1. Ang “Fortified” na mga Pagkain Ano ang “fortified” na mga pagkain? Ang mga “fortified” na mga pagkain ay mga pagkaing dinagdagan ng isa o dalawa sa mga sustansyang Sangkap Pinoy: Bitamina A, Iron, Iodine. Ano ang Sangkap Pinoy? Para sa normal na paglaki, pag-unlad ng kaisipan, pag-iwas sa anemia, paglakas ng resistensiya sa sakit at impeksyon, ang Sangkap Pinoy ay kailangan. Saan makakakuha ng Sangkap Pinoy? Ang Sangkap Pinoy (Bitamina A, Iron, Iodine) ay makukuha sa berde, madahon at dilaw na mga gulay at prutas, atay, pagkaing dagat, iodized salt at mga produktong pagkain na hinaluan ng mga sustansiyang ito. Para makasiguro na sapat ang Sangkap Pinoy sa katawan ng bata, liban sa gulay, karne, isda at iba pang pagkain, pakainin ang mga bata ng mga pagkaing hinaluan ng Sangkap Pinoy na ibinebenta sa mga tindahan, palengke at grocery. 555 Sardines, Star Margarine, Tang Juice, Lucky Me Instant Mami, Pipo Chips, Nico Chips at iba pa. Papaano makasisiguro na ang produktong pagkain ay dinagdagan ng Sangkap Pinoy? Kung ang inyong biniling produktong pagkain ay may Sangkap Pinoy Seal, makasisiguro kayo na ang inyong biniling pagkain ay talagang hinaluan sa Sangkap Pinoy. Ang selyo ng Sangkap Pinoy ay nagbibigay katiyakan na ligtas at sapat ang dinagdag na sustansiya sa produkto dahil ito ay inaprubahan ng Department of Health.
2. Ang Karagdagang Iron Sino ang maaaring bigyan ng karagdagang iron? Ang karagdagang iron ay dapat ibigay sa mga sanggol edal 2 hanggang 11 buwang gulang na kulang sa 2.5 kilo ang timbang nang ipinanganak. Ano ang kahihinatnan ng batang may kakulangan sa iron? • Mahina ang katawan • Madaling magkasakit • Maputla • Medaling mapagod
• • • •
Walang gana kumain Hindi makatulog ng maigi Mabagal mag-isip Mahina sa klase
Papaano maiiwasang ang kakulangan ng iron sa mga bata? • Ang buntis na nanay ay dapat kumain ng sapat na masustansiyang pagkain na nanggagaling sa Go, Grow, Glow na pagkain. • Eksklusibong pasusuhin ang sanggol ng gatas ng ina mula pagkapanganak hanggang anim na buwan. • Pasusuhin ang sanggol ng colostrums, ang unang gatas na lalabas sa suso ng nanay • Pakainin ang mga bata ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng atay, karne, itlog, monggo at madahong gulay. Samahan ang mga pagkaing ito ng pagkaing sagana sa Bitamina C. • Iwasan ang pag-inom ng kape at tsaa. 3. Karagdagang Iodine Ang batang kulang sa “iodine” ay mabagal ang paglaki at mahina ang pag-iisip. Maaaring magkaroon ng bosyo ang batang kulang sa “iodine”. Siguraduhin na ang inyong pamilya ay gumagamit ng “iodized salt” araw-araw para makatulong sa normal na paglaki ng mga bata. 4. Kakulangan sa Bitamina A Ano ang kahihinatnan ng batang kulang ng Bitamina A? • Mahina ang resistensiya ng katawan • Medaling kapitan ng sakit at impeksyon gaya ng tigdas, pagtatae, pulmonya at malnutrisyon • Maaaring mamatay dahil sa sakit at impeksyon Ano ang mga dahilan ng kakulangan ng Bitamina A sa bata? • Hindi pinasuso ng colostrums • Hindi purong pagpapasuso ng gatas ng nanay mula sa pagkapanganak hanggang anim na buwan • Ang pagkain ay hindi sagana Bitamina A • Mabagal ang pagtanggap o mabilis ang paggamit ng katawan sa Bitamina A kapag may sakait. Ano ang palatandaan ng kakulangan ng Bitamina A sa bata? • Nahihirapang makakita sa dilim o parang may “matang manok” • Ang putting bahagi ng mata ay may parang bula ng sabon • May pagkasira ng paningin at tuluyang pagkabulag • Mga batang may malnutrisyon, may tigdas, diarrhea o pagtatae Papaano maiiwasan ang kakulangan ng Bitamina A sa mga batang 0-5 taong gulang?
• • •
Pasusuhin ang bagong panganak ng colostrums Ekslusibong pasusuhin lamang ng gatas ng ina ang sanggol mula 0 hanggang 6 na buwan. Pakainin ang bata mula anim na buwan ng mga pagkaing sagana sa Bitamina A tulad ng: Itlog, atay, gatas, keso, dilid, alimango Madahong gulay tulad ng dahon ng gabi, talbos ng kamote, malunggay, kangkong, alugbati, saluyot, petsay; Dilaw na prutas at gulay tulad ng hinog sa mangga, karot, kalabasa, kamatis