God Wills You To Be Saved

  • Uploaded by: Ransel Fernandez Villaruel
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View God Wills You To Be Saved as PDF for free.

More details

  • Words: 4,220
  • Pages: 7
Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008

“Nais ng Diyos na Ika’y Maligtas” Sermon # 001 Ni Shien Ransel F. Villaruel ___________________________________________________________________

“…ang paa nila’y tiyak na madudulas sa takdang-oras” Deuteronomio 32:35b, Biblia

Panimula. Bawat paglabag ay may katapat na disiplina; bawat pagwawalang-bahala ay may negatibong konsekwensiya (consequence); bawat kasalanan ay may karampatang kaparusahan: “Makinig ang sinumang may pandinig!” Ang talatang ito ay isang banta – oo, isa rin itong babala! Sa katagang ito makikita natin na may takdang-oras ang paniningil ng Diyos sa mga masamang Israelita – oo, sa mga Israelitang hindi nananalig sa Diyos. Sila ang bayan ng Diyos, sakop ng Kautusan, subalit at the same time, nasa ilalim rin ng habag ng Diyos yamang sila’y bayang hinirang. Subalit sa kabila ng lahat ng mga kahanga-hangang gawa ng Diyos na Kanyang ginawa sa kanilang kalagitnaan, sila’y nanatiling matigas ang ulo, ayaw making, walang pagtitiwala sa Diyos; palagi nilang sinusubok ang Panginoon – ginagalit Siya sa kanilang kasamaan at mga pagsamba sa diyus-diyusan; sa kanilang karumihan, kahangalan, karahasan at pagkamakasarili. Sa kabila ng mga pagpapala ng langit, ang bungang dala nila’y mapait – oo, ito’y nakalalasong prutas. Hindi angkop sa kabaitan ng Diyos sa kanila ang kanilang ginagawa, gaya ng ipinapakita sa talatang 32 at 33. Ang expression na pinili ko bilang talata ay ito: “… ang kanilang paa ay tiyak na madudulas sa takdang oras” (sa English, ‘their foot shall slide in due time’); ito ay nagpapahiwatig ng mga sumusunod na bagay, na may kinalaman sa parusang kinakaharap nila; sila’y exposed sa pagkawasak (destruction). 1. Una, Na sila, [ang mga masasamang Israelita], ay laging lantad sa panganib at pagkasira; katulad ng taong tumatayo o naglalakad sa madudulas na lugar – ang mga ito’y nanganganib na matumba; iyan di ang ipinahihiwatig sa Awit 73:18, “Siguradong isinadlak mo sila sa madudulas na lugar, nakatalaga sila sa pagkapahamak.” 2. Pangalawa, Ipinakikita rin ng talatang ito na sila’y exposed sa biglaan, at diinaasahang pagbagsak – sila’y madudulas at mapapahamak! Katulad pa rin ng taong naglalakad sa madudulas na lugar, bawat sandali sila’y maaaring matumba; he is every moment liable to fall; hindi niya makikita, ni matatanawan, kung siya ba’y nakatindig pa o dili kaya’y babagsak sa kanyang susunod na paghakbang; at kung siya’ mahuhulog, lalagpak, matutumba ito’y di niya alintana – hanggang sa maganap na: walang warning, walang babala, siya’y babagsak; gaya ng ipinapakita sa Awit 73:18-19, “Siguradong isinadlak mo sila sa madudulas na lugar, nakatalaga sila sa pagkapahamak; anupa’t sa isang saglit sila’y nadala sa pagkawala”. 3. Isa pang bagay, Pangatlo, na tila ipinapahiwatig sa pangungusap ay Na sila’y posibleng madulas, masaktan, at bumagsak sa ganang sarili, na wala man lang kamay na tumutulak sa kanya; ang sariling bigat niya ang sa kanya’y nagtumba. 1

Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008 4. Pang-apat, nais kong bigyang-diin na Ang rason, o dahilan, kaya hindi pa sila natutumba, o bumabagsak ngayon ay dahil sa ‘ang takdang panahon’ na pinili ng Diyos ay di pa dumarating; pagkat sabi nga sa talata, “ang paa nila’ tiyak na madudulas sa takdang-oras”; pagsapit ng araw na yaon, sila’y ipapahamak ng kanilang kamangmangan, ng kanilang kasamaan; babagsak sila sa ganang sarili, at hindi na sila hahawakan ng Diyos sa madudulas na lugar, anupat sa isang iglap sila’y maglalaho, mamamatay, mahuhulog sila sa bangin na walang hanggan ang lalim; sa ngayon, ang habag at pasensiya ng Diyos ang pumipigil sa kanilang pagkahulog. Ang Diyos ay nagpipigil, bagamat dapat na silang hatulan, Siya ay nag-antala pa ng panahon upang bigyan pa sila ng pagkakataong magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Ayaw ng Diyos na ang sinuma’y mapahamak. O makasalanan, making ka! Ikaw ay kasalukuyang nasa gilid ng banging walang hanggan ang lalim! Kaunting hakbang pa at ika’y mahuhulog sa hukay. Sa dulo ng balon, sa dulo ng bangin, ika’y uuga-uga! Nakaharap ka sa hukay – pag sa harap ang hila sa’yo at ika’y napatangay, malalaglag ka!! Ako’y nananawagan sa inyo – siyasatin ninyo ang inyong mga sarili! “Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa kasamaan at kalapastanganan ng mga taong sumisiil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan” (Roma 1:18). Ako’y magpupunyagi, sa tulong ng Diyos upang ipaalam sa inyo na – I.

Una, Ikaw ay kasalukuyang Nasa Panganib;

II.

Pangalawa, Ikaw ay hiwalay sa Diyos dahil sa Iyong Kasalanan;

III.

Pangatlo, Ikaw ay pinagmamadali sa Iyong Pagsisisi;

IV.

Pang-apat, Kailangan mo ng Tagapagligtas; at,

V.

Panglima, Tanging ang Pananampalataya kay Hesus ang kondisyon upang matanggap ang libreng Kaligtasan.

Iniibig ka ng Diyos at naghahandog Siya ng kahanga-hangang plano para sa buhay mo. Subalit namumuhi ang Diyos sa kasalanan, sapagkat Siya’y banal – ang Kanyang PAG-IBIG ay isang dalisay na pag-ibig. Ayaw ng Diyos sa karumihan, ayaw niya sa kasalanan! Ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa kanya. “Ang kasalana’y pumasok sa mundo sa pamamagitan ng isang tao – sa pamamagitan ng ating orihinal na magulang, si Adan; sa pamamagitan ni Adan, nakapasok ang kasalanan, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil ditto, lumaganap sa lahat ng tao ang kasalanan sapagkat ang lahat ay nagkasala”. Bawat taong isinisilang sa mundo ay may taglay na sinful nature. Ang sinful nature, o makasalanang kalikasan (sa Tagalog), ay siyang dahilan kung bakit may kakayahan tayong magkasala kahit walang nagtuturo sa’tin; ang tao ay basahan sa harapan ng Panginoon. Nasisiyasat ng Diyos ang iyong bulok na puso – ang iyong kalooban ay marumi – marumi sa kasalanan! Sinful Nature – ito ‘yung potential to commit sin, the tendency to fall into the Fire of Sin. Ayon sa pag-aaral sa Psychology, ang isang tatlong taong gulang na bata, kahit di mo turuang magsinungaling, ay matututong magsinungaling! Iyon ay bumubukal sa kalooban: patunay na ang tao’y may namanang pangit na kalikasan mula sa mga unang tao – si Eva’t Adam. I. At siyempre, Una, mahal kong Kaibigan, ating Pag-isipan ang napakalaking Panganib na Darating. Sabi sa Biblia, “Nang makita ni Juan Bautista na marami sa mga Pariseo at Saduseo ang lumalapit sa kanya upang pabautismo, kanyang sinabi sa kanila, ‘O kayong lahi ng mga ulupong! Sinong nagbabala sa inyo upang lumayo’t umiwas sa poot na darating? Ipakilala ninyo sa inyong pamumuhay na kayo’y nagsisisi!’” Ang Poot na ito ang Siyang Panganib na Darating – ito’ kakila-kilabot sapagkat ito’y (1) Poot ng Makapangyarihang Diyos! Ito’y isang banal at makatarungang poot, taliwas sa galit ng tao, na kadalasang walang kakatuwi-tuwiran; sa halip, ang galit na ito ay 2

Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008 nararapat lamang, dahil ito’y laban sa kalapastanganan ng tao sa Diyos na sa Kaniya’y lumikha. May poot ng Diyos na nananahan o nananatili sa bawat makasalanang tao. Inihanda ng Diyos ang lawang apoy ng impiyerno (upang magpahiwatig sa tindi ng kanyang poot) para sa diyablo at sa mga kampon nito. Itatapon rin sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay. Mayroon tayong kalayaan – may kalayaan tayong pumili kung sino ang ating paglilingkuran – kung sino yaong nais nating sundin: ang ating sarili o ang Panginoon na nagmamahal sa atin? Ang makasalanang damdamin, o ang Kautusan ng Panginoon? Maaaring sa tingin mo’y isa kang mabuting tao, nagsisimba tuwing Linggo, hindi ka nananakit ng kapwa mo, hindi ka lasenggero, hindi ka mamamatay’tao, kundi isa kang simple, tahimik, pero walang paki-alam na tao! Hindi ka nga gumagawa ng masama, ayaw mo namang gumawa ng mabuti, ikaw pa ri’y nagkakasala! Sabi sa Bibliya, “Sa naka-aalam ng mabuti datapuwat hindi ito ginagawa, siya ay nagkakasala”. Ang tawag doo’y “sin of ommission”. You omitted something. You did really sin! Makinig ang sinumang may pandinig! Kapag ang buhay mo ay hindi naka-ayon sa pamantayan ng Biblia, ikaw ay nagkakasala. Ang Biblia ay Salita ng Diyos, dapat sundi’t pahalagahan. Kailan mo ito huling binuksan? Gusto man o hindi ng tao na marinig ang Katotohanan ng Diyos, iya’y nasusulat, “Ang Diyos ay galit sa masama araw-araw”. (2) Subalit ang Poot na ito’y nagpipigil pa, at nababalam ang pagsiklab nito pansamantala, kaya naman ang masama ay nawiwili at nagdududa; hindi iniisip ng tao ang poot na narito na ngayon, lalo na yung “poot na parating” pa lamang. However, hindi ito habang panahong maaantala – ang tindi o bigat nito ay babagsak sa makasalang tao sa oras ng kanyang kamatayan, pagmulat ng mata niya sa impiyerno: sasalubungin siya ng apoy! Subalit ito’y lubusan niyang mararanasan sa Araw ng Paghuhukom, dahil ang apoy ng poot ay dadaloy sa kanya araw at gabi, magpakailanman! (3) Ang poot o galit na ito ay sigurado, walang mintis, at ito’y kinakailangan upang maipakita ang kabanalan at katuwiran ng Diyos. Ang Diyos ay hindi neutral, natutuwa sa mabuti tapos sa masama? – hindi gayon! Ang Diyos ay sa panig ng Kabutihan, at walang masama