Lessonplansinaunangtao.docx

  • Uploaded by: Rhaylyn Montecalvo
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Lessonplansinaunangtao.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,814
  • Pages: 9
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNANIKA-8 BAITANG I.

Layunin:

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang maipapamalas ang mga sumusunod : 1. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon. 2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng mga unang tao. 3 . Nakahahanap ng kagandahan sa pag alam ng mga pamumuhay noong unang panahon. II.

Paksang Aralin A. Paksa:”Pamumuhay ng mga tao sa daigdig” B. Konsepto: Panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao (Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko, at Panahon ng Metal) C. Integrasyon Sa Iba Pang Asignatura: Antropolohiya D. Pagpapahalaga: pakiki – angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan E. Kagamitan: - cartolina - maliit na sanga - plastic - mga dahon - bato - pentel pen F. Sanggunian: Book Reference: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007). “Kasaysayan ng Daigdig”. JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.

III.

Pamamaraan Gawain ng Guro A. Pang – araw – araw na Gawain (Panalangin) Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

Gawain ng Mag – aaral

(Pinangunahan ng nakatalang estudyante sa araw na iyon ang panalangin) Magandang Umaga din po guro.

Magandang Umaga sa ating lahat. Maari na kayong umupo. (Pagtatala ng liban sa klase) Sinu – sino ang lumiban? Salamat at kumpleto ang lahat.

Wala po.

Bago natin simulan ang lahat, pulutin ang mga kalat na nasa ilalim, tapat, likod at gilid ng inyong upuan. Huwag ilagay sa bag ng kaklase kindi itago niyo sa mga bag niyo. B. Balik Aral

(Nagpulot ng mga aklat at umayos ng upo).

Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga sinaunang tao at ang mga paniniwalang pinagmulan nila. Ilahad mo nga sa klase ang iyong natatandaan sa araling iyon. (Tumawag ng isang mag – aaral)

May tatlong paniniwalang pinagmulan ng tao. Una, ang paniniwala mula sa mitolohiya tulas ng Alamat ni Malakas at Maganda. Ikalawa naman ay ang paniniwalang panrelihiyon kung saan si Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At ang huli ay paniniwala mula sa siyensya na kung saan ang tao ay nagmula sa unggoy.

Tama ba siya klase? Magaling. Karagdagan? (Tumawag muli ng isa pang mag – aaral)

Opo Ayon sa teoryang Ebolusyon ng Tao ni Charles Darwin, ang tao daw ay nagmula sa iisang ninuno na dumami at naging iba’t ibang specie na ang tanging matibay at malakas ang siyang mag – eevolve sa pamamagitan ng “natural selection”.

Mahusay. Meron pa ba? (Tumawag mula sa mga nakataas ang kamay)

Meron pa po. Ayon sa mga eksperto, ang tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ay ang specie ng “Austrolapethicus” at specie ng mga “Homo” kung saan kabilang ang Homo Habilis, Homo Erectus, at Homo Sapiens.

Ekselente. May nais pa ba kayong idagdag klase? Mga katanungan o nais linawin sa araling tinalakay? Kung wala na ay tutungo na tayo sa gawain natin ngayon bago natin pormal na buksan ang susunod na aralin. C. Pagganyak/Motibasyon

Wala na po.

Ngayon, bago natin simulant ang ating talakayan meron akong inihandang aktibiti na maari niyong malaman kung tungkol saan ang ating aralin ngayong araw na ito. Handa na ba kayo klase? Opo titser. Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon magbilang na tayo ng isa hanggang tatlo at pagkatapos ay igrupo na ang inyong mga sarili. Ngayong naka grupo na kayo, bibiyan ko ang (Mabibilang 1,2,3) bawat grupo ng isang plastic bag na naglalaman ng iba’t ibang bagay na gagamitin niyo upang makagawa ng isang bahay sa loob lamang ng 7 minuto. Pwede po ba kaming gumamit ng ibang bagay bukod sa laman ng plastic? Hindi pwede. Uulitin ko ang gagamitin niyo lamang sa paggawa ng inyong bahay ay yun lamang nasa plastic na ibibigay ko. Malinaw na ba klase? Nakatapos na ba ang lahat? Mamili ng isang Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang representative para ipaliwanag ang inyong kanilang bahay)

nagawang bahay at ilahad ang mga kagamitang inyong nagamit. Mauna na ang unang grupo. Ito po ang aming munting bahay nagtulong – tulong kaming lahat sa paggawa nito, nagplano po muna kami pagkatapos ay ginawa na naming hanggang sa huli ay nilagyan naman naming ng disenyo. Ang ginamit namin ay mga bato, sanga ng mga halaman at ang mga dahon nito.

