Manuskrito

  • Uploaded by: Cj Padua
  • 0
  • 0
  • August 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Manuskrito as PDF for free.

More details

  • Words: 1,825
  • Pages: 4
Manuskrito ng Unang Pangkat sa Filipino Kaibigan: Mare/Pare nabalitaan mo na ba ang salu-salong magaganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago mamayang kinagabihan? Kaibigan(1): Hindi pa eh. Totoo ba iyan? Ikaw baý sigurado diyan? Kaibigan(2): Si Kapitan Tiyago ang maghahanda? Naku paniguradong engrande yan. Kaibigan: Oo! Kaya nga ako naririto upang ibalita sainyo ang tungkol sa salu-salo eh. Kaibigan(3): Ang saya no! Nananabik na ako! Kaibigan: Oh ano pang hinihintay niyo? Kayoý umayo na at magsigayak na ng inyong susuotin para mamaya. Kaibigan(1): Oo nga no! Tara na! Kaibigan(2): Teka lang, eh ikaw? Hindi ka ba sasabay samin? Kaibigan: Akoý ipagpaumanhin niyo ngunit kailangan ko pa ianunsyo ang balitang ito sa iba kaya sige mauna na kayo. Kaibigan(1,2,3): Sige kita-kita na lang tayo mamaya. Paalam. Kaibigan: Mga kaibigan may ibabalita ako sa inyo! Kaibigan(4): Oh ano iyon? Kaibigan: Nabalitaan niyo na ba ang salu-salo na gaganapin sa tahanan nila Kapitan Tiyago mamayang kinagabihan? Kaibigan(5): Hindi pa. Totoo ba iyan? Kaibigan: Oo. Oh pang hinihintay niyo kayo ay gumayak na ng susuotin niyo dahil malapit na maggabi. Kaibigan(4,5): Sige kaibigan. Salamat sa pagbabahagi kamiý mauuna na. Paalam hanggang sa muli. (KINAGABIHAN) Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!(audience ang parang kausap) (may mababasag na pinggan: sound effect) Tiya Isabel: Hesusmaryosep!Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang nagmamadali) (Padre Damaso, pagala-gala) Padre Damaso: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala-gala) (napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa) Lalaking kulay mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito! Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa!Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa kalagayan ng bayan! Padre Sibyla: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . . Padre Damaso: HMP!Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Inuulit ko, wala nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio! Lalaking kulay mais ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . . (sumabad si Padre Damaso) Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin! (biglang natigil ang usapan) Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .

Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat. (nagpalakpakan, liban kay Ibarra) Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set) Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Ibarra! Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa’y hindi ko naging kaibigan ang iyong ama! Guevarra: Paumanhin mauna na ako. (Tumalikod si Ibarra) Guevarra: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso? Ibarra: Oho, pagkakaalam ko siya ay isang matalik na kaibigan ng aking ama. Guevarra: Sana hindi matulad ang kapalaran mo sa iyong ama. Isa siyang mabait na tao. Ibarra: Salamat po. Ngunit hanggang ngayoý hindi ko pa rin alam ang tunay na nangyari sa’king ama. Tiya Isabel: Handa na ang hapunan! (curtains on. . .palit ng set..habang nagpapalit ng set…*offstage voice*) Victorina: Argh… wala ka bang mata?! Tinyente: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok.. Victorina: Argh… (curtains off..ready na ang set: hapag kainan) Ibarra: Don Tiyago kami ay inyong saluhan. Tiyago: Naku salamat pero wag na dahil para sainyo talaga ang piging na ito. Maghintay lang kayo at pinapakuha ko na ang tinola. (Dumating ang tinola. Tinikman ni Padre Damaso tapos nagdabog) Laruja: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa? Crisostomo Ibarra: Pitong taon po… Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito! Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito. Ni hindi ko nga alam ang tunay na dahilan ng kamatayan ng aking ama. Dona Espadana: Nasaan ka ba at hindi ka man lang tumelegrama? Ibarra: Nitong huling dalawang tao ako poý nasa Alemanya at sa Polonyang sakop ng Rusya. Dominiko: Marunong din po ba kayo ng wikang Ingles? Ibarra: Nanirahan po ako sa Inglatera na Ingles lamang ang tanging wikang ginagamit Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito? Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama. Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito! Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya! Padre Damaso: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita! Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis. Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi, sinundo

