UNANG EKSENA TAGPUAN: SA SILID NI HARING FERNANDO (Si Haring Fernando ay nakahiga ngunit nakadilat ang mata. Si Reyna Valeriana ay nakaupo sa tabi ni Haring Fernando at malungkot na nakatangin sa kanyang mga anak.) Reyna Valeriana: Malubha na ang kalagayan ng inyong ama. (Papasok ang alipin kasama ang manggagamot.) Alipin: (Yumuko) nakarating na ho ang manggagamot. (Yumuko muli) (Umalis sa silid ang alipin. Yumuko muna ang manggagamot sa reyna at mga prinsepe bago naglakad patungo sa hari.) Manggagamot: Nakalulungkot mang sabihin ngunit malala na ang sakit ng hari. Reyna Valeriana: (Nag-aalala) Malulunasan pa ba ang kanyang karamdaman? Manggagamot: (Nag-iisip) Huwag kayong mabahala sapagkat may paraan pa para malunasan ang sakit ng mahal na hari. Don Pedro: At anong lunas naman ang iyong tinutukoy? Manggagamot: Ang pag-awit lamang ng Ibong Adarna ang magpapagaling sa mahal na hari. Diego: Saan matatagpuan ang ibong ito? Manggagamot: Matatagpuan ang mahiwagang ibon sa puno ng Piedras Platas na makikita sa tuktok ng bundok Tabor. Ngunit ipapaalala ko na hindi magiging madali ang inyong magiging paglalakbay. Don Juan: (Nagdududa) Ikaw ba’y sigurado na gagaling ang aking ama kapag napakinggan niya ang pag-awit ng ibon na sinasabi mo? Manggagamot: Ako’y nakatitiyak, Don Juan. Haring Fernando: Mga anak, ako’y nanghihina na, maari niyo bang dalhin ang ibon na iyon para sa akin?
(Natahimik ang lahat.) Haring Fernando: Pedro? (Si Don Pedro ay lumapit at lumuhod sa tabi ng hari.) Don Pedro: Ano iyon, ama? Haring Fernando: Ikaw ang pinakamatanda sa inyong magkakapatid, maaari bang ikaw ang humuli sa Ibong Adarna? Don Pedro: Hindi kita bibiguin, ama. IKALAWANG EKSENA TAGPUAN: SA BUNDOK NG TABOR (Nagsimulang maglakbay si Don Pedro patungo sa bundok ng Tabor.) Don Pedro: Bilang panganay, ako ang naatasan ni ama para hulihin ang ibong adarna. Mukhang mahaba-haba pa ang aking lalakbayin, gagamit nalang ako ng kabayo upang mapadali ang aking paglalakbay. (Nakarating si Don Pedro sa paanan ng bundok ng walang kasamang kabayo kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakbay ng hindi nakasakay sa kabayo.) Don Pedro: (Hinihingal at pagod na pagod) Nakapapagod! Ang tagal ko nang naglalakbay ngunit nasa paanan palang ako ng bundok na ito, isama mo pa ang pagkamatay ng kabayo ko! (Ipinagpatuloy ni Don Pedro ang kanyang paglalakbay. Nakita niya ang puno ng Piedras Platas at ito’y kanyang sinandalan habang umiinom ng tubig.) Don Pedro: Sa wakas! Narating ko na ang punong ito. Nandito kaya ang ibon na sinasabi ng manggagamot? (Ang Ibong Adarna ay umaawait habang nag-aayos ng kanyang pakpak. Nadala sa ganda ng awit si Don Pedro at unti-unting nakatulog kaya’t nahulugan siya nng dumi ng ibon at naging bato.)
IKATLONG EKSENA TAGPUAN: SA KAHARIAN NG BERBANYA (Nagkakagulo ang mga taganayon.) Taganayon 1: Hindi pa bumabalik ang mahal na prinsepe, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Taganayon 2: Oo nga, tatlong buwan na ang nakakalipas magmula ng maglakbay siya patungo sa kabundukan ng Tabor. Taganayon 3: Palala na rin nang palala ang lagay ng hari. Ano nalang ang mangyayari sa ating kaharian? Sino ang mamumuno sa atin? (Naligalig ang kaharian at nababahala na ang mga tao.) (Sa loob ng palasyo.) (Si Haring Fernando ay nakahiga at nanghihina. Tumabi sa kanya si Reyna Valeriana.) Haring Fernando: Nasaan na ang aking anak, si Pedro? Reyna Valeriana: Alam kong makaliligtas ang anak natin, Fernando. Sa ngayon, alalahanin mo muna ang iyong sarili. (Pumasok sa silid si Don Diego.) Don Diego: Ama, Ina, hayaan niyo po akong sundan ang aking kapatid, tiyak na mahahanap ko siya at matutulungan ko pa sa paghuli ng ibon. Reyna Valeriana: Pumapayag ako sa iyong kahilingan, ngunit kinakailangan mong mag-ingat. Don Diego: Makaaasa ho kayo ni Ama. Iuuwi ko ang ibong adarna. IKA-APAT NA EKSENA TAGPUAN: SA BUNDOK NG TABOR (Limang buwan ang kanyang naging paglalakbay ni Don Diego bago niya marating ang paanan ng bundok, nilakad niya ang bundok paakyat.) Don Diego: (pagod na pagod at tumatagaktak ang pawis) Pagkatapos ng limang buwan, narating ko na ang Piedras Platas. Nakamamangha! Napakaganda pala ng puno na ito. Ngunit kailangan ko pang hanapin ang mahiwagang ibon na iyon. (Nakita ni Don Diego ang ibon na umaawit ng isang nakaaantok na tono. Humikab siya at nakaramdan ng pagkaantok.) Don Diego: Napakaganda (hikab) ng tinig na iyon. Ako’y inaantok, wala naming mawawala kung ako’y matutulog ng ilang oras lamang.
