Hiv-tesis-autosaved.docx

  • Uploaded by: Dorado Benjie
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Hiv-tesis-autosaved.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,384
  • Pages: 13
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Pamagat ng Pananaliksik: “Human Immunodeficiency Virus: Pang-unawa, kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc.” Pangalan ng mga Mananaliksik: Bravo, Fhervin A. Dorado, Benjie Q. Tabuquilde, Chenee B. Villanueva, Cyrus Jeurell Y.

Konteksto at Rasyonal “Malubha na ang may mga taong namamatay dahil sa AIDS ngunit walang dapat namamatay ng dahil sa kamangmangan” Iyan ay sinabi ni Elizabeth Taylor, isang Briton na aktres. Ang pag-aaral ng HIV/AIDS sa eskwelahan/kolehiyo Maliwanag na lumalala at nakababahala ang estado ng HIV sa bansa ayon sa mga datos na nailahad. Ang konteksto, sa makatuwid, ng pag-aaral na ito ay ang pagkilala na kailangang tugunan ang pagsugpo sa HIV sa bansa, partikular na sa konteksto ng edukasyon. Noon pa mang unang bahagi ng taong 2000, isa na ang Pilipinas (kasama ang Mongolia, Indonesia, Papua New Guinea at Thailand) sa mga piling bansa sa Asya na may komprehensibong patakaran tungkol sa pagtuturo sa eskwelahan ng HIV/AIDS (Smith et al., 2003, p.7). Kritikal ang naging gampanin ng Republic Act 8504 (The Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998) upang pormal na maisakatuparan ang pagsugpo sa HIV sa bansa. Isa sa mahahalagang probisyon sa batas na ito ang pagtuturo ng mga

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

sanhi, paraan ng transmission, at paraan upang maiwasan ang HIV/AIDS at iba pang sexually transmitted diseases o infections. Inuutusan ng batas na i-integrate ang pag-aaral ng mga nabanggit sa mga subjects sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo kapwa sa pribado at pampublikong mga paaralan. Ito ay ayon kay Ogena at Marquez, (2014) Bagaman mababa pa ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nabubuhay nang may HIV, patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon nito. Ayon sa UNAIDS, tinatayang nasa mahigit 50 percent ang itinaas nito sa pagitan ng taong 2010 hanggang 2015. Partikular na mas tumataas ang bilang ngayon sa mga gay men na nasa edad 25 pababa. Kabilang sa mga madaling mahawaan ng HIV ngayon ay pawang mga kabataan, gay men, injecting drug users, transgender women at mga babaeng prostitutes. Umabot sa 230 percent ang itinaas ng rate ng mga bagong infections mula lamang noong 2011 hanggang 2015. Ito ay ayon kay Aenlle (2017) Ayon din sa isang pag aaral ng DOH, 17 percent lang sa mga Pilipinong may edad 15 hanggang 24 ang lubos na nakakaintindi sa kung ano ang HIV at kung paano ito nakakahawa. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang pag-unlarin pa ang kabuoang kaalaman ng mga mag-aaral ng baitang labing dalawa ng Immaculate Mother Academy, Inc. patungkol sa HIV, at nag bibigay pokus din sa mga maling kuro-kuro na patungkol sa naturang sakit. Panukalang Proseso, Inobasyon, at Pamamaraan Sa maraming paraan, ang edukasyon ng HIV / AIDS ay may mahalagang papel sa pamamahala nito. Ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na ginagawa nito ay ang pag-tulong sa pagintindi sa mga tao na kailangan nilang malaman ang kanilang sariling HIV status. Ang edukasyon ay isang pangunahing sangkap ng pag-aalok ng serbisyo at lubos na inirerekomenda bilang isang pinakamaliit na interbensyon ng HIV / AIDS. Ito ay ayon sa Aid for AIDS (2010)

