Banghay Aralin sa Filipino 2 Araw ng Panuruan: _______________________ I.
Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay …….inaasahang; a. natatalakay ang kahulugan ng plagiyarismo; b. nakapabibigay hinuha batay sa nakitang video; at c. nakapapagtalaga ng isang salawikain na pumapaksa sa plagiarismo Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pagiging matapat
II.
Paksang-Aralin Plagiyarismo (Plagiarism) Sanggunian:
Atanacio, H. C., Lingat, Y. S., & Morales, R. D. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc.
Bernales, R., et.al. (2009). Maunawang pagbasa at akademikong pagsulat: Introduksyon sa pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House Inc. googgle.com youtube.com
Materyales: Laptop, DLP, Whiteboard Marker, speaker III.
Pamamaraan Pang-araw-araw na Gawain: Panalangin, pag-alam sa lumiban, pag-tsek sa ID at uniporme, kaayusan ng upuan A. Introduksyon Pagganyak: Magpapakita ng mga larawan ang guro na maiuugnay sa plagiyarismo. Itatanong ng guro sa klase kung pamilyar ba sila sa mga larawang ito o may alam ba sila patungkol dito.
Paglalahad ng Paksa at Layunin
B. Interaksyon 1. Mag-aaral sa Kagamitan Ipapakita na ngayon ng guro ang mga video ng ilan sa mga kaso ng plagiyarismo 2. Mag-aaral sa Mag-aaral Ipapangkat ang klase batay sa kanilang kahanay (by row). Magbabahagian sila batay sa video na napanood kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng plagiyarismo.
Isusulat nila ito sa isang buong papel at pagkatapos ay magkakaroon ng kinatawan bawat pangkat para ibahagi ito sa klase sa pasalitang paraan. 3. Mag-aaral sa Guro Tatalakayin ngayon ng guro kung ano ang plagiyarismo at ang batas patungkol dito.
C. Integrasyon 1. Pagsuri sa Pagkatuto: (oral recitation) Bilang isang mag-aaral, ano ang opinion mo sa plagiyarismo? 2. Pag-uugnay sa Dati at Bagong Kaalaman Ano ang plagiyarismo? Ano-ano ang mga halimbawa nito? 3. Pag-uugnay sa ibang asignatura: (Political Science) Ngayong matagal nang naisabatas ang Republic Act 8293, ano-ano ang mga kaparusahan kapag nilabag ito? Gaano ba kahalaga ang pagsunod sa batas? 4. Pagpapahalaga Pagpapahalaga sa pagiging matapat at pagiging orihinal maging sa mga gawaing pangakademiko. IV.
Pagtataya (Short Quiz) Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. 1. Ito ay ang pangongopya ng mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. 2. Ito ang bilang ng batas patungkol sa plagiyarismo. 3.-5. Magbigay ng ilan sa halimbawa ng plagiyarismo. (2 puntos bawat isa) 6. Ano ang Republic Act 8239? 7. Magbigay ng ilang kaparusahan sa pagsasagawa ng plagiyarismo.
V.
Takdang Aralin Gumawa ng salawikain tungkol sa plagiyarismo at i-comment ito sa status na ibibigay ng guro sa facebook. Gamitin ang hashtag #PlagiyarismoIwasan #Filipino2 #Pananaliksik (15puntos – Nilalaman-5, Kaangkupan-5, Gamit ng wika-5)