1
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
CERTIFICATION This research paper entitled “Title of your paper” prepared and submitted by Names of Members in partial fulfillment of the requirements for the Technical-Vocational-Livelihood Track or Academic Track, has been examined and recommended for Oral Examination.
KRISTINE Y. ZANTUA Adviser ------------------------------------------------------------------------------------------------------------
APPROVAL Approved by the PANEL OF EXAMINERS on Oral Examination on 10, 2017.
March
KRISTINE Y. ZANTUA Chair NAME OF PANELIST Member
NAME OF PANELIST Member
Accepted in partial fulfillment of the requirements for the Technical-VocationalLivelihood Track or Academic Track. KRISTINE Y. ZANTUA Subject Teacher
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
KABANATA 1 ANG IMPLUWENSIYA NG KOREAN POP MUSIC SA MGA PILING MAG-AARAL NA BABAE NA NASA IKA-11 BAITANG NG CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGHSCHOOL
PANIMULA Ang musika ay naging bahagi na nang pang-araw–araw na pamumuhay ng mga tao sa buong mundo. Naging isa na itong midyum upang maipahayag ng isang tao ang kaniyang mga nararamdaman na hindi niya kayang sabihin ng diretso. Naging bahagi na ito ng kanilang mga tradisyon. Ito ang dahilan kung bakit masasabi natin na ang musika ay mayroong malaking impluwensya sa pamumuhay ng mga tao. Naaapektuhan nito ang kanilang mga ugali at mga paniniwala. Ang musika ay mayroong epekto lalo na sa mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay mahilig makinig sa mga kanta o musika na kung saan maiuugnay nila ang kanilang mga sarili. Sa pamamagitan ng kanta o ng musika, naipapahayag nila ang kailang opinyon tungkol sa isang bagay. Nagagawa nilang maipahayag ang kanilang mga nararamdaman, ang kanilang pag-ibig, ang kanilang kalungkutan at iba pa. Ito ay isa na sa mga naging libangan ng mga Pilipino. Mapatagalog, Ingles o kahit anong lenggwahe pa iyan basta’t nagustuhan nila asahan mo’t kankantahin nila ito kahit hindi nauunawaan ang liriko. Sa paglipas ng panahon, unti-unting sumisikat ang K-pop o Korean Pop Music. Ang K-
2
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL pop ay ang mga awiting mula sa Korea partikular na sa Timog ng Korea. Dahil sa likas na hilig ng mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng awitin madaling nakuha ng K-Pop ang atensyon ng mga kabataang Pilipino. Karamihan sa mga nahuhumaling dito ay pauli-ulit na pinapanuod o pinapatugtog ang mga music videos ng kanilang mga iniidolo. Ilan sa mga iniidolo nila ay ang BTS, Momoland, Super Junior at Black Pink. Kalimitan pang gumagastos ang mga ito para lang makabili ng mga damit, tiket para sa kailang mga concert. Dito masasabi na nating lubos silang nahuhumaling sa mga K-pop lalo na ang kababaihan. Nang dahil dito, unti-unti ng naglalaho ang OPM o ang Original PInoy Music. Maraming tao o mamamsyang Pilipino ang nagsusulong na paunlarin ang OPM. Malaki ang epekto ng K-pop sa kultura nating mga Pilipino lalo na sa arawaraw nating pamumuhay. Mahalaga pa ring pahalagahan natin ang sariling atin sapagkat ito ay atin mismo. Ito ay naging parte na ng ating kultura kaya dapat natin itong pahalagahan.
BATAYANG KONSEPTUWAL INPUT
PROSESO
•Ang layunin ng saliksik •Aming
kapapanayamin na ito mapag-alaman ang ang mga estudyante ng maaaring gawin upang CINHS na nasa ika-11 mas mapaunlad ang baitang upang makakuha Original Pinoy Music. ng mga datos na aming kakailanganin sa saliksik upang aming maabot an gaming layunin
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
OUTPUT •
Makatutulong kami sa pagpapaunlad ng OPM dahil kasi ay makapagaambag ng mga bagong ideya o paraan sa kung paano mas mapapaunlad ang OPM.
