Brave Heart Mitra
10-Peace
“Si Lam-ang, Pambihirang bata” (F 398.232599 K112) Seven Hats Puti – Ang mag asawang Don Juan at Namongan ay nakatira sa La Union sa kailokohan. Si namongan ay nag dadalang tao noon nang umalis patungong bundok si Don Juan. Isang araw ay nanganak si Namongan habang ang asawa ay nasa kabundukan. Pag-kalabas ng sanggol sa kanyang sinapupunan ityo ay umiiyak at nakakapagsalita na agad, siya mismo ang pumili ng ipapangalan sa kanyang sarili na Lam-ang at ito din ang pumili ng kanyang magiging ninong. Nagulat nang bahagya si Namongan sa nasaksihan ngunit labis din na natuwa rito. Makalipas ang siyam na buwan ay nakakalakad na si lam ang at nais nang makita ang kanyang ama dahil ito ay hindi pa nakakauwi dahil sa paglalakbay nito. Pumayag naman ang kanyang ina dahl gusto rin nitong makita ang kanyang asawa.Nagtungo nga sila sa kabundukan para hanapin si Don Juan, Naging labis ang pagkapagod ni Lam-ang at naisipang magpahinga sa isang lugar. Dahil sa matinding pagod siya ay nakatulog at nanaginip na ang kanyang ama raw ay pinatay ng mga Igorot. Pag kagising niya ay siya nay nabalot ng takot at pinagdasal na sana’y hindi totoo ang kanyang panaginip. Labis itong nagalit at nais maghiganti sa mga igorot kung magiging totoo man ang kanyang panaginip. Nang makarating siya sa lugar ng mga igorot siya ay nagulat sa kanyang nakita dahil nagkakatuwaan ang mga Igorot at hindi niya gaanong makita ang nakasabit at sinasayawan ng mga ito. Sa kanyang paglapit muli siyang nagulat sa kanyang nakita dahil ang ulo pala ng kanyang ama ang nakasabit. Nagalit si lam-ang at sinugot ang mga Igorot at sila ay kanyang pinagpapatay. Dilaw – Nanganak nang ligtas si Namongan at agad na nakakapagsalita ang kanyang anak na si Lam-ang at ito ay nakakapaglakad na makalipas ng siyam na buwan lamang. Labis na pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa dahil kahit na paalis pa lamang si Don Juan para sa kanyang paglalakbay ito ay patuloy na nagpapaalala sa kanyang asawa na mag iingat dahil malapit na ang siyang magsilang ng kanilang magiging anak. Pula – Pagmamahalan ng mag asawa para sa isa’t isa. Pagmamahal din ng anak sa mga magulang dahil labis na mahal ni Lam-ang ang kanyang magulang at gusto na niyang makita ang kanyang ama sa murang edad pa lamang (siyam na buwan) dahil ito ay hindi pa nakakabalik mula sa kanyang paglalakbay. Galit, dahil sa pagkakita niya na ang kanyang ama ay pinatay at sinabit ang pugot na ulo nito, kanyang sinugod ang mga Igorot upang maghiganti.
Itim – Matagal na hindi nakabalik ang kanyang ama kaya napagpasiyahan ng mag-ina na tumungo sa bulubundukin para hanapin si Don Juan. Sa sobrang pagod ni Lam-ang naisipan niyang magpahinga at nakatulog naman ito sa sobrang pagod habang ito ay natutulog kaniyang napanaginipan na ang kanyang ama ay pinatay ng mga Igorot. Nang makalapit si Lam-ang sa salo-salo ng mga Igorot nakita niya ang pugot na ulo ng kanyang ama na nakasabit dahilan ng pagkagalit nito at sinugod ng walang takot at pinagpapaslang ang mga ito. Berde – Kung hindi hinayaan ni Namongan ang kanyang asawa na maglakbay ito ay hindi mapapahamak. Dahil na din siya ay walang katulong sa bahay sa aking palagay mas nakabubuti sana kung hindi niya hinayaang umalis si Don Juan upang mas mabantayan ang paglabas ng bata dahil alam naman nilang pareho na nalalapit na ang pag silang sa bata. Akin pang naisip kung nagsama ng isang grupo o hukbong sandatahan si Don Juan makakalaban manlang sana sila at maaaring hindi pa nasawi si Don Juan dahil alam naman natin na delikado sa bulubundukin maglakbay lalo na sa gabi dahil may mga tao rito na hindi natin kilala na maaaring mga rebelde pa sa kadahilanan na rin na ito ay nalalayo sa siyudad kaya mas madalas tirhan ng mga rebelde o masasamang tao/grupo. Asul – Sa aking palagay ang paghahanap at pag aalala bilang isang anak o asawa sa isang miyembro ng pamilya. Dahil matagal nang hindi nakakauwi si Don Juan napagpasiyahan ni Lam ang na hanapin ang kanyang ama dahil sa di pa ito nakakauwi sa kanyang paglalakbay. Magandang ugali para sa isang tao ang nag aalala sa mga tao o miyembro ng pamilya at pagmamahal nito sa bawat isa. Maganda rin na tunay na nagmamahalan ang mag asawa sa isa’t isa sa kadahilanan sa panahon natin ngayon marami ang nagsisinungaling sa kanilang asawa upang gumawa ng kasalanan o lokohin ito.
Kayumanggi – Habang binabasa ang “Lam-ang. Pambihirang bata” ito pala ay naiiba ng bahagya sa kwentong “Biag Ni lam-ang” at aking naisip na si lam-ang ay isang palaban na bata na nais ipaghiganti ang kanyang ama ngunit akin ding naisip na hindi sa lahat ng bagay ay dapat suklian ng kasamaan ang kasamaan. Akin pang naisip na napapanahong usapan ngayon ang pagpapatupad ng ROTC sa mga SHS at sa kolehiyo upang matuto sa mga paraan upang mailigtas ang sarili o survival at para sa kaligtasan ng sarili dahil sa napakaraming krimen ang nangyayari sa ating bansa sa mga panahong ito katulad kay lam-ang sa murang edad kahit hindi ito makatotohanan siya ay marunong lumaban at ipagtanggol ang sarili. Kung ang mga tao ngayon ay hindi marunong lumuban o ipagtanggol manlang ang sarili maaaring ito ay maging dahilan ng kasawian o pagkawala ng kayamanan, gamit, bagay, pera kaya naman ako ay sang-ayon sa pagpapatupad ng rotc sa Pilipinas.