MARAMING SALAMAT MULI Ni Alfonso Sujeco
Paglabas ni Victor sa opisina pagsapit ng alas-singko ng hapon, nagulat pa siya nang makita ang kaibigan. “Lino, long time no see!” bati niyang may pananabik. “Kumusta ano ba’ng lagay?” “Eto, gaya rin ng dati,”iginanti ni lino Magkasabay silang humakbang, patungo sa tigilan ng bus. Araw ay ditto nagaabang si Victor sa Bus Liner 303 na kanyang sinasakyan, pauwi sa kanilang bahay sa Valenzuela, Bulacan. Kaya alam na alam ng asawang si Elisa ang oras ng kanyang pagdating na tumatagal ng may isang oras na biyahe. “napasyal ka, may sadya ka ba?” mapalagay na tanong ni Victor. “Matagal na tayong hindi nakikita, kaya inisip kong sorpresahin ka at baka akalain mong nakalilimot na ‘ako,” ani Lino, pagaw ang boses. Sa tingin ni Victor, ang kaibigan ay parang tumanda, pumayat sa rati, buhat nang muling magkita sila dalawang taon na ang nakalilipas. Tumigil sila sa paghakbang. “Maaga pa naman, bakit hindi kita magkape muna sa kantinang ‘yan magkabidahan sandali,” alaok ni Lino at ang malapit na Coffee Shop. Saglit na sinangguni ni Victor ang orasang pambisig at nakatawang tumango. “Bakit hindi, tena kung gayon,” at magkasabay silang pumasok sa kapihan. Baka nga nauuhaw ang kanyang kaibigan. Pag-upo nila sa mesang malapit sa pinto, natanaw ni Victor ang Bus Liner No. 303 na dahan-dahang tumigil, nagsakay ng mga pasahero at muling tumakbo. Sa susunod na biyahe na siya masasakay, na kalahating oras ang pagitan. Sa pagitan ng paghigop ng kape at paghitit ngg sigarilyo, ang nakaraan sa kanila ng kaibigan ay muling nabuhay. Hindi makalimutan ni Lino na siya ay tinulungan ni Victor nang matanggal sa pinapasukan, at maipasok sa isang opisinang may mabutibuting puwesto. Kung paanong si Victor ang umako sa pambayad sa ospital nang si ludiing na asawa ni Lino ay managing ang bushy sa pagsisilang. “Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kagandahang loob na itinulong mo sa ‘min, Vic”, pagwawakas ni Lino sa kanilang pagg-uusap. “Maraming salamat uli sa iyo. Hinangad kong Makita ka. . . . masabi man lamang na hindi ako nakalilimot sa ‘king kaibigan.”
Nakatawang tumayo si Victor, matapos bayaran ang kanilang nakain. “Ang naitulong ko’y maliit na bagay lamang, ang mahalaga sa ‘kin ay an gating pagkakaibigan,” masayang turing niya habang palabas sila sa kapihan. Sa bangketa, sa tigilan ng bus, humantong ang kanilang paghakbang. Sa tantiya ni Victor ayaon sa kanyang orasan, ang bus na kanyang masasakyan ay malapitt nang dumating. “E, saan ang tungo mo ngayong paghihiwalay natin?”tanong niya. “Ba’t hindi ka muna pumasyal sa bahay?” “Babalik na uli sa probinsiya,” iginanti ni Lino na may mapanglaw na ngiti sa labi. Naalaala ni Victor ang tungkol sa sakit nito nang matanaw na dumating na ang sasakyang bus. Kinamayan niya ang kaibigan. “Ikumusta mo lang ako kay Luding at sa mga bata” aniya, “Malamig ang kamay mo, may dinaramdam ka ba?” Wala. . . . ganyan lang ako kung nakararamdam ng konting pagkahapon,” Iginanti ni Lino.”Kamusta rin kina Elisa at sa mga bata.” “Mag-ingat ka ikaw nga ‘yang galing sa pagkakaramdam,” habol ni Victor at sumabit na sa tumigil na bus. Malayu-layo na ang bus nang makalingon siya, ngunit wala na si Lino sa pinag-iwanan niya. May kilabot siyang naramdamang gumapang sa likod nang parang nakaamoy siya ng usok ng kandila. Baka guniguni lang niya iyon. Habang daan, ang alaala ng kaibigan ay naglalaro pa sa isip ni Victor. Pambihirang kaibigan, bulong sa sarili. Pero gumiit na bigla sa kanyangg isip ang isang katanungan; pa’nong nalaman ni Victor ang kanyang pinapasukan gayong hindi ko nabanggit sa kanya ang address rito? Nagdaan kaya sa bahay at itinanong kay elisa? At saka, ang karamdaman nito’y maselan, bakit pinabayaang maglakbay nang malayo. Naputol ang kanyang pagninilaynilay nang biglang magpreno ang bus. Pagtaaas ng ulo, natanaw niya ang nagkakagulong tao sa gitna ng kalsada. Aksidente! Kung kalian siaya malapit na sa kanila ay saka pa sila napahinto. Kailangang maglakad na lamang siya. Pag-ibis niya, sinalubong siya ng putlang-putla at humihingal na asawa: “Salamat sa Diyos, akala ko’y sa Bus 303 ka nakasakay!” anito at napapulas nang malakas na paghinga. “Napatakbo ako rito nang matanggap ko’ng balitang naaksidente ang bus na lagi mong sinasakyan sa pag-uwi. Ilan lang daw ang nakaligtas sa mga pasahero at mga patawirin pa. Nakakikilabot!” Nang ilibot ni Victor ang mata, nakita niya ang Bus 303 ayy wasak ang tagiliran,nakahulog ang kalahati sa malalim na kanal dahil sa pagkakabundol ng malaking trak na panghakot ng buhangin. May Takip na papel ang mga nangamatay, ata ang malulubhang sugatan ay isinakay sa ambulansiya. Kung say’s ditto nakasakay kangina, baka isa siya sa sinamampalad na nasaktan o nasawi.
Biglang sumacs sa isip niya ang kaibigang si Lino. Nahawakan niyang mahigpit sa braso ang nagulat na asawa. “kung hindi sa kaibigang Lino, ay talagang d’yan ako sasakay.” Habol ang hiningang wika. “Pero niyaya niya akong magkape, kaya sa kasunod na ‘ko sumakay. . . . . .” Gulilat, napatingin sa kanya si Elisa. Parang hindi makapaniwala. “Pero iniwan ko sa bahay ang katatanggap kong telegram ni Luding, ibinalitang namatay kagabi si Lino sa atake sa puso!” Napahindik si Victor, nanlaki ang mga mata. Wala siyang nasabi kundi: “Diyos ko, pa’no pong nangyari ‘yon?”