3
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL Unti-unti ng nawawala ang OPM kahit pa ito ay na ng mga Pilipinong manganganta. Habang unti unti itong nawawala, unti unti naming sumisikat ang K-Pop sa mga Pilipino. Ang layunin ng saliksik na ito ay malaman kung ano-ano ang mga paraan na maaari gawin upang mapaunlad ang OPM. Sa pamamagitan nito, maipapakita ng mananaliksik ang mga paraan na maaring gamitin o gawin ng mga mamayang Pilipino na nagsusulong ng OPM upang mas mapaunlad pa ang mga awiting sariling atin.. Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na tanong: 1.)
Bakit nahuhumaling ang mga kababaihan sa Korean Pop Music?
2.)
Gaano kadominante ang mga kababaihan na nahuhumaling sa K-Pop?
3.)
Ano ang pwedeng maging solusyon sa pagiging dominante ng K-Pop na
malalaman sa pag-aaral na ito? 4.)
Bakit patuloy na sumisikat ang K-Pop sa Pilipinas?
5.)
Gaano kadalas nilang pinapakinggan ang mga awiting mula sa Korea,
partikular na sa Timog ng Korea, kaysa sa OPM na kanta?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang saliksik na ito ay mag-aaral sa kung ano ang impluwensya ng K-Pop sa mga kabataang kababaihan na nasa ika-11 baitang ng Cabuyao Integrated National High School. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makalilikha ang mananaliksik ng mga bagong pamamaraan kung paano pauunlarin ang OPM, sa kung paano ito bubuhayin dahil ito ay unti-unti nang nawawala. Nang dahil sa
4
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL pananaliksik na ito, muling mabubuhay ang OPM na isang bahagi na ng ating kultura.
SAKLAW AT LIMITASYON Ang saklaw ng pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay ang mga piling kababaihan na nasa ika-11 baitang na nag-aaral sa Cabuyao Integrated National High School. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa impluwensya ng Korean Pop Music sa mga kababaihan na nasa ika-11 baitang. Napapaloob sa pag-aaral na ito ang mga hakbang na dapat gawin o isakatuparan upang mapaunlad ang OPM at mas tangkilikin ito ng mga Pilipino.
KABANATA 2
5
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga pag-aaral at mga artikulong may kaugnayan sa aming napiling paksang na makakatulong upang mas lalong maunawaan ang ginawang saliksik.
A. Lokal na Literatura JURIS FERNANDEZ, SA PAGPAPAKILALANG MUSIKA AT TALENTONG PINOY SA KOREA. Ni Veronica R. Samio(Philippine Star Ngayon) Kapag nakataon, maraming local singers natin ang magkakaroon ngmalaking pangalan sa bansang Korea. Dalawa sa Sessionista ay tina-targetang bansang ito para pagsimulan ng kanilang international career. Kung si Sandara Park na sikat na sikat ngayon sa kanyang sariling bansa bilang miyembro ng all-pop girl group na 2NE1 na dito sa bansang Pilipinas nagsimula ng career sa showbiz at ipinagpapatuloy lamang sa Korea, sina Princess Velasco at Juris Fernandez ay mayroon din planong makilala sa ibang bansa na bahagi rin ng Asya. Sa katunayan ay nagsimula na si Juris ,isang album ang ginawa niya para sa isang Korean producer na kung sanay humanga sa kanyang malamig na boses at dun din ilalabas sa Korea.
OPM (Oplan: Pinoy Music)
6
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Ni Jessica Soho Kamakailan lang, ipinag-utos ni P-noy ang pagpapatupad ng batas na nag-uutos sa mga FM station na dapat magpatugtog ng apat na OPM(Original Pilipino Music) kada oras. Sa ganitong paraan daw mabibigyan muling importansya ang sarili nating musika at hindi lang ang awitin ng mgabanyaga. Ang hakbang na ito, suportado ng bagong pinuno ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit na si Ogie Alcasid. Para naman saiba, may ilan naman daw pilit na ginagawang buhay ang music industry ditosa Pilipinas, kagaya na lang ng sumisikat ngayong P-POP o Pinoy Pop. Pero may ilang kumukwestyon kung paano ba talaga nakakatulong ang P-POPsa OPM gayung diumano, ginagaya lang daw nito ang K-POP ng mga Koreano.
