng mahal ko. Nena: Oh Totoy... Bakit hindi mo sinabi sakin? Totoy: O ngayon alam mo na. Tony: CONGRATS! (inis) Nena: Halikana, darling. At ayoko ang amoy sa lugar na to.
SCENE 8 ang pagbabalik ni Kikay. At ang pagbati ng dalawa. Characters: Tony, Kikay
(wala na sina Totoy at Nena) (Kikay at Tony- tahimik..) Tony: Masaya ka na ba Kikay? Sinira mo buhay ko. Kikay: Sinira ko buhay mo??? IKAW ANG SUMIRA NG BUHAY KO! Don't you dare touch me, you CANTO BOY!! Tony: WAG KANG MAG ALALA. Hindi ko na magagawang lapitan ka man lang kahit kailan. Sampung buwan… SAMPUNG BUWAN at nakalimutan mo agad mga tunay mong kaibigan! Kikay: YES! 10 months it is..! At anong ginawa mo!? Nung engaged tayo nangako kang magiging totoo.. nangako kang hihintayin mo ko. Balimbing! Tony: Aba anong iniiyak iyak mo jan? Be brave! FORGET! Ganun sa New York diba? Nothing must eeeever be too serious. Kikay: Oh Tony! PLEASE! PLEASE! Tony: Isa pa, imagine mo nalang a NEW YORK GIRL, marrying a TONDO BOY!! Kikay: Oh tony... patawarin mo na ako, Tony.. Nagpakatanga ako! Tony: Okey lang yun! Buti nga nakilala ko pa ang tunay na kikay eh. Kikay: Oh tony... Mali ka!! Hindi ako yun.... Si Francesca ang nagsabi ng lahat ng iyon. Wala na si Francesca, Tony. Ang babaeng nasa harap mo ngayon ay si Kikay. Tony: ... Kikay: Tony... Ako si Kikay! Naaalala mo pa ba? Tony: Sa aking pagkakaalam, fiance ko dati yung si Kikay. Kikay: TAMA! At hanggang ngayo'y engaged parin kayo, Tony! Tony: Welcome home, Kikay!! Kumusta byahe? Kikay: HORRIBLE, Tony! Hindi ako makapag hintay na makauwi! Tony: Bakit hindi mo sinasagot mga sulat ko? Kikay: Ayaw ako payagan ni Fransesca, Tony. Tony: Ang babaeng yon...... Buti nalang wala na siya! (dadating si Mrs. M bigla sabay tawag kay Kikay)
SCENE 9 closing- kakauwi lang ni Mrs. M. galling palengke at walang malay sa kaguluhang nangyari kanina lang Characters: Kikay, Tony, Mrs. M, Mang Roger
(dadating si Mrs. M bigla sabay tawag kay Kikay) Mrs. M: Oh Frances.... O! Tony! Nandito ka pa pala? Nako Francesca.. Wag kang magagalit ha.. Wala akong mahanap na Celery sa palengke eh!
Kikay: Ok lang nay! Hindi naman ako mahilig sa Celery eh. Mrs M: Hindi mahilig?? Kanina lang sabi mo hindi mo kayang mabuhay without it. Tony: Si Francesca ho yun, Aling Atang. Patay na ho si Francesca. Si Kikay hu yang kausap niyo.. Mrs. M: Francesca, Kikay--iisa lang yun eh! Kikay: Hinde, nay. Hindi ako si Francesca. Ako si Kikay! Mrs. M: Dios mio, aywan ko sa inyo! (sinaksak ni Mang Roger ang iPod sa speaker at nagpatugtog ng kanta) Mang Roger: Nako, paborito ko tong kantang to ah. Snoop Dogg to noh? Kikay: Yang kantang yan... unang narinig ko yan sa New York. Tony: Ops! Kikay: Sorry, mahal. Maaari ba kitang isayaw? Tony: aba'y syempre! (the end)