Gloriamacapidal Arroyo

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Gloriamacapidal Arroyo as PDF for free.

More details

  • Words: 5,350
  • Pages: 10
1

VI. Ano ang mga kagyat na tungkulin ng mamamayan sa kampanya laban sa korupsyon? Para labanan ang tumitinding korupsyon ng mag-asawang Arroyo, kailangang sinsinin ang pagpapalakas at pagpapalawak ng kilusang protesta ng mamamayan. Hindi malayong maulit ang naganap sa EDSA 2 kung saan napatalsik ang isang pangulong sangkot sa talamak na pandarambong at pangungurakot. Kailangang tipunin ang pinakamalaking bilang ng mamamayang tutungo sa lansangan para ihayag ang kanilang mga demokratikong hinaing at karapatan. Ang ating mga kagyat na tungkulin: 1. paglulunsad ng mga talakayan sa hanay ng mga organisasyon at malawak na masa para ibunyag ang mga tampok ng kaso ng korupsyon ng mag-asawang Arroyo 2. pagsasagawa at pagpapanawagan ng “impartial ang independent inquiry” para ungkatin at imbestigahan ang maanomalyang mga kontrata at proyektong kinurakot ng mag-asawa 3. pagbubuo ng mga alyansa ng kabataan at iba pang sektor ng lipunan laban sa korupsyon 4. paglalabas ng mga pamphlet at iba pang babasahin, paglikha ng mga jingle at iba pang mga malikhaing porma ng protesta 5. pagpapalaganap at paglulunsad ng mas masaklaw na mga kilusang-protesta sa mga paaralan at komunidad 6. patuloy na pagpapalawak ng kasapian ng kilusan ng mamamayan laban sa korupsyon Sa pamamagitan ng mga hakbanging ito, magkaisang mailalantad ang mga korap sa gobyerno. Bago maghangad si Gloria ng anim pang taon sa Malakanyang, kailangang harapin at panagutan muna niya ang napakaraming isyu ng korupsyong kinakaharap nilang mag-asawa. Hanggat hindi napapatalsik ang mandarambong sa Malakanyang, hindi titigil ang mamamayan. Ani Gloria sa ika-2 anibersaryo ng EDSA 2, “You ask what was EDSA 2? I tell you it was the most powerful answer of the weak to the corruption of the powerful.”

Karapatang-ari ng:

May dahilan siya para kabahan at kilabutan.

Oktubre 2003 2

19

kritikal at patuloy na lumalaban. Ngayong darating na Oktubre 18, bibisita ang amo at pangunahing kasabwat ni Gloria sa mga korap at anti-mamamayang patakaran. Gayun na lamang ang “pag-iingat” at paghahanda ng rehimen para salubungin si Pangulong Bush ng US para ipakita sa buong mundo na istable ang kalagayan ng bansa sa gitna ng mga isyu ng korupsyong kinakaharap nilang mag-asawa. Sa ganitong paraan, mahihikayat ang mga dayuhang korporasyong mamuhunan sa bansa – madagdagan ang pagkakataon nilang mangurakot at mandaya.

2. Ano ang papel ng imperyalistang US sa pagpapanatili ng burukrata kapitalismo? Bibisita si Bush sa Pilipinas para salbahin ang nabubulok na imahe ng papet niyang si Gloria. Malinaw na nagpapabango si Gloria sampu ng kanyang pabulusok na popularidad sa masa. Malaking tulong ang ibibigay na basbas ni Bush para suportahan ang kanyang pagtakbo sa darating na eleksyon sa 2004. Kahit si Gloria ay aminadong kumakaharap ngayon ang Pilipinas sa napakahirap na sitwasyon. Hindi rin lingid sa kapwa niya opisyal ng gobyerno ang mga dagok sa ekonomiya nitong nakaraang mga taon. Tampok sa patuloy na pag-igting ng paksyon at disgusto sa hanay ng mga pulitiko ang pagbitiw nina Senador Loren Legarda, bilang bisepresidente, at Bise Presidente Teofisto Guingona, bilang pangulo, ng Lakas-NUCD, ang partido ng administrasyon. Ang kanilang dahilan: Hindi na nila makayanan ang sagad-sagaring korupsyon ni Gloria at ng kanyang asawa. Maging ang kanyang popularidad at kredibilidad sa mga nagluklok sa kanya sa pusisyon ay unti-unti nang nawawala. Maalalang maraming beses na ring humantong sa di-pagkakasundo sina Guingona at Gloria dahil sa lubos na pagkatuta ng huli sa imperyalistang US.

Ang Institute for Nationalist Studies (INS) ay isang ‘nonstock, non-profit’ na institusyon ng kabataan na nagsusulong ng Alternatibong Edukasyon sa pamamagitan ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong kurikulum. Itinatag ang INS noong Marso 2003 sa pakikipagtulungan ng Center for Nationalist Studies (CNS) ng Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines. Layunin nitong ilantad ang kasalukuyang komersyalisado, kolonyal, at mapaniil na sistema ng edukasyon. Hinihikayat din ng INS ang kritikal at mapanlikhang kaisipan sa hanay ng makabayang kabataan. Itinataguyod ng INS ang isang makabayan at demokratikong programa para sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng makabayang kabataan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Honorary American” na ngang maituturing si Gloria sa todo-suportang ibinibigay nito sa imperyalistang mga patakaran ng US. Kapalit nito, bilyun-bilyong suhol at ayuda na ang ipinagkaloob sa kanya bilang gantimpala sa kanyang papet na pamamahala. Malaki ang ganansya ni Gloria, pero higit na mas malaki ang ganansya ni Bush sa patuloy na pagpapasailalim ng rehimen sa kontrol ng imperyalista. Sa pamamagitan nito, maluwag na naipapatupad ang mga makaisangpanig na kasunduan at patakaran, tulad ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon, at ang all-out support sa US “war on terror.”