na siya ni Isabel. Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din. (Umalis si Ibarra) Padre Damaso: Iyan ang dahilan kung bakit hindi dapat payagan ng pamahalaan ang pagpapaaral sa ibang bansa--nagiging palalo at mapagmataas ang mga kabataang indio! TINYENTE: Señor Ibarra. CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako. TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama. CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin? TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan. CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali lamang? TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso. CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong? TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata… (flashback: aalis si Ibarra at tinyente..tha same set magiging araw lang) Flashback: *offstage voice* TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata. BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha! BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha! KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo? *offstage voice* TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan. KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?! BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh— RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila! Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse. RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata. *offstage voice* TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anuano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay. *offstage voice* IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko... (curtains on..gabi ulit) (Set: Nakaupo si Ibarra nakatingin sa langit..gabi) (curtains off) Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama. (Panibagong scene, nasa simbahan) Pari: Tapos na ang misa. Umayo kayo at ikalat ang mabuting balita ng panginoon. Sa ngalan ng ama, ng

anak, at ng espiritu santo. Amen. Maria Clara: Tiya, umuwi na agad tayo. Tiya Isabel: Sige. (Pagkauwi) Maria Clara: Nakakainip naman!Ano kayang pwedeng gawin? Alam ko na! Mananahi nalang ako upang may magawa naman at hindi mainip sa pagiintay. Kapitan Tiyago: O,bakit parang namumutla ka yata?.Mas mabuting magbakasyon ka muna sa San Diego kasama ang iyong Tiya Isabel.Magpaalam kana sa mga kaibigan mo dahil hindi ka na babalik sa beateryo. Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong masisiyahan siya doon, nandoon kasi si Ibarra. (Biglang dating ni Ibarra) Maria Clara:Tama ba ang naririnig ko?!Tila boses ito ni Ibarra. (Agad umalis si maria clara at natawa ang magpinsan. Saktong pasok ni Ibarra.) Tiya Isabel: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika nga dito, ikaw talaga, pahiya-hiya ka pa! Crisostomo Ibarra: Maria Clara! Maria Clara: Crisostomo! Narrator:Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso. Maria Clara:Hindi mo pa rin ako kaya nalilimutan kahit sa maraming magagandang dalaga roon? Ibarra:Hindi kita nililimot.Sa katunayan ay ikaw ang lagi kong iniisip saan man ako magpunta.Isinumpa ko ba sa harap ng bangkay ng aking ina na wala akong ibang iibigin at paliligayahin kundi ilaw lamang. Maria Clara: Bukas, Todos los Santos na…eto, mga bulaklak, ialay mo iyan sa libingan ng mga magulang mo. Crisostomo, magkita tayo sa loob ng ilang araw ha? Inaasahan kita! Ibarra:Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na. Sige alis na ako. Kapitan Tiyago:Pakisabi kay Andeng na ayusin ang aming bahay sa San Diego sapagkat magbabakasyon doon ang mag-ale. Ibarra:Sige po masusunod. Narrator:Tumango si Ibarra at umalis na ito.Pumasok sa silid si Maria at umiyak Maria Clara:*Umiiyak*Bakit ganun?Hindi man lang kami nakapagpaalam ng mayos sa isa't isa bago siya umalis? Narrator:Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael. Sepulturero 1: Ughhh! Ayoko na! Napakaselan naman nito! Sepulturero 2: Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah! Sepulturero 1: Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo! Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukay na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kaya itinapon ko nalang sa ilog. Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana sa sementeryo ng mga makasalanan? Sepulturero 2: Oo nga, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon. Sepulturero 1: ugh! Tama na ayaw ko na pakinggan yang kwento mo. Hays ilang araw nanaman akong di makakatulog nito.

Related Documents

Manuskrito
August 2019 21

More Documents from "Cj Padua"