Lux Lucis Et Creperum

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Lux Lucis Et Creperum as PDF for free.

More details

  • Words: 1,074
  • Pages: 3
Quiban, Federico Jr. Y. BBrC II-1D

Kailanma’y hindi magtatagpo ang liwanag at kadiliman… Dalawang pwersang kailanman ay hindi magtatagpo at hindi magkakasundo… Ang araw ay para sa liwanag at ang buwan ay para sa kadiliman. Ganito nga ang takbo ng kwentong ito. Magtatanghali na, hindi magkanda-ugaga si Sol sa pagtakbo papunta sa kanyang klase sa Pisika. Hapong-hapo siyang tumingin tingin sa pinto ng kanyang silid-aralan at pagtingin niya rito ay isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa kanya, “Sol Aurora! late ka na naman sa klase ko? Sige, ipagpoatuloy mo lang yan… bibinggo ka talaga sa akin,” bungad ng teacher niya sa math. “sorry sir, na-late po ako, traffic po kasi eh…” sagot niya. “Anong late? Kung alam mo naming male-late ka, dapat inagahan mo na ng gising, I would not take that as an excuse, total minsan ka lang magpakita sa klase ko dahil halos palagi ka naming late dito! Kita kita ulit tayo next year!” babala ng guro. “Sir naman, promise po! Aagahan ko na ang pagpunta, I’ll do my best sir… Nyahaha!” sagot ni Sol. Pumasok na ng classroom niya si Sol, paypay konti sa sarili dahil sa init at yun nga, imbis na buksan ang aklat, kinuwrnto niya yung nangyari sa pinanood niya kagabi na palabas sa Animax. Makalipas ang ilang minuto ay mayroon uli’t na kumatok sa pinto ng silidaralan. “hindi naman pala ako sir ang late eh, meron pa, baka si Jopay yan, nakita ko yun kagabi sumasayaw sa park eh, nagpa-practice, haggard-haggardan… nyahaha!!!” panlalait ni Sol. “ito na yata yung sinabi sa akin ni principal kaninang umaga, yung bago niyong kaklase. Bukas yan! Pasok, pasok!” sabi ni sir. Pagbukas ng pinto, may pumasok na bagong kaklase, lalaki siya, nagtinginan ang mga babae at nagtaasan ng kilay ang mga kalalakihan. “Waaaaah!!! Sir! Sir! Siiiiir1” sigaw ni Sol. Naghiyawan ang mga kababaihan, lalong nangibabaw ang boses ni Sol, maloloko ka talaga kay Sol. Aakalain mo sa unang tingin na pino siyang kumilos dahil sa kagandahan niya, malumanay at mabait ang ugali. Pero pag tinignan mo pa ng mas malapit eh sunotk ang aabot sa ‘yo. Pilya siya, masayahin, mahilig magbiro, hindi takot sabihin ang gusto niyang sabihin, mahilag maging late, bagsak minsan sa mga quiz at wala ng ibang ginawa kundi ang makipag daldalan. Yan si Sol, isang happy go lucky na teenager na kinatutuwaan ng lahat, kahit naman lumalagapak siya sa pag-aaral niya, gumagawa siya ng paraan pare kahit man lang 80 grade niya, huwag lang mag-line of 7.