18

3

sa malawak na hanay ng mamamayang naghihirap. Sa pamamagitan ng pangongolekta ng pondo at suporta para sa kani-kanilang kampanya tuwing eleksyon, natatali sila sa “utang na loob” sa kanilang mga tagasuportang malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa. Bago pa man sila manalo, o kahit na matalo pa, napakalaking yaman na ang nakukuha nila mula sa mga nasabing kontribusyon. Lahat ng nagdaang papet na presidente, mula kay Quezon hanggang sa kasalukuyan, ay mga burukrata kapitalistang walang ibang hangad kundi kumita at magpayaman. Kung susuriin ang statement of assets and liabilities ng mga opisyal, mapapansing papalaki ang kanilang yaman habang tumatagal sila sa pusisyon. Isang matingkad na halimbawa nito ang mahigit 1000% inilaki ng yaman at pag-aari ni Gloria simula noong mahalal siyang senador noong 1992. Hindi pa kasama rito ang bilyunbilyong yaman at ari-arian ng kaniyang pamilya, at ng asawang si Mike at pamilya nito. Nagiging palabigasan din ng mga burukrata kapitalista ang lahat ng korporasyon ng gobyerno. Nakakakuha sila ng malalaking sweldo at komisyon mula sa mga transaksyon at kontrata ng mga empresa ng pamahalaan, kapalit nang pagpapaubaya sa mga ito sa mga pribado o dayuhang korporasyon. Laganap din ang korupsyon sa buong gobyerno. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga batas, utos at desisyon tumatanggap ng malalaking suhol ang mga burukrata kapitalista dahil dito naitatakda ang kontrol ng mga nasa estado-poder sa yaman ng bayan.

2. Paano pinananatili ang burukrata kapitalismo? Ang burukrata kapitalismo rin ang pangunahing ugat ng pasismo ng estado. Para mapasunod ang mamamayan sa nais ng mga lokal na naghahari, sistematiko silang sinusupil ng mga instrumento ng pamumuwersa ng estado – AFP, PNP, bilangguan, Korte Suprema, atbp. Karahasan ang isinasagot ng kasalukuyang rehimen sa demokratikong mga hinaing at panawagan ng sambayanan. Gagawin ng rehimen ang lahat para lamang maprotektahan at mapanatili ang kanilang sariling interes at pinagmumulan ng kanilang yaman. Sa harap ng patuloy na umiigting na kilusang protesta laban sa mga patakarang anti-mamamayan, hindi nag-aatubili ang mga burukrata kapitalistang supilin ito gamit ang dahas. Subok nang katuwang at maaasahan nito ang pulis, hukbong sandatahan at maging ang mga tropa ng US. Gayunpaman, ang patuloy na pagtindi ng pasismo ay hindi nangangahulugan ng lakas ng bulok na estado. Ipinapakita lamang nito ang desperasyon at kahinaan ng gobyerno sa harap ng mamamayang

4

17

Laganap na rin ang unemployment sa bansa. Noong 2003, umabot na sa 4.35M ang unemployed o walang trabaho, habang 4.73M naman ang underemployed. Kahit ang 30.4M na Pilipinong may trabaho ay hirap pa rin ang kabuhayan. P280 ang minimum wage pero P558 ang kakailanganin ng isang pamilyang may 6 na miyembro sa NCR para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Habang papalaki naman ang halaga ng mga bilihin, hindi sumasabay ang halaga ng minimum wage, na may real value na lamang na P161.15 pagsapit ng taong ito. Ang Pilipinas, sa kasalukuyan, ang ikatlong pinakakorap na bansa sa Asya at ikalabing- isa naman sa buong mundo. Sa P100B kada taong nawawala sa bansa dahil sa pangungurakot, kaya na sanang bayaran ang P55B utang ng Pilipinas sa loob lang ng isang taon.

V. Ano ang burukrata-kapitalismo bilang ugat ng korupsyon? Si Gloria ang pangunahing kinatawan ng malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa sa kasalukuyang rehimen. Ginagamit niya ang kanyang kapangyarihang pampulitika para magsilbi sa interes ng kapwa niya burgesya kumprador, panginoong maylupa at dayuhang imperyalista. Kinakasangkapan niya rin ang kanyang pusisyon bilang pangulo para makapangurakot at magpalawak ng pag-aaring yaman at negosyo. Ang lahat ng ito ay katangian ng kasalukuyang sistema ng burukrata kapitalismo sa Pilipinas. Pinapatakbo ng mga burukrata kapitalistang tulad ni Gloria ang gobyerno nang parang negosyo, para sa pagpapayaman ng mga nakaupo sa kapangyarihan.

