Nating.docx

  • Uploaded by: zarah
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Nating.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,322
  • Pages: 5
Nating By: Valente Cristobal PANIMULA: Valente Cristobal’s Nating(1908), the best known and best-loved Hiligaynon sarswela, has the central figure kidnapped by Roberto, leader of a band of men farming in the mountains. The situation serves as a test for her three suitors, Aniceto the Lawyer, Enrique the Richman, and Jose the Farmer. It also creates the occasion for Roberto’s men to speak of them and the fate, fortune or injustice that had led them to live or the mountain away from their loved ones.

EKSENA 1: Dumating ang tatlong manliligaw ni Valenciana na sina Aniceto, Enrique, at Jose at sabay-sabay na hinarana ang dalaga. Enrique: Ako ang unang nanliligaw, malinis at pino ang aking paggalaw. Kung yaman lang din ang pag-uusapan, syempre ako na ang lamang sapagkat ako ang gobernador ng bayang ito. Kaya kong ibigay bahay man o kotse at samahan ko pa ng mga dyamante. Ano ang iyong masasabi aking sinisinta? Valenciana: Ang tangi kong masasabi, Ito’y hindi pupwede sapagkat ika’y matapobre. (Lumapit si Aniceto at hinila palayo si Enrique) Aniceto: Kung iyong manarapatin, ikaw ay aking suyuin nang matutunan mo akong mahalin. Mayroon akong malalawak na lupain at dalawang bukirin. Higit pa riyon, ako’y isang tanyag at kinikilalang abogado ditto sa ating bayan. Valenciana: Ang inyong kayamanan ay aking aanihin kung hindi ko kayo kayang mahalin. Ang unang manliligaw ay kagaya mo rin, hinding-hindi ko kayang mahalin. (Lumapit si Jose at inihatid sa upuan si Aniceto) Jose: Aking binibini, ako ba ang iyong hinihintay upang makasama mo sa habang buhay? Aking pag-ibig ay iaalay maging pagkatao ay ibibigay. Valenciana: Mayroon ka bang maipagmamalaki sa iyong sarili na pwedeng ihalintulad sa dalawang naunang manliligaw? Jose: Mayroon binibini. Hindi man ako lumaki sa isang mayabong na pamamahay subalit ako’y lumaki ng masaya at mapagmahal. Ang nais kong ipabatid sayo Binibini ay Kahit hindi ako ganon kayaman ay kaya ko paring ibigay ang aking pagmamahal sayo at pasayahin ka.

Valenciana: Mahusay ang iyong pagsagot sa aking tanong. Buti na lamang ay dumating ka aking sinisinta. Kanina pa kita hinihintay. Kaninang kanina pa. ( Nang biglang dumating ang nakatatandang kapatid ni Valenciana na si Edith) Edith: Ano itong aking naririnig mahal kong kapatid? Ano ang iyong nais ipahiwatig? Sa lalaking yan ika’y makikinig? Jose: Tama ang iyong narinig. Ako’y nagpakatotoo at maging siya ay naging totoo. Edith: Halika nga aking kapatid (hinila si Valenciana papunta sa kinaroroonan nina Aniceto at Enrique.) Bakit hindi sila ang iyong piliin. Edukado at may marangyang buhay. Ano ba aking kapatid, ang ginto’y nasa harapan mo na magiging bato pa? (Napangisi at tumango sina Enrique at Aniceto.) Enrique: Tama aking sinta. Aniceto: Sya nga pala, nais k asana naming imbitahan ni Enrique sa piyesta na magaganap sa kabilang bayan. EKSENA 2.1: Kasabay ang pagdilim ay abala narin si Valenciana sa pag-aayos ng kanyang sarili upang makadalo sa pista at paunlakan ang imbitasyon nina Enrique at Aniceto. (Naglalakad na si Valenciana papunta sa tagpuan nila Jose nang biglang may dumukot kay Valenciana sa kanto malapit sa bahay nila Jose. Lingid pa kaalaman ng mga banditong grupo na dumukob kay Valenciana na nakita ito ni Jose. Jose: Si Valenciana, Nadukot ng mga armadong kalalakihan. (Dali-Daling nagpunta si Jose sa pistang bayan upang ipaalam sa dalawang binate ang ginawang pagdukot kay Valenciana.) Jose: Aniceto! Enrique! Pagpaumanhin po gobernador. Si Valenciana, dinukot po ng mga armadong kalalakihan! Aniceto,Enrique: Ano?! (sabay na bigkad ng dalawa ng dalawa) Enrique: Mga Bata! (sabay harap sa mga tauhan nito) Hanapin nyo ang aking sinta na si Valenciana at hindi kayo maaaring bumalik rito hangga’t hindi ninyo siya nakikita.

EKSENA 2.2: Sa kabilang dako, habang binabaybay ng mga bandido ang bulubunduking landas patungo sa kanilang kuta.

