Isang Preliminaryong Pag-aaral ng Tagalog sa Rizal Ay Hao: Ang Dayalek ng Tagalog sa Rizal
Isang Preliminaryong Pag-aaral ng Tagalog sa Rizal
I.
Pagkakaintindi sa Terminong Dayalek
Ang terminong dayalek ay ginagamit kapag tinutukoy ang mga wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog, Ilokano, Bikol, atpb. Pero sa katunayan, ang dayalek ay isang uri lang ng isang wika kaya, mga wika talaga ang nakikilalang dayalek sa mga wika sa Pilipinas, at may mga dayalek ang bawat wika. Bawat komunidad ay nakabubuo ng sarili nilang dayalek. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng mga miyembro sa isang komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita nila na naiiba sa ibang komunidad.
Itinuturing na dayalek ang mga wikang walang literature. Kadalasan, ito’y pananaw ng mga mananakop na minamaliit ang kultura ng sinasakupan. Kasama ditto ang pananaw na mas mababang klase ang wika’t kultura ng sinasakupan nila. Ang karaniwang nakikilalang dayalek ay ang uri ng wika na ginagamit sa mas malawak o mas malaking speech community sa geographical area.
Mga Iba’t Ibang Uri ng Taglog Kinikilala na may apat na dayalek ang Tagalog: ang Tagalog-Laguna, Batangas, Bulacan, at Quezon. Pero, mayroon pang ibang mga dayalek na di- gaanong nakikilala---ang TagalogBataan, Rizal, Nueva Ecija, Mindoro, Marinduque, atpb. Sa karaniwan, nakikilala ang mga ito sa punto ng mga nagsasalita. Nagkakaiba rin ang amga it sa kanilang tunog, mga salita, idiom, at kung minsan, sa kaibahang sintaktik.
Layunin ng Pag-aaral Suriin kung mayroong pansariling dayalek ang Rizal Makagawa ng dayalek-atlas ng Rizal Dayalek-atlas: mga mapang nagpapakita ng hangganan o sakop ng ilang napimin katangian ng isang dayalek.tulad ng tunog, bokabularyo, at mga pormang gramatikal. Pag-aralan ang mga pagkakaiba ng mga uri ng wika ng mga bayan ng lugar na ito, ang pag-iibang leksikal o lexical differences na ilalarawan sa dayalek-atlas.
A
Sakop at Limitasyon
Tinatag ang lugar na Rizal (R) sa pagsusuring ito ayon sa historikal, politikal, at jograpikal na katotohanan. Ang mga syudad ng Kalookan, Quezon, Makati, at San Juan ay tatawaging Greater Manila (GM). Ang mga salita rito ay gagamiting batayan sa pantulad ng mga salita ng R, at batayan sa pagkilala ng mga baguhang salita o inobasyon at ng mga luma o di na gaanong naririnig na salita.
Impluwensya ng Tagalog sa Rizal
Dapat sigurong nahugis ang isang dayalek ng R na halos homogenous dahil sa kadalian na marating ang bawat bayan sa kalapitan nito sa Manila. Hindi maaaring maliitin ang impluwensya ng salita ng GM dahil ang Manila’y sentro ng komersyo at edukasyon. Hindi siguro alam ng mga naiimpluwensyahan ng GM na sila’y napapagaya sa lumalaganap na dayalek nito. Maliban dito, sadyang iniiwasan ngmga taga-probinsya o ng mga naninirahan sa maliliit na komunidad na matatakan sila bilang mababang uri dahil sa katutubong dayalek nila. Dahil dito, nagagaya nila ang GM kahit hindi nila sadyang alam ito. Dafpat sanang naging pabor ito sa pagdebelop ng dayalek na gamit sa GM o R. Ngunit kasalungat nito, maraming maililistang mga salitang si gamit sa GM pero gamit sa R at sa kabaliktaran nito. Mayroon ding mga salitang maililistang mga salitang iba sa bawat bayan.
I.
Mga Pagkakaiba
Sa bawat bayan may mga salitang halos gamit lamang doon. Dahil ganito ang sitwasyon, may kahirapan pagtibayin ang mga hangganan ng mga lugar na pare-pareho ang dayalek. Kaya, pinag-aaralan ang posibilidad kung maaaring makatatag ng relic area (mga lugar na hindi inaabot ng mga inobasyon o mga lugar na nag-resist ng mga isogloss—isang di nakikitang linya na nagmamarka ng hangganan ng paggamit ng isang aytem ng wika).
