KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. PANIMULA
Ang alawans ay maaaring ibigay ng mga magulang o kahit sino sa pamilya at ng gobyernosa mga mag-aaral na iskolar. Ang patuloy na pagtaas ng matrikula sa bawat taon ay isa sa mgasuliranin. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahong ito ay nagbigaydaan din sa pagkakaroon ngpag-aaral sa alawans ng mga mag-aaral. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe, at ibapa ay lubos na nakakaepekto sa kakayahan ng isang pamilya kung ilan ang ibibigay ng isang magulang sa kanyang anak. Marami na rin ang pinaglalaanan o pinagkakagastusan ng mga magaaral lalo na’t ito ay hindi maiiwasang mga bagay-bagay tulad ng pagkahumaling sa mga gadgets, pagka-adik sa computer games at social networks, at iba pang mga kinahihiligan na nakakaapekto sa behaviorng mga kabataan.Sa pagaaral na may pamagat na “Pagsusuri sa Alokasyon ng Alawans ng Mga Mag -aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy” ay masusuring tatalakayin ang alokasyon o kung saan nilalaan ang alawans ng mga magaaral.Aalamin ng pag-aaral na ito kung ilan ang kanilang natatanggap sa bawat araw ng pasukan sapaaralan. Ang pag-
aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga iba’t ibang pamamar aan ng mga mag-aaral upang maibadyet ang gastusin at makapag-ipon ng pera mula sa alawans na binibigyan ngmga magulang sa kanila.
2. Layunin ng Pag-aaral Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:
Saan napupunta ang mga perang binibigay ng mga magulang ng mga estudyantengnasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) ?
Ano ang halaga ng alawans ng mga mag-aaral ng BSA-1 sa isang araw lamang?
Paano nai-babadyet ng tama ang alawans sa pang-araw-araw na gastusin?
Magkano ang ideal na alawans ng isang mag-aaral sa BSA-1?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pamanahong-papel na ito ay tumatalakay sa alokasyon ng alawans ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo.
Layon nitong makatulong sa mga sumusunod:
Sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong BSA, maari itong maging gabay upangsila ay magkaroon ng kaalaman upang magkaroon ng tamang pagbabadyet sa pera.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari ding malaman ng mga instruktor angkanilang napakahalagang partisipasyon sa paggabay sa mga estudyante ukol satamang pagbabadyet ng pera dahil naibabahagi ng mga instruktor ang kanilangkaranasan sa pagbabadyet ng pera dahil naging estudyante din sila.
Sa mga mananaliksik, na pawang nasa kolehiyo at nagbobordibang, upang sila’y magabayan din sa tamang paggastos ng alowans.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, lalo na sa lahat, inaasahan ang mgaestudyanteng kumukuha ng BSA na magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil satamang paggamit ng alawans.
4. Saklaw at Limitasyon Ang sakop ng pag-aaral ay sa alokasyon ng alawans ng mga mag-aaral sa unang taon saKolehiyo ng San Luis ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). Gumamit angmga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos.Sa sandaang respondente mula sa pitong seksyon ng kursong BSA sa kolehiyo ng San Luisang sumagot ng talatanungan. Nakapokus ang
pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mgarespondente. Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ngpag-aaral.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mgaterminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito.
Badyet Ito ay ang pagtitipid mo ng isang bagay, gawain, oras at panahon.
Behavior Paraan ng behaving, kung mabuti o masama; mode ng pagsasagawa sakanyang sarili.
Computer games Mga laro pinapagana sa kompyuter; Software o program sakompyuter sa anyong laro; Bidyogeym sa kompyuter; Ilan sa mga kilalang mga computergames ang: Counter Strike, Star Craft, Call of Duty, Grand Theft Auto, atbp.
Iskolar Tawag sa pinagkakalooban ng libreng pag-aaral o edukasyon o tinatawag nascholarship dahil sa kanilang kahusayan o katalinuhan.
Matrikula.
