Lester 17

  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Lester 17 as PDF for free.

More details

  • Words: 4,932
  • Pages: 28
Saint Patrick Colleges Arellano Ave. Mulawin, Orani, Bataan

Pananaliksik Sa Filipino 102 Yaman at Sandigan

Ipinasa Ni:

Lester V. Bautista

Ipinasa Kay:

Mr. Roberto Pantig

Introduction Edukasyon; Yaman at Sandigan

Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay isang tulay upang umunlad hindi lamang sa larangan ng teknolohiya at makamundong pag-unlad pati na rin sa pakikipag kapwa. Di lamang sa eskwela nagsisimula ang pagkauto, sa bahay pa lamang ay minumulat na nang ating ina ang murang kaisipan. Si ina ang unang guro natin at sa kanya natin unang

natutunan ang ilang

bagay, ang pagkakaroon ng tamanag asal, pag-galang at ang pagkakaroon ng takot sa Diyos.

Habang lumalaon lumalawak ang ating mundong ginagalawan, mas nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay, kung dati’y isang musmos na nasa bahay lang, ngayon habang lumalaki aya lumalawak ang pag-iisip nagsisimula natayong makisalamuha sa ibang tao sa mas malawak at kumplikadong kapaligiran. Sa tulong n gating mga magulang binibigyan nila tayo ng edukasyon. Edukasyon na magsisilbing untungan natin upang makasabay at makaangat sa makamundong pamumuhay.

Edukasyon; sadyang kay lawak ng kahulugan. Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ay napaka-laking bagay upang umunlad ang isang tao sa larangan ng Agham at Teknolohiya. Sa makabagong paraan, marami sa atin ang naghahangad ng tagumpay sa buhay upang maging bantog at kilala sa buong daigdig. Kaya’t sila’y nag-aaral at naghahangad ng mas mataas na antas ng edukasyon. Lumilikha ang mga tao upang mabuhay, gamit ang mga

kaalaman na kanilang natutunan. Sila rin ay naglilingkod sa kapwa at sa kanilang bayan. Ito ang tao na nakikiangkop sa makabagong paraan ng agham at teknolohiya. Siya ang nagpapa-unlad ng daigdig. Hangarin niya ang umunlad ngayon, gamit ang edukasyong kanyang yaman at sandigan.

Sadyang kay laki ng papel ng edukasyon sa buhay ng tao, nagagawa nilang umunlad sa tulong nito. Sa panahon ngayon din a alintana ang kahirapan na siyang nagiging hadlang upang makapag-aral ang iba. Ayon kay Dr. signey N. Bemor, ang dapat gawing tuntungan ay kahirapan at kabiguan upang gisingin an gating potensyal na talino at kakayahan. Magkaroong lamang ng tiyaga at sipag ang isang tao, kahit ang mahinang ulo sa pagaarala ay magtatagumpay. Dapat lamang magkaroon siya ng ambisyong magtagumpay at maging matiyaga. Hindi lamang tayo sa paaralan natututo kundi pati na rin sa kahirapan at kabiguan sa buhay. Hindi lamang lamang kaalaman ang dapat matutunan sa pagkakaroon ng edukasyon sa halip ay matutong unawain ang ibat-ibang mukha ng buhay at magtiyaga sa tulong nito makakaya nating makasabay sa agos ng makabagong panahon.

Edukasyon; Isang Depinisyon Edukasyon? Ano nga ba ang edukasyon? Bakit nga ba ito kailanagan? Ano nga bang maaaring maging impluwensya nito sa buhay ng isang tao? Anong klase ng layunin meron ito at higit sa lahat ano nga bang kagandahang maidudulot nito kaya’t nasabing susi para sa tagumpay?