Bagong karangalan sa Pilipinas:Freddie Aguilar sa pagkapanalo sa Korean Asia Star Award Ni Boy Villasanta Bagong karangalan sa Pilipinas:Freddie Aguilar sa pagkapanalo sa Korean Asia Star Award Ni Boy Villasanta. Isang sikat at batikang musikero na si Freddie Aguilar ay nabigyang parangal mula sa prestihiyosong Korean Modeling Association.Ibinigay ng Korean Modeling Association ang kanyang parangal noon ika-18 ng Enero dahil sa pagpapalaganap at pagbibigay halaga nito sa musikang pinoy hindi lamang sa Asya bagkus ay pinalalawig din niya ito sa buong mundo.Isang malaking sopresa ng makatanggap ng parangal si Freddie Aguilar
7
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL dahil ang nasa isip niya ay ang magtanghal lang kaya siya natungo sa bansang Korea.
K-pop: Ang Pagtangkilik at Epekto ng Musika ng mga Koreano sa mga Pilipino (Disyembre 1, 2016) Maraming usap-usapan na unti-unting namamatay o natatabunan ang mga OPM songs dahil sa pagdating ng K-pop sa bansa. Pero hindi naman tunay na namamatay ang OPM dahil habang mayroong mga Pilipinong mangangawit, nagmamahal at nagpapahalaga sa mga awiting Pinoy, hindi ito kailanman man mamatay. Ayon sa OPM artist na si Jim Paredes, ang paraan na ginagawa ng Korea para ipalaganap ang kanilang musika ay maaaring maging modelo ng Pilipinas para maibangon ang OPM. Maaaring maging modelo pero hindi gayahin. Katulad na lang ang ginagawa ni Juris Fernandez na gumagawa ng pangalan sa Korea. Gumawa siya ng isang album na ang mga laman ay puro K-pop songs na binigyan niya ng sarili niyang interpretation. Ilan sa mga kantang kasama sa album niya ay ang kantang If na pinasikat ni Kim Taeyeon na miyembro ng Girls’ Generation at ng awiting Don’t Forget ni Baek Jiyoung. Isa lang itong patunay na hindi nating kailangang gayahin ang lahat ng ginagawa ng mga K-pop artist, ang sumayaw habang nakanta, ang magpakulay ng buhok at magsuot ng magagarang damit. Kung gusto nating makilala ng buong mundo ang ating mga awitin, iwasan natin ang maging anino ng ibang bansa.
8
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL Sinabi pa ni Jim sa panayam ni Rida Reyes sa Balitanghali, “Korean singing Korean, Chinese singing Chinese... tayo lang ang hindi ganun. Mobilize Filipino who speaks Filipino to the world.” Ito maaari ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng P-Pop sa ating bansa para itaguyod ang mga awiting Pinoy. Ano man ang mangyari hindi na maaalis ang kulturang K-pop sa ating bansa lalo na ngayong lalong lumalakas ang impluwensya nila sa buong mundo. Patuloy na mamamayagpag ang K-pop sa ating bansa dahil patuloy ang pagsuporta ng mga Pilipino dito. Kung ako ang tatanungin kung ano ba talaga ang unang dahilan kung bakit patuloy na sinusuportahan ng mga Pilipino at naging popular ang K-pop ay dahil sa mga naggagandahan at naggagwapuhang mga K-pop group na kanilang iniidolo. Kasi ako aminado ako na kaya ko patuloy na tinatangkilik at sinusuportahan ang K-pop ay dahil sa mga idolo ko. Siguro kung wala sila malaki ang posibilidad na hindi ako isang K-pop fan.