Sisingilin sa pamamagitan ng mga pang-edukasyon na institusyon sa ibangbansa upang makatulong sa pagpopondo ng mga kawani at guro, kurso inaalok, labkagamitan, mga sistema ng computer, mga aklatan, pangangalaga ng pasilidad at upangmagbigay ng isang komportableng karanasan sa pag-aaral ng mag-aaral.
Recycle Paggamit muli ng lumang bagay. Malaki ang naitutulong nito sa ating kalikasan. Nababawasan ang mga tambak ng basura at nababawasan din ang pag-dumi ng ating kapaligiran.
Social networking Ang pagsasama ng mga indibidwal sa tiyak na mga grupo, tulad ngmaliit na mga rural na komunidad o isang pangkat ng magkakapitbahay, kung ikaw ay.Kahit na ang social networking ay posible sa tao, lalo na sa lugar ng trabaho, mga unibersidad, at mga mataas na paaralan, ito ay pinaka-popular na online.
KABANATA II ANG KAUGNAYAN NG PAG-AARAL AT LITERATURA
Bilang isang estudyanye, mahalagang malaman kung papaano gagastusin ang kanyang baong salapi, nagko-commute man o hindi. Nakakatulong ito sa kaayusan ng paggastos,kawastuhan ng pamamahala sa salapi, at kung lumaon, pati sa pagkamit ng mga pangarap namay kinalaman sa kayamanan. Matututong bigyan ng limitasyon ang paggastos at malalamankung saan nanggagaling ang salapi at saan ito dapat mapunta (mula sa isang pananaliksik na pinamagatang “Isang Pag -aaral Tungkol sa Epekto ng Pag-ko-commute sa Kabuuang Pagbabadyet ng Allowance ng mga Estudyante” ng mga mag -aaral ng Unibersidad ng SantoTomas- kolehiyo ng Komersyo at Business Administration). Mga Pangunahing Gastusin Kitang kita na ang pagkain ang may pinakamalaking bahagi sa tsart. Ibig sabihin nito aymalaking porsiyento ng kanilang baon o kita (kung may negosyo o trabaho) ay napupunta sapagbili ng pagkain. Isang dahilan kung bakit ay dahil ang pagkain ay mahalaga at nararapatlamang para sa kalusugan natin. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit malaking bahagi ngpera ang napupunta rito ay ang kamahalan ng pagkain at bilihin ngayon. Alam naman natinglahat na ang mga presyo ng bilihin ay patuloy na tumataas dulot ng krisis. Isa pa sa mgamaaaring dahilan ay ang kakulangan sa pagkontrol sa sarili. Minsan ay hindi natin mapigilangbumili ng mga pagkaing masasarap o matagal na nating hindi natitikaman.Pangalawang pangunahing gastusin ay ang transportasyon o pamasahe. Maramingestudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa malalayong lugar upang pumasok sa klase.Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang napupunta rito.Ikatlo ang gastusin sa paaralan. Nabibilang dito ang gastos sa pagpapapakopya ng mgahandout mula sa mga propesor.Sumusunod sa listahan ang internet o kompyuter, hilig o gusto (gadgets), at sakasintahan. Mga Pamamaraan sa Pagbadyet at Pag-ipon
Ngayong alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat ring malaman angilan sa mga pamamaraan tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet. Kailangan alam natin angmga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita ng pera. Ayon kay June Walbert,
dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay walang sapat na karanasan sa paghawak ngpera, responsibilidad ng mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ngpaggastos ng pera sa wastong paraan.Isa sa mga pamamaraan ay bigyang limitasyon ang mga gastusin. Ayon sa Young MoneyMagazine, magagawang limitahin ang gastusin sa pagkain sa pamamagitan ng pagbili ngpagkaing hindi mabilis maubos at mabulok tulad ng instant noodles, embutido, longganisa,tocino at iba pang mga ready-to-cook na pagkain . Pumili rin ng pagkaing madaling lutuin ogawin. Sabi naman sa artikulong Epektibong Pagbabadyet ni Jona than Poblacion, hangga’t maaari, magbaon na lamang ng pagkain sa paaralan at iwasang bumili sa mga restaurant o fastfood