Magaling unang pangkat. Sumunod naman na Ito naman yung nagawa naming bahay na grupo. mula sa mga makikinis na bato, clay at ilang matitigas na papel.

Mahusay group 2. Ngayon ang huling pangkat. Ipakita sa buong klase ang inyong nagawang Halos lahat ng materyales ay aming nagamit at bahay. napag – isipan din naming maayos kung paano naming ito gagamitin. Kung titingnan ang mga nagamit naming ay maliit na pawid, mga sanga, tali o pisi, stick, at mga hibla – hibla. Dahil na rin sa mga materyales na ito ay naging matibay ang aming bahay.

Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita niyo na mayroong iba’t – ibang bahay ang nagawa gamit ang mga materyales na aking binigay sa bawat grupo. Natuwa ako sa mga nagawa niyo, nagamit niyo nang maayos ang mga materyales na ibigay (Tuwang – tuwang pinapalakpakan ang mga ko sa inyo. Dahil diyan palakpakan niyo ang sarili) inyong mga sarili.

D. Paglunsad ng Aralin Ngayon naman matutunan natinang isang bagong aralin. Sa aralin nating ito, matutukoy natin ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga unang tao sa iba’t ibang panahon. Handa na ba kayo sa bagong aralin natin ngayon?

Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga sa pisara ang mga ginamit na materyales sa paggawa ninyo ng bahay. (Tumawag ng ilang mag – aaral upang magsulat sa pisara)

Opo, kami ay handa na. (Umupo ng maayos)

(Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang kagamitan sa paggawa ng bahay) -bato -sanga ng mga halaman -dahon -makikinis na bato -clay -ilang matitigas na papel -maliliit na pawid

-tali o pisi -stick -mga hibla – hibla Anong mapapansin niyo sa mga nakatalang materyales sa pisara? (Tumawag ng isang mag – aaral)

Lahat ng mga nakatala ay madaling Makita at makuha sa ating paligid.

Tama ba ang kanyang sagot klase? Tama. Lahat ng mga bagay na iyan ay makukuha natin sa sting paligid. Sa tingin niyo, kung nabubuhay kayo noong sinaunang panahon, magagamit niyo rin ba ang mga materyales na iyan? Bakit?

Opo.

Paano kung iyan lang ang mga gamit na mayroon kayo? Walang mga gadgets na mayroon kayo ngayon. Mabubuhay kaya kayo? Bakit Oo? (Tumawag ng isang mag – aaral)

Opo, mabubuhay po dahil noong unang panahon hindi naman po kinakailangan ang mga gadgets para mabuhay sila halimbawa na lang ang pagkuha nila ng pagkain, manghuhuli sila ng hayop gamit ang sibat upang may makain sila.

Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay mayroon na noong unang panahon. Hindi po. Hindi po kami mabubuhay kasi po wala kaming gadgets na kailangan namin.

Salamat sa inyong mga opinion. Kung nakagawa kayo ng bahay mula sa mga materyales na binigay lang sa inyo, ganun din ang mga sinaunang tao. Ginamit nila ang mga makikita nila sa kanilang paligid na possible nilang magamit. Ang pamumuhay ng sinaunang tao ay nahahati sa tatlong panahon. Magbigay ng isa. (Tumawag ng mag - aaral)

Panahong Paleolitiko

Magaling. Ano pa? (Tumawag muli ng isa pang mag - aaral)

Panahong Neolitiko

Mahusay. At ang huli? (Tumawag ng isa pang mag – aaral)

Panahon ng Metal

Magaling. Panahong Paleolitiko ang unang panahon. Anong mayroon noong panahon ng Paleolitiko? (Tumawag ng isang estudyante).

Tama ba siya klase? Magaling. Karagdagan? (Tumawag ng isang mag - aaral).

Noong unang panahon, mga 2.5 milyong taon na ang nakakaraan, ditto nagsimula ang PANAHONG PALEOLITIKO. Tinatawag din itong “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age)

Opo. Ang panahong paleolitiko ay nagmula sa salitang Griyego na “Paleos” na nangangahulugang matanda o luma, at “lithos” na nangangahulugang bato. Ito ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Tama. Anong uri ng kagamitan ang meron sila? (Tumawag ng isang mag – aaral)

Magaling. Meron silang mga magagaspang na kagamitan. Paano naman sila kumukuha ng kanilang pagkain? (Tumawag ng mag – aaral)

Tama. Sama – sama sila sa paghahanap nila ng kanilang makakain. Nananatili ba sila sa iisang lugar? Bakit? (Tumawag ng isang estudyante)

Magaling. Tinatawag din silang mga nomadiko dahil sila ay lagalag o hindi sila nananatili sa kanilang mga lugar. Kanina sinabi niyo na magagaspang na bato ang gamit ng mga sinaunang tao ng panahong ito, tama ba? Saan naman kaya nila ito ginagamit? (Tumawag ng isang mag - aaral).

