Republic of the Philippines NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION METROPOLITAN TRIAL COURT Branch 66 Makati City
PEOPLE OF THE PHILIPPINES
-versus-
Criminal Case No.: 16-04118 For: Grave Slander
GRACE GARCIA, Accused. x----------------------------------------x JUDICIAL AFFIDAVIT Ako, si MARY GRACE GARCIA, 38 taong gulang, kasalukuyang nakatira sa 4806 Valderama St., Brgy. Pio del Pilar, Makati City, akusado sa kasong ito, matapos manumpa nang naaayon sa batas ay kusang loob at buong katotohanan na nagsasalaysay ng mga sumusunod:
PAUNANG PAHAYAG Ako ay siniyasat ni John Kelly Cainday, 4th year Law student, at Rubylyn Ramin, 3rd year Law student, parehong sa Centro Escolar University – School of Law and Jurisprudence, sa kanilang Office of the Legal Aid. Ang pagsisiyasat na ito ay ginawa sa nasabing opisina sa wikang Filipino. Sinagot ko ng makatotohanan ang kanilang mga katanungan, at ipinaliwanag nila sa akin na ako ay sumusumpa at kung ako ay magsisinungaling ay maaari akong makasuhan ng “perjury” o “false testimony.”
TESTIMONYA Tanong: Ano pong pangalan niyo ma’am? Sagot: Mary Grace del Castillo Garcia. T: Ilang taon na po kayo ma’am? S: 38 years old po. T: Taga saan po kayo ma’am? Page 1 of 2
S: Sa Trece po, sa Block 50, Lot 4, Pabahay, Cavite City T: Simula kailan pa po kayo tumira doon? S: May 2015. T: Bago po kayo tumira doon, taga saan po kayo? S: Sa 4806 Valderama St., Brgy. Pio del Pilar, Makati City po. T: Bakit po kayo naririto ngayon sa Office of the Legal Aid ng CEU? S: Kukuha po ako ng abogado dahil wala pa po akong abogado na maihaharap sa korte. T: Ayon sa salaysay ni Ms. Gina Noynay, nung November 16, 2015, bandang alas 7 ng gabi, pumunta ka sa kanila doon sa 4806 Valderama St., Brgy. Pio del Pilar, at ang un among ginawa ay sumigaw ka ng “Bakit kayo pumasok sa bakanteng kwarto? Kami ay tagapag-mana sa lugar na ito! Wala kayong karapatan na pagbawalan kami rito!”, totoo po ba ito? S: Opo.
Page 2 of 2