Sa pagtatag ng relic area, malalaman kung alin ang nakatatandang dayalek (o salita) na malamang na beysik dayalek. Nagsimula sa beysik dayalek na ito ang naiibang dayalek at napaiba sa mga pagbabago sa wika. Sa pagmamapa ng isogloss, makikita na nagtitipun-tipon ang mga ito at sa mga rule na magpapakita ng pagbabago ng wika., makapagmumungkahi ng hangganan ng beysik dayalek. Kasama ng pinakamakapal na pagtitipon na ito ang pag-iiba ng mga rule, ang indikasyon ng hangganan o boundary ng isang beysik dayalek. Ang lugar na nakasakop sa isang kumpol na isogloss ang tinatawag na relic area. Ang ebidensyang leksikal ang maliwanag na nagpapakita ng kaibahan ng GM at R.
Mal
suya
>
ulaw
Nav
mangkok
>
silyaw
magligpit/mag-urong>
maghawan
(paghuhugas ng pnagkainan)
Mon Ang
usok
>
asap
latundan
>
katundal
umaambon
>
humahamog
isis
>
pakiling
balik
>
bira
kalamansi kalamunde/kalamunding SnM
>
malaking ngipin tagiliran ng mukha
> >
panga
bagang
Tay
pangit
>
mainam
Pat
maligamgam
>
malakuku
mag-urong(pinggan) >
magsamsam
magligpit/mag-urong>
maghawan
(paghuhugas ng pnagkainan) Mor
kalamansi
>
kalamunding
Bar
ipis
>
kuratsa
Tan
pipe
>
budo
Pil
nakakakiliti
>
maligawgaw
mais na walang butil
>
upaw
kapag hindi gaanong maganda and nakikita >
bangrikit
May mga kaibahan ang R at GM. Ito’y nagbibigay patunay na may sariling dayalek ang R. nagpapatuny rin ito na mahirap magtatag ng mga sabdibisyon sa loob ng R dahil hindi pare-pareho ang takbo ng mga isogloss, at sa kadalasan, mga bahagi lamang ng isogloss ang nagtitipuntipon at hindi sa kahaban ng dinadaanan nito. Ang di matatag na pagtitipon na ito (fluctuating isoglosses) at ang pag-iibang leksikal ng bawat bayan ang dahilan kung bakit naisip na may posibilidad na may mga relic area at kung may mga dayalek nga ang R. Maaaring ituring na relic area ang mga lugar na nagresis ng inobasyon na galling sa mga eryang ginagalang (prestigious areas). Meron pa rin namang mga transisyon erya o mga eryang patungo sa pagsakop ng ibang dayalek. Kung pag-aaralan ang pagmamapa ng mga isogloss, makikita na mas maraming naiibang salita o mga salitang hindi ginagamit sa mga eryang mas naiimpluwensyahan ng mga sentro tulad ng GM.
Sa pagsusuri sa mga kumpulan ng mga isogloss, nagkaroon ng mungkahi na may 2 relic area sa Rizal, R1 (Ter, Mor, Car, Bar) at R2 (Tay). Kapag may mga isogloss na nakapaligid sa isang erya kaya ito nakakulong at ang eryang ito ay isang eryang ginagalang, tinatawag itong pokal erya. Ang mga isogloss na nakapaligid ay tumatakbong palabas mula sa isang puntong pokal.
Kapag nakakulong ang isang eryana iniiwasan ng maraming isogloss na galling sa punotng pokal, isa itong relik erya. Nakatigil o fixed ang isang isogloss kapag hindi lumalaganap ang mga salitang kinakatawan ng isogloss. Minumungkahai na ang nangyari sa mga salitang gamit lang sa isa o dalwang bayan ay mga fixed isogloss, halimbawa ay ang nga naririnig lamang sa R1 at R2. Dahil hindi masasabing prestigious area ang mga bayan sa dalawang eryang ito, ang mga inobasyon (?) na nagsisimula dito ay hindi na nakaiimpluwensya ng ibang bayan. Ipalagay na nagshif ang eryang ginagalang at sa ganito, ang dating pokal eraya ay nagging relik erya. Dahil natanggihan ang mga inobasyong galling sa ibang pokal erya, maari ring tawagin dialect island ang isang relik erya.