1. Bakit integral na bahagi ng malakolonyal at malapyudal na sistema ang korupsyon ng mga burukrata kapitalista? Bakit hindi mawawala ang korupsyon hanggat may burukrata kapitalismo? Hanggat nananatiling atrasado, agrikultural at import-dependent exportoriented ang Pilipinas, kakawing nito ang malawakang korupsyon sa gobyerno. Sa kalagayang lugmok ang ekonomiya at patuloy na naghihirap ang sambayanang Pilipino, wala nang iba pang pagkukunan ng yaman ang mga naluklok sa gobyerno kundi sa pangungurakot. Ang korupsyon ay hindi maihihiwalay na parte ng lipunang malakolonyal at malapyudal tulad ng Pilipinas. Tumatayong instrumento ang burukrasya para mapadali ang pagsasamantala ng mga naghaharing-uri

16

Gloria MacaPidal-Arroyo: Praymer hinggil sa Korupsyon Kung may Jose Velarde si Erap, may Jose Pidal naman si Gloria. Maaalalang sa simula pa lang ng panunungkulan ni Gloria, sumambulat na ang samu’t saring kaso ng korupsyon laban sa mag-asawang Arroyo at kanilang mga kroni at alipores. Pinakatampok sa kasalukuyan ang isyu ng pagkabunyag ng isang Jose Pidal account, diumano, ni Unang Ginoong Jose Miguel “Mike” Arroyo. Hindi pa man napapatawan ng karampatang parusa ang napatalsik si Joseph Estrada, bumulalas na sa publiko ang isa na namang isyung posibleng tumungo sa mala-Edsang pag-aalsa.

I. Sino ba talaga si Jose Pidal? 1. Ano ang laman ng Lacson expose? Unang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson noong Agosto 18 ang pangungurakot ng mag-asawang Arroyo sa kanyang “privilege speech” sa Senado. Nagmistulang sirkus ang Senado sa sensasyunal na pagdetalye ni Lacson sa pangangamkam ng mag-asawa ng malaking halaga mula sa mga iligal na kontribusyon noong nakaraang eleksyon. Aniya, may natatagong mahigit P200M sina Arroyo sa Lualhati Foundation, isang pundasyong tumatanggap ng mga kontribusyon para sa kandidatura noon ni Gloria, at iba pang “fictitious bank acounts.” Lalo pang naging matunog ang kaso nang ibunyag ni Lacson ang paggamit ni Mike Arroyo ng alyas na “Jose Pidal” para itago ang mahigit P36M nakadeposito sa isang bangko sa Makati. Nadawit din ang ilan pang personalidad at institusyong pinangalanan ni Lacson na diumano’y mga daluyan ng transaksyon at beneficiary ng kinurakot na yaman. Kabilang na rito ang mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa, at ilang mga opisyal at ahensya ng gobyeno.

2. Gaano kalaki ang perang sangkot? Noong Setyembre 1, pito pang bank account na naglalaman ng P168M ang ibinunyag ni Lacson – dagdag pa sa naunang limang bank account

5

na may P132M na una na niyang ibinunyag. Pawang nakapangalan ang mga deposito kay Jose Pidal (alyas daw ni Mike Arroyo), Victoria Toh, sekretarya at “kabit” daw ni Mike, at kanyang pamilya. Tinatayang may P260M ang nalantad na kinurakot ng mag-asawang Arroyo, hindi pa kabilang dito ang mga kahina-hinalang yaman nila sa loob at labas ng bansa. Ayon kay Lacson, galing ang halagang ito sa P270.8M kontribusyon para sa kampanyang pang-eleksyon ni Gloria noong 2000 na hindi idineklara ng mag-asawa. Sa mahigit-kumulang P321M natanggap nilang kontribusyon, P50M lang ang iniulat na gastos ni Arroyo sa Commission on Elections (COMELEC). Hindi pa kasama rito ang P18M inilabas mula sa mga nakalap ng Lualhati Foundation at idineposito sa iba’t ibang bangko ni Jose Pidal sa Hongkong.

3. Ano ang papel ni Ignacio Arroyo? Higit pang naging kontrobersyal ang Jose Pidal isyu nang dakpin si Eugenio “Udong” Mahusay, dating katiwala ni Mike Arroyo at star witness ni Lacson, sa isang safehouse sa Tagaytay City noong Agosto 26. Nang muling iharap sa midya, binawi ni Udong ang kanyang naunang salaysay at humingi ng tawad kay Lacson sa paggamit niya umano sa huli para gantihan ang Unang Ginoo. Pero sa halip na ipawalang-sala ang mag-asawang Arroyo, lalo lang silang idiniin ng kawalan ng kredibilidad ni Udong. Sa desperasyong iiwas ang sarili at ang pangulo sa iskandalo, biglang sumulpot ang nakababatang kapatid ni Mike na si Ignacio “Iggy” Arroyo at umamin na siya ang tunay na Jose Pidal. Walang idinulot ang pag-amin na ito kundi kalituhan sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado na tila soap opera kung subaybayan ng taumbayan. Wala ring kumagat sa kahangalang ito ng mag-asawang Arroyo, na malinaw na may itinatagong anomalya. Malinaw na sinasalo ni Iggy ang mga paratang na para dapat sa kanyang kapatid at hipag.

