Kaye

  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kaye as PDF for free.

More details

  • Words: 1,332
  • Pages: 4
SURING AKLAT Pangalan: Kiabi M. Garcia Taon at Pangkat: IV-A

DEKADA ‘70 Ni: Lualhati Bautista I.

Intoroduksyon Kakayahan ng may akda sa pagsulat ng aklat

a. Talambuhay ng may akda Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng nobelista sa kasaysayan ng kontemporaryong panitikan ng Pilipinas. Kabilang sa mga nobela niya ang Dekada '70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?, at Gapô. Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best storybest screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pangtelebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards. Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

b. Iba pang aklat na isinulat ng may akda.

Gapo ( 1980); Bata, bata, Pa’no ka Ginawa ( 1984); Sakada ( 1976 ); Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ( 1982 ); Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang ( 1983 ); Bulaklak sa City Jail ( 1984 );Kung Mahawi man ang Ulap ( 1983 ); Sex Object ( 1985 ); Daga sa Timba ng Tubig ( 1975 ); Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo ( 1987 ).

c. Batayan ng pagsulat ng aklat Maraming mga nagging batayan si Lualhati Bauista sa pagsulat niya sa akdang “DEKADA ‘70”. Unang –una na rito ay ang mga karanasan niya bilang isang manunulat at Pilipino sa ilalim ng Martial Law ng mga panahong iyon. Naisip niyang , maaring ang paglathala ng akda ang maging hudyat ng muling pagkabuhay at maalab na pag-usbong muli ng malayang pamamahayag sa pamamagitan ng panulat. Kahit na marami ang umuligsa sa may pagka- radikal na paraan at nilalaman ng akda ay nagging susi naman ito sa pagkabuhay ng kamalayan ng bawat Pilipino ukol sa unay na estado ng bansa at ng mga mamayan nito noong mga panahong iyon.

II.

Buod a. Paksa ng aklat

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.[1] Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang maganak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang maganak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.

b. Layunin ng aklat

Ang tunay na layunin ng aklat ay maimulat at buksan ang kamalayan ng bawat Pilipino sa tunay na sitwasyon ng bawat isa maging ng bansa noong DEKADA ’70 o panahon ng Martial law. Nais ni Bautista na maliwanagan ang isip ng bawat isa ukol sa mga totoong pangyayari noong panahon iyon. Ninanais din ni Bautista na ipakita sa mga kapwa niya manunulat na hindi sila dapat matakot na ilabas a ilahathala ang kanilang mga aklat kahit na ano pa man ang mangyari. Ninanais ni Bautista na sa pamamagitan ng kanyang akda ay muling maibalik ang klayaan sa paglalathala ng mga tunay na kahanghangang akda.

III.

Pagtataya a. Anu-ano ang mga problema / suliranin ang dapat lutasin ng mga tauhan? Puno ng suliranin ang akda, unanguna na rito ang pagsapi ni Jules sa rebeldeng kumakalaban sa pamahalaan at pag-iwan niya sa kanyang pamilya upang sundin ang kanyang mga paniniwala. Ikalawa ay ang di pagkakaunawaan sa buhay mag-asawa ni Amanda at Julian. Ikatlo ay ang pagkamatay ni Jason at ang huli ay kung paano muling mabubuo ang pamilya Bartolome matapos ang lahat ng mga naganap na dagok sa kanilang buhay.

b. Anong ginawa ng tauhan para malutas ang problema? Kahit labag sa kalooban ay pinilit tanggapin ng pamilya ni Jules ang katoohanan a kung ano man ang nagging desisyon nito, kahit napalayo ito sa kanila ay pilit nila itong inintindi a sinuportahan kahit alam nilang ang pamahalaan ang kinakalaban nito. Pilit ding inintindi ni Amanda at Julian ang isa’t isa upang huwag ng lumala ang sitwasyon at upang mapantiling buo at matatag ang pamilya sa kabila ng pagpanaw ni Jason.

c. Paano nalutas ang problema?

Dahil sa pagiging bukas at malawak kaisipan ng bawat myembro ng pamilya ay nagkaroon ng malalim pagkakaunawaan ang bawat isa. Nagging matatag ang bawat isa pagharap sa mga suliranin kaya’t nagging matiwasay ang lahat nabigyan ng solusyon ang bawat suliranin.

na na sa at

d. Ano ang nagging katapusan ng kuwento? Nawala na nga ang Martial Law, wala na rin si Jason. Wala ngmagagawa ang pamilya Bartolome kung hindi tanggapin ang lahat. May kanya-kanyan ng buhay si Gani at Jules kahit pa patuloy pa ring nagtatago si Jules sa paningin ng pamahalaan. Samantalang si Amanda a Julian gayundin sina Em at Bingo ay tahimik ng namumuhay at walang pangamba sapagkat alam nilang ligtas si Jules kung nasaaan man ito, at natitiyak din nilang mapayapa na si Jason sa kinaroroonan nito ngayon.

e. Anong Teoryang Pampanitikan ang kuwento? Bakit? Ito ay magkahalong Eksistensyalismo at Realismo sapagka ang mga tauhan ay patuloy na naghahanap ng

kalayaan sa kabila ng magulong sitwasyon ng lipunang kanilang gingalawan na tunay ngang nangyayari sa kasalukuyan.

IV.

Konklusyon a. Nagustuhan mo ba ang aklat? Ipaliwanag ang sagot.

Opo, nagustuhan ko ang akalat, sapagkat maraming aral kang makukuha kapag binasa mo ito. Binubuksan nito ang isipan ng bawat isa sa mga tunay na kaganapan sa paligid at nagpapakita rin ito ng tunay na katatagan.

b. May napulot ka bang aral sa aklat na binasa?

Opo, maraming aral ang nakapaloob sa aklat, maraming mga bagay kang matututunan , unang-una na ang pagiging matatag.

V.

Paglalarawan: Iguhit o idrowing sa bakanteng typewriting ang sumusunod: a. Pinakanaibiganmong pangyayari sa kwento b. Pinakaayaw mong pangyayari sa kwento

Related Documents

Kaye
May 2020 5
Kaye
December 2019 6
040108_medley & Kaye
July 2020 3
Warren S Kaye
December 2019 5
Kaye Grant Clean
June 2020 1