Ang R1 May mga ebidensyang labas sa larangan ng linggwistika na nagpapatibay na ang dayalek na ginagamit dito ay nakatatanda sa gingamit sa ibang bayan ng R maliban sa R2. Nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang salita sa ibang mga bayan tulad ng Bin dahil sa mga inobasyong galing sa mga hindi katutubong tagaroon (mga dayuhang nagtrabaho doon na mula sa ibang bayan ng sa R at sa ibang probinsya). Ang karamihan sa mga inobasyong ito ay tumigil sa hangganan ng R1. Kung gayon, nagkaroon ng resistance o di pagtanggap ang R1 sa mga inobasyong galing sa ibang lugar. Ang pagpigil sa paglaganap ng mga isogloss ay makikita sa pagkukumpul-kumpol ng mga isogloss sa hangganan ng R1. Para sa ibang bayan tulad ng Tan na may malalawak na lupang matatamnan, ang mga tagalagabas ang naging hanguan ng mga inobasyon sa wika na lumalaganap doon. Ang mga pag-iiba naman ng Ter sa Ant at ng Mor sa Tan ay maibibintang sa kabundukan sa paligid ng mga ito.
Pagsusuring Leksikal Sa Ter, Mor, at Car, may isang grupo ng mga salita na binibigkas na may r sa halip na may d (na bigkas sa ibang bayan ng R at sa GM). Ang phenomenon na ito ay hindi naman nagyayari tuwing may d ang salita sa R o GM. Hal. dingding
>
ringring
dibdib
>
ribrib
bundok
>
bunrok
daan
>
raan
nadapa
>
narapa
dagdag
>
ragrag
lakad
>
lakar
bakod
>
bakor
Sa mga sumusunod naman, ang d ang ginagamit: dali, daan (bilang), darak, turdan, diladila, atpb. Hindi ganito ang pangyayari sa Bar kaya maaaring isipin na hindi ito sakop ng R1. Ngunit makapal ang kumpol ng mga isogloss sa pagitan ng Bar at Tan, samtang di gaano karami ang isogloss na nahihiwalay ng Bar at Mor. Ang malaking pagkakapareho ng mga salita o ng ebidensyang leksikal sa Bar at tatlo pang bayan ng R1 ang masasabing malakas na katibayan para isali ang Bar sa R1..
May mga nalalabing r sa mga ilang salita sa Pil na halos nawawala na. Maririnig na lamang ito sa mga matatanda ngunit hindi na rin ito masyadong laganap sa salita nila. Minsan na lamang maririnig ang salitang lumalakar o bakor sa halip na lumalakad at bakod. Malamang na ang katangiang ito’y laganap sa buong R o sa mga bayan lang na nakapaligid sa R1, at unti-unti nang nawawala kaya sa R1 na lang at sa ilang salita sa Pil ito maririnig. Ang ilan sa mga leksikal aytem na pinili upang ipakita ang kaibahan ng R1 ay maririnig din sa ibang bayan lang nga malapit sa R1 pero hindi nito katabi. Sa mga hangganan ng eryang ito, nakaiwas ang mga isogloss ng mga inobasyon na galing sa biang lugar.
Leksikal aytem #1: kinship Tatlong aytem ang mapapansin na tumutulong sa pagdisisyon sa pagkakaiba ng R1: ang kaka, amba o tata, at inda o pupu/papu.
Leksikal Aytem #2: Iba pang halimbawa ng kung anong chuvetrang whatever…
Ang R2 Kapag ineksamen ang mga leksikal aytem na nagbibigay ng kaibahan sa bayan ng Tay, makikita na napakaraming maililistang pagkakaiba ng mga salita rito sa salita ng mga kalapit-bayan ng Ca, Ant, at Ang, at gayon din sa mga ibang bayan ng R.
May mga salita na ginagamit man sa ibang bayan, iilan na lamang din ang mga iyon at karaniwan pa’y mga hindi na gaanong palagamit o archaic forms na ginagamit na lamang ng matatanda roon. Makikita sa sumusunod na listahan ang halimbawa ng ilang archaic forms kasama ang katumbas ng gma ito sa ibang lugar o ang kahulugan ng mga ito sa R2.