Saksi tayo sa pangaraw-araw nating gawain, mula sa maliit hanggang sa paglaki, saksi tayong ang edukasyon ay parte na ng ating buhay. Kasabay rin ng ating paglaki, lumalawak ang ating kaalaman at kaisipan sa tulong ng edukasyon. Marahil ay may malaki nga itong ginagampanan sa ating buhay, kasabay rin nito natututunan nating makihalubilo sa bawat kung sino mang makasama o makilala natin sa paaralan, kasama na riyan ang kapwa magaaral, kayo, aking mga kapwa mag-aaral, tila isang tunay ng kapatid o kapamilya ang turing ko sa inyo at ang guro naman bilang pangalwang magulang, marahil ay sa kadahilanang mas matagal ang inilalagi natin sa paaralan kaysa sa tahanan. Meron namang kasabihan sa ingles na “There is no Royal Road for education”. Wala raw natatanging daan tungo sa pagtuklas ng karunungan kundi pagsususnog ng kilay, kundi paghahasa ng utak at pagbubuklat ng mga libro, na syang tunay namang tama hindi ba? Wala rin daw gintong kutsarang magsusubo ng karunungan at tagumpay, tagumpay na magmumula sa karunungan at karunungan namang hatid ng edukasyon. Ngunit paano nga ba magkakaroon ng tagumpay na dapat kamtan kung wala namang karunungan? Kung wala namang edukasyon? Yan ang ilan lamang sa mga katanungan sa mga batang palaboy-laboy lamang sa lansangan, mga batang tila walang mga magulang, mga batang parang basta na lang pinatapon kung saan mang sulok ng lipunan. Ngayon ibase mo ang mga batang ito sa sitwasyon, sinong makapagsasabi ngayong walang magulang na walang kagustuhan sa kanilang mga anak kundi kabutihan, kundi magandang kinabukasan at magandang buhay? Kalokohan, sadyang tunay ngang kalokohan, dahil kung totoo ito bakit may mga batang gaya nila? Bakit ba

hindi magawa ng mga magulang nilang pagsumikapan silang maipasok sa paaralan ng sa gayon ay magkaroon naman sila wastong kaalaman at edukasyon, kaysa naman hayaan lamang nilang magpalaboy-laboy ang mga ito, magpalaboy-laboy hanggang sa mapariwara. Ano na lamang ang mangyayari sa kanila? Ano na lamang ang magiging buhay nila sa hinaharap, ang magiging kinabuksan nila? Ano na lamang ang tagumpay na makakamtan nila o ang mas masakit pang katanumgan ay may tagumpay pa kaya silang makakamtan? Masakit mang isipin, masakit mang tanggapin at lalong higit na mahirap man silang tawaging mang-mang pero ito ang katotohanan, katotohanang ito ang buhay na pinili ng kanilang mga magulang para sa kanila, katotohanang mga magulang mismo nila ang syang nag-aalis ng kani-kanilang dapat na makamtang tagumpay. Kaya’t tayo mga simpleng tao at mag-aaral, wala pa rin tayong kasiguraduhan sa pagahanap ng tunay na tagumpay, sa magandang kinabukasan at sa pag-abot ng ilang mga munting pangarap, ngunit hindi natin namamalayan merong nag-iisang munting sandatang maaari nating maging kaakibat sa paghanap ng tamang landas, landas namang magtutulay sa atin sa tagumpay at ang sandata ngang yaon ay ang edukasyon. Ano ka mang klase ng tao, minsan mang nadapa at nalugmok sa isang pagkakamali, nawalan man ng pag-asa sa buhay at naging alibugha, magagawa mo’t magagawang bumangon upang muling harapin ang tamang landas, maging bukas lamang ang isipan at magpatuloy lumaban sa pamamagitan ng edukasyon at muling hanapin ang liwanag ng nag-iintay na tagumpay.

ANG BATAYANG PRINSIPYO: Ang lahat ng bagay sa kalikasan ay nakabatay sa isang prinsipyo. Prinsipyo ng 'gravity', prinsipyo ng 'cause & effect', prinsipyo ng buhay at kamatayan, atbp., atbp. Kaya nga ba't minabuti kong simulan ang pagtalakay na ito sa paglalatag ng batayang prinsipyo ng edukasyon na nagpapa-inog sa aming gawain sa PHILCOMSCI at sa SibolSoft. Hinango ko ang prinsipyong ito kay G. Renato Constantino sa kanyang librong: "A PAST REVISITED". Ang kanyang wika: "Education is a vital weapon of a people striving for economic emancipation, political independence and cultural reinassance. And we are such a people... Philippine Education therefore must produce

Filipinos who are aware of their countries problems, who knows the basic solution/s to these problem, and who care enough and have the courage enough to work and sacrifice for their countries salvation." Ang kailangan natin ay isang edukasyong magpupundar ng mga Pilipinong gradweyt na may kamalayan at kamulatan sa mga suliraning, kinakaharap ng kanyang lipunan, may pagka-talos sa batayang solusyon hinggil sa mga problemang ito, at handang kumilos at magsakrispisyo kung kinakailangan

para

sa

ikasasalba

ng

kanyang

bayan.

ANG MGA UGAT NG SULIRANIN: Batay sa aking mabusising panana-liksik at pag-aaral ng kasaysayan ay aking natalos na ang mga kasalukuyang sulira-ning kinakaharap ng ating bayan ay naka-ugat ng napakalalim sa ating kasaysayan. Kailangan natin ng makabagong pananaw at panunumbalik sa ating nakaraan upang magkaroon tayo ng tanglaw sa madilim nating kasalukuyan. Halos lahat ng nagaganap sa kasalukuyan ay maaaring itugon at halungkatin sa nakaraan ang dahilan.