“Impluwensiya at Epekto ng Kpop Wave sa mga Kabataan at sa Komunidad” (Setyembre 13, 2017) Bukod sa mga drama ng mga koreano, isa pa sa mga tanyag at tinitingala ng mga tagahanga ay ang talento ng mga koreano sa pag-awit at pagsayaw. Gaya na lamang ng mga grupong Wonder Girls, SNSD (Girl's Generation), 2ne1, Twice at Black Pink ang mga grupong ito ay binubuo ng puro mga babaeng miyembro. Para naman sa grupo ng mga kalalakihan ay ang Super Juniors, Bigbang, Infinite,
9
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL EXO, Seventeen at BTS. Ilang lamang ang mga grupong ito sa mga iniidolo ng mga kabataan sa iba't-ibang panig ng mundo. May kanya kanyang tawag o bansag sa mga tagahanga ng bawat grupo ng mga ito na tinatayang libo-libo sa bawat bansa. Kaya ganun na lamang kung dumugin ang mga concert, fan meetings at world tours ng mga ito. At hindi lamang sa parang ito naipapakita ng mga tagahanga ang pagsuporta nila sa kanilang mga iniidolo, kundi pati narin sa pagbili, pagkolekta at pag tangkilik sa mga bagay na may trademark ng bawat grupo. Ilan lamang ito sa mga kinahahangaan ng maraming kabataan sa bansang South Korea. “Sa oras na naging K-Pop fan ka mahirap na itong talikuran.” Ito ang sinabi sa akin ng aking kakilalang kapwa K-pop fan. Aminado akong mahirap nang makawala o talikuran ang pagiging isang K-pop fan dahil ako mismo kahit anong pilit kong tigilan ang panunuod at pakikinig ng mga K-pop music ay hindi ko magawa, para itong sakit na HIV Aids, walang lunas o gamot. Ngunit paano nga ba nagiging K-pop ang isang tao? Sa aking kaso ang dahilan kung bakit ako nahumaling at tinangkilik ang K-pop ay dahil sa isang K-Pop girl group na Girls’ Generation. Unang beses ko pa lang silang napanuod sa telebisyon na kumakanta habang nagsasayaw ay nahumaling na agad ako sa kanila. Humanga ako sa kanila dahil sa galing nilang sumayaw, kumanta at siyempre dahil sa kanilang magaganda mukha at hugis ng katawan. Magmula noon naging adik na ako sa kanila at sa K-Pop. Walang araw ang hindi ko pinapatugtog ang kanilang awitin at pinapanuod ang kanilang music video. Walang araw ang hindi ko tinitingnan ang kanilang mga litrato. Nagsimula na
10
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL din akong mangolekta ng mga album nila at iba’t ibang produkto na may kinalalaman sa kanila. At sa tuwing gagamit ako ng internet ang una kong ginagawa ay ang maghanap ng mga bagong balita tungkol sa kanila at sa K-Pop p hindi naman kaya ay mag-download ng mga K-pop songs, videos o shows. Iisa lang ang ibig sabihin nito ako ay isa na sa libo-libong tao na nahuhumaling sa K-Pop. May mga dahilan ang bawat K-Pop fan kung bakit nila ito tinatangkilik. Sang ayon sa kay Sablan sa kanyang artikulo sa Philippine Daily Inquirer na sinipi naman ni Alanzalon sa kanyang pag-aaral, sinasabi na ang buong mundo ay humahanga at tumatangkilik sa K-Pop. Ang pinakapopular ngayon ay ang mga grupo ng mga kalalakihan at kababaihan sa Korea na may magagandang mukha, hugis ng katawan, talentado, stylish pagdating sa pananamit at magaling magentertain ng mga tao. Naniniwala ako na bago magustuhan ang isang K-Pop music, ang una munang tinitingnan ng mga tao ay kung sino ang kumanta ng isang awitin. Kung maganda o gwapo ang manganganta hindi malabong madami ang magkagusto sa kanyang awitin. Sa mundo ng K-Pop mahalaga ang pisikal na anyo bago ang talento. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ganun ang nangyayari minsan kahit hindi natin kilala ang manganganta basta nagustuhan mo ang tono at ang paraan ng kanyang pag-awit ay naaadik na tayo dito. Katulad na lang sa mga OST o ang mga theme song ng bawat Korean drama na pinalalabas sa bansa, may mga awitin doon na tumatatak sa ating isipan at nagiging paborito natin. Ang isang maganda halimbawa nito ay ang awiting ‘Almost Paradise’ na naging theme song ng Korean Drama na Boys Over Flower na sikat na sikat noon. Tanda ko pa
11
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL noon sa aming paaralan na halos lahat ng mga estudyante doon ay alam ang awiting ito. May iba pa nga na kinakanta ito kahit mali naman ang lyrics. Hindi man alam ang liriko basta’t alam ang tono paniguradong pauli-ulit itong kakantahin kahit ito ay mali- mali. Ang sabi nga ng iba hindi mahalaga kung hindi nauunawaan ang liriko ang mahalaga ay nagustuhan nila ito. At katwiran pa ng iba may makikita naman silang English translation nito. May iba naming isinasalin sa wikang Ingles o Filipino ang isang awiting Koreano nang sa gayun ay lubusan itong maunawaan ng mga Pilipino.