(Nakatulog si Don Diego at hindi namalayan ang pagdumi ng ibon kaya’t siya’y nagging bato rin.) IKALIMANG EKSENA TAGPUAN: KAHARIAN NG BERBANYA (Nakaupo si Donya Valeriana sa tabi ni Haring Fernando.) Don Juan: (Nag-aalala) Hindi pa bumabalik ang aking mga kapatid. Ama, hayaan niyo po akong hanapin sila at ibalik rito, at pangako ama, ibabalik ko rin ho ang Ibong Adarna. Haring Fernando: (Matamlay na umiling) Hindi maaari, Juan. Hindi ka aalis rito. Don Juan: Pero Ama! Palala na ng palala ang iyong karamdaman, kapag hindi pa nalunasan iyan ay maaaring ikaw ay mamatay! Haring Fernando: Ikaw nalang ang natitira sa akin. Don Juan: Nagmamakaawa ako, Ama. Pahintulutan ninyo ako, nais ko na gumaling kayo. Haring Fernando: (Bumuntong hininga) Sige, ika’y aking pina hihintulutan. Ngunit, mangako ka na babalik ka kasama ang iyong mga kapatid at ang Ibong Adarna Don Juan: Maraming salamat, Ama. Hindi ko kayo bibiguin. IKA-ANIM NA EKSENA TAGPUAN: BUNDOK NG TABOR (Nagsimula nang maglakbay si Don Juan, ngunit hindi siya gumamit ng kabayo at siya lamang ay naglakad na may baon na limang pirasong tinapay) Don Juan: Ako’y maglalakad lamang, sapagkat kawawa ang kabayo kung ito lamang ay mamatay. Limang piraso lamang ng tinapay ang aking nadala, kaya’t kakainin ko lamang ang isang piraso kada buwan. (Naglakad ng matagal si Don Juan.) Don Juan: (naghahabol ng hininga) Nakapapagod. (May lumapit na Leproso kay Don Juan.) Leproso (Ermitanyo): Makisig na binata, maawa ka. Ako’y humihingi ng kaunting pagkain lamang. (Nag-abot si Don Juan ng isang pirasong tinapay.) Don Juan: Pasensya na ho, ito na lamang ang natitirang pagkain ko. Hinihiling ko na sana maibsan ang inyong gutom sa mumunting tulong na alay ko. (Kinuha ng Leproso ang tinapay.)
Leproso (Ermitanyo): (ngumiti) Maraming salamat apo, ano ba ang iyong pakay at baka ako’y makatulong sa iyo. Don Juan: May malubhang sakit ang aking ama, at ang tanging magpapagaling sa kanya ay ang awit ng Ibong Adarna. Nauna na ang aking mga kapatid ngunit mahabang panahon na ang nakalilipas at hindi parin sila bumabalik. Leproso (Ermitanyo): Magiging mahirap ngunit maaari kitang matulungan. Pagdating mo sa bundok ay may makikita kang puno, ngunit huwag kang hihinto roon at sa halip ay titingin ka lamang sa ibaba at makakakita ka ng isang mumunting kubo. Sa kubong iyon ay makikita mo ang mga taong magbibigay ng payo sa iyo. (Inabot ng Leproso ang tinapay kay Don Juan.) Leproso (Ermitanyo): Mas kinakailangan mo iyan, apo. Don Juan: Ibinibigay ko na po iyan sa inyo. Leproso (Ermitanyo): (ngingiti) Talaga ngang ginintuan ang iyong puso. IKAPITONG EKSENA TAGPUAN: BAHAY NG ERMITNYO Don Juan: Ito na ang sinasabi ng matandang nanlimos ng tinapay sa akin. Ermitanyo: Ano ang iyong pakay sa pagpunta dito, Don Juan? Don Juan: Narito ako dahil may isang estrangherong nakapagsabi sa akin na mabibigyan mo raw ako ng payo upang mahuli ang Ibong Adarna. Ermitanyo: Gaano mo kagustong mahuli ang Ibong Adarna, mahal na prinsipe? Don Juan: Gagawin ko ang lahat ng kailangan kong gawin upang mahuli iyon. Ermitanyo: Kung sa gayon, ganito ang kailangan mong gawin. Sa Piedra Platas nanahan ang Ibong Adarna. Dumarating ito tuwing hating gabi. Sa pagkadapo, ito ay magsisimulang umawit, nakaaantok ang kanyang awit, kaya hangga’t sa maaari ay iwasan mong makatulog. (Kumuha ng dayap at labaha ang Ermitanyo at inabot ito kay Don Juan.) Ermitanyo: Heto ang labaha at dayap. Tuwing nakararamdam ka ng antok ay hiwain mo muna ang iyong palad at pagkatapos ay patakan ng dayap. Kapag iyon ay iyong ginawa, ay tiyak na mawawala ang iyong antok. Pitong awit ang aawitin nito, at pitong beses rin itong magpapalit ng balahibo. Pagkatapos nitong umawit ay ito’y magbabawas. Iwasan mo, Don Juan, sapagkat konting dikit lamang sa iyong balat ay magiging bato ka. Pagkatapos ay matutolog ang ibon, at kapag siya ay natulog, maaari mo na siyang itali gamit niyo. (Inabot ng Ermitanyo ang taling ginto kay Don Juan.)
Don Juan: Kapag ginawa ko ang payo niyo, nakakasigurado ka ho ba na mahuhuli ko ang ibon? Ermitanyo: Tinitiyak ko, Don Juan. IKAWALONG EKSENA TAGPUAN: BUNDOK NG TABOR Don Juan: Heto na nga iyon. Kailangan kong mahuli ito. Kaya ko ito. (Nagsimula nang umawit ang Ibong Adarna. Sa bawat awit nito, hinihiwa ni Don Juan ang kanyang palad at saka pinapatakan ng katas ng dayap. Sa pangalawa, pangatlo, pang-apat hanggang pang pitong awit ng ibon ay paulit-ulit ang kanyang ginagawa upang malabanan niya ang antok na dulot ng pag-awit ng ibon. Pagkatapos ng pangpitong awit, nakatulog na ang ang Ibong Adarna.) Don Juan: Ito na ang pagkakataon ko. (Gamit ang gintong tali na binigay ng ermitanyo, lumapit siya ng dahan dahan sa natutulog na ibon at itinali ito.) (Papasok ang ermitanyo.) Ermitanyo: Mahusay, Don Juan. Don Juan: Paano ko maibabalik sa dati ang aking mga kapatid? Ermitanyo: Kuhanin mo itong palayok, may laman itong tubig na ibubuhos mo sa iyong mga kapatid. Kapag nabuhos mo ang tubig ay tiyak na babalik sila sa pagiging tao. (Kinuha ni Don Juan ang tubig at ginawa ang iniutos ng ermitanyo at ibinuhos ang tubig na laman ng palayok sa kanyang dalawang kapatid, at tila may angking mahika ang tubig na ibinigay sa kanya ng ermitanyo dahil bigla na lamang nakagalaw at nakahinga ang kanyang mga kapatid.) Don Pedro: Juan! Don Diego: Salamat, Juan. Don Juan: Walang anuman, obligasyon ko iyon bilang kapatid ninyo. Ngayon na nasa akin na ang ibon, at magkakasama na muli tayo, umuwi na tayo sa ating kaharian at pagalingin ang ating Ama. (Nagsimula na silang maglakad, sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay binulungan ni Don Pedro si Don Diego.) Don Pedro: Si Juan nanaman ang nagtagumpay, tiyak na mapupunta nanaman sa kanya ang lahat ng parangal ni Ama at ng buong kaharian. Don Diego: Mahusay si Juan, tanggapin na nating nabigo tayo at nagtagumpay siya.