R2
IBANG LUGAR
katabay
>unti-unti (Pil, Pat) *sa Pil, gamit lang sa pangingisda
piliwak
>tapilok (Mal)
linggin
>inin (Car, in’in) kaka
>panganay na kaptid na babae
Ate
>sumusunod sa panganay o nakatatandang kapatid bukod Sa panganay Bagang >tagiliran ng mukha (Ang) Panga Hao
>malaking ngipin sa likod ng bibig (Ang) >oo, hoo, huo (x Tay)
Mas Madalas na meron ngang mga salitang nagkukompitisyon sa loob ng isang bayan. Kaya sa ilang gma bayan, hindi lang isang salita ang ginagamit para sa iisang kahulugan. Indikasyon ito na hndi pa kumpleto ang pagtangap ng inobasyon. Kadalasan, ginagamit ang alinman sa mga nagkukumptensyang salita. May kahirapan nga lang sa pagpapasya kung alin sa mga salitang iyon ang inobasyon o makaluma. Mahalaga ito sa pagtatag ng relik erya dahil kung maipakikita na ang mga salitang laganap pa sa relik erya ay makaluma, maari itong katibayan na nakaresis ng inobasyon ang eryang ito.
Maaring isipin na ang inobasyon ng bilaok ay nakarating sa mga bayan ng R na nasa paligid na GM, at ang mga bayan buhat sa Ca at paloob, pati ang parehong relik erya, ay hindi pa nararating ng isogloss na ito. Hindi pa masasabing buo nang natanggap sa gma bayan ng R ang inobasyon dahil hanggang ngayon ay nagkukompeensya pa rin ang dalawa roon. Isa rin itong katibayan na ang hirin ay mas lumang salita sa bayan ng R. Hindi lang may kakumpitisyon ang salitang bulo, nawalan na rin ito ng isang tunog, ang inpit o glottal stop.
Mga salitang kalat ang distribusyon
Ilang halimbawa ng mga salitang kalat ang distribusyon ang ss: kulig, kita/kata, hane/hana, at diladila.
Mga posibilidad: Maaring ipalagay na noong una ay laganap sa buong erya ang mga salitang ito. Sa mga nakaraang panahon, walang namamagitang lugar na gumagamit ng mga nsabing salit. Pero sa katagalan, inabot na ng inobasyon ang ibang mga bayan at tinanggap ang mga ito. Ngunit nagkaroon pa rin ng mga bayan na hindi tumanggap ng innobasyong ito. Kung gayon, masasabi na luma ang gma salitang ito. Maaring kalat ang distribusyon ng mga salita dahil nadala sa iba’t ibang lugar ang inobasyon at hindi magkarugtong na mga bayan ang tumanggap ng mga ito.
Mga konsiderasyon: Kung palipat-lipat ang mga tao sa mga nasabing lugar o dahil nakaaakit ng taga ibang lugar ang mga hanapbuhay sa mga baying ito Kung ang mga tao ay namamalagi lang sa bayan nial tulad ng mga magsasaka at mangingisda Kapag namamalagi sa isang lugar ang mga taong-bayan, malamang na ang mga salita nila ay dating gamit at hindi mga bagong inobasyon. Kahit na kalat ang mga salita sa mga lugar na hindi magkarugtong at maaring isipin na mga bagong inobasyon ito dahil sa kalat ang mga ito, o kapag nabubuo ang mga lugar na iyo ng mga taong laging tumitigil doon, masasabing ang mga salitang ito’y mas luma. Kapag ang sitwasyon naman ay ang unang nabanggit, malamang na mga bagong inobasyon ang mga salita.
Mga mungkahi: Noong una, may dayalek o sabdayalek na mahihiwalay sa erya ng R at halos hinahati ang R ng hangganang ito. Tumatakbo sa pagitan ng Ant at ng mga bayan ng Tay, Ang, Ter, at Tan ang makapal na kumpulan ng mga isogloss. Nang tumagal, naabot ng mga inobasyon ang mga bayan gaya ng Ang, Bin, Tan. Pil, at Jal pero nagresis sa karamihang inobasyon ang Tay, Ter, Mor, Car, at Bar kaya’t nagkaroon ng R1 at R2. Ang Ang, Bin, Tan, Pil, at Jal ay matatawag na mga transisyon erya dahil halos pareho na ang mga salita nila sa ibang bahagi ng R. Maari ring dahil ito sa hindi gaano karaming mga isogloss na naghihiwalay sa bawat isa sa mga ito sa ibang bayan ng R. kung gayon, masasabing sakop na o halos sakop na ng R ang mga baying ito.
Mga dapat tandaan: Ang isang dayalek, kaparis ng alinmang wika ay walang tigil na nag-iiba. Ang pag-iiba ng isang dayalek ay dahil sa pagkakaroon ng mga salitang maaring gamitin sa pagtukoy sa mga pagbabagong ito. Tuluy-tuloy ang pag-iiba ng mga salita dahil tuluy-tuloy ang pagbabago ng nilalarawan na kalagayan ng salita sa isang erya.