B. Lokal na Pag-aaral Ang impluwensiya ng kultura ng dayuhang amerikano sa mga mamamayang Pilipino Sa pag- aaral na ito mapagtatanto ng mambabasa na hindi lamang ang sarili niyang kultura, kundi pati na din ang katutubong kinapapanayam ng mga Pilipino sa partikular sa kultura ng Amerikano. (http://ang- impluwensiya-ng-kultura-ng-dayuhang.html?m=l)
K-NOY : Koreanong pinoy, Dumadami na Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga kakaiba at malikhaing uri ng pag-iisip pagdating sa iba’t ibang bagay tulad na lamang sa paggawa ng mga awitin, ngunit sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng mga produktong banyaga sa ating bansa ay marami ang nagbago.
12
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Korea: Lugar ng Musika Maraming mamamayang Pilipino ang nagsasabing ang Korea ay isang bansang sagana sa musika pag-uulat ni Bb. Jessica Soho sa kanyang palabas na Kapuso mo Jessica Soho. Di umano ang pilipinas ay sadyang maraming pinagaaralan. Isa ito sa batayan ng mga mamamayan ng bawat estado ng mga bansa. Ang Pilipino ay sadyang masayahin gusto nila ang bagay na makakapagpasaya sa kanila kahit na sila ay pagod na sa kanilang trabaho. Malaki ang naging ambag ng musika ng bansang Korea para sa mga mamamayang Pilipino kahit iba ang lenggwahe ng mga ito. Batay sa mga eksperto ang mga ganitong bagay ay sadyang nakakapagbaba ng ekonomiya ng ating sariling kultura sa ating bansa. Noong taong 2016 inilarawan ni Virgilio Almario na dapat hindi kalimutan an gating sariling pagkakalilanlan.
Kinain na ng Sistema ng K-pop Ayon sa pag-aaral, karamihan sa kababaihan ay nahuhumaling na sa k-pop na mga musika. Karaniwan naman nahuhumaling sila sa pisikal na katangian ng mga koreano. Ayon sa mga mananaliksik mas marami ang babaen nahuhumaling sa kpop kaysa sa kalalakihan.
K-pop Fanboy
13
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL Bukod sa mga babae, nagkakaroon na rin ng fan base ang mga K-Pop artist sa mga lalaki na kung tawagin ay "fan boys." Gaya na lamang ni Richard Oppa, 26anyos, na nahuhumaling sa K-Pop culture at bumibili ng kung anu-anong gamit na may larawan ng kanyang paboritong Korean female group...maging ang energy drinks na may litrato ng kanyang idolo. Nang dumating sa bansa ng anim na K-Pop groups para sa isang concert, hindi niya na ito pinalampas. Hindi na siya pumasok sa trabaho, gumastos siya ng P11,000 para sa VIP ticket upang mapanood ng malapitan ang kanyang mga idolo. "Nung paglabas nila no'ng stage, as in, sobrang tumigil 'yong pagtibok ng puso ko. Simple lang dapat 'yong choreography niya, hindi gaanong kahirap [gayahin], plus 'yong lyrics mas madaling tandaan kasi paulit-ulit siya," paliwanag niya.Hindi raw ikinakahiya ni Richard ang kanyang pagiging KPop fan boy. "We show support not only by showing them na 'yong pagtili, o, so we do buy their albums and listen to their songs. We vote for them, ganun. Talagang nireresearch po namin kung saan sila lalabas," dagdag ni Richard. Ang ilang kasamahan at kakilala niya, masuging naghintay sa airport nang ilang oras para makalapit sa kanilang mga idolo at makapagpaalam. "Dumating dito, eh. Makita lang namin 'yong artist buo na 'yong ano namin dun,' yong pagiging fan namin. Kasi hindi naman araw-araw na makikita mo 'yong [favorite] mo na artists 'di ba? Kahit ilang oras po (na maghintay)," sabi ni Bryan, isa ring KPop fan boy. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News (mac macapendeg\FRJ, GMA News)
SINTESIS
14