na makakalapit sa kanya. Wala siyang anumang gagawin sa kasalanan: napopoot siya’t nasusuklam sa kabuktutan! Namumuhi Siya sa kalikuan, ‘pagkat lahat ng gawa Niya’y matuwid at marangal! Nakikita mo ba ang kaibahan? Nakikita mo ba ang Kanyang Kaluwalhatian? Kung meron talagang Diyos, hindi Niya iiwang di nahatulan ang kasalanan. And one of these days, pawawalan niya ang kanyang galit. II. Pangalawa, Dumako tayo sa Napakahalagang Katotohanan kung bakit exposed ang tao sa ganitong panganib: Siya – ang makasalanang di pa nakakapanumbalik sa Diyos – siya’y hiwalay sa Diyos. Sabi sa Roma 6:23, “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” Ang kaparusahan ng kasalanan ay kamatayan! Anong ibig sabihin nito? (1) Sa Biblia, may dalawang-uri ng kamatayan: una, ang Kamatayang-pisikal, na kung saan, ang ating katawanglupa ay tumatanda, humihina, at darating ang panahong ito’y magbabalik sa lupa kung saan ito nagmula! At lahat ng tao ay liable na mamatay physically [notwithstanding na may binanggit ang Biblia tungkol sa mga banal na inilipat sa langit at di nakaranas ng kamatayan]; (2) “Pero teka, ibig bang sabihin, ang Panginoong Jesus ay may pagkakasala rin, kaseh namatay Siya, diba?” this is quite another exemption: Sabi sa Biblia, “si Hesus ay di nagkasala”, subalit alang-alang sa atin, dahil sa Kanyang labis na pagmamahal sa sangkatauhan, inialay niya ang kanyang buhay sa Krus bilang handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Walang makakukuha sa kanya ng kanyang buhay, kusa niya itong ibinibigay! Namatay Siya para mabuhay ka – Siya ang iyong pag-asa! (3) Ang ikalawang uri ng kamatayan ay ang kamatayang espiritwal: may dalawang kalagayan ito: 3.1 – Una, ang Pansamantala, ngunit kasalukuyang kamatayan ng iyong espiritu. Ikaw ay patay spiritually dahil sa’yong mga pagsuway. Oo buhay ka physically, ikaw ay humihinga; pero sa mata ng Diyos ikaw ay patay at walang magawa upang Siya ay matuwa. Habang patay ang iyong espiritu, wala kang kaugnayan sa Diyos dahil wala kang kakayahang makipag-ugnay sa kanya. “Ang Diyos ay Espiritu, dapat Siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan”. Paano mo siya sasambahin sa espiritu kung patay ang iyong espiritu? Kakailanganin muna nitong magbangon mula sa mga patay. Mananatili ito sa ganitong abang 3

Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008 kalagayan, hanggang sa dumating ang araw na marinig nito ang tinig ni Hesus – ang Salita ng Anak ng Diyos, ang salitang nagbibigay-buhay. May pag-asa pa: hindi pa pangwalang hanggan ang kamatayang ito. 3.2 – Pangalawang klase ng espiritwal na kamatayan, at ito ang iniiwasan natin nang higit sa lahat: ang eternal separation from God, o sa Tagalog, ang walang hanggang pagkawalay ng tao sa Diyos. Sila’y totally na maghihiwalay. Gugugulin ng makasalang tao ang kanyang buhay doon sa apoy ng impiyerno [sa apoy na hindi namamatay!]; at doon, siya’y tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin. Makinig ang may pandinig! (4) Mayroon lamang dalawang lugar sa kabilang-buhay: langit at impiyerno; walang purgatoryo – walang middle place! Kung meron man, ito’y ang mundo, ang planetang ginagalawan mo ngayon. Pero walang Purgatory! Ang pagpili ng lugar na tatahakin mo ay nasa iyo. Ikaw ang magpapasya kung saan mo gustong pumunta – and, common sense, walang may nais na mapahamak sa Impiyerno! “Walang matuwid, wala kahit isa; walang nakauunawa – walang humahanap sa Dios! Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama, walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” Mula ulo hanggang talampakan, marumi ang tao – parang basahan! Lahat ng kabutihang ginagawa niya ay di makapagliligtas sa kanya: Man is totally depraved! How great tragedy is this! 1. Dila nila’y makamandag na parang ulupong; puno ng panunungayaw at masasakit na salita ang kanilang bibig. 2. Labi nila’y ginagamit sa pandaraya, sa pagsasalita ng mahahalay na salita, at sa panloloko ng kapwa! 3. Tenga nila’y nasisiyahang makinig ng tsismis ; ang dila ay sintalas ng blade kung manlait! 4. Mata nila’y babad sa kahalayan – ang paningin ay nakatuon sa pakiki-apid; 5. Ang mga kamay ay marurungis, sanay na sanay sa pagbububo ng dugo; 6. Parang dinaanan ng salot ang madaanan ng kanilang mga paa; *Hindi nila alam ang Daan ng Kapayapaan, ang Pagkatakot sa Diyos ay walang pitak sa kanilang puso.* Kahit alam nila na mayroong Diyos, hindi naman kayo sumusunod; matigas ang inyong ulo. Kahit kilala na ninyo ang Diyos, di nyo naman Siya niluwalhating tulad sa tunay na Diyos – hindi mo Siya pinarangalan, ni pinasalamatan man. Bagkus naghaka-haka kayo ng mga bagay na walang kabuluhan, kaya’t nadimlan ang inyong mga hangal na pagiisip. Nagkukunwari kayong may pananampalataya, datapwat, hindi naman nakikita sa buhay ninyo ang kapangyarihan nito. Kaya ngayon, ikaw ay hiwalay sa pinagmumulan ng buhay. Gayon man, hinihimok kitang “Manumbalik sa Kanya: manumbalik ka sa Diyos, at manunumbalik din ang pagtingin Niya sa’yo.” III. Pangatlo, Ikaw ay pinagmamadali sa Iyong Pagsisisi; Life is short – halika, lumapit ka at kilalanin ang iyong pagkakamali. Magpakababa ka sa harapan ng Diyos. Patatawarin ka Niya – Siya ay mahabagin: tatanggapin ka Niya! Huwag maging matigas ang iyong ulo! “Pagsisihan ninyo at talikdan ang inyong mga kasalanan, at maniwala kayo sa Mabuting Balita [tungkol kay Jesu-Cristo]” (Marcos 1:15, Biblia). Aminin mo sa Diyos na ika’y makasalanan, at ikaw ay kanyang patatawarin. Papatawarin ka Niya dahil kay Hesus. Si Jesus ay namatay para sa’yo – mahal ka ng Diyos, at gusto ka Niyang makasama sa Langit – nais ka Niyang maligtas sa Impiyerno! Pinaniniwalaan mo ba ito? “Lumapit ka sa Diyos at Siya’y lalapit din sa iyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan. Linisin ninyo ang inyong puso – kayong pabagu-bago ang isip. Mamighati kayo, maghinagpis at tumangis. Sige! Iiyak mo sa Diyos ang iyong mga krimen – ang iyong mga lantarang paglapastangan! Palitan ninyo ng kalungkutan ang inyong halakhakan, at ng pagluha ang inyong tawanan. [Kung hindi kayo tatangis dahil sa inyong mga krimen, ako – si Ransel Villaruel – ang iiyak para sa inyo!!]