chains. Kung lalabas naman o may pupuntahang lakad kasama ang mga kaibigan, magdalalamang ng sapat na perang gagastusin. Kung malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin angposibilidad na mapagastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan.Sa pagbili naman ng kagamitan tulad ng mga damit, sapatos at alahas, mas epektibo angpaglilimita ng gastusin kung maghahanap ng murang tatak subalit maganda rin naman angkalidad. Magikot muna sa iba’t ibang tindahan upang mapagkumpara ang mga presyo ng iyongbibilhin. Kadalasan, ang ibang tindahan o tindero/tindera ay mas mababa sumingil kumpara sa ibang tindahan o tindero/tindera. Pairalin din ang pagiging malikhain at resourceful. Hangga’t
maaari, matutuong magresiklo ng mga bagay-bagay. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa sakalikasan .Kung may sarili namang sasakyan, nararapat na gamitin lamang ito kung talagangkailangan. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, mas makabubuti kung maglakad nalamang o gumamit ng bisikleta. Maari ring mag-carpool kasama ang mga iyong kaibigan upangmakatipid sa gas.Maging pamilyar rin sa mga diskwento na ibinibigay ng unibersidad. Kalimitan aynagsasagawa pa sila ng libreng mga konsyerto para sa ikalilibang ng mga estudyante nito. Kung nakatira naman sa dormitoryo o apartment, bayaran ang mga bayarin sa tamangoras. Huwag nang hintaying magpatong-patong ang mga ito. Mabisa rin ang pagkakaroon ngsavings account o joint accounts sa mga magulang upang masubaybayan ang paggastos atmakasigurong nababayaran ang mga.Mabisang paraan din ang pagtatabi agad ng pera sa oras na ito ay nakuha o natanggap.Maaaring itabi ang 5-10% ng baon o kita para siguradong may ipon. Kung hindi naman
masyadong nahihirapan sa paaralan at kung may sapat na oras, maaaring magkaroon ng negosyoo sideline. Mabisa rin ito dahil bukod sa iyong baong pera, may dagdag kita ka. Dahil rito,dadami pa ang iyong ipon.
ALAWANS NG MGA NAGRERENTA NGBOARDING
Ang layunin ng alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe kungmagmumula sa isang malyong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas malapit na sa paaralan.Ang "malayo-
mula sa-post" na edukasyon allowance ay maaaring gamitin upang magbayad parasa pagtuturo, kuwarto at board, walang kasama hangin bagahe at panaka-nakang transportasyonsa pagitan ng mga post at ang mga hinirang na paaralan ng boarding.
ALAWANS NG MGA NAG BYABYAHE
Ang alawans na ito Pinapahintulutan ng isang buweltahan taun-taon sa pagitan ng isangpaaralan na pumasok at ang banyagang post ng pagtatalaga. Ang pakinabang na ito ay lalo nainilaan upang pagsamahing muli ang isang full-time na post-sekundaryong mag-aaral napumapasok sa kolehiyo (kabilang ang mga post-baccalaureate antas), teknikal o bokasyonal napaaralan sa mga empleyado / magulang paghahatid sa US pamahalaan sa ibang lugar.Gayunpaman, ang pangedukasyon na paglalakbay ay maaaring bayaran para sa isang bata sasekundaryong paaralan (grado 9 sa pamamagitan ng 12) sa halip ng edukasyon ng allowance nainilarawan sa itaas.Pangedukasyon sa paglalakbay ay hindi maaaring bayaran sa parehong oras bilang angalawans ng edukasyon at hindi dapat malito sa transportasyon bahagi ng ang "malayo-mula sa-post" na edukasyon alawans. Educational travel can commence from either the school or the post, but only one round trip between school and post is allowed annually. Pang-edukasyonpaglalakbay ay maaaring pasimulan mula sa alinman sa paaralan o sa mga post, ngunit lamangng isang buweltahan sa pagitan ng paaralan at pagkatapos ay pinapayagan tauntaon. Based on achange in law, the DSSR changed effective July 22, 2007 eliminating the restriction that theschool attended full-time had to be in the United States.
