KALUSUGAN NG REPRODUCTIVE SYSTEM Session Guide Blg. 1
I. MGA LAYUNIN 1. Naibibigay ang kahulugan ng seks, sekswalidad at kalusugan ng reproductive system 2. Naipaliliwanag ang ugnayan sa pagitan ng seks, sekswalidad at reproduksiyon 3. Naibabahagi ang pagkamalikhain sa paggawa ng iba’t ibang gawain II.
PAKSA A. Aralin 1 : Ang Seks, Sekswalidad at Kalusugan ng Reproductive System, pp.5-11 Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay : Malikhaing Pag-iisip, Pansariling Kamalayan at Paglutas sa Suliranin B. Kagamitan: manila paper at krayola
III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain •
Ipabasa at ipasagot ang modyul na nasa pahina 5.
•
Ipasulat sa manila paper ang kanilang mga sagot at ipaskil sa dingding.
•
Sa pagtatapos ng aralin, hayaan na suriin ng mga mag-aaral kung tama o mali ang kanilang sagot.
Pagganyak : (Paggawa ng Poster) •
Hatiin ang klase sa apat (4).
•
Gumawa ng isang poster na gamit ang manila paper at krayola na nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng babae at lalaki.
1
Halimbawa:
B.
•
Pagkatapos ng limang (5) minuto, ang bawat grupo ay magpapaliwanag ng kanilang mga ginawa.
•
Talakayin ang kanilang mga sagot.
Panlinang na Gawain 1. Paglalahad •
Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong (3) pangkat.
•
Ibigay sa bawat pangkat ang papel na kung saan nakasulat ang kanilang gawain.
•
Ang bawat pangkat ay may sampung (10) minuto para maghanda. Pangkat I: (Talk Show) o Pumili ng lider na siya ring magiging punong-abala (host) ng talk show. o Pumili rin ng magiging mga panauhin (guests) at mga tagapanood (audience) o Ipabasa ang pp. 6-7.
2
o Pagmuni-munihan ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 7. o Pag-usapan ang paksa sa pagpapakita ng isang “talk show” sa loob ng limang (5) minuto. Pangkat 2: (Role Playing) o Pumili ng isang lider upang mamuno sa pagpaplano. o Magpagawa ng isang sitwasyon na nagpapakita ng kahulugan ng sekswalidad at ang pagkakaugnay nito sa seks. o Sumangguni sa modyul, pp. 7-9. o Ipakita ang ginawang role-playing sa loob ng limang (5) minuto. Pangkat 3: (Paglikha ng Awit) o Pumili ng isang lider upang mamuno sa pagpaplano. o Basahin ang pahina 10. o Lumikha ng isang awit na tumutukoy sa paksa. o Awitin ang nilikhang awit sa loob ng limang (5) minuto. •
Papiliin ang mga mag-aaral ng pinakamagandang palabas na napanood.
•
Pag-usapan ang kanilang mga ginawang gawain.
2. Pagtatalakayan: (Cooperative Grouping at Malayang Talakayan) •
Gamitin ang parehong grupo.
•
Bigyan ang bawat grupo ng isang manila paper.
•
Ipabasa at pasagutan sa manila paper ang pahina 11.
3
Halimbawa: sa Group ______
Ano ang kaugnayan sa pagitan ng seks, sekswalidad at kalusugan ng reproductive system ? ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________
•
Talakayin at suriin ang nabuong kasagutan.
3. Paglalahat : (Sentence Completion) •
Ipabuo ang mga pangungusap ayon sa napag-aralan. Sa tamang panahon, ang bawat isa ay nagkakaroon ng pagbabago sa __________________________________________ ______________________________________________________ _____________________________________________________.
Ang seks, sekswalidad at kalusugan ng reproductive system ay __________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ _____________________________________________________. Binibigyang halaga din natin ang______________________ _____________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________. •
Ipabasa ang Alamin Natin Ang Inyong Natutuhan at Tandaan Natin, pahina 11. Sikaping maisaisip at mabigyang halaga ang mga natutuhan sa araling ito.
4
4. Paglalapat : (Situational Analysis) •
Isalaysay:
Si Mario at Esther ay limang taon nang kasal. Sila ay masayang nagsasama kasama ang kanilang dalawang (2) anak. Isang araw, isang kapitbahay ang nakakita kay Mario na may kaakbay na lalaki sa loob ng sinehan. Sinabi agad ng kapitbahay kay Esther ang nakita. Kung ikaw si Esther, ano ang gagawin mo ? •
Iproseso ang kanilang mga sagot sa pamamagitan ng pagtatanong.
5. Pagpapahalaga: (Debate) •
Magkaroon ng limang (5) minutong debate sa pagitan ng mga babae at lalaki sa isyung ito. Paksa: “Mahalaga pa ba ang virginity sa ngayon ?”
• IV.
Magbuo ng mga patakaran at isagawa ang debate.
PAGTATAYA 1. Magpagawa ng isang comic strips sa natutuhang aralin. 2. Ipabahagi ang comic strips na ginawa sa klase. 3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng comic strips na ginawa.
V.
KARAGDAGANG GAWAIN 1. Magpagupit ng isang artikulo sa pahayagan na may kinalaman sa seks, sekswalidad at kalusugang sekswal. 2. Ipadikit sa bond paper at pasulatin ang mga mag-aaral ng maikling kuru-kuro tungkol dito. 3. Ipabahagi ito sa klase sa susunod na sesyon. 4. Magdala ng mga sumusunod: -oslo paper -art paper -krayola (or any coloring materials) -paste -scissors 5
6