Mark Harold P. Villanueva BBrC 2- 5d
Ako Naman 1
Tatlo kami sa aming pamilya
Apat kung kasama pa si Lola Tambay sa may labasan si Papa Sa palengke, tindera si Mama
4
Sa dunong ay ‘di na ako salat
Sa kaibigan naman ako din ay mapalad Buo ang aking pamilya Sa buhay, ako ay may alam na
2
Ako na kanilang anak ay nag-iisa lang
Estudyante naman ng Sintang Paaralan Maraming pinapangarap sa buhay ay maganap Kaya pilit na nagsisikap upang matupad 3
Sa Rizal High School ako nakahanap
Mga naging kaibigang ganap Sa PUP naman ako nakatagpo Kaharutan sa bawat tagpo
5
Hindi naman ubod-linis na tao
Kahit bata pa ay meron ng bisyo Umiinom ng alak at naninigarilyo Tila nagpapakasaya lang sa mundo 6
Batid ko na ngayon ang magpakatao
Pati narin ang magmahal ng totoo Sa Panginoon nananalig ako Sa aking buhay marami pa syang plano