Isang napakabisang pamamaraan ito upang tunay nating mapagaralan kung ano ang nararapat na lunas sa ating mga suliranin. Halimbawa, ang suliranin ng ating bayan sa PANGUNGURAKOT. Isa itong napakalalang cancer na pumapatay sa himaymay ng ating lipunan, mula sa kataas-taasang pwesto hanggang sa pinakamaliit ay malabis na itong nagaganap sa

kasalukuyan.. KAGATAN ng KAGATAN, KURAKUTAN ng KURAKUTAN.

ATING UGATIN... ayon sa mga tala ng ating kasaysayan ay hindi natural na magnanakaw at kurakot ang ating mga ninuno. Sa katotohanan nga ay mga matapat sila at mapag-kawang-gawa, matulungin, mapag-pakumbaba at mapag-malasakit sa kabarangay (bayanihan). Ano ang naganap sa ating kasaysayan at ang mga matitinong ugaling ito ay nabasag at nalimot na ng kasalukuyang Pilipino???

1521 - Ang UNANG DAGOK sa ating lipunan. Simula ng dumating sa ating dalampasigan angmga Kastila, dala ang kanilang mas sulong na pamamaraan (politika, relihiyon, administrasyon, ekonomiya, sandata...) ay nasadlak na ang ating mga ninuno (ito ang unang ugat... tayo ang naging bunga) sa lipunang wala man lamang silang kapasidad na unawain. Naging sunud-sunuran sila dala ng takot, sa mga pamamaraan ng Kastila. Isa na dito ang sistemang 'encomienda' na pinag-ugatan ng pangungurakot at pagkainggit ng KATUTUBONG NINUNO natin. Sa sistemang 'encomienda' ay ginamit ng Kastila ang mga pinuno (village chiefs) ng mga nasakop na baranggay upang mangalaga at mangasiwa sa mga bagong alipin. Syempre may kaakibat itong biyaya sa mga village chiefs na ito. Dito na nagsimula ang 'exploitation' o panglalamang... ang inggitan (dahil nakatingala na ang lahat sa kung sino ang mas malapit at mabibiyayaan ng Kastila)... at kung anu-ano pang masasamang ugali ng Pilipino.

Nagsimulang mag-kapera at magka-impluwensya ang mga village chiefs na ito na nang lumaon ay tinawag na cabeza de barangay, principalia, kung saan sumulpot ang mga illustrado. Isangkot pa sa kanila ANG MGA INTSIK (Ang Ikalawang Dagok) na simula't sapol ay siyanganay sa ating hikahos, primitibo naghihingalong ekonomiya.Dahil sa mas sulong nilang kasanayan sa pakikipag-kalakalan ay napanghimasukan nila at napangibabawan ang primitibong ekonomiya ng katutubo sa pamamagitan ng pagdadala (importation) ng mga produkto nila mula sa Tsina, pagbebenta nito sa mamamayan, maging sa mga Kastila. Dahil na din sa maling pamamaraan ng mga Kastila ay hindi naging produktibo sa larangan ng pagbuo at pag-imbento ang mga katutubo... kalimitan nga ay alilang kanin lamang sila. Simula noon hanggang sa ngayon ay Intsik ang nagmamay-ari ng pinakamaseselang industriya sa ating bansa. Sila ang nagdidirehe o nag-didikta ng mga bagay-bagay sa ating bayan.

1901 - Ang MGA KANO: Ikatlong Dagok. Tuluyang nalusaw ang anumang katinuang natitira sa isipan ng mga katutubo (na kung tawagin na ngayon ay Pilipino) simula ng bilhin tayo ni Uncle Sam mula kay Padre Damaso. Dala ang sarili nilang konsepto ng demokrasya, sigarilyo, tsokolate, sardinas, kendi, sinimulan ng mga Amerikanong sakay ng USS Thomas ang pagbibigay ng "Edukasyon Para Sa Isang Matapat na Alipin" sa mga walang kamalay-malay na Pilipino. Bukas-palad silang tinanggap ng mga labi

ng sistemang Kastila, ang mga Illustrado. Tuwang-tuwang tinanggap nila ang bagong papel bilang tagasunod ng Kanluraning Sistema (hook, line, sinker).