Valenciana: Pakawalan niyo ako dito. Wala po kaming pera kagaya ng inyong inaakala.(Sabi ng dalaga habang nagpupumiglas) Bandido1: HAHAHA! Huwag kang mag-alala binibi, hindi ang iyong pera ang aming kailangan binibini. Bandido 2: Manahimik ka dalaga! Tayo'y nalapit na sa kinaroroonan ng ating mahal na pinuno. Mga Bandido : Pinuno. ( Sabay na sambit ng mga kawal bilang pagbibigay pugay sa pinuno) Roberto: Isang magandang gabi sayo magandang, binibini. Ako nga pala si Roberto ( inabot ang kamay ng dalaga at hinalikan ito) Valenciana: Bitawan niyo ho ako! Ano po ba ang kailangan niyo sa akin? Bandido 3: Ano ba ang kailangan natin sa magandang binibining ito, pinuno? Roberto: Wala tayong kailangan sa kanya. Samakatuwid, sila ang may kailangan sa akin. Lalong lalo na ang kanyang tatlong magigigiting na manliligaw.HAHAHA! Valenciana: Ano ho? Ano po bang kasalanan nila sa inyo? Roberto: Huwag kang mag-alala iha, tuturuan ko lamang sila ng leksyon. Mga kawal, bantayan niyong mabuti yan at siguraduhin ninyong hinding hindi makakawala iyan. EKSENA 3: Makalipas ang tatlong paghahanap ng mga binata kay Valenciana ay nakita na nila ito na nasa kamay ng mga kinatatakutang bandidong grupo malapit sa kanilang nayon. Dahil sa balitang ito ay dali-daling nagtungo ang mga binata sa lugar na siyang kinaroroonan ni Valenciana. Roberto: Maligayang araw mga magigiting na ginoo. Aniceto: Wala na kaming sasayangin na oras, Roberto. Nasaan si Valenciana? Ibalik mo siya sa akin. Enrique: Magkano ba ang kailangan mo Roberto? Ibibigay ko kapalit ng kalayaan ng aking sinta.

Jose: Wala ho akong pera o kahit na anong materyal na bagay na maibibigay kapalit ni Valenciana pero pinapangako ko Roberto, lahat ay aking gagawin kapalit ng kalayaan ni Valenciana kung kinakailangang sasapi ako sa inyo ay gagawin ko palayain niyo lamang siy. Roberto: HAHAHA! ( Pumalakpak). Hanga ako sa kagitingan niyo mga ginoo. Lalong lalo na sa iyo Jose. Subalit, makakalaya lamang ang inyong sintang si Valencia kung pagtatagumpayan niyo ang pagsubok na aking ibibigay. Ang matitira at mananatiling buhay hanggang matapos ang aking mga hamon ay siyang makakapagpalaya kay Valencia at siyang makakasama niya sa habang-buhay.

EKSENA 4: Roberto: Magsihanda kayo mga ginoo. Sa araw na to ay ating sisimulan ang unang pagsubok na siyang susubok sa inyong tapang at pagmamahal kay Valenciana Ang inyong unanh pagsubok ay ang pagsisibak ng kahoy. (Sa kasagsagan ng kanilang unang pagsubok) Enrique: ( hingal na hingal) Napakahirap naman ng gawaing ito! Aniceto: Walang mahirap basta para sa ating Mahal. Sa pagtatapos ng gawain/pagsubok. Roberto: Maģhusay mga ginoo. Mukhang desidido kayong gawin ang mga pagsubok ko. Kung ganooy dumako na tayo sa ating ikalawang pagsubok. Para sa inyong ikalawang pagsubok ay kinakailangang tawirin niyo ang ilog na iyan (sabay turo sa ilog malapit sa kanila) pabalik dito sa aking kuta. (Sa pagtatapos ng gawain ay matagumpay muli itong naisagawa ng mga ginoo.) Roberto: Mas lalo akong napabilib sa inyo at nakarating kayo ng buhay rito para sa ating huling pagsubok ( pumalakpak) . Magsipaghanda kayo dahil ang inyong ikatlo at huling pagsubok ay isang labanan. Sa puntong ito, kayong tatlo ay mga ordinaryong mamamayan ng ating nayon na haharap sa isang pagsubok. Hindi bilang isang abugado, politiko o isang magsasaka. Sa pagsubok na ito ay pantay-pantay lamang kayo. Ang malaks ay matitira para sa inyong sintang si Valenciana. (Sa utos ni Roberto ay naglaban laban ang tatlong binata. Sa kalagitnaan ng labanan ay di sinasadyang napatay ni Jose ang dalawang binata) Roberto: Magaling, magaling, Jose! (Pumalakpak). At dahil ikaw ang nagtagumpay at siyang natatanging natira da inyong tatlo ay sa iyo ko ibibigay ang kamay ng aking bihag na si Valenciana. Mga kawal, pakawalan ang bihag!

Dali daling tumakbo papalapit sa dalaga si Jose at sinalubong ito ng yakap sabay ng pagpatak ng kanyang mga luha, luhang dala ng kasiyahan dahil sa wakas ay makakasama na nito si Valenciana) Jose: Valencia! Salamat sa diyos at ligtas ka. Huwag kang mag-alala dahil ligtas kana at hinding hindi kita pababayaan. Valenciana; Salamat aking Jose. Tunay ngang ikaw ang aking mahal, tunay ngang ikaw anf aking ginto, ang aking pangarap, at ang aking sinisinta. (Mula rito, bumaba na mula bundok sina jose at valenciana at dali daling inayos ang tungkol sa kanilang kasal. Tahimik na namuhay ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak.)

--------------------------------------------------W A K A S ----------------------------------------------------

More Documents from "zarah"