Manuel L

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Manuel L as PDF for free.

More details

  • Words: 506
  • Pages: 3
Manuel L. Quezon Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Manuel L. Quezon

Ika-2 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Komonwelt Nanilbihan Nobyembre 15, 1935 – Agosto 1, 1944 Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña Emilio Aguinaldo (position Sinundan si restored. 1935) Sinundan ni Sergio Osmena Kapanganakan Kamatayan

Partidong pampulitika Asawa Hanapbuhay Relihiyon

Agosto 19, 1878 Baler, Aurora Agosto 1, 1944 Saranac Lake, New York, Estados Unidos Coalición Nacionalista (19351938); Nacionalista Party 19381944 Aurora Aragon Abogado Katoliko

Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng

Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Mga nilalaman [itago] • • •

1 Talambuhay ni Manuel L. Quezon 2 Aklat ni Manuel L. Quezon 3 Sanggunian



4 Silipin din

Talambuhay ni Manuel L. Quezon Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1] Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang PilipinoAmerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1] Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1] Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1] Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1]

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.[1]

Aklat ni Manuel L. Quezon

Related Documents

Manuel L
May 2020 6
Manuel L. Quezon.docx
June 2020 8
Manuel
May 2020 34
Manuel
November 2019 61
Manuel
October 2019 58
L L L L L.docx
April 2020 58