Sa loob ng mahigit 30 taon ay sinanay ng bagong AMO ang kaniyang mga alipores sa MAKABAGONG pama- maraan ng pagsunod. Kalakip ng masasamang impluwensya (na kung tawagin ngayon ay kultura) ng Kastila, relihiyon, korupsyon, "vertical deve -lopment", sistema ng padrino, atbp., ay dinagdagan pa ng nakakabaliw at di pa naiintindihang ideya ng liberalismo, pederalismo, kapitalismo, at kung ano ano pang ismo ang nalabusaw ng isip ng Pilipino. Sa pamamagitan ng "PENSIO- NADO SYSTEM" na ipinatupad ng mga Amerikano ay nagkumahog ang mga iskolar daw ng bayan na mag-aral pa sa mga unibersidad ng Amerika upang pag-uwi nila sa Pilipinas (na taglay na ang tunay na kaisipang Kano) ay sila ang maging mga "MOOG", ng bagong sistema ng PANG-AALIPIN.

Sa ganitong balangkas ay malinaw na ang tanging paraan lamang upang tayo ay umusad patungong kaunlaran ( horizontal development at hindi vertical ) ay sa pamamagitan ng TUNAY NA EDUKASYONG kalakip ang wastong pagtanaw sa ating kasaysayan. Edukasyong may malinaw na patutunguhan at pangangailangan sa ating komunidad. Hindi iyong peke o 'cosmetic' at inimbento lang ang sinasabing 'demand' daw. Ikinondisyon ng kasalukuyang sistema ng ating edukasyon

Mga Isyung pang Edukasyon ANG PAGIGPAW SA MGA PROBLEMA SA PAGTUTURO AT PAGGAMIT NG FILIPINO

M

ahigpit naming tinututulan ang isang peligrosong panukala na muling niluto at ihahain ng Kongreso laban sa wikang Filipino. Kinonsolida nitong Setyembre 14, 2005 ng Committee on Basic

Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education ng Kongreso sa iisang panukalang batas ang kampanya upang tuluyang maipatupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa batayan at mataas na antas ng edukasyon. Ito ang “English as the Medium of

Instruction Act” o ang House Bill 4701. Papel na binasa sa The 9th Philippine Linguistics Congress na ginanap sa Science and Technology Training Center at Nat. Inst. of Science and Mathematics Education Dvelopment , UP Diliman, Q.C. noong Enero 2527, 2006. Ang ilang bahagi ay mula sa papel na binasa sa SeminarWorkshop tungkol sa "Proactive Responses to Language Issues in Philippine Education and Development" sa pagtataguyod ng Institute of Language and Culture, Kalayaaan College na ginanap sa U.P. College Cebu noong Oktubre 2728, 2005. Nakatulong nang malaki sa pagbuo ng papel na ito sina Marita C. Pimentel, University Extension Specialist ng Sentro

ng Wikang Filipino U.P. – Diliman at Florentino A. Iniego, Jr., Instruktor,Departamento ng Filipino at Panitikan ng PilipinasKolehiyo ng Arte at LiteraturaU. P. Diliman. 2 Ang House Bill 4701 ay konsolidasyon ng apat pang panukalang batas na nakahain sa Kongreso laban sa wikang Filipino. Ito ang mga sumusunod: 1) An Act Providing for the Use of English As A Medium of Instruction in Philippine Schools (HB 676), 2) An Act Providing for the Use of Basic English as the Medium of Instruction in Preschool,

Dahil dito higit pang pinagbuklod at pinalakas ng HB 4701 ang atake

sa wikang Filipino. Ipinaguutos nito ang sapilitang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas, sa lahat ng sabjek (maliban sa Filipino), at sa lahat ng oras sa bawat sulok ng paaralan simula sa akademikong taon 20072008. Saklaw nito ang reschool, elementarya, hayiskul, at kolehiyo; at maging sa mga teknikal at bokasyonal na kurso. Nakalakip din sa panukala ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng mga eksaminasyon para sa admisyon, akreditasyon at akselerasyon ng mga paaralan.

Ang HB 4701 ay supling ng dalawang naunang hakbangin upang puksain ang wikang Filipino. Una na rito ang HB 1652 nina Kongresman Jose R. Gullas at Edgardo R. Gullas na naglalayong gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas simula unang baitang. Sinundan ito ng atas ni Pangulong Gloria M. Arroyo, ang Executive Order 210 na naglalayong palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo.

Kapag naisabatas ang HB 4701, ipawawalangbisa nito ang Patakarang Bilingguwal ng 1987 na naglalayong pahusayin ang kasanayan sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito at sa paggamit ng mga ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.

Bukod sa pagtutol, dapat labanan at biguin ang HB 4701. Dahil una, ito ay sukdulang paglabag at pagbaluktot ng probisyon sa wika ng Konstitusyon 1987. Ayon sa Artikulo 14 Seksiyon 6: “Sangayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano ang nararapat ayon sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.” Ngunit sa HB 4701, sa halip na ipagpatuloy ang nasimulan, winawakasan at pupuksain nito ang wikang Filipino.

Ikalawa, binabalewala nito ang mga pagaaral ukol sa siyentipikong batayan ng pagkatuto ng mga magaaral. Pinatutunayan ng mga pananaliksik sa bansa at karanasan sa pandaigdigang pagsusulit (EDCOM Report 1998; Third International Math and Science StudyTIMSS) na mas mabisa at mabilis matuto ang bata ng pangalawang wika kung matatag ang pundasyon niya sa unang wika. At kasunod nito, mas madaling matutuhan ng magaaral ang iba pang aralin kapag itinuro ang mga ito gamit ang wikang alam niya. Sa madaling salita, dapat patatagin muna ang kasanayan ng magaaral sa

akademikong paggamit ng kanyang unang wika (wikang bernakular o Filipino) bago ituro ang pangalawang wika (Ingles).

At ikatlo, inililibing nito sa limot ang makasaysayang pagpupunyagi ng mga makabayang Filipino mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L. Quezon at sa mga delegadong masikhay na nagratipika ng mga probisyon sa Konstitusyon 1987 sa pagtatanghal ng wikang pambansa. Ang pagbabalik ng Ingles bilang midyum ng Elementary and High Schools and Prescribing the Teaching in Specialized English in Tertiary Levels of the Philippine Educational System (HB 2846), 3) An Act Providing for the Adoption of a New Bilingual Program in Philippine Schools and the Use of English As Medium of Instruction (HB 2894), at 4) An Act Prescribing English As the Medium of Instruction in All Curricular Subjects, Except in Filipino Language Subjects, in All Public Elementary and Secondary Schools (HB 3203). 9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006) Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines

2 Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino

pagtuturo ay isang malinaw na pagpapawalanghalaga sa dunong, pawis, panahon, at salaping isinakripisyo alangalang sa tagumpay ng wikang Filipino.

Binibigyangdiin ng mga Kongresman at mismong ni Pangulong Arroyo na kailangang

gawing

obligatoryo

ang

Ingles

upang

maging

“globally

competitive” at mapataas ang “English comprehension" ng mga Filipino.

Ngunit sa likod ng mga retorikang ito ng globalisasyon, ang kampanya sa Ingles ay lumilikha ng mga “world class citizen” na mapabibilang lamang sa hukbo ng domestic helpers, callcenter operators, mga guro, mga nars at doktor, at iba pang propesyonal na lumalabas ng bansa. Sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang ekonomiya, siyensiya, at negosyo upang lumikha ng oportunidad sa lokal na trabaho, ang pagtatamo ng “English proficiency” ay nakatuon sa paglilingkod sa kapakanan ng dayuhan. Hindi Ingles ang solusyon sa problema ng bayan. Matagal na nating ginagamit ang wikang ito ngunit nananatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Ang tunay na solusyon ay ang pagkakaroon ng isang gobyernong may matatag na kapasiyahang politikal upang iwaksi ang politika ng pakikipagkompromiso, pandaraya, at paninikluhod sa dayuhan. Isang gobyernong may makabansa, siyentipiko, at demokratikong programa sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon.

Sa halip na gumawa ng paraan upang itaguyod ang pambansang wika, muling hinahati at pinagwawatakwatak ng administrasyong Arroyo ang sambayanan. Inilalayo nito ang bukal at batis ng mabunying kaalaman na makakamit sa paggamit ng kanyang sariling wika tungo sa landas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran.

Dapat nating paigtingin ang pagkakaisa upang paghandaan ang nagbabantang unos sa wikang Filipino. Iisa lamang ang direksiyon na tinatahak ng HB 1652, EO 210, at HB 4701: ang pagbabago ng Konstitusyon o

ang charter change. Kaya’t hindi nakapagtatakang ang mga isponsor ng mga panukalang batas at atas laban sa wikang Filipino ang siyang ring mangunguna sa pagwawasiwas ng tabak upang tuluyan nang pugutan ng ulo ang wikang Filipino sa Konstitusyon.

Bilang mga edukador, mananaliksik, magaaral, at mamamayang nagmamahal sa wika, kultura, kasaysayan, at identidad ng Filipino kailangan nating magsamasama hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa lansangan upang lumahok sa malawakang pakikibaka ng sambayanan. Ang atake sa wikang Filipino ay atake sa ating pagkabansa. Atake ito sa kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng sambayanan. Kapag minamaliit at ipinagkakait ang wikang Filipino sa mamamayan, para na ring kinitil ang kanilang karapatan na mabuhay ng malaya, marangal, at matalinong ipagmalaki ang kanilang pagkaFilipino.