4. Ano na ang inabot ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee? Dahil na rin sa kaseryosohan ng mga paratang, obligado ang Blue Ribbon Committee, isang fact-finding body ng Senado, na kumalap ng ebidensya at palitawin ang totoong Jose Pidal. Subalit simula nang upuan ang naturang kaso, maraming mga balakid ang kinaharap ng mga senador. Bukod sa kalituhang idinulot ng pagbaliktad ni Udong Mahusay, na siya sanang pangunahing magpapatotoo sa mga paratang ni Lacson, kaliwa’t

6

kamahal na kontrata ng gobyerno

Halaga ng 1.6M low-cost na pabahay Halaga ng 316M sako ng bigas Halaga ng 535,714 klasrum sa pampublikong paaralan

Simula 2001, tinatayang mahigit-kumulang P190B ang kinurakot ng rehimeng Arroyo. P95M dito ang nawala sa gobyerno dahil sa mga tax scam ng mga sindikato at kroni nina Gloria, habang P21B ang nakuhang kickback mula sa pagbili ng mga materyales, serbisyo at imprastraktura. Pinakamalaki pa rin ang P74B nahuthot ng mag-asawang Arroyo sa mga maanomalyang transaksyon ng gobyerno sa mga pribado at dayuhang korporasyon. Habang halos wala nang mapaglagyan ng yaman sina Gloria, patuloy namang napagkakaitan ang mamamayang nalulugmok sa kahirapan. Ayon sa Congressional Planning ang Budget Office, P203.2B potential na nawawala sa pamahalaan sa pamamagitan ng tax evasion at korupsyon ng ilang malalaking kapitalista, negosyante at opisyal ng gobyerno. Nangangahulugan lamang ito na kalakhan ng buwis ay nanggagaling na sa maralitang manggagawa. Tinatayang 10-15% ng ibinabayad na buwis ay napupunta lamang sa bulsa ng mag-asawang Arroyo at iba pang korap na opisyal ng gobyerno. Sa nagdaang 20 taon, mahigit-kumulang $48B o P2T na ang nakurakot mula sa mamamayang Pilipino. Nagaganap ito sa kabila ng patuloy na pagkait sa mamamayan ng mga batayang serbisyo at pangangailangan. Ang P563M overpriced cost, halimbawa, para sa pagpapagawa ng PDMB ay mas malaki pa sa inilaang badyet para sa Polytechnic University (PUP), ang pinakamalaking state university sa Pilipinas. Taun-taong binabawasan ang badyet sa edukasyon, at sa halip mas binibigyang pansin ang badyet para sa debt-service at militar. Dahil dito, patuloy na nababawasan din ang bilang ng kabataang nakakapag-aral at bumababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Patuloy ring binabawasan ang badyet para sa kalusugan. Sa kasalukuyang badyet ng Department of Health na P10.4B, P502M ang ibinawas noong 2002. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkabulok ng mga pampublikong ospital at tanggapan sa kalusugan, kakulangan sa gamot at iba pang pasilidad. Sa napakaliit na badyet na ito, walang kalaban-laban ang mamamayan sa matitinding mga sakit at epidemyang tulad ng SARS na maaaring sumalanta sa bansa. Papaliit din ang sweldong ibinibigay sa mga doktor, nars at iba pang empleyado. Dahil dito, may 2,000 nars ang umaalis ng bansa para sa ibayong-dagat na magtrabaho.

15

iskemang build-operate-transfer (BOT) ng gobyerno. Sinasagot ng mga dayuhang kumpanya ang pamumuhunan, konstruksyon, at maintenance ng kani-kaniyang proyekto hanggang sa ganap na malikha ang mga ito sa loob ng isang fixed term. Bilyun-bilyon ang kinikita nina Gloria dito dahil kapalit ito ng pagpapaubaya ang buong proyekto – mula tolls, fees, renta, at iba pang charges – sa dayuhang korporasyon. Para makaiwas sa pambabatikos hinggil sa ipinagbabawal na 100% pagmamay-ari ng dayuhan sa anumang pambansang pasilidad, nakasaad sa BOT na ililipat ang pagmamay-ari ng proyekto sa gobyerno ngunit sa loob pa ng hindi iiksi sa 50 taon. Bago pa man mapakinabangan ng mamamayan ang halaga ng kanilang ibinayad ng buwis, bulok na ang imprastraktura, at nalustay na rin ang kinurakot nina Gloria.

3.

kanan ang mga taktika at pagmamaniobra ng iba’t ibang kampong sangkot. Nariyan ang paulit-ulit na pag-invoke ni Iggy sa kanyang “right to privacy,” bagay na pumipigil sa malayang pagtanong sana ng mga senador. Tali rin sila sa mga panukala ng Bank Secrecy Law kaya hindi ma-authenticate ang mga kopya ng mga dokumentong ihinapag ni Lacson sa Senado. At nitong huli, bago magsara ang sesyon ng Senado, binulgar ni Senador Joker Arroyo ang pakikialam ng Malakanyang sa kaso. Iniutos raw ng Malakanyang ang pagtigil sa pagdinig ng komite sa kaso pero mariin niyang tinutulan ito. Aniya, “Inumpisahan namin ang pagdinig, tatapusin namin ang pagdinig. Kahit ang pangulo ay hindi kami kayang pigilan.”