Mag maaring dahilan ng pag-iiba ng isang dayalek: Pag-iiba ng ekonomiya Pagpasok ng mga bagong konsepto ng mga bagong bagay na ginagamit sa araw-araw na pamumuhay Pagpasok ng mga dayuhang galing sa mga ibang parte ng bayan
Ay Hao: Ang Dayalek ng Tagalog sa Rizal Wika at Dayalek Dayalektoloji- isang sangay ng linggwistiks kung saan pinagaaralan ang mga uri ng wika. Sa pamamagitan ng ganitong pag-aaral matitipon ang mga katunayang historikal, etnolohikal, o sosyolohikal ng isang grupo. Nagagawa ito sa pag-aaral ng mga pag-iiba ng mga istruktura ng wika sa pagsaan ng panahon. Halimbawa, malalaman ang tungkol sa paglilipat-li;at ng populasyon o ang tungkol sa karanasan ng grupo s apamagitan ng pag-aanalys ng mga pag-iiba ng mga tunog at ng mga pagiiba ng mga pormang leksikal at gramatikal. Ang mga ebidensyang galing sa wika ay makapagpapatibay sa mga resulta ng gma pag-aaral ng bia’t ibang disiplina.
Tanong: Ano ang mga wikang alam mong salitain? Sagot: Tagalog, Ingles, Espanyol, Hapon, etc.
Tanong: Ano ang iyong dayalek? (?) Sagot: Tagalog, Sebwano, Ilokano, etc.
Kung gayon, para sa karamihan, ang terminong dayalek ang ginagamit kapag tinutukoy ang alinman sa napakaraming wikang katutubo natin. Sa katotohanan, ang dayalek ay isang uri lamang ng wika.
So, ano ang ibig sabihin ng wika? Sagot: Ito ang paraan na ginagamit ng isang grupo o komunidad ng tao para makapagkomyunikeyt o makapag-intindihan. Kapag sinabi ng isang: …Ilokano: “Pagatanganak man ti bagas.” …Kapampangan: “Pasalwan mo na kung abyas.” …Sebwano: “Papalita ko ug bugas.” Hindi sila magkakaintindihan kung hindi sila nakapagsasalita ng mga wikang nabanggit maliban sa sariling wika dahil ang galling sa magkakaibang wika ang mga pangngusap.
Kung maririnig ng isang Tagalog ang: a)
Nagsapul na ba ang ginawa nya?
b)
Nag-umpisa na ba ang trabaho nya?
c)
Nagsimula na ba ang gawain nya?
Maiitindihan nya ang tatlong sentens na ito kahit hindi pare-pareho ang porma ng mga salita o magkakaiba ang punto ng mga nagsasalita.
Isa pang halimbawa: a)
Mag-urong ka na ng mesa.
b)
Magligpit ka ng mesa.
Maiintindihan din na halos lahat ng mga Taglog ang mga sentens na ito. Kaya lang, sasabihin nila na ang isa ay hindi gamit o sinasabi sa bayan nila. Kung gayon, magkaibang uri lang ng Tag ang dalawang salita (mag-urong> ilang probinsya ng Tag tulad ng R; magligpit> Manila).
Wika ang Ilokano, Taglog, Sebwano, Kpampangan, etc., at ang bawat isa nito ay may iba’t ibang uri, o ang matatawag nating dayalek gaya ng Tagalog sa Rizal, Batangas, Lucena, atbp. Anga bawat komunidad ng tao ay may masasabing sariling dayalek na napapaloob sa isang wika.
Tanong: Bakit tinatawag na dayalek ang mga wika natin? Sagot: Nag-umpisa ito nang tawaging dayalek ang mga wika natin ng mga may ka-epalang dayuhang sumakop sa atin.
Maaring dahilan: • Dahil sa malaking pagkakaiba ng mga wika natin sa mga wikang Indo-Urupeyo, hindi nila masabi kung ano ang mga ito. • Dahil hindi nila nakilala o pinag-abalahan ang mga laganp na literatura ng bawat wika ditto, lalo’t ang karamihan ng mga literaturang ito’y binibigkas lamang at hindi napreserb. • Ayaw kilalanin ng mga dayuhang sumakop na may sariling kultura ang mga madatnan nilang komunidad. Patunay: May mga ortograpiya ang halos lahat ng mga wika dito. Laganap pa rin sa ilang grupo tulad ng mga Mangyan sa Mindoro at ng mga Tagbanwa sa Palawan ang sinaunang iskrip nila.