Don Pedro: Bakit hindi nalang natin siya patayin? Kapag nawala siya ay tiyak na mapupunta sa atin ang lahat ng parangal. Don Diego: Nahihibang ka na ba? Sarili mong kapatid ay tatangkain mong patayin? Don Pedro: Isipin mong Mabuti, Diego, lagi na lang siya ang napupuri ni Ama. Lagi na lang siya ang tama. Hindi ka ba nakararamdam ng inggit? Don Diego: Masama pa rin ang pagpatay, Pedro. Don Pedro: Kung masama ang pagpatay, bugbugin na lang natin siya. Don Diego: Bahala ka, ayaw kong masangkot sa mga masasamang balak mo. Magbubulagbulagan na lamang ako. (Nilapitan ni Don Pedro ang walang kamalay-malay na Don Juan at siya’y binugbog hanggang sa mawalan siya ng malay. Pagkatapos, umalis na sina Don Pedro at Don Diego, at iniwan na nakahandusay sa lupa si Don Juan.) Don Juan: (matamlay na matamlay) Diyos ko, paagalingin ninyo ang aking Ama. Ito na ang aking huling kahilingan. (Papasok ang Ermitanyo.) Ermitanyo: Don Juan, ano ang nangyari sa iyo? Hayaan mo akong gamutin ang mga sugat mo. (ginamot ang sugat ni don juan) (Ginamot ng Ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan, kaya’t naging mabuti ang kanyang pakiramdam.) Don Juan: Maraming salamat ho. Ermitanyo: Walang anuman, Don Juan. Umalis ka na at agad na bumalik sa inyong kaharian, kinakailangan ka ng iyong ama. Mag-ingat ka. (Agad na umalis si Don Juan at bumalik sa Kaharian ng Berbanya.) IKASIYAM NA EKSENA TAGPUAN: SA SILID NI HARING FERNANDO (Hawak-hawak ni Don Pedro ang tali na nakapalupot sa Ibong Adarna.) Don Pedro: Ama, kami’y nagbabalik ng muli. Heto na ang Ibong Adarna. Haring Fernando: Mahusay aking mga anak, ngunit nasaan ang inyong nakababatang kapatid? Don Diego: Huwag mo munang isipin yan, ama. Ang mahalaga sa ngayon ay ang iyong paggaling. (Hinila nang marahas ni Don Pedro ang Ibong Adarna.)
Don Pedro: Ibon! Kumanta ka na. Ibong Adarna: (hindi sumunod at mukhang malungkot at nanghihina) Haring Fernando: (nanlumo) Hayaan niyo na, marahil nanghihina siya kaya ayaw niyang kumanta. Magpapahinga nalang muna ako, (Ipinikit ang mga mata) Don Diego: Patawad, Ama. (Nang makaalis ang dalawang magkapatid ay siya namang pagdating ni Don Juan.) Don Juan: (hinhingal at pagod na pagod) Ina! Nasaaan si Ama? Reyna Valeriana: Huwag kang maingay, sapagkat natutulog ang iyong Ama. Don Juan: Kamusta na ang kalagayan niya? Reyna Valeriana: (nalungkot) Hindi pa siya gumagaling, sapagkat ayaw umawit ang Ibong Adarna. Don Juan: (nagtaka) Ayaw umawit ng Ibong Adarna? Nasaan ang ibon? (Itinuro ni Reyna Valeriana ang isang kulungan na natatakpan ng tela.) Reyna Valeriana: Naroon ang ibon. (Nilapitan ni Don Juan ang kulungan at akmang tatanggalin na ang tela, ngunit biglang pumasok sina Don Pedro at Don Diego.) Don Diego: Ina, narito ho kami upang tignan mula ang kondisyon ni Ama. Don Pedro: (nakita si Don Juan at nagulat) Juan?! Papaano…. Hindi ito maaari. Don Juan: (ngumiti ng hilaw) Mga kapatid. (Tuluyan nang tinanggal ni Don Juan ang telang nakataklob sa kulungan. Nakita siya ng Ibong Adarna at nabuhayan.) Don Juan: (ngumiti) Munting ibon, maaari ka bang umawit at pagalingin ang aking Ama? (Nagsimula nang kumanta ang Ibong Adarna, at paunti-unting nagbabalik ang kulay sa mukha ng hari, at unti unti narin itong nagigising. Sa kalagitnaan ng pag-awit ng ibon ay nabanggit niya ang totoong nangyari sa paglalakbay ng magkakapatid.) Ibong Adarna: (umaawit) Sa kanilang paglalakbay, ang bunso ang siyang nagtagumpay~ Ibong Adarna: Dahil sa kanilang selos at inggit, si Don Juan ay nagipit~ (Nagulat ang hari sa inawit ng Ibong Adarna.) Haring Fernando: (galit) Pedro! Diego! Ano ang ibig sabihin nito?! (Walang sumagot sa kanila.)
Haring Fernando: (mas lalong nagalit) Wala man lang bang magpapaliwanag nito?! Don Pedro: (nauutal) A-ama, kaya lang po namin nagawa yun kasi…. Haring Fernando: (mahinahon ngunit galit) ayoko nang marinig iyan. Ihanda niyo na ang gamit niyo at lumayas na kayo rito. (Walang sumunod sa utos ng hari.) Haring Fernando: (galit nag alit) Lumayas na kayo! Ngayon na! Don Juan: Ama... Kumalma lang po kayo. Maayos naman po ako. Kahit ngayon lang po, patawarin niyo po sila. Alam ko pong nagawa lang nila iyon dahil sa inggit. Ama maawa po kayo. Haring Fernando: (Kumalma) Naiintindihan kita, Juan. Sige. Patatawarin ko kayo, Pedro at Diego, ngunit pag naulit ito, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa inyo. (Nakahinga ng maluwag ang dalawang magkapatid.) Haring Fernando: Ngunit bilang parusa niyo, pababantayan ko sa inyo ang Ibong Adarna. Maliwanag ba? Don Pedro at Don Diego: Masusunod, Ama. Don Juan: Ama, maaari ho ba akong tumulong sa pagbabantay? Haring Fernando: (ngumiti at tumango) IKA-LABING ISANG EKSENA TAGPUAN: SA LOOB NG PALASYO Don Pedro: Arghhh! Nakakainis na si Juan! (iritado) Don Diego: Pedro... Ano kayang pwede nating gawin upang mawala na sa buhay natin yang si Juan? Don Pedro: (nakangisi) Diego may naisip akong panibagong plano. Don Diego: Ano iyon? Don Pedro: pamukhain nating taksil si Juan. Pahahabain natin ang oras ng kaniyang pagbabantay. Kapag siya ay nakatulog, pakakawalan natin ang Ibong Adarna upang siya ang masisi. Ayos ba? (nakangisi) Don Diego: (tumango) Mukhang magiging masaya ito. (Tumawa ang dalawa sa kanilang mga naiisip.) (Oras na ng pagbabantay ni Don Juan. Ginawa ng dalawang magkapatid ang kanilang plinano kanina.)
