Joel G. Molino Jr. BSCA-IV
Life and Works of Rizal
Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon Ang unang bahagi makikita ang obserbasyon ni Rizal sa pananakop ng mga kastila sa pilipinas. Ipinakita niya ang nagging epekto nito sa mamamayan at sa mga pinunong Pilipino. Ipinakita ang hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino simula ng mamuno ang mga kastila. At umaasa na magigising at mamumulat ang mga Pilipino sa katotohanan at kasamaan ng mga dayuhan. Ang ikalawang bahagi makikita rin sa dito ang pagtingin at pagsusuri ni Rizal sa mga ginagawa ng mga kastila. Ipinaliwanag ditto kung paano ang pamamahala ng mga kastila sa pilipinas simula noong una hanggang sa kasalukuyang panahon nito. Makikita ditto ang kalagayan ng Pilipino. Masasabing tinangnan din ni Rizal ang magagandang ginawa ng mga kastila pati na rin ang kasamaan nito. Ang ikatlong bahagi, tulad ng pangunahing layuning political ng la solidaridad, ang nagpapakita ng iba’t ibang pananaw ni Rizal sa repormang radikal at political kung mananatiling kolonya ng espanya ang pilipinas. Makikita ang pagiging repormish ni Rizal sa bahaging ito ng sanaysay. Inihain niya ang iba’t ibang pagbabago na nais ng mamamayang baguhin at iparating sa pamahalaan ng espanya. Nagbigay din siya ng mga kadahilanan kung bakit nais nilang magkaroon ng mga ganitong reporma sa pilipinas. Ang pang apat na bahagi, sinabi rin dito na may isang panibagong dayuhan at pamamahala ang magpapatuloy na iniwan ng mga espanyol. Ang inglatera ay may sapat nang kolonya sa silangan at hindi nya isasakripisyo ang kanyang imperyo sa india para lamang makuah ang pilipinas. Hindi isusubo sa panagnib na ikalat ang kanyang mga hukbo sapagkat kapag nagkaroon ng digmaan ay maaari pang maging dahilan ng kanyang pagbagsak.inilahad din din ni Rizal ang mga pananaw niya sa darating pang mga panahon. Ang ilan ditto ay masasabing nagkatotoo at natupad. Makikita ang mahusay na pag-analisa ni Rizal sa mga nangyayari sa bansa. Masasabi natin na sadyang makabayan si Rizal. Hinahangad niya ang pagkakaroon ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ng Pilipino sa mga kastila.