4

Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008

Kaibigan, bagamat karapat-dapat kang hatulan dahil sa’yong kasalanan at pagwawalangbahala, hindi nais ng Diyos na ika’y mapahamak! Gumawa Siya ng Paraan para iligtas ka sa’yong kahabag-habag na kalagayan. Ang pag-asa mo ay siya lamang! Siya ang magliligtas sa’yo! IV. Pang-apat, Kailangan mo ng Tagapagligtas! Ang tanging paraan para makaiwas ka sa Parusang Darating ay ang sumampalataya ka kay Jesus! Iyon lang! Si Hesus lamang ang tanging lunas sa’yong mga kasalanan; sa pamamagitan Niya, pwede mong malaman at maranasan ang pag-ibig at plano ng Diyos para sa’yong buhay. “Pagkat gayon minahal ng Diyos ang sangkatauhan, na ibinigay Niya ang kanyang kaisa-isang Anak na si Jesus, upang ang sinumang maniwala, manalig at magtiwala sa Kanya ay huwag mapahamak , kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).

Si Jesus ang Cristo – Siya ang Dakilang Tagapagligtas! Siya ay Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Siya ang kailangan mo! Mahal kong tagapakinig, pakinggan mo ang sabi ni Hesus: “Naparito ako upang kayo ay magkaroon ng masaganang buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya”. 1. He died in your place (Romans 5:8). 2. He rose again from the dead – He’s alive forevermore! (1 Cor. 15:3-5). “Si Cristo Jesus ay namatay dahil sa’ting mga kasalanan bilang katuparan ng isinasaad sa Kasulatan, at Siya’y inilibing, sa ikatlong araw ay muli Siyang nabuhay ayon din sa mga Kasulatan; siya’y nagpakita kay Pedro, saka sa Labindalawa, pagkatapos, nagpakita Siya sa mahigit na limang-daang kapatid na nagkakatipon”. 3. He is the Only Way to God! (John 14:6). Sumagot si Hesus, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makapupunta sa [Dios] Ama kundi sa pamamagitan Ko”. Dinala ni Jesu-Cristo sa Krus ang bigat ng ating mga pagkakasala upang tuluyan na nating iwan ang lahat ng kalikuan at masamang gawain. Walang kasamaang nagawa si Jesus, subalit Siya ang ginawang kasalanan natin, upang sa kaniyang pagkapako at pagkamatay sa Krus, ang lahat ng kasalanan ng mga nananalig sa kaniya ay mamamatay: hindi na tayo maaalipin pa nito. Malaya na ang sinumang nakipag-isa kay Jesu-Cristo! maipapatawad sa atin ang mga ito, oo, mapapawi ang kasalanan dahil sa dugo ni Jesus – oo, hindi na natin pagbabayaran pa ang ating mga kasalanan sapagkat binayaran na Niya ito: binayaran na Niya nang buo, minsan para sa lahat, at minsan pangmagpakailanman! Ito’y isang napakalaking tagumpay! Ang utang mo sa Diyos ay bayad na – meron ng handog at sakripisyo para sa kasalanan mo! Hindi ka na sisingilin pa! Ang kailangan lang ay maniwala ka nang buong puso kay Jesus: “Believe in the Lord Jesus Christ and you will be saved – you and your household!” (Acts 16:31). Pananampalataya ang susi! Dahil sa napakalaking pag-ibig at awa ng Diyos kaya inaalok ka Niya ng kaligtasan ngayon. Ang Diyos ay nangungusap sa inyong puso. Siya’y nananawagan sa inyo ngayon sa pamamagitan ng aking bibig: makipagkasundo kayo sa kanya!

V. Panglima, Tanging Pananampalataya kay Jesus ang Kondisyon ng Kaligtasan: “A Plead to Sinners” Inaalok kita ng libreng kaligtasan ngayong araw na ito; ang Pintuan ng Awa ay bukaŝ pa; ang pinto ng habag ay hindi pa sarado. Mayroon pang nalalabing haing panghandog – pangsakripisyo – para sa kasalanan mo; ito’y ang buhay na inihandog ni Jesus para sa lahat. Ang biyaya ng Diyos ay libre sa lahat, at libre para sa lahat! Sa lahat ng tatanggap kay Jesus, silang lahat ay bibigyan ng buhay na walang hanggan… lumapit ka ngayon sa kanya! “Ang bawat tatanggap at mananalig kay Hesus ay bibigyan niya ng karapatang maging anak din ng Diyos” (Juan 5

Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008 1:12). Nakahanda ang Diyos na ika’y tanggapin: lumapit ka kung ano ka! Come as you are! Yayakapin ka Niya sa bisig ng kanyang pag-ibig. Bumaling ka sa kanya, bumaling ka – oo lumapit ka’t yayapusin ka niya ng kanyang pagmamahal. *Kahit di ka karapat-dapat, ikaw ay kanyang mamarapatin; ang katuwiran Niya’y ilalagay sa iyo. Siya ang iyong magiging kabutihan, Siya ang iyong katuwiran at Kabanalan: Si Jesus ang iyong katubusan! Sabihin mo sa Kanya kung gaano ka kadumi, kung gaano karami ang iyong bisyo, kung gaano kalalâ ang iyong mga sekreto! Huwag kang mag-alinlangan, sa halip manalig ka. Magtiwala ka – hindi ka Niya bibiguin; sinumang lumalapit sa kanya ay hindi niya itataboy; sinumang pumupunta sa kanya, sa anumang kaparaanan, ay hindi Niya itaitakwil. Bakit ka mangangamba na baka hindi ka tanggapin ni Jesus… bakit ka matatakot? Ang iyong kasalanan ay hindi magiging hadlang, ang iyong pagiging hindi karapatdapat ay hindi magiging sagabal; kung ang iyong bulok at madayang puso ay hindi makapaglalayo sa’yo sa Kanyang Pag-ibig, wala ng anumang maaari pang maging balakid. Nais ni Cristo na makitang ang kawawang makasalanan ay lumalapit sa Kanya; Siya’y nagagalak na makitang sila’y nahihimlay sa kanyang paanan, at namamanhik sa kanyang mga pangako. At kung lalapit ka lang kay Cristo, sigurado akong di ka aalis nang di taglay ang Kanyang Espiritu; ang Banal na Espiritu ay kanyang ipagkakaloob sa iyo – Siya ang magbibigay sa’yo ng lakas at kapangyarihan upang mabuhay ka nang matagumpay at may kabanalan. Ito kaibigan, ito ang hangad ng Maibiging Tagapagligtas para sa’yo: ang gawin kang maligaya, upang maiwan mo’t matalikuran ang kamunduhan, upang maka-upo ka sa kanyang hapag doon sa langit, upang dumulog sa Hapunan kasalo Siya. Inaanyayahan ko kayong lumapit sa kanya, at tanggapin Siya bilang inyong Panginoon at Tagapagligtas; “Nakatayo siya sa labas ng pintuan ng iyong puso at kumakatok; kung diringgin ninuman ang kanyang tinig at bubuksan ang pinto, Siya’y papasok sa iyong tahanan at magkasalo kayong kakain bilang magkaibigan.” (Pahayag 3:20). Matatagpuan mo sa kanya ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sabi ni Jesus, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatang-lubha sa inyong pasanin, at kayo’y Aking pagpapahingahin. Mag-aral kayo sa Akin; Ako’y maamo at mababang-loob, lumapit kayo at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong kaluluwa.” Siya’y gumagawa at patuloy na kumikilos sa ating kalagitnaan upang agawin kayo mula sa kadiliman at dalhin sa kanyang kagila-gilalas na liwanag. “Gumising ka, ikaw na natutulog; Magbangon ka mula sa mga patay at bibigyan ka ni Cristo ng liwanag”. Buksan ninyo ang Pintuan ng inyong Puso, at ang Hari ng Kaluwalhatian ay papasok sa loob. Ang puso ko’y puno na, sasabog ako ‘pag di ako nagsalita. Ano na? Wala bang halaga sa inyo ang inyong kaluluwa? Sa tingin mo ba’y hindi ito karapat-dapat iligtas? Mas mahalaga ba sa’yo ang yaman ng mundo – mas importante pa ba sa’yo ang kasiyahang ibinibigay ng sanlibutan? Mas uunahin mo pa ba ang ibang usapin ng buhay na ito kaysa sa kaligtasan ng kaluluwa mo? Kung gayon nga ay hindi ka nga maliligtas! Hindi ka magiging kabahagi Niya sa Kaluwalhatian at Kariktan ng Langit; pero kung lalapit ka sa kanya ngayon, kung mananalangin ka upang imbitahan Siyang pumasok sa iyong puso, tutustusan ka Niya ng Kanyang habag, ng lakas, ng biyaya sa buhay na ito, at karangalan sa panahong darating. At doon sa kawalang-hanggan ikaw ay aawit ng papuri at hallelujiahs sa Korderong “umibig sa’yo at nag-alay ng kanyang buhay para sa’yo” (Galacia 2:20) – Siya si JesuCristo. At ito nawa ang maging maligayang wakas ng lahat ng nakikinig sa akin. _________________________________________________________________________________________________________

