Kapitalismo Sa lahat ng mga yugto ng pagbulusok-pababa, na naharap sa paglala ng mga kontradiksyon ng sistema, inako ng estado ang responsibilidad na pagkaisahin ang mga panlipunang organismo, para sa preserbasyon ng dominanteng mga relasyon ng produksyon. Pinalakas nito ang sarili hanggang sa punto na isanib sa sariling istruktura ang buong buhay panlipunan. Ang pinalobong paglaki ng administrasyong imperyal at abosolutong monarkiya ay mga manipestasyon ng ganitong penomenon sa pagbulusokpababa ng lipunang aliping Romano at ng pyudalismo. Sa dekadenteng kapitalismo ang pangkalahatang tendensya tungong kapitalismo ng estado ay isa sa mga katangian ng buhay panlipunan. Sa yugtong ito, ang bawat pambansang kapital dahil hindi ito makapagpalawak na walang sagabal at nahaharap sa maigting na imperyalistang tunggalian, ay napilitang organisahin ang sarili sa pinakaepektibong paraan, para sa labas, kaya nitong makig-kompetinsya sa kanyang mga karibal sa larangan ng ekonomiya at militar, at sa panloob, para mapangasiwaan ang lumalalang panlipunang mga kontradiksyon. Ang tanging kapangyarihan sa lipunan na may kapasidad na ipatupad ang mga tungkuling ito ay ang estado. Tanging ang estado: •
• •
Kontrolin ang buong ekonomiya sa sentralisadong paraan at pagaanin ang panloob na kompetisyon na nakapagpahina sa ekonomiya, para mapalakas ang kanyang kapasidad na panatilihin ang nagkakaisang pagharap laban sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan. Paunlarin ang pwersang militar na kailangan para depensahan ang kanyang mga interes sa harap ng lumalaking internasyunal na tunggalian. Panghuli, dahil sa lumalaking bigat ng mapanupil at burukratikong makinarya, palakasin ang internal na pagkakasia ng isang lipunang binantaan ng lumalalang pagkabulok ng kanyang pang-ekonomiyang pundasyon; ang estado lamang ang makapag-utos sa pamamagitan ng lahat ng karahasan para mapreserba ang panlipunang istruktura na unti-unting nawalan ng kapasidad na ispontanyong pangalagaan ang mga relasyon ng tao at habang lalong pinagdudahan ay lalong naging kahibangan ang pag-iral mismo ng lipunan.
Sa antas ng ekonomiya ang tendensyang ito patungong kapitalismo ng estado, kahit hindi talaga lubusang napatupad, ay makikita sa pamamagitan ng pag-ako ng estado sa mga susing aspeto ng produktibong makinarya. Hindi ito nagkahulugan na naglaho ang batas ng halaga, o kompetisyon, o anarkiya ng produksyon, na mga pundamental na katangian ng kapitalistang ekonomiya. Ang mga katangiang ito ay patuloy na ipinatupad sa pandaigdigang saklaw kung saan ang batas ng pamilihan ay patuloy na naghahari at nagdetermina sa kondisyon ng produksyon sa bawat pambansang ekonomiya gaano man ito ka kontrolado ng estado. Kung ang mga batas ng halaga at ng kompetisyon ay tila "nilabag", magkakaroon lang ito ng mas malaking epekto sa pandaigdigang saklaw. Kung ang anarkiya sa produksyon ay tila humupa dahil sa pagplano ng estado, mas bangis itong makikita sa pandaigdigang saklaw, partikular sa panahon ng grabeng krisis ng sistema na hindi kayang hadlangan ng kapitalismo ng estado. Hindi kinatawan ng "rasyunalisasyon"
ng kapitalismo, ang kapitalismo ng estado ay walang iba kundi ekspresyon ng pagkaagnas. Ang pagkontrol ng estado sa kapital ay lilitaw sa gradwal na paraan sa pamamagitan ng pagsanib ng ‘pribado' at kapital ng estado tulad ng nangyari sa halos lahat ng mga maunlad na mga bansa, o sa pamamagitan ng biglaang paglukso sa porma ng malakihan at total na nasyunalisasyon, sa pangkalahatan sa mga lugar na napakahina ng pribadong kapital. Sa praktika, bagamat ang tendensya tungong kapitalismo ng estado ay makikita sa lahat ng bansa sa mundo, mas mabilis ito at mas makikita ito kung saan ang mga epekto ng pagbulusok-pababa ay maramdaman sa napakabangis na katangian; sa kasaysayan, sa panahon ng hayagang krisis o digmaan, sa mga lugar na lubhang mahina ang ekonomiya. Subalit ang kapitalismo ng estado ay hindi ispisipikong penomenon sa atrasadong mga bansa. Kabaliktaran, bagamat ang antas ng pormal na kontrol ng estado ay kadalasan makikita sa atrasadong kapital, ang totoong kontrol ng estado sa buhay-ekonomiya ay sa pangkalahatan ay mas epektibo sa mas maunald na mga bansa dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng kapital sa mga bansang ito. Sa antas pulitikal at sosyal, sa kanyang napakaradikal na totalitaryan na mga porma tulad ng pasismo o Stalinismo o sa mga porma na nasa likod ng maskarang demokrasya, ang tendensya tungong kapitalismo ng estado ay naglantad sa kanyang lumalaking kapangyarihan, unibersal, at sistematikong kontrol sa buong buhay ng lipunan na pinamahalaan ng makinarya ng estado, at sa partikular ng ehekutibo. Sa mas malawak na saklaw kasya pagbulusok-pababa ng Roma o pyudalismo, ang estado ilalim ng dekadenteng kapitalismo ay naging halimaw, nakahiwalay, makinarya na hindi nagatubiling lamunin ang laman mismo ng sibil na lipunan.