Ang Ati-atihan ay idinadaos tuwing ika-apat na linggo ng buwan ng Enero. Ito ay pagdiriwang sa pagiging kristiyano ng mga katutubo at pagbibigay ng paggalang sa panginoong Hesus. Ang pagdiriwang na ito ay puno ng kulay at pag-aalay ng mga iba'tibang bagay at nang pagdarasal sa panginoong Hesus. Ginagamitan ng malalakas na tugtog ng mga tambol at pagsisigaw ng "Mabuhay ang Santo Nino." Ang mga tagasayaw naman ay sumisigaw ng "Hala Bira!" Flores de Mayo Ang Flores de Mayo ay idinaraos tuwing buwan ng Mayo. Maraming naniniwala na ang pagdiriwang na ito ay mula sa pag-alala ng mga tao sa pagkakatagpo ni Santa Elena at Constanino sa Santo Cruz. Ang mga bata at magagandang babae ng bayan ay nagsusuot ng mga magaganda at makukulay na mahahabang damit at nagproprosesyon sa mga kalsada. Sila ay naglalakad sa ilalim ng mga arkong puno ng bulaklak kasama ang kani-kanilang mga eskorte. Ang mga tao naman ay sumusunod at nanood na may hawak na mga kandila at ilaw kasabay ng pagkanta ng mga awiting simbahan. Pahiyas