Minsan sa’king buhay noong ako’y kabataan pa lamang, napanood ko ang isang lumang ‘black-and-white’ na pelikula ni Cecil B. Demille—isang pelikula tungkol sa buhay ni Hesus, pinamagatang “Hari ng mga hari”. Ang pelikula’y nakaka-antig ng damdamin; oo, ito’y bumagabag sa’kin nang gayon na lamang—anupa’t habang ito’y aking pinanonood, nagsimula akong umiyak, lalo na sa tagpo ng pagpako kay Hesus sa Krus. Nabatid ko’t naunawaan na si Jesus ay namatay para sa akin at ang aking mga kasalanan ang nagpako sa Kanya sa krus. Inakay ako ng aking ina sa pananalangin, habang inihahayag ko ang aking mga kasalanan sa Dios at sinabi ko sa Kaniya na ako’y nalulungkot sa nagawa kong mga kasalanan. Inamin ko sa Diyos ang aking mga pagsalangsang at pagsuway. Nagsisi ako. Pinasalamatan ko si Hesus sa pagkamatay Niya para sa’king mga kasalanan at humingi nga ako ng tawad sa Diyos. Sinabi ko rin sa Kanya na sumasampalataya akong si Hesus ay muling bumangon mula sa mga patay, at Siya’y nabubuhay ngayon at magpakailanman. Inanyayahan ko siyang pumasok sa aking buhay. Sabi ko, “Hesus, kailangan kita. Halika’t manahan Ka sa’king puso.” Wala akong natatandaang anumang dramatikong pakiramdam matapos ‘yun, subalit alam kong ang aking kasalana’y napawi nang lahat; naramdaman ko ang kagaanan ng kalooba’t pakiramdam ng isang taong pinatawad nang lubos sa kaniyang mga kasalanan. Ako’y ipinanganak na muli—oo, ako nga’y muling isinilang, hindi sa pisikal kundi sa espiritwal. Isinilang ako sa isang bagong pamumuhay. Nangyari ito nang tanggapin ko si Hesus [sa pananalangin] bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Ang panalanging yao’y nagpa-umpisa ng isang mapagmahal na relasyon kay Hesus na mas lalong tunay sa’kin kaysa sa iba. At nais kong ibahagi ito sa inyo . . .

6

Open-air Preaching in Rainy Days: an Evangelistic Sermon by Holiness of Heart & Life Movement 2008 Tanging ang Diyos lamang, sa pamamagitan ni Cristo, ang may kapangyarihang magpatawad ng kasalanan.1 Hindi mahalaga gaano man kalaki ang kasalanan o kung gaano ito kaliit; hindi rin pinag-uusapan dito kung gaano na katagal nang ito’y magawa, o kung ito ba’y kagagawa pa lamang at di pa katagalan. Hindi rin mahalaga kung ito ma’y nangyari nang di sinasadya, o intensiyonal, o kaya’y natural na lamang na nangyayari, o dili kaya’y isang komplikado at napakaseryoso’t malisyosng kasalanan. Patatawarin ka ng Diyos kung lalapit ka sa Kaniya [sa may Krus ni Hesu-Kristo] upang ihingi ito ng tawad sa Kanya. Pinatawad ng Diyos ang mga taong nagpako sa Kaniyang Anak sa krus—nang hingin nila ito sa Kaniya.2 Kung gayon, bakit mo maiisip na hindi ka Niya patatawarin kung hihingi ka sa Kaniya ng tawad? Ano ba sa palagay mo ang hindi kayang ipatawad sa inyo ng Diyos? Ano sa tingin mo ang hindi saklaw ng Kaniyang pagpapatawad?— Pagpapalaglag ng bata?—Pangangalunya?—Pang-aabuso?—Pagkamuhi?—Pagkukunwari? Pagpapanggap?— Pagpapaimbabaw?— Pagdududa? Pag-aalinlangan? Kawalan ng pananalig?—Nakaraang Pakikipaghiwalay o Diborsiyo?—Pagpapaka-lasing sa alak?—O Imoralidad? O dili kaya’y pagpaslang??_________________. Ano pa nga ba? ___________________. Punan mo ang patlang. Walang anumang bagay na iyong nagawa ang hindi Niya makakaya o hindi Niya ipatatawad kung buong pagpapakumbaba kang aamin sa’yong mga kasalanan at nagtitiwalang patatawarin ka nga Niya sa mga iyon.

“There is nothing you have ever done that He cannot or will not forgive when He is humbly asked.”

7

Related Documents

Be Reconciled To God!
June 2020 21
Anb7 Are You Saved
June 2020 8
Be To Our God (ab)
October 2019 12
Thanks Be To God (g)
November 2019 23
Be To Our God (g)
October 2019 23

More Documents from ""

General Psychology
June 2020 14
Debate Dialogues
June 2020 26
C. S. Lewis
June 2020 17