Kabanata 33 Ang Kabriya “Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Don Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahong bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.”
Kabanata 34: Malayang Kaisipan Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya1. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway." Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias. Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon din ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo."2 Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid 'buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom. Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.
1 2
Ano ang utang na loob ni Elias kay Ibarra? At ano ang babalang binigay niya. Ano ito?
Kabanata 35: Ang Tanghalian Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamangmangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa. Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.
Kabanata 36: Usap-usapan Ang mga pangyayaring namagitan kina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Crisostomo Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklodbuklod. Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang ang pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Crisostomo Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero. Talasalitaan Sinita Dinamayan Palamuti Dungisan Kaumpok Nag-aalimpuyong Maibigan Mag kamal Umpukan Ekskomunikasyon Pagsusuri Muli nakita ang pagiging mapang-alipusta at pagiging marahas ng mga prayle. Ipinakita rin ni Rizal ang pagiging makatuwiran niya hinggil sa pagpapahayag ng iba ng kani-kanilang mga kuru-kuro - ng mga makapangyarihan, mga pangkaraniwang tao, mga kabababaihan.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin: Si Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin ay ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan ni Maria Clara. Maria Clara: Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala si Maria Clara sa San Diego dahil sa kanyang angking ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso. Elias: Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo. Kapitan Tiyago o Don Santiago de los Santos: Mangangalakal na tagaBinondo. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang magpahanda ng salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad. Padre Damaso Verdolagas: Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya ay dating kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga. Padre Bernardo Salvi: Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara. Padre Hernando De La Sibyla: Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Kapitan-Heneral: Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio: Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di nakapagaral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.
Sisa: Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at malupit. Pedro: Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa. Basilio at Crispin: Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang nagnakaw. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin. Tinyente Guevarra: Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Alperes: Siya ang puno ng mga gwardya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si Donya Consolacion. Donya Consolacion: Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes. Ipinapalagay niya na siya’y higit na maganda kay Maria Clara. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña: Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña Don Tiburcio de Espadaña: Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran. Asawa ni Donya Victorina at nagpanggap na doktor. Linares: Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo: Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin. Siya ang ama ni Sinang. Senyor Nol Juan: Siya ang namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas: Taong dilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo Alasigan at Bruno Alasigan: Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel: Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Alba: Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na maisilang ang anak. Iday: Kaibigang maganda ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa. Sinang: Anak ni Kapitan Basilio at masayahing kaibigan ni Maria Clara. Andeng: Mahusay magluto na kinakapatid ni Maria Clara. Victoria: Tahimik na kaibigan ni Maria Clara na kaintahan ni Albino. Neneng: Isa sa mga kaibigan ni Maria Clara. Siya ay mahinhin at palaisip. Don Rafael Ibarra: Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito. Tinawag din siyang erehe. Don Saturnino: Ninuno ni Crisostomo Ibarra Don Pedro Eibarrimendia: Lolo ni Crisostomo Ibarra. Siya ang naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias. Don Primitivo: Isang matandang lalaki na marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin. Siya ay pinsan ni Tinchang at taga payo ni Kapitan Tinong. Tinchang: Ang matatakuting asawa ni Kapitan Tinong Mang Pablo: Matandang pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio, Kapitan Tinong, at Kapitan Valentin: Ilan sa mga kapitan sa bayan ng San Diego Kapitana Maria: Ang nag-iisang babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Albino: Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. Siya ang kasintahan ni Victoria. Andong: Napagbintangan na isang pilibustero. Balat: Ang tiyo niElias na naging tulisan
Carlicos: Bayaw ni Padre Damaso na nanirahan sa Espanya. Leon: Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad. Ermana Rufa: Kampi kay Padre Damaso