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Mahalaga ang pagtiyak sa lahat ng mga bata na magkaroon ng daan para makapasok sa paaralan, habang ang mga kabataan na nanatili sa paaralan ay mas may kamalayan sila sa HIV at AIDS. Mas may posibilidad silang gumamit ng proteksiyon tulad ng paggamit ng condom, pagalam sa sariling kalagayan, at pagtalakay ng AIDS sa kanilang mga kabiyak. Ang pag-aaral ay binabawasan ang panganib ng impeksyon sa HIV - ngunit kailangang maglaro ng mas malaking bahagi sa pagpapabatid ng kaalaman tungkol sa HIV at AIDS. Ito ay ayon sa GEM Report (2013) Ang simpleng realisasyon ng mga kabataang maaring maapektuhan ng HIV/AIDS, na kung wala silang sapat na kaalaman patungkol sa naturang sakit na ito ay maaring, mas lumala ang sitwasyon ng HIV/ sa bansa. Ang pagkatuto ay may malaking papel sa patuloy na pag sisikap upang maiwasan nang madagdagan ang mga kaso ng nahahawa ng sakit na HIV/AIDS sa pilipinas, bukod sa mga batas na naglalayon din ng edukasyon para sa mga mag-aaral na patungkol sa HIV/AIDS, ang simpleng pagbubukas ng mga opurtinidad ng bawat isa na bigyang kaalaman ang kapwa ay nagiging daan rin upang masugpo ang naturang sakit. Ito ay ayon kay Villanueva (2018) Mga Tanong Patungkol sa Aksyon Riserts Ang mga katanungang ito ay nagsilbing layunin ng mga mananaliksik sa paggawa ng pananaliksik. 1. Ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc.? 2. Gaano kataas ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy patungkol sa HIV?

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

3. Ano ang pag-unawa ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Acacdemy, Inc. patungkol sa HIV? 4. Gaano kataas ang kamalayan ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy patungkol sa HIV? MGA PAMAMARAAN SA AKSYON RISERT Disenyo ng Pananaliksik Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang descriptive – quantitative. Ito ay deskriptibo sa pamamaraang inilalahad o tinutukoy ng mga mananaliksik ang mga datos na kanilang nakalap sa pamamagitan ng paggamit ng mga graps. Ito naman ay kwantitatibo sa pamamaraang mas nakabase ang mga mananaliksik sa bilang o numero ng istadistika. Ang paraan naman ng pagkuha ng mga respondente ay sa pamamaraang fishbowl - random sampling. Sa ganitong paraan, ang mga mananaliksik ay makasisigurado na walang pagkiling ang datos sa iisa lamang na parte ng mga mag-aaral ng ikalabing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. kung saan mabibigyan ng pantay na opurtunidad ang mga mag-aaral na sumagot ng sarbey kwestyuner at pag mulan ng datos ng naturang pananaliksik Respondente Ang mga respondente sa nasabing pag-aaral ay labing lima (15) na mag-aaral mula sa ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. Batis ng Impormasyon

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Ang impormasyon na ginamit sa pananaliksik na ito ay nagmula sa mga kasagutan ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. sa mga pook-sapot na nagmula sa Internet, at sa mga resert na naisagawa sa parehong institution na mayroong direktang kaugnayan sa paksa ng resert. Pagkalap ng Datos Ang pag-aaral na ito'y isinagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga sarbeykwestyoneyr sa mga mag-aaral ng Immaculate Mother Academy, Inc. upang sagutan. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang palatanungang-sarbey na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang pag-unawa, kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. Bukod sa pamamahagi ng sarbeykwestyoneyr, nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng interbyu upang matukoy ang maari pang pagunlarin sa naturang resert na nag mula naman sa mga kaguruan ng Immaculate Mother Academy, Inc. Ito’y bilang instrumento at gabay sa pagkalap ng mga mahahalagang impormasyon sa pag-aaral at sa pang araw-araw na pamumuhay. Pag-analisa ng mga Datos Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang fishbowl – random sampling sa pagpili ng mga magiging respondente ng pag-aaral sapagkat ang hinihingi ng pag-aaral na ito ay ang datos na magmumula sa sampol ng populasyon ng lahat ng mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc kung saan mabibigyan ang bawat isang mag-aaral ng oportunidad upang maging bahagi ng kabuoang datos ng pananaliksik. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Grap 1.1 Ano Human Immunodeficiency Virus?