Tama. Ito naman ang panahon na gumagamit sila magagaspang na bato bilang sandata. Dito din sa panahong ito natuklasan ng mga sinaunang tao ang apoy. Ano naman ang sumunod na panahon? (Tumawag ng isang mag - aaral).

Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga tao sa panahon ito.

Pulong – pulotong sila sa paghahanap ng mga pagkaing kinakalap nila mula sa kapaligiran maging sa paghuli ng mga galang hayop.

Hindi po. Lagalag sila at palipat – lipat ng tahanan subalit panandaliang nananatili sa mga yungib at malaking punong kahoy para makaiwas sa mga mababangis na hayop at ilan pang mga panganib na nagbabanta.

Opo. Ginagamit nila itong mga sandata para manghuli ng mga maiilap na hayop sa ilang, panghiwa ng karne, pamputol ng kahoy, at maging sa pagkuha ng iba pang halaman.

Ang sumunod po ay ang panahong neolitiko.

Tama. Paano naman kaya namumuhay ang sinaunang tao sa panahong ito? (Tumawag ng isang estudyante).

Sa panahong ito, natutunan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim at ang mga kasangkapan nila ay yari na sa mga makikinis na bato.

Magaling. Kung sa panahon ng paleolitiko, ang mga sinaunang tao ay nangangalap ng pagkain at nanghuhuli ng hayop, dito naman sa panahon ng neolitiko natutunan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim at umunlad din ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ano naman kaya ang kanilang mga itinatanim? (Tumawag ng isang estudyante)

Nagtatanim sila ng mga butil, buto ng prutas, gulay at iba pang halaman.

Ganun na nga. Ano pa kaya ang mga ginagawa nila noong panahong ito? (Tumawag ng isang estudyante)

Nagawa din nilang magpaamo ng hayop na nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga gawain at pagbubungkal ng lupa.

Magaling. Hindi lamang pagtatanim, natuto din sila mag – alaga ng hayop. Hindi lang nila ito hinuhui at kakainin bagkus inaalagaan pa. Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila ng panahong ito? (Tumawag ng isang estudyante)

Tama. Sa panahong ito ba, nanatili na sila sa kanilang lugar? (Tumawag ng isang estudyante).

Nakagawa din sila ng palayok mula sa luwad na ginagamit nila para lutuan at imbakan ng pagkain.

Opo. Naging pirmihan na rin nila ang kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila ng mga pamayanan at dumating din sila sa puntong nagkaroon sila ng pinuno at pamahalaan.

Tama. Isang halimbawa ng neolitikong pamayanan ay ang “Catal Huyuk” na matagtagpuan sa Anatolia Turkey. Ito naman ang panahong ang mga batong gamit nila ay mas makinis, makintab at higit sa lahat ay may disenyo. Bawat disenyo ay ayon sa kani – kanilang gamit sa pangangaso at gawaing bahay. Ano naman ang huling panahon ng pamumuhay ng sinaunang tao? (Tumawag ng isang estudyante) Tama. Panahon ng metal. Ito ay nahahati sa tatlo, anu – ano ang mga ito? (Tumawag na isang estudyante)

Tama ba siya? Anong meron sa panahon ng tanso? (Tumawag ng isang estudyante)

Panahon ng Metal

Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronze, at Panahon ng Bakal

Opo. Naging mabilis ang pag – unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nalinang ng mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.

Mahusay. Meron pa ba? Ano naman ang nangyari noong panahon ng Bronse? (Tumawag ng isang estudyante)

Wala na po. Iba’t – ibang kagamitan at armas ang nagawa mula sa tanso tula ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo – Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya.

Magaling. At sa panahon ng bakal? (Tumawag ng isang estudyante)

Natutunan nilang magpanday ng bakal at nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian.

Tama. May idadagdag pa ba? (Tumawag na isang estudyante)

Wala na po titser.