kontribusyon sa eleksyon

Ayon sa statement of assets and liabilities ni Gloria, lumaki ang kanyang net worth mula P6.7M noong 1992 (nang mahalal siyang senador) hanggang P72M noong 2002. Pinakamalaking porsyento ang itinaas nito noong 1997, taon bago siya tumakbo bilang bise presidente, 71% mula sa P15.3M tungong P26.1M. Sa loob din ng panahong ito lumaki ng husto ang laman ng banko ni Gloria, mula P704,540 hanggang P2.86M. Dumami rin ang kanyang ariarian. Bumili siya ng lupa sa Nasugbu, Batangas at nagmana pa ng ariarian mula sa kanyang ama na nagkakahalagang P5.4M. Sunud-sunod din ang pagbili niya ng mga bagong sasakyan – isang Kia Besta van, Toyota Revo at Mitsubishi GLI sedan. Higit pang lumaki ang deposito ni Gloria sa banko, mula P3.8M na naging P36.3M pagsapit ng 2002. Tiyak na lalo pa itong lalaki kapag naghayag siya ng kandidatura sa 2004.

V. Paano naaapektuhan ang mamamayang Pilipino? P1.2M-2M

Halaga ng mga alahas ni Gloria ayon Halagang ibinawas sa budget ng UP sa statements of assets and liabilities noong 2002 niya noong 2002 Halaga ng 23 taong sahod ng manggagawa sa Maynila

P5M

Halaga ng Ford Expedition ni Mike, asawa ni Gloria

P12M

Halaga ng 20 lokal at imported na Halaga ng minimum wage (P265 / pangkarerang kabayo ni Mikey araw) ng 45,283 manggagawa Arroyo, anak ni Gloria at bise-gobernador ng Pampanga (sa P600,000/ kabayo) Pinalobong halaga ng Jancom garbage contract, itinuturing na pina-

P390B

14

5. Ano ang maaasahan sa muling pagbukas ng Senado? Bagamat desidido ang Blue Ribbon na ituloy ang pagdinig sa kaso, hindi susulong ito hanggat patuloy ang pagmamaniobra ng mga Arroyo. Kahit na ilan pang bomba ang pasabugin ni Lacson, na kumakaharap din sa kaso ng mga lihim na bank account, hindi rin magagamit ang kanyang mga ebidensya kung pawang mga kopya lamang ang kanyang mga papeles. Tiyak na patatagalin ang isyung ito hanggang sa darating na eleksyon sa 2004 para magsilbi sa kani-kanilang interes. Sa halip na mabulid sa kakitiran ng labanan ng mandarambong sa kapwa-mandarambong, tungkulin ng mamamayang singilin ang magasawang Arroyo sa iba pang mga kaso ng korupsyon.

II. Ilang malaking kaso ng korupsyon sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo 1. CODE-NGO Ang CODE-NGO ay isang NGO network na binuo at pinamunuan ng 12 NGO sa bansa, kung saan kabilang rin ang ilang kasapi ng gabinete ni Gloria at mga taong malalapit sa kanya. Pinangunahan ng CODE-NGO ang pagtatalaga ng mga “Zero bonds” sa ilalim ng pangangasiwa ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC). Naging kontrobersyal ang konsorsyum na ito nang tumabo ito ng P1.4B mula sa solong prangkisa at komisyon sa pagbebenta ng P10B PEACe bonds mula sa pagkaapruba ng Zero bonds. Tinawag itong Zero bonds dahil sinumang mangutang sa CODE-NGO ay hindi magbabayad ng taunang interes. Sa halip, saka na babayaran ang kabuuang halaga ng utang matapos ang maturity nito. Maaari itong

7

ihalintulad sa pautang na “5-6”, halimbawang P5 ang utang, P6 ang babayaran sa itatalagang maturity period ng CODE-NGO. Bagamat malaki ang ibinibigay na discount, malaki pa rin ang kinikita ng CODENGO dahil milyon ang salaping sangkot dito. Samantala, walang kinalaman ang Poverty Eradication and Alleviation Certificates o PEACe Bonds sa usapin ng kapayapaan. Bagkus, ang lahat ng kinikita ng mga pautang ng CODE-NGO ay dumidirekta sa PEACe Foundation Endowment Fund, na gagamitin umano para sa mga proyekto ng mga kasaping NGO. Ginamit nina Gloria at mga kasangkot ang kanilang mahigpit na koneksyon sa Malakanyang at Department of Finance para makakuha ng malaking puhunan para rito. Noong 2002, umutang ng P10B ang pamahalaan sa CODE-NGO, na babayaran nito ng P35B matapos ang 10 taon. Pagdating ng panahong iyon, hindi na presidente si Gloria pero patuloy pa rin siyang tatabo mula sa tubong P25B na sisingilin ng CODE-NGO sa gobyerno.

2.

Jancom Environment Corporation

Una nang tinanggihan nina Pangulong Ramos at Estrada ang kontrata sa pagitan ng Jancom Environment Corporation at ng Presidential Task Force on Solid Waste Management. Ito ay dahil sa paglabag nito sa limang batas sa Konstitusyon, kabilang na ang Clean Air Act (RA 8749) at Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003), dahil sa planong insinerasyon o pagsunog sa mga basurang iniipon. Tatlong beses itong tinanggihan ng Environment Management Bureau (EMB) ng Department of Environmental and National Resources (DENR) at ng Investment Coordinating Council of the National Economic and Development Authority (ICC-NEDA) dahil sa masamang idudulot nito sa kalikasan. Subalit noong 2002, idineklara ng Korte Suprema na ligal ang nasabing kontrata – na naging pangunahing dahilan ng pagsang-ayon dito ni Gloria. Sa halip na resolbahan ang problema sa basura, basura mismo ang naturang kontrata. Maanomalya ang pabagu-bagong bid proposal ng gobyerno sa Jancom, mula sa orihinal na $10 kada tonelada ng basura hanggang $119 kada tonelada. Lumaki rin ng 142% ang gastusin para sa proyekto, mula $156M tungong $377.5M. Nangangahulugan ito ng P377B hanggang P390B gastos sa loob ng 25 taon – at sisingilin ang bawat tahanan ng P600 bawat buwan para sa pangongolekta ng basura.

“terorismo.” Sa ganitong paraan, madulas na naipapatupad ang patuloy na modernisasyon ng AFP at PNP, at ang patuloy na pagtalaga ng mga dayuhang tropa sa Pilipinas sa ngalan ng Balikatan exercises. Kapalit ng walang-pakumandang pagsuporta ni Gloria sa “war on terror” ni US President Bush, milyun-milyong dolyar ang ibinibigay sa AFP bilang ayuda. Walang ibang makikinabang dito kundi si Gloria mismo at ang ilang piling opisyal na maaambunan ng “regalo” mula sa kanilang imperyalistang amo. Kamakailan lang, muling itinalaga sina Reyes bilang “anti-terrorism tsar” at Corpuz bilang hepe ng Civil Relations Service. Patunay ito na balatkayo lang ang ginawa nilang pagbitiw sa dati nilang mga hinahawakang pwesto para patahimikin ang iskandalong idinulot ng pagalsa ng Magdalo.

III. Saan nagmumula ang yaman ng mga Arroyo? 1. mga suhol, komisyon at kickback sa mga kontrata ng gobyerno Pinakamalaki ang ganansya ng mag-asawang Arroyo sa mga kontrata para sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno. Hindi iba sa karaniwang transaksyon sa negosyo, tumatayong, o nagtatalaga ng, ahente (dealer) ang pamahalaan para ayusin ang pagtatalaga ng iba’t ibang dayuhang kumpanya at korporasyon ng kanilang negosyo sa Pilipinas. Tulad ng IMPSA deal, kung saan si Mark Jimenez ang tumayong ahente, pinalolobo ang gastusin para sa mga proyekto para may mapagkukunan ng mahuhuthot ang mga sangkot. Ang sobra-sobrang ibinayad ang nagsilbing suhol kina Arroyo at Jimenez sa madaliang pag-apruba sa naturang proyekto. Bukod sa pandaraya sa aktwal na halaga ng gastusin ng mga proyekto, kumikita rin sina Gloria sa pamamagitan ng pag-kickback sa mga kinikita ng gobyerno sa anyo ng naglalakihang komisyon. Ganito ang naganap sa iskandalo sa PIATCo.

2.

public works

Subok na ring iskema sa pangungurakot ang konstrukyon ng mga imprastraktura. Kaya naman gayon na lamang ang pagdami na parang kabute ng mga ginagawang kalye, tulay at kalsada tuwing papalapit ang eleksyon. Anu’t ano pa man, barya lang ang mga proyekto ng mga lokal na opisyal sa tinutubo ng mag-asawang Arroyo sa pagpapatayo ng mga imprastrakturang tulad ng PDMB. Kadalasang ikinukubli ang ganitong operasyon sa pamamagitan ng

8

13

procurement” o mga kontrata para sa kagamitang-militar, tulad ng armas, uniporme at iba pa. Pinalolobo mula 35 hanggang 50% ang orihinal ng presyo ng mga bibilhing gamit mula sa mga suplayer para lang matustusan ang suhol na ibibigay sa mga opisyal na pipirma sa pag-apruba ng mga ito. Ayon sa isang mataas ng opisyal ng AFP, mas mabuti pa raw na gawing ligal ng Kongreso ang 10% bayad sa mga opisyal para sa mga kontrata, baka makatulong pa ito sa pagbawas ng korupsyon. Ganito katalamak ang korupsyon sa hanay ng hukbong sandatahan. Bago pa man maganap ang Oakwood mutiny, inilantad na ni Rear Adm. Guillermo Wong noong Disyembre 2000 ang pagbili ng mga Kevlar helmet sa halagang P3.8M, kung saan hindi gawa sa kevlar ang aktwal na ipinamahagi sa mga sundalo. Bukod sa masyadong mahal ang idineklarang presyo, 500 lang ang isinuplay, sa halip na 2,000 pirasong nakasaad sa kontrata. Sa halip na pakinggan ang hinaing ni Wong, tinanggal siya bilang naval service commander. Samantala, nitong Agosto 18, ibinunyag naman ng Commission on Audit ang nawawalang P77M sa imbentaryo at aktwal na ginastos ng Government Arsenal (GA). Sa kabilang banda, bawat suhol na ibinibigay sa mga opisyal ay kinukuha sa bayaring-buwis ng mamamayan. Maging ang ilang mga opisyal ng gobyerno ay naghihinala na sa malalaking military procurement na isinasagawa ng AFP. Bago maganap ang Oakwood mutiny, halimbawa, pumirma sa isang P2.1B kontrata sina dating AFP Chief Gen. Angelo Reyes at Air Force Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor para bumili ng apat na second-hand na C-130 eroplano at dalawang scanner. Lubos itong idinaing ng mga mababang opisyal at sundalo dahil sa likod ng modernisasyon ng AFP, nananatiling mababa ang kanilang sweldo at kaawa-awa ang personal na kagamitang-militar. Sa pagputok ng pag-aalsa, napilitan ang Malakanyang na ipagpaliban muna ang transaksyong ito.

3. Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA) Ang IMPSA ay isang kumpanyang Argentinian na naghapag ng kontrata sa gobyerno para sa rehabilitasyon ng Caliraya-Botocan-Kalayaan hydroelectric powerplant. Apat na araw pa lamang sa kanyang panunungkulan bilang pangulo, inaprubahan na ni Gloria ang transaksyong ito. Kapalit ng mabilis na pag-aprubang ito, tumanggap ng gantimpala sina Gloria at dating Justice Secretary Hernani Perez, para naman sa paborableng DOJ ruling para rito. Ayon mismo sa imbestigasyon ng Senado, nakipagsabwatan ang rehimeng Arroyo para palobohin ang gastos ng kumpanya sa $41M (mahigit P2B) para sa rehabilitasyon. Dahil dito, tumaas ang gastos na kinailangan para sa pagpapatakbo ng planta, mula P0.65/kwh hanggang P0.81/kwh. Nangangahulugan ito ng dagdag na P8B sa bayarin na ipapataw sa mga konsyumer ng kuryente. Si Mark Jimenez, na tumayong ahente ng bagong luklok na rehimeng Arroyo para isara ang transakyon sa IMPSA, ang mismong nagbulgar ng anomalyang ito. Aniya, tumabo ito ng $14M (P700M) na pinaghati-hatian nila (7M kay Jimenez) nina Gloria at Mike (P4M), Perez (P2M), Finance Sec. Jose Camacho at iba pang mga opisyales ng Malakanyang (P1M).

4. President Diosdado Macapagal Boulevard (PDMB) Noong Setyembre 19, 2001, ibinunyag ni Sulpicio Tagud Jr., direktor ng Public Estates Authority (PEA), na sangkot si Mike Arroyo at ilan pang alipores nito sa maanomalyang konstruksyon ng PDMB. Ayon kay Tagud, kasabwat ng JD Legaspi Corporation (JDLC) ang Board of Directors ng PEA para palabasing P1B ang kabuuang gagastusin sa konstruksyon. Nangagahulugan itong mayroong P563M na overpricing sa naturang proyekto.

Isa rin sa tampok na hinaing ng Magdalo ang pagpapatalsik kina Gen. Angelo Reyes at dating ISAPF Chief Victor Corpus sa pakana nilang mga pambobomba sa Davao City noong Marso. Una nang napatunayan ang presensya ni Corpus sa Davao sa bisperas ng pambobomba – dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang ISAPF Chief para patahimikin ang mga nag-alsa.

Mas masaklap pa, kalahati ng nagastos ng PEA, na may halagang P500M, ay mula sa pondo ng Government Service Insurance System (GSIS). Inutusan mismo ng Malakanyang ang GSIS na pautangin ang PEA sa gitna ng maraming pinansyal na pangangailangan ng ahensya. Para magawa ito, bininbin ang buwanang pensyon ng mga retiradong kawani at ipinagpaliban ang proyektong pabahay para sa kanila. Maraming aplikante rin para sa pautang ang tinanggihan.

Hindi nag-iisa ang Magdalo sa takot nito sa tila paghahanda ng rehimen sa Martial Law. Hindi pa man ito opisyal na idinedeklara, nililikha na ng pamahalaan at militar ang “climate of fear” sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para bigyang-katarungan ang kampanya nito laban sa

Tumindi pa ang pangungurakot nang italaga ni Mike Arroyo ang kanyang mga tauhan sa pamunuan ng PEA. Dumulas ang daloy ng salapi sa pamamagitan ni Ernest Villareal, pinuno ng PEA at matalik na kaibigan ni Mike. Si Villareal din ang tumatayong pinuno ng Bigkis Pinoy Founda-

12

9

tion, organisasyong prente ng pamilyang Arroyo para makalikom ng pondong pang-eleksyon ni Gloria sa 2004.

