Gilbert Teodoro: The True Man!! Si Defense Secretary GIBO Teodoro na sana’y magbibitiw na sa posisyon upang maumpisahan ang pagpakilala sa bayan ay biglang napako sa koordinasyon ng mga disaster management program ng mga apektadong LGU. Tahimik na nagtatrabaho muna. Nagpapasalamat ang bansa na hindi niya sinasamantala ang posisyon at ang kasawiang palad ng mga kababayan. Di tulad ng ibang kandidato na walang awat ang pamumulitika sa anyo ng pagtulong. Alam ng bayan kung sino sila. Walang pinagkaiba sa mga namimili ng boto – mga huwad ang intensiyon. Sundin ng abiso sa botante sa panahon ng eleksiyon: Tanggapin ang pera, iboto ang kursunada. Inanod din ng baha ang maskarang nagtatago ng tunay nilang mukha.