It's Me Kuya Alex

  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View It's Me Kuya Alex as PDF for free.

More details

  • Words: 2,608
  • Pages: 7
Pahayag Ika 14 ng Enero 2009 Sa aking mga kapatid at sa aking asawa, Marahil ay nagtataka kayo bakit ko naisipan at ginawa ang paglalahad sa mga nais kong mangyari sa hinaharap. Ginawa ko ang mga kapahayagang ito upang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa pagitan ninyo dahil mahal ko kayong lahat. Gusto ko at pangarap ko na habang buhay “ Every Body Happy: One for All, All for One.” Magaganap lang ito kung laging may pagkakaisa, may kaayusan, pagbibigayan, unawaan at ang pinakamahalaga may malasakit sa bawat isa sa ikakabuti ng lahat, Isa pang dahilan kung bakit ko ginawa ang pahayag ay batay sa mga pangyayari sa nakaraan na sinisikap kong ayusin ang paligid na aking ginagalawan upang ng sa gayon ay maging maganda ang paligid, at ang pinakamahalaga sa akin ay iyong hindi kami magmukhang kawawa kahit na wala kaming pera. Makapamuhay kami ng nasa maayos na kalagayan. Nakakalungkot kasing isipin na kayong mga kapatid ko ay nasa maayos na tirahan at kapaligiran. Samantalang kami ni Connie ay parang nakikitira lang sa bahay na pinahintulutan lang ni Betty na aming okupahan. Maganda. naman ang aming kalagayan subalit parang nakikitira lang kami sa inyo, na wala kaming karapatan na ayusin ang paligid na aming ginagalawan. Subalit hindi ko pangarap ang ganong kapaligiran. Nais ko ung maayos at kahit paano me pagsisinop sa aming bahay at sa aming paligid. Ito ang aking dahilan kung bakit sa kabila ng inyong pagtutol ay patuloy kong ginagamit ang 100% ng aking kakayahan, Matupad lamang ang aking pangarap. Sukdulang mangutang ako/kami upang maayos lamang ang paligid na aming ginagalawan. Halos hindi kami nag -aagahan araw-araw. Kape lang ay tama na. Na kung minsan ay nawawala pa. Kahit sa guniguni o ni katiting sa aking isip ay hindi ko pinangarap na umasa sa inyo. Kinakain ko ang pride ko upang kahit paano ay makatipid. Nanghihingi ako ng pagkain araw-araw kahit na labag sa loob ko. Ang perang dapat sana na nakalaan para sa pagkain namin ay ginagamit ko upang maipambili ng mga materyales at upang maipambayad sa aking mga pinagkakautangan, Upang kahit paano ay may maipagpagawa ako sa aming kapaligiran.

“Nakakatuwa, Magaang sa pakiramdam” na makita na ang mga pangarap ay unti-unting nabubuo at natutupad. Sinasabi ko na lang sa aking sarili mas matamis ang tagumpay kung mas mahirap ang pinagdadaanan. Nakakadama ako ng kaligayahan sa aking sarili pag -iniisip ko na mapalad ako nagagawa ko ang mga bagay na possible mula sa imposible. Sinasabi ko ito dahil sa palagay ko imposibleng makapagpatayo ng bahay paupahan ang taong walang hanapbuhay, walang tiyak na pagkukunan ng pera at walang sumusuporta sa project. Salamat na lang, At may Dios na laging umaalalay sa akin. Binigyan niya ako ng Mapagpundar na mga ninuno, Masinop na magulang, Mababait na kapatid, Maunawaaing asawa at Matulunging mga biyenan. Sinasamantala kong lahat ito upang matupad ang aking mga pangarap sa buhay. At ipinagpapasalamat ko sa Dios na kayong lahat ay naging bahagi ng buhay ko. Subalit sa kabila ng lahat ng mga biyaya na aking tinanggap ay di ko maiiwasan ang mga pagpuna mula sa ilan sa inyo: Hinahanapan ninyo ako ng karapatan sa aking ginagawa dahil hindi pa naman tiyak na sa akin mapupunta ang lupa. Bakit ko tinatayuan ng mga kongkretong bagay? Ano ang karapatan ko? Ilang ulit ko nang ipinaliwanag sa inyo ang dahilan ko, sinabi kong sinisinop ko lang ang aking kapaligiran upang maayos ang aming ginagalawan at upang di kami magmukhang kawawa. Ayaw ninyong tanggapin ang sinsabi ko. Ang gusto nyo lang ay tumigil ako sa aking ginagawang pagsisinop. Sinabi ko sa inyo “Hindi” ko sinasakop ang paligid at bilang patunay, Sinabi ko sa inyo na ang lahat ng aking ginagawa o nagawa sa paligid pagnapunta sa inyo ay sa inyo na. Walang samaan ng loob, kung gusto nyo ipatibag nyo bahala kayo. At Hindi ako magdaramdam na hindi sa akin mapunta ang ipinatayo ko. Ang gusto ko lang talaga ay maayos na kapaligiran. . Ayaw ninyong tanggapin ang sinsabi ko ang gusto nyo lang ay tumigil ako sa aking ginagawang pagsisinop. Dahil ayaw kong papigil sa aking ginagawa ay binigyan nyo naman ako ng limitasyon at hangganan sa aking pagsisinop. Sinabi ninyong hanggang dito lang ako gumalaw sa aking tinitirhan at huwag kong gagalawin ung dating inuupahan nina Bimbo. Huwag akong mangutang. Sa halip na ipambayad ko sa tubo ng perang inuutang ay kanin na lang naming mag-asawa. Lubhang tama at napakaganda. Subalit “Ayaw” nyo naman akong pautangin kahit na sinasabi kong sa sinuman taong makakatulong sa akin upang mabuo ang

ipinapagawa kong paupahan. Pag hindi ko nabayaran sa loob ng 3 taon kanya na ung ipinatayo ko at pati na ang lupang kinatatayuan nito. At upang tumibay ang aking sinabi ay idinagdag ko na, upang makatiyak ang taong magpapautang sa akin ay nakahanda akong pumirma sa kasulatan o kasunduan sa pag-uutangan. Mabuo lamang ang ipinapagawa ko. Kahit sino sa inyo walang nagtiwa at nagpautang sa akin. Ngunit salamat sa Dios at may Edith na hindi nga ako pinautang ay binigyan ako ng higit sa inaasahan ko dahil binigyan niy a ako ng 50.000 pesos upang ipandagdag ko sa aking ipinapagawa. May nagsasabing gumagawa lang ako ng pag-aawayan balang araw dahil wala naman kaming anak na magmamana. Sinasabing sa ating panahon hindi tayo nag -aaway tungkol sa mga ariarian subulit darating ang panahon sa mga taong susunod sa atin ay pag-aawayan lang ang aking mga ipinapagawa. Sinagot ko iyon sa inyo ng mangyayari lang iyon kapag mayroong taong nagkainterest sa mga bagay na hindi sa kanya at sarili lamang niya ng iniisip. Sa lahat ng iyon, sinasabi ko nalang sa aking sarili nagkakamali kayo ng pananaw at akala. Dahil alam ko ang aking ginawa at wala akong personal na interest sa aking ipinapagawa. Ngunit alam ko ang aking ginawa. Mayroon ako pang-unawa sa kabuuan ng lahat ng aking proyekto. Wala akong pakialam kung kanino mapupunta iyon. Ipinapaliwanag ko sa aking asawa ang kabuuan ng pangarap ko at mga bagay na maaring dumating baling araw. Salamat sa Dios dahil nauunawaan niya ako at higit sa lahat sinusuportahan niya ako sa pamamag itan ng pagtulong sa paghanap ng taong mauutangan at sa pagtitiis ng gutom, nanghiningi ako sa inyo ng pagkain at kung minsan, kapag kahit paano ay nakakadama kami ng hiya ay naglalakad kami at nakikikain sa mga magulang niya at kahit walang magamit sabo n man lang panlaba at pampaligo, Nagtitiis siya at hindi nagrereklamo. Tulad ko taglay niya ang malawak na pag-asa na sa hinaharap ang aming pagtitiis ay magbubunga ng kahit konting ginhawa sa hinaharap. Tanggap ko ang lahat matupad lamang ang aking mga pangarap. Anuman ang hadlang. Ano man ang maging problema. Binabalewala ko lang at tinatawanan. Ano man ang sabihin nyo hindi ko tinatanggap. Nakafocus ang aking isipan sa aking mga pangarap at kung paano ko ito matutupad sa kabila ng dinadanas naming kahirapan. Sinasabi ko sa aking sarili at sa aking asawa kapag pinagkukuwentuhan naming ang lahat. Hindi nyo ako lubusang kilala. Nagsasalita lang kayo batay sa magandang ugali at pananaw ninyo. Sa akin “ Let The Future Decide kung sino sa atin ang Tama “. “Le t the show goes on.”

Ang labis ko lang na ipinagdamdam ay iyong merong isa na sa harap ng aking asawa at mga Biyenan ko at sa ibang tao ay ipinahiya ako sa pamamagitan ng hindi paniniwala na hindi ko isinanla ung relos na bigay ni Eddie at ung celphone na inabonohan nya ng 2.500. Na sa harap ng mga biyenan ko at ng ibang tao ay ipinalabas sa akin ung relos at celphone upang matiyak na hindi ko isinanla. Para sa aking ito ay isang insulto at kawalang paggalang sa akin bilang kuya. Sinabi ko sa aking asawa na ung 2,500 ay utang ko sa kanya at ang utang ay utang na dapat bayaran. At tiyak darating din ang araw babayaran ko iyon. Pansamantala mas lalo muna kaming magsikap makapundar upang may pagkukunan ng ipambabayad sa mga utang. Isa pang nasaktan ako ng labis ay iyong mayroong nagsabi na “ Ang kuya magulang, kung saan matira sinasakop nya na”. Wala akong ginulangan kahit isa sa inyo o kahit na sinong tao. Wala akong sinakop na lupa ni kasinlaki ng tsinelas na aking kinatatayuan. Dahil ang lupang aking tinutuntungan ay hindi akin. Ngunit sana maisip ninyo, kung hindi akin ay hindi rin sa inyo. Pantay-pantay tayong lahat ng karapatan dito sa lupa na ating minana. Bakit noong nangutang ako ng perang patubuan upang ipambayad sa utang na di ko naman inutang ,wala kayong nasabi kundi makakaraos din ako. Makakabayad din ako. Walang nagsabi na ang kuya magulang hindi naman niya utang binabayaran niya. Mga kapatid, isang bagay lang ang masasabi ko sa inyo. Lahat kayo ay nagkaroon ng pagkakataon upang sinupin ang ating lupa o ang paligid na gusto ninyo, May pera kayo upang maayos at masinop ang paligid. Hindi nyo sinasamantala ang pagkakataon. Hindi nyo ginawa. Nakakalungkot lang, nang ako na ang nagsisinop at ginagawa ang lahat maging maayos lamang ang paligid natin “ Minasama Ninyo” at inisip ninyong sinasakop ko na ang lupa at ginugulangan ko kayo. Mahal kong mga kapatid, Huwag ninyong isipin na maysama ako ng loob sa inyo. Sumama ang loob doon sa mga sinasabi ninyo ngunit hindi sa inyo. “Wala akong sama ng loob kahit kanino sa inyo.” Sabi nga walang personalan. Sa halip mayroon pa nga akong dapat na ipagpasalamat sa inyo. Dahil sa inyo mayroon akong natutunan. Nabuksan ang aking isipan sa isang bagay na hindi ko akalain. Mga bagay na ni sa aking panaginip ay hindi sumagi sa isip ko. Iyon ay sa mga legalidad ng mga bagay, Kung ano ang karapatan ko? At kung sa akin ay nasasabi at nagagawa ang mga bagay na iyon kahit na tayo ay pantay-pantay ng karapatan dito sa ating lupang minana at kung iisipin ako pa ang kuya, na dapat sana ay meron kahit konting paggalang. Ay nabalewala ay Tiyak na magagawa nyo rin sa aking asawa ang mga

bagay na ginawa nyo sa akin. But I Hope and Pray “ Do Not ”. I Learned a lesson from all of you. “ Thank’s “ Katulad ng sinasabi ko sa aking asawa gumagamit ako ng “calculated risk”. Lumalagay ako sa alanganin subalit tinitiyak ko muna na hindi ako mahuhulog bago ko gawin. Ngayon, Iniisip ko ano naman ang Future? Batay sa mga lessons na natutunan ko mula sa inyo. Naiisip ko paano ang kalagayan ng aking asawa kung ako ang maunang mawala dito sa daigdig. Wala kaming anak. Ano ang karapatan niya sa lupang aking mamanahin. Sa pagkakaalam ko ay “ Wala” dahil hindi namin ito naipundar sa panahon ng kami ay nagsasama bilang mag-asawa. Minana ko lang ito sa ating mga magulang. Siya ay may karapatan lamang doon sa mga bagay na aming naipatayo sa panahon na kami ay mag -asawa na o sa tinatawag na “Conjugal Properties “ Baka dumating ang panahon siya naman ang inyong hanapan ng karapatan dito sa lupa katulad ng paghanap nyo sa akin ng karapatan sa pagpapatayo at pagsisinop sa paligid, kung kanino ako nagpaalam. Ayokong mangyari din ang gayon sa kanya. “ Asawa ko at minamahal si Connie”. Ayokong patuloy siyang magutom at maghirap. At higit sa lahat Gusto kong matiyak ang kinabukasan niya lalo na kung ako ay mawala na sa buhay niya. Ang una kong nais na sabihin sa inyo. Ano ang karapatan ko sa pagpapasya ng mga bagay na ito? Wala pa sa akin ang titulo ng lupa kung hindi ko pa ito pag-aari. Katulad ng karapatan ninyo ako ay anak ng ating mga magulang. Dahil dito, ako ay may tiyak bahagi sa lupang ating minana at legal na tagapagmana na kahati ninyo. Ang pagmamay-ari ko sa bahagi ng lupang ating minana ay tiyak na darating sa sandaling dumating sa inyo ang inyong karapatan bilang may-ari. Ang bahaging aking mamanahin ay sa akin at nararapat na malagay sa pangalan ko ang pagmamay-ari. Ngunit paano ang mangyayari kapag bago maganap ang mga bagay na iyon ay nawala na ako dito sa lupa. Ang aking karapatan sa lupang minana ay mawawala. Ano ang mangyayari sa aking asawa? Walang katiyakan sa bahagi ng lupa dahil hindi ito conjugal property. At siya ay aasa na lamang sa inyong kagandahang loob kung ano ang ibigay ninyo bahagi. Kung ayaw ninyong bigyan ay maari dahil wala na ako at hindi ko naging ganap na pag-aari ang lupa sa panahon na kapiling pa ninyo ako. Kung kaya ngayon palang na buhay ako ay sinisikap ko nang ayusin ang mga mangyayari sa sandaling wala na ako. Dahil sa ako ay may tiyak na bahagi sa lupang ating minana. At ang bahaging iyon ay