KAALAMAN PATUNGKOL SA HIV 16 14 12 10

8 6 4 2 0 Sakit na nakukuha sa pakikipagtalik kung kani-kanino

Nakasaad sa grap 1.1 ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. patungkol sa kung ano ang Humman Immunodeficiency Virus, kung saan lahat ng labing limang (15) respondente ay sumagot na “Sakit na nakukuha sa pakikipagtalik kung kani-kanino” Grap 1.2 Ano ang mga sintomas ng Human Immunodeficiency Virus?

KAALAMAN SA SINTOMAS 16 14 12 10 8 6 4 2 0 Pang hihina ng katawan

Iba pang sagot

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Nakasaad sa grap 1.2 ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. patungkol sa mga partikular na sintomas ng Human Immunodeficiency Virus, kung saan mayroong isang sumagot ng “Panghihina ng katawan” at labing apat (14) ang nag bigay ng iba pang partikular na sintomas ng sakit. Grap 1.3 Paano makikita sa isang tao na siya ay mayroong Human Immunodeficiency Virus?

KAMALAYAN SA PINAPAKITANG SINTOMAS 14 12 10 8 6 4 2 0 Walang makikitang sintomas

Nagbigay ng sagot

Walang sagot

Nakasaad sa grap 1.3 ang kamalayan ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. sa pisikal na sintomas ng Human Immunodeficiency Virus, kung saan mayroong isang (1) sumagot ng walang maaring makitang partikular na pisikal na sintomas ang sakit, labing tatlo (13) na nag bigay ng partikular na sagot, at isa (1) na walang naisagot. Grap 1.4 Paano nakakaapekto ang Human Immunodeficiency Virus sa katawang ng tao?

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

KAALAMAN NG EPEKTO SA KATAWAN 12 10 8 6 4 2 0 Nakakamatay

Sumisira sa immune system

Walang sagot

Nakasaad sa grap 1.4 ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. sa epekto ng Human Immunodeficiency Virus sa katawan ng tao, kung saan may dalawang (2) sumagot ng ito ay nakamamatay, sampu (10) na sumagot na ito ay sumisira ng immune system, ay tatlong (3) hindi nakapagbigay ng sagot. Grap 1.5 Paano pinagagaling ang mga taong may Human Immunodeficiency Virus?

KAALAMAN NG LUNAS 10 8 6 4 2

0 Walang lunas ngunit may treatment

Mayroong lunas

Walang sagot

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Nakasaad sa grap 1.5 ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. patungkol sa lunas ng Human Immunodeficiency Virus, kung saan lima (5) ang sumagot na ito ay walang lunas ngunit may treatment para ditto, siam (9) na sumagot na mayroong lunas para sa sakit, at isang (1) hindi nakapagbigay ng sagot. Grap 1.6 Paano nakahahawa ang Human Immunodeficiency Virus?

KAALAMAN SA TRANSMISYON 16 14 12 10 8 6 4 2 0 Sa pamamagitan ng pakikipagtalik

Airborne

Nakasaad sa grap 1.6 ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. sa kung paano nalilipat sa ibang tao ang Human Immunodeficiency Virus, kung saan mayroong labing apat (14) na sumagot ng “Sa pamamagitan ng pakikipagtalik” at isang (1) sumagot ng airborne. Grap 1.7 Paano na kahahawa an gang Human Immunodeficiency Virus sa pamamagitan ng paghahalikan?

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

KAMALAYAN SA MALING KURO-KURO 14 12 10 8 6 4 2 0 Hindi nakahahawa

Sa palitan ng laway

Kapag may sugat ang bibig

Nakasaad sa grap 1.7 ang kamalayan ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. pagdating sa maling kuro-kuro ng Human Immunodeficiency Virus patungkol sa transmisyon sa pamamagitan ng paghahalikan, kung saan may isang (1) nag sabi na “Hindi ito maaring makahawa” labing dalawa (12) nag sabi “Sa palitan ng laway” at dalawang (2) sumagot ito’y nakahahawa kung ikaw lamang ay may sugat sa bibig. Grap 1.8 Anong edad ka lamang maaaring mahawaan ng Human Immunodeficiency Virus?