Tuwang tuwa ang mga kababaihan ng makita nila na ang bago nilang kaklase ay lalaki, paano naman kasi, may lalaki nga sa klase nila, mga bakla naman, kung may lalaki man, walang itsura. Pero sa kabila ng hiyawan, nanahimak paunti-unti ang mga babae. “Girl, itanong kaya natin ngayon no?” bulong ng isang babae sa kaklase niya. “Naku girl, sana naman jockpot toh… Lord, huiwag niyo naman po sanang pagkaitan kaming 4-C ng lalaki, grabe po lord, hindi ko na kakayanin kung pati yan, pa-mhin lang… huhuhu…” dasal ng isa. Nang tumahimik na ang lahat, binasakg ni sol ang katahimikan. “Sir! May itatanong po ako sa bago naming classmate!” bulalas ni Sol. “Ms. Aurora, hindi ko pa nga siya pinapakilala eh nagsimula ka na naman. Anyway class, I would like you to meet your new classmate all the way from nowhere.” Sambit ni sir. “uhmm, I’m Aquilus Caliga, galling akong probinsya namin, may gera don kaya nagpa-transfer ako, you can call me Aquil or Kiki for short. Nice to meet you classmates.” Bati ni Aquil. “Bakla ka ba?” tanong ni Sol. “Woah! Nakakabigla naman yung tanong mog, anyways, hindi po. Lalaki po ito, mahilig ding bumili ng FHM paminsan-minsan” ngiting sagot ni Aquil. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa klase, tuwang tuwa sila sa sinabi ni Aquil. Meron na silang gwapong kaklase na totoong lalaki. “Oh okay, Mr. Caliga, you may take your seat right beside Ms. Aurora. The one who asked if you’re gay by any chance. Okay let’s start our class.” Lumapit na si Aquil sa upuan niya at nagkangitian sila ni Sol. Kinamusta niya ito at kinausap ng kinausap. Kung anu-ano ang ikinuwento ni Sol kay Aquil, mula sa mnga pinanood niya sa animax, kasama na rin yung napanood niya sa mga foreign channels sa cable nila. Tuwang tuwa si Aquil skay Sol at palagi itong ngumingiti sa bawat kwento niya. Matatapos na ang first term at nagkukwento pa rin si sol sa kanya. Nabato na’t lahat siya ng teacher niya pero wala pa rin siyang pakialam. Kwento lang talaga ng kwento ng walang tigil. “Quil, quil na tawag ko sa ‘yo ha? Kakapagod sabihin pag aquil eh.. kain tayo?” yaya ni Sol. “sige ba, samahan mo ako, wala pa talaga akong alam dito sa school. Ikaw pa lang ang una kong nakikilala.” Sagot ni Aquil. Ayun na nga, sabay nilang ginawa lahat ng gusto nilang gawin, kumain sila at nagkwentuhan ng walang tigil. Magga-gabi na pero hindi pa rin sila magkahiwalay tila yata may kuing anong nangyayari sa dalawa. Paano naman kasi, ano ba yan. Hindi ko na rin mapaliwanag. Bumibilis ang tibok ng puso ko, ng mga uso namin. Pati yung narrator? Kinikilig na rin? Nyahaha! Bumaba na ang araw at ang dalawa ay nasa tapat ng gate ng eskwelahan nila. “Sol, ihahatid na kita pauwi,” anyaya ni Aquil. “Gago, ikaw kaya yung bago kaya dapat ako magyaya sa yo..” sagot ni Sol. Ay ganun? Ngumiti na lang si Aquil at sinabi… “hindi, syempre, as a sign of gratitude, gustop kitang samamhan pauwi ng bahay niyo. Nakakatuwa kasi eh, bago lang ako dito pero nung nakilala kita parang nawala lahat ng takot ko sa bagong school.. you know. It feels like home na kaagad.” Sabi ni Aquil. “Sus naman, ang arte mo! Sipain kaya kita diyan para mabaog ka na. Ang dami mo pang kaekekang nalalaman diyan… kuing gusto mong sumama, eh di

sumama ka. Nyahaha! Uwi na tayo, may inaabangan kasi akong show mamayang 7, hindi ko pinalalampas yon.” Sagot ni Sol. At sabay na silang naglakad pauwi sa bahay ni Sol. Sa paglalakad nila, super usap pa rin ang nangibabaw, si Aquil naman ang nagtanong ng nagtanong kay Sol at sagot din ng sagot ito. Tuwang tuwa sila sa isa’t isa kaya’t si nila napansin na lumagpas na pala sila sa bahay ni Sol. Patuloy silang nag-usap at naglakad papunta sa kabilang kalye, sa kalye na magpapakita ng kanilang tunay na tadhana…

Related Documents

Lux Lucis Et Creperum
November 2019 6
Lux Et Veritas
May 2020 2
Lux
June 2020 15
Lux
May 2020 15
Lux 091109
June 2020 18