Ang Wikang Filipino sa Lipunan at Kasaysayan Sa napakararami na nating babasahin, mga kumperensya, seminar at talakayan tungkol sa wika at wikang pambansa, malinaw at hindi mapapasubalian ang napakahalagang papel

na

ginagampanan

ng

wika

sa

pagbubuo,

pagpapanatili

at

pagpapaunlad ng isang lipunan. Sa mismo nating kasaysayan ay makikita kung papaanong kaagapay ang wika sa bawat hakbang ng bawat bayan patungong pagkabansa. Ipinahayag nga nina Constantino at mga kasama:

Ang kilusang pangwika na nagtataguyod sa wikang katutubo o bernakular na wikang opisyal at/o wikang pambansa at bilang wikang panturo ay supling ng kilusang makabayan. (Constantino, p. 136) Kasaysayan na rin ang nagpatunay kung paanong ang wika ay naging instrumento ng kolonisasyon ng kaisipan. Hindi itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika sa atin upang panatiliin ang pagkakahati ng kapuluan ng Pilipinas at pagharian ang malaking bahagi nito. Naging mahalaga rin ang papel ng wika sa pagdating ng mga Amerikanong kolonisador. Kaiba sa naging kalakaran ng Espanyol, naging aktibo at agresibo naman sila ang pagpapalaganap ng wikang Ingles sa mga katutubo. Susi ang wika di lamang sa pagpapalaganap ng bagong kultura, kundi ito rin ang paraan upang makontrol ang kaisipan at pamamaraan ng pagiisip ng mga nasasakupan.

Ang kamalayan sa kasaysayan at pagpapahalaga sa isang wikang nagbubuklod sa bansa ang siyang nagtulak sa ating mga bayani at martir upang ipaglaban ang pagtatanghal ng wikang pambansa. Walang duda na nagbunga ang mga pagsisikap na ito. Nakatadhana sa ating Konstitusyon 1987 ang mahahalagang probisyon ukol sa wikang Filipino.

Pagigpaw sa Ilang Problema ng Pagtuturo at Paggamit ng Wika

Mahalagang makita pa natin kung anuano ang maaaring maging mga problema sa pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino.

Una, ang problema sa loob ng klasrum kung saan nagaganap ang pinakamayamang karanasan ng paggamit ng wikang Filipino. Posibleng sumulpot ang mga problema sa mismong atityud ng guro kaugnay sa pagtanggap ng wikang Filipino bilang midyum ng kanilang instruksyon. Maaari din na naroroon nga ang positibong atityud subalit may kakapusan naman sa kasanayan sa paggamit nito. Tunay na seryosong problema ito sapagkat hinahamon nito ang pangaraw araw na pagharap ng guro sa kanyang mga magaaral, kaalinsabay ng kakapusan sa mga gamit panturo na mahalaga upang mapalakas at mapaunlad ang paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa partikular na asignatura kundi maging iba pang asignatura.

Ang ikalawang antas na maaaring pagmulan ng problema ay ang kaligiran ng pagtuturo. Kasama dito ang buong paaralan at ang komunidad ng pagtuturo. Dito masasalamin kung ano ba ang ibinibigay na suporta ng

paaralan kaugnay sa paggamit ng wikang Filipinohalimbawa ay ang pagbibigay prioridad sa pagbili ng aklat at iba pang gamit panturo, ang pagkakataon para sa pagsasanay ng mga guro at maging ang mismong prinsipyong pinaninindigan ng paaralan kaugnay sa paggamit ng wikang Filipino.

Paano tayo makakaigpaw sa mga problema ng pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino? Sa kanyang artikulong Overcoming Common Problems Related to CommunicativeMethodology,

binanggit

ni

Stephen

Ryan

ang

ilang

mahahalagang isyu na dapat pansinin sa pagtuturo ng wika. Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Provide adequate feedback 2. Clarify goals 3. Have consistency in teaching style 4. Lessons need a routine or framework 5. Have cultural awareness

Mahalaga aniya na ang mga magaaralay mabigyan ng tuloytuloy at sapat nafeedbacking sa kanilang paggamit at pagkatuto sa wika. Ito ang nagsisilbing motibasyon sa kanila sa arawaraw na pakikibahagi. Para sa mga guro, mahalaga na malinaw sa mga magaaral ang layunin hindi lamang ng pagaaral kundi ang mismong layunin sa paggamit ng kung anong wika sa

pagaaral. Sa ating konteksto, mahalagang maipaabot nang malinaw sa mga magaaral bakit ang wikang Filipino ang ating ginagamit bilang daluyan ng pagkatuto.