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL Sa aming pag-aaral, tatalakayin natin pagkakakilanlan ng pagkakahilig ng ilan ng ating mga mamamayang Pilipino sa mga musika ng bansang Korea. Ang Pilipino ay mahilig sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanilang damdamin. Pero bakit nga ba ang mga Pilipino ay mas mahilig sa mga bagay na hindi sa kanila ? Ayon sa eksperto ang musika ay isang epektibong panlunas sa sugat na mahirap pagalingin, kaya hindi ipinagbabawal ang pakikinig ng musika. Ang mga bagay na kaugalian na ay mahirap ng patuwirin, ayon sa mga eksperto. Nakakaapekto nga ba ang kultura ng dayuhan sa sariling kultura ? Sa pahayag ni Virgilio Almario, Ang sariling kultura ay hindi dapat kalimutan, sapagkat dapat ito palaguin gaya ng Wika sapagkat ang wika ay hindi namamatay, ito ay patuloy na lumalago at umuunlad. Sa henerasyon ngayon, totoo na mas marami ang tumatangkilk sa k-pop o Korean pop music. Kami ay nagsagawa ng pananaliksik ukol dito, upang malaman at magbigay impormasyon sa ilan kung bakit mas tinangtakilik ito ng ng kababaihan kaysa sa OPM music. Noon naman hindi ganoon kalakas ang impluwensya sa atin ng banyaga. Ngunit ngayon sa aming pag-aaral, ang mga Korean Pop Music ay mas sikat pa sa mga Original Pinoy Music. Napapakinggan natin ito kahit saan man tayo magpunta. Tulad na lang ng mga kanta ng EXO, BTS, Seventeen, Momoland, Blackpink, at Super Junior. Isa sa mga libangan ng mga Pilipino ay ang kumanta. Mapatagalog, Ingles o kahit anong lenggwahe pa iyan basta’t nagustuhan nila asahan mo’t kankantahin nila ito kahit hindi nauunawaan ang liriko. Maliban sa mga awiting Pilipino marami pa
15
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL ring mga awitin na nagmula sa iba’t ibang bansa ang mas tinatangkilik ng mga Pilipino lalong-lalo na ang mga kabataan sa panahon ngayon. Nandiyan ang A-pop (American Pop Music), J-pop (Japan Pop Music) at higit sa lahat ang K-pop (Korean Pop Music). Ang K-pop ay mga awiting nagmula sa bansang Korea partikular sa bahaging Timog ng Korea. Dahil sa likas na hilig ng mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng awitin madaling nakuha ng K-Pop ang atensyon ng mga kabataang Pilipino. Karamihan sa mga nahuhumaling dito ay pauli-ulit na pinapanuod o pinapatugtog ang mga music videos ng kanilang mga iniidolo. Ilan sa mga mangangawit at mananayaw na tinatangkilik at hinahangaan ng mga Pilipino lalong-lalo na ng mga kabataan ay ang Girls’ Generation, Super Junior, Exo, Shinee, Sistar, 2pm, 2am, 4minute, Big Bang at 2ne1 na kung saan kabilang si Sandara Park na may dugong Pilipino. Gumagastos ng malaki ang mga fan ng bawat K-pop group para lang makabili ng mga album ng kanilang idolo o hindi naman ay tiket kung may gagawing pagtatanghal ang kanilang idolo sa bansa. Ngunit hindi lang sa pagbili ng mga album at tiket natatapos ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa K-Pop, may ibang fan ang bumubili ng mga damit, kuwentas, singsing, pamaypay, posters, notebooks, sticker at iba’t ibang produkto na may imahe o kinalalaman sa kanilang idolo. Dahil din sa K-pop unti-unting nakikilala sa Pilipinas ang wika ng mga Koreano. May mga K-Pop fan ang nag-aaral magsalita ng wikang Koreano para maunawaan nila ang liriko ng isang awitin. Marami din ang gumagaya sa pananamit at hairstyle ng kanilang mga K-Pop idol. Nagsusuot sila ng mga damit at nagpapakulay ng buhok na katulad sa kanilang mga idolo ngunit hindi naman bagay sa kanila. Ang mga ito
16
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL ay isang patunay kung gaano kasikat ang K-Pop sa ating bansa. Ngunit paano nga ba sumikat o nakilala ang K-Pop sa ating bansa? Ano ang dahilan ng mga Pilipino kung bakit nila ito tinatangkilik? Ano ang maaring maging epekto ng K-Pop sa awiting Pilipino? Mapabata o matanda ay napapaindak sa tuwing pinapatugtog ang tinaguriang World Phenomena Music na Gangnam Style na inawit at pinasikat ng isang Koreanong manganganta na si Psy. Sa bawat okasyon hindi mawawala ang kantang ito. Ang mala-horse riding step, nakakaindak na tugtog at madaling steps ng kanta ang naging dahilan kung bakit ito nagustuhan ng mga tao. Ngunit bago pa