tiyak na magiging aking pag-aari. Bilang may-ari ng lupa sa hinaharap ako ay may lihitimong karapatan sa lupang aking minana. Ibig sabihin magagawa ko ang gusto ko ibenta o ipamigay sa taong gusto kong bigyan provided na me kasulatan o patunay na panghahawakan ang taong pagbibigyan ko. Sa bisa ng aking karapatan bilang may ari ay ibinibigay ko sa aking asawang si Consuelo de los Santos ang pagmamay-ari sa kalahati ng aking minana mula sa ating mga magulang at ang mga bagay na nakatayo dito. Binibigyan ko rin siya ng prioridad na makapamili kung aling lugar ang gusto niya. Ito ay magkakabisa lamang sa panahon na ako ay nawala na sa daigdig at kami ng aking asawa ay hindi nagkaanak sa panahon ng aming pagsasama. At ang nalalabing kalahati ay ipinagkakaloob ko sa aking 4 na kapatid ang pamamay-ari ng kalahati ng lupang aking minana at ang mga bagay na nakatayo dito. Nais ko ring ipabatid sa inyo na kung si Connie ay hindi mag-aasawa habangbuhay, Habang buhay ang upa sa lahat ng aming paupahan ay nararapat na ibigay sa kanya ng buong -buo upang mayroon siyang pangtugon sa kanyang mga pangangailangan. Ang pagkakaroon niya ng karapatan bilang may-ari ay magaganap lamang alinman sa 2 kaganapan: 1. Kung siya ay tumanda na at umabot ng 50 taong gulang ay siya na ang may -ari ng kanyang napiling kalahati ng lupang aking minana at ng mga bagay na nakatayo dito. Maiisip ninyo paano ang mangyayari kung siya ay abutin ng 50 taon na walang asa wa batay dito pagsapit ng 50 taon ay mapapasakanya na ang pagmamay -ari. Kung gayon ang nalalabing kalahati ay mapapasainyo ang pagmamay-ari. Paano ang upa sa bahagi ng lupang napunta sa inyo (kung meron man). Kapag hindi siya muling nag -asawa pagkawala ko siya ay binibigyan ko ng pribilehiyong tumanggap ng lahat ng upa Habangbuhay mula sa pakinabang sa lupang aking minana mula sa ating mga magulang. Pagsapit niya sa 50 taon ang lupa ay mahahati sa pagitan ninyo. Subalit ang kabuuang upa ng mga bagay na nakatayo dito ay hindi mahahati kung wala siyang asawa. Ang inyong ganap karapatan sa lupa ay magaganap lamang sa sandaling siya ay mawala na rin. Nais ko rin na ipagbigay alam sa inyo ang aking kahilingan sa inyong lahat gusto

ko kung hindi siya nag-asawang muli, Habang siya ay nabubuhay huwag muna ninyong gagalawin ang ang alinmang bahagi ng lupang napunta sa inyo. Upang hindi magambala ang kanyang pakinabang sa kabuuan ng nakatayo sa lupa na aking minana. 2. Sa oras na siya ay nag-asawang muli (kahit ilang taon siya). Siya ay pipili ng lugar na nais niya upang doon sila manirahan. At ang lugar na iyon ay magiging kanya ng pag aari. At ang upa sa nakatayo dito. Kung ito ang magaganap, ang pagkakahati sa lupa at sa upa sa bahaging nakatayo dito ay magkasabay. Ito ang aking kagustuhan. Mangyari ang lahat ng ito ng maluwag sa inyong kalooban at katanggap-tangap. “ God Bless Us All “ Kuya Alex

Related Documents

It's Me Kuya Alex
December 2019 4
Kuya Paw
May 2020 2
Alex
April 2020 29
Alex
May 2020 34
Alex
April 2020 35
Alex
November 2019 44