Don Juan: Bakit ang tagal nila? Nagagalit pa rin siguro sila sa akin (malungkot) (Lumipas ang ilang minuto ay nakatulog na si Juan) (nilapitan ng kanyang dalawang taksil na kapatid ang lugar na pinagbabantayan niya at pinakawalan ang ibong adarna.) (Mahinang tumawa ang dalawa bago umalis.) (Gumising na si Juan. Laking gulat niya ng wala na ang ibong adarna sa kulungan nito. Alam niya kung sino ang may gawa nito kaya't kinakabahan siya.) Don Juan: Kailangan kong umalis rito upang hindi masisi ang dalawa kong kapatid sa kataksilang kanila nanamang nagawa. (Dali-Daling umalis si Don Juan sa kanilang kaharian at napadpad kabundukan ng Armenya) (Nalaman ito ng hari at ipinatawag si Pedro at Diego) Don Fernando: Pedro at Diego. Hanapin ninyo si Juan. Don Pedro at Don Diego: Masusunod, Ama. (Hinanap nila kung saan-saan si Don Juan. Tanong dito, Hanap doon ang kanilang ginagawa, at sa wakas nakita na rin nila si Juan sa bundok ng Armenya) IKA-LANBINGDALAWANG PANGAYAYARI TAGPUAN: ARMENYA (Pangyayari bago pa makita nila Don Pedro at Don Diego si Juan) Don Juan: Dito na lang muna ako mamamalagi sapagkat hindi puwedeng malaman ni Ama ang mga masasamang ginawa ng aking mga kapatid. (Umupo sa ilalim ng isang puno.) (Habang nagpapahinga si Juan ay nakatulog siya.) (Kinabukasan) (Nagising si Don Juan at napagtanto niya na nasa kaniyang harapan ang dalawa niyang kapatid na si Pedro at Diego.) Don Pedro at Don Diego: Juan! (sabay yakap sa kanilang kaptid) Don Juan: Pedro! Diego! P-Papaano n-ninyo ako nahanap? H-Hindi pwedeng makita ni Ama na kasama ko kayo at baka kayo'y palayasin na sa kaharian! (nalilito) Don Pedro: Juan, nandito kami para humingi ng tawad sa aming mga nagawang kasalanan. Don Diego: Kami'y nakonsensiya simula ng umalis ka sa kaharian. Nag-aalala kami na baka hindi ka na bumalik o may nangyaring masama sa iyo.
Don Pedro at Don Diego: Juan.... (huminto at tumingin sa isa't-isa at tumango at tumingin ulit kay Juan) Mapapatawad mo ba kami? Don Juan: Matagal ko na kayong napatawad. Simula pa lamang ay napatawad ko na kayo. Ako ang dapat humingi ng tawad sa inyo. Alam ko na ako ang paborito ng ating Ama at alam ko na dahil lamang sa matinding inggit kaya ninyo nagawa iyon. Sana'y napatawad niyo rin ako. (napapaiyak) Don Pedro at Don Diego: Pinapatawad ka na namin. (umiiyak) (Nagyakapan ang tatlo habang umiiyak.) (Natapos na ang kanilang pagbabati at nakaupo sila sa ilalim ng isang puno. Tahimik lang sila ng biglang magtanong si Don Pedro.) Don Pedro: Juan, Diego. Gusto niyo bang manirahan dito? Don Diego: Gusto ko. Pero maari ba? Don Juan: Maaari ngunit... Hahanapin tayo nila Ama at Ina. Kailangan din natin bumalik sa kaharian sa kadahilanang nag-aalala na sila sa atin. Don Diego: Oo nga Pedro. Kailangan na nating bumalik. Don Pedro: Siguro ito na ang oras para humingi ng tawad kay ama para sa maling nagawa natin kay Juan, Diego. (Tumango ang magkakapatid at bumalik na sila sa kanilang kaharian.) IKA-LABINGTATLONG PANGYAYARI TAGPUAN: GUBAT NA MAY BALON (Isang araw, habang naglalakad sila pauwi sa kanilang kaharian ay may nakita silang balon.) Don Juan: Pedro! Diego! Tignan niyo itong balon. Wala itong tubig. (nagtataka) (Pumunta si Don Pedro at Don Diego sa harap mg balon.) Don Pedro: Ano kaya kung pasukin natin ang loob ng balon na ito? Don Diego: Magandang ideya iyan Pedro. Sino ang mauuna? Don Pedro: Ako muna. (Pinasok ni Don Pedro ang loob ng balon.) Don Pedro: Ang dilim dito! Hindi ko kayang umabot sa pinakababa. (Umakyat na uli si Don Pedro. Ang sumunod na bumaba naman ay si Don Diego.) Don Diego: (natatakot) Hindi! Ayoko! Masyadong madilim! Hindi ko ito kaya!
(Napang-unahan ng takot at kaba si Don Diego kaya hindi ito bumaba. ) Don Pedro: Juan, kaya mo ba? Don Juan: Susubukan ko. (Dahan-dahang bumaba si Don Juan sa balon. Siya’y natatakot rin, ngunit pilit niya itong nilabanan. Nasa kalagitnaan na si Juan nang humiyaw si Pedro.) Don Pedro: Juan! Ayos ka lang ba? Don Juan: Ayos lamang ako! Kung anong sinimulan ko ay siyang tatapusin ko! Don Diego: Bilisan mo diyan. Kami'y naiinip na rito. (Bumaba ng bumaba si Don Juan hanggang sa maabot na niya ang lupa ng balon.) Don Juan: Pedro! Diego! Naririto na ako sa baba! (pasigaw) (Tumingin si Don Juan sa paligid ng balon at laking gulat niya ng makakita si ng palasyong gawa sa ginto at pilak.) Don Juan: (Nagulat) A-Ano ito?! IKA-LABINGAPAT NA PANGYAYARI TAGPUAN: KAHARIAN SA LOOB NG BALON (Lumapit si Don Juan sa palasyo ng manghang-mangha.) Don Juan: Ka'y ganda naman ng palasyo na ito. Maaari ko kaya itong pasukin? (tanong niya sa kaniyang sarili) (Kumatok muna si Juan sa malaking pinto ng palasyo ngunit walang nagbukas o sumagot kaya't napagpasiyahan niya na pasukin na ito.) Don Juan: Pagpasensiyahan niyo na po ako. (Sa kaniyang pagpasok ay nabighani siya sa kagandan ng loob ng palasyo.) Don Juan: Kagandang palasyo nito! Ngunit sino ang nakatira at nangangalaga rito? (Naglibot-libot si Don Juan sa loob ng palasyo. Habang siya ay paikot-ikot ay nakakita siya ng isang dalagang kasing ganda ng mga bulaklak na nakapaliboot sa kaharian.) (Tatakbo na sana ang dalaga ngunit napatigil ito ng sumigaw si Juan.) Don Juan: A-Ahhh T-Teka! A-Ano ang iyong p-pangalan? (nahihiya) Donya Juana: (napahinto at nilingon si don juan) Ang pangalan ko ay Juana. Donya Juana. (ngumiti) Don Juan: Juana. Napakagandang pangalan. Kasing-ganda ng nagmamay-ari nito.