Gaya ng nasabi na, walang tigil ang pagbabago ng isang wika. Sa araw-araw na pagkokomyunikeyt, naiimpluwensyahan ang nagsasalita ng nagbabagong kapaligiran. Hindi pare-parehong kinokomyunikeyt ng bawat komunidad ang mga ito kaya nagkakaroon ng iba’t ibang uri ang isang wika. Sa isang grupo ng tao, maaring gumagamit sila ng ma salitang may ispesyal na kahulugan para sa kanila kaya’t nagkakaroon ng isang uri ng wikang tanging kanila. Ginagamit ang terminong sosyal-dayalek (o sociolect) sa ganitong uri ng wika.
Layunin ng Pag-aaral
Ang bibigyang pansin sa papel na ito ay ang dayalek na mas malawak ang gamit, ang ginagamit sa isang komunidad o grupo ng mga komunidad na karaniwang matatagpuan sa isang lokasyong jograpikal. Ang dayalek ng Tagalog (Tag) na sinasalita sa Rizal (R) ang didiskasin dito. Ang mga pagkakaiba ng mga tunog sa mga eryang relik ang ispesipikong tapik ng papel na ito. Kinikilala ang mga dayalek ng Tag sa pagkakaiba ng mga punto ng mga nagsasalita nito kaya’t nasasabi na ang isa’y tagaBulacan, taga-Batangas, o di kaya’y taga-Laguna. Napapansin ang kaibahan ng ilan sa mga salitang pareho ang kahulugan pero iba ang komposisyon ng mga tunog na nagbubuo ng mga salitang ito. Samtang hindi naman gaaonong napapansin ang kaibahan ng ilang tunog o ng ilang katangiang gramatikal kung hindi ito sadyang iniisip.
Hal1
“Sinsay ka muna.”
Taal, Batangas
“Dumaan ka muna.” >ibang lugar sa Katagalugan 2
“Lumunin mo iyan.” Lukban, Laguna “Lunukin mo yan.” lugar
>katumbas sa ibang
Sakop ng Pag-aaral Pateros (Pat), Pasig (Pas), Marikina (Mar), San Mateo (SnM), Montalban (Mon), Cainta (Ca), Taytay (Tay), Antipolo (Ant), Angono (Ang), Teresa (Ter), Morong (Mor), Baras (Bar), Tanay (Tan), Binangonan (Bin), Pililla (Pil), Jalajala (Jal) Ang dayalek ng Greater Manila (GM) ang gagamiting batayang pantulad ng R para makilala ang mga baguhang salita o inobasyon o di kaya’y ang sinauna o di gaanong naririnig na salita. Pinapalagay dito na iisa ang dayalek ng GM.
I. Batayang Leksikal Isang paraan para malaman ang ang sitwasyong dayalektal ng isang lugar ay pag-araln ang mga takbo ng mga isogloss, mga linyang teyoretikal na nagmamarka sa mapa kung hanggang saan maririnig ang isang salita, tunog, o ekspresyon. Sa pagmamapa ng takbo ng isogloss, makikita na nagkukumpulan ang mga ito. Ang kumpulan ng isiogloss na ito ang hangganan ng dayalek o dialect boundary.
May dalawang lugar sa R na matatawag ng eryang relik. Ang eryang relik ay lugar na hindi o halos hindi inabot ng mga inobasyon o pagbabago sa wika. Bukod sa pagmamapa ng mga isogloss, kailangan malaman ang mga rul o tuntuin ng wika na naiiba o nag-iba na sa iba’t ibang dayalek. Ang hangganan ng paggamit ng mga rul, kasama ang kumpulan ng mga isogloss, ang makakapagtatag ng mga hangganan ng mga dayalek sa isang lugar. Mahalaga rin malaman kung bakit nagresis ang mga ito sa pag-iiba ng mga dayalek.
Eryang Relik Mahirap magtatag ng mga malinaw na hangganan ng mga isogloss dahil hindi pare-pareho ang takbo ng mga isogloss at bahagi lang ng mga ito ang nagtitipon (fluctuating isoglosses). Ang mga ito, kasama ng mga sariling katangian ng mga wika ng iba’t ibang bayan, ang dahilan kung bakit naisip pag-aralang mabuti ang mga lugar kung saan mas maramiang mga kaibahan at ang posibilidad na may mga eryang relik sa R. Tinatawag na R1 at R2 ang mga eryang relik na ito. Sakop ng R1 ang Ter, Mor, Car at Bar, at ng R2, ang Tay.
