1. Ipakilala ang awtor ng teoryang iuulat Si George Chapman ay isang manunula, mandudula, at tagasalin ng Latin at Greek na tula patungo sa Ingles noong 1500s, ngunit siya'y sumikat lamang sa mga taong 1900s, kinikilala siyang isa sa mga mahahalagang tao sa English Renaissance. Siya ay nag aral sa Unibersidad ng Oxford noong 1574 ngunit umalis siya bago pa man makuha ang kaniyang titulo. Sikat siya sapagkat ang kaniyang pagsalin ng mga literaturang gawa ni Homer (Iliad at Odyssey), ay ginagamit hanggang ngayon bilang ulirang Ingles na bersyon nito. Ang mga gawa niya ay sumesentro sa Renaissance Christian Humanism, ito ay ang paggamit ng literatura bilang isang instrumento ng marangal na pribadong etica at mahabagin at matapat na patakaran.
2. Magbigay ng mga susing salita upang madaling maunawaan ang ulat English Renaissance - isang kultural at maartistikong paglaganap ng musika at literatura sa England noong 1500's hanggang 1700s
Homer - Isang mahusay na "Greek literary artist" na kinikilalang awtor ng Iliad at Odyssey
Christian Humanism - isang pagpapalaganap na pinagsamang prinsipyo ng Humanism at Christianity.
3. Ilahad ang kanilang teorya sa pagsasalin Ayon sa kaniya, hindi niya sinasalin na direkta ang mga literautara sapgkat ang bawat wika ay may sariling paraan sa pagpapahayag, kapag hindi niya ginawa ito mawawalan daw ng kisig at kagandahan ang literatura at mapapahiya lamang ang taga salin nito.
4. Magbigay ng hakbang sa pagsasalin batay sa sinabi ng awtor
5. Magbigay ng halimbawa ng isang salin gamit ang teorya
Sources: Snare,
G.
(2019).
George
Chapman.
Poetry
Foundation.
Retrieved
from:
Retrieved
from:
https://www.poetryfoundation.org/poets/george-chapman
Encylopaedia
Britannica.
(02/15/2019).
George
Chapman.
https://www.britannica.com/biography/George-Chapman
University of Michigan. (2018). George Chapman. Online Exhibits. Retrieved from:
https://www.lib.umich.edu/online-exhibits/exhibits/show/translating-homer-from-papyri/the-english-homer/john-dryden
Lumen. (NA). English Renaissance. Module 8: Renaissance Love Poetry. English Literature I. Retrieved
from:
https://courses.lumenlearning.com/britlit1/chapter/english-
renaissance/
Encylopaedia
Britannica.
(02/15/2019).
Homer.
Retrieved
https://www.britannica.com/biography/Homer-Greek-poet
from: