BANGKANG PAPEL I-
Bakgrawn ng Awtor: Genoveva Edroza Matute
Si Aling Bebang ay ipinanganak noong ika- 3 ng Enero, taong 1915. Siya ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na magiging Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Namatay siya noong ika- 21 ng Marso, taong 2009 sa kanyang sariling kwarto sa edad na siyam napu’t apat (94). II-
Mga Tauhan:
Batang Lalaki- gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman. Ina- ina ng batang lalaki at ni Miling Miling- kapatid ng batang lalaki Tatay- ama nina Miling at ng batang lalaki na napaslang ng mga kawal Mga Kapitbahay: Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading, Feli, Turing, at si Pepe
III-
Buod ng Banghay:
IV- Tunggalian
Tao vs Kalikasan:
Patuloy na pag-ulan sa loob ng limang araw sa lugar na titirhan ng batang lalaki at ng kanyang pamilya .
Tao vs Tao:
Pagkamatay ng kanyang ama sa sagupaan ng mga kawal at ng taong-bayan. V-
Punto de Vista
Ikatlong Panauhan:
Ang kwento ay isinalaysay ng Awtor. Sa tuwing makakakita siya ng bangkang papel ay nagbabalik sa kanyang gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman. VI-
Istilo ng Awtor Flashback:
Ginunita ng Awtor ang mga nangyari sa bata, sa kanyang pamilya, sa VII-
Tema/Paksang-diwa
Ang Tema ng kwento ay tungkol sa batang lalaki na hinihintay ang pagdating ng kanyang ama, kasama na dito ang
paghahangad niya na palutangin ang mga bangkang papel na kanyang ginawa.
VIII-
Implikasyong Kultural
IX-
Implikasyon ng Pamagat
Ang Pamagat ay tungkol sa mga bangkang papel na ginawa ng batang lalaki na hindi niya napalutang sa tubig kailanman. X-
Teoryang Pampanitikan TEORYANG REALISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.