Donya Juana: (napangiti) Salamat, maaari ba akong humingi ng pabor mula sa iyo, Don...? Don Juan: Juan. Ano ang pabor na iyon? Donya Juana: (natatakot) Huwag mo akong iwanan dito, sapagkat may nagbabantay sa akin na higante. Don Juan: Makaaasa ka sa akin, Donya Juana. Poprotektahan kita laban sa higante na iyon. Donya Juana: Ako’y lubos na nagpapasalamat sa iyo, Don Juan. (Dumating na ang dambuhala at ininsulto si Juana.) Dambuhala: Wala kang kuwenta! (Narinig ito ni Don Juan at siya'y nagalit) Don Juan: Ikaw! (galit na hiyaw niya) (Napatingin ang dambuhala kay Juan) Dambuhala: Aba! May bisita ata ang prinsesa ngayon? At sino ka naming hampas lupa ka?! Don Juan: Ako ang magpoprotekta sa kaniya! Hinahamon kita sa isang pagtutuos! Dambuhala: HA.HA.HA Pumapayag ako bubwit! (Nagsimula ang pagtutuos ng dalawa. Sa una ay ang dambuhala ang laging lamang.) Dambuhala: Paano ba yan?! (Nakangisi) Matatalo ka na yata?! Don Juan: Hindi... Hindi ako puwedeng sumuko! (Pagkasabi ni Don Juan ng mga katagang iyon ay biglang nagliwanag ang buong paligid. May narinig siyang boses na siya lamang ang nakakarinig.) Diyos: Don Juan ika'y may mabuting puso. Ika'y aking tutulungan upang matalo mo ang Dambuhala na iyong kinakalaban. Don Juan: Saglit s-sino kayo? (Unti-unting naglaho ang liwanag.) Don Juan: Teka! Ano po ang ibig niyong sabihin! (Bumalik na sa dati ang lahat. Nandoon pa rin ang dambuhala ngunit nanghihina na ito. Linapitan ni Don Juan ang dambuhala at sinaksak ito dahilan ng pagkatalo ng dambuhala.) Don Juan: Donya Juana, halika na at umalis na tayo rito. (hinila sa kamay si Juana ngunit natigilan)
Donya Juana: Saglit lang Don Juan! Nandito! Nandito pa ang aking kapatid na si Donya Leonora! Binabantayan siya ng pitong ulong serpyente! Nakiki-usap ako, Don Juan. Iligtas mo ang kapatid ko! (umiiyak) Don Juan: (Hinawakan ang kamay ni Donya Juana) Huwag ka mag-alala, Donya Juana. Maliligtas natin ang iyong kapatid. IKA-LABINLIMANG EKSENA TAGPUAN: SA ISANG PALASYO (Naglakad-lakad si Don Juan upang hanapin si Donya Leonora, hanggang sa narating niya ang harap ng isang palasyo) Don Juan: sana nasa loob ng palasyong ito ang kapatid ni Donya Juana. (pumasok sa loob ng palasyo si Don Juan at nagmasid sa paligid. Nakarating siya sa pinakadulong bahagi ng silid at binuksan ang pinto. Pagkabukas nito, may nakita siyang isang napakagandang babae sa loob.) Don Juan: (lumapit sa babae) Ikaw ba si Donya Leonora? Donya Leonora: (nagulat) a-ako nga. Sino ka at bakit ka nandito? Paano mo ako nakilala? Don Juan: patawad kung natakot man kita. Ako si Don Juan, humingi ng tulong sa akin ang iyong kapatid na si Donya Juana, upang tulungan kang makaalis dito. Donya Leonora: (nabigla) Juana…kumusta na ang aking kapatid? Don Juan: huwag kang mabahala, ligtas na siya ngayon. Donya Leonora: (nabuhayan ng loob) Maraming salamat! Ngunit bakit mo ginagawa ito? Don Juan: ang alin? Donya Leonora: itong pagtulong sa amin. Don Juan: wala akong masamang intensiyon. Gusto ko lamang makatulong. Donya Leonora: kung sa gayon, maaari ko bang tanungin ang kaharian na iyong pinagmulan? Napansin ko kasi sa iyong kasuotan mukhang galing sa isang marangyang pamilya. Don Juan: (ngumiti) galing ako sa kaharian ng berbanya. Donya Leonora: (namangha) Kaharian ng berbanya?! Kung sasabihin ko ang totoo, matagal ko nang gusting bisitahin ang lugar na iyon, ngunit nakakulong ako rito. Don Juan: Huwag kang magalala, pag nailigtas kita rito ay isasama kita pabalik sa aming kaharian. Donya Leonora: (natuwa) Ang bait mo naman Don Juan.
Don Juan: (ibubulong sa kanyang sarili) Mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya. (napangiti rin) Donya Leonora: (bumulong sa kaniyang sarili) Bagay niya ang nakangiti. (sa kailang pag-uusap di namalayan ng nahulog na sila sa isa’t isa. Sa kalagitnan ng kanilang masayang oras ay siya naming pagsulpot ng isang serpyente na may pitong ulo) Serpyente: Sino ka?! Paano ka nakapasok?! Don Juan: Hindi na mahalaga kung sino ako! (sabay atake sa serpyente) (sa lanilang labanan ay binuhusan ni don juan ang serpyente ng balsamo sa kanyang ulo upang hindi na ito bumalik. Bumagsak ang serpyente kaya’t dali-daling hinawakan ni Don Juan ang kamay ni Donya Leonora at sabay silang tumakbo palabas ng palasyo.) IKA-LABINGANIM NA EKSENA TAGPUAN: BERBANYA Don Juan: Don Pedro! Don Diego! Narito na ako muli! Donya Leonora: Iniligtas kami ni Don Juan mula sa mga halimaw na nagbabantay sa amin. Donya Juana: Maraming salamat sa iyo Don Juan. (Luampit ang dalawa kay Don Juan at nakangiti itong nakatingin sa kaniya.) Don Pedro: Ganoon ba? Napaka-tapang naman ng aming kapatid. (Sabay akbay at ngumiti ng hilaw) (Nakararamdam na naman ng matinding pagkainggit si Don Pedro. Nabihag ni Leonora ang kanyang puso, kaya’t ganoon na lamang ang selos na nararamdaman niya sa kanyang nakababatang kapatid) Donya Leonora: Ah! Mayroon akong nakalimutan sa palasyo. Ang aking singsing! (Nagulat sila sa sinabi ni Donya Leonora) Don Juan: Ako na ang kukuha ng iyong singsing Donya Leonora... (ngumiti) (Bumaba muli si Don Juan sa balon ngunit habang bumababa siya ay pinutol naman ni Don Pedro ang lubid kaya nahulog si Don Juan) Don Juan: Ahhh!!! (Bumagsak si Don Juan sa balon at siya'y nawalan ng malay) Don Pedro: Tara na't umalis. (nakangisi) Donya Leonora: (natatakot na sinabihan ang kanyang lobo) Aking lobo, hanapin mo si Don Juan at pagalingin mo siya.