Sa pamamaraan ng pagtuturo, mahalaga ang pagiging konsistent sa ating estilo. Ito ang nagbibigay sa ating mga magaaral ng pokus sa pagkakaroon ng mastery o kasanayan sa paggamit ng wika. Makakatulong ang pagbibigay natin ng oportunidad sa kanila na mahasa hindi lamang sa kasanayan sa pagsasalita kundi maging sa pagsusulat. Maaari tayong maglaan ng oras para sa malayang talakayan sa mga paksang sila mismo ang pumili upang magkaroon sila ng interes at kumpyansa sa paggamit sa sariling wika.

Sapagkat ang wika ay salamin ng kultura, mahalaga na maging maalam at mulat ang mga guro sa iba’t ibang konteksto ng mga kultura. Sa ating bansa, malinaw sa atin ang ilang pagkakaiba sa ating mga kagawian, bagamat

hindi

nagkakalayo

sa

mga

paniniwala

at

paninindigan.

Makakatulong nang malaki kung ang guro ay magkaroon ng kasanayan sa pagsasakonteksto ng wika sa maaaring pinagmumulan nitong kultura (i.e. Manang at Manong sa salitang mula sa Iloko, Inday mula sa Bisaya). Sa ganito ay mas mapalalawak ang pagkaunawa at pagkilala ng mga magaaral sa kayamanan ng mismong wika na produkto ng kanyang bayan.

Upang makatotohanan ang implementasyon ng Palisi sa Wika, kailangan may mga paraan na maisali ang daghang sektor sa Kabisayaan. Ang mga salita at mga konseptong Bisaya ay maipapasok lamang sa Filipino kung ito ay sasadyain ng mga Bisaya. Upang madali ang pagsanyog ng Filipino at mapayaman ng mga salita ang mga konseptong Bisaya, dapat umpisahan na ang pagkoleksyon ng mga salita at mga konseptong ito. Kailangan ang isang glosari. (Deriada, p. 321)

Dagdag pa niya: .....Ang mga salita, termino o konsepto galing sa mga wikang rehiyonal ay dapat ipasok sa pambansang wika dahil ang mga ito ay may natatanging kontribusyon. Dala ng isang salita ang natatanging gahum, isang natatanging magic dahil ang isang salita ay ekspresyon ng isang paningin sa buhay at sa kalibutan. Pabayaan nating bahagi ng wikang pambansa ang buang, bugoy, kawatan at iba pang salitang nakakainsulto pero, sadyain nating ipasok ang mga salaitang salamin ng pinakamagaling, pinakahalina, pinakamaayo, pinakamatahum sa kultura ng mga Bisaya. Dapat bahagi ng pambansang lingua franca ang mga salitang ito: damgo, pangamuyu, palangga, kalipay, higala, kaanyag, paglaum, kasingkasing, gugma. (Deriada, p. 315316)

Ang

ikatlong

antas

na

pinagmumulan

ng

problema

ay

ang

pinakamalapit na kaligiran ng klasrum at ito ay ang paaralan/unibersidad/ kolehiyo at ang komunidad.

Ang wika ay repleksyon ng paniniwala ng mga indibidwal, grupo, at samahan sa isang kaligiran. Sa loob at labas ng klasrum, hinahabi ng wika ang anumang relasyong nabubuo o nabubuwag sa loob ng pamayanan. Nakabaon sa wika ang mga negatibong paniniwalang nagpapanatili at nagkukunsinti sa diskriminasyon sa kapwa. Nariyan ang usapin ng salimuot ng Filipino sa wika ng rehiyon, ang politika ng rehiyon o ng pamayanan kaugnay ng wikang Filipino at iba pa.

Malay man o di malay, sinumang may kontrol sa wika at sa institusyong dinadaluyan nito ay may kakayahang impluwensyahan ang politikal na proseso at kapasyahan sa saklaw nito. Ang wika ay daluyan ng kapangyarihan.

Sa

pagsasakapangyarihan

kabilang

banda,

(empowerment)

ito ng

ay

sandata

mamamayan.

At

rin

sa

susi

ang

paggamit ng sariling wika sa isang partikular na kaligiran upang matamo ang pagkakaisa at tagumpay ng anumang hakbangin o programang pangwika.

Kung gayon, mahalaga na ang mismong mga institusyong lokal, mula sa paaralan hanggang sa pamayanan ay magkaroon ng masinsinang

pagtanaw sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino. Magiging madali para sa mga guro na nasa larangan kung ang kanyang malapit na kaligiran ay sumusuporta sa kanyang pagsisikap na mapaunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa kanyang pagtuturo.