Kaibahan ng mga Tunog Bukod sa mga kaibahang leksikal, may mga kaibahan ang mga tunog sa mga nasabing lugar na nagpapatibay sa teyorya na may eryang relik sa R. Sa kasalukuyan, hindi pa natatapos o kumpleto ang mga pag-iibang ito. Gayon pa man, mapapakita ang mga pag-iibang nangyari sa o kaslukuyang nangyayari na nagpapatibay sa pagtatag ng eryang relik.
Sa mga pag-iiba na nakalista dito, makikita na simplifikasyon ang prosesong nangyari sa unang apat. Ibig sabihin, may mga tunog na nawala sa pagbigkas ng isang salita dahil sa pagmamadali o dahil sa mas madaling sabihin ang salita kapag pinaiksi ito.
Mga puna sa pagsimplifay ng mga konsonant klaster (KK) (1)
Suriin: -KK- > -K-
Ang implikasyon ng pagsimbolays ng pagbbago sa ganitong paraan ay tinatanggap na mas nauna ang impormasyon na magkasunod ang dalawang konsonant at sa haba ng panahon ay nawala o hindi na sinasabi ang isa nito. Dahil sa mas malawak na pamilya ng mga wika sa Pilipinas, may ebidensya na nangyari ang nasabing pagbabago.
Hal. *?antut Tag,Ilk,Isi,Bon,Nag,War,Tgb *?alnud > ?anud
>
?utut
Tag,Ilk,Itw,Ilo, Naga,Vir,Seb,Maranaw,Tau
Karaniwan, ang ikalawang konsonant ang naiiwan sa ganitong pagsisimplifay ng klaster sa mga wika sa Pilipinas. Makikita ang pangyayaring ito sa ss:
likyab > liyab(R) baltak > batak(R) haltak > hatak(R)
(2
(2) Suriin: -K?-
May pagkakaiba ang simplifikasyong ito dahil ang unang konsonant ang naiwan. R1 at R2 R
Ibang bahagi ng
bul?o
bulo
?in?in
?inin
?is?is
?isis
lag?ok
lagok
gay?on
gayon/ganon
bay?awang baywang/bewang
Kung titngnan ang distribusyon ng ilan sa mga halimbawang ito, makikitang sinasabi rin angmga ito sa mga lugar sa labas ng dalawang eryang relik. Ilan din sa mga halimbawang ito ay hindi na ginagamit sa buong erya. *Hindi pa kumpleto ang pag-iiba ng linggin tungo sa ?inin. Maaring sabihin na naimpluwensyahan o nag-asimileyt ang tunog ng ng sa unang konsonant na l, kaya naging n ito at nagkaroon ng sabstitusyon ng ? (> ?in?in) bago tuluyang nawala o nagkasimplifikasyon (> ?inin).
(3) Suriin: h > {0/} {?/#_} Sa halimbawang, ho?o, hu?o, ha?o > ?o?o makikita na nag-asimileyt ang unang vawel sa ha?o (R2) sa huling vawel kaya ito naging hu?o at ho?o (R1), bago nagkaroon ng sabstitusyon at naging ? ang tunog na h, kaya ?o?o ang sinasabi sa mga ibng lugar sa R at sa GM. Masasabi rin na mas luma ang mga salitang may h o may vawel na nawala, halimbawa, (a)
bitawhan > bitawan
tuliya > tulya
(4) Suriin: r > d Sa GM at sa ibang mga dayalek sa Tag, maririnig ang d na nagiging r sa unahan ng salitang sumusunod sa isang vawel o sa gitna ng dalawang vawel. Hal. (a)
dito > rito
(b)
di?in > ri?in
(c)
pada?an > para?an
Hindi regular ang pangyayaring ito lalo na sa GM. Sa R1 at sa ilan pang lugar na malapit dito, maririnig ang r sa mga salitang ginagamitan ng d sa ibang lugar ng R, R2, at GM. Halimbawa, rugu, rakip, hagran, tinrig, ?apru, ?isra, sahor, ? anor, hatir, atbp.
Hindi nangyayari ito sa lahat ng salita sa R na may d sa ibang dayalek ng Tag, kaya sinasabi nila ang hindi, ?ubud, dalawa, dalaga, atbp.