Don Pedro: (galit) Donya Leonora! Hindi ba puwedeng ako nalang ang iyong mahalin?! Donya Leonora: Hindi maaari! May iba akong napupusuan! Don Pedro: Kung ganon (binuhat si Donya Leonora) Donya Leonora: Ibaba mo ako! (nagpupumiglas) Don Pedro: Hindi kita ibaba hanggang sa makarating tayo sa Berbanya.
IKA-LABINGPITONG PANGYAYARI TAGPUAN: SA SILID NI HARING FERNANDO Haring Fernando: (malungkot) Juan, nasaan ka na? Aking anak... Reyna Valeriana: (Hinawakan ang kamay ng hari) Huwag kang masyadong mag-alala, Fernando. Magtiwala na lamang tayo sa kanya. (Pumasok sa loob ng silid sina Don Pedro at Don Diego.) Don Pedro: Ama, narito na kami. Haring Fernando: (dali-daling nilapitan ang mga anak) Ang kapatid ninyo? Si Juan, nasaan siya? Don Diego: Patawad, ama. Hindi namin siya nakita sa gubat o bundok. Ngunit may nailigtas kaming dalawang prinsesa mula sa serpyente at higante sa loob ng balon. Don Pedro: Ama, kung iyong pahihintulutin, nais ko sanang makasal kami ng isa sa mga prinsesa, si Donya Leonora. (Yumuko sa harap ng hari) Haring Fernando: Kung iyan ay nais din ng prinsesa, papayagan kita. Don Pedro: (yumuko muli) Salamat, ama. Tatanungin ko na siya ngayon din. (Umalis si Don Pedro at pumunta sa silid na pinagpapahingahan ni Donya Leonora.) Don Pedro: (kumatok sa pinto) Donya Leonora? Maaari ba kitang makausap? Donya Leonora: (binuksan ang pinto) Ah, Don Pedro! Halika, pumasok ka. (Pumasok si Don Pedro sa loob.) Donya Leonora: Ano iyon, Don Pedro? Don Pedro: (umupo sa kama ni Donya Leonora) Alam kong masyado itong mabilis, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Gusto kong magpakasal tayo. Donya Leonora: (nagulat) Sigurado ka ba sa iyong sinasabi? Don Pedro: Sigurado ako, Leonora.
Donya Leonora: Patawad, Don Pedro. Nangako ako sa Diyos na hindi ako magpapakasal sa loob ng pitong taon. Don Pedro: (nalungkot) Ay, ganun ba? Sige, mauuna na ako. (Dali-daling umalis ng silid si Don Pedro. Nakasalubong niya si Don Diego.) Don Diego: (nakangiti ng malaki) Kapatid! Kapatid! Don Pedro: Ano ang nangyari sa iyo? Bakit sobrang saya mo? Don Diego: Masaya ako sapagkat ikakasal ako kay Donya Juana! Don Pedro: Gayon ba? Masaya ako para sa iyo. (ngumiti ng pilit) Don Diego: Tiyak na siyam na araw ang walang tigil na kasiyahan dito sa kaharian! IKA-LABINGWALONG PANGYAYARI TAGPUAN: SA LOOB NG BALON (Habang naglalakad ang lobo sa loob ng balon ay nakita niya ang sugatan at bali-bali ang buto na si Juan) Lobo: Sino ang may gawa nito?! Kailangan malunasan agad lahat ng kaniyang sugat. (Dali-daling pumunta ang lobo sa Ilog Herdan at kumuha ng tubig para malunasan ang mga sugat ni Don Juan) Lobo: Ito nga ang tubig na iyon. Kailangan ko ng bilisan bago pa mahuli ang lahat. (Dagliang napatakbo ang lobo sa kinaroroonan ni Don Juan) (Dumating ang Ibong Adarna upang tignan ang kalagayan ni Don Juan. Kumanta ito. ) Don Juan: Bakit naririto ang ibong adarna? (nagtataka na tanong ni Don Juan) Ibong Adarna: (pakanta) Mayroon akong mahalagang sasabihin sa iyo. (Tumigil ang ibon sa pagkanta.) Don Juan: Ano iyon? Ibong Adarna: Kalimutan mo na si Donya Leonora. Pumunta ka sa Reyno de los Cristales at doon mahahanap mo ang magandang si Donya Maria. IKA-LABINGSIYAM NA PANGYAYARI TAGPUAN: SA LOOB NG BALON Lobo: Heto ibubuhos ko sa iyo itong tubig galing sa ilog Herdan upang mawala iyang mga sugat mo. Don Juan: Maraming salamat sa iyo lobo.
(Umalis na ang lobo) Don Juan: Aalis na ako sa balon na ito. Sisimulan ko na ang aking paglalakbay papunta sa Reyno de los Cristales. Ngunit papaano iyan? Hindi ko alam ang daan papunta roon. (Kahit hindi alam ni Don Juan ang daan, nilakbay niya ito. Inabot na siya ng 3 taon ngunit bigo pa rin siya na mahanap ang daan patungo sa kaniyang pupuntahan.) Don Juan: Ako’y iyong gabayan. O diyos. (Sa kaniyang mahabang paglalakbay may nakita siyang isang ermitanyo) Ermitanyo: Halika rito iho. (Lumapit si Don Juan sa kaniya) Ermitanyo: Kunin mo itong pagkain na ito. Makatutulong ito sa iyo. Don Juan: Maraming Salamat po sa tulong ninyo. (Aalis na sana si Don Juan ngunit naalala niya magtanong kung saan ang daan papunta sa kaniyang tinatahak.) Don Juan: Ah... Manong, alam niyo po ba kung saan ang daan papunta sa Reyno de los Cristales? Ermitanyo: Iho... Pumunta ka sa ikapitong bundok at makakakita ka ng isang ermitanyo. Sa kaniya mo itanong ang daan. Don Juan: Ganoon po ba? Sige po maraming salamat. (Umalis na si Don Juan at nagpatuloy sa kaniyang paglalakbay) IKA-DALAWAMPUNG PANGYAYARI TAGPUAN: SILID NI DONYA LEONORA Donya Leonora: (kinakausap ang sarili) Kamusta na kaya si Don Juan? Nakakakain ba siya ng maayos? Inaalagaan ba niya ang kanyang kalusugan? (Kumatok sa pinto si Don Pedro.) Don Pedro: Leonora, maaari ba akong pumasok? Donya Leonora: Sige, Don Pedro. Bukas ang pinto. (Pumasok sa loob si Don Pedro.) Don Pedro: Leonora… Ika’y muli kong tatanungin. Maaari ba tayong magpakasal? (hinawakan ang mga kamay ni Donya Leonora) (Inalis ni Donya Leonora ang kanyang kamay mula sa hawak ni Don Pedro.)