man makilala ang Gangnam Style sa bansa ay may iba’t ibang kantang Koreano na ang nauna pa dito. Paano nga ba nakilala ang mga awiting Koreano sa ating bansa? Ayon sa ibang mga K-Pop fans na kakilala ko sa social networking sites na facebook, nakilala daw ang K-Pop dahil sa mga Korean Novela o Drama na pinapalabas sa iba’t ibang istasyon sa ating bansa, dahil dito mas lumawak ang kaalaman ng mga Pinoy sa kultura ng mga Koreano at ito din ang naging daan para makilala ang kanilang musika. May mga nagsabi din naman na dahil sa pagsikat at pagsali ni Sandara Park sa isang grupo ng mga kakabaihan sa Korea na kilala sa tawag na 2ne1. Taong 2003 na nagsimulang magpalabas ng mga Asianovela na kalimitan ay galing sa Korea, kasabay din nito ay ang pagsulpot ng mga awiting Koreano tulad ng ‘Because I’m A Girl’ ng grupong KISS, nasundan pa ito ng mas matatandaan nating awitin na‘Answer The Phone’ ni si Shim Mina, ang awiting ito ay madalas magamit sa mga programa sa paaralan at sa kahit anong sayawan noon
17
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL dito sa bansa. Ngunit hindi pa naman ganun kasakit ang K-pop dahil sa mga banyagang manganganta katulad nila Britney Spears, Avril Lavigne at mga banda kagaya ng Goo Goo Dolls at Linkin Park. Subalit sa paglipas ng panahon unti-unting nakikilala ng mga Pilipino ang K-Pop. Nariyan si Rain na sinasabing unang Koreano na minahal ng mga Pilipino. Hanggang sa dumating ang taong 2009 na sinasabing ang pagsilang ng K-Pop sa bansa. Sa panahong ito ganap na nakilala ng mga Pinoy ang K-pop dahil sa awiting ‘Nobody’ ng grupo Wonder Girls na naging patok sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan. At ang pagsulpot ng kantang ‘Fire’ at ‘I don’t care’ na kinanta ng grupong 2ne1 na kung saan kabilang ang pambansang krungkrung na si Sandara Park. Simula noon nagsunod-sunod na ang pagsulpot ng iba’t ibang KPop group sa bansa at hindi na mawawala sa music chart ng MYX ang mga awiting Koreano na kung minsan ay nangunguna pa sa listahan. Maraming mga K-Pop group ang pumupunta sa bansa para magtanghal, nariyan ang Super Junior na limang beses nagtanghal sa bansa, ang Dream K-Pop Fantasy Concert na isinagawa noong isang taon taon na kung saan dinaluhan ng anim na K-Pop group na nagpatili sa mga Pilipino. Sa madaling salita ang K-Pop ay nagsimula sa bansa dahil sa pagpapalabas ng mga Korean drama sa telebisyon, mga music video ng mga K-pop group sa MYX at maaaring dahil na din sa ibang Pinoy na gumagawa ng pangalan sa industriya ng musika sa bansang Korea.
18
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
KABANATA 3 METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng pakikipanayam sa mga babaeng mag – aaral ng ika-11 baitang sa Cabuyao Integrated National High School. Sa pamamaraan na ito ay makikita natin kung gaano kakilala ng mga babae ng Cabuyao Integrated National High School ang kantang-pinoy at kung gaano nila kilala ang kantang Korean pop music.
MGA TAGATUGON Ang mga repondente sa aming pakikipanayam ay ang mga babaeng mag–aaral na nasa ika-11 baitang ng Cabuyao Integrated
19
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
National High School ng departamento ng Senior High School. Ang mga magiging respondente ay humigit kumulang 10 babae sa bawat seksyon.
INTRUMENTO SA PANANALIKSIK Gagamit ang mga mananaliksik ng kompyuter upang magsaliksik at maghanap ng sanggunian para sa kanilang pag-aaral. Gagamit din sila ng internet upang makapaghanap ng mga gagamiting batayan ng pag-aaral. Pakikipanayam ang gagamitin ng mga mananaliksik upang makakuha ng mga datos na kinakailangan sa pananaliksik.
BALIDITI NG INTRUMENTONG GINAMIT
20
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
21
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
22
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
23