Mahusay klase. Ang panahon ng metal ang huling yugto ng pamumuhay ng sinaunang tao at hanggang ngayon makikita natin ito sa kasalukuyang panahon. E. Paglalapat Tayo ngayon ay magkakaroon ng isang aktibi. Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon magbilang na tayo ng isa hanggang tatlo at pagkatapos ay igrupo na ang inyong mga sarili. (Magbilang ng 1,2,3) Ngayong naka grupo na kayo, bibiyan ko ang bawat grupo ng 10 minuto para bumuo ng flow chart na mga pangyayari noong Sinaunang Panahon. Ang unang grupo ay Panahong Paleolitiko. Ang pangalawang grupo at Panahong neolitiko. At, pangatlong grupo ay Panahong Metal. Nakatapos na ba ang lahat? Mamili ng isang representative para ipaliwanag ang inyong nagawang flow chart sa klase. Mauna na ang unang grupo. Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang kanilang flow chart) Ito po ang aming nagawa flow chart noong Panahon Paleolitiko. Magaling unang pangkat. Sumunod naman na grupo. Ito naman yung nagawa flow chart noong Panahon Neolitiko.

Mahusay group 2. Ngayon ang huling pangkat. Ipakita sa buong klase ang inyong nagawang bahay. Ito naman yung nagawa namin flow chart noong Panahon Metal. Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita niyo na mayroong iba’t – ibang bahay ang nagawa gamit ang mga materyales na aking binigay sa bawat grupo. Natuwa ako sa mga nagawa niyo, nagamit niyo nang maayos ang mga materyales na ibigay ko sa inyo. Dahil diyan palakpakan niyo ang inyong mga sarili. (Tuwang – tuwang pinapalakpakan ang mga sarili) F. Pagbubuod Sinong makakapagbuod ng napag – aralan natin sa araw na ito?

Napag – aralan natin sa araw na ito na may tatlong yugto o panahon ang pamumuhay ng mga sinaunang tao. Ito ay ang panahong paleolitiko, neolitiko at metal. Ang panahong

paleolitiko o tinatawag ding lumang bato ay nagmula sa katagang paleos o matanda at lithos o bato. Ang mga sinaunang tao sa panahong ito ay mga nomadiko dahil nangangalap sila ng kanilang pagkain at naghuhuli sila ng maiilap na hayop. Ginagamit nila ang mga magagaspang na bato sa paghuli ng hayop. Ang panahong neolitiko naman ay tinatawag na panahon ng bagong bato. Dito, ang mga sinaunang tao ay pumipirmi na sa kanilang mga tirahan at nag – aalaga na in sila ng mga hayop. Makikinis na bato naman ang ginagamit ng mga sinaunang tao dito. Nagkaroon na rin ng pamayanan at pamahalaan sa panahong ito, halimbawa na lang ang Catal Huyuk na matatagpuan sa Anatolia Turkey. Ang huling yugto ay ang panahon ng metal kung saan ito’y nahahati pa sa tatlong panahon. Ito ay ang panahon ng tanso, panahon ng bronse, at panahon ng bakal. Ang mga metal na materyales ay ginagamit sa paggawa ng iba’t – ibang kagamitan at armas tulad ng espada, punyal, martilyo, sibat, at iba pa. (Binahagi ng mag – aaral ang kanyang mga natutunan)

G. Pagpapahalaga Anong kabutihan o kagandahan ang napag – alaman mo o nakita sa bawat pamumuhay ng mga sinaunang tao?

May katanungan pa ba klase tungkol sa ating aralin? Nais bigyang linaw? Kung gayon naintindihan niyo na ang ating aralin sa araw na ito kaya alam kong handa na kayo sa inihanda kong maiksing pagsusulit. Kumuha ng isang – kapat na papel at lagyan ng bilang 1-5.

IV.

Napag – alaman kong sa bawat pagdaan ng panahon, nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao lalo na sa mga kagamitan nila na ginamit nila sa pagkuha ng kanilang mga pagkain. Wala na po.

Pagtataya Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay. 1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao? Sagot: Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko, at Panahon ng Metal 2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko o Lumang Bato? Sagot: mga magagaspang na bato 3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko? Sagot: Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag upang kumuha ng kanilang pagkain at manghuli ng mga hayop

V.

4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa panahon ng neolitiko? Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunang tao ay mangalap ng pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong panahon naman ng neolitiko, ang mga sinaunang tao ay natutong pumirmi sa kanilang lugar at natuto silang nagtanim at mag – alaga ng hayop. 5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal? Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng iba’t – ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Kasunduan Takdang Aralin: 1. Sa isang buong papel, gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa naging aralin natin. 2. Basahin at unawain ang Aralin 3 “Mga yugto sa pag – unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko”.

More Documents from "Rhaylyn Montecalvo"

Lessonplansinaunangtao.docx
December 2019 0
3 - Clarinetes.pdf
December 2019 0
2 Tromba In Sib.pdf
December 2019 4
She_will_be_loved.pdf
June 2020 0