Donya Leonora: Patawad, Don Pedro. Sinabi ko na sa iyo ito, nangako ako sa Diyos na hindi ako magpapakasal sa loob ng pitong taon! Sana maintindihan mo. Don Pedro: (yumuko) Pasensya na, Leonora. Kung bawal ka talagang magpakasal ngayon, hihintayin kita. Paglipas ng pitong taon, papakasalan kita. (Lumabas ng silid si Don Pedro.) IKA-DALAWAMPU’T ISANG EKSENA TAGPUAN: IKAPITONG BUNDOK Don Juan: (hinihingal) Sa wakas, pagkatapos ng limang taon, nakarating na rin ako sa ikapitong bundok. Ayon sa matandang nakilala ko dati, dito ko makikita ang ermitanyo. (Naglakad-lakad si Don Juan upang hanapin ang ermitanyo. Pagkatapos ng ilang saglit, nakita na niya ang kanyang hinahanap.) Don Juan: Magandang umaga, Ermitanyo. Ermitanyo: Ano ang ginagawa mo rito, binata? Don Juan: Nandito po ako para hanapin ang daan papuntang Reyno de los Cristales. Maaari bang humingi ng tulong? Ermitanyo: Kung sa gayon, halika at ituturo ko sayo ang daan. IKA-DALAWAMPU'T DALAWANG EKSENA TAGPUAN: BUNDOK (Hindi alam ni Don Juan ang ginagawa ng ermitanyo. Lumipas ang ilang oras ay unti-unting nagsisilapitan ang mga hayop sa Ermitanyo na ito.) Don Juan: Ano ho ang ginagawa ninyo? Ermitanyo: Tinatanong ko ang mga kaibigan nating hayop kung alam ba nila ang lugar na iyong tinutukoy. Mukhang hindi rin nila alam kung nasaan ito. Don Juan: Ganoon po ba? (malungkot) Ermitanyo: Saglit. May isa pa akong mapagtatanungan. Don Juan: Sino po iyon? Ermitanyo: Isa rin siyang Ermitanyo tulad ko. Si Olikornyo, siya ang makapagtuturo ng daan sa lugar na iyong hinahanap. Ibigay mo rin itong baro ni Hesus sa kaniya upang sabihin niya sa inyo ang daan. (nakangiti) Don Juan: Sige po. Maraming salamat po sa inyong tulong. Aalis na po ako. Ermitanyo: Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay.
(Tumango si Don Juan at umalis na kasama si Olikornyo.) (Naglakbay ang dalawa hanggang sa narating nila ang pangalawang ermitanyo.) Don Juan: Ikaw po ba ang Ermitanyo na tinutukoy ng naunang ermitanyo na aking tinanong? Ermitanyo: Ako nga iyon. Ano ang sadya mo? (Iniabot ni Don Juan ang baro ni Hesus sa Ermitanyo na ito.) Don Juan: Maaari niyo po bang sabihin sa akin ang daan papunta sa Reyno de los Cristales? Ermitanyo: Akin itong itatanong sa aking mga kaibigang ibon. (Naghintay ng sagit si Don Juan.) Ermitanyo: Patawarin mo ako. Di rin alam ng aking mga kaibigan ang daan patungo doon. Don Juan: Ahh ganoon po ba? May kakilala po ba kayong makapagsasabi sa akin ng daan papunta roon? Ermitanyo: Meron iho. Sa tulong ng kaibigan kong Agila ay malalaman din natin ang daan na iyong hinahanap. Maghintay ka lamang. Don Juan: Sige po. Makapaghihintay po ako. Maraming salamat po. Ermitanyo: Narito na siya. Agila, alam mo ba kung saan ang daan papunta sa Reyno de los Cristales? (huminto saglit) Alam niya! (Sinabi ng Ermitanyo ang daan kay Don Juan) Don Juan: Salamat sa Diyos! Maraming Maraming Salamat po! Ermitanyo: Sasamahan kita sa iyong paglalakbay. Don Juan: Ayos lang po ba sa inyo iyon? Ermitanyo: Oo. Halika na! (ngumiti) IKA-DALAWAMPU’T TATLONG EKSENA TAGPUAN: REYNO DE LOS CRISTALES (kasama ang ermitanyo ay nakarating sila sa reyno de los cristales) Ermitanyo: hanggang ditto na lamang ako Don Juan, mag-iingat ka palagi. Don Juan: maraming salamat ho. (umalis na ang ermitanyo) (nakaupo si Donya Maria sa isang bato at doon nagsusuklay) (darating si Don Juan) Don Juan: (ipinikit at minulat ulit ang mata. Hindi makapaniwala sa magandang dilag na nakikita.)
Donya Maria: (ngingiti-ngiti) Don Juan: (lumapit at inilahad ang kamay habang nakaluhod) Ako si Don Juan. Ako’y galing sa kaharian ng berbanya at ikaw ay sadyang pang pinuntahan. Narito ako upang ika’y paglingkuran at ialay ang aking buhay sa iyo magpakailan. Donya Maria: (tinanggap ang kamay ni don juan) tumindig ka, ginoo, kung ang sinasabi mo ay totoo. Donya Maria: Sa ating pagsusuyuan, ang maglihim ay kataksilan. Ako ay isang prinsesa sa kaharian ng Renyo De Los Cristales. Tumingin ka sa palagid. Lahat ng makikita mo na bato riyan ay buhay na tao noon. Iyan ang inilapat na parusa ng aking ama sa mga prinsepeng hindi nagtagumpay sa kanyang mga pagsubok. Ngunit, aking mahal, hindi ko hahayaang matulad ka sa kanila. Tayo’y pumanhik sa palasyo at Tinitiyak kong hinding-hindi ka magiging bato. IKA-DALAWAMPU’T APAT NA EKSENA TAGPUAN: PALASYO (Si Haring Salermo ay nakaupo sa kanyang trono.) (papasok si Donya Maria at si Don Juan. Si Donya Maria ay pinapunta sa kanyang silid.) Don Juan: Magandang hapon, mahal na hari (yuyuko) Haring Salermo: Magandang hapon din sa iyo. Ano ang nais ng mahal na ginoo? Don Juan: Narito po ako upang hingin ang kamay ng inyong pinakamagandang anak na si Donya Maria. Haring Salermo: Kung gayon, kailangan mo munang pumasa sa aking pagsubok. Don Juan: Lahat ng pagsubok ay ipapasa ko para kay Maria. (yumuko) Haring Salermo: (sumimangot) Umpisahan na natin ang pagsubok. (May lumabas na tatlong dalaga mula sa kanan ng hari, nakataklob ang kanilang mukha.) Haring Salermo: Ang isa sa mga dalagang ito ay si Maria. Kikilalanin mo lamang sila sa pamamagitan ng kanilang kamay. Kapag siya ang iyong napili, pasado ka na sa aking pagsubok. (Nilapitan ni Don Juan ang mga dalaga at pinagmasdan isa-isa ang kanilang kamay. Tinitigan niya ang mga kamay ng nasa gitna.) Don Juan: Ikaw, ikaw si Maria! (Tinanggal ni Don Juan ang taklob sa mukha ng dalaga.) Donya Maria: Juan, alam kong hindi mo ako bibiguin. Ngunit paano mo nalamang ako iyon?
