Komika Pakikinig

  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Komika Pakikinig as PDF for free.

More details

  • Words: 1,818
  • Pages: 38
Pangkat Isa Mondragon, Lorelie V. Miranda, Janinne Quiatchon, Hanzel Daug, Lady Ann Zaraspe, Mairene Olimpiada, Adrian Landicho, Janel Natanauan, Andres

PAKIKINIG � ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. Ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.

Kahulugan ng PAKIKINIG  Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.  Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pagisipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe.  Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas  at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.  At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.  Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas  at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.  At naririnig natin ang mga tunog

Kahalagahan Isa sa mahalagang sangkap ng ating katawan ay ang ating dalawang tainga. ito ay sadyang nilikha ng maykapal upang mapakinggan natin ang iba't ibang tunog, mga mensahe sa pamamagitan ng mga salita na binibigkas ng ating dila. Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.

Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silidaralan.  Mas gusto pa  ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa atin ay tiyakang matutugon natin kung maayos, malinaw at wasto ang ginagawa nating pakikinig. Magiging malawak ang kaalaman natin dahil sa pakikinig.

Kahalagahan ng Pakikinig  Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao ang pakikinig. Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring makatulong upang maunawaan ang damdamin, kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos, gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang pamilya, pamayanan, paaralan o pamamalakad man ng isang uri ng pamahalaan. Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa sinasabi ng kanyang pinuno ay maaring magdulot ng di pagkakaunawaan at pag-aalitan.

8 PROSESO NG PAKIKINIG nina Clark at Richards: 1. TAAL NA TUNOG AT IMAHEN

Ito ang unang pagproseso ng mga tunog mula sa ispiker na magaganap nang mabilisan kasama ang mga imahe. Ang mga imahe ay tumutukoy sa mga parirala, sugnay, pananda, intonasyon at diin at tuldik sa kadaluyan ng tunog.

2. INTERPRETASYON SA MENSAHE 3. LAYUNIN NG ISPIKER

Sa prosesong ito ay inuunawa ng tagapakinig ang layunin ng ispiker kung ano ang tipo ng tunog ang nagaganap, ang kahulugan at ang nilalaman

4. BAKGRAWN NG INFORMASYON

5. LITERAL NA KAHULUGAN Sa prosesong ito ay ang pagbibigay ng tagapakinig ng karaniwas o tunay na kahulugan.

6. METAPORIKAL NA KAHULUGAN Ang susi sa pakikipagkomunikasyon ng tao ay ang kakayahang umunawa sa inaakala at tunay na kahulugan ng mensahe.

7. RETENSYON SA MENSAHE Dito pinoproseso ng tagapakinig kung anong mensahe ang dapat pananatilihin o dapat kalimutin.

8. PAGBURA SA NATANGGAP NA MENSAHE.

Uri Ng Pakikinig: 1. Pasiv o marjinal na pakikinig (PASIBO) pakikinig habang may ginagawang ibang bagay Hal. Pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng ibang bagay at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig. 2. Atentiv na pakikinig pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng pagkaunawa sa teksto. Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye o paksang-diwa ng isang teksto.

3. Pakikinig na analitical ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat, valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman. 4. Pakikinig na apreciativ ginagawa ng isang tao kapag siya ay nakikinig sa isang kwento, pangyayari, at musika para sa sariling kasiyahan.

5. Deskriminatibo    Layunin: matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas  ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

6. Komprehensibo    Kahalagahan: Maunawaan ang kabuuan ng mensahe. Maintindihan ang nilalaman  at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.

Paglilibang  Layunin: upang malibang o aliwin ang sarili ginagawa para sa sariling kasiyahan

Paggamot Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng

7. Kritikal   Layunin: gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pagaanalisa o pagsusuri sa paksang narinig. Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig Malinawan ang tagapakinig sa puntong  nais niyang maintindihan

Mga Salik na Nakakaimpluwensya Sa Pakikinig Edad o gulang  Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang  pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila katandaan, katulad ng pagatake ng rayuma at  ang kahinaan na ng kanilang pandinig

Oras    Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.  Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.

Kasarian      Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae Ang mga lalaking  tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag  na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan.  At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.     Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa

Tsanel  Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.  Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

Kultura  Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam  pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na 

Konsepto sa sarili Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.

Lugar Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

Mga Kasanayan Sa Pakikinig: Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon

Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba Pakikinig upang mahinuha ang mga paguugali, at upinyon para sa pahaya o textong napakinggan Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan

Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig: 1. Maging handa sa pakikinig 2. Sikaping magkaroon ng kawilihan 3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakikinig 4. Kilalanin ang mahahalagang puntos 5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita 6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe 7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig

TA URI GA NG PA KIN IG:

Eager Beaver          Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.

Sleeper       Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.  Wala siyang tunay na intensyong makinig.

Tiger    Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin  ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang

Bewildered    Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig.  Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

Frowner    Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpaimpres.

Relaxed    Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig.  Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

Busy Bee    Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

Two-eared Listener    Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak.  Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig.  Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MGA HADLANG SA PAKIKINIG  Pagbuo ng maling kaisipan Pagkiling sa sariling opinion Pagkakaiba-iba ng pakahulugan Pisikal na dahilan Pagkakaiba ng kultura Suliraning pansarili

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG  Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o dipagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG  Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan Ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

Related Documents