May dalawang posibilidad na maaaring konsiderahin sa pagpapaliwanag sa pagkaiba ng tunog na ito. Kailangan suriin ito na kaugnay ng mga tunog ng Proto-Pilipinas (*PP) o ang wikang masasabing pinanggalingan ng mga wika sa Pilipinas.
(a) Ang korespondens ng *d sa Tag ay d na nagiging r kapag napagitna sa mga vawel. Gayon din sa ilang wika gaya ng Kapampangan, Pangasinan, Maranao, Isinai, atbp. *PPd > *PTd, r /V_V *PTd > GM d, r / V_V R1 r, d /l-, -l
( b) Ang korespondens ng *PPd sa *PT ay *r na nagsplit at naging dalawang tunog. *PPd > *PTr *PTr >R1 r, d /l-, -l GM d, r /V_V
Mga implikasyon sa pagiging eryang relik ng R1 Kung tatanggapin ang (a), masasabing dating nakakalat ang sa karamihan ng R ang *PTd > r at ang ebidensya nito ay matatagpuan na lang sa R1 kaya eryang relik ito para sa pagbabagong nangyari nang nagsplit ang *PTd. kung tatangapin ang (b), ang R1 ay relik ng mas matandang pag-iiba, *PPd > *PTr, nagpatuloy itong r. Isa pang patunay na eryang relik nga ang R1 ay ang paggamit ng r sa Tan at Pil na halos matatanda na lamang doon ang ganito magsalita. Nagkakaroon na rin sa R1 ng pagbabago dahil sinsabi nila ang dapug, dikdik, hindi, binilad/binilar.
(5) Suriin: -e- > -I-
Tingnan ang i na sinsabing e sa huling silabol ng salita sa mga eryang relik, halimbawa, sa R2, ma?inet, ?asen, at sa R1 hater (hatid), tinreg (tindig). Nangyayari pa rin ito sa ibang mga dayalek ng Tag kapag nasa huling posisyon ang i kaya lang, hindi na ito regular, halimbawa, lalaki/lalake, mabuti/mabute, atbp.
(6) Suriin: -ng- > -n
Kailangang bigyang pansin ang –ng na katangian ng R2, halimbawa, sa salitang ?aleng (alin), at sa?ang (saan). Pero para mapagpasyahang makalumang katangian ito, kailangan magkaroon ng datang galing sa iba’t ibang dayalek ng Tag.
I. Mga Implikasyon Tanong: Ano ang halaga ng pagtatag ng mga eryang relik sa R? Sagot: ipinakikita ng dayalek dito na matapat ang tao sa sarili nilang uri ng wika o ang tinatawag na language loyalty sa Ingles. Dahil dito, naiiba ang dayalek nila sa uring ginagamit sa paligid nila.
Tanong: Bakit ganito ang nangayari kahit hindi ito dayalek ng sentro? Sagot: Pareho ang R1 at R2 sa patuloy na paggamit ng kani-kanilang dayalek pero magkaiba ang nakitang dahilan sa bawat erya.
Maraming ebidensya o artifaks na nahukay sa mga baybay ng Laguna de Bay na nagpapatunay na meron nang mga mauunlad na komunidad dito bago pa dumating ang mga Kastila. Dahil ang R1 ay eryang pokal noon, patuloy pa rin ang pagiging tapat nila sa kanilang dayalek.
Bukod dito, nasa bandang bundok ang kinaroroonan ng lugar na ito kaya hindi napupuntahan o tinitigilan ng mga taga ibang lugar. Kaya’t tumigil ang mga inobasyon sa hangganan ng R1. Samantala, ang Tan (R2) na isa sa pinakaprogresibong bayan sa R ay nakaakit ng mga galing sa ibang lugar dahil sa malawak na matatamnang lupain dito. Ang mga ito ang nagging hanguan ng mga inobasyon sa salita sa Tan na hindi tinanggap ng R1. Dahil sa pag-unlad ng industriya ng komersyo sa R2, hindi na sila nahihiwalay at lantad sila sa sa mga ibang uri ng Tag. Ang galing nila sa paghahanapbuhay ang nagbigay sa kanila ng matatag na kalooban kaya hindi sila nadadala ng ibang salita o di kaya’y, hindi nila pinapansin ang pagkakaiba ng salita nila sa GM. Dahil mahusya ang pagtingin ng taong bayan sa R2 sa sarili nilang kakayahan, umiiral ang pagiging tapat nila sa kanilang dayalek.