Don Juan: Naalala ko ang ating usapan noon, sinabi mo sa akin na kulang ang isa sa iyong mga daliri. Donya Maria: (ngumiti) Kilala mo na nga talaga ako! Haring Salermo: (nagalit) Hindi ito maaari! Hindi kayo pwedeng magpakasal! Donya Maria: Ngunit ama... Haring Salermo: Huwag mo akong hamunin, Maria! Bumalik ka na sa iyong silid. (Tumawag si Haring Salermo ng mga kawal.) Haring Fernando: Mga kawal, ilabas ninyo ang lalaking ito sa aking kaharian. (May dumating na mga kawal at hinila palabas si Don Juan.) Don Juan: (pumipiglas) Madaya ka, Haring Fernando! Donya Maria: Juan! (Sa sobrang galit ni Haring Fernando, siya’y gumamit ng mahika at isinumpa sina Donya Maria at Don Juan.) Haring Fernando: Malilimutan ka ni Juan, Maria! Aalis siya at magpapakasal sa iba! (Tumakbo si Donya Maria papunta sa kanyang silid.) Donya Maria: Madaya ka, ama! (Huminga ng malalim si Haring Salermo, at bigla na lamang bumagsak. Sa sobrang galit, siya’y namatay at hindi na nasaksihan ang katuparan ng kanyang sumpa.) (Kalagitnaan ng gabi) (May kumakatok sa bintana ng silid ni Donya Maria na dahilan ng kanyang pagkagising.) Don Juan: Maria, ako ito. Buksan mo ang bintana. Donya Maria: (naghikab) Juan? Ano ang ginagawa mo rito? (Binuksan ni Donya Maria ang bintana.)
Don Juan: Nais kitang itakas sa kaharian na ‘to. Donya Maria: (biglang napatingin kay Don Juan) Sige, Juan. Pumapayag ako na tumakas kasama ka. (Sumampa si Donya Maria sa bintana at dahan-dahang bumaba, habang inaalalayan ni Don Juan.) Don Juan: Mag-ingat ka, Maria. (Sabay silang tumakbo palayo sa kaharian.) IKA-DALAWAMPU’T LIMANG EKSENA TAGPUAN: KAGUBATAN (Bago bumalik si Don Juan sa Kaharian ng Berbanya, iniwan niya si Donya Maria sa isang bayan.) (Hinawakan ni Don Juan ang mga kamay ni Donya Maria.) Don Juan: Maria, kailangan ko munang bumalik sa aming kaharian. Iiwanan muna kita rito. Hantayin mo ang aking pagbalik. Donya Maria: Mag-ingat ka palagi, Juan. At ipangako mo sa akin, hinding hindi ka lalapit sa ibang kababahian. Don Juan: Pangako, Maria. IKA-DALAWAMPU’T ANIM NA EKSENA TAGPUAN: KAHARIAN NG BERBANYA (Naglakbay na ulit si Don Juan papunta ng Kaharian ng Berbanya. Pagdating niya, sumalubong sa kanya ang kanyang buong pamilya at si Donya Leonora.) Don Juan: Ama, Ina. (Yumuko) Reyna Valeriana: Mabuti naman at ligtas ka, aking anak. (Napatingin si Don Juan kay Donya Leonora.) Don Juan: (nahihilo) Ang sumpa... (Biglang nakalimutan ni Don Juan si Donya Maria.) (Natuwa ang buong kaharian sa kanyang pagdating, pati na rin si Donya Leonora.)
Donya Leonora: (tumayo) sa aking matagal na paghihintay ay nasilayan ko na din ang aking mahal. Mahal na Hari, nais ko siyang pakasalan ngayon at nandito na siya muli. Haring Fernando: Kung gayon, bukas na bukas din kayo ikakasal. IKA-DALAWAMPU’T PITONG EKSENA TAGPUAN: LUGAR NG KASALAN (Si Donya Leonora at si Don Juan ay nasa tapat na ng altar.) (darating si Donya Maria) Donya Maria: Sandali lamang. Mayroon akong handog sa ikakasal (Naglabas si Donya Maria ng isang bote at binuksan. Lumabas ang isang negro at isang negra at nagsayaw-sayaw ang mga ito. Isinasalaysay ng sayaw ang nangyari kay Donya Maria at kay Don Juan. Pagkatapos nilang sumayaw, biglang naalala ni Don Juan si Donya Maria.) Don Juan: Maria… Donya Maria: Naaalala mo na ba ‘ko, Juan? Don Juan: Oo, oo Maria. (Lumingon si Don Juan sa kanyang ama at hinawakan ang isang kamay ni Donya Maria.) Don Juan: Ama, si Maria ho ang tunay kong mahal, at siya lamang ang aking papakasalan. Haring Fernando: Kung iyan ang iyong nais. (Ikinasal si Donya Maria kay Don Juan.) Haring Fernando: Juan, nais mo bang mamuno sa Kaharian ng Berbanya? Don Juan: Patawad, ama. Ngunit ako’y tatanggi, gusto ko lamang mamuhay ng payapa kasama ang aking bagong asawa. (Hinawakan muli ni Don Juan ang kamay ni Donya Maria at sabay na naglakad palayo sa kaharian.) Haring Fernando: (bumuntong-hininga) Kung sa gayon, ang mamumuno sa aking kaharian ay si… Pedro. (Tumingin ng mahigpit si Haring Fernando kay Don Pedro.) Don Pedro: Hindi ko kayo bibiguin, ama.
(Ang kaharian ay muling sumaya.)