KAALAMAN SA H.I.V. 10 8 6 4 2 0 Nagbigay ng espisipik na sagot

Walang pinipiling edad

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

Nakasaad sa grap 1.8 ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. patungkol sa anong edad ka lamang maaaring mahawaan ng Human Immunodeficiency Virus, mayroong pitong (7) nagbigay ng espisipik na sagot at walo (8) na nag sabing walang pinipiling edad ang sakit na ito. Grap 1.9 Nakakahawa ba ang Human Immunodeficiency Virus sa mga “Straight” na lalaki?

KAALAMAN SA MALING-KUROKURO 16 14 12 10 8 6 4 2 0 Oo

Hindi

Nakasaad sa grap 1.9 ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate

Mother

Academy,

Inc.

pagdating sa

maling kuro-kuro

ng Human

Immunodeficiency Virus patungkol sa transmisyon sa mga “Straight:” na lalaki’t babae, kung saan may labing apat (14) na sumagot ng “Oo” at isang (1) sumagot ng “Hindi”. Grap 1.10 Nakahahawa ba ang Human Immunodefieciency Virus sa mga panganak na binebreast feed ng kanilang ina?

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

PAG-UNAWA SA H.I.V. 16 14 12 10 8

6 4 2 0 Oo

Hindi

Nakasaad sa grap 1.10 ang pag-unawa ng mga mag-aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. sa Human Immunodeficiency Virus pagdating sa transmisyon nito mula sa ina papunta sa bagong silang na anak, kung saan may limang (5) sumagot ng “Oo” at sampu (10) na sumagot ng “Hindi”. WORKPLAN AT TIMELINE NG AKSYON RISERTS BAGO ANG IMPLEMENTASYON 1. Paggawa ng Letter of Request. 2. Pagpunta sa Immaculate Mother Academy, Inc. upang ipaapruba ang ginawang Letter of Request sa punong guro at officer in charge ng buong senior highschool. 3. Pagbibigay ng kopya ng sarbey kwestyoner sa punog guro upang ito’y maaprunahan 4. Pag-iinterbyu ng mga kaguruan patungkol sa maari pang ipagpaunlad sa naturang pananaliksik na patungkol sa HIV, at mga dapat at hindi dapat gawin bago ang mga mananaliksik ay mag sasagawa na ng solusyon sa problema. 5. Pagpaplano pa ng mga maaring gawin sa implementasyon para sa pananaliksik. KASALUKUYANG IMPLEMENTASYON

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Block 29 Congressional Road, Bagumbong, Caloocan City

6. Pagkalap ng datos sa pamamagitan ng pamamahagi ng sarbey-kwestyoneyr sa mga magaaral ng ika-labing dalawang baitang ng Immaculate Mother Academy, Inc. 7. Pagta-tally ng mga datos na nakalap mula sa sarbey-kwestyoner. 8. Paggawa ng bar grap upang iprisenta at ilahad ang nakuhang datos. PAGKATAPOS NG IMPLEMENTASYON 9. Ilahad ang naging resulta ng pag-aaral. 10. Isakatuparan ang resulta ng pag-aaral na nagawa ng mananaliksik sa pamamagitan ng proposed division research development program. KABUUANG GASTOS Kagamitan

Presyo

Bilang

Kabuuang Halaga

Proposal

₱ 2.00

1

₱ 2.00

(Print) ₱ 2.00

5

₱ 10.00

11

₱ 11.00

Survey

Questionnaire

Survey Questionnaire (Photocopy)

₱ 1.00

Kabuuang Gastos

₱ 23.00

MGA BATIS NG IMPORMASYON https://radyo.inquirer.net/60793/bilang-ng-mga-nagkakaroon-ng-hivaids-sa-bansa-patuloy-natumataas?fbclid=IwAR1VWKJTujZDI4n5Myo6JLzUKfORv0mV24ovvk6xpdhgleG8Fq_8wuRmSo#ixzz5itqtOto5 https://drive.google.com/open?id=1adJbLTESWy2VtwKzankXymnvxF-bSZSb

More Documents from "Dorado Benjie"