5. Philippine International Air T erminals CorpoTerminals ration (PIA TCo) (PIATCo) Hinuthutan ng mag-asawang Arroyo ang pamilyang Cheng, may-ari ng PIATCo, ang kumpanyang kinontrata ng gobyerno para sa konstruksyon ng Ninoy Aquino International Airport 3 (NAIA 3) sa ilalim ng iskemang build-operate-transfer. Bago pa man pumutok ang isyu tungkol sa PDMB, nakipag-areglo na ang mag-asawa sa PIATCo. Inalok sila ng mahigit-kumulang $4.4M (P242M) bilang suhol ng pamilya Cheng para tanggapin ng gobyerno ang naturang kontrata. Itinalaga nina Gloria, sa pamamagitan ng PR konsultant niyang si Dante Ang, si Alfonso Liongson bilang “espesyal na konsultant” ng PIATCo para maging daluyan ng darating pang mga suhol. Tinatayang tumanggap si Liongson ng $2.1M (P105M) mula Hunyo hanggang Disyembre 2001. Hindi na nagawa pang makumpleto ang $4.4M suhol nang napilitang magtago ito noong Enero 2002 dahil sa matinding pambabatikos sa katiwaliang ito. Pagsapit ng Agosto 2002, pinalipad na siya ng mag-asawa sa Hongkong para magpalamig at tuluyan nang putulin ang ugnay nito sa kanila. Matapos ito, iniutos ni Gloria ang pangrerepaso sa “maanomalyang kontrata” ng PIATCo, at saka inatasan si Gloria Tan-Climaco, Presidential Adviser on Strategic Projects, na ilantad na prente lang ng Frankfurt Airport Services Worldwide (Fraport AG), isang kumpanyang German, ang PIATCo. Ginawa niya ang maniobrang ito para patalsikin ang pamilyang Cheng at ipalit ang kroni niyang si Lucio Tan. Kasabwat ang dating kalihim ng Department of Transportation and Communication na si Pantaleon Alvarez, pinalobo ng PIATCo ang gastusin sa konstruksyon ng NAIA Terminal 3. Sa $400M (P20B) kabuuang halagang ibinayad ng Fraport para sa proyekto, $300M ang napunta kina Lucio Tan at ibang lokal na kasosyo nito, habang $100M (P5B) naman ang napunta sa mag-asawang Arroyo.

6.

PAGCOR expose

Noong Setyembre 14, pinatigil ng GMA 7 ang pagpapalabas ng episode ng The Probe Team hinggil sa kontrobersyal na yaman ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chair Efraim Genuino. Ayon sa istasyon, hindi raw sapat ang datos at ebidensya para ipalabas ang ulat sa publiko. Pangunahing paksa ng kontrobersyal na expose ang isinasagawang

10

“lifestyle check” sa mga opisyal ng gobyerno, partikular na kay Genuino. Ipinakita ni Bernadette Sembrano, mamamahayag ng GMA, ang statements of assets and liabilities ni Genuino at nagpresenta rin siya ng mga papeles na nagpatunay na nagmamay-ari ito ng ilang mga korporasyon. Kabilang rin sa mga pag-aari diumano ng PAGCOR Chair ang dalawang mansion sa Makati City. Hindi maitatanggi ang panghihimasok ng Malakanyang sa kaganapang ito. Mabilis na naglabas ng pahayag ang pangulo. Aniya, “I wish to dispel the notion that this institution is a so-called cash cow that is unaccountable to the people and can be milked by those in power. PAGCOR is the source of social amelioration and relief for millions of Filipinos.” Bakit ganito na lamang ang pagtatanggol ni Gloria kay Genuino? Maaalalang sa umpisa pa lang panunungkulan ni Gloria, nasangkot na ang kanyang asawa, na kaibigang matalik ni Genuino at kasama nito sa Rotary Club of Makati, sa ilang mga anomalya sa PAGCOR. Kasabwat din ni Mike si Genuino sa pagpapasok ng malaking halaga sa Bigkis Pinoy Foundation. Matatandaang si Genuino ay kilalang personalidad sa loob ng Bigkis Pinoy Foundation. Sinita ang pakikialam ni Mike sa mga pondo ng naturang ahensya at ang paggamit ng milyun-milyong nakalap nito para tustusan ang gastos sa eleksyon noong Mayo 2001 at iba pang mga personal niyang negosyo. Ilang mga kaso na rin ng “anomalous contracts” ng PAGCOR ang inihapag sa Ombudsman. Para sa mga mamamahayag, manipestasyon ito ng matinding represyon at paglabag sa karapatan nila sa malayang pag-uulat. Isa lamang ang Probe isyu sa marami pang kaso ng paglabag sa “press freedom” ng rehimen simula nang mailuklok ito sa pwesto. Tanda ito ng desperasyon nina Gloria na pigilan ang pag-imbestiga at pagkabunyag ng kanyang mga baho sa publiko.

7.

korupsyon sa AFP at PNP

Kailangan ding bigyan ng espesyal na pansin ang korupsyon sa hanay ng militar. Pinatampok ito ng naganap na mutiny ng grupong Magdalo, na binubuo ng 70 nakabababang opisyal at 250 sundalo ng AFP, sa Oakwood Hotel sa Makati noong Hulyo 27. Isiniwalat ng grupong Magdalo ang mga kaso ng korupsyon sa matataas na opisyal ng AFP, ang mga pakanang pambobomba sa Davao at rehiyon ng Mindanao, at ang planong pagpapataw ng Batas Militar ng rehimeng Arroyo. Kung tutuusin, hindi na bago ang isyu ng korupsyon sa mga opisyal ng militar. Milyun-milyong piso ang kinukurakot ng mga ito taun-taon. Isang halimbawa nito ang halagang nakakamkam ng mga opisyal sa “military

11

Related Documents

Gloriamacapidal Arroyo
November 2019 18
Arroyo
November 2019 26
Arroyo
November 2019 24
Miguel Arroyo
June 2020 10
Arroyo Grande
October 2019 19
Alex Arroyo
October 2019 19