Ang paaralan, at iba pang mga paaralan sa lugar ay maaaring magkaroon ng mga pormasyong makakatulong sa pagsisinsin ng kanilang mga inisyatibo tungo sa paglutas ng mga problema sa paggamit ng wikang Filipino. Ang mga departamento ng Filipino at iba pang disiplinang malaki ang kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino ay maaaring maglunsad ng iba’t ibang aktibidad kaagapay ang lokal na pamahalaan upang mapalawig ang saklaw ng pagpapaunlad ng wikang Filipino sa kanilang pamayanan o lokalidad. Hindi kailangang matali lamang sa panahon ng Agosto o buwan ng wika ang paggunita sa ating mga gawain sa wikang Filipino. Ang datos ng ating pangarawaraw na pakikipagbuno sa loob ng klasrum ay magtutulak sa atin

upang

bumuo

ng

mas

mayamang

kalipunan

ng

mga

ideyang

magpapatuloy ng buhay na inisyatibo sa paggamit ng wikang Filipino.

Ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ng U.P. Diliman

Ang SWF ay itinatag upang manguna sa pagsasakatuparan ng Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas at sa gayon ay "upang pagyamanin at paunlarin pa ang Filipino bilang wika sa pagtuturo, mga talakayang akademiko at pananaliksik. "

Ang Pangkalahatang Layunin ng SWF ay ang mga sumusunod:

1. Magsagawa at manghikayat ng mga pananaliksik tungkol sa elaborasyon ng mga function ng Filipino,lalo bilang midyum ng pagtuturo at bilang opisyal na wika; 2. Maghanda at maglathala, o tumulong sa paghahanda o paglalathala ng gramar at mga diksyonaryo ng Filipino at iba pang wika sa Filipinas; 3. Magsagawa at manghikayat ng mga pananaliksik na may kinalaman sa pagpapayaman ng Filipino batay sa mga wika sa Filipinas; 4. Magsagawa at manghikayat ng mga pananaliksik sa mga wika sa Filipinas upang matiyak ang papel ng mga ito at kontribusyon sa pagunlad at pagpapayaman ng Filipino; 5. Bumuo ng mga patakaran at pamantayan para sa estandardisasyon ng Filipino; 6. Magsagawa ng mga survey sa paggamit at pagtanggap sa Filipino sa lahat ng bahagi ng Filipinas at sa lahat ng sektor ng lipunan; 7. Magtatag at magpanatili ng sapat na aklatan ng Filipino, mga wika sa Filipinas, at mga pambansang wika ng ibang bansa; 8. magsilbing clearing house ng mga pananaliksik at iba pang gawaing may

kinalaman sa Filipino at mga pambansang wika ng ibang bansa; 9. maglathala ng newsletter at journal ng Filipino.

Bibliography www.pdfcoke.com www.yahoo.com

www.e2kphilippines.blogspot.com blog.kapenilattex.com/category/edukasyon

wika.pbwiki.com www.rockedphilippines.org/schools_bagong_rebolusyon.html

Konklusyon Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na di masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay mahalaga ngunit hindi lahat ng mga tao ay nakatapos o nakapag-aral. Isa sa pinakapangunahing dahilan ng mga hindi nakakatapos ay hirap sa buhay. 6 out of 10 ay umaabot ng highschool at 4 out of 10 estudyante naman ay nakakaabot ng college. Hindi kataka-taka kung bakit talagang marami ang hindi nakakapag-aral. Ang iba naman ay nag-dodrop-out. isa sa dahilan nito ay malnutrition. Mayroong feeding program para sa mga mag-aaral na malnutrition pero hindi lahat ng malnutrition o underweight ay kasali dito. Hindi lahat ng paaralan ay maayos. ang iba ay kulang- kulang sa gamit. Ang iba naman ay walang mga upuan at

kulang sa lamesa. Kung iisipin mo ang sitwasyon mo, malamang mas swerte ka sa kanila. Ang mga paaralan ay kulang sa guro. Ang iba estudyante na lang ang nagtuturo, bilang pamalit sa mga kulang na guro. Kahirapan ang isang hadlang sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon, dapat lamang magkaroon siya ng ambisyong magtagumpay at maging matiyaga. Hindi lamang tayo sa paaralan natututo kundi pati na rin sa kahirapan at kabiguan sa buhay. Hindi lamang lamang kaalaman ang dapat matutunan sa pagkakaroon ng edukasyon sa halip ay matutong unawain ang ibat-ibang mukha ng buhay at magtiyaga sa tulong nito makakaya nating makasabay sa agos ng makabagong panahon.

Talaan ng Nilalaman Introduction Edukasyon; Isang Depinisyon Ang Batayang Prinsipyo

Mga Ugat Ng Suliranin Mga Isyung Pang-Edukasyon Konklusyon Bibliography

Related Documents

Lester 17
April 2020 7
Lester Hale
May 2020 4
Lester Complaint
April 2020 4
Lester Resume
July 2020 3