Moses

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Moses as PDF for free.

More details

  • Words: 604
  • Pages: 1
MOSES, MOSES Malaki ang apartment ni Mrs. Calderon, mayroon itong apat na pinto. Maganda ang pagkakadisenyo ng apartment at mayroong nakalagay na "God Bless Our Home" sa may pinto. Nasa silid-kainan sina Ana at Regina. Pinag-uusapan nila ang demanda sa mayor. Napag-usapan din nila ang kanilang lumang bahay sa Gagalangin. Maglilimang taon na rin sila dito sa lungsod ng Rizal. Noong gabing iyon, naubusan na rin ng tranquilizer si Aida, anak ni Regina. Inutusan ni Regina ang kanyang pinakamatandang anak na si Tony para bumili ng gamot. Hindi pa nakakaalis si Tony ay may dumating na tao sa kanilang gate. Iyon ang mayor at ang alkalde na si Konsehal Collas o Atty. Collas at gusto nito na makipag-usap kay Regina. Naisip ni Regina na makikipag-ayos ito tungkol sa kaso at ito nga ang nangyari. Nagkainitan ang mayor at si Regina. Kung saan-saan napunta ang usapan, pinagkumpara ni Regina ang panggagahasa na ginawa ng anak ng mayor kay Aida sa anak ng mayor na babae kung mayroon man. Napunta rin ang usapan sa paguubaya ng kaso sa husgado. Walang tiwala si Regina may magagawa ang korte sa gusto niyang hustisya. Walang kinahantungan ang usapan, umuwi ang mayor habang naiwan si Regina na nanghihina. Nilapitan ni Tony si Regina, naikwento ni Tony ang mga banta ng mayor sa buhay niya at ang pagpatay sa kanilang ama. Mag-aalas-onse na ng ang paguusao ng dalawa. Naalala ni Regina na hindi pa nakakabili ng gamot para kay Aida. iglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang may narinig si Regina na bumaba si Taxi. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at nakita si Tony na duguan. Pilit na pinaalis ni Tony ang buong pamilya at pumunta sa ibang lugar malayo rito. Gusto naman ni Regina na sumuko ito at pagbayaran ang pagpatay sa anak ng mayor. Ilang saglit pa ay dumating na ang mga pulis at agad na sinunggaban si Tony, pinagsusuntok at pinagsisipa. Nagbabaan naman sina Ana, Ben at Aida sa itaas ng bahay. Pumasok ang alkalde at sabay bunot ng baril. Natabig ni Regina ang baril kay sa dingding tumama ang bala, ngunit sa ikalawang putok ay Regina na ang may hawak ng baril at ipinutok ito kay Tony. Nabigla ang lahat sa nangyari, hindi nila inaasahan ito. Dinala nila ang ina sa presinto para kasuhan. Habang papaalis ay sinusundan ng tingin nina Ben at Ana habang umiiyak sa tabi kung saan namatay si Tony.

Related Documents

Moses Moses
May 2020 39
Moses
November 2019 45
Moses
December 2019 48
Moses
May 2020 35
Kawan Moses
May 2020 33
Moses Miracle
December 2019 13