Batay sa isang pagbabago sa batas, angDSSR ang nagbago epektibo Hulyo 22, 2007 aalis ang paghihigpit na pumasok ng paaralan ngfull-time na nagkaroon na maging sa Estados Unidos.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN G PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maiklingpaglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralankaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na itoaynababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalasginagamit ang pamaraang ito. Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simplengpagbubuod sa kung ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng graf nabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon.
2. Respondente
Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay isang daang (100) mag-aaral sa pitong seksyon na kumukuha ng kursong Accountancy sa Kolehiyo ng San Luissa ikalawang semester ng taong 2011-2012. Sila ang mga napiling respondente para sapananaliksik sapagkat ang kursong ito ay may kinalaman sa pera at sila angtagapagtaguyod at tagapagpanatili ngpinansiyal na mga talaan kaya sila ang angkop sapananaliksik na ito.
3. Instrumento ng Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang mgamananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga datoskaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit ngallowans ng mga respondente.
4. Tritment ng mga Datos Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ngmaikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at pagkuha ng porsyentonakuha ang mga datos sa pag-aaral na ito.
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Lagom Ang pag-aaral na ito ay magbibigay alam sa mga bagay na pinaglalaanan at kung saan-saan pa napupunta o ang alokasyon ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo ng San Luis. Gamit ang deskriptiv-analitik, ang mgamananaliksik ay nagdisenyo ng sarveykwestyoneyr na pinasagutan sa sandaang (100)respondente na binubuo ng mga estudyanteng nasa unangh taon ng kursong BSA sa Kolehiyo ngSan Luis. 2. Kongklusyon Pagkatapos i-tally ang resulta ng sarvey-kwestyoneyr, nalaman ng mananaliksik kungsaan kaunti lamang ang karamihan ang mga sumusunod na kongklusyon:a. Makikita na sapat lamang ang alawans na ibinibigay sa mga mag-aaral ng Bachelor of Sciencein Accountancy ang binibigay sa isang araw.b. Mula sa mga nakalap naming mga datos, makikita na ang pinakamalaking bahagdan ng peraang napupunta sa pagkain na isa sa mga pangunahing gastusin ng mga mag-aaral ng BSA ay angpagkain. Sumunod dito ang transportasyon, maraming estudyante ang bumabiyahe pa araw-arawmula sa malalayong lugar upang pumasok sa klase. Kahit may student discounts, malaki-laki parin ang perang napupunta rito.c. Ayon na rin sa mga datos na nakalap, malimit na lang ang paggastos ng mga estudyante sakursong BSA ang nabibigyang tuon ang pansariling pangangailangan gayundin sa karelasyonnila.d. Nalaman din ng pagsusuring ito na binibigyan ng badyet ang paggamit ng internet.e. Dahil sapat ang pera na binibigay sa mga mag-aaral ng BSA, kaunti lamang ang naitatabi nila. 3. Rekomendasyon
A.
Magdala lamang ng sapat na halaga sa tuwing papasok sa paaralan. Dapat ipunin lamang angsobra o ang pera na hindi mo nagastos upang magamit pa ito sa mga mahahalagang bagay.
B.
Dapat iwasan ang pagiging magastos. Huwag bili ng bili lalo na kung ito’y hindi kinakailangan. Kailangang malaman ng isang estudyante kung paano kontrolin ang anyangalawans at kung magkano ba talaga ang kanyang kinakailangan para sa mga gastusin sa bawat araw.
C.
Para makatipid o para maging isang ganap na wais na estudyante, gumawa ng listahan ng mgaginastos sa bawat araw at kung ilan ang natirang pera. Marami man sa mga kabataan ngayon anghindi maiwasan ang pamamalagi sa harap ng kompyuter, gawan na lamang ito ng paraan gaya ngpagbibigay iskedyul kung kalian ka lang ba dapat magkompyuter.
D.
Sa buhay ng isang estudyante, ang alawans ang pinakamahalaga sa pang-araw-araw na pangangailangan ngunit kung ito’y babalansehin para makatipid, ang pinakamabisang paraan ay ilaan lamang ito para sa mga importanteng bagay.